HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 183

2.7M 57.6K 118K
By maxinejiji

MAX'S POV

TUNOG NG cellphone ang gumising sa 'kin kinabukasan. Napapabuntong-hininga kong tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Chairman Moon," sagot ko.

Tumikhim muna ito. "Wala kayong klase ngayon," panimula niya. Sinulyapan ko ang orasan. "Tinawagan ko ang dean, nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Pumarito ka sa mansyon. Dito ka na lamang mag-agahan at mananghalian." Hindi iyon imbitasyon kundi utos. "May bagay tayong pag-uusapan."

Wala naman akong choice. Tss. "I'm on my way, Chairman,"pabuntong-hininga kong sagot saka hinintay siyang ibaba ang linya.

Agad akong binalot ng tanong. At hindi ko alam kung paanong sasagutin ang mga iyon. Masyadong marami at sunod-sunod. Para iyong uumapaw na tubig, at timba ang ulo ko, punong puno.

Agad akong bumangon upang maligo. Habang nakatutok sa shower ay tinabunan ako ng mga isipin tungkol kay Sensui. Naninibago ako sa kaniya kahapon. Tuloy ay hindi ko maiwasang may problema kami. Pilit kong iniisip kung ano ang meron sa pagsabog at sobra siyang kapani-panibago. Lutang siya at halatang wala sa sarili. Pilit ko na lang na pinaniniwala ang sarili kong epekto 'yon ng insidente, posible. Hindi ko malaman kung may kakaiba ba talaga sa kilos niya o sumosobra lang ako sa pag-iisip, napapraning.

Matapos kong makipagtalo kapahon sa Chairman nila ay hindi na namin nagawang makapag-usap pa. Basta niya na lang akong inihatid sa bahay. Hindi ko siya magawang komprontahin dahil ayaw kong maipit siya. Batid kong hindi niya rin nagustuhan ang naging pakitungo sa 'kin ng Chairman. Kilala ko na kahit papaano ang ugali nito. Hindi ako kailanman umasang magiging maayos ang trato sa 'kin ng senyor.

Wala pa rin sa sarili si Sensui nang ihatid ako. Naiintindihan ko dahil parati siyang gano'n sa t'wing may hindi inaasahang pangyayari. Nakapanlulumo lang isipin may bumabagabag sa kaniya, gusto ko mang alamin iyon ay parang wala akong puwang para magkwento. Ayoko na lang gumawa ng sariling konklusyon.

"Oh, bakit ganiyan ang ayos mo?" Nagtatakang bungad ni Beka nang makababa ako. Abala sila ni Boy sa paghahain ng agahan.

"Wala kaming pasok," tugon ko.

"Ha?" Nangibabaw ang tinig ni Naih mula sa kwarto. "Bakit walang pasok? Sino ang may sabi?" Nagmadali siyang lumapit. "May lakad ka?"

Syempre, sunod-sunod na naman ang tanong niya.

Bumuntong-hininga ako at dumulog sa mesa. "Hindi pa ba tapos 'yan?" baling ko kay Boy.

"Heto na, madam! Ang aga-aga, napakainit ng ulo!"

"'Wag bigyan ng kape 'yan, ah? Bigyan ng yelo," biro ni Beka.

"Kakain na rin muna ako," ani Naih saka naupo, nakasabit pa sa balikat ang tuwalya. "Ano 'ka mo, Max? Walang pasok? Sino ang may sabi? Saka bakit ganiyan ang suot mo, may lakad ka ba?"

Tumikom ang bibig ko. Inulit na naman niya.

"Uuwi ako sa mansyon. Oo, walang pasok."

Natinag kaming lahat nang bumaba si Yaz. "Balitang-balita ang nangyari sa harap ng school ninyo kahapon."

"Kape lang ang sa 'kin," sabi ko.

"Ano nga ba ang nangyari?" ani Beka, nagsimula silang kumain.

Eksaheradang nagkwento si Naih."Pero dahil nga bida si Maxpein, nagmamauna siyang bumaba. Hindi kasi ako nakababa ng bus dahil may anghel na may hitsurang demonyo sa pintuan, si Chupan. Aba, masasabi kong anghel siya dahil kung iniwan niya kami ay baka kung ano na ang nangyari sa 'min, 'di ba? Pero hindi niya kami pinabayaan. Hindi nga lang ako nakapanyismis. Si Maxpein ang tanungin ninyo dahil nando'n siya, takbu-takbuhan kasama ang Lovemir," may himig ng panunukso sa huli niyang sinabi.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Boy, nakasugod nang bahagya ang mukha sa 'kin.

"May sumabog," tanging tugon ko.

"Oh, Diyos ko..." Natutop niya pa ang sariling bibig. "Ano ang sumabog? Ang BIS, sumabog?"

Ngumiwi ako. "Bumaba nga ako ng bus dahil may sumabog."

"Eh, hindi naman kaya ikaw ang nagpasabog?" Itinuro ako ni Beka. Nagtawanan sila.

Hindi ko magawang matawa dahil sa isang iglap ay naalala ko ang sinabi ni Chairman Enrile. Hindi iyon magandang biro, hindi gaya ng isang ito. Isa iyong biro na may halong pamimintang. Kung hindi lang talaga kami nagawang awatin ng pamilya niya ay hindi ako magdadalawang-isip na patulan siya. Ang masasakit na salita niya laban sa pamilya ko ay hindi ko matatanggap. Hindi ako mahihirapan na ipakita sa kaniya ang kabastusan ko.

"Kanina nga pala ay dumaan dito 'yong kartero at inihatid 'tong sulat mo," sabi ni Boy kay Beka. "Sino naman ang naawang magbigay ng sulat sa 'yo?" biro niya pa.

"Baka galing ito kay mamang."

"Hihingi ng pera?" Tumawa si Boy.

"Pihado. Alam mo naman tayong mga magagandang alipin, sa pamilya ay matulungin."Binuksan ni Beka ang sulat, pinanood siya ng lahat."Boom!" palahaw niya, nagbibiro. Natawa ang lahat maliban sa 'kin. "Pero hindi ang mamang ang nagpasabog." Doon ako natawa.

