Man and Wife (Wifely Duties 2...

Por FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... Más

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Five

64.2K 2.2K 869
Por FGirlWriter

CHAPTER FIVE

*Rescue comes quietly.

You didn't expect, you didn't ask.

The heavens just know. *

***

"SELINE."

Agad na napalingon si Seline nang marinig ang tawag ng asawa. "Niel! Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tinapos niya na ang pagdidilig ng mga tinanim nila ni Sasa na camote at monggo.

Ngumiti ito. "Mas maayos na ang pakiramdam ko," anito sa namamaos pang tinig.

"Magpahinga ka pa." Dalawang araw na mula nang magkasakit ito.

Umiling ito. "Kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Salamat sa pag-aalaga sa'kin," tila nahihiyang sabi nito.

Nginitian niya ito. "Asawa naman kita. Dapat lang na tulungan kita."

"Nahihiya ako sa'yo."

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ba kita inaalagaan noon?"

Napabuntong-hininga ito at nag-iwas lang ng tingin. "Inaalagaan naman. Nga pala, plano kong pumunta sa sentro sa Sabado."

Tumango siya. "Dadalhin mo ba ang singsing para maipakita sa mga pulis?"

Umiling ito. "Kukuhanan ko na lang ng litrato. Pupunta ako ng clinic mamaya. Para din makuhanan ng panibagong litrato si Ganda."

"Siguro, tawagin na natin siyang Mrs. Monteverde para masanay din tayo." Tinabi niya ang pandilig sa gilid ng kubo. "Kumain ka na ba? Nagluto ako ng agahan kanina. Nakita mo ba sa lamesa?"

"Hihintayin kong magising si Sasa para makasabay na 'ko ngayon sa agahan niya."

"Alalang-alala si Sasa no'ng may sakit ka. Gusto kang lapitan pero baka mahawa siya." Pumasok siya ng kubo at sumunod naman ito.

Katahimikan ang bumalot sa kanilang mag-asawa. Habang naghuhugas siya ng kamay, ramdam niya ang titig sa kanya ni Niel kahit nakatalikod.

Napabuntong-hininga siya nang maramdaman na naman ang kilabot. Kahit sinabi niya na sa sarili na pag-aaralan niyang maging malapit at magaan muli ang loob niya sa asawa ay naiilang pa rin siya.

Nandoon pa rin at ayaw maalis ang nadarama niyang "mali" sa pagtitig, haplos, at presensiya ng asawa. Naaawa na siya rito dahil halatang mabuting tao naman si Niel, pero ganito ang nararamdaman niya sa mismong lalaking posibleng mahal niya bago mawala ang mga alaala niya.

Humarap siya rito at ngumiti na lang. Pilit inignora ang ilang na nararamdaman. "Sigurado ka bang kaya mo na?"

Tumango ito at umupo sa hapag. Umupo na rin siya katapat nito. Kumuha ito ng dalandan na nabili niya kanina sa palengke. Binalatan nito iyon at pinagpira-piraso. "Kain ka," alok nito.

"Salamat." Kumuha siya ngunit hindi tuluyang kinain iyon. "Ahm, Niel, puwede mo bang ikuwento ulit sa'kin kung paano tayo nagsimula? Hanggang sa ngayon, wala akong matandaan. Kahit kapiraso..."

Natigil ito sa pagbabalat ng dalandan at napaangat ng tingin sa kanya. "Ah, katulad ng kuwento ko noon, magkaibigan tayo sa high school. Galing ako sa hirap. Habang ikaw, galing naman sa medyo may kayang pamilya. Pero ulila ka na at ang kumupkop sa'yo ay ang Tiya Sora mo na kapatid ng tatay mo. Naging magkasintahan tayo ng huling taon sa high school. Nagtanan tayo pagkatapos ng graduation. Nagsama tayo pero hindi agad tayo nagkaanak dahil gusto mong makasal muna tayo. Kaya nagtrabaho tayo—"

"Bakit tayo nagtanan? H-Hindi ba boto ang tiyahin ko sa'yo? Nasaan na pala siya ngayon?" sunod-sunod na tanong ni Seline. Ito ang hindi niya nagawang itanong noon nang unang beses na ikuwento sa kanya ni Niel. Tulala pa siya noon at naguguluhan. Ngayon, malinaw na ang isip niya.

