Brother's Obsession [EDITING]

By EiseuPalansaek

905K 13.9K 1.9K

Warning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your bro... More

BO - Prologue
BO - Chapter 1
BO - Chapter 2
BO - Chapter 3
BO - Chapter 4
BO - Chapter 5
BO - Chapter 6
BO - Chapter 7
BO - Chapter 8
BO - Chapter 9
BO - Chapter 10
BO - Chapter 11
BO - Chapter 12
BO - Chapter 13
BO - Chapter 14
BO - Chapter 15
BO - Chapter 16
BO - Chapter 17
BO - Chapter 18
BO - Chapter 20
BO - Chapter 21
BO - Chapter 22
BO - Chapter 23
BO - Chapter 24
BO - Chapter 25
BO - Chapter 26
BO - Chapter 27
BO - Chapter 28
BO - Chapter 29
BO - Chapter 30
BO - Chapter 31
BO - Chapter 32
BO - Chapter 33
BO - Chapter 34
BO - Chapter 35
BO - Chapter 36
BO - Chapter 37
BO - Chapter 38
BO - Chapter 39
BO - Chapter 40
BO - Chapter 41
BO - Chapter 42
BO - Chapter 43
BO - Chapter 44
BO - Chapter 45
BO - Chapter 46
BO - Chapter 47
BO - Chapter 48
BO - Chapter 49
BO - Chapter 50

BO - Chapter 19

20.3K 292 12
By EiseuPalansaek

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Naalimpungatan ako dahil sa naaamoy ko. Parang amoy porkchop pero bakit parang amoy panis? Ano ba 'yun? Gising na 'yung diwa ko pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko.

"Wake up, sleepyhead. Breakfast is ready!" Narinig kong tinig ng isang baritonong boses at pagkatapos ay naramdaman kong may malambot na medyo basa ang lumapat sa noo ko.

Wala na akong nagawa kundi imulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ay ang malapit na mukha ni kuya sa mukha ko.

"Good morning, love." Nakangiting bati niya sa akin.

Bahagya ko nang binangon ang katawan ko mula sa pagkakahiga at paupong pumwesto sa kama. Gumanti ako ng ngiti sa kanya.

"Good mo--" Napatakip ako ng bibig at nagmamadaling tumayo mula sa kama at agad na tinakbo ang papunta sa CR.

Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni kuya pero hindi ko na inintindi.

Pagkapasok ko sa CR, agad akong humarap sa sink at doon ay nilalabas ko ang gustong lumabas, pero pagkaduwal ko ay nagtataka pa ako dahil bakit wala naman lumalabas? Niloloko lang ba ako ng katawan ko?

Habang nasa harap ako ng sink at medyo nakayuko, at hawak ang bandang leeg ko, naramdaman kong may humihimas sa likod ko na parang inaalo ako.

"What's happening to you, love?"

Naghinaw muna ako ng bibig at kamay at pinunasan ito sa may malapit na face towel, at saka ko hinarap si kuya. Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala gaya ng pagtatanong niya sa akin.

"I don't know, kuya. Nasusuka ako pero wala naman akong maisuka." Naguguluhan kong tugon sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero kitang-kita ko ang mabilis na pagragasa ng kasiyahan sa mukha niya, at pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Oh God, thank you, thank you, thank you!" Kuya chanted in a happily tone habang yakap pa rin ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kasaya? Na parang may nangyaring maganda?

"K-kuya, wait." Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at saka siya hinarap.

Bumungad sa akin ang masayang mukha niya.

"Are you okay, love? Do you want something to eat? Do you need anything? Just tell me and I'll surely give it to you."

Naliliyo ako sa sunud-sunod na tanong ni kuya. Napalunok ako bago magsalita.

"Kuya, ano bang nangyayari sa'yo? Kumalma ka nga! Para kang ewan dyan!"

Pagsusungit ko pa sa kanya. Nakakainis kasi eh. Para siyang may saltik kung makapagtanong. Pero imbis na sumagot, tinitigan niya lang ako na parang nabibigla sa mga sinasabi ko.

Three weeks na ang lumipas mula nang dalhin ako ni kuya dito. At hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa bwisit na islang 'to. At hindi pa rin ako sanay sa tawag niya sa akin, at ayaw ko rin naman masanay. Ugh!

"Lumayas ka nga sa harapan ko, at dadaan ako. Tss!" Hindi ko alam kung bakit kumukulo ngayon ang dugo ko sa kanya.

Dumiretso ako sa may veranda at doon ay nagmuni-muni. Nababagot na talaga ako dito. Wala na akong ibang makita kundi puro tubig sa dagat, mga puno ng niyog, at ang puting buhangin dito.

Sa first week namin dito, pagkasuklam ang nararamdaman ko kay kuya. At sa last two weeks, hindi ko alam kung bakit hinayaan ko nang gawin ang mga bagay na nais niyang gawin. Naisip ko kasing wala na akong magagawa pa. At ang tanging nasa isip ko lang nung mga oras na 'yun ay kunin ang loob niya para pagbigyan niya ang hihilingin ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya. 'Yun ay ang ibalik na ako sa bahay ng parents namin.

Naalala ko bigla ang parents namin, siguradong alalang-alala na sila ngayon. Two weeks from now, gaganapin na ang engagement party namin ni Luke at hanggang ngayon, nandito pa rin ako kasama ang demonyo kong kuya.

Ang tanga-tanga ko naman kasi, bakit ba kasi pumayag din ako sa ginagawa niya sa akin?!

Habang nasa malalim akong pag-iisip, naramdaman ko na lang ang mga brasong pumulupot sa baywang ko. At marahang hinaplos ang tiyan ko, habang nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa may balikat ko. At dahil doon, napahigpit ang kapit ng dalawang kamay ko sa railings.

"I can't wait to finally meet our child, love."

Nanigas ako sa isinatinig ni kuya. Anong ibig niyang sabihin doon? Dahil sa sinabi niya, automatic na napahawak ang isang kamay ko sa may tiyan ko.

Naiiyak ako. Hindi dahil sa masaya ako sa posibilidad na 'yun kundi dahil sa kumikirot ang puso ko. Ano nang mangyayari kung sakali?

Pero baka nagkakamali lang si kuya. Wala naman sigurong laman ang tiyan ko. Hindi naman siguro ako buntis. Kasi paano niya malalaman 'yun? Eh hindi naman siya doctor.

Tama! Nagkakamali lang siya ng akala.

And if ever, hinding-hindi ko gugustuhin na mabuntis niya. Never.

Hinarap ko siya mula sa pagkakayakap niya sa akin sa likod at mataman siyang tiningnan.

"Nagkakamali ka, kuya. Walang bata sa tiyan ko, okay?" Malumanay kong saad. Pilit kong pinaintindi sa kanya ang katotohanang 'yan. Dahil wala naman talaga kasi wala naman ako nararamdamang bata sa tiyan ko.

Kinunutan niya ako ng noo. At masuyong hinawakan ang magkabilang pisngi ko dahilan para mapapikit at mapayuko ako.

"Dara, look at me." Malambing niyang saad. Kaya wala akong nagawa kundi mag-angat ng mukha at salubungin ang malambot niyang pagtitig sa akin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, at ako naman ay nakagat na lang nang bahagya ang ibabang labi ko. At pagkatapos ay muli siyang nagsalita, "Just accept the fact that you are now pregnant, bearing our child. Okay?"

Sa inis ko sa sinabi niya, tinulak ko siya palayo sa akin dahilan para mabitawan niya ako.

Nandidiri ako sa mga sinasabi niya. Diring-diri. Bakit ba kasi hinayaan ko pa siya! Ang stupid ko talaga. Pero mas stupid siya dahil hindi niya naiisip na magkapatid kami.

"Dara, love."

Lalapitan niya sana ako pero umisang hakbang ako patalikod.

"Please lang, kuya. Layuan mo muna ako. Ayaw ko marinig 'yang mga sinasabi mo." At pagkatapos kong sabihin 'yun, iniwan ko na siya doon at naglakad palabas ng villa house.

Akala ko, susundan niya ako pero buti na lang talaga at hindi niya ako sinundan.

Gusto kong mapag-isa sa ngayon. Gusto kong mag-isip isip. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nang medyo nakalayo-layo na ako, naupo ako sa may bato at doon inisip ko ang mga bagay na maaaring mangyari.

Oo. Nararamdaman kong totoo nga na may laman na ang tiyan ko, pero hindi ko lang matanggap. Dahil bakit ko naman matatanggap?

Napaluha ako. Ano nang gagawin ko? Kuya ko siya, magkapatid kami, tapos gan'to ang nangyari? Paano 'pag nalaman 'to ng parents namin? Siguradong magagalit sila dad.

Napahawak ako ulit sa tiyan ko at tiningnan ito nang may pagluha.

Gusto kong mawala 'to. Gusto ko.

Pero naisip ko na walang kasalanan ang bata, wala siyang kasalanan kung nabuo man siya. Mali ang nangyari sa amin ni kuya. Pero hindi ko dapat idamay ang buhay ng bata kung hindi ko man matanggap.

Ang iniisip ko sa mga sandaling ito ay paano ko sasabihin 'to sa parents namin? Hindi na ako umaasa kay kuya dahil sariling kagustuhan lang niya ang iniisip niya. Hindi niya iniisip kung anong mararamdaman ng mga tao sa paligid niya dahil sa maling ginagawa niya.

Siguro oras na para umalis na ako sa lugar na ito. Ilalayo ko ang bata sa kanya. Ayaw kong malaman ng bata na anak siya ng magkapatid.

Nang may maisip akong paraan, huminga ako nang malalim at pinunasan ang naglandas kong mga luha sa magkabilang pisngi ko gamit ang kamay ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad pabalik sa villa house.

Pagpasok ko, naabutan ko si kuya na nakaupo sa kama habang nakayuko at nakapatong ang magkabilang siko niya sa magkabilang tuhod niya, parang may malalim na iniisip.

"Kuya,"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. At agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Why? Do you need something, love?" Naaalibadbaran ako sa mga kinikilos niya pero kailangan kong umakto sa mga oras na ito kaya hinayaan ko na lang siya.

At sinabi ko na sa kanya ang naiisip ko na kinangiti at kinatango naman niya kaya naman lihim akong napangisi.

"Gusto kong makasiguro kung okay lang ba si baby sa tiyan ko, kuya. Pupunta ako sa hospital ngayon."

Pero lihim naman akong nadismaya sa tinugon niya.

"Okay, love. I'll go with you."

-

Kaba. Takot. At pangamba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Kasulukuyan akong nandito sa lavatory dito sa mall habang si kuya naman ay nasa labas lang ng pinto ng CR ng girls. Hindi talaga siya humiwalay sa akin mula pa nang bumyahe kami papunta dito sa bayan.

Nangunot pa nga ang noo ko nang mapagtanto kong may tinatago pala siyang bangka na medyo malayo sa islang kinatitirikan ng pinagdalhan niya sa akin.

Pagkarating namin sa bayan, pinabili ko muna siya ng pregnancy test. At eto na nga ang resulta.

Dalawang linya.

Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa parents namin. Natatakot akong malaman nila kung sino ang ama ng dinadala ko.

Paano na 'to 'pag nalaman ng magulang namin. Siguradong magagalit sila. Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung magalit sina mom and dad. Kakaiba pa naman silang magalit. Lalo na si mommy.

Ilang minuto na ang lumipas, ilang mga babae na ang pumasok at lumabas dito sa CR pero hindi ko pa rin magawang lumabas. Siguradong naiinip na si kuya. Pero hindi ko talaga magawang lumabas dito sa loob ng cubicle.

Nanginginig ang mga tuhod ko at ang mga kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa PT na ginamit ko, nanghihina ako sa natuklasan ko. Napasalampak ako sa sahig dito sa loob.

Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. Nauubusan ako ng lakas na kahit ang mga luha ko ay ayaw nang lumabas.

"Sino kaya 'yung guy sa labas, parang inip na inip pero ang gwapo. Omg."

"Mukha siyang may hinihintay."

"Baka ako 'yung hinihintay niya."

"Ano ka! Ako kaya!"

"Ako."

"Mga bruha kayo. Ako 'yung hinihintay niya. Manliligaw ko siya."

"Boyfriend ko siya."

"Asawa ko siya."

"Tatay siya ng mga anak ko."

Naririnig kong pagtatalo mula sa labas ng cubicle dito sa CR, pero hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan nila dahil sa mga oras na ito ay walang ibang pumapasok sa isip ko. Nabablangko ang isip ko dahil sa sitwasyon ko.

Huminga ako nang malalim bago ko naisipang lumabas na sa cubicle at naghinaw ng mga kamay sa sink. Naramdaman ko ang paglingon sa akin ng ibang nandito at ang pagbubulungan nila pero hindi ko na lang sila pinansin.

Tuluyan na akong lumabas sa CR at naabutan ko naman si kuya na inip na inip na. At mukhang balisa na pabalik balik ang tingin sa relo niya.

"K-kuya."

Nag-angat siya ng tingin at nagmamadaling lumapit sa akin, at pagkatapos ay agad niya akong niyakap na parang ngayon lang ako nakita. Nangunot ang noo ko sa kinikilos niya.

"Damn it, Dara. I missed you so damn much." Napairap na lang ako sa kawalan. Pero hindi ko naman siya magawang ihiwalay sa pagkakayakap sa akin kaya hinayaan ko na lang siya.

Naramdaman kong hinagkan niya ako sa buhok ko sa taas ng ulo ko malapit sa noo ko, bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Let's go, babe. We need to go to OB gyne now."

Napabuntong hininga na lang ako at saka tumango.

Dumiretso na kami sa parking lot pagkatapos namin kumain ng lunch. At pagkatapos ay agad kaming sumakay sa sasakyang kakabili lang niya. Napag-alaman kong kahapon lang niya ito binili. Tch. Masyado talagang magastos. Hays.

Mabilis lang naman kaming nakarating sa hospital kung saan ako magpapa-check up sa OB gyne. Nang makababa kami sa sasakyan, dumiretso kami sa entrance ng hospital at dire-diretso lang na naglakad papasok.

"Good afternoon, sir Darko."

"Good afternoon, sir."

"Good afternoon, sir Norville."

"Good afternoon, sir Darko."

Pagkapasok namin, bati agad sa kanya ng mga staff dito sa hospital. Napapakuno't-noo na ako. Paanong kilala siya ng mga tao dito? At sir pa ang tawag sa kanya? Naguguluhan na ako.

Gusto ko sanang itanong sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paghila sa kamay ko papunta sa kung saan.

Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto kung saan may nakapaskil na OB gyne office.

Tuloy pa rin ang pagbati sa kanya ng mga staff dito sa hospital, mapa-nurse man or doctor ay binabati siya. Ano ba siya dito? Bakit kilalang-kilala siya ng mga tao dito? Siya ba ang may-ari ng hospital na 'to? Bakit hindi ko alam?

Sabagay, hindi naman kasi ako interesado sa mga pinagkakaabalahan ni kuya.

Walang katok-katok naman niyang binuksan lang ang pinto, at pagbukas niya, agad niya akong hinila papasok.

"Woah. Long time no see, bro." Agad na bati sa kanya ng lalaking gwapong-gwapo sa suot nitong pang doctor.

"Tch. Don't you dare bro bro me. Where's your nurse here?" Masungit naman na tanong sa kanya ni kuya.

Nginisian lang naman siya ng lalaki.

"I can see that you have brought a beautiful lady. Care to introduce me to her?" Napaismid ako nang palihim. Sa tono pa lang ng pananalita nito, hindi ko na nagustuhan ang tabas ng dila nito. Napakayabang. Jusko. Gwapo nga, ang yabang naman. Hays.

"Back off, man! She's my wife!" Inis na turan ni kuya. But what the heck did he just say?!

"Ku--"

"Anyway, we need to see your OB gyne doctor. I want her to check my wife's condition." Diin niya sa salitang wife.

Hindi ko na nakita ang reaksyon nung lalaki, dahil nakatitig na ako nang masama kay kuya. Pinagsasabi ba kasi niya?!

"Okay, bro. Lemme check her. Since I am currently an OB here." Napatingin ako sa lalaki.

Bakit pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari?

"What?!" Inis na tanong ni kuya. "Tch. Forget it. We'll just go to another hospital."

"Why? You're here now. And she needs to be checked for us to find out her and her baby's condition."

"No. I don't want you to touch my wife." Inirapan siya ni kuya.

Eh?

"Ku--"

"What is it, wife?!" Tinitigan niya ako nang matiim kaya napatigil ako.

Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi ko naman maintindihan. Kaya inignore ko na lang siya.

Hinarap ko na ang doctor para matapos na at gusto ko nang umuwi at makapagpahinga. Napapagod na ang katawan ko sa araw na 'to.

I heaved out a deep sigh bago magsalita, "Don't mind my kuya's attitude. He's just like that. Tch." Agad kong sabi na kinakuno't ng noo niya.

"Kuya?" Tanong niya.

"Tch. Stop asking and just do your job!" Inis na putol ni kuya sa pag-uusap namin nung doctor.

Wala na lang nagawa si doc kundi ang simulan na ang trabaho niya.

Inabutan niya ako ng laboratory gown, at pinagpalit ako sa may isang room doon.

Pagkatapos ay pinahiga niya ako sa hospital bed, inalalayan niya ako sa paghiga pero hindi pa man ako tuluyang nakakahiga, tinabig na ni kuya ang kamay niya.

"Don't touch her. You don't have the right to touch her."

At siya na ang umalalay sa akin sa paghiga. Napabuntong hininga na lang si doc.

"Tch. Wala ka pa rin talagang pagbabago." Ngisi naman ni doc.

Ah. So ibig sabihin, magkakilala talaga sila.

"Whatever."

Napatingin siya sa akin at nginitian pa ako nang matamis bago ako kintalan ng halik sa noo. Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko sa ginawa niya.

Ang sarap niyang kurutin sa singit.

"Okay. I have to find out the rate of your heartbeat first." Saad ng doctor habang nakahawak lang si kuya sa kamay ko at inalis ang pagkakakuyom nito.

Suot ng doctor ang stethoscope niya at nilagay na niya sa magkabilang tainga niya ang eartips, at saka niya iniumang papalapit sa dibdib ko ang diaphragm nito.

Pero hindi pa man niya nailalapit ito, inagaw na ni kuya sa kanya ang pagkakahawak niya sa bell ng stethoscope, at siya na ang nagdikit nun sa dibdib ko.

Napapikit nang mariin si doc, at ako naman ay tinitigan na talaga nang masama si kuya.

Binalingan ko ang doctor. "Can you go out for awhile? Kakausapin ko lang muna siya." Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong mangyari kaya lumabas na siya, suot suot ang stethoscope niya.

Nang makalabas siya, narinig kong huminga nang malalim si kuya na para bang nabunutan siya ng tinik.

"Tch. That asshole. How dare he tried to touch you?!" Parang sa sarili niya lang sinabi 'yun, dahil hindi siya sa akin nakatingin. Napairap ako sa kawalan.

"Kuya, kanina ka pa talaga. Paano matatapos ang pagcheck sa akin kung ganyan ka?! Lumabas ka nga muna, naiinis na ako sa'yo!" Inis na inis na ako talaga sa kanya.

"No. I won't let that bastard touched you." Pagpipilit pa niya.

"He's a doctor and he'll be the one to check my condition, so stop making a scene here, oh please!" Pinaikot ko pa ang eyeballs ko.

"So, you're gonna let him touched you?! I won't let that happened."

Napapikit ako nang mariin sa inis.

"Kuya naman! Akala ko ba matalino ka?! Bakit hindi mo maintindihan ang sitwasyon ngayon?!" Medyo huminahon na ako. Nakakapagod makipagtalo sa kanya.

"Akala ko rin ba, matalino ka? Bakit hindi mo maintindihan na akin ka?!" Ganti niyang tanong sa akin.

Hindi na ako nagsalita at tinalikuran na lang siya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Okay. I'll just wait outside until your check up is done."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa likod ng ulo ko, at nagsalita pa siya bago lumabas ng kwartong 'yun.

"Just don't forget that you're mine alone."

-

Lumipas ang ilang oras at maggagabi na. Kanina pa kami nakauwi dito ni kuya sa villa niya. Habang pauwi kami, kinabisado ko ang daan.

Ang daming bilin sa akin ni doctor. Mabait naman pala siya. Hindi nga lang sila magkasundo ni kuya. At nalaman kong Zen pala ang pangalan niya. Hindi ko na rin siya natanong kung magkaano-ano ba sila ni kuya.

May schedule pa ako ulit sa kanya next week. At 'yun ang hindi namin mapagkasunduan ni kuya ngayon.

"You won't go back there anymore. We will find another OB. And that's final." Hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo niya sa OB ko.

Naalala ko nga sa kanya si Luke e. Hays. Kumusta na kaya siya ngayon? Ano na kayang nangyari sa kanya. Namimiss ko na 'yung mga oras na kasama ko pa siya.

"Sino na naman ang iniisip mo?" Inirapan ko na lang si kuya at umakyat na sa kwarto para magpahinga.


-


-

Continue Reading

You'll Also Like

32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
269K 8.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...