Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 52

16K 356 222
By deliixx

Kabanata 52


My Place

Hindi ko namalayan na nakatulog nap ala ako, nagising lang sa haplos ni Johansson sa bewang ko. He already took a shower at sobrang gwapo sa suot niyang dark blue polo shirt, I smiled when I noticed his serious glare at us.

Sinulyap ko si Lauren na nakasiksik sa akin, masarap ang tulog at kumportableng kumportable sa tabi ko.

"Everyone is looking for us, your parents are here." Aniya habang inaayos ang kanyang relo, tumango ako at nag-ayos na.

"Wake up, sleepyhead..." narinig ko ang paggising niya kay Lauren galling sa banyo, hindi ko mapigilang mapangiti. He's just... so different when it comes to our daughter.

I heard Lauren's moan and her demand for me, I let Johansson handle it while I fix my hair. Lumabas ako na inaantok pa si Lauren kaya binuhat na lang ni Johansson, he doesn't mind though. Mukhang gustong-gusto naman niya base sa ngiti niya habang nasa lift kami.

"Are you nervous?" tanong ko kay Johansson, he's on his usual straight face. He smiled and nodded.

"Now I know the reason of their withdrawal."

Tinanong ko ang mga pinsan kong nasa pool area kung nasaan sina Mommy, tinuro nila ang function hall na malapit sa dagat kung saan gaganapin ang birthday ni Dior bukas. Tumango ako at nagpaalam na.

Sobra-sobra ang kaba ko habang itong kasama ko ay kampante at nakangiti pa habang buhat-buhat si Lauren na wala pa sa mood makipaghalubilo.

Nakita ko sa glass wall ng function room ay sina Mommy, Daddy, Ate Xena, Kuya Carreon at Dior may kausap na organizer. Una akong nakita ni Mommy, nakita ko ang paghahanap niya kay Daddy habang binabalik ang tingin sa aming tatlo.

May sinabi si Mommy sakanya at agad akong nakita ni Daddy, parang may bumara sa lalamunan ko. Nagulat ako nang tuloy-tuloy na pumasok si Johansson at binati ang nakatatanda.

Hinalikan ko sila sa pisngi, Mommy is surprisingly exquisite today with her signature dress and heels. Ngingiti-ngiti siya habang pinagmamasdan kami ni Ate Xena, hinaplos niya ang buhok ni Lauren nang humalik ito sakanya.

"How was the trip?" tanong ko dahil hindi ako kumportable sa titig nila, lalo na si Mommy. Her smile is too obvious that I feel embarrassed to Johansson.

"Good, we're getting old kaya medyo nahilo kahit na isang oras lang ang byahe."

"Your Mom rushed to my office when she found out that Brent is here, gusto niyang lumipad dito kaagad." Daddy gave us a hearty laugh, ngumiti ako at hinaplos ang likod ni Lauren.

Dior is at the back of Johansson, facing Lauren, he's making face to tease Lauren. Tinatago niya ang mukha sa leeg ni Johansson at tumatawa, natigil ang pag-uusap ni Johansson at Daddy dahil doon.

"Does Adam know about her?" napatingin ako kay Daddy, may balak na sumali sa pinag-uusapan nila

"Yes Tito, we made a call earlier. Nagtatampo na hindi ko sinabi sakaniya agad."

"You know your Dad, Brent. Gusto laging nauuna sa balita, tampo rin sa amin iyon kasi hindi raw namin sinabi." Sumulyap sa akin si Daddy, nag-iwas ako ng tingin.

Alam ko, tinago lang naman nila ang tungkol kay Lauren dahil sa akin.

"I understand po, Tito. And I also understand what you did to our company, it was my fault that I stayed quiet those years." Lumingon sa akin si Johansson at ngumiti.

Nagpababa si Lauren kay Johansson, hindi natiis ang pangungulit ng pinsan. They ran around the function hall and play with the balloons that will be use tomorrow.

"Was it hard?" tanong ni Mommy habang pinagmamasdan si Daddy at Johansson na seryosong nag-uusap sa labas ng hall.

