All I have to Give (Absinthe...

Autorstwa Lumeare

797K 23.7K 2.3K

Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best ni... Więcej

All I Have to Give
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Special Chapter

Kabanata 32

11.9K 336 20
Autorstwa Lumeare

Kabanata 32

Negotiation

“Masaya ako at nakabisita ka ulit dito, hijo.” Napangiti ako habang sinasalubong ni Tita si Heath nang yakap. Tapos na ang aking trabaho at sinundo ako ni Heath para ihatid sa bahay.

I am living with my Aunt despite of earning success. Hindi ko magawang iwan si Tita dahil bukod sa wala namang asawa at anak ay nag-iisa lang naman akong kapamilya niya. Lola’s gone. Ako na lang din ang masasandalan ni Tita mula ngayon.  Araw-araw akong umuuwi dito. I did not buy my own house instead I bought one for the both of us. Ang dati naming bahay noon ay pinagtirahan na nina Ate Nina. Last year ay kinasala na ito at ngayon naman ay ipinapabago ang ibang parte ng bahay.

“I’m glad to see you too, Tita Rima. Mas lalo yata kayong gumanda.” Umirap ako sa sinabi ni Heath. Him and his big mouth. Kahit kailan ay maraming pakolo itong lalaking ito.

Humagikgik si Tita at pabiro itong hinampas sa balikat. “Ikaw talaga. Siguro ay stress ka sa trabaho at ako na naman ang tinitira mo ng mga biro. O siya at pumunta na tayo sa hapag at nang makakain na.”

Nauna akong maglakad sa kusina habang nakasunod silang dalawa. Nandoon ang dalawang kasambahay at inaayos ang hapag at naglalapag ng iba’t ibang putahe. Madalas ay walang tao sa bahay dahil nga pinupuntahan ni Tita ang bistro kaya kinailangan ng tao para magbantay dito. Minsan ay tumutulong naman sa pag-aayos ng loob ng bahay.

“Hindi mo kasama si Jeni, Raya?” tanong ni Tita nang makaupo na kaming tatlo. Sinabihan ko naman ang mga kasambahay na sumabay na sa amin. Ito ang palagi kong ginagawa. I don’t treat them as servers here inside our house. Pinasasabay ko sila sa hapag at itinuturing kapamilya.

“Hindi po, Ta. Ipinatawag kasi ng Mommy niya sa Baguio.” Sabi ko na lang.

Jeni had been busy. Hanggang chat at tawag na lang kaming dalawa dahil nga madalas ay pumupunta ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. She’s doing her research na hindi ko alam kung para saan!

Tumango si Tita sa sinabi ko at inaya na kaming simulan ang pagkain. Tita lead the prayer and then we started eating. Si Tita ay nagsimula ng magkwento tungkol sa bistro. Matagal na akong hindi nakakapunta doon dahil madalas akong nasa main office ng aking restaurant. Hindi ako madalas na nasa office talaga ngunit mas madalas ako sa kusina. I want my customers to taste the dishes that I made. Marami akong natutunan dahil sa pagpunta sa ibang bansa lalo na kapag mga contest. It would be my pleasure trying the ingredients and creating dishes that still have a Filipino vibe.

"Ikaw hijo? Wala ka pa rin bang nobya hanggang ngayon? Aba ba’t di mo na lang ligawan itong pamangkin ko para naman hindi puro trabaho ang inaatupag?” Ikinalaki ng aking mga mata ang sinabi ni Tita kay Heath. Natawa ang huli at sinulyapan ako. He wore his infamous mischievous grin while glancing at me.

Pinanlakihan ko ito ng mata. “I actually like her Tita but you know your niece. Boyfriend niya na ang kaniyang restaurant at sa palagay ko’y talo na ako.” Aniya.

Umirap ako at saglit na napangiti. Heath knows me well. Gaya ng sinabi niya ay parang boyfriend ko na nga ang aking restaurant. Mas mahal ko ito dahil ito na ngayon ang nagsisilbing kasiyahan ko. It was my very first gift for myself. Yun rin ang regalo ko para sa aking mga magulang dahil nagtagumpay na ako sa buhay.

Napahagikgik si Tita. “Hindi pa naman huli ang lahat, hijo.”

Sumulyap ito sa akin. “Alam mo namang nagsisimula ang lahat sa pagkakaibigan at alam kong eventually ay magugustuhan ka rin ng pamangkin ko.”

Napangiwi ako sa sinabi ni Tita. Si Heath naman ay natawa lang pagkatapos ay nginisihan ako.As much as I want to dismissed this topic, I like watching my Tita happy. Ngayon na lang kami nagkasabay sa hapag dahil kapag umuuwi ako galing trabaho ay tulog na ito. Minsan ay nalulungkot ako dahil magkasama nga kami sa bahay pero pakiramdam ko ay mag-isa pa rin ako.

“Tigil na po sa ganitong topic, Tita. Mukhang ayaw ni Raya ng ganoon. Allergic yata.” Sabi ni Heath. Pinagtaasan ko siya ng kilay habang umiinom ng tubig. Hindi naman nagkomento si Tita at iniwas na nga ang usaping ganoon. Nakahinga ako nang maluwag.

I know what Tita wants for me to have. May restaurant nga ako pero wala naman akong inspirasyon para rito. Iyon ang sermon niya sa akin noon. But I think, for me I am still not in the right age to love again. Dahil nga sa nangyari noon ay nawalan na ako ng kumpiyansang maaayos pa ang isang parte ng aking puso.
I made him a part of it. At hindi ko matanggap na dahil lang sa pang-iiwan na walang dahilan ay nawasak ako. Nawala sa sariling landas. Marami akong pinagsisihan noon but then I realized, what was the regret for? Bakit ako magsisisi kung nasiyahan naman ako noong mga araw na magkasama kami? Bakit ako magsisisi na minahal ko siya?

The love I have for him was true. Akala ko ay basta-bastang mawawala. I stopped looking for him but my heart was always searching for him.It was longing for him. Kaya ang ginawa ko ay ilibang ang sarili sa mga bagay na mas mamahalin ng puso ko. Katulad na lamang ng restaurant ko.

It had been always in my plan to build a restaurant aside from working on a famous restaurant in the world. Nagsimula ako sa maliit at ngayon ay naatim ko na ang malaki. I’ve loved my restaurant ever since I saw it after it was built. Sa sobrang kasiyahan ko nang makita ko iyon ay naluha ako. It was tears of joy and success. Na sa wakas ay natupad ko na rin ang pinapangarap ko.

“That seems deep.” Rinig kong komento ni Heath nang magpakawala ako nang malalim na hininga. Umupo siya sa tabi ko at nilublob ang tubig sa ilalim ng tubig sa pool.

“Mababasa ang pants mo.” Suway ko nang mapansing hindi masyadong nakatupi ang kaniyang pants na suot. Inayos niya naman ito at mas pinataas para hindi maabot ng tubig.

“What were you thinking a while ago?”

Napatitig ako sa tubig na matiwasay na gumagalaw. The breeze of the night touched my skin like a ghost being thrown. Napayakap ako sa aking sarili at nilingon siya. Heath was staring deeply at me. His eyes were a shade of brown and he has long eye lashes. Minsan nga ay naaasar ako dahil sa sobrang ganda ng kaniyang pilik mata. He was gorgeous, alright? Pero bakit nga ba hindi ko siya magawang magustuhan? Is it because he’s younger than me? Or may iba pang rason?

“Oh no, you’re thinking about what Tita Rima said.” Aniya at natatawa.

Umirap ako. “That’s...not what I’m thinking, Heath. ‘Wag kang masyadong pabibo.” Naasar kong sabi.

“Woah, okay. So ano ngang iniisip mo kanina?” pangungulit niya.

“Just...things. You know for some reason naisip ko rin ang sinabi ni Tita. I loved my restaurant more than anything else.Masama ba iyon?”

Natawa si Heath na parang hindi naman talaga seryoso kung ano ang iniisip ko. “Not at all, Raya. It’s your possession but sometimes people ought to judge you know. Like Tita Rima, iniisip niya lang na baka kailangan mo ng iba pang bagay na pagtutuonan ng pansin maliban sa restaurant at business. She was just thinking about your future. Hindi naman masama ang ginagawa mo minsan may mga tao lang talagang may masa malalim na pinagdaraanan kaya naman mas malaki ang pagpapahalaga nila sa isang bagay.”

“You think so?”

“I know so, Raya. Don’t overthink things. Smile, I want you to smile.” Aniya.

Ngumiti ako. Heath is young but he is not getting any younger when it comes to serious matters. Kaya nga siguro ay nababagay siyang maging isang tagapamahala ng isang kompanya dahil nga malalim ang pag-iisip niya and he handles things seriously.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. It would be another survival day. Normal na sa akin ang lahat nang iyon. Kahit na noon pa man, bilang isang tao na maraming gustong abutin sa buhay kailangang maging isang survivor sa lahat ng bagay. I’ve always thought that it would be better if I know how to survive even with just myself. Nawala ang mga magulang ko. I survived without being with them. Nang umalis si Helion, nagkaroon pa rin ako ng lakas para magpatuloy sa buhay. You see, people around us will not always be the reason why we need to stop from living. Wala na akong mga magulang ngunit nakaya kong mamuhay kasama si Tita at ang kaniyang suporta. Noong umalis siya ay muntik na akong sumuko but then it was a lesson that I would never forget. Hindi lahat ng bagay ay dapat sukuan kahit na may umalis o dumating.

“Raya, aalis ka na ba?” I heard Tita’s voice from upstairs. Nasa baba na ako at inilalagay ang aking bag sa sofa. I was already on my usual work attire when I was done cooking our breakfast. Ang mga kasambahay ay hindi ko na pinagtrabaho sa kusina. I told them to just water the plants in the garden.

Lumingon ako kay Tita at inayos ang aking buhok. “Hindi pa po, Ta. Let’s have breakfast? Nahanda ko na po ang pagkain sa hapag.” Aya ko.

Nakita ko ang pagngiti ni Tita at nagpasyang bumaba. Her hair is slightly dishieveled and she was still wearing her sleeping attire. Mukhang nagising ko yata dahil sa aking pagmamadali.

“Maaga ka ba dapat ngayon sa trabaho? Dapat ay hindi ka na nag-abalang magluto ng kakainin natin.”

“Hindi po. I just want to cook breakfast for us. Nitong nakaraan ay hindi na po tayo nagkakasabay sa agahan dahil sobrang aga ko kung umalis. Bumabawi lang po ako.”

“Hmm, nagtatampo na nga ako pero naiintindihan ko naman iyon, Raya. Sige na at baka hinihintay ka na doon ng mga katrabaho mo.” Aniya.

Umupo kami sa hapag. Ang mga kasambahay ay hindi pa yata tapos sa pag-gagarden kaya hinayaan ko na lang. Pinagmasdan ko ang aking nilutong pagkain. Scrambled eggs with cheese, pancakes, bacon at ang paborito ni Tita na tuyo. Kahit umangat kami sa buhay ay iyon pa rin ang hinahanap ni Tita. Kahit ako ay hindi nagbabago ang tingin sa mga pagkain.

We ate with pure joy. Si Tita ay ikinuwento sa akin ang napanaginipan kagabi. Sabi ay nakita na naman niya si Lola sa panaginip niya at mukhang masaya naman daw. Namimiss ko rin si Lola. I miss hugging her in the morning and waking her up. Kaming tatlo ay laging sabay sa pagkain kaya naman nakakapanibago nang mawala si Lola. Maraming naiwang ala-ala na gusto kong balik-balikan kahit na ang huling hantungan ay kalungkutan.

“Mag-iingat ka ha? Alam mo namang delikado sa daan kahit na umagang sobrang liwanag.” Paalala sa akin ni Tita nang maghanda na ako sa pag-alis. Tumango ako at nagmano bago pumasok sa aking kotse na ipinalabas ko sa aming driver kanina.

I got my own car last year. Ang unang kotseng nabili ko naman noon ay para sa aming dalawa ni Tita na ngayon ay kaniya na. We have our own driver dahil hindi naman marunong si Tita na magdrive ng sasakyan. Nagiging kampante naman ako dahil alam kong kahit papaano’y napapagaan ko ang buhay ni Tita. Kulang pa ito sa mga naitulong niya sa akin noon.

“Good morning, Chef!” bati sa akin ng mga cooks nang dumaan ako sa back door. Ngumiti ako bago tumungo sa itaas. My office was located upstairs. Malawak naman ang unang palapag at ang nasa  ikatlong palapag ay ang aking office at employees lounge kung saan maaaring magpahinga doon ang lahat ng aking mga empleyado. The second floor is for the VIPs mostly for reserved tables and orders o di kaya’y associate’s meetings.

I changed into my Chef’s uniform. Marami akong mahahalagang kliyente ngayon kaya naman maaga ako sa trabaho. I always make sure that my customers will always get the best from my team and restaurant.

Nang bumaba ako ay nandoon na ang lahat at nagluluto. I’ve hired cooks from different hotels before. Ang iba ay kasabayan ko pa ngunit lumipat naman sa ibang hotel for more experiences. Wala naman akong problema doon. People always wanted to have more experiences. Ang mga tao ay hindi kuntento sa kung ano lamang ang naaabot. They would always strive for more.

“Haluin mo nang mabuti ang mixture, Rey. Pagka malapot na ay agad mong hinaan ang apoy. Keep an eye on it at baka dumikit sa container.” I instructed.

Tumango sa akin si Rey at sinunod ang utos ko nang mapansin na nag pagbabago sa mixture. Nilapitan ko rin ang iba para makita kung ginagawa ba nila ng tama ang mga procedures.

“It tastes better than the last time, good job Erina!”

I went back to my own station. Nandoon si Marvin na isa sa mga inatasan kong tumingin sa hinihintay kong lumambot na karne. I opened the cabinet for knives and chopped the red tomatoes. Nang matapos ako ay itinabi ko iyon at naghanda ako ng iilang ingredients para sa sauce na gagawin.

“How many minutes again?” tanong ko kay Marvin. I’ve set the proper minutes for the order. Ang iba kasi sa mga customers ay hindi sanay maghintay kaya naman I see to it that it always fit the customer’s liking.

“23 Chef!” aniya. Tumango ako at inalis ang lumagpas na sauce sa plating na aking ginawa. Dahan-dahan kong inikot ang plato bago ako tumango. Inayos ko ang tray na lalagyan at inutusan si Marvin na magtawag ng tao para ihatid ito sa aming customer.

Mainit, maingay, at maraming abala sa kitchen. This is my usual lifestyle. You’ll get frustrated if you couldn’t get the right taste and aroma of the meal. Hindi simple ang maging Chef. Buong araw kang nasa kitchen at nakatayo at nagluluto para sa mga tao. And the other challenge for us is the opinion of the people eating the dish that we cooked. There are times that the feedbacks are good and there are times that they would just say the average but not the worst. Depende iyon sa pagtikim ng tao. Depende iyon sa kung paano nila tikman ang paghihirap mo para sa kanila.

“Chef Gomez, may naghahanap po sa inyo. Nasa table 17 po!” sabi sa akin ni Marvin nang makabalik ito sa kitchen.

Naghahanda ako para sa susunod na order ngunit naantala dahil sa pagtawag na iyon. Napabuntong-hininga ako bago nagpunas ng kamay. Ipinagbilin ko kay Marvin ang menu na lulutuin.
Inalis ko ang apron na suot bago nagtungo sa labas. Pinunasan ko ang tumulong pawis galing sa aking noo bago nagtungo sa table 17 kung saan may apat na taong naroon. Inihanda ko ang aking ngiti bago ako lumapit. May dalawang matandang sa tingin ko ay mag-asawa. They don’t look old though. I think they were still on their mid 50’s. May kasama pa sila na sa tingin ko ay kaedaran ko lang din. Isang babae at isang lalaki and theres also an available seat.

Napansin ako ng babae. “You must be the Chef!” galak niyang sabi sa akin pagkatapos ay tumayo. Inalalayan siya ng kaniyang asawa at sabay nila akong binati.

“Good morning! I’m Chef Nuraya Gomez and also the owner of Casa Gomez. I heard from my employee that you’re looking for me?”

Umupo silang dalawa. Ako ay nanatili lamang nakatayo at ngumiti sa kanilang mga anak na nakatingin lang din sa akin. Masasabi kong maganda ang lahi nila lalo na at maganda at gwapo ang kanilang anak. They both look foreign to me. Ang kulay kasi ng buhok ng babae ay medyo brown at sa tingin ko ay natural na kulay. Ang lalaki naman ay sobrang itim ng buhok at maayos ang pagkakahulma ng mukha na minana sa tatay.

“Sorry to be rude hija, are you busy in your kitchen?” tanong sa akin ng babae.

Marahan akong umiling at ngumiti. Nakahinga ito nang maluwag bago sumulyap sa asawa.

“You might not know us but I think our family is quite famous in the metro. I am Alysson Creight and beside me is my husband, Adam Creight.”

“I’m sorry, I quite catch the name pero siguro ay narinig ko na noon sa tv.”

Ngumiti siya. “Oh and before I forgot, these are my children, Ale and Dru. Could you please spare some time for us? Gusto ka lang naming makausap.”

“Oh okay.” Kumunot ang aking noo.

Umupo ako sa kanila. The siblings were talking about business too. Magkatabi kami ni Dru dahil nasa tabi niya ang bakanteng upuan at katabi ko naman si Mrs. Creight.

“I called you because I am quite fascinated with your menus here. Bihira lang akong makapunta sa mga restaurant na maganda ang pagseserve ng pagkain and your dishes are good! One time, I recommended a friend here. And I liked her feedback about your restaurant so I was thinking that maybe you’re up for some negotiation?”

“Negotiation?”

“Yes. Ang totoo niyan ay magkakaroon ng malaking party ang pamilya namin. Kaming mga babae ang naatasan sa paghahanda para doon and well, our husbands are all responsible for the bills.” Natawa siya nang kaunti bago sumulyap sa asawa na nasa tabi lamang. Mr. Adam Creight is quite a good catch, I might say. Sa apelyido pa lamang ay foreighner na ang dating kaya naman hindi na ako nagtaka na marami rin itong pera.

“And it would be better if we’ll get your service for the catering. Nasabi ko na rin ito sa mga in-laws ko and they agreed. One of them researched about your restaurant and we found out that you once belonged to Asia’s Best Female Chef. Kaya naman kampante ako na magiging maganda ang resulta ng aming party kapag pumayag ka sa alok ko.”

Laglag ang aking panga sa nalaman. Never in my entire career na kukunin ang restaurant ko para sa isang catering service. And mind you it was from a known family in the Philippines. Kahit naman napabilang ako sa ABFC ay hindi ako nakatanggap ng kahit anumang imbitasyon sa mga ganitong okasyon. Ang mas napapansin doon ay ang mga talagang nagwagi para sa ganoong titulo and it was my honor to be part of it. Hindi ko aakalaing magiging ganito ang kahahantungan ko.

“So, papayag ka ba sa gusto ko? I’ll give you time for your decision, Chef. Malayo pa naman iyon, in three weeks maybe?” nakangising sabi sa akin ni MRs. Creight. Napalunok ako dahil sa narinig. She’s giving me three weeks to think! Ngunit makakaya ko ba iyon? Makakaya ba namin? What if we fail?

Tumikhim ako. Tila nabara ang dapat sasabihin. “Wow, I don’t know what to say Ma’am but I’ll think about it.”

“Oh don’t worry about the service amount, Chef. Marunong kaming magbayad ng tama and we’ll do it on your own price.” Nakangiti niyang sabi.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. I don’t know a thing about big businesses but I’ll surely want to get this one. Minsanan lang ito, Raya kaya tanggapin mo na!

“Hmm, okay Ma’am.” Tumayo ako. Sabay rin silang tumayo at nakipagkamay sa akin. “Thank you for sparing us your time, Chef. I hope you’ll think about it.”

“Sige po. Thank you rin po sa pag-alok. Please, enjoy your meal.” Nakangiti kong sabi bago nagpaalam. Napahawak ako sa aking dibdib pagkaalis. I don’t know what to feel! Sobrang saya ko ngayon pero kaunting kinakabahan. Should I accept it? Maari akong pag-aalinlangan at hindi ako sigurado dito pero pakiramdam ko ay tama naman ang iniisip kong gawin.

Should I?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
283K 9.8K 44
Insecure, selfish, and coward. If Verbena Regencia will be asked how does she describe herself, those three words will be her answer. Alam niya sa s...
1.9M 75K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
151K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?