It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 21: The Party
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 6: I miss you and I love you

1.4K 28 2
By AillexSkcy

Chapter 6: I miss you and I love you

.
.
.

Kai's POV

Sobrang malas ko ngayong araw dahil sa trangkaso ko, siguro dahil sinugod namin ni Jane ang ulan kagabi. Nagsabi na ako kay Tita Gia na hindi ako makakapasok dahil hindi ko pa kayang bumangon at maglakad mag isa, nahihilo kahit nakaupo lang ako kaya ito nakahiga lang ako sa sofa dito sa living room. 

Wala pa rin si Tita Andrea at baka bukas pa daw siya makauwi dahil stranded pa rin ang biyahe. Wala akong kasama ngayon sa bahay, pero dahil walang mag aasikaso sa akin pinilit kong magluto ng makakain, mabuti na lang at mabait ang kapitbahay namin na kaibigan ni Tita, dinalhan niya ako ng sopas kinain ko naman iyon kasabay ng niluto kong itlog kaya medyo nagkalaman ang tiyan ko, hindi pa ako nakakainom ng gamot dahil hindi ko alam kung saan nakalagay ang medicine kit ni Tita, sa pagkakaalam ko nasa drawer iyon malapit sa kitchen pero tinatamad akong maglakad para kumuha. 

10:45 na ng umaga, nahihilo pa rin ako sa mga sandaling ito habang nanonood ng TV. Ayaw ko namang magcellphone dahil mas lalo akong mahihilo, pinakabibilin iyon sa akin ni Mommy na huwag tumutok masyado sa kahit anong gadget kapag may trangkaso dahil mas lalong hindi gagaling ang trangkaso dahil sa radiation nito na nakakahilo. Kaya TV lang ang pwede dahil malayo naman ang distance nito sa pwesto ko, hindi ito makakaapekto sa nararamdaman ko. Siguro mga 6 meters ang layo ko sa TV, malaki naman ang screen kaya kita ko pa ang pinapanood ko.

"Tao po!" Napalingon ako sa gate ng bahay ng marinig ang boses na iyon, hindi ko magawang tumayo dahil nanghihina ang katawan ko.

"Excuse me, may tao po ba dito?" Tanong ng boses na iyon mula sa labas.

"Oo hija, pumasok ka na lang nasa loob si Kai. Siya nga pala may trangkaso siya, kaya hindi siya makalabas ng bahay." Boses iyon ni Tita Ericka na nagbigay sa akin kanina ng sopas. Lumingon ako sa pinto at hinihintay kung sino ang nasa likod ng boses na iyon.

"Kai!" Ang tagal naman niya pumasok.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa television dahil sa inip kong paghihintay kung sino ang tumatawag sa akin kanina pa. Rinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko iyon nilingon dahil kanina pa ako lingon ng lingon, at promise hilo na ako kanina pa.

"Okay ka na ba?" Tanong niya, napapikit ako ng maamoy ang perfume scent na iyon. Cherry blossom ang flavor ng perfume niya, at kilala ko na kung sino ang nakakainis na bisita ko na hinilo ako kababaling ng tingin sa gate ng bahay.

"Dinalhan kita ng prutas, tsaka sinabi sa akin ni Mommy na may trangkaso ka."

"Ilapag mo na lang diyan." Hindi ko pa rin siya nililingon dahil hilo na talaga ako, promise.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya, itinuro ko ang bowl na nasa mini table na may laman pang sopas.

"Sorry, dahil sa akin nagkatrangkaso ka."

"It's not your fault, kasalanan ko dahil hindi ako nagdadala ng payong. Hindi rin ako nagpunas ng katawan kagabi, dumiretso tulog ako then the result is this."
Hindi ko pa rin siya nililingon, at tanging sa TV lang ako nakatutok. Pansin kong nilibot tingin niya ang buong bahay, messy ang bahay at hindi pa ako nakakapaglinis.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Lumapit siya sa kusina at may kinuha.

"Wala naman, si Trisha muna ang pinag iwanan ko sa duty mo." Isang plangganitang may lamang tubig ang dala niya papalapit sa akin, dumukot siya sa bulsa niya at inilabas ang panyo niyang pink.

"Anung ginagawa mo?" Pinunasan niya ang braso ko ng panyo niya na medyo malamig dahil galing sa refrigerator ang tubig na gamit niya. Gayundin ang mukha ko at leeg.

"Ito ang ginagawa sa akin ni Mommy kapag may sakit ako." Inilagay niya ang likod ng kanang palad niya sa noo ko, at sa noo naman niya ang kaliwang likod palad.

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Mamaya maya gagaling na rin ako." Hindi ko pa ganoon kakilala si Jane pero parang siya kilalang kilala na ako, dahil feeling close alam niyo ba yon? Haist nahihilo na nga ako nakakapag isip pa ako ng kung ano ano.

"Saan ba nakalagay?" Tumayo siya at pumunta sa kusina, binuksan niya ang lahat ng drawer para mahanap ang gamot. Pero bigo siya, napansin kong may nakalimutan siyang buksan.

"Hindi mo nabuksan ang maliit na drawer na iyon." Sabay turo sa pinakagilid na drawer na malapit sa coffee maker.

"Ito ba?" Tanong ni Jane, tumango tango ako bilang sagot. Pagbukas niya agad siyang napangiti. Inilabas niya ang isang transparent na kit, puro gamot ang laman niyon. Inilapag niya iyon sa mini table sa harap ko. At bumalik sa kitchen.

"Ipagluluto kita ng makakain para makainom ka na ng gamot."

"Sure kang maalam kang magluto?" Pabiro kong tanong kay Jane na nakapamay awang na nakatingin sa loob ng refrigerator.

"Oo naman, kaya nga culinary ang tinapos kong kurso." Napahiya ako doon, nakalimutan kong iyon pala ang kursong natapos niya. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa TV dahil wala din naman akong maitutulong sa kanya.

Habang nanonood ay ramdam kong inaantok ako. Papikit pikit kasi ang mata ko at tila pagod na pagod.

.

.

Jane's POV

"Maglilinis na rin ako ng bahay para mas maging ayos ang pakiram.....
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang nakapikit na si Kai, lumapit ako sa kanya at lumuhod upang maayos ang kumot niya. Aktong tatayo na sana ako ngunit napansin ko ang kagandahadn niya, mahimbing siyang natutulog. At kahit may trangkaso siya hindi nabawasan ang ganda niya, hindi ko namalayan na hinawi ko na pala ang buhok niya na syang tumabon sa magandang tanawin na nasa harap ko. Maya maya pa ay pinatay ko ang ang TV para mas mahimbing ang tulog niya.

Bumalik ako sa kusina upang ipagpatuloy ang niluluto ko. After several minutes nang matapos ako, then after that I sweep the floor, hindi naman sobrang kalat ng bahay kaya natapos ko agad mawalisan lahat ng sulok. Ang nagpamessy lang ay ang mga comforter at unan na nasa sahig. Ibinalik ko iyon sa sofa pero parang hindi iyon doon nakalagay dahil iba ang kulay at hugis. Napansin kong may burda ng pangalan ni Kai ang comforter at unan kaya siguro ito ang gamit niya tuwing gabi. Napatingin ako kay Kai bago umakyat ng hagdan para idala sa kuwarto niya ang unan na pakalat kalat pati ang comforter

Dalawang pinto ang sumalubong sa akin ng makaakyat ako, lumakad ako ng kaunti at patuloy na hinanap ang kuwarto ni Kai. Sa paglalakad napansin ko ang isa pang pinto, bali pang tatlo iyon sa mga pinto. Sinubukan kong buksan iyon, at tama nga kuwarto ni Kai dahil picture agad niya ang bumungad sa akin, isang malaking poster niya na nakadapa, nakaharap sa camera at naka peace sign pa ang daliri. Pikit ang mata niyang nakangiti sa poster na iyon, may pagkachinita din pala ang babaeng iyon kapag ngumingiti.

Inilapag ko na sa kama niya ang unan at comforter, simple lang ang kuwarto niya pero ang ganda dahil sa mga design sa wall na puro picture niya na siguro shot niya dahil ang ganda ng anggulo. I'm not a photographer pero maarte ako sa pagpili ng anggulo ng litrato. Lalabas na sana ako ng mapansin ang isang maliit na box na nasa tabi ng mini table sa may bandang pinto. Kulay puting box na may card pang nakasabit, napansin kong may nakalagay na congratulation. So may nagbigay sa kanya ng regalo.

Hindi ko na lang iyon pinansin pa at lumabas na ng kuwarto.

Habang pababa ng hagdan ay pansin kong bumabangon si Kai, kaya lumapit agad ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng mapansing na parang nasusuka siya. Agad kong kinuha ang plangganita na pinaglagyan ko kanina ng tubig.

"Wohhhhh!" Napapikit ako sa pagsuka ni Kai, dahil puro puting kulay ang isinuka niya. Napansin kong may shape iyon na parang yung sopas na kinain niya kanina.

"Okay ka lang?" Umubo ubo siya bago bumalik sa pagkakahiga.

Itinapon ko ang isinuka niya sa basurahan, buo buo pa iyon kaya medyo you know nakakadiri, pero hindi naman mabaho. Hinugasan ko ang plangganita bago lagyan ulit ng tubig. Pagbalik ko sa puwesto ni Kai, tulog na ulit siya. Hinayaan ko na lang siyang matulog para makapagpahinga naman siya ng kaunti.


Magtatanghali na pero hindi pa rin siya nagigising ulit, napansin kong gumalaw siya ng kaunti at niyakap ang kumot. Umupo ako sa kinahihigaan niya at inayos ang kumot.

Kahit may sakit siya ang ganda ganda niya pa rin, ang mahaba at black niyang eye lashes ang agad kong napansin noong una ko siyang makita. Sinubukan kong hawakan iyon, kung totoo ba iyon. Nahiya naman ako sa eye lashes ko matapos kong mahawakan iyon. Hindi ko pa kaclose masyado si Kai, pero napakapanatag ng loob ko sa kanya. Ang sunga ko talaga, bakit kasi naisipan ko pang tumakbo sa ulan kagabi? Tuloy nagkasakit siya dahil sa akin. Kanina lang sinabi ni Mommy na mabilis magkasakit si Kai, mahina ang immune system niya lalo na pagdating sa pawis. Kaya pala lagi siyang may dalang mini fan, pansin ko iyon kahit kahapon sa Apex ayaw niyang pinagpapawisan siya. Pero bakit noong muntik ko na siyang mabangga, basa siya ng pawis at hingal na hingal. Teka baka natuyuan siya ng pawis kahapon, dahil hindi na siya nagpalit ng damit habang kumukuha siya ng shot.

Napanguso ako at tumayo, so dapat ko pala talagang gawin ito dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi, tapos pinaiyak ko pa siya. Haist Jane, wala ka talagang utak.

"Bakit mo sinusuntok ang sarili mo?" Napatigil ako sa pagsandok ng pagkain ng marinig ang boses ni Kai. Nginitian ko lang siya at tinapos ang paghahanda ng pagkain.

"Kumain ka na, para makainom ka ng gamot." Tumango tango siya kaya inilapit ko sa kanya ang mini table para makakain siya. Nagsigang ako ng isda para mas makalasa siya ng pagkain.

"Kaya ko na." Inagaw niya sa akin ang kutsara ng aktong susubuan ko na siya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nginunguya ang pagkaing niluto ko para sa kanya. Mukhang nasasarapan siya dahil tuloy ang subo niya at higop sa sinigang na niluto ko. Kanina lantutay siya sa pagsuka ngayon naman ang gana sa pagkain. Teka may panlasa na siya?

"Kumain ka na din ba?"

"Ah mamaya na ako pag uwi sa bahay."

"Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi?" Napasimangot ako sa tanong niya, matapos ko siyang ipagluto papauwiin na niya ako.

"Anung ginamit mong pampaasim?" Nagulat ako ng bigla niya akong subuan ng pagkain. Hindi niya pa tinatanggal ang kutsara sa bibig ko.

Nakaupo siya sa sofa habang ako nakaupo sa sahig na nakaharap sa kanya. Kinuha niya din ang kutsara sa bibig ko ng mapansin niyang hindi ko iyon hinuhugot.

"Kahit hindi ko nalalasahan ang sinigang na ito, alam kong may nakalimutan kang ilagay." Teka papaanong?

"Mas masarap kung may sili ang sinigang na isda, kahit kaunting katas lang nito."

"Paano mo naman nasabi?"

"Sa amoy, then paminta lang ang nilagay mo."

Napawow ako sa isip ko dahil sa mga sinabi ni Kai, sinubuan niya ulit ako. Napansin niya siguro na tulala ako dahil sa pagkamangha sa kanya.

Itinuro niya ang baso ng tubig habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig niya. Ibang klase din ang babaeng ito, may sakit pero ang lakas kumain. Itinapat niya sa akin ang baso na may laman pang tubig na nasa kalahati, sumenyas siya at parang sinasabi niyang uminom din ako. Kaya sinunod ko na lang siya. Magkasing edad lang kami kaya hindi ko alam kung bakit ako sumusunod sa kanya. Maya maya pa ay sinubuan na ulit niya ako ng sinubuan ng sinigang hanggang sa maubos.

"Uminom ka na ng gamot. Ito oh." Pero humiga agad siya at pumikit.

"Huwag ka muna humiga, baka masuka ka!" Medyo napalakas ata ang boses ko kaya napabangon agad siya. Umiling iling siya na parang ayaw uminom ng gamot, para siyang bata na inaalok ng candy na hindi niya gusto. Iniabot ko sa kanya ang gamot at ang baso ng tubig pero hindi niya pa rin iniinom.

"Bakit ayaw mong uminom?" Tanong ko sa kanya pero sumandal lang siya sa sofa habang hawak ang gamot at baso. Anu ba ang problema niya at ayaw niyang uminom ng gamot?

"Pwede bang huwag ng uminom nito?"

"Pero paano ka gagaling?"

Umupo ng ayos si Kai at ibinuhos ang laman ng baso sa plangganita sa tabi ko, nagtira siya ng kaunti. Nagulat ako ng ilagay niya ang gamot sa baso. Hinalo halo niya iyon kaya mabilis na natunaw ang gamot, tsaka niya ininom. So hindi pala siya maalam uminom ng gamot. Inilapag niya ang baso sabay higa.

.
.
.
.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ni Kai, I mean pinagkainan naming dalawa. Kanina halos mabaliw na ako sa kilig dahil sa ginawa niyang pagpapasubo sa akin. Hay ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito.

.
.
.
.
.
.
.

Alas cinco na ng hapon pero tulog pa rin si Kai sa sofa, maghapon akong naglaro sa cellphone ko dahil wala akong magawa. Napansin ko ang sunset kaya kinuhanan ko iyon. Sa bintana malapit sa sofa na hinihigaan ni Kai ako kumuha ng shot.

Perfect shot dahil isinama ko si Kai sa picture.

"Pwede mo ba akong idala sa kuwarto ko?" Napatingin ako kay Kai ng magsalita siya.

"Teka lang." Kinuha ko muna ang plangganita baka kasi masuka ulit siya, inakay ko siya paakyat ng hagdan. Nakahawak ako sa waist niya habang siya nakaakbay sa akin.

"Salamat pala at dinalaw mo ako." Sambit niya ng makapasok kami sa kuwarto niya. Hihiga na sana siya ng biglang

"Wohhhhh!" Agad kong kinuha ang plangganita para doon siya sumuka, kaso huli na ako dahil sa damit ko na siya nakasuka.

"Wohhhhh!" Sunod niyang duwal at lahat ng kinain niya kanina ay nasuka niya lang lahat maliban sa gamot.

"Sorry." Sambit niya ng mapansing puro suka na ako, may suka din siya sa damit niya pero humiga ulit siya. Nadidiri ako promise, pero parang mas gusto kong ganito kaysa lasing siyang magsuka sa harap ko. Hindi mabaho ang suka niya pero buo buo, kaya mabilis malinis. Mabuti at hindi niya nasukahan ang carpet at kama, at tanging damit ko at pantalon ang napuruhan.

"Sorry Jane, kumuha ka na lang ng damit sa cabinet ko. Pumili ka na lang ng kahit anu." Tatagilid na sana siya sa pagkakahiga pero pinigilan ko siya dahil may suka ang damit niya.

"Huwag kang tatagilid, papalitan kita ng damit." Pero nakapikit na siya at tulog.

Kumuha ako ng damit sa cabinet niya, puting longsleeve ang pinili ko. Napatigil ako ng tatangalin ko na sana ang damit niya, teka wala namang malisya dahil pareho naman kaming babae. Oo pareho kayong babae, pero ikaw babae din ang gusto. Tutya ng isip ko na ikina smirk ko naman, natawa na lang ako sa sumagi sa isip ko. 

