Kabanata 28

11.5K 414 24
                                    

Kabanata 28

First

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan lahat ng damit na inilabas ko kanina. Ang ilan ay ibinalik ko na dahil wala naman doon ang hinahanap ko. Ang naiwan na lang ay ang pinamili namin ni Jeni kahapon at ang dilaw na bestida na ibinigay sa akin ni Tita noong kaarawan ko. The three dresses were kind of out of style para sa isang date. Nagagandahan man akong suotin iyon ay mas pinili kong maging simple na lamang. I decided to wear the floral yellow midi skater dress designed in v-neck with short sleeves.

Napag-isipan ko na rin na alas cinco kami aalis sa hapon dahil maganda daw roon kapag gabi. Mas makikita ang kagandahan ng lugar lalo na at nag-gagandahan ang mga ilaw. I've seen it in pictures. May live band din kapag sumapit ang alas siyete ng gabi at may iilan silang promo sa mga pagkain lalo na sa inumin. Maganda naman kung tutuusin ang lugar. Malapit lang din at hindi magastos.

Naglagay ako ng kaunting make-up para naman magkakulay ang aking mukha. The pink gloss that I've applied put on a color to my pale lips. Kahit papaano'y nabawasan ang pagkahaggard ng aking mukha dahil naglagay ako ng cream at eye shadow. I want to be presentable and groom as possible in front of Helion. Napangiti ako nang mapagmasdan ang sarili. Is it too much for today's occasion? Hindi naman siguro?

Kinuha ko ang aking puting sling bag at inilagay lahat ng gamit doon. Cellphone, pulbos, lipstick, panyo at wallet.

Nandoon si Lola at Tita sa sala nang makababa ako. Nanunuod ang dalawa ng tv habang may inaasikaso si Tita sa kaniyang tablet. Napansin ako ni Lola pababa at napangiti habang tinuturo ako. She was muttering something to Tita about me. Nakangiti rin si Tita nang pababa ako.

"You looked like your mom maliban nga lang sa iyong mga mata." Puna ni Tita sa akin nang tuluyan na akong makababa.

"Salamat po." Sabi ko. Hindi pa naman dumadating si Helion kaya nanatili lamang ako sa sala at nakinuod na rin ng tv. Pagsapit ng alas cinco ay saktong may bumusina sa labas ng bahay. Lumabas ako at pati na rin si Tita. Kabababa lamang ni Helion sa kaniyang sasakyan at napangiti ako nang may bitbit siyang bouquet ng bulaklak at sa kabila naman ay may basket siyang dala.

Hindi naman nakakandado ang gate ngunit hindi siya nakapasok dahil sa dala kaya naman ako na ang pumunta doon para mapagbuksan siya. Nagkatitigan kaming dalawa at nag-ngitian sa isa't isa. Saglit siyang natigilan nang matitigan ako pagkatapos ay napangiti.

"You look beautiful." Bulong niya sa akin at ibinigay ang bouquet ng bulaklak. It was a mix of roses and tulips. Inamoy ko iyon bago napansin ang paninitig niya sa akin.

Natawa ako. "Ano?"

Umiling siya bago ako pinasadahan ulit ng tingin. I saw admiration in his eyes that made me smile even more. Doon ko lang din naman napansin na mas gumwapo siya lalo sa kaniyang suot. Blue polo shirt and a pair of washed jeans and sneakers. Tamang-tama lang sa lugar na pupuntahan namin.

"Oh before I forget, it's for your aunt and lola." Aniya at itinaas ang basket na dala. I've set my eyes on the varieties of fruits na nakapack sa styro at plastic wrap. Mas lalong nagustuhan ko si Helion dahil hindi niya nakakalimutan ang aking pamilya kapag pumupunta siya dito. Kaya nga gustong-gusto siya ni Tita para sa akin.

Sabay naming inihatid kay Tita ang basket. Nagmano muna siya bago nangumusta at binati niya rin si Lola na agad siyang naalala. Hindi kami nagtagal at umalis na rin kami. He asked where we're going. Sinagot ko naman dahil wala namang rason para isurpresa ko pa lalo na't hindi naman ako ang magda-drive sa amin.

"I was surprised that you invited me out." Aniya. Nilingon ko siya at nginitian.

"Uhm, well...I just wanted to be with you since we're both kind of busy these past few days." Sabi ko na lang. Tinitigan ko siya nang matagal. Nakangiti lang naman siya pero parang wala din naman siyang nahalata.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon