Rodavlla Samiera University:...

Door BraveJoan01

20.9K 2.1K 153

June 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any tr... Meer

CAST AND CHARACTERS
Prologue
CHAPTER 1: Hello Philippines
CHAPTER 2: Mall
CHAPTER 3: First day of trouble
CHAPTER 4: Demonic Eye Gang (D.E.G)
CHAPTER 5: Meet Kevin Steeford
CHAPTER 6: Fight or Trouble?
CHAPTER 7: Infirmary
CHAPTER 8: Chester & Arzi
CHAPTER 9: S. Fire
CHAPTER 10: Ace of Spade (You're Dead)
CHAPTER 11: Dangerous way
CHAPTER 12: Invitation
CHAPTER 13: Punishment
CHAPTER 14: The truth
CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party
CHAPTER 16: In Hospital
CHAPTER 17: Blush
CHAPTER 18: Gangsters Group
CHAPTER 19: With them
CHAPTER 20: I miss you!
Ms. BraveJoan01's Note
CHAPTER 21: History
CHAPTER 22: Volleyball
CHAPTER 23: New Group of Gangsters
CHAPTER 24: Under the Rain
CHAPTER 25: Underground Battle
CHAPTER 27: Star Bravierz vs. Black Angel
CHAPTER 28: Boyfriend
CHAPTER 29: DIE
Chapter 30 : Tape
CHAPTER 31: Looking for Amira
Chapter 32: Poor Amira!
Chapter 33: I'll court you!
Chapter 34: Date
Chapter 35: James & Joanna
Chapter 36: Christoff
Chapter 37: Death Threat
Chapter 38: Star Bravierz vs. Red King Warrior
Chapter 39: Finding Joanna
Chapter 40: Lover's Quarrel ( Jealous )
Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye
Chapter 42: Suspicious
Chapter 43: Big Reveal
Chapter 44: Take the chance
Chapter 45: Letting go
Chapter 46: Keychain
Chapter 47: Kienna in danger
Chapter 48: Painful
Chapter 49: Debut
Chapter 50: The Bloody Clash
Chapter 51: Her Last word
Chapter 52: After a few days
Epilogue
Miss BraveJoan01's Note

CHAPTER 26: Star Bravierz

274 40 1
Door BraveJoan01

Amira's POV

Ang buong akala ko talaga ay matatalo na si Cath ni Cydell. Ngunit nagkamali pala ako. Dahil ngayon, ang buong member ng Evil Queen ay naglalakad na papuntang center ng battle ring pati na rin ang Demonic Eye na galing sa kabilang side.

"Lodi ko talaga ang mga Salvador. Petmalu. Pero ang astig talaga ng pagsulpot ni Jona eh." Masayang sabi ni Zils pero hindi ko lang siya pinansin.

Si Sandy naman ay nakaupo lang sa isang gilid hawak ang phone niya.

Buti na lang at wala siyang sapi ngayon. You know? Iba ang tama niyan pagdating kay Cloud pero hindi na siya tulad nung last year.

Kanina nga nagulat na lang kami ni Zils nung dumating siya sa dorm na basang basa. Halata sa mga mata niya na kagagaling lang niya sa pag iyak pero halata din naman na naging masaya siya habang nagpapakabasa sa ulan, kasama si Kiel. Tawang tawa pa nga siya kanina eh, kaya wala kaming nagawa ni Zils kundi magtinginan at makitawa kay Sandy.

Napagdesisyunan ng Evil Queen at Demonic Eye na buong grupo na silang lalaban sa isa’t isa. Dahil medyo hilo pa ata si Pink. No choice naman ang Demonic Eye eh, kasi nga student president siya at isa pa kilala ng lahat si Cath bilang anak ng may ari ng University. Oh ’di ba? Saan ka pa?

So ayun na nga, tanaw na tanaw ko sila ngayon mula dito sa pwesto ko.

By the way, nandito nga pala si Lolo wearing gold mask. Nandoon siya sa stage, while seating on his gold chair. Walang sino man ang may karapatan na umupo dun, except sa kaniya. Even Dad, Mom, Kuya and even Cath.

Actually, mayroon silang sari sariling upuan. But of course ’yong inuupuan ni Cath is just for a while because that chair is mine.

Busy sina Mom and Dad, pati na rin si kuya kaya wala sila dito ngayon.

Tanaw ko rin si Lolo mula dito sa pwesto ko. Maging ang mga reapers na nakapaligid sa kanya ay tanaw na tanaw ko rin. Seryoso lang si lolong nanonood ng laban habang kumakain ng pop corn.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa dalawang grupo. Magkakaharap na sila ngayon. Four girls vs. five boys.

Nakita ko ang husay ni Cath kanina habang nakikipaglaban siya. Halos saulo ko na ang mga galaw niya. Maging ang techniques and strategies niya dahil halos sabay din naman kaming nagtraining noong mga bata pa kami. Pinatigil nga lang ako nung coach namin, you know.. asthma.

Nagpipilit pa nga ako nun na ipagpatuloy ang training ko, kaso sasabihin daw ni Coach sa parents ko na may asthma nga ako ’di ba? Kaya hindi na nga ako nagpumilit. And until now, my asthma is just a secret. Buti na lang nung araw na tumigil ako sa training ay nasa States kami ni Cath kasama sina Zils at Sandy. Mas magaling kasi ang mga trainer dun. So nung araw na tumigil ako dun sa pinagtetraningan ko, naghanap ako ng bagong trainingan. Ako ng nagpaliwag sa parents ko kung bakit gano’n ang nangyari. And of course everything that I explained to them was just a lie. Yeah, I don’t want them to know that I have asthma.

So, mabalik na nga tayo.

Napansin kong nag uusap si Cath at Kevin pero hindi namin marinig kung ano ang pinag uusapan nila dahil napagdesisyunan ni Lolo kanina na i-off ang speaker. Ang unfair ’di ba?

Halos sabay sabay rin silang lahat na nagsisuguran. Magaling nga ang Evil Queen pero hindi mapagkakaila na mas magaling ang Demonic Eye kesa sa kanila.

Kung hindi niyo nga pala nalalaman, nung araw na sinabi ko kay Cath na sasali kaming tatlo bilang isang grupo ng gangsters, minsan every Saturday and Sunday nag t-training kami nina Zils at Sandy. Lumalabas kami ng University, pwede naman eh. Nag g-gym din pati kami, kaya sobrang sexy na talaga namin lalo.

*Fastforward*

Lumipas na ang ilang minuto at halos lahat sila ay sugatan na pero ayaw parin magpatalo ng bawat isa sa kanila. Lalo na si Cath, alam kong gusto talaga ni Cath makuha ang pwesto ng Demonic Eye kaso talagang magaling sina Kevin. Magaling ang mga strategies na ginagawa nina Kevin. Mahirap basahin ang mga galaw ni Kevin pero dahil ilang beses ko na siyang nakalaban at sa mga nakita ko ngayong mga galaw niya, tumatatak na sa isip ko.

Sa ngayon, si Jona at Cath na lang ang lumalaban dahil bumagsak na sina Pink at Ezza. Samantalang ang Demonic Eye ay buo pa rin.

.
.
.
Hanggang sa napabagsak na nga rin ng tuluyan ng Demonic Eye sina Cath at Ezza.

At hanggang sa muli ay itinanghal pa rin ang Demonic Eye na panalo, nanatili pa rin sila bilang rank 1.

At doon na nga nagsimulang muling mag ingay ang mga estudyante dito.

"YEHEY. DEMONIC EYE FOR THE WIN!"

"CONGRATS, BABY ZI!"

"KYAAAH.. YOUR SO HOT PAPA KEVIN!"

"OH MY BABY NIEL!"

"KIEEEEEL!"

"JEEEEF KOOOO!"

"I LOVE YOU KEVIIIN!"

Takip takip ko ang dalawang tenga ko gamit ang dalawang kamay ko. Sobrang nakakarindi ang paligid, kababaeng tao ang lalandi. Tuwang tuwa naman ang mga g*go.

***
Kevin's POV

Pinahirapan lang ng Evil Queen ang sarili nila, eh matatalo rin naman sila, hindi na nasanay.

Pagkatapos ng pagkatanghal sa amin bilang panalo ay bumalik na kami sa pwesto namin kanina.

Nang makaupo ako ay agad kong kinuha ang bag ko, then kinuha ko ’yong tubig at ininom ’yon.

Naubos ko ang isang bottle of water dahil sa uhaw ko.

"Kapagod ’yon ah." Sabi ni Niel sabay inom rin ng tubig.

"Okay. I think, this is the best time to meet the new group of gangsters!" Masayang sigaw ng emcee dahilan para muling mag ingay ang paligid.

"SIGE NAA SABIHIN MO NAA, KANINA PA EHH!"

"WAG NG PABITIIN."

"TELL IT!"

"Obvious naman na super excited na talaga kayo ha," sabi pa ng emcee.

Pabitin talaga ito kahit kailan. Kapag nabato ko sa ’yo itong patalim na nasa gilid ko, naku! Ewan ko na lang sa ’yo.

"Ang tagal naman sabihin." Niel

"Kapag ako nainis baka lumipad pa itong knife papunta sa emcee na ’yan." Kiel

"But before that, let’s call on the owner of R.S. University, Master JM to introduce the new gangsters group." Masiglang pagpapakilala ng emcee kay Master at tumayo naman si Master sa pagkakaupo niya at lumapit sa tabi ng emcee.

"Good evening R.Sians!" Pagbati ni Master JM wearing gold mask. Every time na pumupunta si Master dito ay palagi siyang nakasuot na mask. Walang sinuman ang nakakakita ng mukha ni Master, except sa aming mga gangsters. Yeah! Only gangsters can see his face.

"Okay, hindi na ako magpapatumpik tumpik pa, boom karakaraka," sabi ni Master dahilan para magsitawanan ang mga estudyante dito.

Hindi talaga mapagbiro si Master. He’s always serious. But it depends pa rin naman sa moods niya.

"I know na kanina pa kayo excited na makilala sila. But before that, I want to say that please respect them as you respect the old gangsters." Maka old naman si Master oh. "And tonight, let’s all welcome the new group of gangsters..."

Nagkaroon ng katahimikan ang paligid. Pati ang pag hinga ng mga tao dito ay parang limitado.

Ang maging isang grupo ng gangsters ay hindi madali. Kaya sobrang nakakahanga ang sino man ang sumali bilang gangster.

"STAR BRAVIERZ!" sigaw ni Master JM habang nakaturo sa gilid ng stage kung saan naroroon ang isang pinto at iniluwa nito ang tatlong babae.

"Wait, they all look like familiar," sabi ni Jeff habang nakatingin din sa tatlong babae na naglalakad paakyat ng stage.

Naka all black silang tatlo. Black leather jacket then black din ang panloob nilang damit, black jeans, black sunglasses, black boots. As in all black.

Kung titingnan ay sobrang lakas talaga ng dating nilang tatlo. Malakas na sigawan ang salubong sa kanila ng mga tao. Magaganda rin sila, artistahin ang dating. Ngunit hindi ako makapag antay na tanggalin na nila ang kanilang sunglasses para mas makita na ang mukha nila. Naka tapat sa kanilang tatlo ang spotlight. Kaya’t ang bawat galaw nila ay kitang kita.

’Yong nasa gitnang babae ay naka ponytail habang ang dalawang nasa tigkabilang side niya ay nakalugay.

Habang naglalakad sila ay may napansin ako. Bumubuka ang bibig nung nasa gitna na tila may sinasabi at tumango naman ang dalawang nasa gilid. Mukhang ang leader nila ay ang nasa gitna.

Nang makarating na sila sa tabi ni Master JM ay nagsalita na muli si Master.

"Star Bravierz, such a wonderful name. Please introduce yourselves."

Si Master JM ang nagunguna sa pagpapakilala sa tatlo dahil siya ang owner ng University.

Kinuha nung babaeng nasa gitna ang microphone.

May sinenyas siya dun sa dalawang babae. Kasabay nun ang pagtanggal nila ng mga sunglasses nila at ineheadband ’yon.

Nagkaroon ng katahimikan dahil sa ginawa nila.

Hindi ako pwedeng magkamali, sila ito.

"Amira.." Ang tanging lumabas sa bibig ko nang sumulyap sa direksyon ko ang paningin niya.

"Sila?" Gulat na tanong ni Jeff.

"Sandy?" Bulong ni Kiel na narinig ko naman.

"Arzi.." Rinig kong sabi ni Jeff

"Amira.." bulong naman ni Zi.

"Woah! Sina Amira nga!" Parang sirang sabi ni Niel.

"Hey everyone! I know that some of you already know who we are. And for some student who’s not yet know us, I’m Amira Salvador from section fire."

"And I’m Arzila Lopez."

"Sandy Veloso."

"We are only three members in our group but don’t you dare to manipulate us. And for the nth time, we are Star Bravierz. Just keep it in your mind.

After ng pagpapakilala nila ay ang kasabay ng pagpalakpakan at hiyawan ng mga tao.

"Sila pala ’yon."

"They are the transferees who makes trouble with Demonic Eye before, right?"

"Sila ’yong magaling."

"Sus! Mayayabang kamo."

"They all looks pretty."

"Mas maganda ’yong nasa gitna."

"Mas maganda ako."

Ang ingay ng mga katabi ko dito. Kung ano anong pinagsasasabi. I gave them a death glared which make them quiet.

Ano naman kayang pumasok sa isip nina Amira at naisipan nilang sumali dito? Hindi ba nila alam kung gaano kadelikado ang maging gangsters. Sabagay, may alam naman sila sa pakikipaglaban. Bahala na nga sila, ba’t ko ba sila iniisip?

Ibinalik ko ang paningin ko kay Amira. Wala akong makitang kahit kaunting takot o pag aalinlangan man sa kaniya. Napakaaliwalas ng mukha niya.

"Bakit pa sila sumali dito?" tanong ni Jeff.

"Aba’y malay ko, bakit akong tinatanong mo?" Niel

"Hindi ikaw ang tinatanong ko. Manahimik ka nga."

Halata sa mukha niya ang pag aalala dahil sa pinsan niya, isa pa ay dahil na rin kay Arzila, you know. And of course kay Amira din. Childhood friend din sila, right?

"Eh sino pala ang tinatanong mo?" tanong ni Niel pero hindi na siya pinansin ni Jeff dahil parang t*nga lang si Niel.

Maya maya ay pinapili na ng emcee sina Amira kung sino ang hahamunin nilang grupo.

Bumaling ang paningin ni Amira sa direksyon namin.

***
Amira's POV

Halata sa mga tao dito ang pagkagulat sa mga pangyayari. Halos lahat sila ay hindi makapaniwala na isa na kaming gangsters ngayon.

Mas naexcite tuloy ako dahil sa mga naging reaksyon nila. Pati ang mga other gangsters na halos nakanganga na din katulad ng mga ordinaryong estudyante dito.

Maya maya ay pinapili na kami ni Lolo ng grupong hahamunin namin.

Yeah! Si Lolo ang nagpapakilala sa amin, you know.

Napatingin ako sa direksyon nina Kevin. Napansin kong tumaas ang gilid ng labi niya. Nakangisi siya habang nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at napabaling ang tingin ko kay Zach na nasa dulo ng upuan nila.

Nakita kong ngumiti siya sa ’kin kaya tinanguan ko siya at nginitian din siya.

Sina Niel at Kiel naman ay may pagkaway pa. Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Si Jeff naman, parang wala sa mood. For sure, nag aalala ’yan sa pinsan niya pati na rin kay Zils.

Inilibot ko ang paningin ko. Halos mapuno na pala talaga ng tao itong Underground.

Napatingin ako kay Cath kasama ang grupo niya. Nginisian lang ako. Irapan ko nga ah.

Dumako ang paningin ko sa grupo nina Cydell na ngayon ay nag uusap.

Tumingin ako sa Dark Prince Gang na nakatingin lang din sa amin.

And finally, nakita ko na ang hinahanap ko, ang Black Angel Gang. Ang grupong pinagtulungan si Sandy. Akala niyo ha! *Smirk*

Matalim ang tingin nila sa akin, kaya nakipaglaban ako ng titigan sa kanila at  ngumisi.

Napag usapan na talaga naming tatlo kung sino ang unang hahamunin namin. Hinahamon namin sila hindi dahil alam kong mananalo kami kasi nga mahina sila, hinahamon namin sila para naman makaganti kami ano dahil intik lang ang walang ganti, ika nga.

"Black Angel Gang."

_____

8/ 21/ 18

votes and comments are very much appreciated!😉

09/27/20 • Done editing

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.1K 118 20
Completed ✅ When I was four years old, I saw a woman die. I didn't understand what was happening at the time. I didn't know why she was lying on the...
2.9K 73 19
This is an empires smp highschool story. Everyone involved in empires smp season one will be tagged. DISCLAIMER! EMPIRES SMP DOES NOT BELONG TO ME! N...
16.1K 602 25
Dark. No Light. Dark University where killing is legal and I thought that it only happened in a movie but in true life too. Welcome to DARK UNIVERSI...
9.4K 221 13
Sequel to The German Shepherd and the Husky. Everest receives a mysterious letter from her big brother. Decided to go and save her brother alone, she...