10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES

119K 2.2K 626
By Khira1112

RHEA POV

I never thought Artemis and Coby have their own lighter side. Ganito kami nung mga bata kami. Hindi ko akalaing hindi nawala sa characteristic nila ang adoration nila sa akin. Ang napansin ko lang kasi nung una ay yung kaibahan ko sa kanila. Yung malaking pagkakaiba ng lifestyle namin. Parang dati yung unang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sila ay yung kaba. Kinakabahan ako sa tuwing naiisip ko na mahirap silang pakisamahan. Sa tuwing sumasagi sa isip ko na wala silang pinagbago ay hindi ko maiwasang matakot na baka hindi nila magustuhan ang mga pagbabagong nangyari sa akin. Kaya parang kusang nag-iiba ang ugali ko pag sila ang kaharap ko. Siguro ay takot lang akong ma-reject. Who in the world does want rejection?

But now, I feel secure. Nawala yung pagkailang. Nabawasan yung kaba ko. Hindi ko alam kung paano pero ramdam ko yung improvement sa sarili ko.

Hindi muna ako magyayabang. Baka mausog ako. Sana magtuloy-tuloy na.

Napasigaw ako ng matalo ko ang magkapatid sa paglalaro namin ng COD sa Xbox. Lumingon ako sa magkapatid. Si Coby napanga-nga at si Artemis naman ay frustrated na nilapag sa kanyang hita ang joystick.

"I suck!" reklamo ni Artemis.

Tinuro ako ni Coby nang lingunin niya si Artemis. "I can't believe she beats me! I thought I've already master this game. Damn. She's a monster." napangisi ito at halatang amaze na amaze sa pagkapanalo ko. Napangiwi naman ako. Dapat ba easy mode lang ako kanina?

Natawa si Artemis at hinampas sa balikat ang kapatid niya. "You finally met your match, brother."

Lumingon sa akin si Coby at nagkatinginan kaming dalawa. He chuckled. "I won't mind being defeated by her if she's my match."

Ako naman ang napanga-nga. Biglang nangisay si Artemis sa tabi ni Coby at hinampas hampas ang braso ng kanyang kapatid gamit ang throwpillow. Tatawa-tawa namang pinapatigil ni Coby si Artemis. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Nanunuod.

Napalunok ako at tumikhim. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko gustong bigyan ng kahulugan ang sinabi ni Coby pero sinisigaw ng isang side ng utak ko na may ibig sabihin iyon.

Okay. Kalma. Kailangan kong kumalma. Hindi ito ang oras para kiligin ako sa sarili ko. There's no confirmation. I can't assume nor conclude. Nakakamatay.

Hinawakan ni Coby ang braso ko at pinaupo ako muli sa tabi niya.

"Rematch?" kumikislap ang mga mata niya. Ngayong magkalapit kami parang gusto ko ring mangisay kagaya nung kay Artemis. Shit! Ang gwapo-gwapo niya. Lahat ng parte ng mukha niya sumisigaw ng salitang 'pogi ako'. Hindi ko masisi ang puso ko sa pagiging abnormal nitong muli.

"S-sure." ngumiti ako at ngumiti rin siya pabalik. Gaaad! Ayoko na! Lusaw na ko! Nahihirapan akong huminga. Shit talaga. Dati naman walang epekto sa akin ang mga gwapo, ha? Self-proclaimed pa nga ang pagsasabi ko na 'mas gwapo ako sa kanila.' But now? Hiyang-hiya ang balat ko kay Coby. Wala akong panama. Ngiti palang dehado na ako.

Nag-rematch kami at doon ko tinutok ang buong atensyon ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-focus sa game gayong sobrang distracted ako na katabi ko siya. Minsan nagkakasanggi ang mga braso namin at pag nangyayari iyon, heaven and hell ang feeling. Heaven dahil masarap sa feeling. Hindi ko ma-explain kung paano naging 'masarap' ang pagsasanggi ng braso gayong hindi naman ito pagkain. Hell dahil sa tuwing nararamdaman ko ang balat niya, napapaso ako. Anong kaabnormalan ang tawag dito? Disorder na ba ito or what?

Hindi na sumali si Artemis at pinanuod na lamang kami na naglalaban. Maya-maya ay nagpunta ito sa kusina para kumuha ng snacks. After three games, hindi pa rin ako natalo ni Coby.

Itinaas niya ang kanyang kamay at umiiling-iling habang nakangisi. "Damn, girl! Hands down na ako! I can't beat you." tatawa-tawa nitong sabi. Namula ako.

Coby can't beat me. I should feel happy, right? Coby is good at it , yet I still win. That means I'm better than him.

Ngumiti ako sa kanya. "Magaling ka rin naman."

"But I can't beat you." ngumuso ito. "Saan ka natuto maglaro nyan? Ang galing mo naman ata?"

"Aah. A-ano. . .sa mga kuya ko." Partly true. Nung nandito pa sa Pilipinas ang mga Kuya ko, tambayan nila ang gym at entertainment room pag nasa bahay sila. Naalala ko pa nung time na nag-aagawan sila sa joystick.

But I've learned to master their games nang masolo ko ang Xbox. Minsan kalaban ko si Papa na mahilig magpatalo at pinagbibigyan lang rin ako nung mga panahon na wala na ang mga Kuya ko sa bahay.

The most challenging experience on learning is when you found a kind of opponent who will never let you win. Natuto ako dahil na-challenge ako. Natuto ako dahil sa determinasyon kong matalo ang taong walang palya sa panalo sa tuwing ako ang kalaban niya. Wala akong ibang tinutukoy kundi si Delgado.

We've played a hundred of times sa iba't-ibang laro sa Xbox at katulad ni Coby, ako pa ang nagrequest ng rematch but in the end I'm still no match to him.

Napaisip tuloy ako. If Coby can't beat me and I can't beat Delgado. Kung sakali bang maglaro silang dalawa tulad nito, no match rin kaya si Coby sa kanya?

Teka, ba't nga pala dinawit ko rito si Delgado? Erase. I should focus on Coby dahil siya ang kasama ko ngayon.

"Speaking of your brothers, hindi mo ba sila nami-miss?"

"Syempre, nami-miss pero naiintindihan ko naman. They are achieving their dreams. Saka uuwi naman si Kuya Rex this month. Malapit na. Dito siya magbibirthday." Si Kuya Rex ay ang kapatid ko na nasa New Zealand at isang Landscape Architect. Malapit na itong umuwi.

Tumango-tango siya. "That's good. May kasama ka na ulit. Parang ang lungkot kasi ng bahay niyo. Kayong dalawa lang ni Tito Robi. Kami ni Artemis, hindi pa nagkalayo ng gano'n katagal." naiiling na sabi nito.

"Hmm, close talaga kayo no?"

"Yeah. Kahit may pagka-spoiled brat minsan 'yon, hindi ko kayang iwan. Hinihintay ko ngang magka-boyfriend para hindi yung boyfriend niya na ang sasalo ng kakulitan niya." natawa kaming pareho. Sumandal siya sa sofa. "Pero wala, eh. Baka maunahan ko pa siya."

Napalingon ako sa kanya. Nakapikit siya habang nakasandal ang ulo sa sofa. May ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung para saan iyon.

Dumating si Artemis na may dalang tray. May laman iyon na chicken sandwich at ice tea. Nauwi ulit kami sa kwentuhan ngunit hindi maalis sa isip ko ang kakaibang ngiti ni Coby. Napatingin ako sa wall clock. Almost 12 na pala.

Pagtapos namin kumain at magkwentuhan, nagkayayaan na kaming matulog. Tabi kami ni Artemis sa kama. Si Coby , syempre, hindi siya pwedeng tumabi sa amin kaya do'n siya sa kwarto niya.

"Night, girls!" nag-flying kiss pa 'tong si Coby habang papunta ng kanyang kwarto. Natawa na lang kami ng kanyang kapatid.

Diretso agad kami ni Artemis sa kama. Pinatay niya ang chandelier gamit ang isang maliit na remote at binuksan ang lampshade bago tuluyang humiga sa tabi ko.

"Thank you, Rhea, for staying here tonight." nakangiting wika nito. "I really enjoyed being with you. I'm pretty sure Coby feels the same."

Ngumiti rin ako. "Wala 'yon. Tagal na rin nung huling naki-sleepover ako at laging kina Anne lang."

"I miss her ,too. Busy ba siya?"

"Hmm, medyo. Advance kasi mag-aral 'yon at lately, may pinagkakaabalahan siya. Hindi ko alam kung ano."

Tumango-tango si Artemis. "I hope I could visit her one of these days."

"Yeah. I'm sure matutuwa iyon."

Sandali kaming hindi nag-imikan. Akala ko ay tulog na siya pero narinig ko pa siyang nagsalita.

"Nagpaparamdam na ba si Coby?"

Natigilan ako. "H-hu?"

Nagbuntong hininga siya. "I don't want to be a spoiler pero alam ko naman na nararamdaman mo na siya. Konting patience, pagong talaga kumilos 'yon pero sigurado ako na worth it naman. You'll see." mahinang wika niya.

Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. Hindi ko sumang-ayon o sumalungat dahil ayokong magmukhang pakipot o assuming.

Pero tama si Artemis, I felt something and there's no need to be in denial.

Ngumiti si Artemis sa akin bago niya pinikit ang kanyang mga mata.

"Sometimes, words are not enough. Simple actions will do if you just know how to read between the lines." iyon ang huli niyang sinabi sa akin.

Hindi na ako sumagot at pumikit na rin.

And again, she's right.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-idlip ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ilalim ng unan. Ayoko sanang bigyan ng pansin pero baka magising si Artemis kaya kinuha ko na lang.

Text message from Ren Delgado.

Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang laman no'n.

Bakulaw : Tulog ka na? I'm still waiting for a single reply kahit tuldok lang.

Napapikit ako. Damn this stupid jerk! Madaling araw na at patulog na ako pero tila nagising ang sistema ko ng mabasa ko 'to.

Malakas na kumabog ang dibdib ko at parang pinipiga iyon dahil sa pagpipigil ko.

Matapos kong mabasa yung mga message niya kanina, napagpasyahan kong huwag na lang mag-reply . Ayokong maging distracted lalo. Nandito na nga si Coby, sasabayan pa niya ng nakakabaliw na mga text.

He said he was angry because of jealousy. He wants me to go home but I can't. Nakakahiya naman sa magkapatid. Minsan lang rin naman ako nandito.

Ngayon, pinag-iisipan ko kung magrereply nga ako ng tuldok o huwag na lang.

Hindi pa nga ako nakakareply may text na ulit siya.

Bakulaw : I miss you already. Katabi mo ba si Coby matulog? Fuck. This is torture.

Literal akong napanga-nga ng todo sa pangalawang message niya. What made him think na katabi ko si Coby? Sira ulo ba siya? Baliw!

I'm still composing my reply to him when he sent me his third message. Ang kulit naman nito! Alam ba niyang hindi pa ako tulog?

Nag-pop out iyon at agad kong binasa.

Bakulaw : I can't sleep. I'm thanking about you. Yari ka sa akin bukas. Tatadtarin na lang kita ng message ngayon.

Hindi na ako nakapagpigil. Sinend ko ang reply na ako.

Me : Hoy! Pwede ba? Patulugin mo muna ako. Uuwi naman ako bukas. Huwag kang OA dyan!

P.S. Hindi kami magkatabai ni Coby. Huwag ka ngang ano.

Wala pang isang minuto, nakatanggap na ako ng reply mula sa kanya.

Bakulaw : I knew it! You're awake. Haha! Pissed?

Pissed? Aba. Mukhang nangtitrip lang ang loko.

Me : Gago ka ba? Trip na naman 'to, no? Umayos ka nga!

Grr. Dapat talaga tuldok na lang ang ni-reply ko sa kanya. At ang bilis niyang magreply.

Bakulaw : Trip? Walang trip trip pag nagseselos ako.

Mother of fudgeebars!

Me : Tama na nga 'yang kalokohan mo!

Kinuha ko yung unan at kinagat iyon. Damn it. Hindi ako pwedeng magwala rito. Katabi ko pa naman si Artemis.

