Teen Clash 2: Battle between...

Por iDangs

97.7M 2M 667K

TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will... Más

Teen Clash 2: Battle Between Heart and Mind
Prologue
Battle 1
Battle 2
Battle 3
Battle 4
Battle 5
Battle 6
Battle 7
Battle 8
Battle 9
Battle 10
Battle 11
Battle 12
Battle 13
Battle 14
Battle 15
Battle 16
Battle 17
Battle 18
Battle 19
Battle 20
Battle 21
Teen Clash Book
Battle 22
Battle 23
Battle 24
Battle 25
Battle 26
Battle 27
Battle 28
Battle 29
Battle 30
Battle 31
Battle 32
Battle 33
Battle 34
Battle 35
Battle 36
Battle 37
Battle 38
Battle 39
Battle 40
Battle 41
Battle 42
Battle 43
Battle 44
Battle 45
Battle 46
Battle 47
Battle 48
Battle 49
Battle 50
Battle 51
Battle 52
Battle 53
Battle 54
Battle 55
Battle 56
Battle 57
Battle 59
Battle 60
Battle 61
Battle 62
Battle 63
Battle 64
Battle 65
Battle 66
Battle 67
Battle 68
Battle 69
Battle 70
Battle 71
Battle 72
Battle 73
Tanong mo, sagot ko
Teen Clash 2: BBHM Playlist ♫
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5
Special Chapter 6
Special Chapter 7
Second Generation and Other Stories
Teen Clash 2 Book

Battle 58

997K 20.2K 6.6K
Por iDangs

Yannie’s POV

“Ano na balak mo niyang gawin ngayon?”

Napatingin ako saglit kay Ayu at ibinaon ko ulit ang mukha ko sa unan ko. Ayos naman kasi dapat lahat kung hindi lang nanggulo si Tom. Nakakainis siya! Kaya lang ang mas nakakainis, alam kong may punto siya sa sinabi niya.

Nakakaloko talagang magmahal. Ang lakas makabobo. Feeling ko naman wala akong utak at puro ‘yung puso ko lang ang pinairal ako. Paano ba kasi pagsabayin pagganahin ang utak at puso? Posible ba ‘yun? Nakakainis talaga.

“Nag-usap na ba kayo ni Tom?”

Tumango ako kahit na nakadukdok pa rin ang mukha ko sa unan. Naiirita na talaga ako. Pero maya maya ay tumingala rin at tiningnan ‘yung tatlo.

“Hindi pala. Oo, nag-usap kami pero hindi kami nag-usap talaga.”

“Ha?” sabay sabay na tanong nila.

Napakamot ako sa ulo ko. Napakagulo ko. “Ganto, sinumbatan ko siya pero hindi naman siya nakapag-explain sa mga ginawa niya.”

“As if namang pakinggan mo ang explanation niya.” Sabi ni Sab.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung makikinig ako. Kasi bwisit na bwisit ako sa kanya ngayon kaya lang kapag naaalala ko ‘yung ngiti niya kanina.. ‘yung malungkot na ngiti niya, parang nakakaramdam ako ng awa. At naalala ko.. isa ang awa na nararamdaman ko sa nagpahamak sa akin. Bwisit!

“Anong gagawin ko?” mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanila.

“Ano bang gusto mong mangyari?”

Ano bang gusto kong mangyari? Ano nga ba? Bukod sa gusto kong maging ayos ang lahat, wala na.

“Isipin mo kung ano ang pinakagusto mo. Kapag naisip mo na, then do something about it. After all, choice mo naman ‘yan e. Ikaw ang may hawak ng utak at puso mo. Kahit mag-advice kami sa’yo, kung hindi ‘yun ‘yung gusto mong gawin, wala rin.” Payo ni Zoe.

I took a deep breath and think. Ano nga ba talaga ang gusto kong gawin? Ano ang gusto kong unahin? Habang nakapikit ako, tanging si Xander lang ang pumasok sa utak ko. Gusto kong maayos namin ang gusot namin. Mukhang kailangan ko siyang harapin. Kaya lang tingin ko dapat makapag-usap din kami ng maayos muna ni Tom. Para kapag hinarap ko na si Xander, alam ko na ang lahat. Maayos na ang lahat.

***

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom, bumungad agad sa akin si Xander. Palibhasa siya ang nakaupo sa dulo. Hindi na siya ang katabi ko.

Napalingon siya sa akin at ngumiti, “Good afternoon.”

