The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 168K 79.8K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 1 : The Crimson Ripper
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 5 : Play my game
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 13 : Bloodshot eyes
Chapter 14 : Pointing fingers
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 30 : She who cried murder
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 33 : Haywire
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 3 : And then there was him

148K 5.6K 4.4K
By Serialsleeper

3. 

And then there was him

Tammy

"Joy?! Joy nasaan ka?!"

"Joy Madriga?l! Joy Madrigal?!"

"Joy sumagot ka!"

Pagod na pagod na kaming lahat sa kahahanap pero hindi kami tumitigil sa pagsuyod ng kagubatan. Sumikat na ang araw at tuluyang lumiwanag ang paligid, marami na kaming naghahanap, tinutulungan narin kami ng mga pulis at iba pang volunteers pero wala parin kaming Joy na nahahanap o kahit na anong bakas mula sa kanya.

"Itigil na natin ang paghahanap." Biglang may nag-anunsyo sa pamamagitan ng isang megaphone kaya agad namin siyang nilapitan.

Si Chief Toralba pala. Siya ang Chief of Police dito sa lungsod ng Crimson Lake at siya ring papa  ng kaibigan naming si Tessa.

"Papa please hanapin pa natin siya." Pagmamakaawa ni Tessa na namumugto na ang mga mata kakaiyak. Palibhasa, silang dalawa ni Joy ang pinakamalapit sa isa't-isa.

"'Wag kayong mag-alala, Malaki ang posibilidad na walang nangyaring masama sa kanya." Kalmado niyang giit at isa-isa kaming tiningnan na para bang siguradong-sigurado siya.

"Walang nangyaring masama?" Sarcastic na sambit ni Jerome, "You didnt hear her scream. You didnt hear her cry for help. Paano niyo nasasabing okay lang siya?" Dagdag pa nito at napasinghal na lamang.

Napabuntong-hininga ang matandang pulis, alam kong naiinis siya samin at itinatago niya lang ito.

"We just talked to her parents. It turns out, wala na ang karamihan sa mga damit at gamit sa kwarto niya. Nakatanggap raw ang mga magulang niya ng mensahe mula sa kanya kaninang madaling araw, naglayas raw ito at luluwas muna ng maynila upang makalimot. Babalik lang daw ang kaibigan niyo pag nakapag-isip na siya." Paliwanag ni Chief Toralba kaya nagkatinginan kaming lahat sa gulat.

Joy and I werent close. We werent even classmates at ni hindi ko na nga maalala paano kami nagkakilala pero hindi parin ako kumbinsido na siya ang tipo ng tao na basta-basta nalang nawawala.

"So ganun nalang 'yon?! Titigil na kayo sa paghahanap sa kanya?!" Bulalas ko.

"Tammy may punto si Chief, paano kung nagsasayang lang tayo ng oras?" Sabi pa ni Tyler.

"Pero paano kung may foul play?" Giit ko.

"Foul play? Anong ibig mong sabihin Tammy?" Tanong ni Dustin na mistulang nahimasmasan na sa kalasingan. But seeing the freaked out look on his face held back my desire to stand for my theory. Sasabihin ko sana ang tungkol sa missing poster pero hindi ako dapat maging makasarili.

Kilala ko si Dustin, oras na matakot siya, magiging praning siya. At oras na maging praning siya, naapektohan nito ang araw-araw na takbo ng buhay niya. He might seem crazy and happy but I know the real Dustin, he's fragile.

"Nevermind." Umiling-iling na lamang ako.

"Umuwi na kasi kayo." Giit pa ulit ni Chief Toralba kaya imbes na makipagtalo ay sumunod na lamang ako. 

Ano pang magagawa ko, kumbinsido na silang lahat?

Magmumukha lang akong tanga pag ipinagpilitan ko ang teyorya ko. Kailangan ko munang maghanap ng proweba.

******

 "Talaga siya yung witness ng murder?"

"Sabi nga muntik narin daw siyang ma-rape buti nalang dumating ang kapatid niya."

"Ha? Akala ko ba boyfriend niya ang nagligtas sa kanya?"

"Kapatid daw eh. Sabi pa nga nag-ala Jackie Chan daw siya para maigligtas si Tammy."

Naririnig ko ang bulung-bulungan ng bawat estudyanteng dumadaan sa likod ko pero hindi na lamang ako lumilingon at nagbibingi-bingihan nalang. Ang simpleng kwento ko noong nakaraang araw ay nabigyan ng maraming interpretasyon at nadagdagan pa ng kung ano-ano dahil narin sa mga chismosang nagkalat sa paligid.

Kung tutuusin, mas pinag-uusapan pa ang kwento ko tungkol sa taong nakapulang raincoat kesa sa pagkawala ni Joy dalawang araw na ang nakakaraan. Nakakainis, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.

"Good Morning Tamara!" Salubong sa akin ni Quinn at gaya ng nakagawian, umang-umaga pa lang ay may dala-dala na siyang smoothie mula sa canteen. Di niya alintana kahit marami siyang bitbit na libro.

"Nice Diet?" Sarcastic kong sambit at agad na napakapit sa braso niya.

"Can't help it Tams. This Smoothie was begging for me to buy him." Taas noo niyang sambit at itinapat sa mukha ko ang smoothie kaya agad akong sumipsip mula sa straw.

"Ubusin mo na nga 'yan. Baka makita 'yan ni Milky, mamaya mauna pa niya yang maubos kesa sayo." Biro ko habang pinipunasan ang labi ko.

"Speaking of our perlas-less friend. Hintayin daw natin siya dito sa lobby. Lets go sit beside your brother." Masiglang sambit ni Quinn at dali-dali akong hinila papunta sa bench kung saan parating nakatambay ang kapatid ko at ang dalawang mokong niyang kaibigan.

See my Brother Dustin have this two friends named Ponzi and Ford. They are still in senior highschool samantalang kami naman ay nasa college pero hindi ito hadlang para maging magkakaibigan kami.

Unfortunately, ang tatlong ugok na 'yan ay walang ibang ginawa kundi manggulo ng mga nananahimik na estudyante. They are not bullies, siguro perverts ganun. Gaya ngayon. Usual tambayan nila ang  bench na malapit sa hagdan. They love hanging out there kasi sabi nga ni Dustin, isang tingala mo lang, langit na daw ang makikita mo. And by langit, I mean ang mga babaeng estudyanteng hindi nagsusuot ng shorts sa loob ng mga skirts nila. So ang tendency, sa tuwing may babaeng bumababa ng hagdan, eh kita talaga nila. Makailang-ulit ko ng pinigilan si Dustin at ang mga kabarkada niya kaso ayaw nila akong pakinggan at sa halip ay bina-blackmail niya lang ako sa parents namin kaya no choice ako kundi kunsintihin nalang ang kalokohan niya no matter how much I want to punch his throat.

"Pink!" Sigaw ni Dustin.

"Hinde Bok! Pustahan color white yan!" Giit naman ni Ford.

"Paano kung transparent?!" Kunot-noong sambit ni Ponzi kaya hindi namin mapigilan ni Quinn na matawa sa narinig.

"Transparent? May underwear bang ganun?" Tanong ni Dustin at agad na napatingin sa amin ni Quinn. "Quinn nagsusuot ka ba ng transparent underwear? Wala naman yatang transparent si Tammy eh!" Dagdag pa ni Dustin kaya muntikan akong mabilaukan sa smoothie na pinagsasaluhan namin.

Mga lokong 'to, nagpupustahan pa kung ano ang kulay ng underwear ng babaeng masisilipan nila.

"Pre tahimik! May pababa na yatang chik!" Giit ni Ford habang nakatingala sa tuktok ng hagdan kaya agad natahimik ang dalawa pang ugok at napatingala din. Papa God, please bigyan mo po ako ng sapat na pasensya upang wag mabigwasan ang tatlong 'to.

"Oh Come on, Tammy. This seems fun. Bilis anong color, pustahan din tayo." Giit ni Quinn na abot tenga ang ngiti.

"Quinn naman  'wag na tayong makisali diyan." Giit ko din kaso agad niya akong sinamaan ng tingin. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Okay fine. Green." Napangiwi ako. Hindi ko talaga matiis ang bestfriend ko.

"Ayan na pre! May paparating na!" Sabik na sabik na si Ponzi na abot tenga din ang ngiti habang niyuyugyog ang likuran ng mga kaibigan niya.

Ilang sandali pa ay natahamik kaming lahat nang makita namin kung sino ang kasalukuyang bumababa ng hagdan. Sa sobrang gulat ko ay agad akong napayuko at napapikit. Traumatic image. Mind erase it please. Masyadong ma-umbok at mabuhok ang nakita ko. yuck yuck yuck.

"Friends! Nandiyan lang pala kayo!" Umalingawngaw ang tili ni Milky nang tuluyan siyang makarating sa kinauupuan namin. Gaya ng dati tadtad parin ng make-up ang mukha niya, natalbugan pa nga kami ng mga girls. At gaya ng dati, nakasuot parin siya ng mini-skirt.

Otomatiko ang napatingin kay Dustin at sa mga kabarkada niyang ngayon ay putlang-putla na.

"Pre, Santol. Santol ang nakita ko." Nauutal na sambit ni Ponzi na nanginginig ang mga labi.

"Bobo talong yata." Giit naman ni Dustin habang nakangiwi. Samantalang si Ford, hayun, hindi makapagsalita habang nakahawak lang sa dibdib niya. Na-trauma tong mga ugok nato for sure. 

"Anyare?!" Tanong ni Milky sabay labas ng dila niya at high-pitch pa sa pagsigaw.

"We saw hell." Tipid kong sambit. And yes, i'm pertaining to what we saw under his skirt.

"Very hairy hell. Sinong mag-aakalang mabuhok ang impyerno." Sabi pa ni Quinn na hindi rin mahitsura ang mukha dahil sa pandidiri at parang naduduwal pa.

"Oh." Taas noo na ngumiti si Milky. Wala siyang kaide-deya sa ibig saming sabihin o sa nakita namin. Gaya ng nakagawian, ibinaling niya agad ang paningin sa tatlong ugok.

"Hi boys!" Ngumiti ng ubod ng lapad si Milky at nag-flying kiss pa kaya agad na kumaripas ng takbo ang tatlo. 

"Milky what the hell are you wearing?" Biro ko habang naglalakad na kami patungo sa kanya-kanya naming classroom.

"Its a designer skirt. And besides it suits my legs. Wanna see?" Pagmamalaki niya kaya napangiwi na lamang kami ni Quinn lalo. Milky's mom is powerful. Lahat na yata ng gusto ni Milky ay nakukuha niya dahil dito. I envy him--her pala.

Matapos makapasok sina Milky at Quinn sa kani-kanilang mga classroom ay dali-dali akong nagtungo sa locker area dahil alam kong ito ang tamang oras para mag-imbestiga lalong-lalo na't umaga pa at karamihan sa mga estudyante ay nasa kani-kanilang classroom.

See I decided, i'm not going down without a fight.

I'll stand for what I believe in. Naniniwala ako sa teyorya kong hindi lang isang simpleng pagkawala ang nangyari kay Joy at maghahanap ako ng proweba para paniwalaan ako ng lahat.

This mystery will be a piece of cake at mahuhuli ang may kasalanan.

"There you are." Napangisi ako nang mahanap ko ang locker ni Joy kaya agad kong kinuha ang hairpin na nakaipit sa mahaba kong buhok. Di bale ng ma-gulo tong bangs ko, desperada na ako eh.

"Do you really think hairpin would do that?" Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may tumabi sa aking isang lalaki at gaya ko ay nakatitig din siya sa padlock ng locker.

"Ah-eh." Napalunok ako and for the first time, I was at loss for words. Sobrang lapit ng ulo namin sa isa't-isa kaya dali-dali akong tumayo ng maayos at pinilit ang sarili kong ngumiti.

Tiningnan ko ang mukha niya. Hindi ko siya kilala, sa katunayan hindi familiar ang mukha niya. New Student ba siya dito?

"Do you really want to open this locker?" Walang kaemo-emosyon niyang sambit.

Nag-aalangan man, tumango na lamang ako. Siguro new student nga talaga ang lalaking 'to.

"O-oo, naiwan kasi sa bahay ang susi ko." Nauutal kong sambit at tumango-tango naman siya. Walang ano-ano'y bigla na lamang niyang siniko ng napakalakas ang locker kaya tuluyang nasira ang lock lever nito.

Naiwan akong nakanganga habang nakatitig sa siko niya. Isang beses niya lang sinubukan pero nasira niya agad ito. Hindi ba siya nasaktan?

"Its open. Dont just stand there." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako kahit na gulat na gulat parin.

"Anong ginawa niyo sa locker ni Joy?!"

Lalo akong nagulat nang narinig kong may sumigaw mula sa likuran namin at nang lingunin ko ito ay tumambad ang galit na mukha ni Mr. Monterror este, Montero. 

"Teka, locker mo ba 'to?" Wika ng lalaking tumulong sakin kaya ngumiti na lamang ako ng pilit at umiling-iling kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.

Alam kong sa Guidance office ang kahahantungan namin nito kaya bago pa man ito mangyari ay dali-dali kong tiningnan ang loob ng locker at kinuha ang nag-iisang laman nito--Isang kulay puting sobre.

*****

"Ms. Consulacion! I expected more from you!" Bulyaw ni Mr. Monterror sabay himas ng ulo niyang pagkakinis-kinis. 

"Sorry po." Iniyuko ko na lamang ang ulo ko. Nakakainis, madudumihan na yata talaga ang spotless record ko.

"And as for you Mr. Kirk Deverra, kabago-bago mo pa lang dito, gumagawa ka na ng kalokohan!" Bulyaw naman niya ulit sa lalaking tumulong sakin confirming that he really is a transferee. Nakakakonsensya, nadamay tuloy siya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Mr. Monterror kaya kinailangan niyang lumabas. Naiwan kaming dalawa nitong si Kirk sa loob ng office and I must say, this is really really awkward lalo na't ang sama ng tingin niya sakin.

"Sorry." Ngumiti na lamang ako sa kanya at nag-peace sign.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa kanya. Mukha kasi siyang siga at basagulero dahil sa peircing na nasa kaliwa niyang tenga at buhok niyang animo'y hindi sinuklayan.

"Nandamay ka pa." Walang emosyon niyang sambit at inisnaban pa ako.

"Teka, sinabi ko ba sayong sirain mo ang locker?!" Giit ko.

"Sa tingin mo kaya kong buksan ang locker na yon sa pamamagitan ng pagsira lang sa padlock? Ano ako superman?!" Aniya kaya napangiwi na lamang ako sa inis. Nadamay pa si Superman. “Tamara Consulacion? Tss, ikaw pala ang nasa video.” Dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napasandal sa kinauupuan ko.

Walang saysay kung makikipagtalo pa ako dito kay Kirk dahil alam kong ako naman talaga ang may kasalanan at nadamay lang talaga siya dahil sa pagtulong sakin kaya kinuha ko na lamang ang sobre mula sa bulsa ko at tiningnan ang laman nito.

Isang papel na kulay itim at may nakasulat ditong mga kataga sa pamamagitan ng kulay pulang tinta.

" Joy to the world, pain has begun,

Let her receive the pain she deserves,

Ler her break and rip to shreds,

Let her vanish from their sight.

Let her die from fright.

They will hear your yelp for help

But only the timber will see you dismember."

"Anong sabi mo?" Mahinang sambit ni Kirk kaya agad akong umiling-iling. Hindi ko namalayang nabigkas ko pala ang mga katagang binasa ko.

Nakakakilabot. Wala akong ibang nararamdaman habang binabasa ito kundi kilabot at lito. Death threat ba to? Ito na ba ang prowebang hinahanap ko para maniwala sila?

Bigla na lamang inagaw ni Kirk mula sakin ang hawak kong papel pero bago ko pa man maagaw ito ay bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng tila ba isang matandang lalaking takot na takot. Saglit kaming nagkatinginan ni Kirk at sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nagtatakbo palabas kasabay si Kirk.

Takbo ako ng takbo hanggang sa maaninag ko ang kumpulan ng mga guwardya at maintenance staff sa likurang bahagi ng campus. Para silang takot na takot habang nakaharap sa isang malaking hukay kaya dali-dali akong nagtungo roon.

“Oh my God!”

Parang nanlambot ang mga paa ko sa takot at hindi na ako nakakilos pa. Napatakip na lamang ako sa bibig ko nang makita ang isang duguang babae na nakahiga sa hukay.

Duguan man at napakarumi dahil sa lupang pinagbaunan ay nagawa ko paring makita ang kadenang nakatali sa leeg niya pero labis akong natakot nang makita ko ang dibdib niyang may malaking wakwak.

Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakakita ng ganito kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong masuka at maiyak dahil sa labis na pandidiri.

Sa di malamang dahilan ay muli akong napatingin sa bangkay at tuluyan akong bumagsak sa kinatatayuan nang mapagtanto kong ang suot niyang damit ay uniform ng mga camp counselors—Ang damit na nakita kong huling suot ni Joy bago siya mawala.

“Wakwak ang dibdib at tinanggalan ng puso, sinakal ng kadena, dinukot ang mga mata.” Narinig kong nagsalita si Kirk na nakatayo lang pala sa likuran ko kaya napatingala ako sa kanya kahit pa nanginginig parin ako sa takot.

“Ano?” Halos walang lumabas na salita mula sa labi ko, pawang hangin lang.

“Nagkatotoo ang sinabi mo.” Aniya kaya muli akong napatitig sa bangkay ni Joy at napaiyak na lamang lalo dahil masakit mang aminin, tama siya.

END OF CHAPTER THREE

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Continue Reading

You'll Also Like

82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
872K 69.3K 76
An Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally li...
12.6K 1.1K 20
Do you know what is the hardest thing in this world? TO LIVE IN IT. Life is full of struggles that no one can escape. How can we? That's the question...
Please Find Me By bambi

Mystery / Thriller

1.9M 101K 41
(FHS #4) Tired of running away from her nightmares, Kirsten returns to Filimon Heights to make peace and start anew. Little does she know, returning...