All I have to Give (Absinthe...

By Lumeare

784K 23.7K 2.3K

Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best ni... More

All I Have to Give
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Special Chapter

Kabanata 38

12.5K 464 55
By Lumeare

Kabanata 38

Done

Hindi nga natin alam kung ano ang balak ng tadhana sa atin. Hindi sila natin nakokontrol kaya malaya nilang minamanipula ang buhay natin. But what's good with destiny? Madaya nga ba talaga o sadyang ito talaga ang kapalaran ng isang tao?

It's like forgetting something and starts walking away without it. Yet, it was never easy to leave something behind. Minsan maaalala mong, naging mahalaga rin pala iyon kaya kailangang balik-balikan upang makita kung ano nga ba ang naging mali kaya ganoon ang nangyari.

I blame myself for giving in to love. Akala ko ay kapag naranasana ko iyon saya lang ang mararamdaman ko ngunit sadyang nagkamali ako sa pag-ibig. Hindi lang saya sapagka't may lungkot, sakit at hirap din naman. Hindi lang puro tawa at pagmamahal. Siguro ganoon nga talaga kapag nagtagpo ang tadhana at pag-ibig.

"Kailangan niyo pa ng tulong, Chef?" tanong ni Marvin sa akin na mukhang naghihintay sa aking iuutos. Umiling ako at itinuon ang atensyon sa hinahalong mixture. Nang naging malapot na ito ay agad kong hininaan ang apoy at hinintay ang limang minute bago ko ihiwalay sa stove.

Nagpunas ako ng kamay at hinarap ang sauté chef na si Calla. I commanded her to make another sauce for our sirloin dish. Agad akong umalis sa aking kinatatayuan at lumapit sa sous chef. Inihabilin ko ang naiwan kong gawain dahil kailangan ko ng umakyat sa office upang asikasuhin na naman ang inventory sa buwan na ito.

I wiped my forehead with a clean hanker chief and walked out of the kitchen. Suot ang puting chef uniform ay tinanaw ko ang unang palapag na kalahating napupuno ng mga tao. It's already 11:30 in the morning, no wonder why the restaurant's half-packed. May iilang mayayamang estudyant ang dumadayo rin dito, kung hindi barkada ay magkasintahan naman.

Hindi ako nagtagal doon dahil kailangan kong asikasuhin muna ang naiwang gawain. Kapag natapos iyon ay sa kitchen na naman ako at magiging abala sa pagluluto. Cooking is always my passion. Masaya ako kapag nakakapagluto at mas sasaya pa kapag nakakatikim ng bagong putahe. I explore various dishes not just Filipino cuisine but also foreign ones. Kaya ang iba sa aking mga nailuluto ay nagiging sikat na rin at nai-fefeature sa iba't ibang lifestyle magazines. Dumagdag pa iyon dahil sa pagpapakita ko sa tv noong nakaraan.

Nagsimula ako sa pag-aayos ng inventory at iilang papeles na nangangailangan ng aking pirma. I am not just a chef but a restaurateur. I explore everything about food and restaurants at nakahiligan ko na ang mga bagay na iyon. It was great to handle business and not just knives and pans. Isang bagay na noon ay hindi ko kinahiligan dahil alam kong sakit sa ulo lamang ngunit nang magsimula akong magpatayo ng sariling restaurant ay naintindihan ko na ang mga bagay-bagay.

I checked my emails and private accounts. May iilang emails doon mula sa mga naging kaklase ko abroad at iilang invites mula sa mga kasamahan kong restaurateur din. I checked my messages on my social media accounts. May nakita akong isang message mula kay Crithos.

Nakakagulat ang bagay na iyon dahil talagang hindi ko inaasahan. It has been a week after that dinner in their mansion. Naririnig ko lamang ang pangalan ng banda nila kapag may iilang estudyante akong nakakasabay sa paglalakad o di kaya'y pagpunta sa mall.

Crithos:
Hey! Raya, Crithos here. I just want to ask if we could have a reservation at your restaurant.

I checked the time he sent the message and it was last night. Hindi ako madalas bumisita sa social media accounts ko kaya naman hindi ko rin nababasa ang iilang messages. Kapag mga kaibigan ko naman, diretsong mobile call iyon. Alam kasi nila kung gaano ako kabusy.

I started typing my reply. I tried to make it short for formalities and professionalism. Kahit na naging kaibigan ko si Crithos ay kailangan ko pa ring panatilihing maging propesyonal dahil unang-una, customer ko siya o sila.

Ako:
Of course, you can. When and how many seats should we reserve?

I sent the message and exited the application. Hindi naman siguro ngayon ang reservation nila. Baka bukas o sa makalawa. Sasagot rin naman iyon. I'll just have to check it later for his replies.

Pagtapat ng ala-una, bumalik ako sa kitchen at nagsimula na namang magluto. Hindi na gaano karami ang tao at mukhang ang iba ay pag-uusap lang at pahinga ang habol. Hindi naman kaso iyon. They can stay as long as they want and order and eat as long as they want. After all, we value our customers and they have their rights.

" Chef, may naghahanap po sa inyo sa labas." Ani Marvin nang tapos na ako sa pag-plating ng isang dish. Inayos ko muna ito bago ko hinarap si Marvin nang seryoso ang mukha.

" Bakit? May problema ba?"

" Wala po, Chef. Ano po..kailangan lang daw kayong makausap."

Tumango ako at napabuntong-hininga. Sino na naman ba itong kakausapin ko? And Marvin did not say that it was a customer. Basta't kailangan lang daw akong makausap. Kung bigating kliyente iyon, sige pagbibigyan ko. But if it's another bunch of threats, then I don't know what to do.

Minsan nang nanganib itong Casa Gomez dahil sa isang may-ari rin ng restaurant hindi kalayuan sa kung saan nakatayo ang Casa Gomez. The owner threatened me through notes with deathly threats and planned to burn my whole restaurant down. Buti na lang at agad kong naireport sa police. And after that incident, natuto na akong kilalanin lahat ng nakakasalamuha ko.

Salubong ang aking kilay nang lumabas ng kitchen. I smelled of smoke and beef. May iilang takas din na buhok na tumatabing sa aking mukha kaya agad ko itong hinawi. Baka isiping burara ako dahil sa itsura ko ngayon. Kailangan ng magandang impresyon para makakuha nang mas marami pang customer.

" Nasaan Marvin?" I asked. Tahimik na itinuro ni Marvin ang taong gusto akong makausap. Tumaas ang aking kilay dahil hindi ko man lang masino iyon. His broad back was against me and his hair was neatly cut. Prenteng nakaupo lamang at tahimik na nagmamasid sa loob.

Sinabihan ko si Marvin na iwan na ako at ako na ang bahala. Atubili itong sumunod at bumalik na sa kitchen. I craned my neck and tried to catch a glimpse of him from behind but it was no use. Kailangan ko pa talagang lumapit para matapos na ito.

" Good afternoon, how can I..." naputol ang aking sasabihin nang mapagtanto ang lalaking nakaupo at nakatitig na sa akin ngayon. My eyes widened and my tongue can't even utter a word. Sa simpleng ayos ay hindi ko agad nakilala ang postura niya.

What the hell?

" W-what are you doing here?" I stammered. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang pagpikit. Gosh, I should've expected this. Hindi nga ako prepared sa lahat! Hindi ko alam kung maayos ba ang itsura ko ngayon at walang bahid ng kung ano sa mukha.

And why would you care Raya?

I scolded myself. Damn, Raya. Relaxed. Focus.

I watched as Helion licked his lower lip. Napatanga lamang ako doon upang pagmasdan siyang marahang tumayo sa aking harapan. Hindi pa nakuntento at lumapit pa talaga sa akin.

" I came here for lunch." Aniya at parang hindi naaapektuhan.

Kumunot ang noo ko. Lunch? It's already one o'clock in the afternoon and he considers it as lunch time?

" Then why did you call me? Dapat ay umorder ka na ng kakainin mo." I spat coldly. Iniwas ang tingin sa kaniya at tinitigan lamang ang mesang balot ng puting tela." I want my food to be cooked and served by you, if that's okay." Aniya at mas lumapit pa. Awtomatiko ang aking pag-atras at nasulyapan ang pagkunot ng kaniyang noo. Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tumango at umupo sa kaniyang upuan.

I faked a cough before intertwining my hands. Tinitigan ko siya nang walang ipinapakitang emosyon. I simply stared at him as I tried to check him out. Black shirt and jeans. Walang arte ngunit mas magandang tingnan sa kaniya.

Iniwas ko ang aking tingin nang magtama ang aming mga mata. " Fine. Have you checked the menu book? Anong gusto mong kainin?"

I saw a ghost of smile in his lips. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang nga ba ako o totoo talaga iyon. Nonetheless, I ignored it and just waited for his reply.

"...tuna rotini salad. I'll have merlot as my drink." Rinig kong sabi niya. Tumango ako at hindi kinuwestiyon kung bakit kailangan niyang uminom ng merlot sa ganitong oras. O baka hindi lang ako sanay na ganito talaga ang iniinom niya.

Umalis ako sa harapan niya at pilit inalala ang kaniyang inorder. He said he'll be waiting kahit na sinabi kong matatagalan iyon at siguradong gutom na siya. Naging kaswal kami sa bahaging iyon at wala ng iba. Ayaw kong isipin niya na may pakialam pa rin ako sa kaniya dahil sa naging relasyon namin noon.

What we had before has ended. At kung babaguhin naman ng tadhana ang lahat ngayon ay hindi ko na alam. Hindi ko rin maintindihan ang lahat ngunit hindi ko na hahayaan pang maulit ang mga pangyayari. Kahit na nandito na ako sa katayuang ito, hindi ko pa rin maiwasang ikumpara ang pamumuhay ko sa pamumuhay ni Helion.

He is far richer than me. Isang engineer at kung hindi ko pa nakita, iisipin ko talagang hindi na siya sumasali sa banda. For all I know, baka taga-sulat siya ng kanilang mga kanta para sa album o baka naman naging manager siya. Funny, right? Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na matapos ang ilang taon ay magkikita ulit kaming dalawa.

Hindi ako nagtagal sa pagluluto, with the help of other available cooks, natapos rin ang ekslusibong pagkain ni Helion dahil pinapunta niya pa talaga ako sa table niya para lang personal na sabihin sa akin na ako ang magluto.

Tinulungan ako ni Marvin sa pagdadala ng kaniyang pagkain. Some of my staffs were looking at me with confusion while I walk confidently out of the kitchen. Ang iba ay namamangha na lamang bago bumalik sa kani-kanilang gawain. When we reached Helion's table, he was patiently waiting and oftentimes checking his watch.
Napaismid ako. Hindi ko kasalanan na ganitong oras siya kakain kaya bahala siya. '

Personal kong inilapag ang kaniyang pagkain sa mesa. I gestured Marvin to pour down the wine on his glass so that we could go immediately. Ayaw ko rin namang titigan siya nang matagal habang nandoon pa ako kaya pinagmamadali ko si Marvin. When he was done, I was about to thank the heavens but failed to do so because Helion suddenly called my name.

Ano ba? Hindi ka pa nga kumakain, tatawagin mo na ulit ako?

" Yes, sir?" I asked him professionally. Tipid at mahigpit ang aking pananalita. Umayos siya ng upo at kalmadong hinawakan ang maliit na kutsilyong panghiwa sa karne.

" Will you please keep me entertained while I eat, Chef?" aniya sa marahan ngunit paos na boses.

Suminghap ako.

" W-what?" I asked in disbelief. Sinulyapan ko si Marvin na tila nagulat rin sa tanong ni Helion ngunit ang huli ay nakatitig lamang sa akin nang malalim bago tumango. Itinuro ang upuan sa kaniyang harapan.

How dare this man ask for an entertainment from me? Mukha bang nagugustuhan kong maging customer siya dito? Anong akala niya, bar itong restaurant ko at mukha akong waitress na kailangan siyang asikasuhin?

Tumalim ang titig ko sa kaniya ngunit hindi siya natinag doon. Bumuntong hininga lamang pagkatapos ay tumayo at hinila ang upuang katapat. I gasped when he grasp my wrist. Hinila niya ako upang makaupo kahit hindi naman ako pumayag sa kaniyang ipinapakiusap!

Jerk!

Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kaniya. Awang ang aking labi nang sumenyas siya kay Marvin na iwan kami at ang aking empleyado naman ay atubiling sumunod! Ako ang boss dito kaya bakit sinunod ni Marvin si Helion? Gusto niya bang mawalan ng trabaho?

I bit my lower lip in annoyance. Si Helion ay bumalik sa pagkakaupo at uminom sa kaniyang wine glass habang ang mata ay mariing nakatanaw lamang sa akin. Nilabanan ko ang kaniyang titig at kahit naiilang ako ay hindi ako umiwas ng tingin. Akala niya ba ay pareho pa rin ito ng dati? Na sasabihin niya ang gusto niyang gawin at susunod o papayag lamang ako? Akala niya ba ay natutuwa ako sa sitwasyon na ito?

For Pete's sake! Hindi pa nga ako nakakahuma sa una naming pagkikita noong isang linggo! At tapos bubungad siya sa akin dito at uutusan ako na parang maayos lang ang lahat?

" Ano bang kailangan mo? Do you have a problem with our service?" I asked him, ignoring the fact that his eyes are making me fidget on my seat.

" No."

Napalunok ako. Iniwas ang tingin at itinuon lamang iyon sa pagkaing nasa harapan. My mouth watered at the sight of tuna salad in front of me. Naalala ko tuloy na hindi pa pala ako nanananghalian. Ang galing kong magsalita tungkol sa paglalunch ni Helion nang ala-una ngunit mas malala pa pala ako.

" Then what is it?" Iniwas ko ang tingin sa pagkain. Damn, tempting.

" About us, Raya. I want to talk about-

" Stop." Tumayo ako. " This conversation is going nowhere, Helion. Kung anuman ang nangyari noon ay tapos na ako doon. I've moved on. You should too, tutal ikaw naman talaga ang nang-iwan."

I saw something flashed his eyes. May pagsisisi, lungkot at galit. Napansin ko rin ang pagdiin ng hawak niya sa tinidor ngunit baka nagtitimpi lang siya. I could tolerate it.

" Raya, please..." he pleaded, sounding frustrated and begging. Naging matigas na ang puso ko para sa mga ganoon. When I begged him to come back, narinig niya ba ako? Noong hinanap ko siya, bumalik ba siya?

Hindi. Kinalimutan niyang may babaeng iniwan siya dito. Kinalimutan niyang nandito ako at naghihintay sa kaniya. I begged his friends. Nagmakaawa ako na ipaalam sa akin kung nasaan siya o babalik pa ba siya ngunit wala akong nakuhang sagot. Lumipas na ang mga taon at lahat-lahat ngunit nandito pa rin pala ang galit sa akin dahil sa pang-iiwan niya.

" Para sa akin, isa ka na lang kakilala at schoolmate noon, Helion. Kinalimutan ko ng minsan na pala kitang minahal at iniyakan. So please, I don't want to see you coming back here and trying to push the topic that concerns the "us" that you're talking about. Because the moment you left me broken, was the moment I considered us done."

Continue Reading

You'll Also Like

38K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...
1.2M 50.1K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...