BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

Per MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... Més

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~

167K 3K 189
Per MsButterfly

CHAPTER 14

FREEZALE'S POV

"Hindi kayo bagay."

"At sinong bagay sa akin?"

"Ako."

Pakiramdam ko ay tumatambol sa puso ko sa sinabi niya. Pero kahit gano'n bakit pakiramdam ko may mali? Hindi ba dapat maging masaya ako? Na eto ang lalaking natutunan kong mahalin kahit na anong pigil ang gawin ko ay nagpapakita na ng interes sa akin?? Pero hindi.

Alam ko na kahit kailan ay hindi magagawa ni King na pumasok sa isang relasyon. Isang relasyon na hindi ko inakalang hahangarin ko. Dahil kung kaya ko lang, kung posible lang...matagal ko ng pinigilan ang sarili ko na mahalin siya.

"Yeah, right."

"Look, Freezale.I'm just looking out for you."

"And why is that?"

"Because you work for the band. Hindi ko gusto ang karakas ng lalaking iyon. Kung gusto mo talaga ng ka-date nandito naman ako. At least ako hindi kita ipapahamak. You don't need to go out with him. I'm handsome and you're beautiful. Mas bagay tayo hindi katulad sa taong iyon."

I gave myself a mental pat of consolation. Tama lang na hindi na ako umasa kay King. Una pa lang naman alam ko na na imposible. Sadiyang tanga lang talaga ang mga pusong nagmamahal. And I'm not an exemption.

"Thanks for the thought but I don't need you. Kilala ko si Derrick, King. Mas kilala ko siya kesa sa iyo kaya wag kang magsalita na para bang masama siyang tao."

"Freezale-"

Sinalubong ko ang tingin niya. "Stop acting like a jealous boyfriend, King. You're just my employer."

I love him. There's no turning back but I can still protect my heart. By doing this...by keeping my feelings tucked away. Maybe I'll hurt less. Maybe...just maybe.



TINAKPAN ko ng unan ang mukha ko ng tumama doon ang buhok ng kung sino na tumalon sa akin. Wala namang iba na malakas ang loob na basta na lang ako pasukin dito sa kwarto ko maliban sa mga kapatid ko.

"Good morning world!"

Lalo ko pang idiniin ang unan ng makarinig ako ng malakas na tunog ng electric guitar. Sa kabila ng nakatakip sa akin ay para bang paulit-ulit na kinakatok ng tunog na iyon ang eardrums ko. Itinapon ko sa pwesto ni kuya Thunder na alam ko na siyang nagpapatugtog ang unan na nakatakip sa akin kanina at padaskol na umupo ako.

"WHAT?!" angil ko.

Nag peace sign si Snow na tumayo at tumalon-talon sa kama ko habang si kuya Thunder naman ay gumagawa ng windmill movements sa electric guitar niya na nakasaksak sa isang tabi.

"Swimming! Swimming!" sigaw ni Snow na sinagot naman ni kuya Thunder ng nakakabinging strum ng guitara.

"May swimming pool sa baba. Magswimming kayo doon."

"Sabi ni Dawn-"

Pinutol ko ang sasabihin ni kuya Thunder. "May outing na naman? Bakit? Napagtripan na naman niyang pahirapan kayo para maglaban para makuha ang mga mission na nauubos kuno kahit na hindi?"

"Woah! Ang daldal natin ngayon sis ah?" ngumisi si kuya ng sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ni tita Autumn pumunta daw tayo sa beach resort ng kaibigan ni tita Summer. Orellana Resort daw. Death anniversary kasi ni Xander Orellana, iyong dating may-ari. Eh diba nakuwento na sa atin noon na kada death anniversary niya may program sa resort. Isa sa mga Orellana ang nakausap ni tita Autumn at-"

"Sinabi ni tita na tutulong tayo lahat sa pagpeprapare." panghuhula ko.

"Well, yeah. With free lodging, food and drinks!"

"And mangoes!" singit ni Snow na talon parin ng talon. Napailing nalang ako nang makita ko ang isa pang tao na hindi ko napansin kanina. Si Phoenix na nasa baba ng kama sa bandang likuran ni Snow. Naka handa na ang kamay niya incase na tumalsik si Snow sa kakatalon niya.

"Lumabas na kayo. Mag-aayos na ako. At kuya Thunder magpaalam ka muna kaila King."

"Hindi na kailangan-"

"Nakapagpaalam ka na? Good."

"Hindi. Kasama kasi sila eh. Sige, maiwan ka na namin. Snow tara na!" tawag ni kuya Thunder sa kapatid namin na ginagawa paring trampolin ang kama ko.

"Ayoko!"

"May mango chantili cake sa bahay."

"Woo! Carry, Phoenix!"

Kaagad na binuhat ni Phoenix si Snow at sinundan na nila si kuya Thunder palabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi ko din maiiwasan si King. But maybe I don't need to. Wala lang naman siguro sa kaniya ang naging pag-uusap namin kahapon.

Tumayo na ako at naglagay ng mga kakailanganin ko sa isang bag at pagkatapos ay pumasok na sa bathroom para maligo. Pagkalipas lang ng trenta minutos ay nakaayos na ako. Bumaba na ako at naabutan ko pa sila Phoenix, Snow at kuya Thunder doon na kumakain ng cake. "Bakit hindi na lang sa kwarto ninyo kayo kumain niyan?"

"Wala akong pinggan." ngumunguyang sabi ni kuya.

Tinignan ko si Snow na ngumiti at dinilaan ang tinidor na hawak niya. "May pinggan ako pero wala akong cake!"

Napabuntong-hininga ako nang kay Phoenix naman dumako ang paningin ko dahil tinuro lang niya si Snow na para bang explanation si Snow kung bakit siya nandito. Kung sabagay, kahit saan naman pumunta si Snow ay nakasunod iyan.

Napatakip ako sa tenga ko at ganoon din si kuya Thunder at si Phoenix na tinakpan ang tenga ng kumakain parin na si Snow nang bigla na lang kami nakarinig ng matinis na tunog na animo static ng isang megaphone.

"BHO TRIPLETS AND SNOW'S BOYFRIEND, HURRY UP!"

Dinampot ko ang bag ko at tinignan ko ng masama ang tatlo. "Throw everything. Including the plates. Kapag nagkalanggam dito ibibitin ko kayong tatlo ng patiwarik."

Automatic kasing napupunta ang mga basura sa thrash can sa main kung saan hahakutin iyon ng mga BHO CAMP staff para tuluyang itapon. In short dapat sigurado ka muna sa itinatapon mo dahil malaki ang possibility na hindi mo na makita iyon ulit.

Nang makalabas kami ay naabutan namin si Dawn sa labas ng BHO CAMP Bus at pilit na iniiwas ang hawak na megaphone kay Triton na pilit na inaagaw iyon.

"Stop it! Nasa labas na sila!" sigaw ni Dawn kay Triton.

Sumimangot si Triton. "KJ."

Ibinaba na ni Dawn ang megaphone dahil mukhang sumuko na si Triton. Pero pagkababa na pagkababa niya no'n ay mabilis na inagaw niya iyon kay Dawn at lumayo.

Itinapat ni Triton ang megaphone sa bibig niya. "HI PARENG THUNDER!"

Tinapik siya ni kuya Thunder nang naglakad ito papasok sa bus. "Yow!"

"HOW'S PRINCE ALBERT?!"

"Seriously, dude. My buddy's not up for discussion."

Nakangiwing umiling ako at sinundan si Snow at Phoenix. Abnormal talaga ni Triton. Kailangan talagang isigaw sa megaphone ang tungkol sa piercing ni kuya 'doon'?

"Cut it off, Triton." saway ni Dawn.

Hindi siya pinansin ni Triton na mukhang nag e-enjoy sa ginagawa niya. "HI MISS MANGGA MANGO!"

"Hello!" bati ni Snow pabalik at tumakbo na papasok ng bus.

"HI SNOW'S BOYFRIEND-"

"Bestfriend." putol ni Phoenix sa sasabihin ng lalaki.

"LALAKING KAIBIGAN!"

Hindi na siya pinansin ni Phoenix at pumasok na siya sa loob. Tinignan ko ng masama si Triton ng makalapit ako sa kaniya.

"HI KING'S-"

Napatigil siya ng inagaw ko sa kaniya ang megaphone bago pa niya matuloy ang sasabihin niya. Pinindot ko iyon at nagsalita. "SCATTER!"

Mukhang natulig naman si Triton sa ginawa ko dahil napauklo siya at napatakip sa mga tenga niya. Inihagis ko kay Dawn na nakataas na ang sulok ng labi ang megaphone. Tumuloy ako sa loob ng bus kung saan nandoon ang lahat ng elite agents kasama ang Royalty band members na nasa bandang likuran. Nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin ni King.

Marami pang walang nakaupo sa mga upuan pero mukhang nanadiya ang mga agents dahil walang kumilos para alisin ang gamit nila. Si Storm na walang katabi ay nag peace sign sa akin at pagkatapos ay inilagay ang malaking bag niya sa tabi niya. May compartment naman hindi na lang doon ilagay ang mga gamit nila.

Nginisihan ako ni kuya Thunder na katabi ang nakapikit na si Comet. Tanging ang upuan na lang ni King ang hindi pa taken."Get up, kuya."

"Amm...nope. I'm really comfortable here. At ayokong malagot sa kanila." sagot ni kuya Thunder at kumapit pa sa braso ni Comet at nag beautiful eyes sa akin.

Hinila ko ang kwelyo niya at umupo ako sa nabakanteng upuan. "Come on, Freeze!" reklamo niya.

"I'm really comfortable here." panggagaya ko sa kaniya.

Nakangusong umalis na siya at umupo sa likuran ko kung saan katabi no'n ay upuan ni King. Ilang sandali lang ay umandar na ang kinasasakyan namin.

Nilingon ko si Comet na ngayon ay nakatingin nadin sa akin. Tinanguhan niya ako at nagsalita, "Hello there."

"Hi." ganting bati ko.

Hindi katulad ng inaasahan ko ay tahimik na tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Katulad ng ilang beses ko siyang nakita ay parang malungkot pa din siya. Hindi kaya nagkakaproblema sila ng asawa niyang si Kelly?

Kung sabagay hindi ko naman siya pwedeng pilitin na magsabi sakin dahil kahit ako hindi ko magawang aminin ang lahat tungkol sa mga nanagyayari sakin.

Napasinghap ako nang bigla na lang kumilos si Comet at iniharang ang braso niya sa harapan ko ng biglang mag preno ang nagdadrive na si Fiere.

"Gosh! Fiere bebe ang kagandahan ko naman baka magasgasan!" sigaw ni Athena na may mahaba na ngayon na marka ng lipstick sa pisngi niya. Kung bakit naman kasi sa byahe pa naisipang mag make-up.

"Kuya ang noo ko!" si Aiere.

"I'm sorry. Here, let me see."

Sumilip ako at nakita kong tinitignan ni Fiere ang noo ng kapatid niya habang si Athena naman ay nakangusong nakatingin lang sa dalawa.

"Are you okay?"

Nilingon ko si Comet. "Yes, thank you."

Inalis niya na ang braso niya ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you really okay?"

I looked away when I realized what he's talking about. "I don't know."

"Will we ever be okay?"

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Tama ako. May problema nga sila ng asawa niya. "I don't know."

Sumandal siya at pumikit. "If there's an answer in this world that will remain forever, it will be those words. 'I don't know'."

"Comet."

"Hmm?"

"Are you okay?"

"I don't know."

Sa hindi malamang dahilan ay natagpuan ko ang sarili ko na natatawa. Kalaunan ay sumali narin si Comet. Nakangiting inilahad ko sa kaniya ang kamay ko. "Friends?"

"Friends."

NAGKAKASAYAHAN ang lahat. May kaniya-kaniya kaming hawak na mga inumin habang ang iba naman ay hindi na magkamayaw sa pagsayaw sa gitna ng made up dance floor. Sa maliit na stage ay may tumutugtog na banda. And nope, not the Royalty. Ang mga band members ng Royalty ay kasalukuyang nakikiparty din kasama ng mga guest at mga agent.

Alas nuwebe na kasi ng gabi at kanina pa kami natapos sa pagtulong sa preparation. Halos wala din naman kami nagawang lahat dahil madali lang naman ang mga kailangan gawin. Ang medyo mahirap lang ay ang pagkabit ng stage at dance floor dito mismo sa may beach.

"I'm drunk!"

Tinaasan ko ng kilay si Snow na may pa-sway sway pang nalalaman. Naiiling na ininom ko ang Irish Car Bomb ko habang pinapanood ang 'lasing' ko na kapatid na tanging mango shake lang naman ang ininom mula kanina. I have a weird family, weird friends...and weird man.

Speaking of that man, he's currently dancing with my brother like a star ho in a club. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin ko pa na iba ang liga na kinabibilangan nilang dalawa.Kung makasayaw kasi daig pa ang couple sa isang bar.

"Wag ka ng magmaktol diyan. I-enjoy mo na lang ang rock music." sabi ni Hera na nasa malapit lang sa kinatatayuan ko.

"And do what you are doing? No thanks. Magmumukmok na lang ako."

Kasalukuyan kasing nag i-interpretative dance si Hera. Interpretative dance ng rock music. Si Athena? Ayan nagkandahaba ang nguso dahil di kalayuan sa amin ay nasa game mode na ang magkapatid na si Fiere at Aiere.

BHO Twins' game mode can be dangerous. Dangerous to those people they'll set their eyes on. Katulad ngayon na ngiting-ngiti si Fiere na kausap ang isang magandang babae habang si Aiere naman ay kausap ang gwapong lalaki na mukhang isa sa mga kasama ng kausap ni Fiere. Ganiyan lang ang kambal na iyan. They'll play with their conquest then leave them high and dry later on.

"Hey guys! Thanks so much for listening! We'll just take a short break but of course I can't leave just like that right?"

"Nasa Pilipinas ka! Mag tagalog ka!" pambubuska ni kuya Thunder na mukhang hindi naman narinig ng nagsasalita dahil sa ingay ng mga tao.

"Mas magaling kami!" sigaw ni King.

"Tama!" segunda ng kapatid ko.

"Mas pogi kami!"

"Tama!"

"At ako ang pinakagwapo!"

"Ulol!" sabi ni kuya sabay batok kay King.

Mabuti na lang ay hindi nakaabot ang mga 'yon sa nagsasalita dahil nakangiting nagpatuloy lang siya sa sinasabi niya. "Now it is time for couples! At para mas masaya ay may tatanghalin tayo pagkatapos ng kanta na dalawang pair ng Mr. and Ms. Sugar!"

Nag 'boo' ang mga tao. Masyado na nga namang common. Ngumisi ang bokalista at pilit na pinatahimik ang mga tao. "Yeah, yeah, I know. Boring diba? Kaya magkakaroon ng twist sa ending. At dahil kakaiba ang twist na iyon ay winawarningan ko na ang mga couples na wala dapat killjoy. Sa end ng song ay may ipapabunot ako sa dalawang Mr. Sugar na gagawin nila sa kanilang mga Ms. Sugar. Game na ba?!"

Mukhang this time ay may mga ginanahang sumali. Nacu-curious siguro.

"Like OMG ang daming gwapo dito! I just wanna take them all and run away!"

"Share naman diyan Hillary! You're so damot talaga!"

Tinungga ko ang natitira sa Irish Car Bomb ko at bahagyang lumayo sa babaeng lumapit sa mini bar na kinasasandalan ko. Mabuti na lang at hindi niya nabangga ang kamay ko kundi tumapon ang laman ng inumin ko sa akin.

"I so wanna join that game Mimi!"

"Ako nga din eh!"

"Excuse me-"

Nilingon ko ang gwapong lalaki na lumapit sa akin. Siya iyong tipo ng lalaki na aware na aware sa kagwapuhan na taglay niya. Sa sobrang pagka-aware kulang na lang ay isulat niya iyon sa noo niya para malaman ng taong kaharap niya.

"Yes? Aayain mo akong sumayaw?" tanong ko.

Ngumisi siya ng nakakaloko. "Yes-"

"No thanks."

Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at itinuro ko ang isa sa dalawang babaeng conyo na nandito sa mini bar. "Sila na lang ang ayain mo."

Ibinalik ko na ang paningin ko sa dance floor. Hindi ako mahilig sumayaw kahit na sweet dance lang naman iyan.

Napakurap ako nang magtama ang mga mata namin ni King na palapit sa kinaroroonan ko. May pagkalito na dumaan sa mga mata niya. Pagkalito na alam ko na siyang rumehistro sa mga mata ko noon. Mapait na ngumiti ako at hinarap ko ang bar tender ng tuluyan na siyang makalapit.

Bakit? Dahil hindi ako ang nilapitan niya.

"Hi there, pretty. I'm King. Want to dance?"

"It's Hillary but I don't mind you calling me pretty because it's so totoo naman. And yes I would love to dance with you."

I imagined my heart asking me, Are you okay?

I don't know, you?

I don't know.

And you, brain?

I....don't know.

"Hey Miss IDK."

Nag-angat ako ng tingin. Ang nakangiting si Comet ang nabungaran ko. I can't help but stare at his sad eyes. Does it reflect mine too? Do we have the same eyes? Same expression? Same fate?

No. Maybe not. Dahil kung ano man ang problema nila na mag-asawa ay paniguradong malayo iyon sa pinagdadaanan ko. Dahil siya may karapatan siya. Ako wala.

"Let's dance."

"No thanks." tanggi ko.

"Don't worry, Kelly won't mind."

Hinila na niya ako papunta sa dance floor. Sinubukan kong kumawala pero hindi niya ako hinayaan. Dinala niya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa balikat niya. "The least we can do is enjoy the night, Zale."

"We'll just fool ourselves."

"It's better to pretend to be happy, at least someone will actually believe that you are really happy. In that way happiness will somehow exist in you. Even if you don't feel an ounce of it."

Siguro dahil narin sa kalungkutan na nararamdaman niya ay tuluyan ng bumigay ang puso ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Dahil kahit hindi namin masabi sa isa't-isa ang lahat pakiramdam ko ay nagkakaintindihan kami sa mga nangyayari sa amin. "S-Stupid song."

Ngumiti lang siya. Alam kong alam niya na hindi ang 'Hate That I love You' ni Rihanna at Ne-Yo ang totoong dahilan kahit pa nakakadagdag iyon dahil pakiramdam ko ay bato iyon na pumupukol sa akin. Sino bang malakas ang trip na namili nito?

That's how much I love you

That's how much I need you

And I can't stand you

Must everything you do

Make me wanna smile?

Can I not like it for awhile?

No...

Nilingon ko ang kinaroroonan ni King. Nakangiti siya sa babaeng halos ipalit na ang mukha sa mukha niya. Stupid song! Stupid...heart.

I didn't even asked for this. Ang daming tao na gustong mahanap ang mga taong mamahalin nila. Bakit hindi na lang sila ang pinana ni Kupido? Bakit hindi na lang ako nilubayan ng pag-ibig na yan? Kuntento na ako noon. Wala akong problema, walang iniintindi at hindi ako nasasaktan.

Hindi ako nasasaktan pero hindi din ako masaya. At ngayong naranasan ko na ang pag-ibig na sinasabi nila...naging masaya ba ako? Oo, siguro. Masayang magmahal pero ang laki ng katumbas no'n na sakit.

If only I can wrap love around my fingers and hide it inside a box, so it won't bother me anymore. If only love can be controlled.

But I hate it

You know exactly how to touch

So that I don't wanna fuss and fight no more

So I despise that I adore you

And I hate how much I love you boy

I can't stand how much I need you

And I hate how much I love you boy

But I just can't let you go

And I hate that I love you so..

Napatakip ako sa mga mata ko ng tumutok sa kinatatayuan namin ang nakakasilaw na liwanag. Ilang sandali ay nag dim naman iyon. Napatingin ako kay Comet ng mapansin kong nakatutok sa amin ang atensyon ng mga tao. "Look's like we are Mr and Ms Sugar, Zale."

"But-"

"As well as them."

Tinignan ko ang tinuro niya at kaagad na nag-iwas ako ng tingin ng makita kong nakatingin sa amin si King na siyang isa pang Mr. Sugar.

"Looks like we finally have our two pairs of Mr and Ms Sugar! Hey bros, come up here!"

Tinignan ako ni Comet at ngumiti. "You deserve to be happy, Zale. And when that time finally happens, I'll be cheering you on."

"What-"

Lumayo na siya sa akin at lumapit papunta sa stage kung saan nandoon na si King. May sinabi sa kanila ang bokalista. Nakita kong natigilan si King ngunit sumunod narin kay Comet ng bumaba na ito ng stage.

"Finally, the twist! Tenen! Mag i-i-switch ang dalawang Mr. Sugar! And to make this night memorable, I gave the two Mr Sugar a task."

Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit sa akin si King. Humakbang ako paatras ngunit nakalapit na siya at hinila ako.

"What are you doing?" I asked him.

"Fulfilling my task."

"W-What task?"

"This."

Animo isa akong kandila na itinulos sa kinatatayuan ko ng bigla na lang niya akong halikan. Rinig na rinig sa paligid namin ang sigawan ng mga tao. Unti-unting pumikit ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong magpatangay sa halik ni King.

And I hate that I love you so

Nanatiling magkalapit ang mga mukha namin ng maghiwalay ang aming mga labi. Kitang-kita ko sa mga mata ni King ang pagkalito. Humakbang siya paatras at pilit na ngumiti. "Task fulfilled."

And I hate how much I love you boy

But I just can't let you go


___________________End of Chapter 14.

Continua llegint

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
261K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
Life After You Per bea

Literatura romàntica

228K 7.8K 58
After ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617
473K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...