Huminga muna ako ng malalim bago palitan ang damit niya, mabuti na lang at nakasando siya sa loob pero bigla niya iyong hinubad kaya nagulat ako ng makita siyang naked, wait hindi totally naked dahil may suot pa siyang bra. Dali dali ko siyang sinuutan ng damit. After no'n ay pumasok na ako sa bathroom para magpalit, may sarili siyang CR kaya hindi na ako sa baba nagpalit. Dumiretso ligo na rin ako dahil may suka din ako sa katawan ko. Medyo napapapikit ako habang tinatanggal ang suka sa katawan ko, inaamin ko nadidiri ako pero okay lang parusa ko ito dahil hindi naman talaga siya magkakasakit kung hindi ko siya pinatakbo sa ulanan kagabi.

Matapos kong maligo ay nagbihis na rin agad ako dahil baka nagsuka na naman si Kai. Puting damit ang suot ko na di botones para mabilis hubarin kung sakaling sukahan niya ulit ako. Hiniram ko lang kay Kai ang damit pati ang suot kong black shorts.

Mahimbing na natutulog si Kai ng lumabas ako sa bathroom. Nakatalikod siya sa direksyon ko pero bigla siyang humarap at kinapa kapa ang comforter, iniabot ko iyon sa kanya at ibinalot sa kanya.

"Daddy! Daddy!" Napatigil ako sa pagsusuklay ng marinig ang malungkot na boses ni Kai habang tinatawag ang daddy niya.

Lumabas ako ng kuwarto para maghanda ng makakain niya at para makainom ulot ng gamot. Ilang sandali lang ay bumalik na rin ako sa kuwarto. Gising na siya ng bumalik ako, pero nakatitig lang siya sa isang picture na nasa kisame. Picture niya kasama ang mommy at daddy niya.

"I miss them so much." Malungkot niyang sambit.

"Kumain ka na para makainom ka na ulit ng gamot." Pag iiba ko ng usapan, mahina ako kapag napag uusapan ang about sa family.

Hindi na siya tumanggi pa at kumain din, pero parang hindi siya mas magana kumain hindi tulad kanina.

Nakakalimang subo pa lang siya pero agad na siyang uminom ng tubig, tinunaw muna niya ang gamot bago niya inumin.

Kumain na din ako after makatulog ni Kai. Maggagabi na pero hindi pa rin ako umuuwi.

Magtext na lang kaya ako kay Mommy na nandito pa rin ako kina Tita Andrea.
Agad ko ding tinext si Mommy na wala pa ako sa bahay, inaalagaan ko pa si Kai. Iyon ang text ko sa kanya.

Agad din naman nagreply si mommy, okay lang daw. Kaya napahinga na ako ng ayos.
First time kong makasama si Kai buong araw, teka baka nga buong gabi pa dahil wala siyang kasama kung uuwi ako.

.
.
.
.

Alas diez na ng gabi pero gising pa rin ako, nasa labas ako ng terrace habang nakatingin sa tulog na si Kai. Wala ng masyadong tao sa labas ng kalsada kaya isinara ko na ang pinto ng terrace gayundin ang main door.

Umupo ako sa tabi ni Kai pero medyo naiilang ako dahil sa kagandahan niya. Hinawakan ko ang noo niya, mainit pa rin siya pero hindi katulad kanina na sobrang init.

Saan ako tutulog?
Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kawalan. Malaki naman ang kama ni Kai, kaya pwede naman siguro akong tumabi sa kanya. Hindi ako sanay matulog sa sofa, hindi kasi ako komportable. Dinadalaw na ako ng antok kaya humiga na ako sa tabi ni Kai. Tumalikod ako sa kanya, pero bago ko ipinikit ang mata ko ay nag alarm muna ako. Dahil maaga akong gigising para magluto para kay Kai.

Bakit ba parang gustong gusto kong ginagawa ko ito sa kanya? Hayy ewan ko, basta ang gusto ko siya lang. Huh! Hindi ang gusto ko gumaling na siya I mean. Hayy baliw na nga ako, makatulog na nga lang.
Baka kung anu pa ang....

Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman ang pagyakap ni Kai, teka naalala ko hindi pala siya makatulog kapag walang dantayan. Tulad kanina mabilis siyang nakakatulog kapag may yakap siyang unan.

Hinayaan ko na lang na yakapin niya ako, dahil inaantok na talaga ako.

"I miss you and I love you." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko iyon mula sa boses ni Kai, biglang nag init ang tainga ko sa mga sandaling iyon.










Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
26.3K 1.2K 53
Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love triangle with Janice Montecarlo. Lorraine Al...
7K 228 40
Chasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid...
186K 10.2K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.