Brother's Obsession [EDITING]

By EiseuPalansaek

910K 14K 1.9K

Warning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your bro... More

BO - Prologue
BO - Chapter 1
BO - Chapter 2
BO - Chapter 3
BO - Chapter 4
BO - Chapter 5
BO - Chapter 6
BO - Chapter 7
BO - Chapter 8
BO - Chapter 9
BO - Chapter 10
BO - Chapter 11
BO - Chapter 12
BO - Chapter 13
BO - Chapter 14
BO - Chapter 15
BO - Chapter 16
BO - Chapter 17
BO - Chapter 18
BO - Chapter 19
BO - Chapter 20
BO - Chapter 22
BO - Chapter 23
BO - Chapter 24
BO - Chapter 25
BO - Chapter 26
BO - Chapter 27
BO - Chapter 28
BO - Chapter 29
BO - Chapter 30
BO - Chapter 31
BO - Chapter 32
BO - Chapter 33
BO - Chapter 34
BO - Chapter 35
BO - Chapter 36
BO - Chapter 37
BO - Chapter 38
BO - Chapter 39
BO - Chapter 40
BO - Chapter 41
BO - Chapter 42
BO - Chapter 43
BO - Chapter 44
BO - Chapter 45
BO - Chapter 46
BO - Chapter 47
BO - Chapter 48
BO - Chapter 49
BO - Chapter 50

BO - Chapter 21

23.9K 316 39
By EiseuPalansaek

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap at hindi pa rin ako makapaniwala na nakaya itong gawin ni kuya.

Ang akala ko, wala nang mas titindi pa sa mga kasamaang ginagawa niya sa akin. Ngayon at eto, nagawa niya akong itali sa kanya. Gumawa siya ng paraan para maging asawa ako. At 'yun ang hindi ko lubos na matanggap. At paano niyang nagawa na ipalabas na magkaiba kami ng apelyido?

Dahil ayon sa mga narinig ko kanina na pag-uusap ng limang bisita at ni kuya, binantaan ito ni kuya na papatayin ang buong angkan nila sa oras na malaman ng lahat ang patungkol sa kinaroroonan ko.

Kaya sa mga narinig ko, napagtanto ko na napilitan lang silang sumunod sa kagustuhan nilang maprotektahan ang pamilya nila.

Pero paano naman ako?

Nais ko sanang humingi ng tulong sa kanila at sabihin sa kanila ang totoo na magkapatid kami ni kuya, pero naisip ko ang mga pamilya nila at pati na rin sila. Ayaw kong maging makasarili. Kaya ako na lang mag-isa ang gagawa ng paraan para makaalis sa poder ng kuya ko.

Sinulyapan ko si kuya na kasalukuyang natutulog ngayon sa tabi ko. Tanging puting kumot lang ang nagtatakip sa hubad naming mga katawan.

Naisip ko ang paraan na ito, ang pagbigyan siya sa huling pagkakataon, dahil alam kong 'pag napagod siya, makakatulog siya nang mahimbing.

Napabuntong hininga ako.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, at dali-dali na akong bumangon mula sa kama. Hindi na ako nag-abalang takpan ang sarili ko ng kumot dahil magbibihis na ako, bago pa magising si kuya.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakasuot na ako ngayon ng black shorts at white shirt na kinuha ko sa cabinet.

Sinulyapan ko sa huling beses si kuya bago ako tumalilis palabas ng villa.

Kailangan ko nang makaalis bago pa siya magising.

Paglabas ko, sumalubong sa akin ang sunrise. Umaga na pala. Dumiretso na ako sa tubig. Hindi ko gagamitin ang bangka ni kuya dahil may motor ito at baka marinig pa ni kuya. Gagawin ko na lang ang dapat sana noon ko pa ginawa.

Napahawak ako sa kwintas na binigay sa akin ni kuya kahapon. Kahit papaano naman, kapatid pa rin ang turing ko sa kanya, sa kabila ng kademonyohan niya. Mahalaga pa rin siya sa akin. Kaya iingatan ko ito.

Kailangan lang talagang mawala muna ako sa landas niya, upang makapag-isip na siya nang matino. At maisip niyang kapatid niya ako.

Nagbuntong hininga ako, at sa huling pagkakataon, nilingon ko ang villa house.

