Rodavlla Samiera University:...

By BraveJoan01

20.8K 2.1K 153

June 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any tr... More

CAST AND CHARACTERS
Prologue
CHAPTER 1: Hello Philippines
CHAPTER 2: Mall
CHAPTER 3: First day of trouble
CHAPTER 4: Demonic Eye Gang (D.E.G)
CHAPTER 5: Meet Kevin Steeford
CHAPTER 6: Fight or Trouble?
CHAPTER 7: Infirmary
CHAPTER 8: Chester & Arzi
CHAPTER 9: S. Fire
CHAPTER 10: Ace of Spade (You're Dead)
CHAPTER 11: Dangerous way
CHAPTER 12: Invitation
CHAPTER 13: Punishment
CHAPTER 14: The truth
CHAPTER 15: Acquaintance Bloody Party
CHAPTER 16: In Hospital
CHAPTER 17: Blush
CHAPTER 18: Gangsters Group
CHAPTER 19: With them
CHAPTER 20: I miss you!
Ms. BraveJoan01's Note
CHAPTER 21: History
CHAPTER 22: Volleyball
CHAPTER 23: New Group of Gangsters
CHAPTER 25: Underground Battle
CHAPTER 26: Star Bravierz
CHAPTER 27: Star Bravierz vs. Black Angel
CHAPTER 28: Boyfriend
CHAPTER 29: DIE
Chapter 30 : Tape
CHAPTER 31: Looking for Amira
Chapter 32: Poor Amira!
Chapter 33: I'll court you!
Chapter 34: Date
Chapter 35: James & Joanna
Chapter 36: Christoff
Chapter 37: Death Threat
Chapter 38: Star Bravierz vs. Red King Warrior
Chapter 39: Finding Joanna
Chapter 40: Lover's Quarrel ( Jealous )
Chapter 41: Star Bravierz vs. Demonic Eye
Chapter 42: Suspicious
Chapter 43: Big Reveal
Chapter 44: Take the chance
Chapter 45: Letting go
Chapter 46: Keychain
Chapter 47: Kienna in danger
Chapter 48: Painful
Chapter 49: Debut
Chapter 50: The Bloody Clash
Chapter 51: Her Last word
Chapter 52: After a few days
Epilogue
Miss BraveJoan01's Note

CHAPTER 24: Under the Rain

297 39 0
By BraveJoan01

Kiel's POV

Nang matapos ang klase ay humiwalay muna ako kina Kevin.

Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya naglakad lakad muna ako.

Mamaya na ang laban namin. Sana naman maganda ang maging laban. Ang boring kasi nitong mga nakaraang laban.

Hindi na bumalik si Amira kanina, si Kevin kasi eh.

Pati ’yong dalawa hindi na rin bumalik. Saan naman kaya pumunta ang mga ’yon?

Si Sandy, kaninang umaga ko pa napapansin parang wala sa sarili.

Paano ba naman? Nakita ko siya kanina na naglalakad habang nakatingin sa baba.

Eh eksaktong may daraan na nagraragasang sasakyan, aba ay wala man lang balak umiwas. Kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya at agad na hinigit siya. Pasalamat siya at mabait pa rin ako sa kaniya.

"Magpapakamatay ka ba?" seryosong tanong ko sa kaniya

"Sana." Mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko

Napakunot ang noo ko.

"What? Baliw ka na talaga." Nakangisi ngunit naguguluhan kong sabi.

Nanatili lang siyang nakatungo. Hindi man lang nagawang tumingin sa ’kin at magpasalamat. Tumalikod na siya at muling naglakad

Napailing na lang ako. Hinayaan ko na siya nun at umalis na rin.

Then, kanina nung papaakyat siya sa hagdan, muntikan na siyang mahulog nang madanggil siya ng isang lalaki. Buti na lang at nasa likod niya ako dahil eksaktong papaakyat na rin ako papunta sa classroom namin. Kaya nasalo ko siya.

Hindi na naman niya ako pinansin nun.

Ano bang problema ng babaeng ’yon?

Si Amira naman napansin ko rin na parang galing sa pag iyak or ewan basta.

Si Zils lang ang walang pinagbago sa kanila.

Pero saan naman kaya sila pumunta kanina? Siguradong sinundan ni Zils si Sandy kanina. Mukha kasing nag aalala siya nung lumabas si Sandy.

Napatigil ako nang mapansin kong dito pala ako dinala ng mga paa ko sa roof top.

Ang tahimik talaga ng lugar na ito. Kaya minsan dito rin kami tumatambay ng barkada eh. Napansin ko rin noong nakaraang araw galing dito sina Amira.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa may bench. Pero napatigil din ako sandali nang may makita akong isang babae na nakaupo dun.

Parang familiar siya. Medyo naka side view siya habang nakatingin sa malayo.

Nang makalapit ako, nabigla ako ng mapagtanto ko kung sino ang babaeng ito.

"Sandy?" bulong ko sa sarili ko.

Lumapit pa ako sa pwesto niya pero hindi niya pa rin ako napapansin. Aasarin ko sana siya kaso nagtaka na lang ako nang makita kong may tumutulong luha mula sa mga mata niya. Umiiyak ba siya?... Umiiyak nga. Hindi ko alam pero parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ko siyang ganito ngayon. Hindi ako sanay. Kaya bigla na lang gumalaw ang kamay ko at kinuha ’yong panyo sa bulsa ko tsaka iniabot sa kaniya.

***
Sandy's POV

Nang makalabas ako ng classroom ay agad akong nagtatakbo papunta sa roof top. Tulad ni Amira, nakasanayan ko na ring pumunta ng rooftop sa tuwing gusto kong mapag isa, sa twing nalulungot ako at sa twing nasasaktan ako. Gusto kong huminga dahil pakiramdam ko nalulunod ako.

Nalulunod sa nakaraan kung saan nahihirapan akong i-ahon ang sarili ko sa sakit ng kahapon.

Nang makarating ako sa rooftop ay agad na tumakbo ako at nagsisigaw doon. Inilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa mapagod ako.

Umupo ako sa bench habang umiiyak. Ba’t gano’n, ang sakit pa rin?

September 15, ang araw ng anniversary namin ni Cloud. Ang araw na dapat ay celebration ng 3rd anniversary namin. Kaso wala eh, wala na.

Unti-unti na namang bumabalik ang mga ala ala naming dalawa. Bakit ba kasi nangyari pa ’yon sa amin? Bakit hinayaan niyang makalimutan niya ako? Hindi pa rin kaya bumabalik ang mga ala ala niya? Hindi pa rin niya kaya ako naaalala? Paano kung magkita kami? Parang hindi ko kayang makita ang sarili ko na baliwalain niya.

Paano na ’yan? Huhuhu!!

Ang isang matapang na si Sandy Veloso, umiiyak na naman dahil sa isang Cloud. Haaay!

Unang laban namin mamaya bilang isang grupo ng gangster.

Tamang tama may paglalabasan ako ng sama ng loob.

Maya maya ay nagulat na lang ako nang may makita akong isang panyo sa harapan ko.

Napatingin ako sa taong may hawak noon.

"K-Kiel?"

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko.

"Wala ka talagang balak na tanggapin ito?"

Nahihiya ako dahil nakita niyang ganito ako.. umiiyak.  Siguro iniisip niya na ang weak ko. Pagtatawanan niya ako, nakakahiya.

"No, okay lang. Hindi naman ako umiiyak kaya hindi ko kailangan ’yan." I lied

"Really? Huh?" Pang asar niyang sabi at itinago na niya ’yong panyo niya sabay upo sa bench na inuupuan ko, syempre may space.

*Awkward*

"Why are you here?"  tanong ko sa kaniya.

"Why are you crying?" tanong naman niya.

"Ba’t ba hindi ka pa umalis?"

"Ba’t hindi ka na bumalik kanina?"

"Bakit ba tanong ka ng tanong?"

"Bakit? Dapat ba ikaw lang?"

I just rolled my eyes and sighed.

*Silence*

"Is it about some guy?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Ha?"

"I mean, you’re crying because of a guy, right?"

"No."- I lied

"Family?"

"No, we have good relationships."

"Friends?"

"No way, we’re bestfriends."

"Ah financial." Confident na sabi niya.

"Of course not, we have a lot of money Kiel."

"I know it, it’s about guy. Hindi iiyak ng ganyan ang isang babae kung hindi dahil sa isang lalaki." Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Ba’t ba kasi kayo ganyan?"

"Kayo? Ba’t pati ako dinadamay mo hindi naman kita inaano ah."

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kawalan.

"You know what Sandy? Kung umiiyak ka dahil lang sa isang lalaki huwag mo naman akong idamay. Isa pa hindi lahat ng lalaki katulad niyang iniiyakan mo."

"Tama ka, hindi lahat ng lalaki katulad niya."

"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong.

"He’s not a jerk like you, he’s not stupid like you, he’s not an idiot like you."

"What? Jerk? Stupid? Idiot? Watch your word, Sandy."

"Isn’t true? Lahat naman kayo nina Kevin eh. Magkakaibigan nga talaga kayo, bagay kayong pagbuhol buhulin."

"Tamo, ba’t ba pati kami dinadamay mo?" Inis na tanong niya.

"You know what Kiel, isang maling gawin lang ng lalaki damay damay na ’yan. Tsaka isa pa, para namang hindi mo ginawa ang mang iwan ng babae, ang dali nga lang sa ’yo nun hindi ba? Halos lahat na nga siguro ng babaeng nang f-flirt sa ’yo pinatulan mo eh, para namang hindi kita kilala Kiel. Nagdadala pa nga kayo ng babae sa hideout niyo ’di ba?" tuloy tuloy kong sabi na mukhang ikinainit ng dugo niya. ’Yan tuloy, kung ano ano na ang nasasabi ko, baka mapasama pa ako dito.

Nakakbarino naman kasi eh.
Tsaka totoo naman, porket gwapo ang isang lalaki madali na sa kanila ang magloko at mang iwan ng babae. Palibhasa gwapo.

"Iniwan ka siguro ng taong iniiyakan mo kanina ano? Boyfriend mo ba ’yon, or let me guess, your ex-boyfriend?" Nakangising sabi niya.

"Alam ko na kung bakit ka niya iniwan. Ang boring mo kasi, siguro nagsawa na rin siya sa ’yo.. sa ugali mo. Nagtatapang tapangan ka pa eh mahina ka naman pala. Nakakaawa ka naman."

"Nakakaawa? Hindi ako nakakaawa ano baka ikaw."

"Tss, nakakaawa ka kaya, alam mo kung bakit? Kasi iniwan ka ng taong mahal mo. Eh ako? Ako ’yong nang iiwan. Ikaw umiiyak, ako ’yong iniiyakan. Ngayon, sinong nakakaawa sa atin? Hindi ba’t ikaw? Ikaw, Sandy." Sabi niya sabay ngisi.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
Umiwas ako ng tingin habang pinipigilang bumagsak ang luha ko.

Hindi ko magawang magsalita dahil feeling ko kapag nagsalita ako, tuluyan ng babagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Ayoko ng umiyak, aasarin na naman niya ako.

Oo inaamin ko, ako ’yong iniwan, ako ’yong umiiyak.
Ang sakit nung sinabi niya ha. Ang sakit.

"Sige na,  I’ll go ahead, baka mamaya kung ano pang masabi natin sa isa’t isa." Saad niya sabay tayo. Hindi ko siya pinansin, nakatingin lang ako sa right side ko, unti-unti na kasing tumutulo ang luha ko eh.

"Akala ko ba aalis ka na?" tanong ko sa kanya ng maramdaman kong nakatayo pa rin siya sa left side ko. Habang ako ay nanatiling nakatingin sa ibang direksyon at pinipigilan ang paggaralgal ng boses ko.

"Sorry!" Mahinahong sabi niya. Sorry? Para saan? Tsaka teka, si Kiel ba talaga ito?

I closed my eyes. Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko sa pisngi ko at napalunok na lang ako.

Naramdaman kong naglakad na siya, hindi pa siya nakakalayo nang biglang tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.

"You’re right?" nanginginig kong sabi dahilan para mapatigil siya sa paglalakad pero nanatili siyang nakatalikod.

"Tama ka, ako ’yong iniwan at ako rin ’yong umiiyak. But I’m sure hindi ako ’yong nakakaawa. Kasi Oo, iniwan man ako ng taong mahal ko pero alam ko na hindi niya ginusto ’yon. Hindi niya naman ginustong kalimutan ako. Sino ba naman ang may gustong mawalan ng ala ala? Sino bang may gusto na magkaroon ng amnesia? Alam kong mahal niya ako, mahal na mahal at ganon din ako. I love him so much kaya umiiyak ako ng ganito ngayon. