It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)

1.2K 20 0
By AillexSkcy

This chapter is rated PG, not too much but slightly.

.
.
.
.
.
.
.
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)


.
.
.
.

Kai's POV

Mabuti na lang at walang photoshoot kahapon kaya hindi ako masyadong nag alala sa schedule ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mata ng mapansin ang sikat ng araw na nagmumula sa labas ng bahay. Kisame ang unang bumungad sa aking paningin, may bimpo pa ako sa noo sa mga sandaling iyon, dahan dahan akong tumagilid ng higa pero laking gulat ko ng makita ang mukha ni Jane na nakaharap sa akin. Mahimbing siyang natutulog habang nakapatong ang kamay niya sa waist ko, hindi ko ramdam iyon dahil may comforter pang nakabalot sa akin. Tinitigan ko lang siya sa mga sandaling iyon.

Salamat sa pag aalaga sa akin kahapon, sorry sa pagsuka ko sayo kagabi.

Hindi iyon nawala sa isip ko, lalo na yung reaksyon niya ng masukahan ko ulit siya. Nakakahiya dahil pati pantalon niya nasukahan ko kagabi, pero ang mas nakakahiya ang nung bigla kong hubarin ang sandong suot ko, ang sunga ko kagabi promise. Hindi kasi ako komportable matulog kapag nakasando, pero nakakahiya talaga.

Tiningnan ko ang buong mukha ni Jane sa mga oras na iyon habang inaalala ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Tumingin ako sa kisame ng mapansing gumalaw siya at parang magigising na.

Biglang may tumanggal ng bimpo sa noo ko, pero hindi ako tumingin sa kanya. Ramdam ko ang paglapat ng likod palad niya sa noo ko.

"Nahihilo ka pa ba?" Tanong niya, pero hindi ako sumagot dahil nakakatamad tsaka wala ako sa mood makipag usap.

Napalingon ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Bakit?"

"Ahh wala tinatry ko lang kung mainit din ang kamay mo." Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko at bumangon pero bigla akong napapikit dahil nahihilo pa pala ako. Napahawak ako sa ulo at ramdam kong bigla akong inalalayan ni Jane, magkabila niyang hawak ang balikat ko para alalayan.

"Okay ka lang?"

"Yeah, medyo nahilo lang ako." Tumayo ako kahit alam kong matutumba ako, promise nahihilo pa talaga ako.

Pumasok ako sa CR para maghilamos, napatingin ako sa salamin habang nakasawsaw ang kamay ko sa dumadaloy na tubig na nagmumula sa gripo. Hindi na ako kasing putla kahapon ng umaga kaya medyo napangiti ako.

Lumakad ako ng kaunti para kunin ang sanitizer sa bathroom na malapit sa CR pero feeling ko tutumba ako sa hilo. Malayo iyon sa pwesto ko pero pinilit kong abutin, hindi ko napansin ang switch ng shower kaya aksidente kong nabuksan iyon at nahulog naman ang sanitizer. Malakas ang pagkakabagsak niyon dahil masyadong malaki ang lalagyan.

"Kai okay ka lang?" Napalingon ako sa pinto ng bathroom, nakatingin lang ng diretso si Jane sa akin. Ako naman nilalamig na dahil sa shower na bumubuhos sa katawan ko nasa cold ang switch na aksidente kong nabuksan, hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil sa natapong sanitizer na napakadulas.

Tumango ako sa mga sandaling iyon.
Jane hindi ako makahakbang.

Naiiyak na ako sa sobrang lamig.
Pero laking gulat ko ng biglang may yumakap sa akin sa mga sandaling iyon.
Pinatay niya ang shower bago humiwalay sa pagkakayakap, inalalayan niya ako sa paglalakad. Basàng basà na ako gayundin siya dahil sa shower. Napansin ko ang kulay pink niyang bra na tumatagos sa puting damit niyang suot, kaya napatango muli ako. Bakit iyon ang una kong napansin?

"Papalitan kita ng damit." Agad niyang tinanggal ang botones ng damit kong sobrang basà, para siyang si Mommy kung mag alaga. Hinayaan ko na lang siyang hubaran niya ako dahil nanghihina talaga ako. Nakatungo lang ako habang tinatanggal niya ang botones ng damit ko, at ramdam kong nakatingin lang siya sa akin. Pansin kong nagtanggal din siya ng botones ng damit niya. Nagulat ako ng muli niya akong yakapin, suot ko pa rin ang damit pero nakabukas na iyon at nakabra na akong nakaharap sa kanya.

"May problema ba?"

"This is what we called body heat." Ramdam ko ang pag init ng katawan ko ng sabihin niya iyon. At ramdam ko din ang pamumula ng tainga ko sa mga oras na iyon.

"Baka mas lalo akong magkasakit, kailangan ko ng magpalit ng damit." Humiwalay siya ng yakap ng sabihin ko iyon. Bumungad sa akin ang pink niyang bra na kanina ko pa naaaninag sa likod ng damit niya.

"Okay ka na ba?"

"Kumuha ka na ng damit, nilalamig na ako." Utos ko sa kanya, lumapit siya sa cabinet at kumuha ng damit pero bago niya ako suotan ay naghubad na siya sa harap ko. Napatungo ako ng gawin niya iyon, nakakahiyang tumingin sa maputi at makinis niyang katawan, pero pansin ko ang ribbon tattoo niya sa bandang baba ng kanyang bra. Maliit lang iyon pero pansinin dahil maputi ang balat niya.

"Huwag ka munang pumasok, baka mahilo ka na naman." Napatunghay ako ng ulo ng lumapit siya sa akin na nakasuot na ng damit. Sinuotan niya ako ng pulang damit na isa sa paborito ko. Napatingin din ako sa wall clock, 9:35 na ng umaga.

"Kai! Kai!" Napalingon ako sa labas ng bahay ng marinig ang boses ni Tita Andrea.

.
.
.
.
.
.

11:25 na ng umaga ng makakain ako, pinagluto ako ni Tita ng soup na palagi niyang niluluto every morning.

"Salamat sa pag alaga kay Kai." Hinawakan ni Tita ang kamay ni Jane habang nasa hapag kainan kami.

"Okay lang po iyon."

"Pasensya na, stranded kasi ang biyahe kaya hindi ako nakauwi agad."

"Sorry Kai."

"I'm fine Tita, babalik na po ako sa kuwarto ko." Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad pabalik ng kuwarto. Medyo hilo pa ako kaya dahan dahan lang ako sa paglakad.

.
.
.
.
.
.

Jane's POV

"Salamat talaga Jane."

"Tita hindi niyo naman po sinabi agad sa akin na mahina pala ang immune system ni Kai."

"Nakalimutan ko, pasensya na. Busy lang talaga ako sa pag aasikaso ko sa bago kong trabaho."

"Nga pala nasa Australia po sina Mommy."

"Ah oo, nagkausap na kami kagabi. Salamat din dahil sinamahan mo siya kagabi."

"Maliit na bagay lang po iyon."

"Kapag maayos na si Kai, bonding tayo treat ko."

"Talaga po." Napangiti ako sa sinabi ni Tita Andrea.

After kong makakain ay nagpahinga muna ako bago umuwi sa bahay.

.
.
.
.
.
.

"Good afternoon ma'am." Bati sa akin ng mga katrabaho ko dito sa station. Huling biyernes ngayon ng Hulyo kaya bukas pwede akong pumasok ng tanghali.
Nagtungo sa opisina ni Mommy para asikasuhin ang magaganap na bagong segment para bukas, si Kai ang nakaduty bukas ng gabi sa segment na iyon kaya makakapagpahinga pa siya sa umaga pero naisip ko na may photoshoot pala ulit bukas ng tanghali sa Cafè Morina. Kaya medyo nag aalala ako kay Kai.

"Siguro naman makakapasok na si Kai bukas?" Tanong ni Trisha sa akin, may iniabot siyang isang folder.

"Anu ito?"

"Ipinasa iyan sa akin ni Matt, dahil wala ka kahapon ako na ang nagcheck ng bawat files." Binuksan ko iyon, tumambad sa akin ang rating ng station. Ayos naman kaso may mga napansin akong bad comments.

