Kabanata 20

14.6K 436 53
                                    

Kabanata 20

Beat

Sumabay ako sa hiyawan ng tao habang ramdam ko ang dagundong nang malakas na musika. Ang buong-buong tunog ng bawat hampas sa drums, ang himig na nagmumula sa gitara at isang maganda at paos na boses.

Napangiti ako nang mas maghiyawan ang lahat nang puro himig ng gitara na lang ang naririnig mula sa mabilisang pagkiskis sa mga strings.

Tumingala ako kay Helion at ngumiti. Pawis na pawis ang kaniyang mukha at parang hiningal sa pagkanta. The sweat dampened his hair. Mas lalo akong naganahang mapanuod siya dahil ilang araw din nila itong pinapractice.Ilang araw din kaming hindi masyadong nagkikita dahil abala siya sa practice nila at abala naman ako sa darating na examination namin. Ngayong araw lang ako hindi masyadong busy at gusto ko rin siyang mapanuod.

You said there's something I couldn't see
I want to know what it was
I need to know what it was
Baby, come with me and show me

Malalim ang kaniyang titig at sumabay rin ang kaniyang malamig na boses sa himig. Napapikit ako at napangiti. Ang pakiramdaman ang mga salitang iyon, pakiramdam ko ay para sa akin ang mga iyon.

Natapos ang buong session nila at sumunod ang isang bandang kalahok rin. Sinundan ko ang pagbaba nina Helion sa gilid ng stage at nilamon na siya ng mga manunuod. Nanatili akong nakatayo at nakikipalakpak sa mga sumunod na banda.

" You okay here?" napapitlag ako sa bumulong. Agad akong humarap at napangiti nang bumungad sa akin si Helion. Nakapagpalit na siya ng puting shirt at nakasuot ng puting cap. Bahagya ko iyong itinaas para makita ang mukha niya.

Tumango ako at matamis na ngumiti. " Okay lang. Uh, magtatagal ba tayo dito? Hihintayin niyo pa yung awarding?"

Marahan ang pag-iling ni Helion at pinagsalikop ang aming mga kamay. The soft caress took off all weariness I felt. Parang natanggal rin ang pagod ko kakatayo at kakasigaw kasabay ng mga manunuod.

" No. I'm sure you're hungry, let's go?" tumango ako at mahigpit na kumapit sa kaniya para hindi matangay ng iilan. He covered me protectively as we made our way out. Nandoon ang iilang kabanda niya at umiinom ng bottled drinks.

" Pwedeng makisama Helion? We're all hungry!" ungot ni Crithos na bitbit ang dalawang bote ng tubig.

Sumulyap ako kay Helion at nahuli na nakataas ang kaniyang kilay. Ngumiti ako at humarap ulit kay Crithos na kakaiba ang ngisi kay Helion.

" Sumama na kayong lahat. I'm sure gusto ni Helion na magsalo-salo kayong lahat."

Humalakhak ng tawa si Crithos habang ang iba ay palihim na natawa. Mahina akong tumawa at hinawakan ang kamay ni Helion.

Si Crithos ang namili ng kakainan namin. Hindi naman umangal ang lahat maging si Helion. Kahit naman alam kong iniinis lang siya ni Crithos ay hindi na niya pinatulan. Some of Helion's bandmates tried to make a conversation with me. Madalas kasi ay nakakausap ko na rin sila kapag magkasama sila ni Helion na susundo sa akin. Hindi sila mahirap pakisamahan.

" Is it okay that we left Magnus in there? Baka hindi pa nakakakain yun." ani Eion habang nasa kalagitnaan ng pagkain.

Nakita kong umiling nang bahagya si Rogan. " He'll be okay, Eion. " aniya at nagpatuloy na sa pagkain. Sumulyap ako kay Helion na kumukuha ng grilled liempo. Hinati niya iyon sa dalawa at inilapag sa aking pinggan.

Ngumuso ako at nakitang mas naaaliw siya sa nakikita. " Tama na busog na ako." bulong ko sa kaniya.

Ngumisi siya at hiniwa sa dalawa ang liempong nasa aking plato. " You haven't even eaten much. Come on eat, baby." bulong niya.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Where stories live. Discover now