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ngayon na lang ulit niya ako kinausap. Daig ko pa ang highschool student na kinawayan o nginitian ng crush niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko panalo na ang takbo ng puso ko kung sakaling may marathon man o ano.

Nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti. Siguro hinihintay ang isasagot ko. Kaya lang hindi ko talaga alam. Para na akong naging tuod dito. Yannie, umayos ka nga. Simpleng hi lang pwede na. Go na. Sabihin mo na. Dali.

Magsasalita na sana ako nang biglang may pumalo ng notebook sa ulo ni Xander.

“Aray! Para saan ‘yun?”

“Tara na! Kainis. ‘Yung chocolate ko na ipinangako mo ha! Kung wala ‘yun..”

“Ano kung wala ‘yun?”

“Maghihiwalay na tayo ng landas!”

“Weh?”

“Huwag mo kong ma-weh weh dyan. Ipapakain ko sa’yo ‘tong notebook na ‘to.”

“Highblood naman agad.” Natatawang sabi ni Xander at may kinuha sa bag niya at inabot sa president namin, “Ayan na! Dala ko ‘yung chocolates.”

Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa at nagpatuloy na sa upuan ko. Bago umupo ay tiningnan ko pa ulit sila at busyng busy sila sa pagkwekwentuhan.

Okay na siya. He finally moved on. Mukhang masaya na siya sa buhay niya. Siguro may iba na ngang nagpapasaya sa kanya. Parang nung nakaraang linggo lang sinusulat ko pa ‘yung mga notes namin kada subject at ibibigay sa president para ibigay kay Xander ‘pag nakapasok na siya. Tapos ngayon, masaya na silang dalawa. Naging sobrang close pa.

At least he’s happy. That’s good enough for me.

Napayuko ako at nakitang may basa sa table ko. A teardrop. Sino nga bang niloloko ko? Hindi talaga okay ‘to. Kaya lang ano pa bang magagawa ko? Sa bandang huli ako pa rin pala ang talo.

Salita nang salita ang prof namin pero parang walang pumapasok sa utak ko. Wala akong naiintindihan. Nakakainis na. Hindi ako makapagfocus. Nasa university ako para mag-aral at hindi para mag-emote. Dapat tigilan ko na ‘tong kaartehan ko na ‘to kasi nakakainis na talaga.

Tiningnan ko ang chair sa likod ko. Wala si Tom. Hindi pumasok. Paano ko siya kakausapin ngayon kung wala naman pala siya? Ano ba! Wala nang matino ang nangyayari sa akin ngayon.

Where are you?

Text ko kay Tom nang matapos ang klase na agad naman niyang nireplyan.

Why?

I need to talk to you.

Where are you?

Classroom sa first and last subject today.

Wait for me. I’ll be there.

 

Nandito naman pala siya e! Bakit pa siya umabsent? Nag-iinarte lang din? Kainis.

“Game.” Bungad niya pagdating na pagdating niya at inikot ang upuan sa harap ko saka umupo. “Tell me how you hate me.”

“Hindi kita tinawag para dun. Gusto ko lang itanong bakit ginawa mo ang mga bagay na ‘yun?”

“Kasi gusto ko.”

“Tigilan mo ko. Bakit?”

Napasandal siya sa upuan at umiwas ng tingin. Nawala ‘yung cool na Tom kanina. “Ano bang pinagkaiba kung malaman mo pa ang dahilan o hindi na?”

“Gusto kong malaman ang totoo para hindi na naman purong kasinungalingan ang paniwalaan ko. Nakakasawa rin maging tanga, Tom. Tanga kasi naniniwala ako sa bagay na hindi naman totoo. You fooled me twice already. Huwag mo naman akong lokohin sa ikatlong pagkakataon.”

Ngumiti siya. ‘Yung genuine smile na ibinibigay niya sa akin dati. Walang pagpapanggap. Walang lokohan.

“Pwede bang huwag mo na lang alamin?”

“Tom!”

“Sabihin na lang natin na sa lahat ng kasingulingan ko, hindi kasama doon ‘yung pagmamahal ko para sa’yo. I love you so much at ayokong mapunta ka lang sa tulad ko.”

Hindi ko maintindihan. Kung ayaw niyang mapunta ako sa kagaya niya, bakit inagaw niya ako kay Xander in the first place?

“Sa totoo lang, nagkaroon ako ng kahit katiting na pag-asa na pwedeng maibalik natin ‘yung dati. Naramdaman ko naman yung concern mo sa akin kaya lang.. mas nangingibabaw talaga ang pagmamahal mo sa kanya.”

Hindi ko nagawang magsalita sa sinabi niya. Kinausap ko siya para sana liwanagin ang lahat kaya lang pakiramdam ko kapag mas itinulak ko pa ‘yung topic sa kanya, parang masasaktan siya. Kahit na may ginawa siyang hindi maganda, ayoko rin naman na masaktan pa siya.

“I hope you and Xander happiness. You deserve to be happy, Yan. I’ll miss you. And I love you.” Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na ng classroom.

***

“O, anong ineemote-emote mo dyan?” napapunas ako sa luha ko nang marinig ang boses ni Sab.

“Wala.”

Dalawang araw na magbuhat nang huli kong nakausap ko si Tom. Magbuhat nung araw na ‘yun hindi na siya pumapasok. Gusto ko sanang itanong sa dean ang dahilan kaya lang nahihiya ako.

At dalawang araw na rin ang nakakalipas pero parang mas nagiging close pa si Xander at yung president namin.

“Tigilan mo lang ako sa wala mo. Magsinungaling ka na kahit kanino huwag lang sa mga taong nagmamahal sa’yo.”

“Sab naman e.”

“Ano nga.”

Mukhang naiirita na siya kaya nagsalita na lang din ako. At mukhang mas mapapagaan nga ang loob ko kapag nailabas ko ang nararamdaman ko.

“Sa tingin ko nakamove on na si Xander. Mukhang masaya na siya sa buhay niya ngayon. Kaya lang Sab, ang sakit e. Ang sakit na makita mo siyang may ibang kasama. May ibang katawanan. May ibang kakwentuhan. Mukhang may nakaagaw na ng pwesto ko sa buhay niya.”

“Mahal mo pa ba?”

“Oo. Sobra.” Hindi ako nagdalawang isip sa pagsagot.

Tiningnan ko ni Sab na parang nababaliw at umiling, “Mahal mo pala edi sabihin mo.”

“Masaya na nga siya sa iba. Ayokong magulo sa kanila.”

“Weh? Sinabi niya sa’yo ‘yun?”

“Hindi.”

“Assumera ka pala e. Wala naman pala siyang sinabi na masaya na siya sa iba kaya sabihin mo na ‘yang nararamdaman mo. Wala naman siyang sinabing, ‘Uy Yannie, may girlfriend na ako. Pinalit ko na ‘to sa ‘yo. Tara, party tayo.’ Napagdaanan ko na ‘yan, Yannie. Tamang hinala, maling akala naman pala. At isa pa, ang sabi ko, sabihin mo lang ‘yang nararamdaman mo. Hindi ko naman sinabing sabihin mo ‘yang nararamdaman mo tapos if ever girlfriend nga niya ‘yung akala mong girlfriend niya, guluhin mo sila para sa ‘yo na ulit si Xander. Tom lang ang peg? Ganun? Hay nako!”

“At alam mo tama talaga ang sinabi ni Tom. Puro ka puso. Hindi na healthy ‘yan. Binitawan mo pero ayaw mo naman palang may umangking iba. Nakakaawa kaya si Xander nun pero mas naaawa ako sa’yo. Kasi siya, umiiyak kasi nasasaktan siya. Ikaw naman, umiiyak para sa inyong dalawa. Mas doble sakit nung sa ‘yo e. Pero hindi ‘yun ‘yung point dito. Ang punto dito, kung mahal mo sabihin mo. Huwag na munang mag-inarte. Mamaya mahal ka pa rin pala edi pinahirapan niyo lang mga sarili niyo.”

Napakamot siya sa buhok niya saka tumayo at kinuha ang bag niya, “Layasan na nga kita diyan. Baka mahighblood pa ako sa’yo. Pakigamit ang utak, Yannie.”

Sabagay. Tama nga naman si Sab. Paano ko malalaman kung girlfriend na nga niya ‘yun kung hindi ko aalamin? Paano kung hindi naman pala? Pero kung sakaling girlfriend niya ‘yun, tatanggapin ko na lang. Basta sasabihin ko na lang sa kanya ‘yung nararamdaman ko okay na.

Kaya ko ‘to.

Iniligpit ko ang mga gamit ko at humugot ng hininga. Pinilit ko rin hugutin ang lakas ng loob sa katawan ko. Nang pakiramdam ko ay ayos na ako at kaya ko ng harapin si Xander ay hinanap ko siya. Sakto naman na nakita ko siyang mag-isang naglalakad papunta ng classroom namin habang may nakasabit sa kanyang gitara.

