"Your Sweet Revenge"

By PandaMusicLive

49.4K 854 20

Noong araw na harap-harapang pinagtapat sa kanya ni Calvin na ginawa lang siya nitong panakit-butas sa pinaka... More

"Your Sweet Revenge"
YSR- Chaper 2
YSR- Chapter 3
YSR- Chapter 5
YSR- Chapter 6
YSR- Chapter 7
YSR- Chapter 8
YSR- Chapter 9
YSR- Chapter 10 (Finale) :((

YSR- Chapter 4

4.1K 78 0
By PandaMusicLive

Chapter Four

“GIRL, pupunta ka ba sa Homecoming party ng school natin?” kanina pa nito kinukwento sa kanya kung anong magandang suotin sa party na iyon. Kung siya lang, hindi talaga niya hilig ang magpunta sa mga ganun. Nagpapayabangan lang naman kasi lahat ng mga tao doon.

“Kapag nadagdagan ang buhok ni Tweety Bird at huminto na si Dora sa paglalakwatsa, sasama ako sa’yo.” Umiling-iling nalang siya sa kaibigan. Alam naman niya kung ano talaga ang pakay nito. Ang maghanap ng pwedeng boyfriend. Mahilig talaga kasi ang kaibigan niyang mangolekta ng lalaki pero hanggang date lang. Alam niyang takot ito masaktan sa huli. Kagaya nalang niya.

“Killer ka talaga! Pinatay mo ang joy sa puso ko!” tumawa lang ito at tumingin-tingin sa paligid. “Punta muna ako sa restroom.”

Nasa isang bar sila ngayon sa Makati. Bagong bukas iyon kaya naisipan nilang i-try. Maganda ang atmosphere nito at hindi masyadong maingay at magulo. Mahigpit din ang security ng lugar, siguradong safe sa mga pribadong tao tulad ng mga artista o politicians.

“A beautiful lady all alone in a bar? You want me to buy you another drink?” Napaharap siya sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. Napakalapit niyon sa kanyang tenga na halos makiliti siya abot hanggang paa.

“Mr. Alvarez.” Matamlay na sabi niya.

“You seemed to be disappointed na ako ang kasama mo rito.”

“Mukha ba akong masaya ngayong nandito ka na?”

“You’re still that girl that makes me smile.” Nakangiting sabi nito sabay ipit ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga. “By the way, you look gorgeous.” Nakablack mini dress siya at pumps na pasalubong sa kanya ni Fleur galing Paris. Pinilit talaga siya nitong iyon ang suotin dahil bagay daw sa kanya. May pagkasadista talaga at lahing namba-blackmail ang kaibigan niya.

“Nakatikim ka na ba ng basag na baso? Ba’t ka ba nandito? Ang kulit mo, eh.” Niiritang sabi niya rito.

“Business partner ko ang may ari nitong bar, so parang akin na rin ‘tong lugar. At ako ngayon ang naka-toka na magbantay.” Umorder ito ng inumin. He was wearing a dark blue v-neck shirt na lalong nagpa-emphasize sa malapad nitong dibdib at simpleng jeans lang. He was not just a basketball player, nalaman niyang nagmomodelo rin pala ito ng mga signature clothes. Nagsalita ito kaya bigla siyang nag-iwas ng tingin.

“Are going to the Homecoming? May date ka na ba?” Tamang-tama, ito na ang opportunity para sa unang level ng plano niya. Ang ipakita dito na hindi lang ito ang nag-iisang lalaki sa mundo.

“Hindi siya pupunta, Calvin. Anti-social ‘yan eh.” Singit sa kanila ni Fleur na nakabalik na mula sa CR.

Agad naman siyang bumawi sa sinabi ng kaibigan.

“Actually hinihintay ko pa kasi ang reply ni Reuben kung masasamahan niya ako. So yes, I’m gonna come.” Nginitian niya si Calvin at pinandilatan naman si Fleur na sinasabihang manahimik na lang.

“Reuben? So, may boyfriend ka na pala, Doc. Akala ko wala ka nang balak palitan ako diyan sa puso mo.” Tumawa ito ng mahina na halatang iniinis siya. Umupo rin ito ng diretso nang nakita siya nakataas ng kilay.

“Excuse me, Mr. Alvarez. Ni minsan hindi ko inisip na ipalit si Reuben sa’yo...” Bumuga muna siya ng hangin at nag patuloy. “dahil mula nang nagkahiwalay tayo, ni minsan hindi na kita inisip. You’re just a waste of time. At, hello! Matagal na ‘yon.” Syempre nagsinungaling siya. Sinong kapatid ba kasi ni Kokey ang sumapi sa kanya at tila apektado pa rin siya sa presensya nito? Dear Heart, please be good to me. Paano  nalang kapag ‘di nito sinakyan ang palusot niya? Patay.

“Whatever you say, Doc.” Hinalikan nito ang pisngi niya at tumayo na sa kinauupuan nito. What the heck was that for? Halos iluwa na niya ang kanyang puso sa sobrang kabog niyon. It was just a simple kiss for Pete’s sake. Paano nalang kaya kapag sobra pa ‘dun ang ginawa nito. I’ll give up my plan? No! Hindi siya pwedeng magpaapekto sa mga pa-cute nito at matatamis na salita.

Nagsalita ulit ito habang siya natutulala pa rin. “See you at the party, Doc!” Kumaway pa ito. Sinundan niya ito ng tingin. Hindi pa nga ito nakakalayo sa kanila ay marami na agad ang mga lumapit na babae rito. Kahit kailan talaga hindi nito kayang maging stick-to-one. Bwisit! Ano bang pakialam ko?

“So, alam ba ng kuya ko na may sasamahan siyang babae sa Homecoming?” naniningkit ang mga matang tanong ni Fleur sa kanya.

“About that, can you help me explain to Reuben without making him assume na may gusto ako sa kanya kaya ko siya gustong maging date? You know, I have this plan.” Desperada na talaga siya sa mga oras na iyon. Nakapagbitaw na kasi siya ng salita. Iyon lang ang naisip niya para mapalapit dito. She can sense na mapapadali ang pagtupad ng plano niya sa tulong ni Reuben. Sa ganoon ding paraan malalaman niya kung interesado pa sa kanya si Calvin. Ang galing mo talaga, Candy.

“Oh, what plan? Shocks, ‘wag mong sabihin you’ll seduce him and make him fall for you again? And you’ll hurt him gaya ng ginawa niya sa’yo dati?”

“You just read my mind.” Tinungga niya ang laman ng kanyang baso. Napangiwi nalang siya sa katapangan niyon. “So, please help me explain this to your brother. Atleast magiging aware siya na pagpapanggap lang ang lahat.”

“Can’t you just get over him and move on with your life. Huwag mo na rin siyang balikan. Like what you said before, he doesn’t deserve your time.”

“I don’t know. It’s maybe because, getting over someone doesn’t really mean you’ll forget him. Masakit. Mahirap.” ‘Di niya na napansin na tumulo na pala ang luha niya. Siguro lasing na  siya at bigla nalang siyang naging emosyonal.

“Let’s go home. We have a party to rock next week. Kailangan mag-prepare tayo.”

“That means...” tinitigan niya ito na tila nagtatanong. Tumango lang ito sa kanya at niyakap siya. “Thank you, bestfriend.” ‘Di na niya napigilang ngumiti. She’ll gonna start her revenge soon.

“THIS place is still the same. Parang kahapon lang nangyari ang graduation.” Nauna nang naglakad si Fleur patungo sa main entrance ng hall. It was also the place where she left all the pieces of her heart.

“Tulungan na kitang pulutin ang mga ‘yan.” Nagulat siya sa sinabi ni Reuben. Was she saying her thoughts out loud?

“What?” tanong niya rito.

“Sa sobra mong pag-iisip ay nahulog na lahat nang laman ng clutch bag mo. Something wrong?” Hindi talaga niya napansin iyon. Natangay ata siya sa pag gunita ng nakaraan. Isang nakaraan na gusto na niyang ibaon.

“Thank you, ha?” Inayos niya ang gulo sa buhok nito at nakitulong na rin sa pag pulot ng mga gamit niyang nahulog. Mabuti nalang at pumayag ito sa set-up nila ngayon. She already confronted him na hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay niya rito. It was really a heart-to-heart talk. Halos ilang taon na rin itong nanliligaw sa kanya. He even said na hangga’t hindi siya nagpapakasal ay patuloy siya nitong susuyuin. Makulit talaga ito. Pero she was really blessed dahil walang anuman siya nitong tinulungan sa kalokohan niya.