"It was unexpected so it was a big shock for me, ang pangit lang na kung hindi siya pumunta ditto ay hindi niya malalaman ang tungkol kay Lauren. I have a plan to introduce her but I'm preparing Lauren and I for possibilities that..." hindi ko na matuloy dahil naiisip ko palang ay nasasaktan na ako. I imagine my Lauren crying every night if Johansson wouldn't like her.

"That he may not accept her?" tumikhim ako sa tamang hinala ni Mommy, hinaplos niya ang braso ko at bumugtong hininga siya.

"I know that you are not ready for all of these, to be a mother at an early age without someone to rely on. And I know that you're a strong and independent woman that's why I didn't meddle in your life. I want you to make decisions on your own and I am proud that you did."

"Pinalaki niyo ng ate mo sina Dior at Lauren ng maayos sa France, your Dad and I are sorry for being absent during those years."

"Mom... kami po ang may gusto ni ate na manatili kayo dito. Ate Xena was emotionally hurt and I am the only one who's available that can attend her loneliness. Sinalo niyo po ang mga gawain dapat ni ate sa kumpanya."

Naalala ko iyong pagbubuntis namin ni Ate. Our parents are always visiting us whenever their schedules are clear, minsan nasasayangan ako sa pamasahe nila pero iyon lang ang paraan para maging kampante sila sa kalusugan namin.

With my Mom's influence to my school's head and president, I managed to study online and only go to the university during examinations of my pregnancy. Blessing na rin ang pagkakaroon ko ng payat na katawan, my bump was not visible if I wear loose dress and massive coat.

Hindi ko inisip na nagkulang sila lalo na sa panahong iyon, naiintindihan namin ni ate. We went to France to hide her pregnancy and it turns out that I also have the same agenda. We are the one who left our parents, with so many projects coming. Kaya hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit hindi nila maiwan ang trabaho.

"I've known Brent since he was a little boy, I adore him as a businessman and I saw how much he loves you when you were together during some events. I like him for you. Kahit na hindi sinasabi ng Daddy mo, alam kong gustong-gusto niya si Brent para sayo. The urge of telling him about your condition and the baby on the way is too strong but I forced myself not to tell him because I respect your decision."

"You deserve all of these, you and Lauren deserve having him in your life. Unang beses kong nakita si Brent na masayang masaya kahit sa maliit na bagay, his smile is contagious. Kabaligtaran sa pagiging misteryoso at seryoso." Ngumiti ako, kasabay noon ang pagbuhos ng mainit na luha na kanina pa naghihintay na lumabas. Tumawa si Mommy at siya na mismo ang nagpunas ng luha ko, nalaman ko lang lumuluha siya nang pinunasan niya rin ang sariling luha habang nakangiti.

I saw my Dad and Johansson's stare, umiling si Daddy at tumawa, mukhang pinag-uusapan ang iyakan namin dito sa loob.

Nanliit ang mga mata ni Johansson sa akin, I smiled to ensure him that I'm okay.

"I'll talk to Regina about this, paniguradong alam na niya ang tungkol sa aking apo. She needs to stop forcing her son in doing something that will make him unhappy."

"Huwag na po, Mommy. We can handle our problems po, ayaw ko pong ma-stress ka."

"Tell Brent that we will have a dinner with his family when we go back to Manila though I'm pretty sure that he's already talking about it with your Dad." Tinignan namin ang dalawa na seryoso paring nag-uusap. He's obediently listening to my Dad. Ngumiti si Daddy at tinapik ang balikat ni Johansson. Ngumuso ako, seems like Mom's words are true. He really like him for his daughter.

Lauren and Dior are the happiest when being greeted with all of the guest, Lauren run towards us when Dior came on stage. She's so pretty on her Dolce & Gabbana dress, Mommy gave us matchy outfits at isa ito doon. She used to do that to us and she wants us to inherent that tradition.

It's a sailor themed party so it's a mandatory for everyone to wear related clothing. Nakakapagtaka na kahit patapos na ang party ay hindi parin napapagod ang dalawa sa pag-entertain sa mga bisita. They are with Mommy and Daddy, greeting every person in each table habang kami ni Johansson at ang mga kaibigan ko ay nanatili sa table namin.

"Okay, enough formality for today." Biglang sabi ni Nick habang pinagigitnaan siya nang nagkukwentuhan na si Karlie at Shaira

Tumayo ito at unang hinila si Karlie papunta sa photobooth, nagtinginan kaming magkakaibigan bago sundan ang dalawa. Nilingon ko si Johansson na nilapitan ni Tito Vincent, tinanguan niya ako. Ngumiti ako at nagpahila na kay Maxxine dahil ako na lang daw ang hinihintay nila.

We took several photos, hindi sila nakuntento sa booth at gusto pa nilang lumabas dahil maganda raw ang sunset bilang background. My dress is flowy kaya madaling maihip ng hangin, kailangan ko pang hawakan na medyo hassle sa lakas ng hangin.

"You need help?" napalingon kami sa nagsalita, siguro napansin niya na nahihirapan si Nick sa pagpicture sa amin ng buo.

I think he's with Tito Ivan, mukhang pinsan ata ni Kuya Carreon. Kinausap ni Nick iyong lalaki pagkatapos ay binigay ang dalang camera, pagkatalikod ay kumindat sa amin. Ngumisi ako bago pumunta sa pwesto, sa tabi ni Maxxine.

"Thank you!" maligayang sabi ni Nick nang kinuha niya ang camera, tipid itong ngumiti at tumango bilang sagot bago nilipat ang tingin sa akin... o sa amin?

Kinibitbalikat ko iyon at pinagmasdan ang sandals kong puno na ng buhangin ngayon.

"Manu!" may tumawag na babae sakaniya, girlfriend siguro?

"Sayang ba Nick, may girlfriend na?" sinadyang sinigaw iyon ni Karlie para asarin si Nick. Nilakihan siya ng mata ni Nick at ngumiti ng malaki kay Manu na nakatitig parin sa amin ngayon.

Ngumisi siya nang nagtinginan kami, kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. This man has an aura of a playboy, kasama niya ang girlfriend niya pero nandito siya at ang lagkit ng tingin sa grupo namin.

"Manu, tumatawag girlfriend mo! Bakit hindi ka nagpaalam na pupunta tayong Cebu? Kung ano nanaman sasabihin ne'to!" bulaslas ng babae habang papalapit sa amin, inabot niya ang phone kay Manu at tinignan lang ang caller na sa pagkakarinig ko ay girlfriend niya.

So kung girlfriend niya ang nasa phone, sino itong babae? Pinsan?

Pinagalitan siya nang pinatay niya ang tawag at ibinulsa.

Napansin ng babae na nakikinig kami kaya natigilan siya ang humarap sa amin. Sumingkit ang mata niya dahil sa ngiti niya, napangiti tuloy ako. She has a contagious sweet smile, wavy hair and she's kind of morena.

"Hi! I'm Clio, Manuel's friend. Nice to meet you all." Malumanay niyang sinabi at bineso kaming lahat.

"You're pretty, are you into pageant?" tanong ni Bianca. Mabilis na umiling si Clio at natawa si Manu sa narinig

"Baka siya pa may gusto sa mga candidates?" kinurot ni Clio si Manu sa tagiliran at agad itong nag reklamo

"Shut up kung wala kang sasabihing maganda, okay? Tara na nga sa loob, I must prevent you from your flirtatious attitude." Ngumiti muna sa amin si Clio bago kinaladkad si Manu papasok ng function hall.

"Manuel pala ah? Ano kayang surname?"

"Why don't you ask his cousin, si Kuya Carreon?" si Karlie habang pinipicturan si Bianca sa may lounger

"That's a good idea!" aniya sabay pasok sa function hall at iniwan kami dito.

Biglang may humawak sa bewang ko at naamoy ang pamilyar na panlalaking pabango, lilingunin ko na sana si Johansson nang bigla niyang pinatong ang ulo sa aking balikat. Both of his hands are on my abdomen, locking me and forcing me to face the ocean in front of us.

"Ang cute, picturan mo Karlie!" rinig kong sabi ni Maxxine but I couldn't care more.

"What are you doing?"

"Just claiming my girl." Aniya, pinagsikop niya ang takas ng buhok at nilagay iyon sa kabilang balikat ko

"Huh?"

"That boy is hitting on you, if you didn't notice it."

"Siguro hindi halata na may anak na ako?" asar ko sakanya. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko at tumawa lang ako. He groaned.

"Do I need to make you pregnant again? Hmm?"

Kumawala ako sa yakap niya at hinarap siya, I made sure anger is in my eyes. Niliitan ko ang mata ko at ngumisi lang siya sa akin at hinanap ang siko ko para hilain ako palapit sakaniya.

"After you marry me of course." Ngumiti siya pero hindi ko kayang ngumiti pero sobrang init ng puso ko na parang may humawak at unti-unti itong nanlalambot.

"I want to spend more time with you and our daughter. I will wait for you, always." Hinaplos niya ang pisngi ko habang ang isang kamay ay nasa likod ko, slowly claiming me again. I smiled when I sensed his seriousness and sincerity, niyakap ko siya pabalik at itinago ang mukha sa kanyang dibdib.

All my life I was unaffected by his serious face, his coldness and harsh words towards everyone but right now, I just want to hide from him cause I don't want him to see my face this moved. We made something that changed our life forever, I made a mistake by leaving and not telling him about our daughter and now is the time to make everything right. Bumawi sa apat na taong pagkukulang ko sakanya.

May narinig akong hagikhik mula sa malayo, nakisama pa ang mga kaibigan ko sa hagikhik ni Lauren. Hinigpitan ko ang yakap ko kay Johansson dahil sa hiya at alam iyon ni Johansson, he chuckled and caressed my back for a moment before I felt Lauren's hug on our legs.

Malaki ang ngiti ni Lauren nang buhatin siya ni Johansson, she waved to Dior na buhat din ni Kuya Carreon.

"Did you eat well? You seem heavier." Tumawa si Lauren sa narinig at niyakap siya. Ngumuso ako kay Bianca na mukhang vinivideohan kami, nag thumbs up sila at kinilig sa nakikita. Umirap ako at nagyaya nang pumasok.

We spend the night in the hotel restaurant, some went back to Manila because of work pero marami ang nanatili. Dior and Lauren are still hyped up because of the people around them. I'm drinking wine with my friends while watching Lauren and Dior roaming around the restaurant, inviting their cousins and kids to come join them play. Napangiti ako habang tinitignan si Lauren, her eyes became more expressive because of her high ponytail.

Sinundan ko ng tingin si Johansson na nakikipag-usap sa mga matatandang bisita, may sinabi siya sa waiter at agad itong binigyan ng tubig. He excused himself to the elders and proceed to Lauren who's busy playing with her playmates.

Tila may humawak sa puso ko habang pinagmamasdan siyang pinapainom si Lauren ng tubig, may sinabi ito at tinuro ako. Tumango si Lauren at iniwan na niya ito at naglakad papunta sa akin.

"Daddy..." tukso ni Nick, pinapanood din ang ginawa ni Johansson kanina. Tinignan ko siya ng masama, tumawa siya at inangat ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Subukan mo pagnasaan." Pinakita ko sakanya ang kamao ko at hugalpak siya ng tawa

"I tried alright! Pero mas nangingibabaw yung takot ko sakanya." Tumawa ako at umiling na lang sa kalokahan niya sa mga lalaki.

"Patigilan mo na nga 'to, Karlie." Si Shaira na may pagturo pa kay Nick, mabilis niyang hinawi iyon at nilakihan ng mata si Karlie sabay tayo.

Tawanan kami sa table, ayaw na ayaw nilang dalawa na inaasar sila. Nakakadiri raw at nakakainsulto sa identity nila. Nag kwento si Karlie noong pumunta silang hotel para sa isang event doon pero nagtanong ang receptionist kung isang suite ba ang sadya nila doon, tawa ako ng tawa habang pinapakinggan ang rant ni Karlie sa buhay niya kasama si Nick at kung gaano siya nag sisisi kung bakit hindi niya inentertain ang mga manliligaw noon edi sana hindi na raw siya magtitiis kay Nick.

Umupo si Johansson sa tabi ko, ang kamay ay nasa likod ng upuan ko at ang isa naman ay nasa aking hita. Medyo nakaharap siya sa akin at serysong nakatitig sa akin, kabaligtaran sa mga tawa naming magkakaiban. Ngumuso ako para mabigilan ang ngiti na galing sa tawanan kanina at uminom ng wine. Tinignan ko si Johansson habang umiinom at halos mabilaukan nang nakita siyang titig na titig sa wine glass ko, particularly where my lips are.

"You're clingy." Bulong ko nang hinila niya ang upuan ko palapit sakaniya

"Hope that you're aware of that." He kissed my temple at may narinig akong reaksyon sa mga kaibigan ko. Bahagya ko siyang tinulak, ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Ngumisi siya at umayos ng upo pero ang braso ay nasa upuan ko, slightly caressing my shoulders.

Nag-iwas ng tingin sa amin ang nasa harap kong si Maxxine at matagong ngumiti habang nakikinig sa reklamo ni Karlie sa buhay.

"We should party again pagbalik ng manila! What do you think?" suggestion ni Karlie, on chorus pa kung umagree sila at nalipat sa akin ang tingin nang napansin na ako lang ang hindi sumagot.

"Uhm, sure?"

"Yes! Sorry, Zeeyan pero no boys allowed." Ngumiti nang malaki si Maxxine para asarin si Johansson, he shifted on his sit.

"I'll go there myself then." Ngisi ni Johansson at natawa ako sa reaction nilang lahat

"Dapat pala hindi sinasabihan ng plano itong si Zeeyan." Umirap si Karlie kay Zeeyan, tumawa lang ito at nilingon ako. Nagtaas siya ng kilay, pinagmamalaki sa akin ang suggestion niyang ayaw ng mga kaibigan ko

"Are you afraid, Johansson? Na baka may magandahan kay Tiara? Sabagay kahit saan mo siya idala, may magkakagusto parin sa kanya. Remember all your suitors in France?" nilingon ako ni Maxxine. Nilakihan ko siya ng mata bilang pagbabanta kung ano man ang sasabihin niya. Ginamit niya pa talaga ang pangalan na iyon para mang-asar lalo.

"No, I don't remember them."

Lagot ka sa akin mamaya, Maxxine!

"Tigil na, you're giving him reason to go with us. Pag nagalit yan baka isama niya ex mo, sige ka!" napainom si Maxxine sa sinabi ni Bianca, Johansson chuckled. Hinawakan niya ang labi niya at malalim ang iniisip

"Hoy Zeeyan! Subukan mong gawin iyon! Sasabihin ko lahat ng nangyari kay Tiara!"

"Tell her, wala naman akong tinatago." Ngumisi siya at patuloy pading hinahaplos ang braso ko

Umirap si Maxxine at patuloy na pinagbabantaan si Johansson para lang hindi matuloy ang iniisip. She keeps on refilling her wine while convincing Johansson not to do it, she eventually gave up when she realized that his attention was not on hers, nakay Lauren.

The night end peacefully, pahirapan pang sagutin sina Mommy noong nagtanong sila kung saan kami matutulog ni Lauren. They eventually get it that they just nod and smile, not waiting for my answer.

I spent my morning saying farewell to our visitors, iniwan ko muna sina Johansson at Lauren dahil pareho pa silang tulog. Hindi ko mapigilang hindi sila kuhanan ng litrato, I smiled when Lauren moved to hug Johansson.

Mamayang hapon ang alis namin kaya kailangan kong ayusin ang gamit namin bago sila magising pero habang dahan-dahan akong pumasok ay nakita ko si Johansson na bagong ligo at tanging jeans lang ang suot. May kausap siya sa balcony, nakatalikod sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang braso niya patungong likod, he sure has time to work out despite his busy schedule huh? Malayong-malayo sa inaasar ni Maxxine noon na payat. He gained more muscle and all of them are in the right place, he's qualified to be a supermodel with his height. I'm 5'8 pero hanggang leeg niya lang ako.

Lumingon siya at nahuli niya akong nakatitig sa kanya, mabilis akong nag-iwas ng tingin at dumiretso sa banyo para makaligo. Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya dahil paniguradong nakangisi iyon at grabe kung tititiig sa akin.

I wore a yellow ruffle wrap dress and white sneakers. I blow dried my hair and did a light make up before packing our clothes. Pagkalabas ko naabutan ko silang dalawa na nanonood ng TV, they are watching Disney channel seriously. Nagtinginan kami ni Johansson, he smiled and tapped his side. Nagtaas ako ng kilay pero lumapit padin, nakangiti siya habang pinapanood akong palapit sakaniya.

"You took a bath, My?" tumango ako kay Lauren

"Do you want me to help you take a bath?" tanong ko. I used to take her a bath until last month, she insisted on doing it on her own with my assistance of course. Gusto niyang pinapanood ko lang siya, she wants to be a grown up para raw kapag nagging big sister siya ay siya ang magpapaligo sa magiging kapatid niya.

"No, Mommy. I can do it my own, remember?" kumindat siya at tumakbo na sa banyo.

"Don't run, princess!" pahabol ni Johansson. Pagkapasok ni Lauren ay napunta sa akin ang atensyon ni Johansson. Pinatong niya ang braso sa sofa na inuupuan namin at tumagiilid para harapin ako

"She knows to clean herself alone?"

"Ayoko nga sana kaso pinilit niya, just last month noong gusto niyang maligo mag-isa. She... you know wants to be a big sister..." hindi ko maidugtong ang dapat na ikkwento ko na gusto ni Lauren magkaroon ng kapatid at alagaan iyon. She has a lot of baby alive dolls that she treats them like a real baby and name them.

Tumango si Johansson at malalim ang iniisip. I suddenly remember his calls noong pumasok ako ng suite. Paniguradong magiging busy siya dahil sa pagkawala niya.

"How was your calls?" pinatong ko ang aking kamay sa kanyang hita para makuha ang kanyang atensyon

"Fine, there's nothing to worry about." Ngumiti siya at inayos ang saya ng aking dress na medyo nakataas dahil sa hindi maayos na pagkakaupo kanina

"I'm wondering if you can move into my place..." he said his thoughts while playing with my hair or at least trying to avoid contact with my eyes

"Is it okay? I mean... baka may magalit?"

"Sino naman ang magagalit? I don't have anyone after you." Umirap siya at na-offend sa sinabi ko, tumawa ako.

"Malay ko naman 'diba? And you don't need to do it just because we have a daughter. It's not your obligation to shelter us." Ngumiti ako para ipakitang okay lang talaga sa akin na huwag na munang gawin ang plano niya

"My obligation to our family starts four years ago and I failed to do it. Just... Stay with me... I can't return to my house thinking you two are living without me." Pinalo ko siya sa braso

"How about your parents? I want to properly introduce Lauren to them before doing that, ayokong mabigla si Lauren." He renewed his seat and pull me closer to fit me into his arms. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat habang pinapakinggan ako sa concern ko

"I have my own house." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya but I expect him to own a penthouse and not a damn house. We're just in our early 20's and he have a house already!

He sniffed my hair and kiss my cheek, iniwas ko iyon pero hinila niya ako at ginawa ulit iyon. I pouted because he's been clingy and I'm starting to get used to it. Minsan lang siyang ganito kaya sinusulit ko

"I can't let Ate Xena alone in our house, Johansson."

"I'm pretty sure Carreon is convincing your ate to stay with him also. What are your other reasons?" ngumuso ako nang napagtantong wala akong kawala sa genius na ito, he find ways towards everything kaya kahit anong dahilan ko ay uuwi parin kami sa kanyang bahay.

"It's settled then." Aniya at bumaba ang kanyang halik sa aking leeg

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 8K 6
✅ COMPLETED ✅ Nagpakasal ang isang fangirl na si Martha sa kaniyang iniidolo dahil sa kasunduan ng mga Lolo nila. Pabor na pabor kay Martha iyon dahi...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
5.9K 1K 36
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING HOUSE Kakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iy...
20.3K 776 56
Chiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel...