Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter forty four

881 16 1
By topally

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at nag tuloy ng maglakad pababa ng hagdan. Napatunhay ako mula sa pag kakatingin ko sa sahig ng maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin at marinig ang buhos ng ulan. Muli akong natigilan sa paglakad at sandaling napatingin sa madilim na kalangitan.

Bakit pakiramdam ko nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko? Kahit na hindi ko naman 'to dapat nararamdaman..

"Anong tinitingin tingin mo diyan" Nabalik ang tingin ko sa harapan ko ng makita ko si Dace na papaakyat ng hagdan habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay.

Umiling iling nalang ako at nagpatuloy na sa paglakad. "Siya nga pala, hinahanap ka ng kaibigan mo." Napalingon naman ako sakanya.

"Sinong kaibigan?"

Nagkibit balikat naman ito. "Hindi ko alam pangalan niya, eh." Nice.

"Ano nalang itsura?" Tanong ko.

Napatingin ito sa itaas na para bang nag iisip. "Kulay greyish blonde ang buhok niya." Sagot nito. Greyish blonde? Parang wala naman akong kaibigan na ganun ang buhok? Lumingon ito sa likod at may tinuro sa 'di kalayuan. "Nasa pangalawang kubo siya kung nasaan yung iba mo pang kaibigan." Turo niya.

Dahil sa pagka-curious, agad na akong nag punta sa pangalawang kubo na tinuro ni Dace saakin kung nasaan sila Valie at yung 'greyish blonde' na sinasabi niya. Pagkarating ko doon, nakita ko sila Valie, Polo, Jaydy, Les at Yiko na mga nag yoyosi at nag kwe kwentuhan. Pansin ko rin na may pinalilibutan ang mga 'to. Pumasok na ako sa loob ng kubo at nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha.


"Adlee!" Natutuwa kong banggit sa pangalan niya kaya naman napatingin silang lahat saakin.

"Oh, see! Sabi sainyo kilala ko si Mikee, eh." Sabi niya at tumayo na sa kinauupuan niya at nag punta saakin sabay salubong ng yakap.

Kaagad din kaming kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

Inaya ko siya papasok ng kubo dahil sa lakas ng ulan sa laban at medyo umaanggi anggi pa 'to.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo na dito ako mag iis-stay ng mahigit isang linggo?" Napailing naman ako.

Alam ko lang na same lang kami ng pupuntahang lugar pero sa dami ba naman ng Resort dito hindi ko alam na parehas lang pala kami ng pupuntahan. Syaka ever since lumanding ang eroplano hindi ko alam kung saan ang destinasyon namin. Parang buhay ko, hindi ko alam kung saan papunta.

"Isang linggo kang mag-iis-stay dito? Sino naman ang kasama mo?" Sunod sunod kong tanong sakanya.

"Wala akong kasama. I really enjoy travelling alone. Syaka maraming nag sasabi na maganda ang lugar na 'to for you to have peace of mind. Kaya nag punta ako dito ng mag isa." Sagot naman niya.

Tumango tango ako at nakita kong nakatingin lang saamin sila Valie na may pagtataka sa mga mukha nila. "Oh, by the way. These are my friends. Va—" Bigla nalang akong nahinto sa pag papakilala sakanila ng magsalita si Adlee.

"Yas, girl I know them!" Matinis na tonong sabi niya at unang tinuro si Valie na katabi niya. "She's Valie, then Yiko, Polo, Jaydy and Les." Sunod sunod niyang sabi.

"Ayos ah. Nag memory plus ka ba?" Si Les.

"Nope. Mabilis lang talaga akong makatanda." Sabay ngiti nito.

Napatingin naman ako kay Valie na siyang nag salita pero pabulong lang. "Sino ba siya?" Sabay tingin nito kay Adlee.

Sumagot din ako ng pabulong. "Mamaya ko kwento." Nawala ang pag uusap namin ni Adlee ng humarap ito saakin.

"Anyway, Mikee. I bumped into Dace a while ago at the lobby. Kaya nakasisiguro akong nandito ka rin. I asked him pero ini-snob lang niya ako. Ganun ba talaga 'yon kasungit?"