Bakulaw : Yari ka talaga sa akin bukas. Damn. Sinong katabi mo?

Napapikit ako. Pati ba naman katabi ko, concern na concern siya. Ano bang gusto niya? Siya ang katabi ko? Natigilan ako sa aking naisip. What the hell?

Me : Si Artemis! Ewan ko sayo. Ikaw ang yari sa akin bukas. Mamamaga yang mukha mo sa suntok ko. Namo ka.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at mahigpit na niyakap iyon. Kung ako lang ang nandito sa kwarto, baka ni-wrestling ko na 'tong unan sa sobrang gigil ko. Ilang sandali pa ay nag-vibrate na ang aking cellphone. Nag-pop out na ang reply niya. Nang mabasa ko 'yon ay muntik na akong mahulog sa kama.

Bakulaw : It's ok. Yari ka rin sa akin bukas. Bawat suntok may kapalit. Mamamaga rin ang labi mo sa halik ko. Excited much. Love you.

Napamura na lamang ako ng mahina. Sinuksok ko sa ilalim ng unan ang cellphone. Bahala siyang mapuyat. Hindi na ako magre-reply. Nagtalukbong ako ng kumot. Kinagat ko rin 'yon. Lahat na ata ng bagay ay makakagat ko sa sobrang gigil.

Wait, gigil pa ba 'to o kilig na?

Gigil 'to! Iyon ang pilit kong pinapaniwala sa sarili ko.

Hindi agad ako nakatulog ng gabing 'yon. Blame it all to that jerk and his crazy messages.

Pagkadilat ko, wala na si Artemis sa tabi ko. Umaga na. Nang mapatingin ako sa orasan, alas otso na. Mabilis akong bumangon at naglinis ng katawan. Pinalitan ko na rin ang suot kong pajama ng printed t-shirt and pants.

"Good morning!" bati ni Artemis sa akin nang mamataan niya akong pababa ng hagdan. Ngumiti ako at bumati rin.

Mabilis siyang lumapit sa akin at inakay ako papuntang kusina.

"Gutom ka na? Hintayin lang natin bumaba si Coby tapos breakfast na tayo. Pinatawag ko na siya kay Yaya." pinaupo niya ako sa silyang katabi ng kanya. "How's your sleep? Nakatulog ka naman ba ng maayos, ha?"

Sunud-sunod akong tumango. "Ayos naman."

Tinitigan ko ang pagkaing nasa mesa. Natatakam na ako but I have to limit myself. Masisira ang diet ko nito. No rice for today. No heavy meals dahil naparami ang kain ko sa cake na ginawa ni Coby kagabi.

Maya-maya pa ay lumitaw na ang presensya ni Coby. Kanina naglalaway ako sa mga pagkain. Ngayon, iba na ata ang cravings ko. Muntik ko na masampal ang sarili ko para lang matauhan sa kagwapuhan ng nilalang na 'to. Tao pa ba siya?

Kahit bagong gising at naniningkit pa ang kanyang mata at gulo-gulo pa ang kanyang buhok tanda nang kakagising pa lamang niya, hindi siya nakaka-turn off tignan. Kahit pa nga ata may muta o panis na laway pa siya, gwapo pa rin siyang tignan.

And oh, he's wearing a boxer shorts and a tight grey sando. Ngayon ko lang nakita ang baso niya na may musles. Pwede na ba akong magmura sa sobrang gwapo at hot ni Coby Ramirez?

Yumuko ako sa sarili kong plato. Tinuon ko ang pansin ko sa hotdog na nasa harap ko.

"Good morning." he greeted in a husky voice. Damn! Pati ba naman boses niya, gwapo sa pandinig ko. Tell me, kailan pa nagkaroon ng mata ang tainga? Lahat na lang ata, napupuri ko sa kanya. May gayuma ata yung hinanda niyang cake sa akin kagabi, eh. I'm going insane!

Yumuko ako at itinuon ang pansin sa mga pagkain. Tumitig na lamang ako sa jumbo hotdog na nasa harap ko.

"Good morning, Rhea." hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Umupo siya sa tapat ko at mas lalong naging singkit ang singkit niya ng mata nang ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik, hilaw na ngisi.

"G-good morning din." iyon lang ang sinabi ko at yumuko na akong muli. Hindi ko siya matitigan. Baka maadik ako ng tuluyan.

"Kainan na tayo, guys!" sabi ni Artemis na agad kumuha ng toasted breat at kinagatan iyon. Ako naman ay natataranta dahil katapat ko 'tong si Coby. Tinusok ko ang hotdog na nasa harap ko. Dala ng pinagsamang kabobohan at katangahan, kutsara pala ang ipinantusok ko. Lumihis lamang iyon at hindi natusok ang hotdog. Lumipad iyon sa direksyon ni Coby. Packing sheet of paper! Flying hotdog! What the heck? Muntik na akong mapa-facepalm. Kailan pa kasi naging tinidor ang kutsara , Rhea. Where's your spirit?

Natawa si Coby sa nangyari. Tinusok niya yung hotdog na lumipad sa kanya at kinagatan.

Aaahh!

Napa-nganga ako at si Artemis ay nabilaukan ata. Agad ko siyang inabutan ng tubig. Mabilis niya iyong inabot at ininom. Nang makahinga siya ng maluwag ay tumawa siya. "Hindi ko kinaya 'yon, ah!" sabay tawa ulit.

Ako naman ay namula ng todo. Kasalanan 'to ng kutsarang feeling tinidor! Hindi ako makatingin kay Coby sa sobrang hiya. Si Artemis ay tawa ng tawa at parang nangingisay-ngisay. Hindi malaman kung kinikilig ba siya o sinasapin ng sampung kaluluwa.

Natapos kaming kumain at nagpaalam ulit si Coby na magbibihis. Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman! Pag nakita ko siyang muli na gano'n, baka magkasala ako ng bongga.

Sa garden kami dumiretso. Ang ganda ng garden nila. Pansin kong karamihan ng kulay ng bulaklak na nandito ay kulay red and white. Maganda ang combination at ang arrangement. Nag-usap kami ni Artemis. Salamat naman at nawala ang awkward feeling na nangyari sa dining area. Niyaya niya akong pumunta ng mall pero tinanggihan ko.

"Sorry. Next time babawi ako. May lakad kasi ako after lunch, eh."

Kita ko ang bahagyang disappointment sa mukha ni Artemis. "Sayang naman. But it's okay. Mukhang importante 'yang lakad mo. Next time, ha?"

Tumango-tango ako. Luminga ako sa paligid. Nagsalita muli si Artemis.

"Mukhang kumportable ka sa jeans at t-shirt, ah."

Namutla ako. Oh, my gosh. Napatingin ako sa suot ko. Damn! Hindi ko man lang naisip na mapupuna ang suot ko.

"Ah. O-oo. Para maiba naman, di ba? Hindi puro dress na lang lagi?" pagak akong tumawa. Ang dami kong hindi naisip. Damn. Wala talaga sa isip ko na mapapansin ni Artemis ang suot kong damit. Bumangon tuloy ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko na marereject ako.

Ngumiti si Artemis. "It looks good on you naman. I agree with you. Dapat mag-try tayo ng ibang fashion style. Normal naman sa ating mga girls ang papalit-palit ng style, di ba?" she chuckled. I laughed with her kahit disagree ako sa sinabi niya.

Nabuhay naman ako sa iisang style ng damit. Boyish style. Normal daw sa mga girls ang papalit-palit. Para sa akin, hindi. Sabagay, ako naman ang may abnormal na fashion sense. Sana nga maresolbahan ang problema kong 'to pag bumalik na si Shai.

We spent the rest of my remaining ours in their house talking about girly things. Sinamantala ko 'to para makakuha ng tips galing sa isang fashionista-bratinella, Artemis Ramirez, without her being concious with it.

"Dapat makisunod tayo sa trend. Hindi dapat tayo nagpapahuli sa uso. But we still have to stick with our own style. Yung parang trademark clothing. Importante rin 'yon para hindi tayo masabihan ng gaya-gaya, copy cat, etcetera."

Okay. Trademark clothing. I gotta keep that in my mind and search it in google.

"And syempre, we have to be comfortable with the style we choose. Dapat may confidence para lumabas ang sex appeal."

Okay. Sex appeal. Wala ata ako no'n. Napakamot na lang ako sa aking kilay.

Matapos namin mag-usap ni Artemis, nagpaalam ito na tutulungan raw si manang na magluto ng lunch.

Pumunta ako ng entertainment room kung saan nando'n si Coby at may binabasang kung ano. Nang malingunan niya ako ay agad niyang winagayway ang hawak niya. Malaki ang ngisi niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Tara dito." tinapik niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Umupo ako ro'n.

"May nalaman ako tungkol sayo."

That crazy moment when someone said those words to you, lahat ng kasalanang nagawa mo ay mag-f-flashback sa iyong isipan. Napalunok ako. Kinabahan ng bongga. Isa lang naman ang kinakatakot ko. Oh, my. Alam na ba niya na boyish ako? Alam na ba niya?

Nilapag niya ang isang maliit na notebook. Wait. Hindi pala ito notebook. Slambook na pambabae. Hindi naman akin 'to, ah? Wala akong ganito pero nung bata ako sumasagot ako ng ganito dahil mahilig si Anne sa mga ganitong ka-ek-ekan.

"Basahin mo." utos ni Coby na agad ko namang ginawa.

-About-

Name : Rhea Louisse Celtier Marval.

Age : 8 years old

Gender : Female

Birthday : April 7

-Favorites-

Food : Sweets

Color : Carnation and Baby Pink

TV Series : Barbie

Cartoon Character : Nemo

Animals : Love birds

Hobby : Drawing

Shape : Heart

Sports : None

Singer : Teletubbies

Dancer : None

Napangiwi ako sa mga nabasa ko. Favorite ko talaga 'tong mga 'to nung bata ako? Pink? Barbie? Nemo? Love birds? Teletubbies? Yuckish pala ako dati!

Natigilan ako sa mga sumunod kong nabasa.

-LOVE-

What is love : I don't know yet. But Daddy says it keeps the world alive.

Gosh. Ang corny pala ni Daddy dati sa akin? Kaya pala corny rin ako. May pinagmanahan.

Who is your Top 3 love?

1. Mama and Papa 2. My Brothers 3. My Bestfriends - Anne and Artemis.

Who's your Top 3 crush?

Napasinghap ako. Oh, my gosh! Muntik ko na matapon ang slambook. Napahawak ako sa bibig ko sabay tingin kay Coby.

1. Coby Ramirez

2. Coby Ramirez

3. Coby Ramirez

Napalunok ako at napapikit. Alam ko na kung kanino 'to! Kay Artemis 'tong slambook na 'to. Gusto kong sumigaw ng malakas. Waa! Nakita ni Coby. Nabasa ni Coby. Patay ako kay Coby!

"That's cute." komento ni Coby. "You have a cute penmanship at the age of 8."

"Argh! Huwag ka nga." hinampas ko yung braso niya. Hinala naman niya ako at ginulo-gulo ang aking buhok habang tumatawa.

"I'm glad to know we felt the same back then." sabi pa niya habang ginugulo gulo pa rin ang buhok ko. Napatingin ako sa kanya. He's smiling and his eyes were glowing.

Bumalik sa isipan ko yung sinabi ni Artemis kagabi.

Words are not enough. Simple actions will do if you just know how to read between the lines. . .

"And until now. . ." mahinang dugtong ni Coby sa kanyang sinabi.

I gasped.

Do'n ko lang na-realize na sobrang lapit naming dalawa. Yung dalawang kamay ko ay nakapatong sa hita niya. Ang isang braso niya ay nakaakbay na pala sa braso ko. Humahataw na naman ang puso ko.

Ito na ba?

"Rhea, Coby, nandito si-" napalingon kami ni Coby. Namutla ako ng makita ko si Artemis .

Nasa tabi si Ren. Nakatiim ang mukha.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
2.1M 80.2K 37
Great parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece...
5.7K 305 24
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...