I'm His Private Dancer

By Shettered

3.7M 52.3K 3.6K

[Completed] Who am I? I'm not perfect but i'll do my best for you. PS: Don't judge a book by its title. More

I'm His Private Dancer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Question.
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Twenty-seven

89.4K 1.5K 244
By Shettered

 

Masayang tumakbo palabas ang batang babae na nasa edad anim o pito. Nilagpasan niya ang tatay na tumatawag sa kanyang pangalan. Masaya siya ngayon dahil aalis na naman sila ng kanyang pamilya, ngunit mas sasaya siya kung isasama niya ang kanyang kuya-kuyahan.

 

“Kuya Liam!” Masayang bati sa naka-upong bata sa gilid ng kanilang bahay. Kumaway pabalik sa kanyang ang tinatawag niyang kuya.

 

Natutuwa siya sa buhay niya ngayon. Bukod na may kapatid siyang lalaki, na kambal niya, ay may isa pa siyang kuya na maipagmamalaki. Na dalawang lalaki na handang magtanggol sa kanya. Kahit na nasa mataas na baitang na ang kanyang Kuya Liam, tuwing may nababalitaan ito na tungkol sa kanya ay naroroon na agad siya. Para siyang isang prince charming na napapanood niya sa paboritong palabas.

 

“Ang akala ko ay hindi mo na ako pupuntahan. Bakit ang tagal mo?” Tanong ng kanyang Kuya Liam.

 

“Wala ka bang napapansin sa suot ko Kuya Liam?” Hindi niya pinansin ang tanong ng kanyang Kuya, sanay na siya tuwing tinatanong siya kung bakit siya natagalan. Siguro nga ngayon ay natagalan siya dahil na rin sa kanyang Mommy.

 

“Ano’ng meron sa suot mo?”

 

“Na.. na maganda itong damit na pinasuot sa akin ni Mommy. Para akong prinsesa, habang si Sean naman ay mukhang prinsipe. Gusto mo tawagin ko siya?” Aniya. Dahil ilang linggo na lang ang bibilangin ay kaarawan na nila ng kanyang kambal kaya kailangan niya maging maganda sa paningin ng iba.

 

“Ako ang prinsipe mo!” Maktol ng kanyang kuya-kuyahan.

 

“Hindi ka naman mukhang prinsipe ngayon.” Ngumuso ito at sumimangot, pambahay lang ang suot ng kanyang kuya kaya imposible.

 

“Sige lagi na akong makikipaglaro sa’yo ng bahay-bahayan at ng doll mo, basta ako lang ang nag-iisang prinsipe mo.”

 

“Kawawa naman si Sean.” Tukoy nito sa kanyang kakambal na lalaki.

 

“Prinsipe rin si Sean pero iba ang prinsesa niya. Tulad mo kailangan mo ng ibang prinsipe hindi pwede ang kapatid mo kaya ako dapat ang prinsipeng iyon.”

 

Nag-isip siya sa sinabi ng kanyang kuya, at tama nga naman iyon. Hindi pwedeng maging prinsipe ng kanyang buhay ang kanyang kambal dahil magkapatid nga sila. Sa mga napapanood niya ang nagkakatuluyan na prinsesa’t prinsipe ay galing sa ibang panig ng kaharian. At sa sitwasyon nila ngayon ay galing din sa ibang kaharian ang kanyang kuya.

 

“Oh, sige na nga. Ikaw na ang prinsipe ko, basta ako lang din ang prinsesa mo.” Ngumiti naman ng malaki ang kanyang kuya at walang humpay na tumango. “At para masigurado ko ang sinasabi mo ay suotin mo ‘tong bracelet. Pangako mo sa akin na hindi ka maglalakbay sa malayo para hanapin ang ibang prinsesa mo kahit wala pa ako.”

 

Kinuha niya ang kanang braso ng lalaki at isinuot ang bracelet na katulad sa kanya. Ginawa niya ito noong nakaraang gabi para sa kanilang tatlo ng kanyang kambal at ng kanyang kuya. Parehas sila ng kulay, kulay asul habang ang kanyang kambal naman ay kulay black dahil iyon ang paboritong kulay ng kanyang kambal.

 

Hindi naman siya nahirapan sa pagpili ng kulay para sa kuya dahil parehas sila ng gusto ang maraming bagay. Natutuwa rin siya dahil hindi niya man hilingin lalo na sa school ay binibigyan siya nito ng paboritong chocolate.

 

“Promise. Hinding-hindi ako maglalakbay sa malayo dahil maglakbay man ako ay nasa harapan ko na ang hinahanap kong prinsesa.”

 

Tumingin lang siya sa kanyang kuya na nakatingin lang sa bracelet na ginawa niya para rito. Tumataba ang kanyang puso tuwing iisipin na hindi siya nito iiwan hanggang pagtanda nila. Na naririyan lang ang kanyang kuya na ipagtatanggol siya.

 

“Shana.” Sabay silang lumingon at nakita nila doon ang nanay ng batang babae.

 

“Tita.” Mahinang banggit ng kanyang kuya.

 

“Paano ba ‘yan aalis na muna kami, Liam. Pwede ko na bang kunin si Shana?”

 

"Si Tita naman."

