[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS...

By iam_MissA

2.7M 63.7K 25.2K

Namiss niyo ba sina Karissa at Marion ng CLASS 4-6? Ready na ba kayong makasama sila sa next level ng relat... More

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCO
Prologue
Chapter 1 - Where is Marion Gatcheco-Gotiangco?
Chapter 2 - Her trust
Special Update
Chapter 3 - He's Back!
Chapter 4 - Bakit?
Chapter 5 - Call me, Kin please.
BIG FAVOR and GOOD NEWS/ANNOUNCEMENT (not an update)
Chapter 6 - Martir
Chapter 7 - Birthday Surprise
TEASER
LITTLE TEASER for CHAPTER 8
Chapter 8 - Marion's explanation
Chapter 9 - Kin Island
Not an Update - KARMAR BS Contest
Chapter 10 - Honeymoon
Chapter 11 - I'm Pregnant
Chapter 12 - Papa
Chapter 13 - Marion 101 #13
Ms. A @ MIBF 2018
Chapter 15 - She's what?!
Chapter 16 - Merry Christmas Ayers
Chapter 17 - Sean
Chapter 18 - Daddy Marion
Chapter 19 - "I will be a donor" - Jordan
Chapter 20 - Karissa's first trimester
Chapter 21 - From Bubuyog to Clown
Chapter 22 - Sean Family
Chapter 23 - JorLes Couple
Chapter 24 - Marion - Jordan
Chapter 25 - Gender Reveal
Chapter 26 - Nicole Sandoval
Chapter 27 - I'm the wife
Chapter 28 - B1 and B2
Chapter 29 - Marion's downfall Part 1
Chapter 30 - Marion's Downfall Part 2

Chapter 14 - Karissa Meet Leslie

41.6K 1.1K 287
By iam_MissA

MS. A Notes: First of All, i just want to THANK everyone for buying the CLASS 4-6 BOOK 1! SUPER DUPER THANK YOU talaga for supporting my first ever published book (Dahil iisa lang naman siyang story ko hihi). As much as I want to meet you everyone and thank you personally, i will thank you muna dito. But if i will a chance, i will give you a hug for that action, I can show how much I appreciated your support. 1 book of Class 4-6 means so much to me. Thank you so much! And i want to say sorry kung hindi ko mareplyan lahat ng message and comment niyo but I'm trying my best to be responsive as much as I can despite of being busy due to my work and wedding prep. Thank you din sa mga lahat ng sumali sa pa-games ko and Congrats sa mga winner of Class 4-6 Book, Meet and Greet with me and invitation for my wedding.

Sa wakas! I know you had been waiting for this. THE UPDATE!!! YEY!!! Better late than never. HAHA. Enjoy reading! :)

You can message me and follow here:

IG: @Izanihae

Twitter: @Izanihae

FB: https://web.facebook.com/MISS.A08

*****************

Karissa's POV

"Kin, wake up. We are going to have a visitor."

Nagising ako dahil sa boses ni Marion. Hala?! Nakatulog na pala ako! Napatingin agad ako sa orasan namin at hindi ko inakala na tanghali na pala. Teka?! Yung mga niluto kong itlog?!!! Yung niready kong breakfast para kay Marion?!!!

"Kin, don't panic. Kinain ko lahat ng niluto mo."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Marion pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang patong-patong na mga pinggan sa side table namin. Teka, lahat ng mga itlog na niluto ko kahit yung mga basag?

"Sorry nakatulog ako. Saka bakit mo kinain yun ibang itlog?"

Nakita kong kumunot yun noo niya.

"Anong klaseng tanong yan? Syempre luto mo yun."

Bakit parang may something na umikot sa tiyan ko? Dahil na ba sa gutom yun?

"Kin, as what i said earlier. We are going to have a visitor."

"Sino?" Class 4-6 na naman ba? Hindi ba sila nagkakasawaan sa mukha?

"Leslie."

Ah, si Leslie pala. WAIT. si LESLIE TRINIDAD?!

"Kin, she's a good friend of mine. I know, magugustuhan mo siya."

Parang doubt ako diyan sa sinasabi mo Marion?

*****************************************

"NAWALAN NA BA NG IQ YAN ASAWA MO, KARISSA?!"

"Aray Ciara! Sakit sa tenga yan boses mo!"

Andito ako ngayon sa closet room at nagpprepare ako para sa pagkikita namin ni Leslie. At habang nagbibihis ako tinawagan ko na rin sila Rayne, Ciara at Steph. Pero mukha yatang wrong move yatang sinabihan ko sila dahil mukhang maaga mapapanganak si Ciara. Teka, fetus pa lang baby niya!

"Palagay niyo ba tama ba itong pagkikita namin? Hindi kaya Janine the second itong si Leslie?"

"At kung mangyayari iyon Karissa, napatunayan ko ng mahilig si Marion sa taong baliw."

Ouch Rayne ah? So baliw din ako?

"Hindi naman ganun ang pagkakilala ko kay Leslie. Diba nga sabi ko sayo Karissa, living angel yan si Leslie."

"Alam mo Steph minsan gusto ko kayong pag-untugin ni Karissa eh. Masyado kayong mabait! PUWEDE BA VINCE?! TANTANAN MO YAN TIYAN KO SAKA UMALIS KA SA HARAPAN KO?! NAIIRITA AKO SA PAGMUMUKHA MO!"

"Babe naman."

"RAYNE! NASAAN NA BA SI JAPS?! GUSTO KO MAKITA MUKHA NIYA!"

"Babe! Bakit si JAPS ang hinahanap mo?! Andito ako!"

Napagdesisyunan ko na rin putulin ang paguusapan namin dahil hindi rin sila nakakatulong sa pag-alala ko. Tama ba kaya si Steph na living angel itong si Leslie. Pero bakit parang mas kinakabahan ako? Bakit parang mas nakakaramdam ako ng insecurity?

"Kin? She's here."

Papa God, tulungan mo ko please. AJA! Kaya mo to Karissa. Huwag mong kakalimutan na ikaw si Mrs. Gotiangco.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Marion and he is smiling at me. Papa God, sabi ko tulungan mo ko, hindi ko po sinabi na palambutin mo ang mga tuhod ko.

"Kin, you look stunning." Dapat lang noh.

Pagkababa namin nakita ko agad siyang nakangiti sa akin. Pero hindi ko mabasa kung ang ngiti na ba iyon ay totoo o peke lang. Steph naman, hindi mo naman sa akin sinabi na literal na angel pala ito. Hindi na ko nagugulat kong bakit siya ang first love ni Marion at pinagaagawan nila ni Jordan. Saan langit ba kasi nahulog ito?

"Hi Karissa! Finally! It was nice meeting you."

"Nice to meet you too."

Nagulat ako dahil bigla niya kong niyakap ng mahigpit. Pero hindi rin nagtagal dahil tinanggal iyon ni Marion at inakbayan ako agad.

"Even though you're a girl Les, i can still be jealous."

"Ewan ko sayo, Mar. Napakapossesive mo sa asawa mo."

Meron silang nickname sa isa't isa, bakit ako yata ang nagseselos dito?

"Sana hindi pa kayo naglulunch kasi meron akong dala dito."

Binigay sa akin ni Leslie yung dala-dala niya. Bakit lalo akong nakaramdam ng insecurity? Hindi ba dapat ako ang nagprepare ng ilulunch namin?

Pumunta na kami ng dining table at niready na rin ang kakainan namin. Pero para akong naistatwa dahil sa dala niyang pagkain. Ginataang na hipon?

Wala din akong choice kundi ihanda ang dala niya pero sinabihan ko na rin si Auntie K maghanda na rin ng ibang ulam para may makain si Marion.

"Mar, ito pala yung permit na kailangan mong pirmahan para dito sa bahay niyo."

"Thank you Les. I can't do this without you."

"Huwag na tayo maglokohan Mar. Sinasabi mo lang yan dahil libre ang serbisyo ko. Isang Marion Gotiangco nagpapalibre? Wow ha?"

Ouch. Karissa! Ano ka ba?! Huwag kang magselos! Friends lang. Friends.

"Karissa, sana nagustuhan mo ang house niyo. Let me know if may gusto kang ipabago."

"Wala akong gustong baguhin. Sobrang ganda niya. Thank you pala."

"No worries. Basta para sa inyo. Malaki din kasi utang na loob ko dito kay Marion and sana sa ganitong paraan makabayad ako sa kanya."

"Les."

"Sorry."

Medyo nakaramdam ako ng iba dahil doon. Anong meron? Nakita ko din sa mukha ni Leslie ang lungkot.

"Let's eat." Pagbasag ni Marion ng katahimikan.