Iniwas nito ang tingin sa kanya. "Gusto kang ipakasal ng tiyahin mo sa apo ng dating gobernador noon. Anak ni Gob. Lira ngayon. Pero ayaw mo kasi... ako ang m-mahal mo. Pinipilit ka ng tiyahin mo na umabot pang kinukulong ka niya sa bahay. Malaki pala ang utang ng Tiya Sora sa mga Lira. Ikaw ang gustong ipambayad."

Napakura-kurap si Seline. "My marriage should be arranged by that time?"

Arranged marriage. That term appealed to Seline more than "eloping" with Daniel. Tila hindi siya ang klase ng babae ang makikipagtanan... but what does she know about herself?

"Oo. Pero ayaw mo nga dahil wala ka rin namang gusto sa anak ng gobernador natin ngayon. Pagkatanan naman natin, nagpakasal rin sa iba ang lalaki. Ang Tiya Sora mo, nabaon sa utang. Matandang dalaga siya kaya walang ibang tumutulong sa kanya. Nabayaran niya naman ang buong utang niya pagkatapos ng sampung taon pero namatay din siya..."

Nalungkot siyang bigla. Wala na pala talaga siyang kamag-anak? "She only had me?"

"Sana. Hindi mo naman siya gustong iwan." Napasandal ito sa upuan at napatingin sa labas ng bintana.

"Desperada ba 'kong makatakas noon?"

Marahang tumango si Niel. Nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Tila pinapanood nito doon ang mga nangyari.

"Hindi naman tayo agad napunta dito sa Kab-Laaw. Tumira tayo sa Bontoc. Doon, nagtrabaho tayo. Nagsaka ako doon, habang ikaw nagbebenta ng mga gulay at prutas sa palengke. Kahit papaano, nakakaya natin. Hindi na tayo nakapag-kolehiyo dahil mas gusto nating makaipon para sa kasal natin..."

May lumitaw na ngiti sa mga labi nito, maging sa mga mata. Masayang nagbabalik tanaw ito sa mga panahong gusto niya ring maalala, pero hindi niya talaga kaya.

"Tatlo-tatlo trabaho natin noon, sa totoo lang. Nagsasaka ako sa umaga, nagkakargador sa palengke, minsan din nakukuha akong driver sa mga truck ng bigas. Ikaw naman, Seline, maliban sa pagbebenta sa palengke, gumagawa ka ng mga souvenirs para ibenta sa mga turista. Nagtu-tour guide ka rin minsan..."

"Kailan nga ba tayo nagpakasal ulit?"

"Nang tumuntong na tayo ng beinte-tres, nagpakasal na tayo. Naka-upa tayo sa mas magandang bahay. Hindi agad tayo nagkaanak kasi kumulang 'yung ipon natin. Kaya, nagtrabaho ulit tayo nang nagtrabaho..."

Inobserbahan mabuti ni Seline si Niel. Ang saya-saya na ng tinig nito habang nagkukuwento. Tila kay saya ngang balikan ang mga alaala niyon. "Kung lagi tayong nagta-trabaho, nagkikita pa ba tayo noon? Nagkakaroon ng oras sa isa't isa?"

Tumango ito. Tumingin sa kanya at masuyong ngumiti. "Sabi mo... kahit gaanong hirap at pagod ang nararanasan mo araw-araw, basta magkasama tayo, walang-wala kang pagsisisihan sa mga desisyon mo..."

Biglang nawala ang mga ngiti nito. Napakurap si Seline. "B-Bakit?"