 

"Sige na aalis na muna kami. Ibabalik ko rin si Shana sa iyo next week." Pumunta ang batang babae sa kanyang ina at kumapit sa kamay nito.

 

"Ingat po kayo." Nagkasalubong ang kanilang tingin.

 

 "Salamat. Oh, Shana paalam ka na kay Kuya mo." Wika nang kanyan ina sa kanya. Nalulungkot siya dahil mawawalay na naman sila sa isa’t isa, pero sa pagkakataon na ito ay ayaw niya nang umalis lalo na’t natatakot siyang baka makahanap na ito ng panibagong prinsesa bukod sa kanya.

 

"Kuya hanggang sa muli, paalam.”

Nasapo ko ang aking dibdib at umupo. Anong klaseng panaginip ba iyon at pinagpapawisan ako ng malamig ngayon. Madilim ang lugar at ako lang ang mag-isa ngayon sa aking kwarto. Halo-halo ang nararamdam. Natatakot, nalulungkot at kinakabahan. Sino-sino ang mga iyon at bakit ganoong klaseng panaginip ang pumasok?

Pinilit ko na lang na ipikit ang aking mga mata at bumuo ulit ng panibagong tulog. Siguro ay wala lang iyon, mga panaginip na namang nagpapagulo sa akin. At sa bawat panaginip na iyon ay nadadagdagan ng mga tauhan. Ngunit iba ang panaginip na iyon, nagkakaroon na ito ng mukha, hindi katulad ng dati ay madilim.

Tinanghali ako ng gising kaya naman ay na-late ako sa usapan naming apat. Bukod doon ay hindi ko na napagluto ng agahan si Liam. At aniya’y sa opisina na lang ito kakain. Hindi naman ito nagalit, at sabay pa kaming umalis sa rest house.

Nakahalukipkip ang tatlo nang aking abutan sa entrance ng Resort.

“Sorry, natagalan.” Nahihiya kong pahayag sa mga ito.

“May ginawa na naman kayong kababalaghan ni Sir Liam, ano?” Usisang tanong ni Diane sa akin.

Mabilis naman akong umiling sa kanyang tanong.

“Bakit ka pa magtatanong, alam na naman natin ang sagot d’yan.” Masayang wika ni Nina. Tumawa lang ang tatlo na para bang hindi ko naririnig ang kanilang sinasabi.

“Kayo talaga. Tinanghali lang ako ng gising kaya ganoon.”

Nagsimula na silang kumaha sa bawat naka-display sa groceries. Ganoong rin ang aking ginawa, wala na rin kasi kaming pagkain sa rest house. Isang rason din kung bakit magkakasama kami ngayong apat. Sa tuwing mag-go-grocery kasi ako ay humihingi ako ng day-off para sa tatlo na ayos lang kay Liam.

“Masyado ka namang pinapagod ni Sir Liam.” Makahulugang tumingin sa akin si Nina.

“Hindi naman. Hindi nga ako sanay na walang ginagawa sa bahay namin tapos ngayon wala akong ginawa sa kanyang bahay kundi ang tumunganga.”

“Palit na lang tayo ng pwesto, Trixie. Mas gusto ko ‘yun para araw-araw ko makikita ang gwapong mukha ni Sir. Kahit naman kasi na nasa Resort siya ay hindi ko man lang maaninag ang gwapo niyang mukha dahil laging nasa office.”

“Hindi maaari, baka agawin mo siya sa akin.”

“Ayaw mo ‘nun, para may thrill.” Sumimangot lang ako sa kanyang sinabi. Isipin ko lang na may ibang kasamang babae si Liam ay may kung anong insekto na ang kumakain sa aking puso. Ni ayaw kong maging sweet siya sa iba tulad ng ipinapakita niya sa akin tuwing magkasama kami sa bahay.

At natatakot akong mangyari ulit ang noon, na marami siyang babae. Ang sinasabi ni Tita Daisy na hindi nagtitino si Liam at paiba-iba ng babae. At masaya ako dahil sa tagal naming magkasama ay hindi na ulit siya nambabae.

“Anong iningingiti-ngiti mo d’yan?” Taas kilay na tanong ni Emma sa akin. Naka-upo ito sa aking harapan. Apat na upuan ang kinuha namin para makakain. Ang aking katabi ay si Nina habang katabi naman ni Emma ay si Diane.

“Ano bang magandang regalo ang pwedeng ibigay kay Liam?” Tanong ko sa mga ito.

“Malapit na ba ang birthday niya?”

Umiling naman ako. Ang totoo n’yan kaya ako ngumingiti kanina ay pinag-iisipan ko ang pwedeng iregalo sa kanya dahil sa kabuting pinapadama niya sa akin. NA kahit hindi niya pa ako sinasabihan na mahal niya ako ay ayos lang, basta ay araw-araw ko itong nakikita. At kahit hindi niya man sabihin ay nararamdaman ko iyon.

“Kung ganoon, malapit na monthsarry niyo? Kailan nga ba iyon?” Aniya.

“Monthsarry? Ano ‘yun?”

“Pigilan mo ako Emma at sasabunutan ko ‘yan.” Ani Diane. Binitawan niya ang kanyang kubyertos at napahawak sa kanyang noo.

“Sa tagal niyong magkasama ni Liam, hindi ka man lang nito binabati?” Tanong muli ni Emma.

“Araw-araw niya naman akong binabati, tuwing pagkagising o di kaya pagkakadating niya galing Resort.”

“Naloko na.” Singit muli ni Diane. “Hindi iyon ang ibig naming sabihin.” Huminga ito ng malalim at pinakatitigan ako sa mata. “Sige naiintindihan ko ngayon ka lang nagkaroon ng karelasyon at sumisibol pa lang ang iyong.. iyong kadalagahan... pero ang ibig naming sabihin ay yung sine-celebrate kada-buwan kung kailan kayo naging mag-on. Kailan nga ba kayo naging magkarelasyon ni Sir Liam?”

“Hindi ko alam. Basta naging nobyo ko na lang siya.”

“Nobyo nga ba?”

“Anong ibig mong sabihin, Emma? Kasi isang araw nagsabi na lang siya na totohanin namin ang namamagitan sa aming dalawa, at sinabi niyang nobya niya na ako.”

“Complicated.” Anas ni Nina sa aking gilid.

“Tutal naman at mukhang sanay si Sir Liam sa mga karelasyonan ay sa kanya ka magtanong. At itanong mo rin kung kailan kayo naging mag-nobya’t nobyo para mai-celebrate.”

“Sa paanong paraan iyon maii-celebrate? Parang birthday? Handaan?”

Nagkatinginan na naman ang tatlo sa aking tinanong. At maya-maya’y ngumiti ng nakakapangilabot.  Sabay-sabay silang tumigin sa akin, mula ulo hanggang dibdib, dahil na rin kaming lahat ay naka-upo kaya’t hanggang doon lang ang pwedeng makita.

“Sa mag-boyfriend girlfriend ay hindi uso ang handaang pagkain. Ibang pagkain ang pwedeng makain, at solve na rin ang problema mo tungkol sa regalo kung mangyari ‘yon. Pero hindi namin sayo sasabihin, bata ka pa.” Ani Emma.

“Bakit hindi pwede? Mahirap bang maluto ‘yun, kaya parang two-in-one?”

“Parang ganoon na nga.”

“Matuturuan niyo ba ako? Sige na, para naman masiyahan si Liam.”

“Sorry, Trixie, pero hindi ka namin matuturuan, privacy iyon. Pero kung gusto mo talaga ay bibigyan ka namin ng clue. Pero imposibleng hindi mo pa alam iyon.” Ani Diane. Hinawakan pa nito ang kanyang baba na para bang may binabalak na masama.

“Sige na naman sabihin niyo na.” Desperado na rin akong malaman, ayaw ko ng mga klaseng tingin na binibigay nila sa akin. Kasi pakiramdam ko na may alam silang hindi ko alam na totoo naman. Pero iba pa rin iyong binibigyan nila ako ng kaalaman, na sa tingin ko ay makakatulong para sa aming dalawa ni Liam.

“Make love to him. Iyon bang kahit dalawa kayo ay napapag-isa sa pamamagitan ‘nun. Kung hindi mo ma-gets…” Lumapit ito sa akin at itinapat ang bibig sa aking tenga. “Sex. Sex ang ginagawa ng iba para mapatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa. Pero hindi simpleng sex lang iyon, they make love. Dahil kapag sex ay walang nararamdaman para sa isa’t isa, katuwaan kumbaga pero ang making love ay may pagmamahal sa bawat pag-galaw.”

Namula ako sa ibinulong ni Diane sa akin. Nagawa na namin iyon ng kami ay nasa Maynila. Kung ganoon ay make love iyon? Na kahit pala masakit ay mapapatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa. May ibang bahagi sa aking puso na nasisiyahan dahil kung ganoon ay mahal niya nga ako, pero ang ibang bahagi ng aking puso ay nasasaktan dahil kung ganoon mahal niya rin ba ang ibang nakakasama niya? Pero sabi ni Diane make love tawag kapag nagmamahalan. Baka naman sex lang ang namamagitan sa mga babae ni Liam, sana nga’y sex lang.

“Bakit ngayon ka lang?” Kakapasok ko pa lamang ng pinto ay siyang bungad sa akin ni Liam na naka-upo sa sala.

“Nakaligtaan namin ang oras sa paglilibot, pasesniya na.”

Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at tumungo patungo sa aking kinatatayuan. Napapikit ako ng maramdaman ako ang labi niya sa aking noo. Ang akala ko ay papagalitan niya ako. Kinuha niya ang dala-dala kong plastic bag.

“Kumain ka na ba?”

“Hindi pa. Ang sabi ni Emma ay sa Resort na lang kami kakain. Ikaw ba nakakain ka na?” Sumunod ako sa kanya patungong kusina. Inilagay niya sa mesa ang kanyang bitbit.

“Hinihintay kita, sabay na tayo.” Aniya. “Magpalit ka na para makaalis na tayo. Ako ng bahala sa mga ‘to.”

“Sige..” Tumalikod na ako at tumungong kwarto. Nag-punas na lang ako at nagsuot ng bikini, na regalo ni Emma sa akin noong isang araw na nagkita kami. Kulay pula ang mga ito. Nang masuot ko ay pinatungan ko ng shorts at isang butas-butas na damit.

May kaunti kasing salu-salo sa Resort, na pinaunlakan naman ni Liam. Si Emma ang nagsabi sa akin na may magaganap palang ganoon sa Resort, wala talaga akong pag-asa kay Liam pagdating sa mga ganitong bagay. At pahirapan ang pagpapayag kay Liam. Maraming kondisyon.

“Ready na ako!” Masayang pumunta ako sa kinauupuan ni Liam sa sala. Mukha pa itong nagulat ng umupo ako sa kanyang tabi.

“Anong klaseng suot ba ‘yan, Trixie.” Pinasadahan niya ako ng tingin.  Sumimangot naman ako sa kanyang inasal, lumayo at nag-iwas ng tingin. Hayan na naman ang maotoridad niyang boses.

“Sabi nila Emma ganito dapat ang isuot. Gabi naman at walang turistang makakakita.”

“At sa tingin mo hindi makikita ng mga lalaking kasama natin doon?”

“Kasama naman kita, at saka alam ko namang hindi mo ako pababayaan, di ba?”

Malalim itong huminga at tumingin sa akin na tagos hanggang pagkatao ko. At sa klaseng tingin na iyan ay alam kong panalo na ako. Wala na naman siyang magagawa.

“Mahal kita, Liam.” Mabilis ang aking pag-galaw, ngayon ay naka-sabit na ako sa kanyang leeg at hinalikan ng mabilis ang kanyang labi. Sa tuwina na lamang na napagbibigyan niya ako ay ganito ang aking ginagawa. At sa tuwina rin ay pagkagulat lagi ang pinapakita niya sa akin.

Hindi ko naman kailangan nang kasagutan niya. Basta masaya na ako na nasasabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Alis na tayo.” Aniya. Inilayo niya ako sa kanyang katawan at pinatayo. Sumunod naman ang aking katawan at tumalikod na.

“Maglakad na lang tayo, maganda ang langit ngayon gusto kong pagmasdan habang naglalakad tayong dalawa.”

Sinalubong kami ng malakas na hangin sa aming paglabas. Ganitong pagkakataon ang magandang gawin tuwing gabi. Ang suminghap ng sariwang hangin.

“Saglit.” Aniya. Tumigil naman ako at tumingin sa kanya. Naka-tingin lang ito sa aking balikat. Pinalig ko naman ang aking ulo at pinatitigan siya. “Ano iyang nasa likod mo?”

“Ah ito ba?” Tumalikod ako dito at hinubad ang aking damit. Kinuha ko rin ang aking nakalugay ng buhok at inilagay sa kabilang bahagi ng aking balikad. Ngayon ay tumambad na sa kanya ang aking likod.

Tinaas nito ang kanyang kamay at pinasadahan ang isang peklat na hindi na naalis mula sa aking pagkabata.

“Bata pa ako nang magkaroon ako niyan. Ang cute di ba? Kahit wala akong maalala sa sinabi ni Nanay tungkol sa peklat na iyan ay dadating daw sa tamang panahon na ipapaliwag niya sa akin kung bakit ako mayroon niyan.”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Nanany noong panahon na tinatanong ko sa kanya ang bagay na ito. Ang laging sinasabi niya lang noon ay sasabihin niya sa tamang panahon. Kung kailan nakaka-alala na ako. Sa akin naman ay hindi malaking bagay ang peklat na ito, at wala na akong balak na itanong pa. Ayaw kong makita ang ekspresyon ni Nanay tuwing nababanggit ko ang peklat, para siyang natatakot at naluluha, kaya naman ay hindi ko na inuulit pa.

Heto na naman ang araw na wala akong ginagawa sa kabahayan. At dahil hindi rin ako mahilig manood ng mga palabas ay tumutunganga na naman ako sa loob. Maagang umalis si Liam ngayong araw na ito, dahil may tumawag sa kanya at kailangan niyang pumunta sa opisina .

Pinaikot ko ang aking paningin sa buong sala. Wala nang maiaayos pa dahil araw-araw ko naman itong nililinis. Sa kusina naman ay ganoon rin,  hindi naman ako makakapagluto para sa tanghalian ni Liam dahil may lunch date ito sa kausap niya ngayon. Sinabi niya namang mga lalaki ang kasama niya kaya hindi na ako nakakaramdam ng sakit sa bandang puso ko.

Pumasok ako sa kanyang kwarto. Wala rin namang kailangang linisin, nililinis ko naman din ito tuwing wala siya. Nahagip ng aking mata ang nakaawang na cabinet ni Liam. Tumungo ako dito at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang hindi nakahanay na damit ni Liam. Kinuha ko lahat ng mga iyon at dinala sa kama. Para itong dinaanan ng bagyo kung makalagay na lang. Ngayon ko lang din ito nakitng magulo.

Nang masigurado ko nang wala ng mga damit ay bumalik na ako sa kama at sinimulang itiklop ng maayos. Sanay na ako sa ganitong gawain kaya mabilis lang itong matapos. Pumunta ako sa cabinet niya at inayos na muna ang paglalagyan kong damit.

Kunot-noo ko namang kinuha ang isang litrato na nakalagay sa pinakadulo ng cabinet. Dalawang tao ang naririto. Isang babae at isang lalaki.

“Parang nakita ko na ang batang ito.” Tukoy ko sa babaeng nasa larawan.

Kinagabihan ay kumatok ako sa pintuan ni Liam. Binagbuksan niya naman ako at pinapasok.

“May kailangan ka ba, Trix?” Aniya. Sando at preskong shorts ang tumambad sa aking harapan. Basa rin ang kanyang buhok.

Lumakad ito at umupo sa kanyang kama. Tumayo naman ako sa kanyang harapan at tinitigan.

“May tatanong lang sana ako.”

“Kung tungkol ito sa pag-ta-trabaho sa Resort, ay alam mo na ang isasagot ko, Trix.”

“Hindi iyon, ito sana.” Pinakita ko dito ang litrato na nakuha ko kanina sa kanyang cabinet. Mukha naman itong nagulat ng pinakita ko sa kanya ang litrato at maya-maya ay muling bumalik sa kanyang katinuan.

“Saan mo nakuha ‘yan.” Matindi pa sa yelo ang pagtatanong niya sa akin. Kinuha niya ito sa kamay ko at tinignan.

“Naglinis kasi ako ng cabinet mo, tapos nakita ko iyan.”

“Hindi ibig sabihin na hinahayaan kitang lumabas pasok sa kwarto ko ay pwede mo nang gawin  ang nais mong maisip na gawin.”

“Hindi ko naman sinasadyang pakialaman, sadyang nakita ko lang. Ikaw ba iyang nasa larawan, at sino iyong batang babae na katabi mo?”

“Matulog ka na, Trix. Masama ang pakiramdam ko ngayon.” Walang anu-ano ay kinuha niya ang aking braso at inilabas sa kanyang silid.

Hindi pa man ako nakakaharap ay sinarado niya na ang kanyang pintuan. Ikinibit-balikat ko na lang iyon at dumaretso na sa aking kwarto.

Dumaan ang mga araw at pupunta kaming Palawan. Sinabihan niya na lang ako na mag-impake ng pang-tatlong araw at doon nga kami pupunta. At ng araw na rin na iyon ay kumirot na naman ang aking ulo at lumabas na naman sa aking alaala ang mga taong hindi ko makilala.

“Kanino ‘yan Liam?” Sa pamamagitan ng libre kong kamay ay itinuro ko ang kulay puti at malaking bangka na nasa aming harapan. “’Yan ba ang gagamitin natin patungong Palawan?”

“Oo. Tara.” Hinila niya na ako papunta sa malaking Bangka. Nang nakarating kami doon ay inilalayan niya akong sumakay. Inilibot ko ang aking paningin at kulay puti nga lang ang aking nakikita. May bubong ito at may machine.

“Ayos na  ba, Sir?” Tanong ng naka-puti ring lalaki sa aming harapan. Kung ganoon ay hindi lang pala kami ni Liam ang naririto.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Liam, diretso lang ang lakad niya hanggang makita ko ang isang kulay puti ring pintuan.

“Lahat ba ngmakikita natin dito ay kulay puti lamang?”

“Ayaw mo ba ng kulay? Pwede nating palitan kung gugustuhin mo.”

“Bakit sa akin, hindi ko naman pag-aari ang bangka na ‘to?”

Narating namin ang pintuan at tumanbad sa aking harapan ang isang kwarto. May kama ito. At isang maliit na bintana sa ulunan ng kama.

“Yatch ang tawag dito, Trix. At kung anong akin ay sayo rin.”

“Liam..”

“Hmm.” Tumingin lang ito sa akin gamit ang nagtatanong na mga mata.

“Huwag mo akong sanayin sa ganito, baka mahirapan akong bumangon kung mawala ka.”

Tumitig lang ito sa akin. Bumuka ang kanyang bibig at itinikom din. Umurong ito at nag-iaws ng tingin. Minuto na ang nabibilang ay hindi pa rin ito maka-lingon sa akin kaya napag-desisyunan ko na lang na manahimik. Hanggang pagdaong sa Palawan ay wala pa rin itong imik.

Inalalayan niya naman ako hanggang makababa. Katulad lang din ng Resort ni Liam ang pinagdaungan namin. Yari sa bato lahat ng kabahayan. Tahimik ang lugar. Mangilan-ngilan lang ang naglalakad sa gilid ng dagat.

Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Liam, heto na naman ang pagkikirot ng aking ulo. Para bang may hinahalukay na alaala na kung saan nanggagaling.

“Ayos ka lang, Trix.” Tumigil ako saglit nang ako’y itinanong niya. Bumagal kasi ang aking paglakad.

“Oo. Napagod lang ako sa byahe.” Na hindi naman totoo. Ang totoo niyan ay sa dalawang oras naming nasa laot ay nakahiga lang ako sa kama na pinasukan naming kanina. Habang naka-higa ako ay lumabas naman si Liam, hindi ko na inalam kung anong nangyari. Hindi ko na rin ito tinanong upang hindi na madagdagan ang pagkakunot-noo niya.

“Hindi ka sanay bumyahe ng malayo. Tulad ng nasa Manila tayo ay ganito rin ang kinahatnan mo.” Umiling-iling ito pero may ngiti sa labi.

“Siguro nga, wala naman kaming pera para makapunta sa ganitong kalalayo.”

“Kaya ngayon, magpahinga ka na muna para mabawi ang enerhiya mo sa katawan. Susulitin natin ang pagpunta rito.”

Nagsimula na kaming maglakad. Hawak niya ang mga gamit namin sa kaliwa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak sa aking kamay. Kami lang dalawa ang bumaba sa malaking bangka, mukhang driver talaga ang lalaking nakasama naming kanina.

“Ano baa ng gagawin natin dito.”

“May titignan lang akong isang isla malapit sa tutuluyan natin ngayon. Kung maaga man ako matapos ay mamamasyal tayo. May alam ka bang lugar dito sa Palawan na gusto mong puntahan.”

“Wala. Kahit saan ayos lang sa akin basta kasama kita.”

“Ok, then.”

Tulad ng sinabi ni Liam ay umalis nga ito ng bandang tanghalian. Nagpadeliver na lang siya para may makain ako bago umalis.Aniya’y baka gabihin pa ito sa kanyang lakad at umorder na lang ako ng pagkain ko para mamaya.

Wala naman akong balak na lumabas dahil masama ang pakiramdam ko ngayon. Isa ring dahilan kung bakit ayaw kong umalis ay baka maulit na naman ang nangyari sa akin noong nasa Maynila kami, ang maligaw.

Kinabukasan ay tinupad nga ni Liam ang sinabi niya sa akin. Kung saan-saan kami pumunta, at hindi mapigilan ang pagkikirot ng aking ulo. Hindi ko na lang pinapahalata kay Liam dahil ayaw koi tong mag-alala pa.

“Liam, tingin tayo doon.” Tinuro ko ang isang tindahan na punong-puno ng iba’t ibang bagay. Souveneir Shop ang nakalagay sa kanyang karatula.

Hindi naman ito nagpapigil sa aking paghila. Pagkarating doon ay binitawan ko ang kanyang kamay at sinimulang tignan ang mga naka-display. Ang una kong kinuha ay ang bracelet na napukaw talaga sa tingin ko. Saan ko ng aba ulit nakita ito?

“Gusto ko ng ganito Liam.” Pinakita ko sa kanya ang binili ko.

Kaunti lang ang tao na nasa souveneir shop kaya mabilis kong napukaw ang atensyon ni Liam, na nagmamasid lang sa paligid.

Tiim-bagang naman niya itong kinuha at sinuri. Maya-maya ay binalik niya ito sa dating kinalalgyan.

“Kahit ano huwag lang ang isang ‘yan.”

“Pero iyon talaga ang gusto ko, Liam, kahit pautangin mo muna ako wala akong dalang pera ngayon. O di kaya ibawas mo na lang sa sweldo ko.”

“Kaya kong bilhin ang lahat ng nakikita mo, huwag lang ang bracelet na pinili mo.” Matilim na tingin ang binibigay niya sa akin. Binalewala ko iyon at tinitigan din itong mabuti.

“Maganda naman siya, ah. Ano bang kinagagalit mo.”

“Ang bracelet, mayroon na ako n’yan kaya huwag mo ng bilhin.”

“Talaga, kailan mo binili? Gusto ko rin ng isang ganito para parehas tayo.” Kinuha kong muli ang bracelet at muling sinuri.

“It’s a give that someone gave me. A special someone gave it to me.” Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi dahil lalong lumalala ang sakit ng ulo ko at para rin akong lalagnatin sa sobrang sakit ng ulo ko.

Sa huli ay hindi pa rin iyon ang binili niya. Hindi na naman ako kumontra dahil wala na ako sa aking huwisyo, mukhang naramdaman din iyon ni Liam dahil nagyaya na itong umuwi. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan naming kaya nakarating kami kaagad sa aming cottage.

“Magpalit ka na muna ng damit, Trix, magpapadeliver lang ako ng makakain mo.”

Bago pa ito humakbang ay kinuha ko na ang kanyang kamay para tumigil.

“Ayaw ko ng pagkain rito, ipagluto mo ako, Liam.”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay bago ito tumango. Lumabas na ito at saka ko naman ginawa ang pagpapalit ng damit. Palubog na rin naman ng araw nang makarating kami rito. Nabugbog siguro ako sa aming paglalakbay kaya ganito ang pakiramdam ko.

Humiga na ako at pumikit. Mukhang matatagalan pa si Liam sa kanyang pagluluto. Masarap ang luto ng pinag-orderan ni Liam, pero mas sasarap pa kung sa taong kilala moa ng magluluto sayo.

“Trix.. Trix..”

“Hmm..”

“Kakain na muna.”

Unti-unti kong munulat ang aking mata para tignan si Liam. Naka-upo ito sa gilid ng kama. Gabi na at mukhang sa ilaw ng kwarto ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. May hawak itong bimpo, sa gilid nito ay may isang palanggana at pagkain. Inalalayan niya naman akong umupo ng maayos.

“Ang taas ng lagnat mo, bakit hindi mo sa’kin sinabi na masama ang pakiramdam mo ng maaga.”

“Ayaw kong masira ang plano mo, kaya hindi ko na sinabi.” Yumuko ako dahil nahihiya ako sa aking sinabi. Uminit din ang aking pisngi. Para rin itong date kung tutuusin kaya saying ang pagkakataon kung sa ganitong sakit lang ang mauudlot.

Umiling lang ito at kinuha ang pagkain. “Kumain ka na muna.” Isang soup ang nakalagay sa bowl. Hindi na ito mainit ng sa aki’y isubo. Mukhang natagalan ako sa aking paghihimlay, at napangiti ako sa aking isipan, kung ganoon ay ganoong katagal niya rin ako inalagaan?

“May nararamdaman ka pa ba? Anong masakit sayo?” Aniya matapos akong painumin ng gamit. Pinahiga niya na rin ako at muling pinahiran ang noo.

“Gusto ko lang matulog.”

“Dito lang ako, magpahinga ka na.” MApupungay na mga mata ang binigay niya sa aking tingin bago bumaba ang kanyang mukha para halikan ang aking noo at pisngi.

“Thank you, Liam, mahal kita.” At tuluyan nang nadala ang aking mga mata sa pagkakatulog.

Huling araw ng pamilya na magbakasyon sa Palawan. Tahimik lang na naka-upo ang mag-ina. Hinaplos-haplos ng ina ang buhok ng batang babae kung saan naka-upo ito sa kanyang hita. Dumating ang dalawang lalaki kung saan iyon ang tatay at ang kambal ng batang babae. Hindi nagtagal ay umalis na rin ang mga ito sa kanilang kinauupuan at dumaretso sa eroplanong sasakyan pabalik ng Maynila.

 

Matapos ang masasayang sandali ng pamilya ay napagpasyahang mag-CR ang batang babae. Tumayo ang ina nito. Tumayo rin ang batang babae ngunit humalik na muna ito sa kanyang ka-kambal.

 

"I love you, Sean." Ani ng batang babae. "Ikaw din Mommy, Daddy, I love you both.”

 

"Ikaw na bata ka para namang aalis ka, Mag-c-CR lang naman kayo ng Mommy mo." Wika ng matipunong lalaki. Ang padre de pamilya.

 

"Ganoon po talaga Daddy, sabi po kasi ni teacher love your parents all the time.”

 

Full-size mirror ang kinahaharap ng mag-ina ngayon. Nakatingala at nakatingin lamang ang batang babae sa kanyang ina.

 

"Kuhang-kuha mo talaga ang ilong ko, anak." Wika ng ina.

 

"Hindi ko po napapansin Mommy, paano malalaman iyon?” Matapos sabihin ng kanyang ina ang tungkol sa ilong ay hinawakan niya ito at tumingin sa salamin para suriin.   

 

"Pagmalaki ka na malalaman mo din, basta sa ngayon iingatan lagi natin iyang buhok mo."

 

Marami pang tinanong ang batang babae na magiliw namang sinagot ng kanyang ina. At maya-maya rin ay   naisipan na rin nilang lumabas para puntahan ang mag-amang naiwan sa labas.  At sa paglabas nila ng banyo ay mahigpit ang pagkakapit ng ina sa kanyang anak. Gumeywang ang eroplano na nagpabilis ng takbo ng kanilang puso.

 

"Mommy, anong nangyayari." Inosenteng tanong ng batang babae sa kanyang ina.

 

Binuhat siya nito. "Shh.. Hawak ka lang maigi kay Mommy. Huwag kang bibitaw kahit na anong mangyari." At ginawa niya naman ang sinabi ng ina.

 

Nagsimula silang maglakad, marami silang nakakasalubong na nagpa-panic na. Takot ang rumihistro sa kanila. Humigpit pa lalo ang hawak ng batang babae lalo na’t nakikita niyang nagkakagulo na.

 

"Natatakot ako Mommy." Bulong niya sa tenga ng ina. Humihikbi na rin ito. Para bang napapasa sa kanya ang takot nang ina.

 

"Kapit ka lang maigi kay Mommy, Shana. May tiwala ako sayo di ba? Mabait kang bata kaya sunod ka lang sa sinasabi ni Mommy."

 

Isang bagay lang ang itinatak nang batang babae sa kanyang utak na magtiwala rin sa kanyang ina. Sa bawat hagod nito sa kanya ay nagbibigay ng lakas para iwasang hindi mapaiyak.

 

"Everything will be alright, baby." Bulong ng ginang. "Denzel!” Sa bawat sigaw ng ginang sa kanyang asawa ay bumabalik ang takot ng batang babae. Napaiyak na ito, lalo na’t gusto na rin ng batang babae na makita ang kanyang kakambal. Bukod sa ina ay nararamdaman niya rin ang takot ng kapatid kahit na hindi sila magkaharap.

 

"Mommy hindi ako bibitaw. Mabait akong bata di ba? Dapat mabait ka rin Mommy, huwag mo po akong bibitawan.”

 

"Promise, baby. Promise. Hahawakan kang maigi ni Mommy. You knew that I love you, right?"

 

"Yes Mommy, I love so much more than you know."

 

Hindi pinapansin ng ginang ang mga dumadaan sa kanilang nilalakaran kaya naman nasanggi sila ng ibang tao. Natumba ang mga ito. At siyang hudyat kung bakit nabitawan ang batang babae sa kamay ng ina.

 

“Mommy!” Walang tigil ang sigaw ng batang babae sa pagtawag sa kanyang ina. Nadadala na rin ito ng ibang tao. Dahil sa kaliitan ay nasanggi siya ng hinding kilalang tao kaya tumama ang likuran niya sa matulis na bagay. Ininda niya ang sakit. Humagulgol lang ito sa gilid at naghihintay na dumating ang kayang ina. “Mommy! Mommy!”

 

Nadala pa rin ito ng tao kahit nasa gilid lamang siya. Ang tanging natatandaan na lamang niya ang liwanag at ang paghulog niya galling himpapawid.

 

“Kumuha ka pa ng maligamgam na tubig, Delcio.” Rinig niyang sabi ng isang babae sa kabila ng kanyang pagkakapikit. “Delcio! Delcio, dalian mo dumilat na siya.”

 

Iniikot niya ang kanyang paningin. Nanghihina pa rin ito at hindi pa ganoon kaigi ang kanyang paningin sa paligid.

 

“Bata. Bata.” Marahan ang pagkakahawak sa kanyang pisngi sa kabila ng pagkakatawag sa kanya.

 

Pinakiramdaman niya ang paligid at naaninag niya ang dalawang tao sa kanyang harapan. Umigi na rin ang kanyang tingin at naaninaw niya pang maigi ang isang lalaki at babae. May hawak na pinggan ang nakatayong lalaki habang ang babae naman ay naka-upo sa kanyang tabi at nakangiti.

 

 

“Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit ba? Nagugutom ka ba, bata? Kilala mo ba kung sino ka?” Sunod-sunod na tanong sa kanyang ng babae.

 

“Tu-tubig.” Nahihirapang bigkas ng bata.

 

“Bilisan mo Delcio, tubig.” Mabilis namang nakarating ang tubig at pinainom ito sa kanya. Dahan-dahan rin itong pinahiga. “Ano pa ang gusto mo?” Umiling lang ito bilang sagot. Marami pa itong tinanong tungkol sa kanyang kilagayan hanggang mapunta ang tanong sa..

 

“Natatandaan mo ba kung bakit ka napapadpad dito at kung sino ka?” Tanong ng lalaki. Naka-upo na rin ito at nasa kabilang direksyon ng kanyang kinahihigaan.

 

“Wala po akong natatandaan. Ano po ba ang nangyari?”

 

Nagkatinginan ang taong nasa harapan niya ngayon. Tila bagang nagtatanong ang bawat tingin ng taong kaharap niya ngayon.

 

“Tatlong araw kang nawalan ng malay. Kung naiintindihan mo na ang mga bagay-bagay ay doon namin sayo sasabihin.” Wika ng babae.

 

“Sa ngayon ay kailangan mo na munang magpalakas at baka manumbalik ang iyong alaala.  Dahil na rin sa malaki mong sugat sa likod na hugis krus ay tatawagin ka  na muna namingTrixie hangga’t hindi mo naaalala ang iyong pangalan.”

Napabalikwas ako ng bangon. Kahit na  nilalamig ako ay tumayo ako at hinagilap ang nakakalat kong damit. Patakbo akong lumabas ng cottage kahit na masakit pa ang aking katawan. Hindi ako pwedeng magkamali. Ako ang batang babae na iyon. Sa bawat panaginip na hindi ko maintindihan ay ako pala. Ako pala ang pangunahing tauhan sa sarili kong panaginip.

Natatakot ako. At puno ng katanungan ang aking isipan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ni hindi ko alam kung ilan taon na ba akong nawawala. Kung anong itsura ng totoo kong mga magulang. Ni kapatid ko ay hindi ko matandaan. Kamukhang kamukha ko ba siya?

Tatlong tao lang ang makakatulong sa akin ngayon. Si nanay at tatay. Si Sean na pinagkamalan akong kapatid. Kapatid ko nga ba talaga siya, kailangan ko siyang puntuhan. Pero natatakot ako sa katotohanang bubungad sa akin. Tatanggapin pa ba nila ako, ngayong kahit sarili ko ay hindi ko pa rin kilala.

Nanumbalik din sa aking alaala ang litratong nakuha ko sa aparador ni Liam. Kung ganoon ako ang nasa litratong iyo. Ako si Shana. Kaya siya pamilyar dahil ako iyon.

“Trixie.” Mula sa likod ko ay tinawag niya ako. Hindi na ako nag-atubiling lumingon. Natatakot akong tumingin sa kanyang mga mata. “Hindi ka pa pwedeng lumabas baka lalo pang lumala ang sakit mo.”

“Gusto ko ng umuwi.. Liam.” Kailangan ko na munang tanungin si Nanay kung ano ba talaga ang nangyari, bago ko komprontahin si Liam.

Lalong lumakas ang pagkaka-kabog ng aking puso nang iniyakap niya ako mula likod. Naiiyak ako. Puno ng kasinungalingan ang kinamulatan ko. At si Liam lang ang tangi kong masasandalan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 57.7K 44
#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL
2.2M 10.3K 12
An indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.
438K 6.5K 18
Sa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa a...
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...