My Billionaire Patient (TLS #...

By assylavemen

11.2M 220K 6.6K

Aurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang prob... More

Cero
Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Dose
Trese
Katorse
Quince
Dieciséis
Diecisiete
Dieciocho
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
Veintidós
Veintitrés
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiséis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta Y Uno
Treinta Y Dos
Treinta Y Tres
Treinta Y Cuatro
Treinta Y Cinco
Treinta Y Seis
Treinta Y Siete
Treinta Y Ocho
Treinta Y Nueve
Cuarenta
Cuarenta Y Uno
Cuarenta Y Dos
Cuarenta Y Tres
Cuarenta Y Cuatro
Cuarenta Y Cinco
Cuarenta Y Seis
Cuarenta Y Ocho
Cuarenta Y Nueve
Cincuenta
Cincuenta Y Uno
Cincuenta Y Dos
Cincuenta Y Tres
Cincuenta Y Cuatro
Cincuenta Y Cinco
Cincuenta Y Seis
Cincuenta Y Siete
Cincuenta Y Ocho
Cincuenta Y Nueve
Sisenta
Sisenta Y Uno
Sisenta Y Dos
Sisenta Y Tres
Sisenta Y Cuatro
Sisenta Y Cinco
Epilogo
Capítulo Especial
Capítulo Especial II

Cuarenta Y Siete

125K 2.3K 28
By assylavemen

Cuarenta Y Siete

Aura

"T-Theo..W-Wait." I murmured in between our hot kisses. Kailangan ko muna siyang pahintuin. Dapat ko muna malaman kung ano ba kami or kung meron bang kami.

I slightly pushed Theo's huge and lean body. I tried my best dahil obvious naman na mas malakas ito sa akin.

Naramdaman ko naman ang paghinto niya. Tinigilan niya ang labi ko. Hindi ko inakala na titigil siya agad pero alam kong gentleman ito at hindi ipipilit ang sarili. By now, alam ko sa sarili ko na namamaga na ito. Grabe naman kasi si Theo. He's a great kisser. I know he is kahit na siya pa lang naman ang nahahalikan ko sa buong buhay ko.

"Theo.." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. Medyo hinahabol ko pa din ang aking hininga.

He shut his eyes firmly first before looking at me.  "What is it, baby?"

Lumayo ito ng bahagya at umayos ng upo. Ganon din ang ginawa ko. Tahimik kaming magkatabi pero ramdam na ramdam mo ang namumuong tension sa loob ng buong penthouse. It's undeniably obvious.

"Mag usap muna tayo ng tungkol sa atin.." Napayuko ako habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Pinagsiklop ko din ang aking dalawang kamay.

Nakaramdam ako ng konting kaba sa pwede naming mag pagusapan. I unconsciously chewed the insides of my mouth because of it.

Narinig ko ang malalim na pag hugot ni Theo ng hininga.

"Okay, baby. Let's talk about us first." He said in a low and deep manly voice.

"A-Ano ba tayo, Theo?" Kinakabahan at natatakot kong tanong sa kanya. The anxiety is killing me sa totoo lang.

Hinawakan ni Theo ang kanang kamay ko ng mahigpit. He's like assuring me na everything is going to be okay. Na hindi dapat ako mag worry or what.


"Baby, relax.." Hinarap ako ulit ni Theo sa kanya. He held both of my shoulders in a loving way.

Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang iilang hibla buhok na nakatakas mula sa pagkakapusod ng buhok ko. His warm fingers caressed my soft and pale cheek bago niya pinadausdos ang mga 'yon sa baba ko.

Marahan niyang iniangat ang aking mukha. Leaving me no choice but to look back at him.

"Alam kong naguguluhan ka ngayon. Baby, you know that I like you right? So damn much.. I probably love you already.." He revealed without any hesitations.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. What? Tama ba ako ng rinig?? Mahal?? Ako??

Napaawang ang labi ko at nalilitong nakatingin sa kanya. "A-Ano?? T-Tama ba ako ng rinig?" I struggled saying those words.

Pakiramdam ko ay sobrang nag init ang aking dalawang pisngi. I'm probably as red as a tomato at hindi ko na iyong magagawang itago pa. Bahala na!

Theo's lips rose into a small smile. "Yes, baby. I love you. Mahal kita. Mahal na kita." He wholeheartedly and sincerely said to me.

My eyes started to moisten. It became misty in just a matter of seconds. Napahawak ako sa laylayan ng uniporme ko para makahugot ng lakas dahil lubos akong nanghihina sa bawat salita ni Theo.

Mangilid ngilid na ang luha ko. Anytime ay alam kong babagsak na ang mga 'yon.

"T-Totoo ba 'yan, Theo? S-Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala kong ani.

Theo let out a soft chuckle. May bakas na ng pagka aliw ang kanyang nangungusap na mga mata. "Of course, baby. Hindi ako yung tipo ng lalaking gagawing joke ang ganong bagay. You know that, right?"

Dahan dahan akong tumango. Totoo naman kasi. Wala sa itsura nito na mag sisinungaling sa mga seryoso at malalim na bagay tulad non.

Hindi lang talaga ako makapaniwala. Theo likes me— scratch that! He loves me! Mahal na daw niya ako. Mahal na daw niya ako!

Nagdiwang ang kalooban ko. Pumaparty na sila.


Mahal ko na din ba si Theo? Para kasing kakarealized ko lang na gusto ko siya at masyadong mabilis kung i-aassume ko na, na mahal ko na din siya. Siguro eventually but not now. Alam kong hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin 'yon. Kailangan ko munang makasigurado. Siguradong sigurado.


Iyong tipong wala na akong mahal pa na iba. Alam ko kasi sa sarili ko na may konting pagmamahal pa din ako kay Migi. Pero ayaw ko naman mahalin si Theo ng may kahati siya sa puso ko. Gusto ko, pag minahal ko na siya ng tuluyan ay siya lang ang magiging may ari ng puso ko. Siya na lang at wala ng iba.


Theo cleared his throat to gain my attention again. "Hindi mo kailangan sumagot agad. I'm willing to wait, baby. I respect you and whatever decision you're going to make."

He gave a light kiss on my forehead. Napaka gentleman talaga. He knows how to respect girls. I applaud Theo for that. Ganon naman dapat diba? Hindi dapat pinipilit ng lalaki ang sarili niya sa isang babae. Dapat alam niya ang limitations niya.

Binigyan ko ng isang maliit na ngiti si Theo. "S-Salamat, Theo."

Dinikit niya ang noo niya sa noo ko. He held my small face with so much gentleness using both of his hands.

"You're welcome. And besides, hindi pa ngayon ang tamang panahon para maging akin ka ng tuluyan. May kailangan muna akong gawin at tapusin kaya willing akong intayin ka. Well not unless, you say yes to me." He muttered underneath his breath while his eyes are closed.

My forehead slightly creased. Huh? Ano tong sinasabi niya? Gawin at tapusin? Ano naman 'yon?

"Anong kailangan gawin at tapusin?" Tanong ko dito. Bakas ang sobrang kuryosidad sa tono ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya na nasa mukha ko.

Theo's body stiffened because of my question.

Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Nothing, baby. You'll know when the right time comes. Masyado pang magulo ang sitwasyon ko. Sasabihin ko sa'yo ang lahat. But please promise me na ako lang ang pagkakatiwalaan mo. Just me, okay?"

Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi niya. Nakaramdam ako ng konting kaba at takot. Pakiramdam ko ay may mangyayari na malaki. Something huge is going to happen anytime soon.

Magulo? Pero bakit? Ano bang meron sa'yo Theo? Punong puno ka ng misteryo. Misteryong hindi ko alam kung dapat ko bang ikatakot o hindi. Hindi ko magawang basahin si Theo at isa 'yon sa kinakatakot ko talaga but his eyes are telling and assuring me na magtiwala lang sa kanya everytime I'm starting to have doubts.

Pinagdadasal ko lang na handa na ako sa mga pwedeng mangyari pag dumating ang panahon na 'yon dahil malakas ang pakiramdam ko na malaki ang magiging epekto non sa buhay ko.

"O-Oo, Theo. Ikaw lang ang pagkakatiwalaan ko. Wag ka mag alala." I assured him. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong tama na kay Theo ko lang ibibigay ang buong tiwala ko. Hindi ako magsisisi.

Well.. sana lang talaga.

My heart is saying to trust him. May pagaalinlangan man sa isip ko pero in the end, ganon din ang sabi nito sakin, na magtiwala na ng tuluyan kay Theo at iyon ang gagawin ko ngayon.

I will fully trust him. Hindi naman siguro ako sasaktan ng lalaking 'to dahil hindi mo naman sasaktan intentionally ang taong mahal mo diba? Hangga't maaari ay ayaw mo itong masaktan at umiyak ng dahil sa'yo.

"Thank you, baby. And I'm not sorry that I kissed you." Nakangiti na niyang ani.

My cheeks blushed. Kailangan pa ba niya talaga sabihin 'yon!? Itong damuho talaga na'to oh!

Mahina ko siyang hinampas at napasibangot. "Sira ulo ka talaga."

Humalakhak ito at bahagyang ginulo ang buhok ko. "I love kissing you, sorry not sorry."

Napanguso ako sa sinabi niya. "Ewan ko sa'yo." I mentally rolled my eyes at him.

Damuho talaga!

Theo pulled me into a tight hug. Nagpadala naman ang malandi kong katawan. Nakakainis.

"Akin ka lang, baby. You are mine. Mahal kita. When the time comes, we can love each other freely and deeply." Napapaos nitong sabi against her hair.

Maghihintay din ako Theo. Maghihintay ako sa panahon na tuluyan mo ng bubuksan ang nakasarado mong pagkatao sa akin.

Alam ko din na sinabi na sakin ni Theo dati na wag kong kalimutan si Migi pero Theo deserves all of me. My whole heart. Iyong walang kahati dahil unfair para sa kanya 'yon. Wala namang tao ang may gustong may ibang lalaki o babae itong iniisip bukod sa kanya.

Dati ay umaasa ako na babalik siya, na babalikan niya ako. Pero bakit ko ba hinahanap ang isang taong ayaw magpakita? Naisip ko din na dapat na akong tumigil sa wishful thinking na 'yon and mag focus kung ano ang meron ngayon.

Patawad, Migi, kung dumating ang panahon na napalitan ka na ni Theo ng tuluyan sa puso ko. Alam ko sa sarili ko na malapit ng dumating ang panahon na 'yon.

Tagapagsalaysay

"Kung hindi ko lang kailangan talaga ng pera ngayon ay hinding hindi ko ipagbibili ang ibang shares ko. Fucking life." Nakasimangot at nakuyom ang palad na sabi ni Luke sa sarili. Nilagok niya ng derecho ang alak na nasa kopitang nakalagay sa harap niya.

Nayayamot siya dahil hindi naman niya talaga gusto na magbenta ng shares. Lalong lalo na sa mga pagmamay ari niya.

Hinahabol na din kasi siya ng mga pinagkakautangan niya. He needs to pay his debts already dahil alam niyang buhay niya ang kapalit pag hindi siya nakapag bayad sa oras.

Demonyo man siya pero mas demonyo ang mga taong pinagkakautangan niya dahil sa dami ng koneksyon sa underground society. Hindi siya natatakot pero masyado pa siyang bata para mamatay.

Kaya naman niya protektahan ang sarili. Heck, he's a lowkey killer also. May pera pa naman siya pero alam niyang hindi siya titigilan ng mga 'to kahit na anong gawin niya. He's fully aware that they can kill him easily.

How stupid he is para mangutang sa mga maling tao pa. Masyado kasi siyang nalulong sa masamang bisyo. Not minding kung sino na ang mga nakakasalimuha niya.

Isa pa sa pinoproblema niya ay si Aura. Halatang ayaw talaga sa kanya ng babae but Luke will not take no for an answer. He will do everything to make Aura his. Kahit na ipatumba pa ang karibal niya sa puso ng babae.

That's how wicked and evil Lucas Saavedra is. He will do everything. Fucking everything to get what he  wants.

Kung si Migi nga ay mabilis niyang napaalis sa mundong ibabaw, iyong Theo pa kaya? Pero alam niyang hindi siya mahihirapan because of Scarlett. Isa pa din 'yon. Cunning like him.

Speaking of Scarlett, he needs to call her. Kailangan niya ng update sa plano nila. Siguraduhin lang dapat ng babaeng 'yon na matutuwa siya sa sasabihin nito dahil kung hindi ay ipapatumba na din niya si Theo pag nainip na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

17.2M 236K 71
WARNING Jejemon alert! I wrote this way back 2015; many typos. Ang mapaglarong tadhana ay pina-tagpo ang dalawang taong magkaiba. Pero sila'y pinag-h...
528K 10.1K 83
What will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is...
296K 659 7
Pag dating sa pag-ibig lahat ng bagay ay posible. Pero minsan dahil sa sakit na nararamdaman at nararanasan ang akala mong tama mali na pala. Mali n...
930K 34K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...