He's My Cousin!

By bittenapple

310K 5.4K 1K

Aya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. W... More

HE'S MY COUSIN!
[Ch.1] Reunion
[Ch.2] His Room
[Ch.3] Just One Smile
[Ch.4] Friends
[Ch.5] Kuya
[Ch.7] Saturday
[Ch.8] Coffee Shop
[Ch.9] Best Friend
[Ch.10] Paolo and Abby
[Ch.11] I Will.
[Ch.12] Promenade
[Ch.13] Magician's Tale
[Ch.14] Questions
[Ch.15] Obscured Hearts
[Ch.16] When jealousy strikes.
[Ch.17] Happy Birthday.
[Ch.18] One month.
[Ch.19] Separate Lives
[Ch.20] He's back!
[Ch.21] He's back, too!
[Ch.22] Mended Gap
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part I)
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part II)
[Ch.24] Finally Forbidden
[Ch.25] 'Til My Last Breath
[Ch.26] Avoided Schism
[Ch.27] Blessing
[SS.1] What Happened in California
[Ch.28] Cryptic Puzzle
[Ch.29] Seizing Vindication
[Ch.30] Alpha
[Ch.31] Boundary
[Ch.32] Paolo's Girlfriend
[Ch.33] His Reason
[Ch.34] Decision
[Ch.35] When Tears Fall
[Ch.36] Chained Hearts
[Ch.37] Patched Up
[Ch.38] First Day
[Ch.39] Fate
[Ch.40] Suicide Mish
[Ch.41] Chance
[Ch.42] Push and Pull
[Ch.43] Go home.
[Ch.44] Same Girl
[Ch.45] Watching You
[Ch.46] Come Back Home
[Ch.47] Promise
[Ch.48] Stay
[Ch.49] Giving In
[Ch.50] Taking Sides
[Ch.51] Outset of Hostility
[Ch.52] Backfire
[Ch.53] Losing You
[Ch.54] Choose Me
[Ch.55] Only One For Me
[Ch.56] Tell Me
[SS.2] The Lost History
[Ch.57] Stop
[SS.3] Jiro (Part 1)
[SS.3] Jiro (Part 2)
[Ch.58] Best Man
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 1)
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 2)
[Ch.60] My Once Upon a Time
Epilogue
[Book 2] Please read! For you who loved Paolo :)

[Ch.6] Brownies at Pandesal

8.3K 175 26
By bittenapple

[Ch.6] Brownies at Pandesal

// Ayanna’s Point of View

Matapos niyang sabihin iyon ay inihagis niya sa kama ko ang phone ko. “Pwede sa susunod wag kang masyadong epal?” huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. “At isa pa, matuto kang kumatok. Kwarto kaya ‘to ng babae.” Pasok kasi siya nang pasok hindi man lang kumakatok, paano kung nagbibihis ako, diba?


“At wag kang masyadong nakikialam lalong lalo na sa amin ni Ian.” Nakakainis na kasi, masyado na siya pumapapel. Diba? Pinsan ko lang siya. Pinsan na nakikitira sa bahay namin. Pinsan ko lang siya at wag siyang umasta na parang magulang ko.

He turned the door knob, “You don’t know what you’re saying, Ayanna.”

“I know what I’m saying, couz.” At ako pa raw ngayon ang hindi alam ang sinasabi. Can’t he see what he’s doing? Masyado na siyang nanggugulo.


“Stay away from him, that Ian and his family will cause you nothing but harm,” malamig niyang sabi ngunit may awtoridad. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at tska umalis sa kwarto ko. May sira talaga ang ulo neto eh. Will cause nothing but harm? Kilala ko ang pamilya ni Ian, mabait silang lahat sa akin. Pati nga sina mama at papa kilala na ang pamilya ni Ian.


Muling nagring yung phone ko. It’s Ian.

“Ian! Sorry nga pala, yung pinsan ko kasi sinusumpong eh.” Ang weird naman kasi ni kuya, pwede namang after nung tawag ni Ian. Nakahihiya lang. Oo, inis pa rin ako kay Ian... pero syempre, gusto kong maayos namin 'to. 

“Tsk.Honestly, he has a point. Napaka-effortless ko. I am sorry. Let see each other tomorrow, uh? I really want to fix this, Aya. I love you. Sorry.”

“Sure! See you.” I ended the call. Parang nakakawalang gana na rin. I don’t know.


Sa totoo lang, naiisip ko na sana hindi na lang tumira si Kuya rito, sana hindi na lang kami pumunta sa reunion at sana walang Trystan Paolo Salvatorre na nanggugulo ngayon. Oo, alam ko naman na nagcacare lang siya pero sumosobra na ata. Pinsan ko lang siya, anong karapatan niyang gawin yun? Akala ko pa naman nagkakasundo na talaga kami.

Ѽ

Tapos na akong maligo at bumalik ako sa kwarto ko. Maaga nga pala ako papasok ngayon dahil may tatapusin pa kaming bulletin board. Napatingin ako sa side table ng kama ko at nakita ko ang isang platito ng brownies. Nilapitan ko ito, hindi naman ako nag-akyat ng brownies kagabi ah? Wala nga kaming brownies eh.


Nakita ko ang yellow na papel sa may gilid nito,napangiti naman ako. “Sorry, Aya. :’((“


Agad-agad akong sumilip sa may bintana.  Natanaw ko sa baba ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng bahay namin. Pinatutunayan niya talagang hindi siya effortless.  Bumaba ako at nilagay sa fridge yung brownies pero syempre, kumagat muna ako. Yum!

Hindi na ako nag-almusal o hinintay pa si siopao, lumabas na ako. Ayoko namang paghintayin si Ian.


“Good morning!” bati niya sa akin.

“Good morning.” I saw his sweetest smile once more. Napahawak siya sa batok niya na para bang nahihiya siya. I find him really cute.

“Thank you nga pala,” nakangiti kong sabi sa kanya dahil dun sa brownies na pina-akyat siguro niya kay mama. Kahit na ganun, na-appreciate ko pa rin 'yung effort niya para makabawi sa akin. Mali si Kuya, hindi effortless si Ian.

“Para saan?” nagtataka niyang tanong. Hala, painosente pa tong si Ian, ang cute!

“Dun sa brownies! Alam mo talaga kung anong favorite ko! Thanks.”


“Hah? Ah... yung b-brownies b-ba? You’re welcome. Wala yun compare sa pagiging makitid ng utak ko.”

“Ay nako, Ian. Wag mo nang alalahanin yun, basta ok na tayo. Kalimutan mo na yun, napaka simpleng bagay lang.”


Hinatid ako ni Ian hanggang sa room namin, sa itaas na floor naman kasi siya. Syempre, hindi mawawala yung pagbubulungan na rinig ko naman ng mga chismosa kong batch mates, kesyo malandi raw ako. Salit salit daw ng lalaki. Ang arte ko raw at nagpapahatid pa ako. Buti na lang at tinitigan sila ng masama ni Ian, ayun, edi tumigil ang mga chismosa!

 “Thanks,” sabi ko kay Ian bago siya umalis.

Ibinuka niya ang bibig niya, ngunit hindi niya sinamahan ng boses. “I love you,” basa ko sa galaw ng labi niya.

I smiled at him and he smiled back.

Ѽ

TGIF! Buti na lang at Friday na ngayon. Math time nang tumabi si Ella sa akin, absent kasi ngayon si Scarlet pati si Liz. Long weekend sila, uh?


“Ayiieee, mukhang ok na kayo ah?”

“Parang ganun na nga.”

“Kinikilig ka na naman, teh? Hahaha! Ang cute niyang pisngi mo!” Nako naman, siguro, nangangamatis na nman yung pisngi ko.

“Che!”

“Che raw pero kinikilig! Naku, sagutin mo na yang si Ian tapos ilakad mo na ako sa pinsan mo. Hihi!”

“Pati ba naman ikaw?” tanong ko sa kanya. Lahat ata ng kaklase ko itan ang sinasabi. Pati ba naman ‘tong best friend ko?! “Ahihi! Jukelang.”

“Parang seryoso eh. Yung totoo, crush mo yung ungas na yun?”

“Ang gwapong ungas naman!” habang sinasabi niya yun parang naghuhugis puso iyong dalawa niyang mata.


Binatukan ko nga siya. “Ay naku, Ella, kawawa naman si Anton!” I stuck my tongue out.

“Dyusmiyo! Anton ka diyan. Patapon ko sa Bermuda triangle yun eh!”

“Ms. Salvatorre, Ms. Cortez,” suway sa amin nung teacher namin kaya nanahimik na lang kami.

Ѽ

“Ma, yung brownies sa ref?!” tanong ko kay mama matapos kong hanapin yung brownies sa ref ngunit hindi ko nakita.

“Hah? Sayo ba yun? Eh ipinakain kasi ni Paolo sa akin eh.” May pagkai-isip bata rin ‘tong nanay ko eh.


“Ano?! Akin yun, ma! Diba ipinabigay sayo yun ni Ian?! May kasama pa ngang note diba?” Ano ba naman yan oh, favorite ko pa naman yun at binigay yun ni Ian, nakalimutan niya ba? Late 30s pa lang tong si mama, makalilimutin na.

“Ipinabigay? Si Paolo ang nakita kong bumili nun kagabi, Aya.”

“Hah? Ah... yung b-brownies b-ba? You’re welcome,” kaya ba nauutal siya nung sinasabi yun? bakit kailangan niyang sabihin na sakanya galing yun kung hindi naman pala. Wag niyong sabihing mag-aaway na naman kami nito?! Tsk. Hindi, hindi.


“Ah, nakain ko na pala yung akin. Haha. Geh, akyat na ako,” pagsisinungaling ko. Ang dami na naman kasing itatanong niyan ni mama kung patuloy ko pa siyang kukulitin. Sigurado namang hindi si papa ang naglagay nun, hindi naman niya papatulan yang ganyan ganyan ni Ian kung nagkataon.

Habang nasa kwarto ako, nakarinig ako ng yabag mula sa kabilang kwarto. Kwarto ni Kuya Paolo yun. Nauna pa pala siyang naka-uwi kesa sa akin.


Pumunta ako sa tapat ng kwarto niya. Itatanong ko kung siya talaga yung nagbigay nung brownies. I turned the knob and opened the door. Akala ko isang siopao ang makikita ko. Pero mali pala ako. Anim. Anim ang tumambad sa akin.


Anim na pandesal. Akala ko patpatin siya, di ko akalaing may pandesal pala ‘to.

“Pwede matuto kang kumatok?” Teka, dialogue ko yun ah.

“Oh baka naman matunaw ako nyan,” ayan na naman yung nakakaloko niyang boses na mapang-asar. Agad akong tumalikod! Arghhh.

“Ewan ko sayo! Magbihis ka ngang pan-siopao ka!”

“Ano, pan? Pan? If I know, nahihiya ka lang. Sige, tingin lang, hindi naman kita isusumbong.” There was this unexplainable tone in his voice. Yung para bang nanunukso pa.Natatawa na lamang ako sa kanya kahit na medyo ang awkward nung atmosphere.

“Asa!” At ganyan kami magbati. Simpleng bagay, hindi na dapat pinalalaki.


Para na talaga kaming magkapatid ni Kuya Pao, nakakaguilty tuloy nung iniisip ko na sana wala na lang siya rito. In a way, pinapasaya niya naman kasi ako, oy! Hindi dahil sa abs niya ah, kundi dahil sa kakulitan niya. May pagkaweird nga lang siya pero ang saya niya kasama. Lalo na pag ngumingiti siya, nakakahawa.


Pag-gising ko kinabukasan, may brownies na naman sa side table ko, may kasama rin itong papel...

Aya, Alam ko naman namimiss mo na ako. Pwede mo naman akong dalawin paminsan minsan, wag ka mag-alala.

 

Nagmamahal,

Ang pinaka-gwapo mong Pinsan.


Sino pa nga ba? Napangiti tuloy ako bigla.

Continue Reading

You'll Also Like

770K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.4M 30.8K 35
Si Grasya, ang babaeng disgrasyada. Ops! Wag judgemental, hindi siya buntis o nabuntis ha. Ingat na ingat nga siya sa puri niya e. Ang ibig kong sabi...
1.9K 63 5
ATTENTION: Please only proceed if you already finished reading Undercover Queen (Book 2 of Undercover Chic) This is just a one-shot story of what hap...
5.1M 61.1K 67
Once upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee y...