Love at its Beginning

By MsLadyMom

101K 2.5K 85

Genesis Cadisson and Shannon Keen Quintana's Love story. She needs help and he was in a right place. The st... More

Chapter 1: Wish
Chapter 2: House
Chapter 3: Close
Chapter 4: Past
Chapter 5: Worried
Chapter 6: Care
Chapter 7: Growing
Chapter 9: True Blue
Chapter 10: Decision
Chapter 11: Truth
Chapter 12: Smooth
Chapter 13: At The Beginning
Chapter 14: Butterflies
Chapter 15: Behind
Chapter 16: Sweety
Chapter 17: One (SPG)
Chapter 18: True Hopes
Chapter 19: Love to Live
Chapter 20: Passenger Seat
Chapter 21: Upset
Chapter 22: Crushed
Chapter 23: Endurance
Chapter 24: Angel
Chapter 25: Heart beats
Chapter 26 : Break
Chapter 27: Pains in Love
Chapter 28: Connection
Chapter 29: Start from the Beginning
Final Chapter : Growing Love

Chapter 8: Raindrops

3.3K 95 2
By MsLadyMom

Dalawang araw matapos umalis ni Shannon sa bahay nila Genesis,kaya naman bumalik na rin si Genesis sa bahay ng mga magulang.

"Genesis.." Napabaling siya sa mama niya,  nasa garden kasi siya habang nagkakape.

"Ma,  do you need something? " Naupo muna ito sa upuan sa harapan niya.

"No,  but I know you need something. " Napakunot-noo siya sandali dahil sa sinabi ng mama niya pero ngumiti lang ang ina niya na mas lalong nagpakunot sa noo niya.

"What are you trying to say ma? " Kinuha niya muna ang kape niya saka uminom roon bago tinignan muli ang mama niya.

Mas lumawak ang ngiti nito na para bang may lihim ito na natuklasan.

"Come on Genesis,  you're my son. Kaya alam ko kung kelan ka may problema o kung kelan ka in love. " Nawala ang pagkakunot-noo niya at hindi niya napigilan ang matawa dahil sa sinabi ng ina.

"Ma, I don't get it. " Mukhang hindi naman naoffend ang mama niya sa pagtawa niya bagkus ngumiti pa ito.

"Kilala ko kayong magkakapatid. Ikaw, Exodus,  ang kuya Leviticus  mo. Kaya ikaw,  tigil tigilan mo ang pagdedeny mo na dahil simula ng umuwi ka ay palagi ka ng space out at kahit ang papa mo nakikita iyon. " Natigilan naman siya sa sinabi ng mama niya saka siya napatitig dito. He was hesitate to say it with his mother at mukhang nahalata naman iyon ng mama niya dahil inabot nito ang isang kamay niya .

"Ok,  if you don't want to share it right now, naiintidihan ko. " Nakangiting saad nito, tatayo na sana ang mama niya pero tinawag niya ito .

"Ma. " Bumaling sa kanya ang ina, saka ngumiti.  He doesn't know why but he thinks only his mother can explain what was wrong with him.

"Yes Genesis? "

Bumuntong hininga muna siya saka napatingin sa mga alagang halaman ng mama niya.

"Ma, its even possible to love a person in just one day? "Hindi niya tinignan ang reaksyon ng mama niya at hinintay na lang niya ang sagot nito.

"I don't know either son, but one thing for sure. Love doesn't measure the time you spend with someone because the moment you committed with that person,it's also the time you accept the fact that you ready to be loved and to love. " Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi ng ina kaya naman napakunot-noo na lang siya,napansin marahil iyon ng mama niya kaya natawa ito saka muling nagsalita.  " Ang gusto ko lang sabihin Genesis,  hindi imposibleng magmahal ang isang tao sa loob ng isang araw. Lalo na kung alam mo sa sarili mo na sa oras na kasama mo siya ay nag-commit ka sa kanya, its either in action or in a words. Love is a commitments."

"Love is a commitments?  How could you say that? " Mas naguguluhan siya sa sinabi ng ina.

"Genesis,  hindi ko pwedeng sabihin ang lahat sayo. Look ,sa idad mo na yan, dapat alam mo na kung ano ba ang pag-ibig, pero dahil pinairal mo ang pagiging babaero mo ayan,  hanggang ngayon hindi mo alam kung nagmamahal ka na ba o hindi.  Bakit hindi mo hanapin ang sagot sa sarili mong pamamaraan, but be sure its a right way. Matututo kang maghanap ng kasagutan anak, malaki ka na at matanda ka na rin. " Napailing na lang siya sa huling sinabi ng mama niya .

"Ma,  I'm not that old. "Depensa niya sa ina na tinawanan lang nito.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo at hindi niyo ko isinasama. " Napabaling sila ng ina sa ama na kalalabas lang mula sa sala at agad na tumabi sa upuan ng mama niya na nakangiti.

Oh no,  panigurado na mapagtutulungan ako.

"Gustavo,  ito kasing anak mo, namomoblema sa pag-ibig at pinapayuhan ko lang. Alam mo na mahirap magpalaki ng malaki na. " Natawa naman ang ama niya at kahit siya ay hindi napigilan ang mapangiti sa biro ng ina,  kaya nga't hindi siya makatanggi sa nga ito dahil kung minsan ay seryoso ang dalawa ay mas madalas pa rin ang magbiruan ang mga ito,  binalingan naman siya ng ama.

"Bakit hijo? Nasaan na ba ang sinasabi mong babae na sasakay sa kotse mo at papakasalan mo agad?  Natraffic ba siya hijo o baka naistack na sa Edsa? " Natatawang biro ng ama niya na tinawanan din ng mama niya, siya naman ay natigilan pero maya-maya ay napangiti.

"Hindi pa,  sumakay na siya kaso umalis din agad. Mukha kasing hindi pa nakakamove on,  kaya hindi ko na muna inayang magpakasal ." Nakangiting saad niya at ang tawa ng mga magulang ay nabitin saka sabay napabaling sa kanya at halos manlaki ang mga mata sa sinabi niya.

"What?! " Siya na ang natawa sa mga magulang ng magduet pa ang mga ito.

That's why I love them..
---
Hindi alam ni Shannon kung ano ba ang dapat ireact habang kaharap si Zandro. Nagulat pa siya ng tawagan siya nito at nakiusap na mag-usap sila kahit mabigat sa loob ni Shannon ay pumayag siya. Kaya naman nagkita sila sa isang pribadong Coffee shop.

"I'm sorry.." Ramdam na ramdam ni Shannon ang talim ng dalawang salitang iyon. Napatitig siya kay Zandro,  sa lalaking alam niyang minahal niya.

"Z-zandro,  hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Alam ko na dapat sa sinabing mong yan gumaan ang pakiramdam ko pero ang totoo..." Tumigil siya sandali dahil ramdam niya ang paninikip ng dibdib na para bang sasabog iyon kapagnagpatuloy siya.  Kaya naman huminga muna siya ng malalim saka tumingin pataas para pigilan ang pagpatak ng mga luha niya at saka niya muling binalingan si Zandro.  "Ang sakit,  sobrang sakit na para bang hindi ko na alam kung pano pa ko aahon sa ginawa mo.  "

Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito,  pero sandali lang iyon na para bang itinago iyon ng lalaki.

"I'm really sorry Shannon. " Gusto niyang sigawan ang kaharap pero pinigil ni Shannon ang sarili.

"I deserve an explanation Zandro,  kaya wag mo sanang sayangin ang oras ko sa paulit-ulit na pagsosorry mo. " Matigas na saad niya,  hindi na rin alam ni Shannon kung saan niya nakukuha ang ganong tatag ng loob habang kaharap ang lalaking halos nagpawasak sa puso niya. Inabot nito ang isang kamay niya at saka iyon sinakop ng dalawang kamay ni Zandro,  hindi alam ni Shannon kung ano ba ang dapat maramdaman ng mga oras na iyon lalo na ng makita niya ang tindi ng lungkot sa mga mata ni Zandro.

"Shannon, buntis si Veron at ako ang ama. " Daig pa ni Shannon ang sumapo ng isang bomba dahil sa sinabi ng lalaki.

"W-what? " Buhat sa narinig ay bigla na lamang pumatak ang mga luha niya dahilan para mas higpitan ni Zandro ang paghawak sa kamay niya.

"I'm really sorry, Shannon. " Sawang-sawa na si Shannon na marinig ang paulit-ulit na sinasabi ni Zandro kaya naman hinatak na niya ang kamay saka mabilis na tumayo.

"H-hindi ko pa pala kayang makinig sayo. Sorry Zandro,pero sa ibang araw na tayo mag-usap. " Mabilis siyang naglakad papalabas sa lugar na iyon.

"Shannon!  Wait! " Naabutan na siya nito sa labas at saka lang napansin ni Shannon na pumapatak ang ulan.  Napigilan na naman agad siya ni Zandro bago pa siya tuluyan na makalayo sa lugar.

"Hayaan mo na ko Zandro. I-I can't talk to you right now,  hindi ko pa pala kayang pakinggan ang paliwanag mo. " Tatalikod na naman sana siya pero hindi niya na nagawa dahil sa gulat ni Shannon ay lumuhod ito sa harapan niya.  "Zandro!  Ano bang ginagawa mo?! "

"S-shannon,please listen to me.  Alam kong magiging makasarili ako pero ipaglaban mo ko kahit ngayon lang. " Natigilan siya lalo na at nang mag-angat ng paningin si Zandro ay kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito.

"A-ano bang sinasabi mo? " Hindi na rin niya napigilan ang maiyak habang kaharap si Zandro na ngayon ay mahigpit ang kapit sa mga kamay niya.

"S-shannon, hindi ko siya mahal!  Ikaw ang mahal ko,  kaya sabihin mo lang na mahal mo ko at tatanggapin mo lang ako. " Mas lalo lang siya nakaramdam ng kirot sa puso niya.

"G-gusto mo kong gawing kabet? " Parang may malaking harang sa lalamunan na tanong niya.

"Hindi!  Hindi ko gagawin sayo yun Shannon. Mahal na mahal kita,  tanggapin mo lang ako at iiwan ko si Veron pero hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa magiging anak ko,  kaya sabihin mo lang Shannon,  gagawin ko ang lahat para sayo. " Pakiramdam ni Shannon ng mga sandaling iyon ay gusto niyang maging makasarili at sabihin ang mga gustong marinig ni Zandro mula sa kanya .

"I-I want to be selfish Zandro.. " Kahit patuloy ang pagpatak ng mga luha niya ay kitang-kita niya na para bang nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ni Zandro dahil sa sinabi niya. "But I can't,  dahil hindi ako yun Zandro,  hindi ko kakayanin na mawalan ng ama ang isang sanggol para lang maging masaya ako.  I can't be like that Zandro, at dahil mahal kita hindi na kita pahihirapan pa... " Unti-unti niyang hinatak ang mga kamay at nakita niya kung pano bumalatay ang sakit sa mga mata ni Zandro pero alam ni Shannon kung ipagpapatuloy niya pa ang relasyon nila,  hindi lang sila ang pwedeng masaktan kundi lahat ng nakapaligid sa kanila.  " Malaya ka na... "

Pagkasabi niya noon ay mabilis na niyang iniwan si Zandro habang siya ay tumakbo papaalis sa lugar na iyon.

"Shannon! No! Shannon! "

Hindi na niya nilingon ito,  at kahit malakas ang ulan ay sinugod niya iyon saka niya hinayaan na mabasa siya.

Sorry Zandro,  pero kung ipagpapatuloy natin to, hindi na pwedeng matawag na pag-ibig to. Siguro nga hindi lang talaga tayo ang para sa isa't-isa,  sana maging masaya ka na.

Hindi na lang luha ang dahilan kung bakit basa ang buong mukha niya kundi pati ang ulan na patuloy ang pagpatak. Nagcommute lang siya papunta roon,  kaya nga walang dereksyon ang pagtakbo ni Shannon dahil ang gusto lang niya ay magkalayo sa lugar na iyon, ang makalayo sa lalaking nagbibigay ng sakit sa puso niya.

Kaya naman sa pagtakbo niyang iyon ay hindi sinasadya na may mabangga siya, nakapayong ito pero hindi na niya binalingan ang mukha ng lalaking nakabangga yumuko na lamang siya para maitago ang mukha niya.

"S-sorry. " Aalis na sana siya pero sa gulat niya ay hinaltak siya ng lalaki at sa isang nakayakap na ito sa kanya kasabay ng pagkakakita niya ng pagbitaw nito sa payong na dala.  Itutulak na sana niya ito pero napasinghap siya ng magsalita ang lalaki.

"Its ok Shannon,  ako lang to.  Andito lang ako.. " Matapos niyang marinig ang boses ng lalaking hindi niya inaakala na makikita pa niya ay napayakap na siya dito ng mahigpit at kahit nasa gitna ng ulan sa gitna ng daan ay napahagulgol siya ng iyak sa dibdib ng lalaki.

"A-ang sakit, sobrang sakit.. Genesis.. "  Parang batang sumbong niya dito at saka niya naramdaman ang lalong paghigpit ng yakap nito sa kanya.

"Tell me Shannon,  where it's hurt the most?  I help you to fix it, I'm here sweety.. " Dahil sa sinabi ni Genesis ay mas napahagulgol si Shannon pero deep inside her,  she felt a warm hand that touched her heart at sa nga oras na iyon ay naramdaman ni Shannon na protektado siya sa mga bisig ni Genesis.

Thank you Genesis,  thank you..

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 663 68
This story is about trust, love and family. Marami ngayon ang miyembro ng LGBTQI++ ang bumubuo ng pangarap at pamliyang maituturing sa panahon ng...
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
61.7K 1.7K 51
Si Margarette Marguex Domingo or kilalang Margu ay isang simpleng babae lamang,na ang pangarap nito'y mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang mga mahal s...
72.1K 2.7K 43
Isla Montellano Series #5 'Hindi sagot ang pagpapatiwakal para takasan ang pagsubok sa buhay. Dahil hindi iyan ibibigay sa iyo kung hindi mo kayang h...