Midnight Memories

By GlassStone

618K 2.1K 79

The Montevera Series #1 Another chance to be love and be love...but there's catch. And this catch will be par... More

Midnight Memories
Clash
Chapter 1: Great Love
Chapter 3: Payback
Chapter 4: Never
Midnight Memories is on Dreame!

Chapter 2: Unexpected

25.6K 341 20
By GlassStone

*Ami's POV*

Kanina pa ako singhot ng singhot pagkatapos namin manood ni Isha at Apple ng She's Dating The Gangster, nabasa ko siya sa book at napnood ko din siya pero iba pa din ang tama ng story sa akin. TRUE LOVE and GREAT LOVE.

Kailan kaya ako magkakaroon nun?

Huminga ako ng malalim tsaka ko inabot ang Frappe ko. Huminga na ng malalim si Isha at tinignan ako ng masama. "Ate, iyak ka ng iyak. Tumigil ka na nga. Kahapon ang saya mo pa sa kasal nila Tita Gabbie ngayon umiiyak ka naman. Ate, bukas pa ang kasal ni Troy kaya bukas ka na umiyak"

Napatingin agad si Apple sa akin. Tinignan ko naman ng masama si Isha pero mukhang wala lang sa kanya yung pagtingin ko, gusto kong tapalan ng tissue ang bunganga ng babaeng ito pero mukhang wala lang sa kanya. Hinila lang niya ang suot niyang knitted shirt at umupo ng parang nasa bahay lang. Nakatali na medyo magulo ang buhok niya tapos ibinaba lang niya ng kaunti ang suot niyang black shades. 

Mukhang hindi sikat talaga pero ang mga lalaki ay lingon ng lingon sa kanya "Sama ako, ate ah. Gusto kasi kita makitang umiyak ng hard eh" tumawa pa ito tsaka hinila ang frappe niya. MUkha talaga siya walang pakielam sa tao sa paligid niya. Bigla na naman nag-vibrate ang cellphone nito pero hindi nito pinansin pero mukhang nairita na ito kaya kinamot muna niya ang buhok niya bago niya dinampot ang cellphone pero bago niya masagot iyon ay may lalaking umagaw nito. 

Nakasuot ng puting shirt at jeans na faded ang lalaki at mukhang model. Napatingin si Isha sa lalaki, napanganga ang pinsan ko pati kami ni Apple

"Zachary!"

"Never answer calls kung hindi lang din ako" nagbaba ito ng bagong iPhone sa lamesa namin tsaka walang salita na umalis dala ang cellphone ni Isha.Ang unang nakarecover sa amin ay si Apple, tumawa ito dahil sa nakita niyang mukha ni Isha.

"Ate, ikaw din."

Tumingin si Isha dito na mukahng shocked pa din sa nangyari "Anong ako din?"

"Nahulog sa bitag ng mga lalaki" humagikgik ito. 

Tumingin sa akin si Isha, nagkibit balikat na lang ako sa kanya. Mukhang kahit siya ay 'nahuli'  na din. Tinapik ko na lang ang balikat niya tsaka ko kinalabit ang kapatid ko at uuwi na kami. Gusto kong umuwi para makapaghanda man lang sa kasal ni Trixie at ni Troy bukas,

Hanggang sa sasakyan ay wala sa sarili si Isha, Gusto kong tanungin kung sino yung lalaki pero mukhang hindi niya ako masasagot ng matino kaya wag na lang, Lumingon ako sa kapatid ko at iniisip na sana bata na lang ako ulit para kung ano man yung pwede kong maramdaman kay Achilles ay hindi na lang mangyari kasi mahirap pala. 

Ang hirap na nagpapanggap ako na masaya para sa kanila ni Trixie pero deep in side ay para akong napapatay.

Huminga ako ng malalim. Talaga ngang destiny na lang namin ni Achilles ang ganito. Kung sana may taong katulad niya na pwede kong patayin na lang. 

**

Dinilat ko ang mata ko tumingin ako sa paligid ng kwarto ko, malamig at medyo madilim. Inabot ko ang iPhone ko at tinignan ang oras. It's 5 in the morning pero hindi ko nga alam kung talagang natulog ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako natulog dahil sa lungkot na mawawala na sa akin si Achilles. 

Umayos ako nang pagkakahiga ko. Inilagay ko ang kamay ko sa tiyan ko at tumingin sa bintana ng kwarto ko na natatakpan pa ng kurtina. Kung sana ay ordinaryong tao lang ako para hindi ko nararamdaman ito. 

Kung para sa mga tao, ang araw na ito ay isang ordinaryong araw, sa akin, ang araw na ito ay mawawala na ang mahal kong si Achilles. Talaga nga naman oh. 

3pm pa naman ang kasal pero hiniling ko na sana wag na lang dumating ang time na iyon.  Sa Batangas ang kasal nilang dalawa. Doon kasi sa Batangas nagkita ang dalawa, sa may Simbahan ng Batangas  at doon nila gusto magtapos ang pagsasama nila bilang BF-GF  kundi  bilang mag-asawa na. 

Pinilit kong tumayo mula sa kama. Ako kasi ang Maid-of-Honor ni Trixie at nakakaasar dahil kahit ayaw ko ay ako pa din ang gumawa ng gown na isusuot niya. Dinampot ko ang towel at pumasok ako sa loob ng banyo ko. 

Tumapat ako sa shower. Sabi nila kapag kasal daw, dapat masaya pero parang hindi ko kaya na maging masaya dahil nga sa ikakasal na si Achilles. Para nga hindi ko din kayang ngumiti dahil alam kong hindi naman totoo ang magiging ngiti ko. 

Matapos kong mag-shower ay agad kong pinack ang gamit ko. Nasa kotse na kagabi pa yung dress ko. Kasama ko si Isha at Apple, si Darren gustong sumama pero hindi siya pinayagan ni Inigo. 

Bumaba ako mula sa kwarto ko. nakita kong bukas na ang ilaw sa kusina, doon ay nakita ko si Mommy na inaasikaso si Apple at Isha. Bumalik na kasi si Tita Aileen at Tito James sa Singapore, next week pa plano na umuwi ni Isha doon. Si Apple naman at sila Mommy ay babalik ng Australia next week din. Ibig sabihin ay solo na naman ang buhay ko. 

Siguro sasama na lang ako pabalik sa kanila para masaya na ako. Baka matagpuan ko ang moving on na word sa Australia. 

Napalingon sa akin si Mommy. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. Hinayaan lang niya ako pero alam kong nagtataka siya. nGusto ko sa tabi lang ni Mommy kasi parang ang safe ko at naiintindihan niya ako. 

"Ate, wag ka na magdrama. Due date na iyan ngayon. Bukas move on na" 

Napatingin ako kay Apple tapos hinayaan ko lang na bumagsak yung luha sa mata ko. Doon lang ako hinarap ni Mommy. Pinunasan niya ang luha sa mata ko 

"Sama ka na sa amin pabalik ng Australia anak. Kung gusto mo ipasok ka namin ng Daddy mo sa ANTL (Australia Next Top Line) tapos madaming kaibigan si Inigo doon na medyo mas matanda naman sa kanya. " 

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko kay Mommy "Mommy, nafriend zone ako" yumakap ako lalo sa kanya at parang bata na iyak ng iyak sa kanya. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Mommy sa akin. 

Huminga ako ng malalim. Mukha akong tanga na iyak ng iyak dito samantalang yung taong iniiyakan ko hindi man lang nga niya alam na mahal ko siya. Kakaloko talaga ng detiny, kung kailan nagmahal ka ng totoo tsaka naman nagkaroon ng disaster. 

Lumayo ako kay Mommy at pinunasan ang luha ko. Tama ang kapatid  ko, due date na ngayon ng drama ko. Bukas, bagong Ami na ang makikilala nila. 

Umupo ako sa tabi ni Apple, s Isha ay nakatingin lang sa akin. Mukhang naaawa din ang isang ito sa akin pero hindi ko gustong kaawaan ako dahil iyon ang ayoko. 

 Nagsimula kaming kumain habang sila ay salita lang ng salita. Mabilis lang ang naging kilos namin. Kay Mommy nga lang ako nakapag-paalam dahil tulog pa daw si daddy at ang mga kapatid kong lalaki. 

Pagdating ng Batangas ay nakaramdam na ako ng takot dahil alam kong ilang oras na lang at mawawala na sa akin si Achilles. Huminga ako ng malalim pagbaba sa rest house nila Trixie, may mga nakaparada na ding sasakyan doon. Bumaba kami at sinalubong kami ni Tita Heide, ang mama ni Trixie. 

"Anastacia!" humalik siya sa pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang pag-akbay sa akin ni Isha, alam kong nakikisimpatya siya sa akin. 

"Oh! Are you the Isabelle of My World Station of Singapore?"

Tumingin ako kay Isha, tumango ang pinsan ko. Ano ba yan, hanggang dito ba naman ay abot ang pagiging sikat niya. Ngumiti ang pinsan ko sa kanya 

"Pwede bang ikaw na lang ang host ng program mamaya? Well, kung okay lang sa iyo..." tumingin sa akin si Tita Heide "..hindi naman kasi nasabi ni Trixie na pinsan ka ni Anastacia"

"Sige po, willing naman po ako eh" tinignan ko si Isha, siraulo din ang isang ito. Talagang pinapangalandakan ang pag-move on ko. 

"Really? Oh! Thank you. Tara pasok muna kayo sa loob" pumasok kami sa loob ng rest house nila Trixie, medyo malawak ang bakuran at nagkakagulo ang mga tao. Alam ko na kung bakit doon gaganapin ang reception ng kasal dahil sa sobrang ganda ng garden nila at malilim pa. Iginala ko ang tingin ko at nakita kong handang-handa na. 

Naka-set na ang mga tables at ang props para sa kasal nila. nandoon na din ang catering. Dumiretso kami sa loob ng bahay, medyo spanish style ang bahay kaya ang gandang tignan mula sa labas. Abala na din ang mga ilang bisita sa pag-aayos ng sarili nila kahit medyo maaga pa. 

Dinala kami ni Tita Heide sa kwarto kung saan kami pwede mag-stay muna. Iniwan ko doon sila Apple at Isha. Si Isha naman ay hinanap ang program para sa mismong wedding. At ako naman ay pumunta sa kwarto ni Trixie dahil hinahanap daw ako. 

Kumatok muna ako bago ako nakarinig ng salita

"Pasok"

Pagpasok ko ay nakita ko si Trxie na nakaupo sa harap ng bintana ng kwarto niya. Wala pa yung taga-ayos niya pero nakahanda na ang gown niya.

"Sis.." tawag ko sa kanya. Lumingon siya. Pagharap niya ay nakita kong namumugto ang mga mata niya. Teka, ano ang nangyari? nag-away ba sila ni Achilles. Agad ko siyang nilapitan. 

"Nag-away ba kayo?" 

Umiling siya tsaka pinunasan ang luha sa mga mata niya. Ngumiti siya sa akin pero malungkot yung ngiti niya tsaka siya ulit tumanaw sa labas ng bintana "Ang ganda ng lahat. Ikakasal na ako pero..." humikbi siya tsaka muling pinunasan ang luha sa mata niya "...pero..argh! Mali. Hindi ako dapat ganito" hinarap ko siya sa akin kasi kahit ako ay naguguluhan sa aksyon niya.

"Tell me. What's wrong?"

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko "He's back"

Napatitig ako ng matagal sa kanya,. Alam ko ang tinutukoy niya. Si Enrique, ang boyfriend niya since High School hanggang College at naghiwalay lang sila noong kinailangan ni Enrique na pumunta sa Canada para matapos ang MBA. Ayaw ni Trixie kaya nakipaghiwalay siya kay Enrique and that's when she met Achilles. Sa loob ng simbahan ng batangas kung saan sila ikakasal.

"Ang bobo ko...pero...pero...mahal ko pa din siya, sis. Ano ang gagawin ko?"

Hindi ko alam. Kasi hindi ko alam ang dapat ipayo sa kanya. Mali na mahalin pa din niya si enrique, mali dahil sila ni Achilles ang ikakasal. 

"Mali yan"

"Alam ko pero sabi ni Enrique mahal pa din niya ako. Ami, natatakot ako. Natatakot akong ma-disappoint sila MOmmy at Daddy"

Tinignan ko siya ng matagal kasi hindi ko din ang alam ang dapat gawin. Magsasalita na sana ako ng pumasok sa loob si Tita Heide at ang dalawang babae, siguro iyon ang mag-aayos kay Trixie

"Baby girl. Why?"

Tumingin muna sa akin si Trixie bago humarap sa Mommy niya "Wala po"

Yumakap si Tita Heide sa kanya "Proud ako sa iyo, anak. And this day will be the best day of your life"

Lumabas na ako ng kwarto dahil ayokong makita ang mga dapat makita. Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto at nag-ayos na lang din ng sarili ko. Inayusan ko din si Apple at si Isha. Mabuti na lang at may dalang dress si Isha at ganoon din si Apple. isinuot ko ang sarili kong design na damit. Halter cocktale dress. 

"Yepuda!"

Lumingion ako kay Apple "Ano?"

"Pretty! You're so pretty, ate" kinuha nito ang cellphone at tinapat sa akin tsaka ako kinuhaan ng larawan "Sabi ni Mommy dapat daw picture-an kita kasi ang Sebastian Girls, deserves nothing but the best. We don't need to beg for love or whatsoever because we have everything in life"

Nakinig lang ako s akanya. Tama siya. Mula pagkabata ko pinaramdam na ng Mommy at daddy ko na pwede namin makuha ang lahat basta paghirapan at kahit hindi nga minsan basta nakikita nila ang effort namin. 

"So, cheer up, ate. Maraming guy diyan" kumindat sa akin si Isha. Tama siya--sila.

**

Pagdating sa Simbahan ng 2:30 ay agad kong nakita si Achilles, ang gwapo niya sa suot niyang itim na suit. Nakasuot pa siya ng kanyang shades na itim napansin niya sigurong may nakatingin siya kaya hinanap niya at namataan niyang nakatingin ako sa kanya. Agad siyang tumakbo palapit sa akin. 

Halos mahigit ko ang hininga ko nang makita ko siya ng malapitan at maamoy, ang bango-bango niya. 

Ngumiti ako "C..congrats"

Ngumisi si Achilles at iyon na ata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko "Thanks. Gwapo na ba ako?" tanong niya. 

Words are not enough to describe you, honey. Yan sana ang gusto ko sabihin sa kanya kasi sobrang gwapo niya pero hindi ako dapat magsabi nun dahil wala akong karapatan. Tumango na lang ako "You're so pretty today, Ami" ngumiti siya sa akin. At parang nagkagulo ang alaga kong paro-paro sa tiyan. Ngumiti na lang ako sa kanya

"T..thanks"

Huminga siya ng malalim "I can't believe na darating ang araw na ito. I'm so excited and nervous at the same time. Finally! She'll be mine, forever"

Tinitigan ko ang mukha niya at sana ako na lang yung babaeng sinasabihan niya ng ganoon. Sana ako na lang yung makakarinig nun. Nagbabantang bumagsak ang luha sa mata ko kaya tumawa ako sa kanya pero alam kong walang buhay yung tawa ko "Ikaw naman excited ka masyado"

Nagkibit-balikat siya. Lingon siya ng lingon, talagang kinakabahan siya at excited. Sana ako na lang si Trixie na papaksalan niya. 

Umayos na ang mga tao pagsapit ng alas tres.Pero parang nagkakaroon ng gulo. Narinig ko sa bulungan na nawawala daw si Trixie, meron naman nagsasabi na may kumuha daw na lalaki kay Trixie on the way dito. Kumunot ang noo ko. Nakita ko din na parang naging balisa si Achilles. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Trixie pumuwesto ako sa tahimik na parte ng simbahan dahil nagkakagulo na, ilang ring pa bago siya sumagot

"Asaan ka na?"

Narinig ko ang hikbi niya sa kabilang linya "I'm sorry, Ami. Pero si Enrique pa din ang mahal ko. I'm sorry" agad nitong binaba ang cellphone. Nanlamig ako sa sinabi niya. Anong kalokohan ito? Joke ba iyon?

Muli ko siyang tinawagan at sumagot naman siya, mukhang ako lang ang sinasagot niya "Trixie! Joke ba ito? kasi kung joke, hindi ito maganda. Anong mahal mo pa din si Enrique. Ikakasal ka na!"

"I'm sorry. Hindi ko kayo mahaharap ngayon. Best, kasama ko si Enrique at siya ang pinipili ko"

"Si Troy! Paano si Troy?"

"Asked for his forgiveness"

"Trixie, itigil mo na ito. oo, sinabi mo sa akin kanina na bumalik na siya at mahal mo pa din siya but please don't be stupid!"

"I'm really sorry"

"Sorry?--" napalingon ako bigla ng may humablot sa cellphone ko. Nakita ko si Achilles na nasa likuran ko at matiim ang tingin sa akin. 

"Trixie...you made me fool....no, trixie, you'll pay for this sh!t" agad nitong binaba ang cellphone at ibinalik sa akin. Masama ang tingin niya sa akin "Alam mo?"

Dahan-dahan akong tumango pero hindi ko naman alam na gusto niyang mag-back out sa kasal "P..pero--"

"D@mn it. Alam mo?"

"Oo! Pero hindi ko alam na gusto niyang itigil ang kasal niyo"

Ngumisi si Achilles at nakita ko ang galit sa mga mata niya "Ikaw ang best friend. Napahiya ako sa mga tao! Ikaw ang magbabayad nito!" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa harap ng mga bisita

"Every one, meet my new wife, Anastacia Sebastian" at walang kaabog-abog na hinarap niya ako at hinalikan sa labi. Fvck sh!t!

 

Continue Reading

You'll Also Like

3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
12.2M 186K 31
Agatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpap...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
8.5K 362 48
Isang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dal...