Paalam, kuya. Hanggang sa muli.

At pagkatapos ay lumusong na ako sa tubig.

Bahala na kung anuman ang mangyari sa akin. Basta ang mahalaga, makaalis ako sa lugar na ito.

-

[THIRD PERSON's P.O.V.]

Magtatanghaling tapat nang maalimpungatan si Darko sa magandang gising niya. Masaya siya ngayon dahil sa wakas ay tuluyan nang naging kanya nang legal si Dara.

Dahil asawa na niya ito.

Asawa na niya ang babaeng pangarap niya.

Bumuntong hininga siya nang may ngiti sa labi habang nakapikit at kinapa ang dalaga sa tabi niya, pero agad na naglaho ang ngiti niya at napabalikwas ng bangon nang hindi niya maramdaman ang dalaga sa tabi niya.

"Dara?" Nag-aalalang tawag niya dito, nagbabaka-sakaling magpakita na ito sa kanya. Pero walang Dara ang nagpakita.

Nagsimula na siyang makaramdam ng takot. At hindi niya naiwasang mapakuyom ng mga kamao.

Sunod-sunod siyang huminga nang malalim at umiling-iling. "No. Hindi. Maybe she's just taking a bath in the bathroom. Right! Yeah. I'll just wait for her." Pangungumbinsi niya sa sarili niya.

Pero lumipas na ang halos kalahating oras ay wala pa ring Dara ang nagpakita sa kanya, at lumabas ng bathroom.

Doon na siya nagsimulang kabahan at dali-dali siyang kumilos at agad na nagbihis.

"Damn it, Dara. Where the fcvk did you go?!" Nanggagalaiti niyang sambit sa sarili.

Pumunta siya sa labas ng villa nang hindi niya makita sa loob ang dalaga. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili niya na nandito lang ang dalaga at nagpapahangin lang.

Ngunit ilang oras na siyang naghahanap, nararamdaman na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya, at hindi pa rin niya nakikita ang dalaga.

Nag-aalala na siya. Baka ano nang nangyari dito.

Pero kailangan niyang palisin sa isip niya ang mga negatibong bagay. Kailangan niyang umisip ng paraan para mahanap ang dalaga.

Pagbalik niya sa villa mula sa maghapong paghahanap sa dalaga, agad niyang kinuha ang private phone niya at binuksan niya ito.

Sa sobrang takot at pag-aalala na nararamdaman niya sa pagkawala ng dalaga, hindi na siya nakapag-isip pa. Kaya nawala sa isip niya ang use ng phone niya. Laking pasasalamat niya ng kahit papaano ay may 1 bar signal ito.

Doon niya lang naalala na may kinabit nga pala siyang tracker device sa kwintas na binigay niya sa dalaga, para kung saan man ito magpunta ay mahahanap at mahahanap niya.

Namamag-asa niyang chineck ang phone niya hanggang sa tumunog ito.

Nang tingnan niya ito, nakita niya ang pula na nakaturo sa isang lugar na malayo sa isla niya at hindi pamilyar sa kanya.

-

Dapit hapon nang mapadaan ang isang binata sa dalampasigan. At habang naglalakad siya ay may natanaw siya sa 'di kalayuan na bulto ng isang taong nakahiga sa buhanginan.

Walang ibang tao sa paligid kundi siya lang at ang nakikita niya.

Sa halos isang buwan na pamamalagi niya sa islang 'yun, ay wala siyang kahit na sinong nakilala, maliban lamang sa matandang lalaking tumulong sa kanya, at sa asawa nito.

Hindi niya kasi maalala kung saan siya nanggaling, at paano siya napunta sa lugar na 'yun.

Ang tanging naaalala lang niya ay mula nang magising siya habang nakahiga sa papag sa loob ng bahay ng matandang mag-asawa.

Nagbuntong hininga siya sa pagbabalik tanaw at agad lumapit sa bulto ng tao para alamin kung anong nangyari dito.

Paglapit niya, isang magandang dilag ang nakita niya, at basang basa ito. Marahil ay nalunod ito.

Tch. Lalangoy langoy, hindi naman pala marunong.

Dahil sa hindi niya malaman ang gagawin, binuhat na lamang niya ito para dalhin sa kubo ng matandang mag-asawang kumupkop sa kanya.

"Oh anak, sino naman 'yang dala dala mo?" Salubong na tanong sa kanya ng matandang babae.

"Hindi ko ho kilala, 'nay. Nakita ko lang po ito sa tabing dagat at natutulog."

Pagkasabi nun ay nilapag niya ito sa papag, sa higaan niya.

Sa itsura pa lang nito ay mukhang laki ito sa marangyang pamilya.

Ang hindi niya alam ay kung paano ito napadpad sa lugar na 'to.

"Ising, nar'yan na ba si Paolo?" Tanong ng isang matandang lalaki mula sa labas, na kakagaling lang sa gubat matapos kumuha ng panggatong para sa lulutuin ngayong gabi.

"Oho, itay, nandito na po ako." Siya na ang sumagot.

Huminga siya nang malalim bago sulyapan ulit ang dalaga.

"Ano bang nangyari sa kanya, anak?" Batid ang pag-aalala sa boses ng matandang babae.

"Ewan ko po. Baka po nalunod."

"Sus ginoo! Kawawa naman ang batang 'to." Narinig niya ang buntong hininga nito. "Sige, alam mo na ba kung anong dapat gawin sa taong nalunod?"

Nagbuntong hininga siyang muli at umiling bilang sagot. "Hindi pa po."

Huminga nang malalim ang matanda, "'Pag nalunod ang isang tao, at nawalan ng malay, kailangan mo siyang bigyan ng hangin, at ipump ang kanyang gitnang dibdib."

Napakunot-noo siya.

"Sa paanong paraan po?"

"Pero dahil hindi mo pa alam ang gagawin, ako muna ang gagawa sa pagpapump. At kailangan mo siyang bigyan ng hangin sa pamamagitan ng pagbuga ng hangin sa bibig niya mula sa bibig mo."

Hindi pa rin niya maintindihan kaya pinaliwanag na lang ito ng matanda sa simpleng paraan.

"Parang gigisingin mo siya sa pamamagitan ng halik, at sa pagbuga ng hangin sa kanyang bibig."

Gulat siyang napatingin sa nanay niya.

"Ho?! Pero.." Pero hindi ko siya nobya.

Gusto niya sana idugtong pero hindi niya magawang maisatinig. Parang may nagbara sa lalamunan niya na pumigil sa kanyang sabihin 'yun.

"Wala nang pero pero. Gawin mo na, para magkaroon na siya ng hangin."

Wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang nanay niya, at gawin ang sinasabi nito, sa kabila ng mabilis at malakas na pagkabog ng dibdib niya.

-

[THIRD PERSON's P.O.V.]

"MGA HANGAL! Hanggang ngayon, hindi niyo pa rin siya nakikita?! Binigay ko na sa inyo ang location kung nasaan siya! Binabayaran ko kayo, mga inutil!" Sigaw niya sa kausap sa telepono at pagkatapos ay narinig ang pagkabasag ng flower vase dahil sa pagbato niya nito sa dingding ng kanyang villa house.

"P-pasensya na po, s-sir. G-gagawin po namin l-lahat para makita siya." Dinig niya ang takot sa boses ng nasa kabilang linya.

"Dapat lang! Binibigyan ko kayo ng isang linggo para mahanap ang asawa ko kundi ako mismo ang papatay sa buong pamilya niyo!" Hindi na niya hinintay na makasagot ito at pinatay na niya ang tawag.

Inis na inis siya sa mga tauhan niya.

Dalawang araw pa lang mula nang mawala si Dara, ay nagkakaganito na siya.

Gusto niya sana na siya ang maghanap kay Dara pero iniisip niya na baka bumalik ito sa villa at hindi siya maabutan. Mas mabuti nang nandito siya sa villa 'pag bumalik na ito.

Saan ka ba kasi nagpunta?

"'Pag natagpuan kita, hindi ka na makakawala sa akin. Kung kinakailangan na ikadena kita, gagawin ko, huwag ka lang makatakas, kapatid ko. Akin ka lang, Dara. Akin ka lang!" At pagkatapos ay inisang lagok niya ang wine na nasa kopitang hawak-hawak niya.

-

[PAOLO's P.O.V.]

Isa't kalahating araw na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Akala ko nga magigising na siya nung hinalikan ko siya. Pero hindi naman siya nagising.

Sa ngayon, ako ang nagbabantay sa kanya dahil sina nanay at tatay ay parehong umalis. Si tatay ay nangisda, at si nanay naman ay pumunta ng palengke para bumili ng bigas.

Ako pa nga ang inuutusan kanina ni inay na pumunta ng palengke, pero hindi ko alam kung bakit at mas gusto ko na lang na ako ang magbantay sa babaeng 'to kahit na alam kong wala naman akong mapapala.

Siguradong hinahanap na 'to ng mga magulang nito.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo malapit sa higaan niya at maglalakad na sana papunta sa kusina nang marinig ko siya.

"Uhh."

Kaya naman, napalingon na ako sa kanya. At doon ay nakita ko ang unti-unti niyang pagdilat ng mga namumungay niyang mga mata. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.

"Mabuti naman at gising ka na, miss."

At nang mapatingin siya sa gawi ko, hindi ko alam pero kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

Tch. Ganon ba ako kagwapo para panlakihan ng mata? Haha.

"Luke, i-ikaw ba 'yan?"

Napakuno't-noo ako. Anong tinawag niya sa akin? Luke?

Bumabangon siya mula sa pagkakahiga kaya inalalayan ko siya.

"Sorry, miss. Pero nagkakamali ka. Paolo ang pangalan ko."

At doon ay parang nahimasmasan siya.

"I'm sorry, it's just that, your facial features.." Tiningnan niya ulit ako na kinabilis ng tibok ng puso ko. Ewan! "Kamukhang-kamukha mo kasi siya."

Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya kasi ewan, ang ganda kasi niya! Pakshet men! Hindi pwede!

"Ah g-ganon ba? Sige, k-kukuhanan lang kita ng m-makakain." Hoo! Bakit ba ako nauutal sa harap niya?

Eh paano ba naman kasi, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

At ang puso ko, mukhang aatakihin 'ata ako sa bilis ng tibok nito.

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at nagmamadali na akong makapunta sa kusina. Pagdating ko doon, agad akong kumuha ng baso at naglagay ng tubig mula sa water jug. Pagkatapos ay mabilisan ko itong ininom. Baka sakaling kumalma ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Pagkatapos ay kumuha na ako ng cup noodles at agad itong sinalinan ng mainit na tubig.

Siguradong gutom na gutom na siya dahil isa't kalahating araw din siyang tulog.

Tinakip ko muna ulit ang takip nito at pinatungan ko ng kutsara.

Habang hinihintay ko na lumambot ang noodles nito, hindi ko maiwasang mapaisip.

Bakit niya ako tinawag na Luke? Sino ba 'yun? Kamukhang-kamukha ko? Ibig sabihin, mayroon akong kakambal?

At ang malaking katanungan ngayon sa akin. Bakit ganito na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya?

Hindi kaya, kinabahan lang ako? Tama! Kinabahan lang ako dahil siguro hindi ko malaman ang gagawin ko kanina dahil ito ang unang beses na mag-aalaga ako na ako lang ang mag-aalaga.

Haist.

Dapat pala, ako na lang ang pumunta sa palengke. Kung anu-ano na tuloy nangyayari sa akin.

Makalipas ang ilang minuto, dinala ko na ang cup noodles patungo sa kanya at nilapag ito sa lamesang katabi ng hinihigaan niya.

"Kumain ka muna. Siguradong gutom na gutom ka na." Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman at hindi na ako nautal. "'Yan muna ang kainin mo, cup noodles. Para hindi mabigla ang sikmura mo."

"Salamat." At pagkatapos ay kinuha niya ang cup noodles at nagsimula na siyang kumain. "Nasaan nga pala ako?"

"Nandito ka ngayon sa bahay namin. Nakita kasi kita sa dalampasigan kahapon na walang malay."

"Ahh."

Hindi ko maiwasang titigan siya. Ang ganda talaga niya.

Napailing-iling ako.

"Kukuhanan lang kita ng maiinom." Tumango lang siya dahil siguro may laman pa ang bibig niya.

Pagdating ko sa kusina, naipatong ko sa may malapit sa lababo ang mga kamay ko.

Ugh. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Dahil ba unang beses na mapalapit ako sa isang dalaga?

Ay ewan!

Kumuha na lang ako ng tubig at bumalik na sa kinaroroonan niya. Pagkabigay ko sa kanya ng tubig, umupo na lang ako sa may upuan na medyo malayo sa kanya.

"Ano palang pangalan mo?" Nilingon niya ako nang magtanong ako.

"Dara." Tumango-tango ako. Bagay sa kanya ang pangalan niya. Kasing ganda niya.

"Maya-maya lang, darating na sila nanay. Hintayin na lang natin sila." Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lang.

"Taga saan ka pala?" Ewan ko. Parang gusto ko pa siya makausap eh. Siguro, gusto ko lang siyang kilalanin dahil nandito siya sa bahay ng kumupkop sa akin.

"Tagaytay." Napakatipid niyang sumagot. Haist. At ang layo naman pala ng pinanggalingan niya.

"Paano ka napadpad dito?" At sa tanong kong 'yun, hindi ko alam kung bakit pero natigilan siya.

"It's a long story. Sabihin ko na lang sa'yo next time." Hindi ko na siya tinanong pa ulit. Siguro, masyadong pribado ang sagot sa tanong kong 'yun kaya hindi ko na pinilit na alamin pa.

Malalaman ko rin naman 'yun eh. Sa takdang panahon.

"Okay. Pero kung gusto mo, uhm. Kung gusto mo lang naman, pwede mo akong maging kaibigan." At nginitian ko siya.

"Sure." At ipinagpatuloy na niya ulit ang pagkain niya. At dahil sa ngiti niya, naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko?

Napailing ako at ngumiti nang kaunti. Binalewala ko muna 'yung pakiramdam kong 'to.

Sa ngayon, ieenjoy ko muna siguro ang pagiging magkaibigan namin.

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

"Nag-aaral ka pa ba?" Tanong sa akin ni Paolo pagkaupo ko sa may duyan dito sa dalampasigan.

"Napahinto ako pero balak ko ituloy ang pag-aaral ko. Ikaw ba?" Balik tanong ko sa kanya, sabay tanaw sa karagatan.

"Hindi ko pa alam sa ngayon." And he sighed.

Ganyan lang kadalasan ang pag-uusap namin. Matagal-tagal na rin mula nang magising ako pero after three days na nakalipas nang magising ako, nung time na 'yun, hindi pa kami ganon ka-close. Kumbaga, ang nangyayari sa amin ay parang friendly talk. Ganon.

Pero ngayon, almost two months ago na akong nandito sa puder nila. Haist ano na kayang nangyari kay kuya? Siguradong hindi 'yun titigil hangga't hindi ako nahahanap. Pero sana 'pag nagkita na ulit kami, mawala na ang pagnanasa niya sa akin.

Sila nanay Ising at tatay Juan, mabait naman sila. Maganda ang trato nila sa akin na parang tunay na anak. Katulad ng pagtrato nila kay Paolo.

Si Paolo naman, sa two months ko dito, marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Nabanggit niya rin na hindi siya tunay na anak nila nanay Ising at tatay Juan.

Pero sa tuwing makikita ko ang ngiti niya, hindi ko rin maiwasan na ngumiti. Madalas ko rin tuloy naaalala sa kanya si Luke.

Haist. Kumusta na kaya si Luke?

"Nga pala, nabanggit mo sa akin na hindi mo tunay na parents sina nanay Ising at tatay Juan. Nasaan pala ang parents mo kung ganon?" Umupo siya sa may mga ugat ng punong kinatatalian ng duyan bago ako sinagot.

"Hindi ko alam. Basta ang kwento sa akin ni tatay, nakita daw niya ako sa gubat na walang malay at puno ng galos. Tapos nang magising ako, nasa papag na ako sa may kubo nila sa gubat. Isang linggo rin daw akong tulog. Buti na nga lang, nagising pa ako. Pero paggising ko, wala na akong maalala. Ni hindi ko maalala ang pangalan ko, kaya ayon, pinangalanan na lang nila ako ng Paolo." Nakangiti niyang pahayag.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sagot niya. Sa kinwento niya, may isang bagay akong napagtanto.

Pero ayaw ko siyang biglain sa mga nawalang ala-ala niya. Kung kalooban ng Diyos na makaalala siya, makakaalala siya. Hihintayin kong dumating ang araw na 'yon. Hihintayin ko siya.