Matagal bago ito nakatugon. "N-Naalala ko lang rin na nasunog ang inuupahan nating bahay pagkatapos ng ilang taong pag-iipon natin. Lahat ng larawan natin pati ang nang makasal tayo ay nandoon. Wala tayong naisalba... Buntis ka na niyon kay Sasa..."

Tumango siya. Nabanggit na nito iyon noon pa kaya wala itong maipakitang larawan nang manghingi siya. "Pagkatapos ay bumaba tayo mula doon at dito na sa Kab-Laaw nanirahan."

"Hindi kaagad. Sa Pagudpud ka nanganak... Sa isang magandang ospital. Naubos ang lahat ng ipon natin sa bangko pero ayos lang dahil malusog naman si Sasa." Inalis na nito ang tingin sa labas ng bintana at kumain na ng dalandan.

Napansin niyang hindi na ulit bumalik ang ngiti at saya sa mukha nito.

"Kailan tayo nanirahan sa Kab-Laaw kung ganoon?"

"Mag-iisang taon si Sasa, hindi ba? Nakuwento ko na sa'yo na nagtrabaho pa tayo sa ibang lugar bago nanirahan dito."

Oo nga pala. "Anong naging trabaho ko sa ibang lugar? Sa Pagudpud din ba?"

Tumango ito. "Nag-tourist guide ka ulit. Taga-gawa rin ng souvenirs."

"Kaya ba sanay ako mag-Ingles? Hindi lang dahil gusto kong maging news reporter dati?"

"Siguro'y ganoon na nga. Minsan ka lang maging guide ng mga foreigner pero mahilig ka talagang mag-Ingles."

"Kung maganda na pala ang trabaho ko doon, bakit pa tayo umalis?" nagtatakang tanong niya.

"Dahil sa trabaho ko sa minahan. Dito naman ako pinadala ng kompanyang naghahawak sa'min. Isa pa, sapat na ulit ang ipon natin para makabili ng kapirasong lupa at kubo dito. At heto na tayo ngayon," may katamtamang bilis sa pagkukuwento nito hindi katulad kanina.

Tingin tuloy ni Seline ay parang nag-fast forward din ang kuwento. Pero hindi na lang niya pinansin.

"Ano nga pala ulit ang kompanyang naghahawak sa inyo?" Parang hindi pa kasi nito iyon nabanggit sa nakalipas na pitong buwan.

Naubos na nito ang isang buong dalandan. Lumunok muna ito bago sumagot. "Guevarra Minings."

Natuwid niya ang likod at bahagyang napakurap-kurap. Parang alam niya ang kompanya pati ang kung sino ang mag-ari. Ngunit tila hindi din dahil wala naman siyang maalala. Napailing na lang siya at napahilot sa sentido.

"Seline? Ayos ka lang ba?" puno nang pag-aalala ang tinig ni Niel.

"O-Oo... Oo, ayos lang ako." Hindi naman kumirot ang ulo niya o ano. She just suddenly felt exasperated. Parang may gusto siyang maalala pero hindi niya talaga kayang maalala iyon.

Tumabi ito sa kanya. "Wala ka bang naalala... kahit isang memorya?"

"Hindi ko alam kung pagbabalik ng memorya ang kaalaman ko sa paggawa ng kalamansi juice, pagluluto, paglilinis ng bahay, pagtatanim, at pag-aalaga ng anak... It's like, it just came out naturally. 'Yung hindi ko kailangan malaman kung saan ko ginawa, kailan ko ginagawa..." She sighed. "Muscle memory perhaps."

"Natatandaan mo kung paano ka kumilos dito sa bahay."

"Mas ganoon na nga."

"Pasensya na't hindi kita mapatingin sa espesyalista. Siguro, oras na matapos ang kaso ni Ganda—este ni Mrs. Monteverde, pagpapagamot mo naman ang pag-iipunan ko."

Napangiti siya. Hindi na lang niya binanggit na kahit papaano nakapagsimula na siya ng sariling ipon niya. "Salamat, Niel."

Namayani ang katahimikan sa kanila. Magkatabi sila pero parang wala nang masabi sa isa't isa.

"Ahm, Seline?"

Napatingin siya rito.

"Malapit na ang kaarawan ni Sasa. Ano sa tingin mong puwede nating iregalo sa kanya?"

"Ha? Magbi-birthday na si Sasa?" gulat niyang wika.

Marahan itong tumango. "July 7."

Napahinto siya saglit. Parang hindi lang si Sasa ang may birthday ng July 7. Pero heto na naman siya sa pakiramdam na tila may naalala, ngunit wala talaga. Walang ibang taong rumerehistro sa isip niya. Basta at alam lang niyang may iba pang okasyon sa petsang iyon.

"Seline?"

Napatayo siya at lumayo ng bahagya sa asawa. "B-Bestida o manyika. Matutuwa si Sasa," sagot niya.

Tumango ito. "Pagkapunta ko sa sentro, doon ko na lang ibibili ng manyika at damit si Sasa." Nakangiti na ulit si Niel. "Napakabilis niyang lumaki. Magli-limang taong gulang na siya..."

And then his smile faded, again.

"Huwag kang malungkot. Mas marami pa namang taon na bata si Sasa. Puwedeng-puwede mo pa siyang malambing habang hindi pa nagdadalaga."

"Sa tingin mo, Seline... masaya ang anak ko?" hindi siguradong tanong ni Niel. "Sa tingin mo ba kahit ganitong buhay lang, hindi siya aalis isang araw dahil nakakapagod maging mahirap?"

May kung anong damdaming lumukob sa puso ni Seline. Hindi niya mabigyang paliwanag ang narinig niyang takot sa tinig nito.

"Ano bang sinasabi mo, Daniel?" Umiling si Seline. "Sa katunayan ay hindi tayo mahirap. Kompleto tayo ng kagamitan dito sa bahay. Nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, minsan ay apat pa. Maayos ang mga damit natin. Kung kailangan natin ng pera, nakakapag-ipon tayo dahil marangal at masipag kang nagta-trabaho..." Nginitian niya ito. "Hindi maghahangad ng higit si Sasa kasi hindi naman natin siya sinasanay sa marangyang buhay. Simple ang buhay natin. Isa pa, lagi tayong kumpleto."

Tila nakahinga nang maluwag si Niel. "Kung sana nagpatuloy na lang ako sa kolehiyo. Kahit vocational lang? Baka mas higit pa ang maibigay ko sa inyong mag-ina ko."

Umiling siya. Hindi naman naghahangad ng sobra si Seline. Oo at minsan, sa tingin niya ay parang hindi ito ang buhay niya. Hindi dahil parang hindi ito ang tingin niyang nakasanayan niya. Ewan. Hindi niya din maipaliwanag ang nararamdaman.

"Maganda naman ang trabaho mo, Niel. Hindi naman basta-basta rin ang kinikita mo sa minahan." Lumapit siya rito at idinantay ang kamay sa balikat nito. "Alam mo pang higit sa lahat, ang first priority mo ay ang mabigyan ng oras si Sasa. Mabuti ka ng ama doon pa lang."

Akmang hahawakan nito ang kamay niya na nasa balikat nito. Seline wanted to give him a chance, but... Nailayo niya na ang kamay. "Gigisingin ko na pala si Sasa para makapag-agahan na talaga tayo."

Hindi na sumagot si Niel pagkatalikod niya.

Lihim na napangiwi si Seline. Seryoso siyang pag-aaralang mahalin ulit ang asawa. Pero siguro puwede naman niyang matutunan kahit walang paghawak ng kamay, paghaplos, o ano pa man muna. Puwede siguro ang mga munting dantay. Pero kasi, kahit anong pilit niya, hindi talaga nais ng katawan niya. Hinayaan niya lang noong may sakit si Daniel dahil naaawa siya sa asawa.

"Inay..." ungol ni Sasa nang gisingin niya niya ito. Kinusot-kusot nito ang mga mata at saka bumangon.

"Good morning, anak," nakangiting bati niya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Wala nang sakit ang Itay mo. Makakasabay mo na siya sa agahan."

Kumislap ang mga mata nito at napalakpak. "Kain na tayo, Inay."

"Halika na." Hinawakan niya ito sa kamay at inalalayan pababa ng kama. Paglabas nila ng kuwarto ay agad itong tumakbo kay Niel at nagpabuhat.

Seline stop in her steps and silently observed them. Hinalikan ng paulit-ulit ni Daniel si Sasa sa buong mukha. The two shared laughter. It's a good scene for Seline. This is her family.

Ngunit tila may kulang. Hindi lang ang kanyang alaala. Bumalik ulit siya sa loob ng kuwarto at nagpalit ng damit.

Nang tinignan niya ang dibdib ay basa na naman iyon... ng gatas. Matagal na siyang nagtataka kung bakit umaapaw pa rin ng breastmilk ang dibdib niya. Malaki na si Sasa at hindi naman na ito sumususo ng gatas mula sa kanya.

She keeps on lactating. Hindi niya naman ito masabi kay Niel dahil nahihiya siya. Pati sa clinic, nahihiya siyang magtanong.

Napailing na lang siya at pinunasan ang dibdib. Nagsuot siya ng mas maluwag na bra na may makapal na padding, at saka ulit nagsuot ng damit.

Pagbalik niya sa kusina ay nakahain na si Niel. Masaya silang nagsalo-salo sa agahan.

***

RANIEL and Riana were sent to school. Adam is peacefully sleeping. Then, it's time for Reeve's "Rade time".

Kinuha niya mula sa crib ang bunsong anak at pinahiga ito sa mga bisig niya. Kumuha siya ng nakahanda ng gatas nito.

"So, I must know you first," nakangiting sabi niya sa anak habang iniinom na nito ang gatas.

He was reminded to thank his cousins Sapphire, Crystal Jane, Lavender, and Haley for giving some of their breastmilk for Adam and Rade. Lahat ng anak niya ay breastfed ni Agatha. Sina Rainiel at Riana hanggang two years old ang mga ito. Maganda ang benefits niyon sa sanggol. Kaya kahit wala pa ang asawa niya, nagtulong-tulong ang mga pinsan niya para naman siguradong breastmilk pa rin ang maiinom nina Adam at Rade.

"What are the things you like, Adam? Aside from your aunts' milk?" kausap niya pa rin sa anak kahit hindi naman ito sasagot.

Prince said it's healthy and creates good bond if he talks with Rade like his son can understand everything.

Nakatingin lang sa kanya ng diretso ang itim nitong mga mata.

"It's me, your Daddy... Maybe you don't me well. Uhm... I like managing things, leading people, doing a lot of work..." pagkukuwento niya sa anak. "I don't know if I like other things. Or if I have certain favorites... because ever since I met your Mommy, she's the person I like most and my favorite everything in the whole wide world."

Rade mumbled something, still sulking milk from his bottle.

"Yeah? You love her, too?" Gustong tawanan ni Reeve ang sarili dahil bigla siyang nakaramdam na konektado sila ni Rade at naiintindihan niya ito. "Everyone loves your Mommy, Rade. She's the most optimistic and gentlest person you'll ever meet."

Nilayo nito ang iniinom na gatas. May tinuro ang munting daliri nito. Sinundan niya iyon at nakaturo ito sa pinto ng library-cum-office niya. Naalala niyang bigla ang sabi ni Riana na mahilig tugtugan ni Agatha si Rade ng piano. At nandoon sa loob ang piano ng asawa niya.

Tumayo siya at inayos ang pagbuhat sa anak. Pumasok sila ng library at agad nitong tinuro ang piano ng asawa niya.

"Ppp...ano... Ppp...yano.."

"That's right. Piano." Nakakatuwa palang marinig na magsambit ito kahit isang salita lang. Binuksan niya iyon at umupo siya sa harap. Kinandong niya ang anak ng mabuti sa hita.

Reeve started to press some keys. Biglang ngumiti at humagikgik si Rade. Napangiti siya at niyuko ito. "You like music? Just like Mommy?"

Nakipindot ang maliliit nitong daliri sa teklada. Reeve chuckled. Tumayo sa hita niya ang anak habang nakakapit sa piano. Rade started to move his tiny hips while pressing the piano keys.

It did not make a full melody, but it creates sounds that got Reeve's son in beat.

"You do like music," tuwang-tuwang sabi ni Reeve. It was like he unlocked a secret. Kinulong niya sa mga bisig ang anak at hinalikan ito ng pino sa pisngi. "Sorry, Daddy can't sing like Mommy. Hindi rin ako ganoon kagaling sa piano. But I know a li'l..."

Gamit ang isang kamay ay tinugtog niya ang mga nursery rhymes na alam niyang tugtugin. Rade squealed and clapped his hands. Umupo ito sa hita niya at pinanood ang pagtugtog niya.

Reeve felt a very happy feeling inside his chest. Rade is moving his tiny head with the beat. Tumingala ito sa kanya nang matapos ang kanta.

"Gen... gen..."

"Again?"

Tumango ito at binalik ang tingin sa piano. Reeve started to play, again. Sumusunod ulit sa beat ang ulo ng anak. Pumapalakpak pa ulit ito.

"Oh, Rade..." Kinintilan niya ito ng halik sa bumbunan.

"Rade!" sambit nito.

"Yes, you are Rade. Your name is Rade Amos Anderson Monteverde... can you say that?"

He shyly smiled and covered his face with his tiny hands. That cute gesture got Reeve laughing. He played the piano, again, and Rade can't stop giggling, dancing, and smiling.

Napakagaan ng puso ni Reeve. A rush of joy overwhelmed him. "Can you say 'Daddy'?"

"Da...dyyy."

"Daddy."

"Dydy!"

He chuckled and hugged him tightly. "It was nice knowing you, baby." Sweetheart, our Rade likes music like you...

Yakap-yakap niya lang ang anak nang buong limang minuto. Rade started to mumble something. Tinuturo ulit nito ang piano.

Inayos niya ang pagkandong rito at saka tumugtog ulit. Later on, Rade fell asleep. Nakaupo pa rin ito sa hita niya ngunit ang bigat ng ulo ay nakadantay na sa isang braso ni Reeve.

Kinalong niya ito nang maayos sa mga bisig niya at saka tumayo. Maingat na sinara niya ang piano ng asawa, pagkuwa'y lumabas ng library.

Imbes na ilagay sa crib ay hinayaan niya ang anak na matulog sa loob ng mga bisig niya. It's still his Rade time. Tinitigan niya ang mapayapang pagtulog nito. He felt... calm, too.

Napakasarap pahintuin ang oras at titigan lang ang natutulog na anak. So, this is what Reeve's been missing. Ito ang sinasabi sa kanya ni Agatha noon. Oras na hindi maibabalik. Oras na ngayon lang niya mararanasan. Tomorrow, Rade will grow a day older.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig sa anak. Basta't napagtanto niya na lang rin na ang ilong nito ay nakuha nito kay Agatha. Pati ang korte ng labi. Rade's fair complexion definitely came from his mommy, too.

Nandoon na naman at lumukob ang matinding pangungulila niya sa asawa. Ngunit bago pa siya tuluyang malugmok, pinigilan na ni Reeve ang emosyon.

"You'll be a musician, won't you?" aniya sa natutulog na anak. "A future world class pianist, perhaps?"

Suddenly, Reeve wanted to dream with his children. Kung anong mga pangarap ng mga ito ay magiging pangarap niya rin para sa mga ito. Ibibigay niya ang buong suporta, lahat ng suportang kailangan ng mga ito.

Tunog ng doorbell ang gumambala sa pag-iisip niya. Maingat na binaba niya si Rade na ito sa crib at saka lumabas.

"Hello, Reeve."

"Sapphire!" gulat niyang wika nang makita ang pinsan. "Come in."

"Hindi na. I just dropped by to give some pumped breastmilk for your boys." Itinaas nito ang isang maliit na blue cooler. "Hanggang bukas ay puwede ito basta i-store mo lang sa freezer."

"Thank you so much," he gratefully said. "Hindi ka ba talaga tutuloy? You can greet Adam and Rade with a kiss since they're both sleeping."

Umiling ito at bahagyang lumingon. There's a car waiting across the house. "Ahm, nagmamadali kasi kami ni Johann. Ihahatid ko siya sa airport. May teaching mission kasi siya ngayon sa Ilocos. Heard of the Iddu province?"

Tumango siya. "I see. Ahm, hindi ba siya bababa saglit? Baka gusto niyang batiin ang mga pamangkin niya."

Nakagat ni Sapphire ang ibabang labi nito. "It's really okay, Reeve... Next time na lang siguro..." Nag-iwas din ito ng tingin.

"He does not want to face me, I see," nakakaintinding wika niya. "He's mad, huh?"

"I really don't know, too, Reeve. Wala naman siyang sinasabi. Pero tahimik na lang siya mula nang pagkatapos mahanap si Bari ay hindi pa rin nahahanap si Agatha..."

"I understand. Thank you for your milk, again. Adam and Rade are growing healthy."

"Sure. I'll go ahead. See you."

Pagtalikod nito ay bigla siyang may naalala.

"By the way, Riana's birthday is coming. Sana makapunta kayo ni Johann. Sa mismong araw ng birthday ni Riana ang party."

Ngumiti ito. "Kakausapin ko si Johann. Pero gusto kong pumunta. I really love that sweet little girl. When is her birthday, again?"

"July 7."

Tumango ito. "I'll be there. Pati ang mga bata. Gusto rin ni Johann pumunta for sure."

Pagkaalis ng mga ito ay ni-lock ni Reeve ang gate at pumasok na ng bahay. His boys are still sleeping. Pagkalagay niya ng mga bottled breastmilk sa freezer ay naglinis na lang siya ng kusina at ng mga kuwarto.

***

"INAY, 'pag nag-school ako, tatalino ako?"

"Matalino ka na, anak. Kapag nag-aral ka, mas hahasain ang talino mo at marami ka pang matutunang bago."

Magkahawak kamay na papunta sila ngayon sa malaking basketball court ng Kab-Laaw. Ngayon ang unang araw ng libreng paturo sa mga bata ng nayon nila.

"Marami ka ring magiging kaibigan," dagdag niya pa.

"Inay, huwag ka po alis doon, ah? Huwag mo 'ko iwan doon..."

"Oo naman. Hihintayin kita hanggang sa matapos ka."

Tumingala ito at nginitian siya. "Lapit na birthday ko, Inay! May regalo ka po?"

"Hmm. Secret," nakangiting sagot niya sa anak. Napagkasunduan nila ni Niel na bilhan ito ng isang bestida at isang manyika. Sapat naman ang ipon ng asawa niya.

Bukas ay luluwas sa sentro si Niel para i-report sa pulis ang tungkol sa singsing ni Mrs. Monteverde. Bibili na rin ito ng regalo nila para sa anak.

"Seline, Sasa! Buti at nandito na kayo," salubong ni Kapitana.

Marami na ngang mga bata at magulang ang nandoon. May mga nakita rin siyang ilang taong nakasuot ng puting polo-shirt. Iyon siguro ang mga volunteer teachers.

"Nagsisimula na po ba, Kapitana?" tanong niya rito.

"Hindi pa naman. Pero nagpakilala na ang mga volunteer teachers kanina. Nakamamangha at akala ko ay preschool teachers lang ang volunteers. May mga elementary, high school, at college teachers din pala."

"Maganda po iyan. Kaya po pala ang daming teachers..."