Oo snob naman talaga yung kupal na 'yon. Lalong lalo na kapag unang pagkikita niyo palang at hindi ka pa niya kilala. Ituturing ka niyang parang hangin na dumaan lang.

Napakinit balikat nalang ako. "Ewan ko. Hayaan mo. Kengkoy din talaga minsan 'yon." Sagot ko at napatawa. Ako din natawa sa sinabi ko eh. Saan ko naman nakuha yung kengkoy? Ang dami ko ng tawag kay Dace, huh?

"Hindi ah. Ayos nga kasama, eh." Sabi ni Polo at humithit sa sigarilyo niya.

"Ha? Bakit? Nakasama niyo na?" Tanong ko. Aba nga naman. Talagang nakikisama na sa mga kaibigan ko, ah? Akala ko kasi male-left out siya eh.

"Oo, nang hingi pa nga ng yosi at nakisamang manigarilyo saamin." Sagot ni Les.

"Baliw, hindi naninigarilyo 'yon!" Sinabayan nga lang niya ako noon pero simula't sapul hindi naman talaga siya smoker.

"Oo nga nang hingi siya kanina. Parang si brader lang noon. Akala namin hindi marunong makihalubilo sabay ayos din pala kasama." Hay nako, kahit kailan ka talaga Jaydy.

"Brader? May kapatid kang lalake?" Tanong saakin ni Adlee. Napailing iling naman ako.

"Si Ki—" Malakas na hampas sa balikat ang ginawa ko kay Valie ng marinig kong sasabihin niya na ang pangalan ni Kijan.

Nilakihan ko ng mga mata si Valie at saka nag salita. "Tawag na pala tayo nila Mommy sa Dinning area. Kakain na daw." Nakangiting pilit na sabi ko habang nakahawak padin sa balikat niya. Tumango tango naman si Valie at satingin ko ay gets niya ang ibig kong sabihin kaya binitawan ko na.

"Tara, tara! Gutom nadin ako, eh." Aya nilang apat at mga nangunguna pang lumabas ng kubo. Nagulat nalang ako ng makita kong may mga dalang payong ang mga hinayupak 'to. Aba? Hindi ako na inform na advance pala silang mag isip.

Bumulong ako kay Valie habang hinihimas himas ang balikat niyang hinampas ko kanina. "Sorry, sorry." Paulit ulit kong sabi ng mahina.

Umirap lang siya saakin sabay thumbs up na. Kaya parehas kaming napangiti. Kinuha niya na ang payong niya sa isang gilid at bago 'to buksan, lumingon siya saakin.

"May payong ba kayo?" Tanong ni Valie saamin ni Adlee na ngayong nananatiling nakatayo.

Umiling naman ako. "Wala nga, eh." Sagot ko. Napatingin naman ako kay Adlee ng ilabas nito ang payong niya sa loob ng bag nito.

"Share na kami ni Mikee dito." Sabi niya habang inaayos ang payong niya.

"Oo, sabay na kami dito. Mauna na kayo." Sabi ko sakanila ni Les na silang magka-share sa iisang payong. Tumango nalang si Valie at nauna na silang umalis.

"Ihahatid nalang muna kita kung saan ang Dinning Area." Aniya at binuksan na ang payong niya.

"Ano ka ba, sumabay ka ng kumain saamin. Mas masaya kapag marami kang kasama kumain kaysa sa nag iisa ka lang." Aya ko sakanya.

"Sure ka? Hindi kaya nakakahiya?" Sa ganiyang lagay nahihiya pa siya? Chos!

Napatawa naman ako. "Hindi ah. Bakit ka naman mahihiya? Okay lang 'yon." Sagot ko.

Unti unti ko namang nakita ang pag ngiti ni Adlee. "Osige, sabi mo 'yan ha!" Asus, gusto mo rin eh!

Nauna ng lumabas si Adlee ng kubo at hinahanda ko narin ang sarili ko sa pag labas dahil matinding ulan ang haharapin namin. Habang tinitignan pa nga lang sila Polo kaninang lumalakad at umaangi-angi pa yung ulan matawa tawa na ako eh. Dahil para silang mga palito na kapag hinangin lang ng kaunti eh matutumba na.

Napaatras ako sa paglabas ng kubo ng pumasok si Aldee na para bang madaling madali siya.

"Bakit? Ano 'yon?" Tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot at dali dali niyang tinago ang payong niya sa loob ng bag niya.

Luh? Paano kami makakaalis dito kung itatago niya yung payong niya. Hindi ko padin inaalis ang tingin niya kaya naman napansin ko ang pag ayos niya sa buhok niya at mabilisang pag lalagay ng lipstick sa lips niya. Dumangaw ako sa labas ng kubo at nakita ko si Kijan at Dace na silang nag lalakad papunta sa kubo kung nasaan kaming dalawa ni Adlee.

Nang makarating silang dalawa na ngayon ay nakatayo sa harapan ng kubo. At kita ko din ang basang basa nilang mga damit dahil sa lakas ng ulan na kahit mag payong ka eh useless din naman.

"Tara na, hinahanap ka na ng Mommy mo." Aya saakin ni Kijan at inihaya pa nito ang kamay niya sa harap ko.

"Hindi na, may payong kami." Sagot ko pero biglang pinisil ni Adlee ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Nakalimutan ko palang dalhin." Pabebeng sabi niya. Ha? Ano bang sinasabi niya? Eh parang kanina lang may payong siya, ah? "Sorry." Sabay peace niya sa harapan ko. Kala mo naman cute.

"Halika na. Pinapasundo ka saakin ni Valie." Iritadong sabi ni Dace saakin. Aba't parang kasalanan ko pang nandyan siya ngayon sa kinatatayuan niya ah. Hindi ko naman pinasabing sunduin niya ako, tsk.

"Mikee, ikaw na ang sumabay kay Dace at ako naman kay Kijan. Sa lakas ng ulan hindi pu-pwedeng tatlo tayo sa isang payong." Suggest ni Adlee.

Ah, okay. Ngayon alam ko na. Tinago niya ang payong niya sa bag niya for purpose dahil gusto niyang makasabay si Kijan sa paglakad sa malakas na ulan na 'to. Pwe, mag sama sila! Sana kidlatan silang dalawa!

Naglakad na ako papalabas ng kubo para puntahan si Dace at kami na ang mag sabay. Nag katama pa ang mga mata namin ni Kijan pero agad ko din itong iniwasan. Inihaya ni Dace ang kamay niya sa harapan ko at hinawakan ko naman 'yon para pang alalay sa hagdan.

Habang nag lalakad kaming dalawa ni Dace,  hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung ano na ang ngyayari kay Adlee at Kijan sa likod na silang magkasabay din na nag lalakad. Ayoko naman silang lingunin dalawa dahil baka mabwiset lang ako. Hindi ko alam why do I feel irritated thinking na magkasabay silang dalawa ngayon. Lalo na alam kong Adlee has a crush on him. Hindi naman niya gagawin na mag tago ng payong niya ulit sa bag niya bilang paraan para makasabay niya si Kijan kung wala siyang gusto, hindi ba?

Ah basta, mag sama sila!

"Lumapit ka naman ng konti saakin." Napatingin naman ako sa lalakeng 'to na kasabay kong maglakad sa gitna ng napaka lakas na ulan na 'to.

"At bakit naman?!" Tsk, baka pag lumapit pa ako ng sobra sakanya mamaya makita pa kami nila Valie at kung ano ano na naman ang sabihin at isipin ng mga 'yon. Ang lalawak pa naman ng mga utak nun.

"Payong ko kasi 'to pero ikaw yung nakikinabang. Basang basa na ako dahil ikaw na halos sakop nito." Bigla tuloy akong napadikit sakanya ng makita ko yung balikat niyang sobrang basang basa na dahil ako nga talaga halos yung napapayungan niya.



Pagkarating namin ng Dinning Area, nakita kong silang nasa kani-kanilang upuan na at lahat din sila ay napatigil sa pag uusap at napatingin sa pag dating naming apat.

Napalapit naman saamin si Yaya Elen at agad  na pinunta ako sa kinauupuan ko. "Nako, Mikee! Bakit naman basang basa kayo?" Nag aalalang tanong niya.

"Sobrang lakas ng ulan, Ya." Sabi ko nalang at naupo na.

"Oh sandali lang, magpapakuha ako ng twalya." Tinawag niya ang isang staff na nakatayo lang sa tabing gilid at nag pakuha na siya ng twalya.

Katabi ko ngayon si Dace at si Kijan naman ang nasa harapan ko. Nang makita ko si Adlee, sinabihan ko nalang siyang maupo sa tabi ni Kijan at sobrang saya naman ng gaga nung sinabi ko sakanya 'yon.

"Sino siya, Anak?" Tanong ni Mommy. Balak ko na sanang ipakilala si Adlee ng biglang tumayo ito.

"Magandang gabi po, I'm Adlee Catancuan but you can call me Lee for short. I'm Mikee's friend, by the way. We met at the plane and didn't know that we're staying on the same resort." Pagpapakilala niya sa sarili niya.

Panandaliang natahimik sa loob ng Dinning Area pagkatapos ipakilala ni Adlee ang sarili niya na para bang walang may mga interesado. Omg, did I just think of that? Grabe ang sama ko.

Maya maya lang, nag salita na si Mommy. Thank God. Akala ko buhos lang ng ulan ang maririnig ngayon dito. "Ah, okay. May iba ka pa bang kasama?" Tanong ni Mommy sakanya.

Umiling naman si Adlee ng nakangiti. "Ako lang po ang mag isa."

"Oh, really. Then you can join us if you don't mind." Hindi naman sa pagiging selfish. Okay lang naman na makasama namin siya ngayong Dinner but joining us here in our whole trip, ugh I don't know.

"Yeah, I don't mind po. Thank you, Tita!" Say what?! Tita?! Grabe, nakaka speechless kasama 'tong si Adlee.

Nagkatinginan pa kami ni Valie and you know when your bestfriend looked at you like that. May nabubuong komunikasyon sa pamamagitan ng mata at utak. Shet, parehas kami ng iniisip dalawa!




"Okay, let's eat!" Paninimula ni Mommy at nag simula na kaming kumain matapos mag dasal.

Puro mga seafoods ang mga putaheng nandito kaya hindi mapipigilan na hindi mag kamay. Ibinaba ko na ang kutsyara't tinidor ko matapos kong kumuha ng mga pagkain at ilagay sa plate ko.

Habang nag hihimay ng prawns at halos mag laway laway na dahil kinakailangan pang tanggalan ng balat 'to at hindi madire-diretsyo agad sa bunganga ko, nabigla nalang ako ng parehas iabot ni Dace at Kijan ang mga pinggan nila saakin na may mga nakahimay ng prawns, crawfish, crabs, at kung ano ano pang mga seafoods sa mga plate nila.

Natigilan halos ang lahat sa pagkain nila at napatingin sa aming tatlo. Napatingin ako sakanilang dalawa na ang talim ng tingin sa isa't isa.

"Hindi na kailangan naghihimay na naman na ako eh—" Walang anu-ano'y kinuha ni Dace ang plate ko at ipinalit sakanya.

"Kumain kana." Aniya ni Dace at pinagpatuloy ang pag hihimay ko sa prawns kanina.

"Oops, 2-0!" Narinig ko nalang na sabi ni Les at mga nagsi-hagikgikan. Bigla ko naman silang sinamaan ng tingin kaya natigil sila sa pag tatawanan.

Matapos ng pagkasarap sarap na Dinner, mga nag aya pang mag-inuman sila Polo pero magsi-si-liguan muna kami dahil nabasa kami kanina ng ulan. Ngayon nandito ako sa kwarto kung saan kami kami nila Valie, Eunice, ang fiancé ni Polo na si Shin. Sa kwarto kasing 'to, may dalawang queen size bed kaya kami ni Valie ang mag katabi sa isang kama at ang isa naman ay si Eunice at Shin.

Tatlong na room na magkaka sunod ang ina-vail ni Mommy. Sa isang kwarto which is ang room 106 ay sila Yiko, Aira at ang anak nilang si Nicki. Kasama din si Mommy at Yaya Elen ang nando-doon. Sa room 109 naman, si Polo, Jaydy, Les, Kijan at Dace ang mag kakasama. Kami naman ang nasa room 110. Pero for sure mamaya dito matutulog si Jaydy dahil sa hindi maiwan iwang girlfriend niya na si Eunice.

"Labas na muna ako," sabi ko kila Shin na mga nag aayos dahil katatapos lang maligo.

"Nasa pangalawang kubo daw ulit sila Polo." Sagot ni Shin saakin.

"Okay, sunod nalang kayo ha?" Kinuha ko na muna ang jacket ko na nakapatong sa kama at nag punta na sa harap ng pinto at binuksan 'to.

Natigilan ako ng bumungad sa harapan ko si Kijan at Adlee na ngayong magkasamamg nakatayo sa harap ng kwarto namin. "Sabi ni Tita sainyo na daw ako maki-room." Doon ko lang napansin na dala na pala niya ang maleta niya na hawak hawak ni Kijan.

Talagang gusto niyang sumama sa outing namin ng pamilya at mga kaibigan ko? Pambihira talaga, oh.

"Bakit ayaw mo sa room mo nalang mag stay? For sure naman nag pa-book ka before going here." Napalingon ako sa likuran ko ng makita ko si Valie na naka bathrobe at nag pupunas ng puting twalya sa buhok niya habang papalapit saamin.

"Sa villa 2 pa kasi 'yon eh at medyo malayo sainyo." Napatungo naman siya at napakapit sa bag nito.

Narinig ko ang pag bulong ni Valie kaya napatingin ako sakanya. "Bakit wala ka bang paa para maglakad?" Mahinang siniko ko ang tagiliran niya kaya napatingin din siya saakin. Nakakunot noo naman siyang mahinang nag salita. "Bakit ba?"

Umiling iling ako at alam na ni Val ang ibig sabihin nun kaya hindi na siya sumagot pa. "Sige, dumito ka nalang muna sa room namin." Sabi ko kaya sumilay agad ang ngiti mi Adlee sa mga labi niya at ang makinang kinang nitong mga mata.

Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit at paulit ulit na nag pasalamat. "Thank you, Mikee!"

Tinapik tapik ko ang balikat niya dahil maso-suffocate na ako sa yakap niya. "Oo na, oo na, sige na." Sa wakas ay kumalas narin siya sa pag kakayakap saakin.

Pinasok na ni Kijan ang maleta niya at nang mailapag na niya ito sa sahig, nagulat nalang ako ng lumingkis si Adlee kay Kijan. Wala na talaga akong masabi sakanya.

"Thank you!" Masayang sabi niya habang nakatitig kay Kijan ng mayroong napaka lapad na ngiti pero si Kijan sa iba ang tingin..



saakin.






Iniwas ko ang mga tingin sakanya at muling nag paalam na sakanila. "Pupunta na ako kila Polo." Sabi ko at tumalikod pero muli ulit na natigilan ng marinig kong mag salita si Adlee.

"Oo nga pala, mag iinuman sila ngayon and for sure may kantahan. Sama tayo sakanila, ha Kijan?" Sa boses palang niya talagang irita na ako. Pabebe na hindi mo malaman. Hindi naman siya ganyan makipag usap saamin at kung umarte akala mo baby na pinatanda.

"Yeah, sure." Rinig kong tipid na sagot ni Kijan. Kahit pa matipid ang sinagot niya, for sure naman ako na gusto din niya.

"Yes! Paririnig ko sayo ang mga kantang ginawa ko." Bwiset! Nag dire-diretsyo na ako sa paglabas at malakas na isinarado ang pinto.






"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong nila Jaydy ng makarating ako sa kubo.

Inayos ko na ang sarili ko at inalis sa isip ko ang pag uusap ni Kijan at Adlee na para bang close na close na sila sa isa't isa. Kahit na hindi naman siya kilala ni Kijan noon pa man at nag mi-mistulang die-hard-fan lang siya. Ewan, bahala silang dalawa! Bakit ko pa ba pakikialamanan yung dalawang 'yon?

"First night palang natin dito ganyan na agad ang mood mo? Palayuin mo na muna ang bad vibes!" Sabay lapag ni Les saakin ng isang boteng beer.

"Sino ba kasi yung Adlee?" Curious na tanong ni Polo. Jusko, nakaka curious ba ang babaeng 'yon?

Bigla namang tumayo si Jaydy kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Magandang gabi po, I'm Adlee Catancuan but you can call me Lee for short. I'm Mikee's friend, by the way. We met at the plane and didn't know that we're staying on the same resort." Pati pustura at way ng pananalita niya ay ginaya ni Jaydy kaya hindi namin mapigilan lahat ang mapatawa. Tapos pinipilit niyang ipitin ang boses niya kahit na sobrang lalim nito.

"Puta p're! Nakuha mo lahat 'yon?" Natatawang sabi ni Polo na kulang nalang ay humalakhak sa sahig sa kakatawa.

"E, tinanong mo kung sino siya, eh. That's the shortest description about her. Oh, diba ayos?" Matawa tawa rin na sabi ni Jaydy.

"Uy nag e-english. Lasing kana ba?" Side comment ni Les.

"Ha?" Si Jaydy.

"Pag lasing ka lang kasi nag e-english, eh." Totoo naman talaga 'yon. Lalo na pag sobrang nge-nge na nitong si Jaydy. Mapapa english nalang ng malala na kahit dictionary hindi kayang maipaliwanag ang sinasabi niya.

"Gago tinuturuan ako ni Eunice!" Depensa niya.

"Mahiya ka naman sa girlfriend mo, p're. Elementary nga lang tinuturuan niya pero pati ikaw tinuturuan na din?" Gatong naman ni Polo.

"Eh basta, relationship goals nga eh." Natatawa nalang talaga ako sa mga sagutan nilang tatlo, eh. Mga patanga sa pabilisan ng pambabara.

"Baka relationSHIT goals." Sagot ni Les.

"Wala ka namang love life." Napa ohh nalang kami ni Polo pag kasabi ni Jaydy nun kay Les. Tameme si Les, eh. Hindi agad nakasagot dahil ilang taon ng single.

Bigla naman akong inakbayan ni Les at tinapik tapik ang balikat ko. "Parehas kaming walang love life dito huwag kayong ganyan.." Malungkot na sabi pa ni Les habang hinihimas himas na ngayon ang balikat ko.

"Hayup ka dinamay mo pa ako!" Sabay alis ko ng kamay niyang nakaabay saakin.

"Dalawa nga nag aagawan dyan, eh!" Sabay na sabi ni Polo at Jaydy at tinuro pa ako.

Inirapan ko nalang silang dalawa dahil mga nag sisimula na namang mang asar ang mga 'to. Kinuha ko nalang yung bote ng beer na nakalapag sa harapan ko at balak na sanang lagukin ko ng may kumuha nun sa kamay ko. Napatingin agad ako kung sino 'yon at nakita ko si Dace na siyang uminom sa bote ng beer ko at pagkatapos ay nginisian na ako.

"Akin yan, eh!" Kukunin ko na dapat yung bote ng ilayo niya saakin at naupo sa kaharap kong upuan.

"Bayad mo 'to para sa mga alak na inubos mo sa bahay." Aba! Hindi naman ako na inform na pati pala yung mga unlimited na alak na 'yon, eh may bayad.

"Ikaw kaya ang unang nag ayang uminon, tsk." Mataray kong sagot.

"Ikaw naman ang halos lahat nakaubos at natulog pa sa kama ko—" Huli na pra matakpan ko ang bibig niya dahil mga nakatingin lang saamin si Jaydy, Polo at Les habang nakikinig sa pinag uusapan namin ni Dace.

Shet! Nandito nga pala 'tong tatlong 'to. Ang tatlong walang tigil ang bunganga lalo na kapag may nakakaintrigang nalaman. For sure alam na ng buong universe 'to mamaya-maya at syempre, iba ang iisipin nila dahil sa mga narinig nilang pinag usapan namin ni Dace. Maiiba ang kwento sa oras na kumalat. Hay, ano ka ba naman Mikee!

"Valie!" Napapikit nalang ako ng madiin ng banggitin ni Les ang pangalan ni Valie at tiyak ko, sasabihin na agad nitong Jaydy na 'to yung mga narinig nila.

"Makakasama pala natin si Brader!" Iminulat ko ang mga mata ko at agad na napatingin kila Valie na silang papunta na dito kasama si Shin, Eunice, Kijan at si Adlee.

Nang makapasok na sila sa kubo, katabi ko si Dace at sa kabila ko naman ay si Valie na siyang katabi si Eunice, Jaydy, Les, Polo, Shin at sa kasamaang palad katapat ko pa 'tong si Adlee na siyang katabi naman si Kijan na siyang katapat ni Dace.

"Paano si Yiko at Aira?" Tanong ni Polo.

"Susunod daw sila patutulugin lang si Nicki." Sabi naman ni Eunice.


So ayun na nga, lumipas ang oras na nag iinuman at sinasabayan din ng malakas na kanta. Medyo ilang lang ako dahil sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Akala mo kasi ahas kung maka lingkis itong si Adlee kay Kijan tapos kapag nag ku-kwentuhan sila bulungan pa sabay nag tatawanan silang dalawa pagkatapos. Although, alam kong maingay kaya baka hindi sila nag kakarinigan at kailangan na mag bulungan para mag kaintindihan.

Pero sa nakikita ko, parang close na sila sa isa't isa dahil wala nalang kay Kijan kapag humahawak si Adlee sa braso niya. Ilang beses ko rin nakikita ang pag tititigan at pag tatawanan nila sa isa't isa. Ayoko mang tignan, pero hindi ko maiwasan. Ang sakit sakit nila sa mata.

Kinuha ko ang isang kaha ng sigarilyo at kuuha ng isang stick. Sisindihan ko na sana ng kuhain ni Dace yung stick na 'yon mula sa pagkakalagay nun sa labi ko at inilagay sa labi niya saka sinindihan.

"Diba hindi ka nag yoyosi?" Puna ko sakanya.

Nagkibit balikat siya at ngumiti sabay labas ng usok mula sa bibig niya. "Akala ko rin eh." Sabi nito at tumawa. "I just started."

Tatawa narin sana ako sa sinabi niyang 'yon ng bigla kong maalala ang eksaktong eksaktong sinabi ni Dace. Na ganun na ganun din ang sinabi noon saakin ni Kijan nung gabing nag kakilala kaming dalawa. Nung kumain kami sa lugawan na kahit ang tagal tagal ko ng hindi natitikman, alam na alam ko padin ang lasa. Gusto ko ngang bumalik doon pero hindi ko na matandaan kung saang lugar 'yon.

"Later I'll show it to you." Nawala ako sa pag iisip ko ng klaro kong marinig ang sinabi ni Adlee kay Kijan.

Kahit maingay ang paligid, rinig na rinig ko ang sinabi niya. "Okay, okay." Nakangiting tugon ni Kijan sakanya. Mga ngiting ang tagal kong hindi nakitang suot suot niya..

Ano naman ang ipapakita ni Adlee para mapangiti ng ganyan si Kijan? Ayokong mag isip ng hindi maganda sakanilang dalawa pero hindi ko mapigilan. Yung pakiramdam na may gusto kang malaman na sagot pero nandyan na nga ayaw mo padin alamin. Ganun yung pakiramdam ko ngayon at sobrang nakakainis. Ito yung pinaka ayaw ko talaga sa lahat!

Habang lumilipas ang oras, madami dami narin ang mga boteng naitumba namin. Tinatamaan narin ako ng antok dahil sa mga nainom ko pati lumalim narin ang gabi. Pero itong mga kasama ko, alive na alive padin.

"Aakyat na ako, ha?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko matapos kong sabihin 'yon.

"Huy, ang aga aga pa!" Pag pigil saakin ni Valie at hinawakan ang kamay ko para muling maupo.

"Oo, ang aga pa nga. 2 am na!" Sabay bukas ko ng phone ko para bumungad ang orasan.

"Maya maya na teh! KJ mo na, ha?" Sabi naman ni Eunice saakin.

"Osige, isang bote nalang tapos aakyat na ako." Sabi ko kahit na medyo mahili hilo narin ako.

"Two botts?" Hirit pa ni Shin saakin.

Umiling naman ako at nginitian siya saka binuksan na ang isang bote ng beer na inilapag saakin ni Les. "Two botts na!"

"Bott-batin kita dyan eh!" Singhal ko sakanya at kinuha na ang beer.

Lumagok ako ng isang beses pero pakiramdam ko masusuka na ako. Parang nangangasim na yung sikmura ko nung tumungga pa ako ng beer. Kumuha nalang ako ng yosi na nakalapag sa lamesa at sinindihan ito.

"Uubusin mo ba 'yang isang kaha?" Narinig kong komento ni Dace saakin. "Tama na." Sabay kuha nito sa bibig ko at pinatay gamit ang ashtray.

"Bakit mo naman ginawa 'yon? Tsk!" Inis kong sabi sakanya. Kukuha pa sana ulit ako ng isang stick ng hawakan niya ang kamay ko at patuyuin.

"Halikana, marami ka ng nainom." Aya niya na saakin habang hawak hawak ang kamay ko. Kahit pa titignan ko ng mabuti si Dace hindi ko siya makita ng maayos dahil sa nagiging dalawa na siya sa paningin ko.

Lasing na nga talaga ata ako..

Naramdaman ko naman ang paghawak sa kabilang kamay ko kaya napatingin ako dito kahit pa parang umiikot na ang paligid ko.








VALIE

"Ako na ang mag hahatid sakanya." Napatigil kaming lahat sa pagkakantahan ng tumayo din si Kijan sa kinauupuan niya at hinawakan ang kanang kamay ni Mikee.

"Hindi na, ako ng bahala sakanya." Sagot naman ni Dace at hindi padin binibitawan ang kamay ni Mikee. Shet, ang haba ng buhok ng bestfriend ko! Wala ako masabi, ha?

"Ako na nga sabi, hindi ba? Nakakaintindi ka ba?" Ow, shet! Umiinit na ang labanan!

Wala kami halos imik lahat dito at nakatingin lang sakanilang tatlo na pinag aagawan ang jowable kong kaibigan na mukhang lantang gulay na. Siguro nga lasing na talaga ang isang 'to dahil hindi na nag react nung hinawakan siya ni Dace at Kijan. Dahil paniguradong tiklop ang dalawang 'yan kapag nasa matinong pag iisip pa siya.

"Ikaw ang hindi marunong makaintindi. Bitawan mo sabi siya." Madiing sabi ni Dace habang ang talim ng tingin kay Kijan.

SUNTUKAN! SUNTUKAN!

"Teh, nasan yung popcorn?" Kalabit ko kay Eunice na siyang hindi rin kumukurap dahil sa pinapanood naming love triangle na nasasaksihan namin ngayon.

"Ikaw ang bumitaw." Sagot din ni Kijan.



"Hindi mo na siya pag mamay-ari." Si Dace na tamang kalmado lang ng sabihin niya 'yon.

OH, OH, OH, WALANG AAWAT AH! WALANG AAWAT!


Napangisi naman si Kijan pero hindi padin nag babago ang masamang titig nito kay Dace. "Hindi siya bagay pero kaya ko siyang bawiin. Ito ang tandaan mo, hindi siya magiging sayo."

BURN! SUNOG! ROASTED NA TOASTED PA!





Dahil sa pag ka shook naming lahat sa maala teleseryeng sagutan at sa sinabi ni Kijan na maala action star at romantikong katagaan, kahit si Dace ay hindi nadin nakasagot. Ikinagulat nalang naming lahat ng alisin ni Mikee ang hawak ni Kijan sa kamay niya at lumabas na habang hawak hawak ang kamay ni Dace.


SAY WHUUUT?


So anong ibig sabihin?







Pinipili ni Mikee si Dace?












O lasing lang ang gaga kaya lumabas ng parang walang ngyari at narinig?











Omg, excited na akong magising ang babaeng 'to dahil paniguradong mag lalalamon na naman 'to sa lupa.
















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
103K 3.3K 46
A mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and mental abuse. That changed when she returne...
2K 131 48
"let's dance under the snow"