It’s now or never.

“Xander!” sigaw ko kaya napahinto siya at tumalikod para tingnan ako.

“Uy, Yannie. Ikaw pala. Bakit?” Parang kinirot na naman ang puso ko pero hindi ako pwedeng dagain ngayon.

“May sasabihin ako.”

“Ano ‘yun?” nakangiti na naman niyang tanong.

Pumikit ako sandali at pagdilat ko ay nakatitig sa akin si Xander, “I love you.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Sinamantala ko na ang pagkagulat niya para sabihin ang mga nararamdaman ko, “Mahal kita, Xander. Kahit naghiwalay tayo hindi nagbago ‘yun. Huwag mo rin sanang isipin na hiniwalayan kita dahil mas mahal ko si Tom. I loved him. Past na ‘yun. Nakalipas na. I loved him pero ikaw na talaga ang mahal ko ngayon. Hindi ko ginustong saktan ka pero kailangan kong gawin ‘yun para sa ‘yo. Alam ko ang tanga  ko kasi ginawa ko ‘yun pero natakot ako na baka may mangyari ngang hindi maganda sa future mo. Sorry if I caused you too much pain. Believe me, mahal kita. Hindi nagbago ‘yun kahit noong panahong break tayo. At kahit hindi na tayo masaya pa rin ako basta alam kong masaya ka na.”

Napatingin ako sa babaeng naglalakad papalapit sa amin. Parang may kumurot sa puso ko kaya tiningnan ko na lang ulit si Xander, “Sana maging masaya kayong dalawa.” Huling sinabi ko at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa classroom.

Pagkaupong pagkaupo ko sa silya ko ay napahawak ako sa dibdib ko. Naiiyak na naman ako pero ayokong umiyak sa lugar na ‘to. Isa pa baka makita pa ako ni Xander. Kaya lang hindi ko talaga kayang pigilan. Napayuko na lang ako at idinukdok ang mukha ko sa lamesa saka umiyak. Iyak lang ako ng iyak. Parang gripo na ‘yung mata ko. Hindi na maubusan ng luha.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakayuko basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

Seems like so long since I last held your hand, kissed your lips, felt your touch
How do you make me miss you so much?
No matter how hard I try, I can't get you off my mind
Seems like I'm frozen in time


Inangat ko ang ulo ko dahil sa naririnig kong kanta. Pagtingin ko sa gilid ko, nandun si Xander hawak ang gitara  at kumakanta. Nakaupo siya sa upuan niya noong kami pa.

 
But I'm still in love with you
And girl we've come so far, we can't turn back now
I'm still in love with you

 

“Xander.” Bulong ko pero nginitian niya lang ako at nagpatuloy.

All those other guys, they don't know you
No, they don't know you like I do
If you let down your guard, I can show you
My heart is yours forever, we can make it through whatever

 

Inilagay niya ang gitara sa gilid niya at tinitigan ako saka ngumiti. Sumandal siya at tumitig ulit sa akin, “Bakit iniwan mo kong mag-isa sa labas?”

“H..ha?”

“Pagkatapos mong sabihing mahal mo ako, umalis ka na lang bigla.”

Napayuko na lang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang baba ko at ihinirap sa kanya. Pero mas ikinagulat ako when he gave me a quick kiss on the lips.

“Kamiss ‘yun ha.”

“X..xander.. si ano.. si pres.. kayo.”

“Ha?”

“Kayo.. ni pres..”

Hindi ako two-timer ha.”

“Two-timer? Pero.. di ba naghiwalay na.. tayo..”

Napahawak siya sa baba niya at kunyaring nag-iisip, “Ang naaalala ko lang, nakipag-break ka sa akin. Hindi ko maalalang nakipag-break din ako sa’yo. Technically, tayo pa.”

***

It’s about time maging masaya na sila. They suffered long enough. Lol.

Last one chapter pa kila Yannie and Xander after nun sila Ice and Zoe na. Konti pa. Matatapos na Teen Clash 2. :)

Song title: Still in Love (Part 2) - Jason Chen. Yes, may part 2 talaga 'yan. Iba ang mapapakinggan niyo kung hindi niyo ilalagay yung part 2. 

Photo: Xander and Yannie

Next update: Sunday

Seguir leyendo

También te gustarán

465K 10.1K 23
Book Four of Bachelorette Series ✔️ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can let it pass with no hard feelings. But the...
5.1M 177K 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Haz...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...