"Kahapon bang ratings ito?"

"Definitely, pansin kong medyo nagbago ang ihip ng hangin sa ratings natin ngayong linggo."

"Don't worry Trisha makakapasok na si Kai bukas."

"It's not about Kai, it's about the issue of Caren. Madami ang nagulat sa inasta niya sa on air caller natin kahapon. Maging ako ay nagulat." Napakagat labi ako sa sinabi ni Trisha.

______________________________________________

"Hindi ba naturuan ng good manners ang babaeng iyan."

"Mahiya naman kayong mga caller, sikat ang RMF station dahil malinis sila magtrabaho."

"Bakit kasi wala si DJ Kally?"

"Kaya nga, bakit siya pa ang ipinalit kay DJ Kally? Mas hamak na mas mabait at magaling si DJ Kally kaysa sa kanya."

"Hindi lang naman si DJ Kally ang Dj sa RMF, syempre kailangan niya rin magpahinga."

"Tama ka girl. Love you DJ Kally, number one fan mo ako."

"Magaling din naman siya, kaso maikli ang pasensya."

"Diba station ang pinag uusapan, kung ako kay DJ Skye gagawin ko din ang ginawa niya."

"Yeah right, hindi dapat ine entertain ang ganoong klase ng caller."

"Guys ipinagtanggol lang naman po ni DJ Skye ang station nila."

"Basta ang caller ang mali hindi si DJ Skye tapos!"

______________________________________________

Basa ko sa mga kumento sa files na iniabot ni Trisha sa akin. Hindi ko pa nakakausap si Caren about dito, and for sure nakarating na kay Mommy ang ganitong balita.

"I want to talk to her after her duty."

"Ikaw na ang bahala, siya nga pala nagtext si Joana sa akin. Mukhang pasok na tayo sa mga station na makakapunta sa DJ collide sa Australia."

"Good to hear that."

"Sige may gagawin pa ako." Tumango tango lang ako ng umalis si Trisha sa office. Napahawak ako sa balikat ko ng mga sandaling iyon, medyo masakit dahil sa puyat kagabi. Magdamag kong binantayan si Kai dahil palagi siyang nilalamig at nananaginip kagabi, pero may isa pang bagay na narinig ko mula sa kanya kaya hindi din ako nakatulog kagabi ng ayos. Hindi ko alam kung nananaginip ba siya o ako ang sinabihan niya. It always flashing back into my mind, kaya ang hirap magfocus sa ginagawa ko.

Habang nag aayos ng schedule para bukas ay napansin kong pumasok si Caren. Tumingin ako sa kanya ng diretso at sininyasan siyang umupo. I close the folder in front of me and stare at Caren. Hindi siya makatingin sa akin ng ayos.

"Nabalitaan ko ang nangyari kahapon."

"I'm very sorry Miss Jane, hindi ko po napigilan ang sarili ko." Lumungkot ang mukha ni Caren habang nakatungong nakaharap sa akin.

"Anu ba ang tunay na nangyari?" Hindi kasi ako nakapakinig ng radyo kahapon dahil busy sa pag aalaga kay Kai.

"Nilait niya po kasi ang station natin on air, e gusto ko lang naman pong ipagtanggol ang dapat." Kita sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo, she is my schoolmate before but different year level. Kaya medyo kilala ko siya unlike Kai.

"Caren mahirap makipaglaban sa taong malaki ang galit sa isang bagay lalo pa at naka on air ka kahapon. Tama na ipinagtanggol mo ang station natin but sana sa susunod huwag on air, dahil rinig ng bawat tagapakinig natin ang mga salitang hindi dapat nila marinig, naka rated PG tayo ngayon dahil sa nangyari."

"Sorry po talaga." Malungkot

"Inaasikaso ko na ang bago mong schedule, bukas aasahan kong magiging mahinahon ka sa magaganap na bagong segment with Kai, shift muna kayo ni Venisse sa schedule niyo. Pang weekends ka muna ng isang buwan."

"Naiintindihan ko po."

"Hindi ako ang nagdesisyon nito, sinusunod ko lang ang mga ibinilin ni Mommy sa akin. Habang wala kang duty sa pagdeDJ, ikaw muna ang mag asikaso ng papel ng bawat employee ng RMF for the upcoming DJ Collide."

"Huh?"

"I think next next month na iyon, para mas mapadali tayo ngayon pa lang asikasuhin na natin ang mga papel ng bawat kasama. Don't worry lahat ng bagong DJ ay kasama." Kita ko sa mga mata ni Caren ang ligaya ng sabihin ko iyon, ahead ako ng isang taong gulang kay Caren kaya medyo comfortable akong sabihan siya hindi tulad ni Trisha, cold and mysterious.

.
.
.
.
.
.

Trisha's POV

Napatingin ako kay Caren ng lumabas siya sa office ni Tita Gia na nakangiti, hindi ko mabasa sa expression ng mukha niya kung anu ang sinabi sa kanya ni Jane. Siguro maayos naman ang pag uusap nila dahil nakakangiti na ang mga mata ni Caren unlike yesterday at kanina ng pumasok siya.

"I'm DJ Billy of RMF station, saying goodbye to every fans of mine hahaha charot. Before I end this segment, pakinggan muna natin ang last request song ng isa nating friend. Ang kantang Akala by Rea Jane, friend ang akala ay akala hindi iyon tadhana. See ya tomorrow friends and make sure to listen of everyone request song." Nakangiti akong nakatingin kay Venisse na nasa DJ booth at nakangiting pinatugtog ang huling request song

Tweet tweet SMS

Napatingin ako sa cellphone ko ng may magtext sa akin.

______________________________________________
From: Mi amor

Hindi muna ako makakapunta diyan sa Pilipinas, ang dami pang inaasikaso sa school. Pakisabi kay Mama baka next next week pa ako makakauwi, delayed din ang flight dito sa Spain dahil sa LPA. Love you mi amor, I miss you 😘.

+( write your message here ) send  S1   S2

______________________________________________

I smile while reading that message but at the end napasimangot ako dahil sa next next week pa makakauwi ang amor ko oh I mean my love, nakalimutan kong sabihin may boyfriend pala ako from Spain. He is not spanish, he just live there for 20 years para makapasok sa isang school na gusto niyang pasukan.

.
.
.
.
.
.
.

Kai's POV

Nakatingin ako sa kawalan habang nakaupo sa labas ng terrace ng kuwarto ko. Nagpapahinga si Tita sa kuwarto niya kaya medyo tahimik ang bahay, maghapon akong nakaupo at nakatingin sa bawat nagaganap sa labas ng bahay. May naaalala ako sa sunset ngayong araw, this moment is the one I really hate the most. Pinakaayaw ko ang makita ang paglubog ng araw everyday, it reminds me of him who hurt and abandoned me when I am in Spain.

"I love you so much, although you're my student and I am your professor, hindi ito hadlang sa pagmamahalan natin."

"Paano kung malaman nila ang relasyon na meron tayo?"

"Huwag mo na lang ipagsabi sa iba na nagmamahalan tayo, just pretend in front of everyone na professor mo lang ako at estudyante lang kita."

"Ang hirap naman po no'n."

"Kapag nagmahal ka, handa mong gawin ang lahat diba?"

"Pero kapag nakagraduate ako aaminin ko na sa Mommy ang relasyon natin."

"Basta huwag muna ngayon, entender?"

"Entender."

"Gracias mi amor, te amo."

"Yo tambien te amo. Tú eres mi amanecer."

"Y tú eres mi puesta de sol."

Puesta de sol ang mukha niya, manloloko. Pasabi sabi pa na you are my sunset and he is my sunrise, manloloko din pala ang hayop na professor na iyon.

.
.
.
.
.
.


A/N:

Spanish:                  English:

Entender              -understand
Puesta de sol       -sunset
Te amo                  -i love you
Amanecer            -sunrise

Continue Reading

You'll Also Like

26.3K 1.2K 53
Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love triangle with Janice Montecarlo. Lorraine Al...
4.4K 109 16
YoungxAdult • GirlxGirl • ShortStory
64.5K 2.7K 80
Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil...