Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter forty seven

910 16 2
By topally

JANUARY 2018


Nagising akong sobrang gaan ng pakiramdam ko at kahit sa pag unat ay hindi parin natanggal ang ngiti ko habang nakapikit pa ang dalawang mata. Ah, ang sarap! Ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganito ka-gaan at ka-sarap gumising sa umaga. Yung wala ka ng inaalala pag gising mo yung para bang solve na lahat ng problema mo. Hindi ko na nararamdaman yung malaking batong pasan pasan ko sa likod ko at para bang tuwing gigising ako may magandang bubungad sa pag gising ko at excited na excited ako sa mga araw na darating.

Ayoko ng mawala pa ang pakiramdam kong ito dahil kung tutuusin ito ang pinaka magandang ngyayari saakin tuwing umaga.

Sino ba namang hindi matutuwa na sa tuwing imumulat mo ang mga mata mo, ang taong mahal mo agad ang bubungad sayo?


Nakalipas na ang isang buwan mag mula ng pagdating namin sa Manila matapos ng out-of-town trip namin mag babarkada kasama sila Mommy at Kijan. Ang buong akala ko nga pagkauwi namin sa Manila, balik na ulit sa reyalidad. Madalang ulit kami mag usap magkakaibigan at kung magkita, kulang kulang. Akala ko babalik na ulit si Mommy sa pagiging strikto niya at pagiging busy sa trabaho.

Pero nagkamali ako. Lahat lang pala 'yon akala ko lang. Simula ng out-of-town trip na 'yon, lahat nag bago. Para lang ulit kaming magbabarkada nung mga highschool days and college days. Napapadalas ang pagkikita at hindi nawawalan ng komunikasyon sa isa't isa. Si Mommy, busy padin naman siya sa trabaho niya pero hindi na siya naging strikto saakin. Hindi na kagaya ni Lola pagdating sa pagiging perfectionist. Sa paningin ko ngayon, para na siyang isang typical na Ina. Kagaya lang ng mga ibang Nanay na nag bibigay atensyon sa mga Anak nila kahit na matanda na ako at hindi na kailangan ng gabay pero para kay Mommy, kailangan padin.

Hindi ko ba alam. Kung kailan tumanda na ako, saka ko lang naramdaman na may Nanay pala akong nandyan para saakin. Ngayun ko lang kasi nakita kay Mommy 'yon. Isinasantabi niya na ngayon ang trabaho niya para saakin. Kapag sunday, It's family day. Nakakalabas kami ni Mommy ng kaming dalawa lang. Kumakain sa labas, nanonood ng sine at ngayon ko lang nalaman na kaparehong kapareho ko pala si Mommy pagdating sa pag sho-shopping. Sabagay, kanino ba naman ako mag mamana? Syempre sakanya.

Minsan pinapasama ni Mommy si Kijan at lumalabas kaming tatlo. Hindi naman ganon kahirap sumingit sa oras ng isang sikat, mayaman, at napaka daming ari-arian sa mundo, ano? Ang lakas ko kaya sakanya! Lalo na kay Mommy. Hindi talaga siya makakatanggi kapag inaaya siya. Mas malapit pa nga sila sa isa't isa at kung magbulungan akala mo mag jowa. Minsan nga gusto ko nalang silang iwan dalawa dahil sa paglakad nauuna sila at nasa likuran lang nila ako. Ang dating naging instant alalay slash body guard pa nila akong dalawa.

Pero, okay narin. At the end of the day kami namang dalawa ni Kijan ang magkasama at magkausap. Mas gusto daw kasing kilalanin ni Mommy si Kijan bago niya ako ibigay. Odiba, parang humahanap lang ng mag aampon saakin? Syaka hindi naman ako yung dinudumog kapag may nakakakilala kay Kijan kundi si Mommy. Well, sikat lang naman ang boyfriend ko at maraming umiidolo sakanya. So proud of my bebe love talaga!


"Ang aga aga ngumingiti ka dyan." Napadilat ako ng mga mata ko at ibinaba ang mga kamay kong inuunat ko kanina. Nakita ko si Kijan na siyang kakapasok lang ng kwarto habang naghahanda na para pumasok sa trabaho.

Napabalikwas naman ako sa kama at napatindin sa alarm clock. Omygosh! 10 am na! "Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong tanong habang bumaba ng kama at nag susuot ng slippers.

"Humihilik ka pa kanina eh. Masyado yata kitang napagod kagabi." Nakita ko na naman ang ngiti niyang nakakaloko habang inaayos ang necktie niya. Bwiset talaga 'tong lalakeng 'to!

Pinalo ko naman ang braso niya. "Heh! Manahimik ka nga! Kasalanan mo 'to! Hindi tuloy kita napagluto ng agahan!" Inis kong sabi sakanya habang nagmamadaling lumabas ng kwarto. "10:30 pa naman ang pasok mo, diba? Sandali magluluto ako." Nagmamadali kong sabi. Palabas na sana ako ng kwarto ng hilahin niya ang damit ko dahilan para mabalik ako sa kinatatayuan ko sa harap niya.

"Huwag na. Magpapabili nalang ako ng makakain ko papasok." Kalmado niyang sabi.

Nalungkot naman ang itsura ko. Hay, pangalawang beses na 'to na hindi ko siya nalutuan ng agahan dahil sa late ako magising. Nag aalarm naman ako pero bakit hindi tumutunog. Baka sira na naman yung alarm clock na 'yon! "Pero hindi healthy 'yon. May mga presevative na nakalay don." Sagot ko.

"Hindi po. Don't worry about me, okay? Sanay naman akong hindi kumain ng breakfast. Coffee is enough for me." Sabi niya at hinimas himas ang pisngi ko.

Bumusangot naman ang mukha ko bago hawakan ang necktie niya at pinagpatuloy ang pag tali dito. "Hindi padin okay na kape lang ang ipinapasok mo sa tiyan mo tuwing umaga. Bukas talaga, promise! Ipagluluto kita." Sabay taas ko ng kamay tanda ng pangangako.

Nakita ko ang pag tawa niya dahilan para makita ko ang mapuputi nitong ngipin at dimples niya. Umagang umaga, ganiyan makikita ko? Sinong hindi mae-excite magising hindi ba? "Hay, ilang alarm clock na naman kaya ang papatayin ko bukas?" Namomroblemang sabi niya habang natatawa.

Tinuro ko ang mga alarm clocks na nakalagay sa magkabilang side table namin. "Hindi sira ang mga 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Umiling naman siya. "Ha? Eh bakit hindi ako nagising?" Sagot ko ng puno ng pagtataka.