"Oo. Napansin mo na siguro ang mga nakaputi. Sila iyan. Nga pala, sa pagkakaalam ko ay sa Group C nakalagay si Sasa. Puwede mo siyang ihatid doon, Seline."

"Salamat po. Ahm, nasaan po ba ang group C?"

May tinuro ito. "Nakikita mo iyong poging lalaki doon?" Napahigikgik pa ito na parang dalaga.

Likod lang ng lalaki ang nakita ni Seline. "Iyon pong lalaking naka-puti po?"

"Oo. Iyon ang naka-assign na teacher para sa grupo ni Sasa. Sige at lumapit ka lang doon. Nasa poging teacher na ang listahan. Sabihin mo lang ang pangalan ng anak mo."

"Salamat, Kapitana."

Hawak ang kamay ni Sasa, hinila niya na ang anak palapit sa tinuro ni Kapitana na magiging guro ng anak.

"Magandang umaga po," magalang niyang sabi sa nakatalikod na lalaki.

Napatuwid ito ng likod. Pagkuwa'y dahan-dahan itong lumingon sa kanya.

Napakurap si Seline nang makita ang mukha ng lalaki. Tama si Kapitana, may itsura ito.

"Magandang umaga!" masiyahing bati nito pabalik. Ang ngiti nito ay umaabot sa mga mata. Pagkuway bumaba ang tingin nito sa anak niya. "Anak mo?"

"Ah, oo. Sabi ni Kapitana, dito daw siyang grupo nakalista."

"Hmm." Tumingin ito sa listahan. "Sahra Sunsenrae Ebreo?"

"Ako po!" nagtaas pa ng kamay si Sasa.

Mas napangiti ang lalaki at niyuko ang anak niya. "Hello! Anong itatawag ko sa'yo? Sahra o Sunsenrae?" malambing na tanong pa nito.

"Sasa po."

"Wow! May iba palang choice. Sasa." May sinulat ito sa isang card gamit ang pentel pen. Pagkuwa'y kinabitan nito ng ID lace ang card at isinuot sa leeg ni Sasa.

Tumayo na ng tuwid ang lalaki at lumagpas ulit sa kanya ang taas nito. Bahagyang napatingala si Seline rito. "Iiwan ko na ba siya rito?"

"Sure! Ako nang bahala kay Sasa..." Nakatitig ito sa kanya.

Nanatiling nakatayo si Seline sa harap ng lalaki. Hindi niya ito kilala ngunit, bakit hindi siya makaramdam ng pagkailang? Nakatitig ito sa kanya ng diretso at sa tingin niya ay mas maiilang pa rin siya sa titig ni Niel kaysa dito.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito maya-maya. Nakabitiw na sa kanya ang anak at nakaupo na ito sa isang maliit na upuan sa harap ng isang parihabang lamesa.

Tumango siya. "Selestine Ebreo, 'Seline' na lang," pagpapakilala niya.

"Seline..." sambit nito sa pangalan niya. "Seline," ulit pa nito at saka napangisi. "Wow! Ang ganda ng pangalan mo. Kasingganda mo."

Napangiti lang siya. "Salamat."

Inabot nito ang kamay sa kanya. "Ako ang magiging teacher ng anak mo hanggang sa matapos ang project na 'to. Ako si Johann."

Nakipagkamay siya rito. "Johann..."

His handshake was firm. Ngunit kumportable naman ang pakiramdam ni Seline. Nagulat siya sa sariling reaksyon.

"Johann Anderson. Poging teacher sa umaga, poging nilalang hanggang sa gabi," kuwelang sabi nito na nakapagpatawa sa kanya.

"Nice meeting you... Seline."

Lihim na napasinghap si Seline ng ngumiti ulit ito. Something inside her is pushing to hug this man.

But why?


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Seguir leyendo

También te gustarán

3.4K 378 7
Eugene Scott 07/08/2023 - 07/25/2023
2.7K 192 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...
3.1M 82K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...