My Billionaire Patient (TLS #...

By assylavemen

11.2M 220K 6.6K

Aurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang prob... More

Cero
Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Dose
Trese
Katorse
Quince
Dieciséis
Diecisiete
Dieciocho
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
Veintidós
Veintitrés
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiséis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta Y Uno
Treinta Y Dos
Treinta Y Tres
Treinta Y Cuatro
Treinta Y Cinco
Treinta Y Seis
Treinta Y Siete
Treinta Y Ocho
Treinta Y Nueve
Cuarenta
Cuarenta Y Uno
Cuarenta Y Dos
Cuarenta Y Tres
Cuarenta Y Cuatro
Cuarenta Y Cinco
Cuarenta Y Seis
Cuarenta Y Siete
Cuarenta Y Ocho
Cuarenta Y Nueve
Cincuenta
Cincuenta Y Uno
Cincuenta Y Tres
Cincuenta Y Cuatro
Cincuenta Y Cinco
Cincuenta Y Seis
Cincuenta Y Siete
Cincuenta Y Ocho
Cincuenta Y Nueve
Sisenta
Sisenta Y Uno
Sisenta Y Dos
Sisenta Y Tres
Sisenta Y Cuatro
Sisenta Y Cinco
Epilogo
Capítulo Especial
Capítulo Especial II

Cincuenta Y Dos

128K 2.5K 71
By assylavemen

Cincuenta Y Dos

Aura

Nakapag decide ako na hindi na tumuloy mangibang bansa. Kahit na kumpleto naman na ako sa requirements. Pasado ako sa lahat ng exams including TOEFL para maging isang ganap na licensed nurse doon. Ganon din si Yenny. Kailangan kasi if ever gusto mong mag work as a nurse or what abroad.

Isa na din iyon sa mga plano ko dapat. I've decided to join Yenny na mag abroad kaya nga nag exam ako dati although okay din naman sa akin kahit na sa Pinas lang ako mag work.

Pinaghirapan ko din kasi iyon nung mga nagdaang taon at may kamahalan ang exams. It costed me a lot when I took the TOEFL one time with Yenny dito sa Manila. Ang laki ng nabawas sa ipon ko dahil dun. Sa pagbayad palang ng exam fee nito ay libo libo na.

Pero hindi na kasi iyon ang gusto ko ngayon. Alam kong hindi na ako magiging masaya pag tumuloy ako. Oo, kikita nga ako ng malaki pero hindi naman ako sasaya talaga.

"Pasensya na po Mrs. Roces. Nagbago na po ang isip ko. Hindi na po ako tutuloy. Iyong kaibigan ko na lang po na si Ms. Yenny ang tutuloy." Hingi ko ng paumanhin sa Ginang na nasa harapan ko ngayon.

Nandito kasi ako sa agency. Ngayong araw na kasi ang deadline ng pagpasa ng lahat ng important documents.

Oo, may panghihinayang at lungkot sa puso ko, hindi naman maiiwasan 'yon e.

"Sayang naman, Ms. Reyes. It's a huge opportunity for you. Mas malaki ang kita and mas mabibigyan mo ng magandang buhay ang pamilya mo unlike here sa Pilipinas. Medyo mababa ang pasweldo sa mga nurses natin dito sa totoo lang." Anito, bakas ang sobrang panghihinayang para sa akin. Pinagsaklop nito ang dalawang kamay na nasa ibabaw ng lamesa niya.

I shook my head slowly and sadly smiled at her. "Alam ko po na napakalaking opurtunidad ito pero mas sasaya po ako pag hindi ako tumuloy. Pasensya na po talaga."

Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Alright, Ms. Reyes. Kung talagang desidido ka na ay wala na akong magagawa. But I want to let you know na you can contact our agency anytime. We're one of the top agencies here in the Philippines when it comes to job opportunities abroad. Baka magkaroon ulit ng open slots in the future." She smiled and tried to lighten up the eerie mood inside her office.

Nag usap pa kami saglit. Mabilis na lumipas ang mga minuto. Inabot din ako ng halos isang oras sa pakikipag usap sa kanya. Dahil kay Yenny kaya ko nakilala si Mrs. Roces, ang may ari ng agency na'to. Nakilala ito ni Yenny sa ospital nila Luke ng minsan niyang i-assist ang asawa nitong na confine doon.

Yenny asked for my resume so I gave it to her. Ayun, pinasa niya parehas iyong sa kanya at akin. Sa katapusan pa ng taon ang alis sa pagkakaalam ko. Hindi ako sigurado. Sakto lang ang tapos ng kontrata naming dalawa.

Mukhang tuloy tuloy pa din ang pagtatrabaho ko doon. Wala pa naman kasi akong planong lumipat ng ibang ospital as of the moment kahit na marami ng nangyari. Kung maisipan ko talaga, I'll go back to our province to work there.

Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko. Ganon din siya. I shook her hand and bowed my head to say good bye.

"Maraming salamat po, Mrs. Roces. Sige po. Mauuna na po ako." I gave her a sweet smile.

Nag absent ako ngayong araw para dito. Tapos na mag submit si Yenny nung kelan pa that's why she's really good to go. Approved na din ang US Visa nya. Approved din naman na iyong akin kaso ayaw talaga ng puso ko na umalis ako dito sa Pinas. Nag sayang ako ng pera, oo, pero alam kong tama ang naging desisyon ko.

Nirerespeto din naman ni Yenny ang kung ano man ang magiging desisyon ko. Pero sana daw ay makasama niya din daw ako sa abroad para mas masaya. Ang clingy talaga.

I texted Theo na magkita kami sa Vista Mall na malapit sa pinuntahan ko. Himala nga at ako ang nag aya sa kanya. Wala lang. I just miss him.

Vista Mall... May naalala tuloy ako. I sighed. Kamusta na kaya siya? I just wish him well at sana masaya na siya kung nasaan mang dako ng mundo siya nandoon.

I'm wearing a flowy white dress na above the knee ang haba ang a gray blazer to pair with it. Hinayaan ko lang ang buhok ko na bumagsak sa likod ko. Palagi na lang kasi naka pusod ito pag nasa trabaho ako.

Kasalukuyan akong nasa loob ng isang kilalang coffee shop. Umorder lang ako ng paborito kong cappuccino. Dito ko kasi hihintayin si Theo. Alam kong medyo matatagalan ito dahil sobrang lala ng traffic sa Metro Manila. Mabuti na lang at nagdala ako ng isang novel book. It will keep me entertained while waiting for him.

"Baby.." I got startled when someone spoke in front of me. Nag angat agad ako ng tingin.

Ningitian ko ito. "Hello.." Sinarado ko ang libro na hawak at ipinatong sa lamesa.

He smiled back and kissed my forehead. "Hi, baby. How's your day?" Aniya.

"Okay naman. Sa'yo ba?" Tanong ko pabalik habang inililigpit ang mga gamit ko.

He heaved a deep sigh. "It was fine. A bit tiring but I can deal with it especially now that I saw my energy pill already." Theo softly chuckled.

Namula naman ako sa sinabi ng lalaki. Napaka bolero talaga hay nako. Pero sabagay, iyong pagiging bolero ni Theo ay hindi nakakairita unlike yung sa iba na mabubwisit ka. Kulang na lang hampasin mo ng lamesa.

Tumayo ako. Agad namang kinuha ni Theo ang kamay ko para umalalay kahit na kaya ko naman. We went out of the coffee shop holding hands. Nakita ko ang inggit sa iilang mga taong nandun. Napaka head turner naman kasi ni Theo e. Tapos idagdag mo pa na matangkad. Grabe din ang sex appeal sa totoo lang.

Natutuwa ako at the same time nahihiya pa din tuwing kasama ko siya. Baka kasi mukha akong yaya sa tabi niya. Nakakahiya.

"What do you want to do today? Do you want to watch a movie o may kailangan ka bang bilhin? Tell me." Theo blurted out while we're walking. Wala kaming direksyon. Hindi kasi namin alam kung saan kami pupunta.

I stopped my tracks at napaisip ako saglit. "Hmm.." I paused. "Kain na lang siguro tayo? Tutal mag didinner time na din naman maya maya ." I suggested.

Wala naman kasi akong kailangan bilhin at puros panunuod na ng movies ang pinaggagagawa namin ni Theo nitong mga nakaraan. Favorite bonding kasi namin 'yon bukod sa kumain... ng pagkain of course tss.

"Oh, okay okay. Let's eat. I know a good place to eat nearby." He nodded and guided me towards whatever he's saying.

Pumasok kami sa isang Mexican restaurant na nasa kabilang dulo ng mall. Ayon kay Theo, kilala daw niya ang may ari nito. Kaibigan daw niya that's currently living in Hong Kong dahil may business din daw ito doon.

Mukhang legit Mexican restaurant ito. Agad na bumungad sa amin ang masarap na aroma ng Mexican food. Kitang kita ko din ang masasarap na pagkain na nakalagay sa lamesa ng mga customers. Tacos, nachos, burritos, guacamole and all that yummy stuff.

May pagka sosyal ang ambience ng lugar. Konti pa lang ang tao dahil early dinner palang naman.

"Good evening, Ma'am and Sir. Table for two?" Magalang na bati ng isang babaeng nagtatrabaho dito. Naka uniform pa ito na umaayon sa theme ng restaurant.

Theo nodded at the lady worker. Ginayak kami nito sa isang table na nasa tabi ng glass window.

Si Theo na ang pinag order ko tutal mas alam niya kung ano ang masasarap na choices here pero alam kong masarap naman iyon lahat.

Hindi nga ako nagkamali. It tasted like heaven. Hindi ako mahilig kumain ng mga hindi pamilyar sa akin na food but good thing Theo brought me here. Agad namin naubos ang inorder niya. Gutom na din daw kasi ito at hindi pa ito nakakain mag mula kanina sa sobrang busy.

Naputol ang masayang kwentuhan namin ni Theo ng may malakas tumikhim sa gilid namin. Kakatapos lang i-abot sa amin nung staff iyong credit card niya pagkatapos mag bayad. Sabay kaming napalingon ni Theo sa taong iyon.

Nanlaki bahagya ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino iyon. Shet. Si sir Luke!!

"Well.. well.. well.. What do we have here?" His voice is full of venom. There's a dark grin on his lips. Mas malalim and itim na ang mga mata nito. He doesn't look like the Lucas Saavedra that I first met. Mukha na siyang psychopath sa totoo lang.

He looks scary. Parang iyong mga nasa thriller movies.

What happened to him? Hindi ko maiwasan wag maawa. Ganito na ba siya ka stressed and all? Ano ba ang pinaggagagawa nito sa buhay niya? Bali balita na din kasi sa ospital namin na papalitan na daw si sir Luke bilang CEO ng Saavedra Medical Hospital at naibenta na din daw ang iba pang businesses and properties ata nito. Hindi ko lang alam kung totoo ba ang mga 'yon o hindi but by the looks of it, mukha ngang totoo.

Luke looks like he wants to beat someone when he's looking at Theo. Pero bakit? Anong trip nito?

My eyes flew to Theo. Tumiim ang bagang nito. His face looked dead and serious. Mas nakakatakot ang itsura niya kaysa kay Luke. His eyes are super cold. Colder than the climate in Antartica pero nagulat ako ng binigyan niya ng isang ngisi si Luke.

"Oh, hello there, Mr. Saavedra. Pleasure evening to you. So.. what brings you here?" Theo just casually said to him.

Napaawang ang mga labi ko. Nag iba bigla ang mood niya. Chill na si Theo ngayon pero nandoon pa din ang coldness sa kanyang mga mata. Hindi na ako nagsalita pa. Ayokong magsalita.

Hindi siya sinagot ni Luke. Instead, marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinatak ako papunta sa kanya. Napaigik ako.

"A-Aray!!" Muntik ng matumba ang upuan na inuupuan ko sa lakas ng hatak niya. Napasubsob ako sa matigas na dibdib ni Luke.

"I told you you're mine, Aura! Mine!!" He screamed at my face. Not caring that the people inside the restaurant are looking at us already.

Uminit ang mga sulok ng mata ko. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Para itong gigil na gigil to the point na sobrang masakit na.

"Bitawan mo ako!" I tried to wriggle my arm pero mas lalo lang ito humigpit. Sigurado akong sobrang pula na nito ngayon or probably may pasa na.

Theo stood up immediately from his seat at agad akong hinatak mula kay Luke. Nasaktan man ako sa ginagawa niya pero ang importante ay nakalas ang pagkakahawak ni Luke sa akin. Mas lalong masakit if hindi ito agad ginawa ni Theo.

"Putang ina mo!!"

He gave Luke a big blow on the face and the latter did the same. Napatili ako at ang ilang mga tao sa loob. Nakita kong natakot ang ibang costumer kaya nagsilabasan. Iyong staff at guard naman na lalaki ay pilit silang pinipigilan pero parehas na malakas ang dalawang lalaki.

"T-Theo! Tama na!!" I screamed while crying. Ayokong masaktan si Theo. Nilayo ako ng isang staff na babae mula sa kanila at baka daw madamay pa ako at masaktan sa pag aaway ng dalawang lalaki.

"Luke! Theo! Itigil niyo na 'yan!!"

Luke tried to hit Theo again but Theo's reflexes didn't allow him to even touch a single strand of his hair for the second time. Marahas siyang itinulak ni Theo pero pilit ito na nanlaban.

"Don't you fucking dare touch my woman and claim her! She is only mine you fucker!" Galit na galit na sigaw ni Theo kay Luke. Sinapak niya ulit ito sa mukha when he got another opportunity, making Luke kiss the floor. Duguan na din ang mukha nito sa lakas ng sapak ni Theo.

Nahawakan na ng guard at iilang lalaking staff si Luke. May humawak na din kay Theo. Preventing them from beating each other more.

Kitang kita ko ang panginginig ni Theo sa galit. He looks like a beast wanting to beat the life out of Luke. Kuyom na kuyom ang kamao nito. His eyes are burning with anger. Second time kong nakita si Theo na ganito. It made him scarier than before, nung nasa charity event kami.

My heart clenched when I saw blood dripping from his mouth.

Kumawala ako sa pagkakahawak nung staff na babae. Tumakbo ako papunta kay Theo. I hugged him and cried. "T-Tama na please, Theo. T-Tama na.." I pleaded. I can hear Theo's chest beating wildly. Mabilis din ang pagtaas baba nito.

"T-Tama na..." Naramdaman kong unti-unti itong kumalma when he heard me. He hugged me tight back and hushed.

Theo sighed in defeat. "Alright, alright. Stop crying, baby. Let's go." He cupped my face and gently wiped my tears using his fingers. He even kissed my forehead to assure me.

Hinawakan ni Theo ang kamay ko at agad na kinuha ang gamit ko. He wiped the blood off his mouth using his thumb. Hindi na din tinapunan pa ng tingin ng kasama ko si Luke. Wala na din akong pakielam dahil sinaktan ako ng lalaki. Galit ako sa kanya.

Papalabas na kami ni Theo ng restaurant ng magsalita si Luke.

"H-Hindi pa tayo tapos, Theo! Tandaan mo 'yan. Mali ka ng binangga! You just wait, asshole!" Hirap na hirap na banta nito habang nakaluhod pa din at masama ang tingin sa amin pareho ni Luke.

Bahagya akong nakaramdam ng takot. Hindi ko alam kung bakit pero natakot ako bigla para kay Theo. Napahigpit ang hawak ko sa kamay nito at tinignan.

Tumaas lang ang kilay niya. "Well then.. bring it on. I'll be waiting, Saavedra. I am so ready." He scoffed and gave him an evil smirk like he's telling him that he's fully equipped to be ready for anything na bahagyang ipinagtaka ko.

Alam kong there's more into it based on his tone and all. Like there's a deeper meaning to it, na hindi lang mababaw ang dahilan niya.

Kasi kung patungkol lang sa akin, hindi ganito ang reaction ni Theo. Alam kong may malalim na dahilan pa ito.

May matagal na bang alitan tong dalawang 'to? May galit ba si Theo kay Luke? Is he hiding something from me? Argh! Nalilito ako! Hindi ko na alam!

Continue Reading

You'll Also Like

16.8M 293K 71
Dmitri Montreal ~ Eliza Lopez Highest Ranking: #2 in General Fiction Feb. 09, 2017 - #17 in General Fiction. Feb. 10, 2017 - #16 in General Fiction F...
528K 10.1K 83
What will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is...
2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
666K 24K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.