The Covenant [ON HOLD]

By somberDoll

1.9K 37 62

Kung tutuusin mga normal lang silang estudyante.Yun ang gusto kong sabihin sa lahat.Pero hindi yun ang katoto... More

PROLOGUE
Chapter 2 : Boogsh!
Chapter 3 : Out

Chapter 1 : Tap Tap Tap

482 10 19
By somberDoll

                      Gabi na pero nandito pa rin si Quia. Kanina pa sya dito sa ComLab pero hindi pa rin sya tapos. Dahil sa cinonfiscate ang mga laptop at cellphone nila ng magbago ang sistema ng university, wala syang choice kundi gawin dito sa CommLab ang report nya para bukas.

                       Unti-unti na rin syang tinatamaan ng antok. Nag-unat unat na sya. Pero hindi pa rin maalis ang antok nya. Kaya naisipan nyang magkape muna. Kinuha nya mula sa kanyang sling bag ang isang itim na tumbler at limampisong barya.

                        Naglakad na sya papunta sa ground floor kung saan nandun ang vending machine. Mag-isa lang sya. Nakapatay ang mga ilaw sa bawat classroom. Tanging ang malamlam na ilaw sa corridor ang  nagiging gabay nya para makababa mula sa ika-apat na palapag. Nag-hu-hum nalang sya para malibang at hindi makadama ng takot.

                         Habang naglalakad sya sa hagdan pababa ng ground floor, nakarinig sya ng mabilis na yapak. Mabilis at malalakas na yapak. Kabado syang nagpalinga-linga sa paligid. Pinakikinggan nya ng mabuti ang naturang tunog. Papalapit ba ito sa kanya? Yun ang hindi nya matansya. Ang bilis ng tibok na puso nya habang naghahanap. Pero wala syang makitang tao. Umiling sya.

" Wala akong naririnig. Wala akong naririnig. Wala akong naririnig."

                          Paulit-ulit nyang sinasabi to sa sarili hanggang sa hindi na nga nya marinig ang mga misteryosong yapak. Kumalma sya ng konti. Bago nya pa mapansin,nasa harapan na pala sya ng vending machine. Kumuha sya ng cup at nilagay to dun. Hinulog nya ang mga dala nyang barya.  Pinindot nya ang buton sa tapat ng "Sweet Brewed Coffee". Naglabas na ng kape ang machine. Patulyo nyang pinapadyak ang paa sa saliw ng tono na ngayon lang nya natuklasan. Para sa kabado at nagmamadalingtulad nya, tila ang bumagal sa paggawa ng kape ang machine. Ngunit makalipas ang ilang segundo, puno na ng bagong brewed na black coffee ang cup na nilagay nya. Kinuha na nya to at sinalin ang laman nito sa dala nyang tumbler.

                           Umiinom muna sya ng kape bago bumalik sa 4th floor. Bahagyang napawi nito ang kaba na nadarama nya.

" Bukas ko nalang tatapusin yung report ko. Gigising nalang ako ng madaling araw." sabi nya sa sarili.

                            Hindi pa rin kasi mawala sa isipan nya ang mga narinig nya kanina. Sigurado syang may narinig sya. Pero sigurado din syang wala syang nakitang pwedeng panggalingan ng tunog. Hindi nya tuloy maintindihan kung nagpaglalaruan lang ba sya ng utak nya. O hindi.

                            Humangin ng malakas pagtapak nya sa second floor. Nanayo ang mga balahibo nya sa batok. Kinabahan sya. Pinagpapawisan sya ng butil-butil. Bumilis ang lakad nya. Bumilis ng bumilis hanggang sa hindi na nya napapansing tumatakbo na pala sya. Muntik pa nyang malampasan yung CommLab. Buti nalang naaninag nya yung desktop na gamit nya kanina.

                           Tumigil sya sa harap ng CommLab. Nagpunas muna sya ng noo gamit ang likod ng kanyang kamay bago pumasok. Tumingin sya sa kaliwa. Tapos sa kanan. Nang masiguro nyang walang sumusunod sa kanya, pumasok na sya sa loob. Dali-dali nyang sinave ang report nya at binunot ang flashdrive. Hindi na nya sinafety remove. Kunwari nag-brown out. Shinut down na nya  ang computer. Hindi na nya hinintay na tuluyang mamatay ito. Agad nyang kinuha ang mga gamit nya at tumakbo na palabas ng Lab. 

                            Pero paglabas nya, bigla syang napatigil ng may maaninag syang pigura sa peripheral vision nya.

" Ay! &%^#$#$^!!!!!" Laking gulat nya ng makita nya si Professor Radcliffe na nakasandal sa pader sa labas ng Lab. Nakatingin lang ito sa kawalan. Walang expression sa mukha. Tila isang blankong papel na nakadikit sa pader. Mukha syang estatwang gawa sa wax. His eyes are gloomy. Almost translucent from where Quia stands. Tinititigan sya ng mabuti ni Quia

. Nagtataka to kung bakit hindi sya lumingon after nyang mag-salita ng foul words. " Hindi ba ko narinig ni Sir? Pero impos~."

" ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Biglang lumingon si Professor Radcliffe at sinigawan sya. Galit na galit ito. Nakaktakot ang mukha nya. Para syang sinaniban ng kung anong masamang espirito. Mabilis itong sumisigaw. "BAKITKAPANANDITO?HINDIBADAPATKANINAKAPANASADORM?!BAKITNANDITOKAPAAAAA!!!!"

                              Natigilan si Quia. Pero agad naman syang sumagot kahit puno ng takot ang buong pagkatao nya. " May ginawa lang po akong report." sagot nya. Nanginginig ang nakarolyong papel na hawak nya. " Aalis na po ako." 

                               Hindi na nya hinintay na magsalita pa ang propesor nya. Buong lakas na syang tumakbo pababa. Sobrang bilis na pwede na syang ipangtapat sa mga runners sa London Olympics. Paglabas nya ng building, nilingon nya ang CommLab. At halos madapa-dapa sya ng makita nyang nakatayo dun si Prof Radcliffe. hindi sya mukhang tao mula sa view nyang to. Tila isa syang unidetified object. Inalis na ni Quia ang tingin nya sa propesor bago pa sya maka-isip ng mga bagay na mas lalong makakapanakot sa kanya.

                              Abot tanaw na ni Quia ang puti at Greek architecture dorm nila. Nakabukas pa ang ilaw sa ilang mga kwarto sa West at East wing. Pagbukas nya ng malaking double door, hingal na hingal syang naglakad sa loob. Malayo-layo din kasi ang tinakbo nya. Mga isang kilometro siguro. Sa sobrang panic nya kasi, nalimutan nyang kunin yung susi ng lock ng bike nya kaya napilitan na lang syang tumakbo. Laking takot lang nya na masundan sya ng bago nyang professor.

                               Nasa Common Area pa ang ilan sa mga kabarkada nya. Sina Sync, Zeek, Ymir at Noen. May kanya-kanya silang hawak na barahe. Naglalaro sila ng pusoy. 

" Oh. Bakit parang hingal na hingal ka ata, Qi. Nag-triathlon ka ba?" biro sa kanya ni Sync. Umupo si Quia sa tabi nya.

" Hindi. Sinubukan ko lang tumakbo. Baka kasi hindi na ko marunong ii." sagot nya. Ininom nya ang kape na nasa tumbler pa nya. " Langhya! Ang layo pala talaga ng dorm pag wala yung bike ko."

Nagtapon ng isang par na Queen si Noen bago sya nagtanong kay Quia. " Ee nasa ba yung bike mo?"

" Naiwan ko sa school." 

" Seryoso?!" sabi ni Zeek. " Pano nangyari yun?! ikaw?! Maka-iwan ng pinakamamahal mong bike?!"

" Hindi! hindi ako!" sagot ni Quia, sarcastically. " Takte! Naiwan ko kasi sa drawer yung susi ko kaya tumakbo na lang ako." 

" Bakti ka naman tumakbo pa? Hindi ba pwedeng maglakad ka nalang?" tanong ni Ymir.

" Hindi pwede. Mamatay ako pag naglakad ako." pabulong nyang sinabi yung huling linya. " Sige,men. Akyat na ko."

" Sige dre." sagot naman ni Sync.

" Hindi pa kayo aakyat?" tanong ni Quia sa kanilang apat.

" Tatapusin lang namin to." sagot ni Zeek.

" O sige." Tumalikod na si Quia. Pero bago sya humakbang sa unang baitang ng hagdan, nilingon nya muna silang apat. " Wag nyong kalimutang i-lock yung pinto aa."

" Yes boss." sabay nilang sagot.

                                Umakyat na si Quia. Pagdating nya sa 2nd floor, kumaliwa sya. Sa West wing ang hilera ng kwarto ng mga girls. Pink na stripes ang wallpaper nila. Blue naman sa mga kalalakihan, sa East wing. Tinahak nya ang mahabang hallway. Nasa pang-apat na kwarto mula sa dulo ang kwartong pinagsasaluhan nila ng kaibigan nyang si Sab.

                                 Pagbukas nya ng pinto, mahimbing ng natutulog ng kaibigan nya. Sa organisado at malinis na parte ng kwarto. Agad namang kumuha si Quia ng damit sa kanyang closet. Kasing gulo ng closet nya ang mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang study table. Sa sobrang busy nya, nawawalan na sya ng oras para mag-ayos ng mga gamit. Nagbihis na sya at nagsipilyo. After that, she whispered a prayer. Humiga na sya at hinayaang nakawin ng tulog ang isipan nya.

                                  Tumatakbo sya ng mabilis sa loob ng isang makitid, madilim at hindi pamilyar na alley. Kanina pa sya tumatakbo pero tila wala itong katapusan. Hanggang sa may nakita syang liwanag. Bahagya syang nabuhayan ng loob. Ngunit biglang napatigil ang mga paa nya ng makita nya ang isang tao na nakatayo gilid ng alley. Isang tao na matagal nyang nais kalimutan. Sya at ang buong klase.

                                   Dalawang taon na ang lumipas pero bakit tila hinahabol pa rin sya ng imahe ng  taong to?

                                                                  ** ~ AUTHOR'S NOTE ~**

dahil naguguluhan ang mga minamahal kong classmates at lagi nilang tinatanog who's who, ilalagay ko na sa gilid (MM) ang mga characters. ok? hahahah. 

love y'all ^___________^

XOXO

Continue Reading

You'll Also Like

188K 5.2K 96
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
475K 11.9K 49
๐˜Œ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฌ, ๐˜ด๐˜ข๐˜บ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด.
57.8K 4.7K 31
๐‘จ๐’ˆ๐’‚๐’“ ๐’•๐’– ๐‘บ๐’‰๐’Š๐’— ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘บ๐’‰๐’‚๐’Œ๐’•๐’Š, ๐‘ป๐’– ๐‘น๐’‚๐’Ž ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘บ๐’Š๐’•๐’‚, ๐‘ป๐’– ๐‘ฒ๐’“๐’–๐’”๐’‰๐’ ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘น๐’‚๐’…๐’‰๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’ ๐’‹๐’‚๏ฟฝ...
52.4K 1.3K 57
๐–ก๐—ˆ๐—‹๐—‡ ๐—‚๐—‡๐—๐—ˆ ๐–บ ๐–ฟ๐–บ๐—†๐—‚๐—…๐—’ ๐—๐—๐–บ๐— ๐—Œ๐—…๐—ˆ๐—๐—…๐—’ ๐–ฟ๐–พ๐—…๐—… ๐–บ๐—‰๐–บ๐—‹๐—, ๐–ซ๐–พ๐–บ๐— ๐–ง๐—ˆ๐—‰๐—‰๐–พ๐—‹, ๐–บ๐— ๐—ƒ๐—Ž๐—Œ๐— ๐—๐–พ๐—‡ ๐—’๐–พ๐–บ๐—‹๐—Œ ๐—ˆ๐—…๐–ฝ, ๐—…๐—ˆ๐—Œ๐–พ๏ฟฝ...