"Ganon ba? Hm. Saan nga pala ang lugar na 'to?" Pag-iiba ko ng topic.

"Nandito tayo ngayon sa San Antonio, Zambales."

"Ha?! Zambales?!" Ang layo naman pala ng pinagdalhan sa akin ni kuya! Akala ko sa Batangas niya lang ako dinala.

"Oo, kaya nga nagtataka ako paano ka napunta dito, eh ang layo ng tagaytay dito."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko gustong malaman niya ang nangyari sa akin sa puder ng kuya ko.

"Pwede mo ba sabihin sa akin kung saan ang pinakamalapit na terminal ng bus dito na makakarating ako sa PITX?"

-

[PAOLO's P.O.V.]

"Ah. Hindi ko alam kung saan eh." Actually, may alam akong malapit na terminal dito. Kaya lang, ewan ko kung bakit ayaw ko pang ituro sa kanya kung saan 'yun.

Para bang may pumipigil sa akin na ituro sa kanya ang daan papunta doon.

"Tara, balik na tayo sa bahay, siguradong nandoon na si nanay." Pag-aaya ko na lang sa kanya.

Sa nagdaang isa't kalahating buwan, masasabi kong marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya, kahit na hindi pa niya ganon na binubuksan ang paksa tungkol sa dahilan ng pagdating niya sa lugar na ito.

"Wala bang ibang taong nakatira dito sa isla?" Tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay.

"Meron naman, kaya lang iilan lang din ang tao dito."

"Ahh." Tumango-tango lang siya.

"Kung gusto mo, bukas, punta tayo sa bayan. Nasabi ni nanay Ising na magbubukas daw ang peryahan eh."

"Talaga ba? Sige ba, punta tayo, pero huwag mo akong iiwan doon ah. Baka mawala ako." Biro pa niya sabay tawa.

Hay. Ang sarap talaga pakinggan ng tawa niya.

Tch. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?! Kung anu-ano na naman ang nasasabi ko.

"Don't worry, I won't leave you." Saad ko kasabay ng pagngiti ko.

Nagtaka at nailang naman ako nung bigla niya akong titigan nang matiim.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"

"Ah. Marunong ka pala mag english, at tamang-tama pa ang accent mo."

Napalunok ako.

"Ahh 'yun ba! Narinig ko lang 'yun sa TV at ginaya ko." Palusot ko na lang. Hindi ko alam ang isasagot ko eh. Sa totoo lang, kusa ko na lang siyang nasabi.

"Parang sanay na sanay ka na sa english language." Biro niya kasabay ng pagngisi niya nang nakakaloko.

"Hindi naman haha!" Gatong ko pa.

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

"Oh, nar'yan na pala kayo! Paolo, tawagin mo na ang tatay mo sa likod nang makapananghalian na tayo. Dara, iha, maupo ka na." Bungad sa amin ni nanay Ising pagpasok namin ng bahay.

"Sige po." Saad ni Paolo at pagkatapos ay nagtungo na sa likod-bahay. Ako naman ay lumapit kay nanay Ising.

"'Nay, tulungan ko na po kayong maghain."

"Sige, iha, salamat."

Gaya ng sinabi ko, tinulungan ko na nga si nanay. Naglagay na ako ng apat na plato sa lamesa, apat na baso, isang pitsel ng tubig, at mga kutsara. Si nanay naman ang naghain ng ulam.

Nang maiayos na lahat at nandito na si Paolo kasama ni tatay Juan, naupo na kami.

Si Paolo at ako ang magkatabi, habang si nanay Ising at tatay Juan naman ang nasa harap namin nakaupo.

At nag-umpisa na kaming kumain.

Nang nagsasandok na ako ng ulam, naibalik kong bigla ang sandok at napatakbo ako sa may lababo.

At doon ay nagduduwal ako. Nagduduwal na naman ako.

Maya-maya, naramdaman kong may humahaplos sa likod ko habang nagduduwal ako.

Kinabahan na lang ako sa narinig kong tanong ni nanay Ising na siyang humahaplos sa akin.

"Iha, buntis ka ba? Napapansin ko rin na napapadalas ang pagduwal mo nang ganyan."

Ngayon ko lang napagtanto.

Hindi pa ako dinadatnan ulit.

-

-

Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
681K 45.3K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...