Nagsimula na kaming kumain pero laking gulat ko ng kinuha ni Marion yung lagayan ng Ginataang Hipon. At dahil na rin sa gulat ko, nahawakan ko ang kamay niya para pigilan ilagay ito sa pinggan niya.

"Kin?" nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Allergic ka hipon diba?" Nakita kong parang nagulat si Marion pero napalitan agad ito ng ngiti.

"I didn't know that my wife knows my allergy. Huwag kang mag-alala ka, Kin. I can eat this now." Kahit naguguluhan ako, hinayaan ko nalang siya.

Mas lalo tuloy nagiba ang pakiramdam ko. Mas pipiliin niya bang ma-allergic siya, makain lang niya ang luto ni Leslie?

Nahagip din ng mata ko ang tingin sa akin ni Leslie na para ba siyang nag-alala. Bakit gulong gulo ako sa kanila?!

Buong hapag-kainan, silang dalawa lang ang naguusap minsan hindi ko pa maintindihan ang mga pinaguusapan nila at parang sumama na rin ang pakiramdam ko.

At nang tapos na kaming kumain biglang may tumawag kay Marion na mukhang galing sa kompanya kaya nagpaalam siyang pupunta sa study room niya.

Kaya heto naiwan kami ni Leslie na mag-isa.

"Karissa."

"Ano iyon, Leslie?"

"Sana maniwala ka sa akin na magkaibigan lang kami Marion. And I want say sorry about last time, sana huwag mong isipin na may nangyayari sa amin."

"Marion already explained to me. And I trust him."

"Mabute naman. I want to make friends with you. Lalo nung nasa Amerika kami ni Marion, ang dami kong naririnig tungkol sayo. Ikaw ba naman kasi bukang bibig ni Marion."

Talaga? Kinukwento ako ni Marion kay Leslie?

"Sorry din about sa allergy ni Marion. I didn't know na may allergy pala siya sa hipon."

Wala na siyang magagawa, nakain na ni Marion.

"Akala ko kasi wala siyang allergy kasi lagi ko siyang nakikitang kumakain ng ginantaang hipon sa Amerika. So naiisip ko favorite food niya iyon."

What?! Lagi siyang kumakain nun? So niloloko lang ako ng Class 4-6 na may allergy si Marion sa hipon?!

"No, it's ok. Mayroon naman yata kaming gamot diyan if ever umatake yun allergy niya."

"Karissa, i'm being sincere when I say that i want to be your friend."

Maniniwala ba ko sa kanya?

"And also Karissa, i just want to give you a warning."

Warning?

"Please stay away to Jordan."

Bakit napasok na naman si Jordan dito?!

"If you really love Marion, please stay away from him. Ayokong makita siyang masaktan ulit dahil kay Jordan"

Huh? Hindi ko maintindihan itong si Leslie. Bakit naman masasaktan si Marion?

"What do you mean? Bakit ko naman siyang hahayaan masaktan ng dahil kay Jordan?"

"I'm scared that you may fall in love with Jordan."

AKO?! Maiinlove kay JORDAN?!

"I won't fall in love with him, Leslie. Mahal na mahal ko si Marion."

"Yan din ang sinabi ko noon, Karissa. Akala ko na kay Marion na ang puso ko. But it was all wrong. Because I did fall in love with Jordan. I love him not Marion. I'm Marion's first love but I'm also his 1st heartbreak. Sorry kung dahil sa akin naging girlfriend ni Marion si Janine. I thought that is the best way to ease the pain he felt that time. I thought Janine will change and be the one for Marion."

Teka... Hindi si Marion ang mahal niya? So ito ang dahilan kung bakit naging girlfriend ni Marion si Janine?

"Kaya sinasabi ko ito sayo dahil importante din sa akin si Marion. And I know for sure, if he get a heart break this time, i know hindi niya kakayanin. He really love you Karissa more than he loved me."

****************************************************

Sorry for the short update. Enjoy AYERS!

SEE YOU SOON! :)

And for those who wants to re-read the Class 4-6 book 1 here in Wattpad, i posted the edited version of other chapter that are not included on the book itself. :) HAPPY READING!

- MS. A

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 13.9K 50
The Best Tagalog Stories in wattpad with their Authors Guide book for new wattpad readers. PS: I didn't read all the books that are here. I just thi...
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
747K 20.2K 43
"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."
259K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.