Hindi ko naiwasang alalahanin kung gaano kakapal ang usok ng pagsabog habang nagmamaneho. Parang nagugulat pa rin ako. Kung tutuusin ay higit pa ro'n ang mga nakita ko sa nakaraan. Pero parte 'yon kultura ko. Malayo iyon sa iniikutan kong mundo ngayon.

Sa kinalakihan ko ay masusugatan ka habang lumalaban. Ngunit dito, inosente kang masasaktan. Maraming pwedeng madamay. Malaki ang magiging epekto. Nakakatakot. Nakapangangamba. Nakababahala. Ngunit napakahirap pigilan. Maski ang alamin kung sino ang promotor ay hindi namin magawa.

Nang makarating sa mansyon ay dumeretso ako sa hapag-kainan kung saan nakahain na ang lahat at nagkukuwentuhan. Tiningala nila ako at bago dumulog sa mesa. Si Heurt ang huli kong pinansin, ngiti ang nakuha kong tugon.

"How's everyone?" tanong ko habang tinitingnang isa-isa ang mga pagkain. Kinalabit ako ni Maxrill na siyang nasa kanan ko. "What?"

"Hello," kumaway siya.

"Tss."

"It's too early to be mad. What are you doing here, Noona?" para pa rin siyang bata.

"Mag-aral ka," asik ko. Wala akong oras makipaglaro sa kaniya. Nilingon ko ang Chairman. "Good morning," bati ko. Tumikhim lang ito.

"Mabuti naman at maaga kang nagising?" ani Maze. "May pag-uusapan tayo, isang mahalagang bagay," sinenyasan niyang umalis ang mga maid.

Nilingon ko si Maxwell. Nakatitig siya sa sariling kutsara na hindi maayos ang pagkakasalansan sa place mat. Gusto kong matawa nang isaayos niya iyon nang pagka-igi-igi. "So, para saan ang biglaang meeting?" nag-angat siya ng tingin sa lahat. "Kailangan ba talagang kasama pa ang mainitin ang ulong ito?" itinuro niya ako.

Napasiring ako. Parang parati namang malamig ang ulo mo? Tss.

"Ang tungkol sa insidente kahapon, ano pa ba?" si Mokz ang sumagot, tumikhim pa. "Hindi maganda ang pagpasok ng taon."Umiling siya. "Nakakabahala na ang magkakasunod na insidente sa BIS. Hindi ko masisisi ang Chairman kung magpatawag siya ng meeting."

Tss. Sa dami nang nangyari ay ngayon lang nila napansing hindi na ito maganda? Hanep...

"May maitutulong naman ba kami diyan?" tanong muli ni Maxwell.

"Marami, maliban sa isang 'yan," mahinang tugon ni Mokz na itinuro si Maxrill. Abala ito sa pagsundot nang kung ano-anong pagkain na may butas. Hilig niyang pag-trip-an 'yong mga macaroni shells. "Wala kaming hawak na ebidensya, iyon ang totoo. Dahil hindi rin naman kami naghahanap," natawa pa siya. Nagsimula kaming kumain. "Nangangamba ako na baka pati kayo ay madamay sa kung anumang kaguluhan na pinasok ni Chairman Enrile. Sana ay maintindihan nila kung bakit tayo mangingialam. Batid kong iniisip niyang nakikialam tayo sa problema ng kanilang pamilya. Pero ang hangarin natin ay kapanan ninyo. Kayo mismo at ang buo nating pamilya ang pangunahing dahilan at wala nang iba," pagpapaligoy niya.

Bumuntong-hininga ako at nagsalita, "Nakausap ko ang Chairman ng mga Enrile kahapon. Ngayon palang ay sinasabi ko nang hindi niya magugustuhan ang ideya mo." Saka ako humigop ng kape. "Nagkasagutan kami ng Chairman." Nang gamitin ko ang salitang "nagkasagutan" ay alam na nilang hindi maganda ang naging usapan.

"Ano ang inyong naging sagutan?" usisa ni Maze.

Sumubo ako ng steak 'tsaka sandaling ngumuya. "Gusto ng pamilya niyang humingi ng tulong sa 'tin, hindi siya sang-ayon."

"Sa tingin ko ay hindi niya lubos na nauunawaan kung ano ang nangyayari sa kaniyang harapan," bumuntong-hiningang muli si Mokz. "Mas delikado iyon. Kailan pa niya papansin ang mga nangyayari? Kapag huli na ang lahat at marami nang napahamak?"

"Bakit mo naman hahayaang may mapahamak? Nang marami?" masungit na ani Chairman Moon. Hindi na sumagot pa si Mokz at ipinagkibit-balikat na lang ang tanong.

"Anong klase ng pakikialam na gagawin natin? At bakit kailangan na pati kami ay kasali? Mas importante sa 'kin ang mag-duty," sumabad si Maxwell ngunit sinamaan lang siya ng tingin ng mga ito.

"Kahina-hinala ang narinig naming plano nila ukol sa pagtatayo ng isang ospital," si Maze naman ang nagsalita. "Kahina-hinala dahil wala iyon sa ayos, walang wala sa ayos," umiling pa siya.

"Paanong wala sa ayos?" tanong ni daddy.

"Pakinggan natin si Heurt," itinuro ito ni Maze.

"Sa usaping ito ay papasok ang pamilya ng mga Rewis," pagbibigay diin ni Heurt, napukaw niya ang atensyon ng lahat.

"Cookies," ani Maxrill.

Natawa si Heurt. "Rewis, Maxrill."

"Rewis?" pag-uulit ni daddy sa sinabi nito.

Tumango si Heurt. "Oo, ang pamilya ng mga Rewis."

"Sino naman ang mga iyon?"

"Kulang na kulang ang nakalap kong impormasyon tungkol sa pamilyang iyon. Kaya wala halos akong masasabi tungkol sa kanila. Wala silang pinagmulan base sa mga records na libre kong nakuha," hindi ko mahulaan ang records na tinutukoy niya. "Paniguradong pribado ang pamilyang ito."

"Kung gano'n ay ano ang maitutulong nila sa usaping ito?"

"Ayon sa impormante natin ay plano nilang magtayo ng isang pampublikong ospital na para sa mga mahihirap. Layon nila ang makatulong umano nang walang nakukuhang benepisyo sa tao, at nang hindi nakikipagtunggali sa dalawang malalaking ospital na kilala sa buong lalawigan. Iyon na nga ang BISH at SISH. Pero kahina-hinala ang mga hakbang nila," pagpapaligoy ni Heurt, nakay Chairman ang paningin. Nasusuya na ang mga nakikinig sa dami ng kaniyang sinasabi. "Kinuha nilang stockholders ang mga Enrile, Echavez, Gozon, Yanai. Iyong mga tanyag na pamilya dito sa Laguna."

"Bakit hindi tayo kinuha?"nakangising sabat ko. Wala akong natanggap na sagot kundi masasama nilang tingin. Bumuntong-hininga na lang ako at nanahimik.

"Wala akong nakikitang masama roon," ani Chairman. "Hindi kailanman naging masama ang tumulong."

"Sa ngayon ay wala. Ngunit kung hihimayin natin ang plano nila ay doon natin makikita kung masama nga ba ito o makabubuti iyon, Chairman. Ang layon nga ba ng pamilyang iyon ay ang makatulong?" pinagkadiinan pa ni Heurt ang mga huling sinabi.

"At ang iyong pinupunto ay?" nababagot nang tanong ni Chairman.

"Hindi kailangan ng stockholders sa isang pampublikong ospital lalo na kung ang pangunahing layon naman sa pagpapatayo nito ay ang makatulong sa mga mahihirap."

Tumikhim ang Chairman. "Bakit nila kinuha ang mga kilalang pamilya iyon kung ganoon?"

"Iyon na mismo ang kahina-hinala, Chairman," ani Heurt.

Wala pa man akong limang minuto sa kinauupuan ko ay naiinip na ako. Tsk. Sana pala ay nilinis ko na lang 'yong motor ko.

"Ang ibig mong sabihin ay pinaghihinalaan mo ang mga Rewis, Heurt?" tanong ni Mokz.

"Ayaw kong sabihin na oo. Pero sa isang kahina-hinalang kilos ay napakahirap sabihing hindi," ngumiti si Heurt.

"Pero hindi ba't kapansin-pansing si Chairman Enrile ang target sa mga pangyayari? Kung pwede nating paghinalaan ang mga Rewis na iyan, bakit kailangang isali nila ang ibang taong iyong nabanggit, Heurt? Hindi ba pwedeng si Chairman Enrile na lang ang kunin nilang stockholder tutal kayang-kaya naman nitong magpatayo nang panibago pang ospital?" sabad ni daddy. Tumango bilang pagsang-ayon ang karamihan sa kaniya. "Mayaman ang mga Enrile. Kaya nilang tumulong sa mga Rewis na iyon kung gugustuhin nila. Kwestyonable ang pagsali ng mga Rewis sa iba pang stockholders na kinuha. Sa tingin ko ay kontradiksyon iyon sa hinala mo."

"Iyon ay maliban na lamang sa mga taong handang gawin ang lahat, makapaghiganti lamang," makahulugang tugon ni Heurt. "Kung ang mga Enrile lang ang kukunin nila ay pihadong magiging madali sa mga ito ang paghinalaan sila. Kung ako man ang nasa posisyon ng mga Rewis ay gagawin ko ang mismong paraan nila. Kailangan nila ng iba pang mga tao para huwag mauwi sa gano'n ang isip ng mga Enrile. Kailangan nilang gumamit ng iba pang mga tao para mas magmukhang makatotohanan ang lahat. Napakatalino lamang nila at likas na magaling sa tingin ko sapagkat tiwala ang naging puhunan nila. Nakuha nilang agad ang tiwala ng mga ito sa loob nang maikling panahon. Maliban na lamang kung matagal na nilang napagplanuhan ang bagay na 'to," matalinong paliwanag niya, nakuha ng lahat.

Muling tumikhim ang Chairman. "Maaari mo bang sabihin ngayon sa amin kung ano ang iyong hinala sa mga Rewis? Baka nagkakamali lamang ako ng intindi," pakiusap nito.

"Sa tingin ko ay may kinalaman sila sa mga nangyayaring ito, Chairman," magalang na tugon ni Heurt, pare-pareho kaming nagulat. "Nasisiguro kong may malaking atraso si Chairman Enrile sa kanila para gawing en grande ang pagpaparamdam sa kaniya. May mga paputok pa." Sarkastika siyang tumawa.

Sino ang mga Rewis na 'yon?

"Kung gano'n ay sinasabi mo ba na may kinalaman din sila roon sa nangyari kamakailan lamang sa Palawan?" nanliliit ang mga matang anang Chairman. Agad na tumango si Heurt.

Doon lang nagising ang interes ko. "Sino ang mga Rewis?" hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong sa ina.

"Sila iyong pamilya na bagong pasok sa eksena," tumawa si Heurt. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya. "Ang mga sinabi ko ngayon ay pawang hinala pa lamang. Gaya nang sinabi ni Mokz ay wala tayong hawak na ebidensya. Pero maaari nating gamitin ang ating mga utak bilang basehan. Hindi masama ang maghinala kung ito'y sa isip mo lamang naman, mas masama ang mamintang. Sa tingin ko ay kailangan ko pang kumilos."

"Para saan ang pag-uusap na ito kung gano'n?" tanong ni Maxwell.

"Kailangan mong bantayan ang mga Echavez," nag-uutos ang tinig ni Mokz habang deretsong nakatingin sa kapatid ko.

Pareho kaming nagulat. "The Echavez'?" paglilinaw ni Maxwell.

"Oo, ang mga Echavez," mariing ani Mokz. Lalong nagising ang diwa ko.

Pareho kaming nagulat. "Ang mga Echavez?" paglilinaw ni Maxwell. "Hindi kayo nag-aaral sa iisang school ni Randall Echavez pero nasa iisang village kayo, at nagkakasama nang madalas sa pare-parehong ospital, tama?" Tumango si kuya. "Sa ganoong paraan ay magagawa mo siyang bantayan."

"Pero ang sinabi mo ay mga Echavez. Hindi lang si Randall ang kailangan kong bantayan kung gano'n?"

"Oo. Buong pamilya ng Echavez ang tinutukoy ko."

"But I don't think that is necessary, Mokz?" Gustong matawa ni Maxwell. "Kung alam ninyo lang, mas magaling sa 'kin sa bakbakan si Randall. Kung ako ang tatanungin ay baka siya pa ang makatulong sa atin."

"Wala namang sumusukat sa kakayanan ninyong dalawa, Maxwell Laurent," seryosong ani Mokz, naaasar. "Ang punto rito ay ang magbantay. Wala pa kaming sinabi na kumilos kayo. Nasa pagbabantay pa lamang tayo, hijo, buksan mo ang isip mo." Isang katangian ni Mokz ang simpleng pang-iinsulto sa t'wing seryoso. Nabengga niya si Maxwell.

Bigla ay nagtaas ng kamay si Maxrill. Kunot-noo namin siyang sinulyapan ni Maxwell. Habang ang lahat naman ay nakangiting tumango sa kaniya, naghihintay sa sasabihin niya.

"I can help, too," naninigurong ani Maxrill. "Me and Rhumzelle can hide somewhere."

"Tss, saan?" sarkastiko kong tugon. "Sa tent mong puno ng laruan? Shut up, Maxrill."

"Maxpein Zin," pagtawag ni Mokz. Nag-angat ako ng tingin. "Ikaw na ang bahala sa mga Enrile." Napabuntong-hininga agad ako. "Nababatid ko namang hindi mo talaga pababayaan ang iyong nobyo. Kaya naman ipauubaya ko na rin sa iyo ang mga Gozon at Yanai."

Nangunot ang noo ko. "Are you kidding me?"

"Walang sandali na may nagbiro sa mesang ito, hija," pormal na aniya. Gusto kong maloka sa katatawa pero anumang oras ay magagalit na siya.

"Ano ang akala ninyo sa 'kin, detective?" asik ko.

"Isang utos ang iniaatas sa iyo, hija, kailangan mong sumunod."

"Ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko 'yan?"

"Ang kaligtasan ng iyong nobyo."

"Mapapahamak ba siya kung hindi ako susunod?"

"Hindi ko masasabing oo pero hindi imposible," ubos agad ang pasensya ni Mokz.

"Wala akong ideya sa mga Rewis na 'yan. At wala akong oras para pag-aralan ang katauhan nila," palag ko.

"Sa ngayon mo lang sasabihin ang mga iyan dahil paniguradong magwawala nang kusa ang sistema mo kapag nadamay si Deib Lohr dito," nangangaral ang tinig ni Maze.

Napabuntong-hininga ako at sandaling natigilan. Tama siya. "Kung gano'n ay bakit kailangan na pati ang mga Yanai at Gozon ay mapunta sa 'kin? Isa lang kay Maxwell 'tapos sa 'kin ay tatlo? Hanep."

"Umayos ka sa pakikipag-usap mo, seryoso ang diskusyon na ito, Maxpein Zin!" asik ng Chairman.

"Nasa iisang school kami ng mga 'yan pero magkaiba ng campus. Iba ang schedule ng college students. Paano ko magagawang bantayan ang mga 'yan kung mas madalas ko pa nga silang hindi makita kaysa makasama?" reklamo ko.

"Gumawa ka ng paraan kung ganoon."

"Paano ang pag-aaral ko? Baka palayasin ninyo na naman ako kapag hindi ko naipasa ang taon na 'to? This is my last chance, Mokz."

"Pagsabayin mo."

"Wow, Wonderwoman!" nang-aasar kong bulalas habang nakataas ang kamay. "Hindi chubby si Darna, Chairman."

"Sinabi nang hindi ito ang oras para makipagbiruan ka, Maxpein Zin!"

"Sinasabi ko 'to dahil imposible ang ipinagagawa ninyo sa 'kin!"

"Wala ka pang nasusubukan ay nagrereklamo ka na—anong klaseng pag-iisip 'yan?"

"Advanced? Tss. Look, Mokz, Chairman, ang nangyaring pagsabog kahapon ay ni hindi ko man lang naagapan. Paano kong mababantayan ang mga 'yon kung hindi ko naman sila nakakasama? Magkakaiba kami ng schedule."

"Walang nagsabi sa iyo na agapan mo ang nangyari kahapon. Pero kung nagawa na nating makapag-usap nang maaga ay paniguradong may nagawa ka upang wala nang madamay. Iyon mismo ang ugali at pakinabang mo sa mundong ito, Maxpein Zin! Ang tumulong sa taong nangangailangan dahil doon ka magaling, sa pakikapagbakbakan!" angil ni Maze.

Ako na naman ang kontrabida sa pamilya nila. Ayos! Tss.

"Ano ba ang nangyayari sa iyo?" dagdag pa niya. "Kataka-taka yata na umaangal ka ngayon sa plano?"

"Marahil ay dahil kulang tayo sa ebidensiya," napapabuntong-hiningang depensa sa 'kin ni daddy. "Intindihin na lang muna natin ang mga bata. Hindi nga naman sila handang mapasok sa ganitong uri ng gulo. Iyong gulo na wala tayong kinalaman, hindi inaasahan."

"Pero walang ibang tao ang makagagawa sa atin ng ganito kung hindi tayo-tayo," makahulugan na ani Mokz.

Sandaling nangibabaw ang katahimikan. Pinahuhupa ang tensyon na namagitan dahil sa 'kin. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga dahilan nila para gawin namin 'to. Sa tingin ko naman ay tama lang ang pagrereklamong ginawa ko.

Kailan pa ba naman ako makakapag-aral nang dere-deretso? Parati na lang bang may ganito? Nakakasawa ang king ina.

"Ang lalaking iyon, Heurt, wala ba siyang maitutulong?" muling nangibabaw ang tinig ni Chairman. Nang mag-angat ako ng tingin ay abala ito sa paghiwa ng karne at tumingin na lamang kay Heurt nang ngumunguya na. "Iyong lalaking hawak natin ang tinutukoy ko. Iyong nahuli natin sa Palawan."

"Hanggang ngayon ay ayaw niyang magsalita, Chairman."

"Ano ang posible nating gawin para magsalita siya?"

"Paniguradong hindi siya lalo magsasalita kung sasaktan natin siya."

"Maliban sa pananakit."

"Kalayaan."

"Imposible," padabog na ibinaba ng Chairman ang tinidor at kutsilyo saka deretsong tumingin kay Heurt. "May kinalaman ang isang iyon panigurado at pihadong marami siyang nalalaman. Bakit hindi ka sa kaniya mangalap ng impormasyon?"

Nagbaba ng tingin si Heurt. "Hindi madaling paaminin ang isang iyon ngunit susubukan kong muli, Chairman," napapahiyang sabi nito.

Gaya nang sinabi ni Chairman ay doon ako nananghalian. Ilang oras ang ginugol namin sa pagpaplano nang kung ano-ano na idinaan ko na lang sa paglingon-lingon. Kahit na ang ilan ay hindi ko naman naintindihan.

Nainggit ako kay Maxwell nang idahilan nito ang duty kaya nakaalis siya agad. Samantalang ako ay nando'n at naiwan. Nainggit din ako kay Maxrill. Na walang ginawa kundi ang humalakhak na parang bata habang nagpapahabol paroo't parito sa bagong tuta.

Nakakaburyong maiwan sa mga matatanda. Tss.

"Sikapin ninyo na lamang na huwag magpahalata sa mga iyon dahil kahit hindi ko tanungin ay batid kong matatalino sila at magagaling kung kumilos. Hindi nag-iiwan ng bakas at mukhang planado ang bawat hakbang," ani Mokz.

Ibinaba ko ang basong iniinuman. "Ang totoo ay hindi ko kinakikitaan ng interes ang isang 'to," paglalakas-loob ko.

Wala akong pakialam kung hindi nila magustohan ang sasabihin ko. Gusto kong malaman nila ang laman ng isip ko.

"May isang maliit na bagay kayong pilit na pinalalaki, hindi ko maintindihan," bumuntong-hininga ako nang isa-isang sumama ang tingin nila sa 'kin. "Oo, hindi natin kilala ang mga Rewis. Bigla na lang silang pumasok sa eksena. At sa isang iglap ay kasundo nila ang mga Enrile. Pero hindi ba't parang mali naman 'yong paghinalaan natin silang may pakana sa mga nangyayari ngayon?"

Iyon talaga ang saloobin ko. Pakiramdam ko ay hindi nalalayo ang usapang ito doon sa pabirong pamimintang na ginawa ni Chairman Enrile. Pakiramdam ko ay wala kaming pinagkaiba sa kaniya. Ang pamilya ko ay pinaghihinalaan sila. At hindi malayong mauwi sa pagbibintang. Ayaw kong gano'n ang mangyari dahil sa huli ay paniguradong pangalan namin ang marurumihan.

"Wala kayong ebidensya," sabi ko pa.

Bumuntong-hininga si Mokz. "Kaya nga babantayan ninyo ang mga stockholders para makakalap ng ebidensya, Maxpein. Malaki ang tiwala ko na madaragdagan ang nalalaman natin kung makikisama kayo ng kapatid mo. Lalo na ikaw."

"Babantayan ko lang naman si Deib at 'yong mga kaibigan niya, 'di ba?" kunot-noong tanong ko. Tumango siya. "Hindi na mahirap para sa 'kin 'yon kung gano'n dahil dati ko naman na 'yong ginagawa."

Hindi ko intensyon na magyabang ngunit nasa katauhan ko na yata talaga. Syempre, napangiwi sila at napabuntong-hininga, senyales na nayayabangan talaga sila sa sinabi ko.

"Kung ganoon ay doblehin mo ang pagbabantay sa mga iyon."

"Doblehin?" napahalakhak ako. "Paano ang pag-aaral ko?"

"Hindi beinte-kuwatro oras ang hinihiling ko, Maxpein."

"Ang mga taong 'yon ay dumarating sa mga oras na hindi inaasahan, Mokz, imposible ang ipinagagawa mo."

"Wala ka bang tiwala sa mga sinabi ko o ayaw mong tanggapin ang responsibilidad na iniaatas ko sa 'yo?" seryoso siya, sobrang seryoso. Natigilan ako at hindi nakapagsalita. "Ang bagay na ito ay maselan para sa amin ngunit mukhang sa iyo ay biro-biro lang?" kunyari pa siyang ngumiti, nakakatakot ang kahulugan niyon. Galit na talaga siya. "Huwag mo sanang pagsisihan kapag dumating sa puntong kailangan ka nila ngunit doon ka pa lang maniniwala."

"Mokz," kinabahan ako sa sinabi niya.

"Hindi na biro ang isang ito, Maxpein. Hindi ito laro. May mga buhay silang isinasaalang-alang para lang mapunan ang kagustuhan nilang mangyari. Ang maghiganti, ay hindi ko pa nasisiguro ngunit hindi malabong isa iyon sa dahilan. Kung nakukulangan ka sa mga sinasabi namin, maaari kang kumuha nang sarili mong patunay na may dahilan upang magkaganito kami. Hindi pansariling kapakanan ang iniisip natin dito, hija. Kasama rito ang kapakanan ng nobyo mo, ng mga kapamilya at kaibigan niya. Ang taong malalapit sa kanila ay isa-isang idinadamay, hindi malayong mapasali ka," himig iyon ng pagbabanta ni Mokz.

Kakaibang takot ang epekto sa 'kin ng mga sinabi niya. Sa hindi maintindihang dahilan ay parang nagsisi ako sa mga nasabi.

Ilang beses akong nilamon ng kahihiyan. Ngunit hindi ko ugali ang magpaumanhin. "Gagawin ko ang lahat ng kaya ko. 'Yon lang," sabi ko at saka tumayo. "Balitaan ninyo na lang ako at tawagan kung kailangan. Mag-iingat ako pauwi."Tumango ako sa lahat.

Tulala akong naglakad palabas ng mansyon, nilalaro ang susi sa kamay. Pinuno ako nang panibagong mga tanong. Binabagabag ako ng mga sinabi ni Mokz.

Paano kung tama siya? Ano ang gagawin ko? Paano kung huli na ang lahat bago ko ma-realize na mali ang pagyayabang ko? Hindi ako pwedeng magsisi lalo na kung may kinalaman kay Sensui ang plano nila. Tsk. 'Wag matigas ang ulo mo, Maxpein. Hindi nakamamatay ang pakikinig.

Hindi ko maintindihan. Nakikita ko kung gaano kalaki ang interes nila tungkol sa issue na 'to. Hindi naman siguro nila isasali ang pamilya namin sa gulo ng iba kung hindi. Pero nakakainis isipin na isasaalang-alang nila ang kapakanan namin, makilala lang ang mga 'yon na pumasok sa teritoryo naming hindi naman binalikan pa ng mga ito. Nakapagtataka.

Umihip ang malakas na hangin nang isuot ko ang helmet. Gusto kong matawa. Tila awtomatikong naging sensitibo ang sistema ko sa paligid. Pakiramdam ko ay gano'n karami ang mga matang nakamasid sa 'kin. Posible, dahil marami kaming tauhan sa labas ng mansyon. Ngunit may kung anong nagsasabi sa 'king ang ilan sa mga matang nakatuon sa 'kin ngayon ay hindi ko kilala.

Mabagal akong nagmaneho, nakikiramdam sa paligid. Hindi ko alam kung dala ba ito ng kapraningan dahil sa mga sinabi ni Mokz, o sadyang tama lang ako. Kahit sa high way ay nando'n ang mga matang nakamasid sa 'kin. Kung nasaan sila ay hindi ko alam. Pero alam kong malapit.

Bigla ay nabalisa ako nang huminto sa stoplight ng crossing. Sa tingin ko ay iiral ang pagkababae ko sa araw na 'to. Simula nang magdose ako ay may isang linggo na akong isinusumpa kada buwan.

Dumeretso ako sa Pavilion Mall. Kahanga-hangang nakasunod pa rin sa 'kin ang mga matang iyon. Doon na ako nagsimulang magmadali papasok ng supermarket. Dumeretso ako sa section kung saan naro'n ang kailangan kong bilhin. Nakahilera ang iba't ibang brand ng napkins sa estante. Tiningnan ko iyon isa-isa, mula sa mahal hanggang sa pinakamura. Kasabay ng pagtingin sa presyo ay ang maingat na paghahanap kung saan nagmumula ang mga matang iyon. Ngunit nabigo ako. Hindi ko sila makita.

Gusto ko na sanang isipin na napapraning lang ako. Ngunit nang pumunta ako sa counter upang magbayad ay nahagip ng sulyap ko ang tatlong lalaki na nakatingin sa gawi ko. Maswerteng naiiwas ko agad ang aking paningin at inilipat 'yon sa maliit na monitor upang tingnan ang halaga na babayaran ko.

Matapos kong kunin ang pinamili ay naglakad ako na para bang walang nangyari. Gusto kong hulaan kung sino ang mga ito ngunit walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga Rewis. Ang mga Rewis na hindi ko kilala. Ang mga Rewis na wala akong ideya kung ano at saan nagmula. Ang mga Rewis na mahiwaga ang pagkatao at hindi mahulaan. Ang mga Rewis.

Paano ko ba magagawa ang trabahong 'yon na iniuutos ni Mokz kung ngayon pa lang ay nahihirapan na ako? Tss.

Naisip kong umuwi na pero nag-aalangan ako. Paano kung sundan ako ng mga ito hanggang sa bahay? Hindi lang ako ang mapapahamak kundi pati na rin ang mga kasama ko, ayaw kong mangyari 'yon. Pero hanggang kailan ako susundan ng mga ito? Hindi ko hilig ang magliwaliw nang mag-isa sa mall. Maraming tao, masakit silang lahat sa paningin ko.

Sinadya kong magtingin-tingin sa kung saan. Uuwi na sana ako nang wala man lang pumukaw sa interes ko sa dami nang botique na nadaanan ko. Iyong dulong store pala ang aagaw sa aking atensyon.

Isa iyong travel agency. Hindi ko akalain na hahayaan ko ang sariling magmukhang tanga na nakatunghay sa isang tarpaulin sa harap. Namangha ako sa offer papuntang Batanes, malaki ang discount. Para sa dalawang tao sa loob ng dalawang araw.

Lumabas ang crew at inanyayahan akong pumasok. Nakangiti akong sumunod at sinalubong ng ilang pang crew. Na tila sabik na sabik sa customer.

Nalibang ako sa pakikinig sa murang offer papuntang Batanes. Nilamon ng excitement ang sistema ko nang patulan ko iyon. Tuloy aynawala sa isip ko ang mga matang nakamasid. Hanggang sa makauwi ay nakangiti ako.

Paniguradong matutuwa si Sensui. Isang simpleng regalo, siguradong magugustohan mo. Iha-harvest natin ang mga puso mo. Tss.

"Oh? Akala ko ay gabi ka na uuwi?" bungad ni Naih.

"Hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila."

"Ano? Nalaman ninyo na ba kung sino ang may pakana no'ng pagsabog sa BIS?" aligaga niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi." Saka nag-iwas ng tingin.

"Naku! Ang sabi sa balita ay nanganganib daw na maipasara ang BIS. Nagpepetisyon ang mga magulang ng mga estudyante! Malaki ang laban ng mga 'yon panigurado kahit pa sabihing bigtime ang mga Enrile at ang iba pang stockholders!"

Bigla ay napalitan ng lungkot ang kaninang nanlalaki niyang mga mata at bigay na bigay sa pagkukwento niyang bibig.

"Stressed na stressed nga ngayon si sweetheart, eh,"napapabuntong-hininga niyang patuloy. "Ni hindi man lang kami nakapag-usap kaninang umaga. Nasanay na kasi akong nagigising sa tawag niya. Kinumusta niya ako kahapon pero hindi niya ako pinuntahan. Feeling ko tuloy hindi siya nag-alala. Syempre! Ang lakas ng pagsabog na 'yon, 'no!" muli siyang nalungkot. "Pero naiintindihan ko naman. Nasa school siya nang panahon na 'yon kaya paniguradong isa siya ro'n sa mga nag-panic."

"Kumusta na nga pala siya? Sila ni Tob? Ayos lang ba sila? Hindi ba sila nadamay sa insidente?"

"Bravo, kaibigan! Bravo!" parang sira siyang pumalakpak. Napabuntong-hininga ako. "'Yan na ang pinakamaraming tanong na nagawa mo sa tanang buhay mo!"

"Tss."

"Ngayon ay alam ko na kung ano ang pakiramdam mo kapag maraming tanong sa 'yo," nakangiwing aniya, humalukipkip 'tsaka tumingin nang deretso sa 'kin. "Ayos lang naman siya, silang pareho ni Tob. Pero siyempre, hindi mo maiaalis sa kanila ang mag-alala. Ikaw ba naman makarinig ng pagsabog habang umiihi, 'di ba? Aba, oo!" dinuro niya pa ako. "Umiihi silang pareho ni Tob nang mangyari ang pagsabog! Aba'y syempre, huminto ang ihi at bumalik sa pinanggalingan! Gaya natin ay nag-panic sila. Hindi naman kasi normal ang pangyayaring 'yon! Hindi! Mali! Mali! Wala nang normal na nangyari magmula nang pumasok ang taon na 'to!" aniya na nakataas pa ang isang kamay na animong si Darna.

Hindi ko masisisi ang mga magulang kung bakit gano'n ang naisip nilang hakbang para maprotektahan ang pamilya nila. At pakiramdam ko ay ngayon ko lang lubos na nauunawaan kung bakit gano'n na lang mag-alala at mag-isip ang aking pamilya. Hindi naman sa nangingialam sila pero nakakatakot na talaga ang mga ganitong pangyayari. Lalo pa at mas nakababata pa sa 'kin ang karamihan ng estudyanteng naro'n.

"'Yong mga magulang ng primary students ang unang nagpetisyon. Susunod na raw ang mga nasa secondary. 'Yong tertiary naman ay nagrereklamo dahil kahit yata sa loob daw mangyari ang pagsabog ay may pasok sila. Shock-proof daw ang mga college students, eh. Psh," sarkastikong aniya, naaasar.

"Ibig mong sabihin ay may pasok pa rin sila hanggang ngayon?"

"Mismo!"

"Lahat sa tertiary?"

"Lahat sa tertiary!"

Tss. Bakit gano'n? Hindi ba sila nag-aalala para sa mga nasa college?

Napabuntong-hininga ako at naisip si Sensui. Paniguradong natatakot 'yon pumasok. Hindi ko tuloy maiwasang ang lagay niya. Baka makasama sa kalusugan niya ang nangyayari.

Kung gano'n ay kailangan nga niyang mag-ingat. Paano kung sunggaban ng masasamang taong 'yon ang pagkakataon na 'to? Paano kung si Sensui ang gawin nilang pain para makuha ang Chairman?

Kinabahan ako sa sariling naisip. "Nasa school kaya sila ngayon?" dagling tanong ko.

"Oo, may pasok nga sila, 'di ba? Kasasabi lang, eh," pabulong niya pang sinabi ang huli. Tumayo ako.

"Pupuntahan mo?"

"Oo."

"Bakit?"

Napaisip ako kung bakit. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang mga iniuutos sa 'kin ni Mokz. "Gusto ko lang makita si Sensui. Wala naman akong ibang gagawin," nakangiting sabi ko.

"Psh! Stop me!" aniya na iniharap pa ang palad niya sa mukha ko. 'Yong tipong nakakaduling sa sobrang lapit. "Siguro...excited ka na sa celebration niyo, 'no?"

"Anong celebration?" maang-maangan kong tugon.

"Naku!" kiniliti niya ang tagiliran ko. "Naku!" kiniliti niya rin ang leeg ko. "Naku!" kikilitiin niya sana ang kili-kili ko pero iniiwas ko 'yon. "Makaiwas nang kili-kili! Siguro, diyan nanggaling ang pagsabog, 'no?"

"What the hell, Naih?"

"Psh!" binigyan niya ako nang nanunuyang tingin. "Oh, eh, ano naman ang regalo mo kay Sensui bukod sa puso?"

"Regalo?"

"Pwede ba, Maxpein? Anniversary ninyo na rin, 'di ba? Gaya namin nina Lee, Tob at Michiko ay magse-celebrate na rin kayo ng anniversary. Mas mauuna pa nga kayo, psh. Ang mga normal na tao ay nagse-celebrate ng anniversary, Maxpein. Magpaka-normal ka naman para sa boyfriend mo."

"Tss. Ang OA mo."

"Oh, eh, ano nga? May balak ka ba?"

"Oo."

Nanlaki ang mga mata niya. "OMG! Ano 'yon?"

"Tss. Ikaw ba ang karelasyon ko para sabihin ko pa sa 'yo?"

"Stop me? Ano nga 'yon?"

"Sa 'kin na lang muna 'yon. Baka masabi mo pa kay Lee at makarating kay Sensui."

"Hindi ako gano'n, 'no! Kapag sinabi mong secret ay secret!"

"Tss, hindi mo 'ko maloloko," ngisi ko.

Sumimangot siya. "Birthday na rin niya sa isang buwan, any plans?"

"Girlfriend lang ako at hindi magulang, Zarnaih," masungit na sagot ko, lalo siyang sumimangot. "Obligado ba talaga ako sa mga ganiyan? Tss. Mas gusto kong magkusa. Ayaw kong inuutusan."

"Oo na, Maxpein," aniya na umayos ng upo. "Kung ako 'yan, naku! Ngayon palang ay nasa ayos na ang lahat!"

"Nasa ayos naman na," nakangising tugon ko. At dahil nga OA siya ay nanlaki na naman ang mga mata niya.

Naalala ko ang tour package na kinuha ko. Naro'n na ang lahat ng kailangan para maging romantiko ang munti kong regalo. Alam ko namang kahit pinakasimpleng bagay na ibigay ko kay Sensui ay ikatutuwa niya. Wala akong balak na higitan ang anumang naibigay at naiparamdam niya. Gusto kong magkaro'n nang sarili kong paraan ng pagiging sweet, romantic, caring at kung ano pang dapat na ibigay sa isang minamahal.

Gabi na nang makapagpahinga ako. Doon ko lang din naalalang tingnan ang cellphone ko. At nadismaya nang makitang wala man lang text si Sensui.

Sobrang busy niya ba?

Hindi naman na bago sa 'kin 'yon. May ilang beses na rin akong hindi nakatanggap ng text sa kaniya nang isang buong araw, lalo na kapag may tampuhan kami. Pero normal naman kami at walang pinag-awayan, marahil ay busy nga lang siya.

Sa halip na mag-isip nang kung ano-ano ay ako ang tumawag.

"Hello?" sagot niya. Sa boses palang niya ay halatang pagod na siya.

"Hi," ang tanging nasabi ko, nakakatawa. Napapikit pa ako sa hindi malamang dahilan nang ma-realize kung bakit iyon ang sinabi ko.

"Babe, sorry, I was busy."

"How was your day?"

"Busy, nakakapagod pero masaya."

Masaya? "Ganiyan talaga kapag nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo," nakangiting sabi ko. May kung ano sa isip kong sinasabing sarkastiko ako kahit hindi naman 'yon ang intensyon ko. "Ayos ka naman ba sa school? Dapat ay wala na rin kayong pasok dahil sa nangyari kahapon."

"Ewan ko ba, normal pa rin ang klase ko. Tch. Hindi na nga normal, eh! Sa dami nang ginawa ay hindi na normal," biglang bawi niya 'tsaka bumuntong-hininga. "Marami pa rin ang takot. Hindi nga ginamit 'yong main gate kanina at lahat ay doon sa parking lot dumaan kaya matagal bago makalabas," kuwento niya.

Mas maliit ang gate na tinutukoy niya kompara sa main gate na kahit magsabay-sabay ng pasok ang lahat ay pupwede.

"Nasa isip ko pa rin 'yong nangyari kahapon pero kailangan kong iwasan dahil baka makaapekto sa 'kin. Marami kaming exam kanina."

"I see. Gusto sana kitang puntahan kanina pero kinailangan kong umuwi sa mansyon." Wala akong balak sabihin sa kaniya kung ano ang napag-usapan namin do'n. "Wala pa rin akong pasok bukas. Kayo?"

"Meron," muli siyang bumuntong-hininga. "Malapit na ang prelims at kailangang magpakaabala."

"Hindi pala kita pwedeng abalahin kung gano'n?"

"Tch. Alam mo namang parati akong may oras para sa 'yo, Taguro."

Nangiti ako. "Alam mo rin naman na pwede kitang intindihin kung kinakailangan, Sensui."

"Ayos lang ako, nagpapahinga pa naman ako. Kumusta ang araw mo?"

"Hindi normal."

"Bakit?"

"Hindi kita nakasama, eh."

"Wow, ang sarap sa pakiramdam."

"Ang hindi ako makasama?"

"Ang nanlulumo ka dahil hindi mo ako nakasama."

"Wala sa nabanggit ko ang panlulumo, 'wag kang assuming."

"I miss you, babe."

"I miss you more," seryosong sabi ko, bahagyang nakangiti.

"Sinabi ko na nga ba. Tch!"

"Bakit?" takang tanong ko.

"May gusto ka sa 'kin, 'no?"

"Eh?"

"May gusto ka sa 'kin." Naniniguro ang kaniyang tono, natawa ako. "Ayos lang dahil may gusto rin naman ako sa 'yo, Taguro."

"Nababaliw ka na."

"Matagal na. Sa 'yo. Bwahaha!"

"Tss. Hindi ka yata nag-text sa 'kin buong araw? Naninibago ako."

"Dahil hinahanap-hanap mo ang pagmamahal at paglalambing ko. Ganiyan nga, Taguro, ganiyan nga, bwahahaha!"

"Tss."

"Busy nga ako, babe. Busy ako sa pag-aaral. Nag-aaral akong mabuti para sa pamilya ko at sa magiging pamilya ko pa kasama mo. Bwahahahaha!" Napakalakas ng boses niya, hindi ko naiwasang matawa. "Tch. Naglalambing ka, bigla kang tatawanan! Bakit nga ba hindi pa ako nasanay? 'Yan ba ang nami-miss, Taguro?"

"Ano ba dapat ang gawin ko?"

"Ang umiyak dahil nami-miss mo 'ko?" patanong na tugon niya, natawa lang ako. "Kahit naman buong araw akong tutok sa pag-aaral ay sumasagi ka pa rin sa isip ko. Tch. Ikaw na lang parati ang dahilan kung bakit pinag-iigihan ko ang pag-aaral ko," panunumbat niya, paniguradong nakanguso na naman siya sa kabilang linya.

Napangiti ako. "Bakit naman ako ang dahilan? Hindi ba't dapat ay sarili mo ang pangunahing dahilan, ikalawa ang pamilya mo at pangatlo lang ako?"

"Gano'n nga, Taguro! Tch! Ikaw ang kalahati ng sarili ko. Hindi buo ang pagkatao ko kapag wala ka! Kaya kapag sinabi kong sarili ko ay awtomatikong kasama ka! Tch! At isa pa, sa 'yo lang nababagay ang apelyido ko kaya ikaw lang ang makabubuo ng pamilya kasama ko. Bwahahaha! The Enrile's, haha! Astig."

Malapit na ang anniversary namin, naaalala kaya niya?

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang lungkot na bumalot sa 'kin. Inaasahan ko kasing mauuna pa siyang makaalala.

"Kung maaga ang uwian mo bukas, pwede kitang yayain na lumabas," wala sa sariling nasabi ko.

"Pero kailangan kong mag-aral, babe."

"Ah, gano'n ba?" napapahiyang tugon ko, napakamot pa sa ulo. Ang sabi niya ay may oras siya sa 'kin. "Sige, sa susunod na lang."

"Oo, babawi naman ako sa 'yo."

"Sige, hihintayin ko na lang."

"Mm, pwede na ba akong matulog, babe? Inaantok na kasi ako, marami kasi kaming ginawa kanina."

Napalunok ako. "Sure, it's fine."

Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong napahiya. I don't know why. Normal lang namang antukin kung pagod. Pero bakit binibigyan ko 'yon nang ibang dahilan? Nawiwirduhan ako sa sarili ko.

Sinikap kong ngumiti. "Magpahinga ka na, galingan mo sa pag-aaral."

"Para sa 'yo, babe. I love you. Goodnight," aniya saka ibinaba ang linya.

Natitigilan akong tumitig sa cellphone bago iyon tuluyang inilapag. Inihiga ko ang katawan sa kama at magdamag na nag-isip hanggang sa makatulugan.

Continue Reading

You'll Also Like

204K 3.8K 21
Dice and Madisson
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...