“Did I already told you that you’re stunning? I’m sure you’re the most beautiful woman tonight.” Alam niyang binobola siya nito. She was wearing one of her sexiest dress. It was a red one-sleeve embroidered wool mini dress with a cut out at the back showing off her bare back. She paired it with black pumps which matched her black clutch bag.

“You already told me, many times.” Tumawa siya. He really made her smile. Papasok na silang ng hall nang igiya nito ang kanyang kamay sa braso nito. It was as if they’re really together. Kinakarir na nito ang actiningan nila.

When she stepped inside the hall, she knew she got all the attention. Nanatili siyang nakatayo na nakataas noo at dahan dahang naghanap ng mauupuan. She’s not the same girl na nahihiyang magpakitang gilas at magpagandahan ng damit. Sha had changed, a lot. Pero sa loob-loob niya, kinakabahan din siya. Hindi pa rin kasi natatanggal ang mga nakapako sa kanyaang tingin ng mga tao.

She greeted every person she know. Nakikikamusta rin ang mga ito kung ano na ang nangyari sa kanya at ngayon lang siya nakadalo ng Homecoming. She was warmly welcomed. Nakaupo na sila sa mesa kasama si Fleur nang may bigla nalang lumapit sa kanya at bumulong.

“You’re so hot.” Hinarap niya si Calvin na nakataas ang kilay. Siyempre alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. How can she forget? “And eye-catching.” Tinitigan siya nito sa mata. Parang tinutunaw ang kanyang puso sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. It was full of admiration and fondness.

“Thanks, but no thanks. Kanina pa ako busog sa mga papuri.” Nakangiting sabi niya rito at saka tinalikuran. Nagpaalam muna siyang pumunta sa restroom. Sa labas ng hall ang restroom kaya kailangan niyang lagpasan ang isang kapreng nakatayo malapit sa entrance ng hall.

Saka niya napansin ang mga tao sa kanyang paligid. Ang mga dating magagandang kaklase niya halos losyang na dahil maagang nabuntis at nagkaanak. Samantalang ang mga simpleng kagaya niya noon, single and happy. Happy nga ba siya? Iniling-iling niya ang ulo sa naisip.

“Can I talk to you?” inaasahan na niyang mapapansin siya nito.

“Sure. Bilisan mo lang kasi walang kasama ang date ko ‘dun. Baka maagaw ng iba nang hindi ko mamalayan.” Alam niyang tinamaan ito sa malaman niyang pahayag. “What is it?”

Hinila siya nito palabas ng hall at iginaya siya malapit sa staircase. “Can we start all over again and be friends? I’ve changed, Candy.” Perfect ang pagkakasambit nito sa pangalan niya. It was sweet, just like her name. Hindi iyon kagaya ng dati, she felt the longing in his voice. “I promise, I’ll be a good friend.”

“What if hindi ko tanggapin ang pakikipagkaibigan mo?”

“You really hate me that much, huh?

“I don’t hate you.”

“Can you prove it? Hug me, na-miss kasi kita ng sobra.”

“I change my mind. I hate you.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Alam mo, hindi tayo close para bigyan kita ng power hug ko.” She stuck her tongue out just like a kid. Tumawa ito kaya nakitawa na rin siya. Hindi niya alam pero nadala siya tunog ng tawa nito. She just laughed with him and she enjoyed every single moment.

“You never fail to make me smile.” Nakangiting inilahad ni Calvin ang kamay nito sa kanya. “So friends... again?”

Step one, check! “Friends.” Mapaklang wika niya rito. She must be happy dahil naging kaibigan na ito, na siyempre kasama sa mga plano niya. But something inside her also was sad. Dala na rin siguro iyon ng pangungulila niya rito. She must admit, she missed him so much.

“Let’s get inside, malamig dito sa labas.” Hinawakan nito ang likod niya at inalalayan siya papasok. Tinitigan niya ito at ngumiti naman ito sa kanya. Nakakaloka talaga ang ngiti nito. Pwede na siguro ‘tong gawing drugs, nakaka-adik kasi. Kapag ganito nang ganito ang nangyari baka hindi niya magawa ang dapat niyang gawin.

“Can you stop that.” Nginuso niya rito ang sarili nitong bibig.

“Stop what?” Tila inosenteng bata na nagtatanong.

Sapakin kita diya, eh. “That smile. Para kang nang-aakit ng babae.” Tumigil siya sa paglalakad. “Wait, nagpapa-cute ka ba sa’kin?” nginitian niya ito.

“So, na-ku-kyutan ka pala sa akin?” balik tanong nito sa kanya.

She rolled her eyes. “Sabihin mo ‘yan sa akin kapag pink na ang costume ni batman.” Pabirong sabi niya rito. Tumawa lang ito ng malakas na parang wala lang tao sa paligid nila.

“Do you want to go out with me tomorrow? Let’s have lunch together.”

“Actually, bukas ang last day ko sa hospital dahil nag-leave ako at baka magpahinga muna ako for a few weeks. Kaya avail ako for a month. Treat mo?” She just acted naturally as if gustong-gusto niya ang company nito. May pinaghuhugutan? Pinilit niyang mag-concentrate nalang at iwaslik lahat ng iniisip niya.

“Sure. Ikaw pa. I’ll wait for you outside the hospital at hindi ako aalis ‘dun. Baka kasi indiyanin mo ako, eh.” Inihatid na siya nito sa inuupuan niya  at nagpaalam. She didn’t realize she was smiling. Was it because her plan worked or because they can spend a month together?

“Can you explain what I just saw?” tanong ni Fleur sa kanya na halatang galing sa sayawan.

“Kumagat na siya sa pain ko. And tomorrow ay ipaparamdam ko sa kanya ang tinatawag na rejection.” Ngumisi pa siya. Napansin niyang wala na si Reuben sa kinauupuan nito kaya nagtanong siya sa kaibagan. “Where’s Reuben?”

“Ay, oo nga pala. Nauna na siya. Nagkaproblema kasi sa shop kaya pinuntahan niya agad. Don’t worry, dala ko naman ang kotse ko.”

I’m sorry, Reuben. “Ang sama ko talaga ano? Nanggagamit pa ako ng ibang tao.”

“Buti alam mo. Sinabi ko naman sa’yo, wala ‘yang madudulot na mabuti. Pero, kung ‘yan ang kasiyahan mo.”

“Parang ‘di naman.” Bumuntong-hininga nalang siya.

“ANG LAKAS na naman ng ulan, ano ba ‘yan?” anang secretary niya.

“Oo nga, eh.” Tinignan niya ang relo mag-a-alas tres na ng hapon at kanina pa umuulan. Sigurado siyang kanina pa naka-alis si Calvin ‘dun. Ang plano sana niya ay paghintayin iyon buong maghapon at sasabin niyang marami siyang emergency kaya hindi siya makakalabas. Pero thank you sa ulan at hindi umubra ang plano niya.

“Doc, kanina ko pa napapansin ‘yang lalaki sa labas. Bakit kaya nagpapabasa ‘yang tao? Baka baliw , Doc.” Agad siyang lumapit sa bintana at sinilip ang lalaking tinutukoy ni Cleo.

Baliw talaga! “And stupid.” sabi niya.

Dali-dali siyang lumabas ng clinic niya at kumuha ng extrang payong para dito. Bakit kaya siya nito hinintay? At nagpabasa pa ito sa ulan. Wala man lang ba itong natitirang awa sa sarili? Binilisan niya ang pagtakbo at nilapitan ito. Malakas talaga ang ulan ng mga sandaling iyon.

“Hi!” magiliw pa nitong bati sa kanya. “Nakapag lunch ka na ba? Nagpa reserve kasi ako sa favorite mong restaurant. Sabi kasi ni Fleur gusto mo raw ng seafood.”

“Gago ka ba? Hindi mo ba alam kung bakit hindi ako lumabas ng ospital?”

“Dahil busy ka?” nakangiti pa ring sagot nito sa kanya. “I told you, hihintayin kita.”

“Alam mo ba kung anong silbi ng ‘lobby’?” Hinaplos niya ang mukha nito upang punasan ang basang-basa nito mga pisngi. She felt the warmth and tiny tingling volts of electricity flowing in her hands. Hanggang sa umabot ang kamay niya sa leeg nito. Shit!

“You’re sick, young man. Go home and take a rest.”

“I’m not going home, unless you go with me.”

Wala siyang magawa. Kasalanan niya kung bakit ito nagkasakit. “Where’s your key?”

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
17.4K 1.1K 17
Serenader 10: FREDISON MIRKO Black Infinity: SI
121K 2.5K 25
TEASER: Si ZACK,mabait at mapagmahal na binata. Natutong umibig sa babaeng pag-aari na ng iba. At natuto ding magparaya para lamang sa kaligayahan ng...
861 56 27
Pag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?