"Ewan ko nga kung bakit." Kibit balikat nitong sagot. "Nagsisimula parati ng 6am ang alarm mo tapos 6:05, 6:10, 6:15, 6:20 hanggang 7:00. Hindi ko na mabilang kung ilang alarm clocks pa ang dapat kong patayin na mismo yung cellphone ko nag set ka narin ng alarm. Ganyan kaba katulog mantika?" Hindi ko alam kung sermon ba 'yon or may care siya?

Naalala ko na naman yung kagabi. Ewan ko, bigla biglang nag si-sink in sa utak ko. "Ikaw kasi eh! No more rounds mamayang gabi so that makapag prepare ako sayo ng masarap at healthy na breakfast, ha?"

Napataas naman ang kilay niya saka pinamewang ang magkabilang kamay sa bewang niya. Sagana kasi 'tong lalakeng 'to tuwing gabi eh. Napalitan ng ngiting nakakaloko ang kaninang nagmamataas nitong kilay. "Okay ng walang breakfast basta--"

Pinalo ko ang braso niya kaya napadaing siya. "Bastos ka talaga!"

"Bakit? Mag asawa na naman tayo, ah!" Sagot niya habang hinihimas himas ang braso niyang pinalo ko.

Uulitin ko sanang paluin siya ng bigla siyang umiwas. "Hindi pa, noh! Mag asawa ka dyan!"

Lumapit na siya saakin at niyakap ako. "Love, hindi mo na naman kailangan gumising ng maaga para lang saakin. Gusto kong maranasan 'yan kapag totoong mag asawa na tayo." Sabi niya at humalik sa noo ko. "Huwag mo akong sanayin ng ganyan. Baka hanap-hanapin ko." Dagdag niya.

Kumawala ako sa pagkakayakap niya saakin at tumingin sa mga mata niya. "Hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan kaya mas mabuti ng masanay ka dahil sakin wala ka ng kawala." Naka ngiti kong tugon.

Nakita ko naman ang pag silay ng ngiti sa labi niya matapos kong sabihin iyon saka ako muling niyakap ng mahigpit at paulit ulit na hinalikan ang ulo ko. Ugh, I love waking up this way. Matapos nun ay tuluyan ng umalis si Kijan sa bahay at pumasok na sa trabaho niya.

Naiwan na naman ako sa malaking mansion niyang tahanan. Wala akong kasamang mga Maids dito dahil sa susunod na linggo pa ang balik nilang lahat. Pinag bakasyon muna ni Kijan dahil sa sumapit na pasko at bagong taon. Nung unang pag punta ko dito, lahat ng Maid ay binati ako at nag didiwang sila sa pagbabalik ko kahit na 'yun palang ang una kong punta sa bahay ni Kijan. Pero nung pinasok at nilibot ko ang buong bahay niya, naging pamilyar saakin ang bawat sulok nito pati narin ang mga gamit. Doon ko lang napagtanto na itong bahay pala na ito ang iniisip kong balikan noon pa man dahil gusto kong magpasalamat sa mabait nilang amo na siyang pinatuloy ako at hindi pinabayaan ng mga Maids niya.

Ang kinalabasan, si Kijan ang may ari ng maganda at malaking bahay na 'to. Siya ang amo na tinutukoy ko. Dati palang talaga, hindi na ako pinapabayaan ni Kijan at palagi siyang nandyan kahit saan ako mag punta.


Kasalukuyan akong nasa kusina habang nag hahanda ng tanghalian ko lang sana. Dapat talaga pang one person lang ang lulutuin ko since wala naman si Kijan at wala din mga Maids dito kundi ako lang mag isa, nag luto ako ng legend na Sinigang na Baboy. Yung paboritong paborito ng Mahal ko. Nakaisip kasi ako ng way para naman hindi na kumain si Kijan ng may mga preservatives, dadalhan ko nalang siya ng pagkain. Ngayon ko lang ito gagawin sa buong buhay ko. Ang paghatiran siya ng pagkain sa opisina niya. Actually noon ko pa pinapangarap na gawin 'yon sa magiging asawa ko. Ngayon, sigurado na ako na siya na nga talaga. Alam ko naman na kapag naging mag asawa kaming dalawa, araw araw ko ng gagawin 'yon.

Kumbaga ba, practice na itong ginagawa ko. Hindi naman din gaano kalayo ang Querencia mula dito sa bahay. Syaka ang tagal narin magmula ng punta ko doon. Yung panahon pang nagalit ako noon kay Kijan--argh, nevermind. Dadaanan ko narin sila Cha at Anj. After all, may pinagsamahan din naman kami. Hindi ko narin sila nakamusta mag mula non. Syaka si Mr. Zhi Shu. Somehow, nakakamiss din pala ang pagiging nagger niya.


Pagkarating ko ng Querencia habang dala dala ang lunch box na pinrepare ko para kay Kijan, dire-diretsyo na akong pumasok. Nasa akin padin naman ang ID ko noon nung nag ta-trabaho pa ako dito kaya meron parin akong access para pumasok sa loob. Umuwi muna ako sa bahay namin para mag ayos dahil ayoko namang magpunta dito ng mukha akong loshang, ano? Hindi pa nga mag asawa at wala pang anak, loshang na loshang na ang itsura ko. Hindi pwede 'yon! Kailangan kong imentain ang beauty na meron ako para hindi maghanap si Kijan ng iba. Aba, subukan niya lang talaga.


Pagkarating ko sa floor kung saan ang opisina ng CEO, biglang nag flash back sa isipan ko yung panahong nag punta kami ni Dace dito dahil gusto niyang puntahan ang CEO ng Querencia. Puno ng takot ang naramdaman ko ng panahon na 'yon dahil hindi 'yon kasama sa iniutos saakin ni Mr. Zhi Shu at dahil narin sa takot kong makaharap ko ang CEO ng Querencia na hindi ko inakalang si Kijan ang tinuturing nilang Big Shot na kinatatakutan ng lahat.

Yung kinatatakutan nilang lahat, siya ang taong nag aalis ng mga takot ko sa mundo at kaya akong ipaglaban kahit kanino. Mali sila ng pagkakakilala sakanya dahil siya ang pinaka mabait na taong nakilala ko sa buong mundo. Syaka, normal lang naman siguro 'yon kapag nag ta-trabaho ka sa ganitong kalakeng kompanya. Madalas talagang katakutan ang CEO dahil nga siya ang pinaka head ng pinag ta-trabahunan niyo.


Pumasok na naman sa isip ko si Dace. Isang buwan ko narin siyang hindi nakikita. Wala narin akong narinig tungkol sakanya. Nung minsan namang itext ko siya, hindi siya sumasagot. Ang huling kita at paguusap namin, eh nung nasa Villa pa kami kasama ang Daddy niya. Pagkatapos nun, bigla nalang siyang nawala ng parang bula. Tinatanong siya nila Mommy at nila Valie saakin kung nasaan siya kasi hindi na namin siya kasama nung pauwi na kami sa Manila. Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil nga sa wala naman siyang sinabi saakin kaya ang sinagot ko nalang ay mayroong importanteng ngyari tungkol sa trabaho kaya nagmadali na siyang umuwi. Naniwala naman sila. Hindi ko kasi matandaan na ang bahay niya dahil sa layo nun kaya hindi ko rin siya mapuntahan. Naghihintay nalang ako ng isang araw mag text siya o tumawag man lang siya saakin para naman malaman ko kung buhay pa ba ang kupal na 'yon.


"Do you have an appointment with Mr. President?" Tanong ng babaeng nakatayo sa harap ng counter malapit sa pintuan ng CEO office.

Oo nga pala, hindi ko nasabihan si Kijan na pupunta ako ngayon. Balak ko kasi na isurprise siya. Ang corny naman kung tatawag ako sakanya at sabihin na pupuntahan ko siya na may dalang pagkain pero mag act siya na hindi niya alam kasi isusurprise ko siya, diba?

Umiling naman ako. "Wala eh. Pero kilala niya ako. Okay lang ba kung tawagan mo siya at pasabi na nandito ako." Sabi ko.

"Mr. President is having a meeting right now. He'll be back aften an hour. Can I have your name nalang po?" Sabi niya at inihaya ang isang folder na naglalaman ng mga list ng may appoinment kay Kijan. "Ano pong concern nila?" Dagdag niya at binigyan ako ng ballpen para isulat ang pangalan ko.

Inilapag ko ang dala kong lunch box sa may counter. Ang dami kasing tanong. Ganun ba talaga kapag kailangan makita si Kijan? "Magdadala kasi ako ng lunch para sakanya."

Tumango tango naman siya. "Ah, mag de-deliver po ng food." Whoa, mukha ba akong deliveryman? Sa ayos kong 'to? Loko 'tong babaeng 'to ah!

Taas noo ko naman siyang tinignan at tinap ang dibdib ko. "No, I'm his girlfriend." Madiin kong sabi with a resting-bitch-face-look.

Para namang hindi naniwala ang babaeng 'to sa sinabi ko at napakamot pa siya sa noo niya. Napataas naman ako ng kilay habang nakatingin sakanya. "Ang dami na pong nag punta dito na ayan po ang sinasabi nila to meet Mr. President. And as of today nakaka seven na po. Pang eight po kayo actually na nag sabi niyan." Sabi niya at itinuro ang mga list ng nag punta dito para makausap si Kijan. Nakita ko naman ang mga pangalan ng babaeng nakalista. Nakalagay din sa mga concern nila na girlfriend sila at ang iba fiancee at asawa pa ang inilagay

Aba't ang lalakas ng mga sapak nitong mga babaeng 'to! Napatingin ako ng ilapag ng babae ag ilang mga lunch box sa harap ko. Iba't ibang kulay at iba't ibang mga design pa ng lunch box. Pamibihira, akala ko sa teleserye lang 'to ngyayari pero pati pala sa totoong buhay. Hay, nakalimutan kong umibig pala ako sa isang sikat na lalake sa buong mundo.


Kinuha ko ang lunch box ko bago pa mapasama sa mga lunch box na 'yon. "Ako nga ang girlfriend niya." Giit ko.

"Wala pong girlfriend si Mr. President." Sagot naman nitong babaeng 'to. Nakakainit siya ng bunbunan, ah!

"Anong wala? Eh anong tawag mo saakin? Multo?" Sarkastikong sabi ko.

"Hintayin niyo nalang po ang pagbalik ni Mr. President." Kalmadong sabi niya. Kalmado din naman ako pero ang nakakainis lang talaga yung nag sasabi ka ng totoo pero ang hirap i convince ng taong kausap mo so parang wala lang din.

"Talaga! Siya mismo ang magsasabi sa harapan mong girlfriend niya ako makikita mo. Tsk, nakakainis 'to." Sabi ko at nag punta na sa waiting area saka umupo doon.

Napa crossed arms nalang ako habang hinihintay si Kijan. Hindi padin nawawala ang inis ko doon sa babaeng satingin ko ay Secretary ni Kijan. Ah, ewan ko ba kung sino siya at anong papel niya dito sa Querencia. Hindi ko inakalang ganito ang takbo tuwing makikipag kita ka sa isang respetadong tao. Sa isang katulad ni Kijan sa labas ng bahay. Kapag naman kasi nasa bahay kaming dalawa, para lang kaming normal na mag couple. Hindi ko kailangan mag wait sakanya ng matagal at hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko sa iba kung ano ba talaga ako ni Kijan at kung anong relasyon ang mayroon kami.

Pero dito sa loob ng kompanya niya, parang napaka layo namin sa isa't isa. Pakiramdam ko nga pag nasa labas na kami ng bahay, isa narin ako sa mga taong hinahangaan siya. Isa narin ako sa mga taong lilimitahan ang galaw kapag nasa paligid siya.








Ayoko ng pakiramdam na 'yon.




















Gusto kongmaramdaman na isigaw niya sa buong mundo na, ako yung babaeng mahal niya.











**

"Mikee?" Halos mangiyak ngiyak akong lumapit kay Kijan ng makita ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hindi mag tigil ang luha ko sa pagpatak.

"Mabuti naman at dumating kana! Kanina pa niya ako hindi pinaniniwalaan!" Sumbong ko at tinuro ang babaeng nasa counter pero nagulat nalang ako ng makitang wala siya doon. Napalinga linga ako sa paligid at nagulat nalang ako ng makita kong hawak hawak ni Kijan ang kamay ng babaeng 'yon.

"Babe, nahihibang na ba siya? Kanina niya pa kasi sinasabing girlfriend mo siya. Ayaw niyang umalis at gusto daw niyang ikaw mismo ang magsabi nun saakin." Malanding sabi ng babaeng 'to habang may paghimas pa sa dibdib ni Kijan. Argh, ito ata ang nahihibang eh! Why is she touching my lovidabs?!

"Manahimik ka!" Sigaw ko at yayakapin ko na sana ulit si Kijan ng bigla siyang lumayo saakin. Puno naman ng pagtataka akong napatingin sakanya.

"Don't talk like that to my fiancee." Sagot ni Kijan habang hawak hawak padin ang kamay ng babaeng mas malandi pa sa pusa ng kapitbahay namin.

Wait, what? Fiancee daw?!

Ngumiti naman itong babaeng 'to na parang dine-dysmenorrhea. Nakakainit ng kalamnan ang itsura ng babaeng 'to! "You heard him clear. You can go now and take your garbage." Sabay bato nito ng lunch box na ginawa ko para kay Kijan. Hindi ko agad ito nasalo kaya naman nalaglag ito sa sahig saka ko unti unting nakita ang pagtapon ng sabaw ng Sinigang na Baboy na niluto ko. At habang pinapanood itong kumakalat sa sahig, parang pinupunit punit ang puso ko pirapiraso.

"NOOOO!" Sigaw ko at napaupo sa sahig.








"Love?" Napadilat ako ng mga mata ko at bumungad sa harap ko ang mukha ni Kijan na siyang nakatingin saakin ng puno ng pag aalala. Agad naman akong napayakap sakanya at nag pasalamat na panaginip lang 'yon. "Did you had a bad dream?" Tanong niya habang nakayakap din saakin.

Napapikit akong muli at doon bumagsak ang luha ko. Umiiyak na pala ako. Tumango tango ako habang tuloy sa pag iyak. "Yes, I do and It was a nightmare." Sabi ko ng humihikbi.

Hinimas himas naman ni Kijan ang likod ko at para nitong sinasabi na hindi ko na kailangan pang mag alala dahil nandyan na siya sa tabi ko. "Shhh, tahan na. Nandito na ako. You don't need to worry." Pagpapatahan niya saakin habang hinihimas himas ang likod ko.

Napatingin naman ako dun sa babaeng nasa counter na kasalukuyang nasa likod ni Kijan at katabi si Mr. Filloso. Tinapik tapik ko ang likod ni Kijan kaya napaalis siya sa pagkakayakap saakin at napatingin sa mga mata ko. Nang makita niya kung kanino ako nakatingin, siya namang sunod din ng tingin dun sa babae.

"Mr. Scott, pasensya na po talaga kayo. Hindi ko po alam na siya ang girlfriend ninyo. Napaka rami pong nag pupunta dito araw araw claiming na kayo po ang girlfriend, asawa at fiancee nila para lang po makita kayo kaya inakala ko po na isa siya sa mga 'yon. Pasensya na po. Nagiging maingat lang po ako. I'm sorry Mr. President." Pag hingi niya ng paumanhin habang nakayuko ito na parang aminadong aminado sa nagawa niyang pagkakamali. Habang tinitignan siya, nakakaawa din pala kahit inis na inis ako sakanya sa panaginip ko. Nag iingat lang talaga siya kaya ganun ang ginawa niya.

"You should atleast call or text my assistant, Cathy." May inis sa tonong sabi ni Kijan. Napahawak naman ako sa braso niya kaya napatingin siya saakin.

"Ayaw niyo na pong gawin ko 'yon sa tuwing may ngyayaring ganito. Hindi na po mauulit, Mr. President. Pasensya na po talaga kayo." Nakayuko padin niyang sabi. "Pasensya na po, Ma'am." Sabi nito saakin.

Ngumiti naman ako at tumayo sa kinauupuan ko saka lumapit sakanya. "Apology accepted. Okay lang 'yon. Sorry din kung naging sarcastic ako sa'yo kanina." Nakangiting tugon ko. Iniangat niya ang tingin saakin at nakita kong teary eye na siya kaya tinap ko ang balikat niya ng hindi padin inaalis ang mga ngiti sa labi ko. "Tandaan mo ang mukhang 'to. Ito lang ang nag iisang girlfriend ni Mr. Kijan Scott." Pagpapatuloy ko. Tumango tango naman siya at unti unti ko ng nakita nag ngiti sa labi niya.





Binuksan ko ang lunch box na pinrepare ko para kay Kijan at habang binubuksan 'yon, nakikita ko na ang excitement sa mga mata niya at hawak hawak pa ang kutsyara't tinidor sa magkabila nitong kamay. "Ta-da!" Masayang sabi ko ng mabuksan ko na ang lunch box na nag lalaman ng Sinigang na Baboy.

Pina-microwave ko pa 'to dahil hindi na mainit. Mas masarap pag mainit niya itong makakain dahhil madami daming sabaw ang nilagay ko buti nalang hindi natapon. "Wow, sinigang! My all time favorite tapos luto pa ng mahal ko!" Natutuwa niyang sabi na parang batang binilhan ng pasalubong ng nanay niya with matching yakap pa sa baiwang ko. Nakaupo kasi siya sa habang ako nakatayo sa gilid niya.

"Kumain kana," nakangiting tugon ko.

"Opo!" Hay, how can he act cute and hot at the same time? Nagsimula na siyang kumain ng niluto ko at habang kumakain siya, naupo ako sa kaharap niyang upuan. Bawat higop at pag subo nito, nakikita ko ang tuwa sa mga mata niya.

Wala talagang magkakamali sa Sinigang na Baboy kapag 'yon ang niluluto ko sakanya. Iba ang sayang nakikita ko sakanya kapag 'yon ang kinakain niya. Iyon kaya ang palaging niluluto sakanya ng Mama niya nung bata pa siya? "Masarap?" Tanong ko.

Tumango tango naman ito habang tuloy lang sa pagkain. "You never fail making this dish!" Sagot niya habang puno ng pagkain sa bunganga niya.

"Hinay hinay lang, Mahal. Wala namang naghihintay sa'yo." Sabi ko at tumayo para kumuha ng tubig.

Sa pag tayo ko ay siya namang pag sikip ng dibdib ko at pag labo ng paningin ko. Napahawak ako sa lamesa bilang pag alalay at pumikit ng madiin. Lagi nalang itong ngyayari saakin hindi ko maintindihan. Para akong mawawalan ng balanse. "Love, bakit?" Iminulat ko na ang mga mata ko at napatingin kay Kijan. Ang lapit lapit ko lang naman sakanya pero ang labo labo ng mukha niya saakin.

Umiling ako. "Wala. Ikukuha kita ng tubig dahil baka mabulunan ka pa." Sabay tawa ko at tinapik tapik ang balikat niya. Nagpatuloy na akong lakad at ipinilit idiretsyo ang paglalakad ko kahit na ang labo ng paningin ko at hindi gaanong makakita.

Napailing iling ako at ilang beses na ipinikit ang mata ko pero wala pading ngyayari. Ipinagpatuloy ko na lang pagkuha ng tubig. Natagalan pa bago ako bumalik dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ang mga mata ko tapos parati nalang sumisikip ang dibdib ko.

Sinalinan ko na ng tubig si Kijan sa baso. Nang mailapag ko ito sa lamesa, narinig ko nalang ang malakas na pagbagsak nun sa sahig at nabasag ang basong may lamang tubig. "Sorry, sorry.." Uupo na sana ako at kukunin ang mga bubog ng tumayo si Kijan sa kinauupuan niya at tinayo ako.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya. Tumango naman ako at balak pa sanang kunin ang basag na baso ng iupo niya ako sa kinauupuan niya kanina. "Ako ng bahala dito. Maupo ka nalang dyan." Dagdag niya.

Habang tinitignan si Kijan na siyang pinupulot ang mga nag kalat na piraso ng basag na baso, saka ko lang naisip na hindi ko tamang nailapag ang baso sa lamesa dahil sa labo ng paningin ko. Hirap kong makita ang nasa paligid ko kaya bumagsak ito sa sahig at nabasag.

"Mr. President, ano pong ngyari?" Narinig kong sabi ni Mr. Filloso na siyang kakapasok lang ng pintuan.

"Nasanggi ko lang ang baso kaya nalaglag at nabasag." Sagot ni Kijan habang patuloy sa pagpulot ng mga piraso ng baso.

"Baka masugatan po kayo. Magpapatawag ako ng mag lilinis." Saka dali dali ng lumabas si Mr. Filloso para tumawag ng maglilinis.

"Ah!" Napatingin ako kay Kijan ng marinig ko ang pag daing niya. Unti unti ng lumilinaw ang mga mata ko at nakita ko na ng maayos ang pagdugo ng daliri nito.

Tumayo ako agad at hinawakan ang kamay ni Kijan saka nag punta sa may couch kung saang walang mga bubog. Inupo ko siya doon at tinanong kung nasaan ang first aid kit niya. Itinuro naman niya saakin at agad ko itong nakita.

"Daplis lang 'to. Napaka layo nito sa bituka. Hindi mo naman na kailangan gawin 'yan." Pag puna niya saakin habang nilalagyan na ng band aid ang daliri niya.

"Kahit na ba. Huwag ka ng makulit." Sabi ko sakanya habang full attention sa paglalagay ng band aid.

"Love, okay ka lang ba?" Napatingin ako sakanya ng tanungin niya 'yon saakin at kita ko sa mga mata niya na puno ito ng pag aalala.

Ngumiti ako ng tumatango. "Oo naman." Sabi ko at binitawan na ang kamay niya dahil tapos ko ng lagyan ng band aid ang daliri niya. "Ikaw, okay ka lang ba? Ako ang may kasalanan kung bakit ka nadaplisan pero sinabi mo ikaw ang nakalaglag ng baso." Pag iiba ko ng topic.

Tumawa naman siya at sumandal sa couch. "Kaysa naman ikaw ang masugatan. Ayaw nga kitang nasasaktan tapos sa ganitong simpleng bagay, hahayaan kitang masaktan? Ayokong madaplisan ka kahit pa gaano kaliit 'yan. AYOKO." Ito na naman po siya sa mga banat niyang hindi ko mapipigilan hindi mapangiti ng bongga!

"Tsk, lover boy." Sagot ko at hindi na mawala wala ang ngiti sa labi ko.

"Gusto mo samahan kitang mag pa-check up sa Ophthalmology?" At doon na nga nawala ang ngiti ko. Opthalmology? Sa mga mata 'yon, hindi ba?

"Ha, para saan?" Sagot ko as if na parang wala akong alam.

"Hindi ba may night blindness ka? Hindi ka nakakakita sa dilim. Ayaw mong pinapatay ang lamp shade tuwing matutulog. These past few days napapansin ko na parang hirap kang makakita. Hindi ko nalang sinasabi sa'yo dahil gusto ko na ikaw mismo ang mag sabi saakin." Hindi ko inakalang kahit anong tago ko kay Kijan ay napapansin niya 'yon. "Tell me, malabo na ba ang mga mata mo? Magpalagay kana ng eye glasses." Dagdag niya.

Napayuko naman ako at napahawak sa mga kamay ko. Sana nga panlalabo lang ng mga mata ang nararamdaman ko. Pero pati narin ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sikip nito at ang hirap hirap na mismo makakita na parang nandidilim na ang mga paningin ko.

Isinuot ko muna ang mga ngiti ko bago tumingin sakanya. "Ano ka ba, bata palang ako may night blindness na ako. Ganun din naman si Mommy. Nasa generation namin 'yon. Siguro kulang lang ako sa tulog kaya." Sagot ko para hindi na siya mag alala saakin.

"Are you sure?"

"Oo naman. Why would I lie to you?" Confident kong sagot.

"Just to make sure mag pa check up ka sa Ophthalmology. As soon as possible, okay?" He commanded. Natatakot akong malaman ang resulta ng test na 'yon. Kumbaga ba sa labasan ng grades. Natatakot akong makakita ng bagsak sa card ko. Ganun yung nararamdaman ko 10x pa don. I have a bad feeling about it pero gusto kong maging optimistic.

Tumango ako. "Okay."

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ng diretsyo sa mga mata ko. "Sasamahan kita bukas. Sasabihin ko kay Cathy na i-resched ang mga meeting ko for tomorrow."

"Ano ka ba, huwag mong gawin 'yon. Pupunta ako bukas sa Ophthalmology. Huwag mong i-resched ang mga meetings mo para lang saakin." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.

"Okay, fine. Magpasama ka nalang kay Valie."

Tumango tango ako at hinalikan ang labi niya. "Yes, boss! Huwag ka ng mag alala." Sabi ko sa tonong puno ng pagiging optimistic outside pero in the inside ang dami ng negative thoughts ang pumapasok sa isip ko.


Pagkatapos naming mag usap ni Kijan, nag decide narin akong umuwi sa bahay. Nabanggit kasi ni Mr. Filloso ang 2pm na meeting nito at may mahalaga pa silang pupuntahan kaya umuwi na ako. Gusto pa ngang i-resched na naman ni Kijan ang mga gagawin niya for today dahil gusto niya pang makasama at makausap ako pero isang tingin ko lang sakanya ay para na siyang isang asong bumaba ang tainga kapag pinagalitan sila ng amo nila. Ayun, sumunod naman siya saakin at nagpatuloy na ulit sa mga gagawin niya ngayung araw. Ayaw na ayaw kong isinasantabi niya ang mga trabaho niya para lang saakin. Marami pa namang araw ang dadaan at marami pang oras na pu-pwede naming masolo ang isa't isa kaya okay lang saakin.

Ideal girlfriend na ba ako kapag ganon, charot!


Pagkapasok ko ng elevator, pipindutin ko na sana ang groundfloor button ng makita ko ang 5th number kung saan ang floor ng department na pinagta-trabahunan ko noon. Kung nasaan sila Cha, Anj at Mr. Zhi Shu. Oo nga pala, dadalawin ko sila dahil ang tagal naming hindi nag kita kita! Pinindot ko na ang 5th number at hinintay makarating doon.

Tumunog ang bell hudyat ng nasa 5th floor ako. Naglakad na ako papalabas ng elevator at dahan dahan nag naglakad papunta ng department namin. Sinilip ko muna sila sa pintuan at gaya ng dati, sobrang busy parin nilang lahat. Parang nung unang dating ko dito ganun na ganun padin ang mga ginagawa nila. Wala kang makikitang nakatunganga o naglalaro lang ng Spider Solitaire sa mga computer nila.

Nag decide na akong pumasok at dire-diretsyong naglakad papasok ng opisina. "Good afternoon sa inyong lahat!" Nakangiting bati ko. Nakita ko naman ang pag hinto nilang lahat sa mga ginagawa nila at napatingin saakin pero wala ni isa sakanila ang parang nakakakilala saakin.

Hinanap ng mga mata ko sila Anj at Cha sa inuupuan nilang dalawa pero laking pagtataka ko ng wala sila sa kinauupuan nila kundi iba na ang nakaupo doon.

"Sino po sila?" Tanong ng lalakeng lumabas sa pintuan na satingin ko ay opisina ng mga Head Department. Bakit hindi si Mr. Zhi Shu ang lumabas? Hindi ba siya ang head ng department namin? O baka, nag resign na silang tatlo?!

Tumawa naman ako at inalis ang ideyang pumasok sa isip ko. Bakit naman sila mag re-resign, eh halos dito na nga sila tumanda. "Mga bago siguro kayo halos lahat dito! Di bale, magpapakilala nalang ako sainyo." Ngiting sabi ko at tumikhim. "Ako nga pala si Mikee--"

"Excuse me, Miss. I've worked here for over 5 years now at hindi ko kailanman nakita ang mukha mo." Pag interrupt saakin nitong bago nilang Head Department.

Nakita ko naman ang pagbubulungan ng mga tao habang nakatingin saakin. "Oo, Miss. Hindi ka namin kilala."

"2 years na akong nag ta-trabaho dito pero hindi siya pamilyar saakin." Gatong naman nung isa.

"Tama, sino ba siya?" Bumubulong pa naririnig ko naman, tsk.

Hay, mukhang mahihirapan na naman akong mag convince sa mga taong 'to! Hindi na naman ako nag ta-trabaho dito, kaya bahala na. "Asan ba si Mr. Zhi Shu?" Tanong ko. Muli na naman silang nag bulungan. Aba, anong mali sa sinabi ko?


"NASA KABILANG PINTUAN PO ANG DEPARTMENT NIYA." Sabay sabay nilang sagot at tumuro pa sa gawing kanan.

Napayuko naman ako for another kahihiyan sa buhay ko. "Ay, ganun ba? Sorry sorry." Sagot ko at dali dali ng lumabas ng pintuan. Putek na 'yan! Hindi ba pwedeng kahit isang lang wala akong kahihiyang gawin?


Dahil sa ngyari, nag dire-diretsyo na akong umuwi sa bahay at hindi na dinaanan sila Cha. Kapag pa naman napahiya na ako ng isang beses, magtutuloy tuloy na at ayokong mapahiya na naman sakanila kasi gusto ko pag nag pakita na ako sakanila maiisip nilang "I'm a changed woman." Charot!


Pagkadating ko sa gate ng bahay namin, nakita ko na agad si Mommy malapit sa may garden na siyang nakaupo habang busy na nag ta-type sa laptop niya. Nakangiti naman akong lumapit sakanya. "Hi, Mommy!" Masayang bati ko.

Mula sa pagkakakunot ng noo niya, sinalubong ako nito ng ngiti pagkakita saakin. "Darling, bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay." Sabi niya pagkatapos kong humalik sa pisngi niya.

"Dumaan pa po ako sa office ni Kijan, eh." Alam naman ni Mommy na kala Kijan ako natutulog at wala naman siyang sinasabing iba. Sa bahay pa nga kami ni Kijan nag celebrate ng New Year at si Mommy mismo ang may kagustuhan nun. Umuwi rin sila Mommy at Yaya Elen nun kinabukasan. Nagpaiwan lang ako ng isa pang araw.

"Ah okay." Sagot ni Mommy at napatingin na ulit sa laptop niya. Umupo naman ako sa katabi nitong upuan. "Bakit? Nagpapaka asawa kana ba, anak?" Sabay tingin nito saakin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Tsk, Mommy talaga." Kinikilig kong sabi.

"Gusto ko si Kijan ang lalakeng mapapangasawa mo pagdating ng tamang panahon." Hindi ko naman mapigilan mapangiti sa sinabing 'yon ni Mommy.

Tumanga tango ako. "Opo, Mommy." Sagot ko. Naupo muna ako sa tabi ni Mommy at nakipag kwentuhan sakanya.


Nakakatuwang isipin na ngayon gustong gusto na ni Mommy si Kijan para saakin. Siya pa mismo ang gumagawa ng way para magkasama kaming dalawa. Hindi ko na kailangan pang mag tago tuwing mag kikita kami. Hindi na niya kinakailangan pang umakyat sa balkonahe ko para lang mag makita kami gaya ng ginagawa namin noon. Dahil ngayon, malaya na siyang nakakapunta sa bahay at gustong gusto pa siya ng mga tao dito.

Mas naging open nga ako kay Mommy at sa nararamdaman ko mag mula ng mangyari 'yon. Kapag may desisyon akong gagawin para sa sarili ko, parati ko munang tinatanong si Mommy. Hindi na tulad noon na ako lang palagi ang nag de-decide sa mga gagawin ko sa buhay ko. Hindi ako humihingi ng opinyon sa iba kaya marami ang hindi nakakaintindi saakin. Ngayon mas naintindihan ko na. Iba parin talaga pag mayroon kang Nanay na nandyan sa tabi mo kahit na anong mangyari.


"Mommy may tanong po pala ako sainyo." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong niya habang patuloy parin ang pagta-type at nakatingin ang mga mata nito sa screen ng laptop niya.

"Hindi po ba yung night blindness ko simula pa po nung bata ako?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pag hinto ni Mommy sa pag tatype niya sa laptop niya at napatingin saakin.

"Bakit mo natanong?"

Baka pag sinabi ko ang nararamdaman ko kay Mommy mag alala lang siya. Stress na nga siya sa trabaho niya tapos dadagdagan ko pa. "Wala po." Umiling iling ako. "Si Kijan po kasi hindi nakakatulog kapag bukas ang lamp shade." Pagpapatuloy ko.

Nakita kong parang nakahinga ng maluwag si Mommy pagkatapos kong sabihin 'yon. "Nako, kailangan niyang masanay ngayon palang dahil pag naging mag asawa kayo ay gabi gabi dapat na maliwanag ang kwarto niyo." Natatawang sabi niya. "Naalala ko nga noon nung bata ka iyak ka ng iyak kapag matutulog na. Ayaw na ayaw mong pinapatay ang ilaw dahil sabi mo hindi ka nakakakita sa dilim at baka may pumasok na masasamang tao sa kwarto mo at may gawin sayong hindi maganda. Gusto mo ikaw ang unang makakakita para maligtas mo kami. Kaya simula non, lagi ng iniiwan ang lamp shade mong nakabukas hanggang sa lumaki ka." Kwento ni Mommy na para bang inaalala niya ang masasayang alaala.

"Talaga po ba? Kaya pala ang laki ng kuryente natin eh." Biro ko at tumawa dahil pakiramdam ko maiiyak nalang ako bigla sa harap ni Mommy. Naiinis ako dahil hindi ko masabi sakanya ang tunay na nararamdaman ko. Kahit pa isa siyang Doctor, natatakot padin ako kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya mahalata.





Kinaumagahan, naghanda na ako para pumunta sa hospital. Mas pinili kong magpunta sa hospital kung saan hindi doon nag ta-trabaho si Mommy kahit na alam ko na 'yun ang pinaka maganda at mayroong magagaling na Doctor. Kung doon kasi ako magpapa-check up, malalaman lang ni Mommy kaagad. Kilalang Doctor si Mommy at syempre, maraming nagkalat na nurse doon at alam nilang Anak ako ni Nydia Hauser--ang Mommy ko.


Pagkadating ko sa loob ng hospital, puno na ng kaba ang naramdaman ko. Ayaw na ayaw ko pa naman mag punta dito. Kumbaga ba sa haunted place, ito ang number 1 para saakin. Ayaw ko ng amoy ng hospital kahit na gustong gusto ko naman ang alcohol. Ayaw ko ng aura dito at sa sobrang tahimik na mas nakakadala ng takot.


Itinuro saakin kung saan ang Ophthalmology kaya naman nag punta na ako doon. Napalunok nalang ako ng matapat na ako sa pintuan. Nagpakawala ako ng paghinga ko at tinapik ng dalawang beses ang dibdib ko. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Isang Doctor na babae na may katandaan na ang siyang bumungad saakin. Habang nakaupo sa swivel chair niya at may binabasang mga iilang papers.

"Come in," Sabi nito at itinaas ang tingin saakin. Para akong lantang gulay kung maglakad papalapit sakanya.

Naupo na ako sa harap nitong upuan at nag simula na siyang mag tanong about sa mga concerns ko. Matapat ko naman itong sinabi lahat sakanya at sa unang pagkakataon may nasabihan ako patungkol sa karamdaman ko. Nakinig lang ang Doctor habang patuloy akong nag ku-kwento sakanya. Kapag may tinatanong siya ay sinasabi ko ang totoo. Nang matapos ay may inihanda siyang mga kagamitan.

"We will do some test for your eyes and then after that pababalikin kita para sa test results mo." Sabi niya. Tumango nalang ako at nagsimula na niyang icheck ang mga mata ko.





"Thank you po, Doc." Nakangiting sabi ko.

"Bumalik ka after 2 days para sa results." Pagpapaalala niya.

Tumango naman ako. "Opo, salamat po ulit." Sagot ko at lumabas na ng pintuan. Kahit pa paano ay gumaan din ang pakiramdam ko dahil may nasabihan narin ako sa wakas. Pwede rin palang maging pari ang mga Doctor dahil para lang akong nag co-confess sakanya ng mga naging kasalanan ko.

Pero sa totoo lang, kinakabahan padin ako. Hindi ko pa nakikita ang test results ko patungkol sa mata ko kaya puno padin ng takot ang nararamdaman ko.





Hapon ng makarating ako sa bahay ni Kijan. Wala parin ang mga Maids kaya ako palang ang mag isa ngayon dito. I have my own keys dahil binigyan ako ni Kijan noon. Nag text ako sakanyang nandito ako sa bahay niya at habang hinihintay siya, naisip kong paglutuan siya ng hapunan. Kaysa naman libutin ko itong bahay na 'to buong magdamag eh baka ako pa ang maligaw kung lilibutin ko 'to sa laki nito. Mahina pa naman ako sa direksyon.

Gabi na at madilim na sa labas ng marinig ko ang pagdating ni Kijan sa bahay. Mabuti nalang at kakatapos ko lang mag luto. Ang tagal tagal pa namang palambutin nitong baka pero perfect timing lang ang pagdating niya.

"I smell something good, huh?" Sabi ni Kijan habang naglalakad papuntang kitchen. Habang abala ako sa paglagay ng ulam sa mangkok, naramdaman ko ang pagyakap ni Kijan mula sa likuran ko. "Sabi na nga ba, eh." Sabay halik nito sa leeg ko.

"Pag talaga luto na ang pagkain saka ka dumadating, noh?" Sabi ko habang naglalagay padin ng ulam.

"Hindi talaga ako nagugutom kapag nandito ka. Full package ang mahal ko." Sabay paulit ulit akong hinalikan nito sa leeg hanggang sa makiliti na ako.

"Love, mamaya na 'yan. Kumain na muna tayo." Sabi ko kaya inalis na niya ang pagkakayakap niya saakin at kinuha ang mangkok at siya na mismo ang naglagay nun sa lamesa.


Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan ang hindi mapahinto at tumingin lang kay Kijan. Hindi ko lang akalain na after all these years, sakanya parin ang bagsak ko. Ang dami naming pinagdaanan dalawa but we ended up being together sa lahat ng humadlang at sa dami ng problemang kinahanap namin. Kahit minsang bumitaw ako sa mga kamay niya, muli niya akong hinanap at hawakan ulit ito. Mali. Hindi pala siya kailanman nawala sa tabi ko.


"Nagpunta ka ba ngayon sa Ophthalmology?" Nabalik ako sa wisyo ng tanungin niya ako niyan.

Tumango ako at uminom sa baso ko ng orange juice. "Yeap, babalik ako doon after 2 days for my test results." Sabi ko at inilapag ng muli ang baso sa mesa. "Pero sabi naman ng Doctor, baka kulang lang daw ako sa tulog kaya minsan nakakaramdam ako ng pagkahilo at panlalabo ng mata." Sagot ko pa kahit na walang sinabing ganon ang Doctor. Ayoko lang talaga mas mag alala pa siya.

Panandalian siyang hindi sumagot at nakatingin lang ng diretsyo saakin. Nakakailang tuloy dahil sa mga tingin niyang 'yon parang tinitignan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Posible ba 'yon?" Tugon niya habang walang kurap na nakatingin saakin.

Ngumiti ako at tumango tango. "Oo naman! Bakit naman mag sisinungaling saakin ang Doctor?" Sabi ko at ipinagpatuloy nalang muli ang pagkain ko. Ayoko ng tumingin sakanya dahil nakaka konsensyang nagsabi na naman ako ng kasinungalingan sakanya. Nang makita kong wala ng kanin, kinuha ko abg lagyan nito at tumayo. "Sandali kukuha ako ng kanin. Grabe ang lakas mo kumain! Ang sarap ng luto ko, noh?" Pagiiba ko ng topic at nag diretsyo na akong magpunta muli sa kusina para maglagay ng kanin.




















**

Makalipas ng dalawang araw, nag handa na ulit akong mag punta sa Ophthalmology. Ang bigat ng pakiramdam ko pag gising ko na para bang pinapahiwatig saakin na huwag akong pumunta pero kailangan kong malaman ang totoo dahil para rin naman saakin itong gagawin ko.

Sinabi ko narin kay Kijan na ngayon ko makukuha ang resulta. Gusto niya nga akong samahan sa hospital pero mas pinili ko nalang na ako ang mag isa at huwag na siyang pasamahin. Kaya ang sabi niya, tawagan ko nalang daw siya agad kapag nalaman ko na.

"Sa mga nag dadaang araw po, nararamdaman ko na naman ang pang lalabo ng mga mata ko kahit pa umaga. Mas nagiging malala na po siya hindi tulad ng dati." Pag kwento ko sa Doctor habang magkahawak ang mga kamay ko at hindi mapakali ang tuhod ko sa pangangatog.

"May alam ka ba tungkol sa Retinitis Pigmentosa? Isa ang night blindness sa mga common na sintomas ng Retinitis Pigmentosa. Kaya kapag hindi ka nakakakita sa dilim, your eyesight will be bad. You can't see it clearly." Sabi niya at hinawakan ang papel na nasa harap niya at binasa ito. "Unti unti ng lalabo ang paningin mo. Lalo na kung konti o wala halos liwanag sa paligid mo. Kaya para ka ng mabubulag sa dilim. Base on your current report, lumala ang sakit mo dahil napabayaan." Pagpapatuloy niya.

"Ano po? Lumala?" Mautal utal kong sabi.

"Some of your retina's rod cells, and the cone cells have begun to deteriorate. Iyon na ang kondisyon mo. Hindi ko alam kung namana mo ang sakit na ito sa mga magulang mo pero sa lagay mo ngayon, pwedeng lumala pa ang sakit mo. Baka umabot pa sa puntong mawalan ka ng ng paningin." Hindi ako makahinga ng maayos at nagsimulang sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi ng Doctor. "May plano ka na bang magkaroon ng anak ngayon?" Dagdag na tanong niya.

"Wala na po bang lunas para dito?" Naging garalgal na ang boses ko at nagsimula na namang lumabo ang mga mata ko at hindi ko makita ng maayos ang mukha ng Doctor.

"Based on the current medical advancements, no. Bukod dito, posible na maipasa ito sa susunod na henerasyon." Napahawak ako sa bibig ko at dahan dahan ng tumulo ang luha ko.

"Hindi na po ba ako makakakita?" Kahit na alam ko na ang sagot bakit parang hirap na hirap padin ang sarili kong maniwala.

"Your eyesight will slowly deteriorate. It will become very poor, then you might go blind." Parang gumuho ang mundo ko at tumigil ang oras sa pagtakbo nito.


Walang salita ang lumabas sa bibig ko matapos ng paguusap namin ng Doctor. Tahimik akong lumabas ng pintuan at ng makalabas, umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapaupo na ako sa sahig. Patuloy parin ang panlalabo ng mga mata ko at hindi ako makakita ng maayos. Pinilit kong ipikit ito ng madiin pero walang ngyari.

Narinig ko nalang ang pag tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Itinigil ko muna ang pag iyak ko at dahil sa hindi ko makita ang pangalan ng tumatawag, sinagot ko nalang ito.

"Love?" Si Kijan. Hindi ako makasagot ng maayos dahil walang tigil ang pag iyak ko lalo na ng marinig ko ang boses niya. "Tapos na ba? Nakuha mo na ang result mo? Anong sabi ng Doctor?" Sunod sunod niyang tanong saakin na kahit isa doon ay hindi ko masagot.

Tumikhim ako at pinilit na tumigil sa pag iyak. "Love.." Hirap na hirap akong mag kunwari sakanya. Hirap na hirap akong magsalita at magpanggap na okay lang ako. Muli akong tumikhim at pinunasan ang mga luha ko. "Sabi sayo eh, hindi mo na kailangan mag aalala. Wala naman daw problema base sa results. Kulang lang daw talaga sa tulog." Pinilit kong maging tonong masaya kahit na sobrang sakit at parang pinapatay ako ng paulit ulit.

Narinig ko ang saya ni Kijan ng marinig ang balitang sinabi ko. "That's good to hear! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko ang test result mo. Buti nalang at 'yun lang. Let's have dinner tonight, Love!" Masaya niyang sabi.

Hindi ko makakaya kapag ang ganyang saya ni Kijan ay mapapalitan ng lungkot kapag nalaman niya ang totoo. Hindi ko kakayanin na maging wasak din siya katulad ng nararamdaman ko ngayon.


"Yeap, I'll be there." Sagot ko at pinipilit na maging maayos ang tono ng pananalita ko.

"I love you," Mas lalo akong naiyak ng marinig ko ang malambing na tonong pagkakasabi niya saakin niyan.

"I love you." Sagot ko at ibinaba na ang cellphone ko at ipinapatuloy ang pag iiyak ko na halos yakapin ko na ang sarili ko.



































follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 61 122
CODE GRAY Book 1, Part 1 Van feels upset when it comes to these things - friends, family, trust and the truth she wants to know, the truth about her...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2.6K 170 47
Nothing is scarier than the voices and personalities inside your mind.
6K 3.6K 53
Masayang magkasintahan si Mark at Alicia bago nangyari ang isang karumal-dumal na aksidente, sa muling paggising ng dalaga ay wala na siyang maalala...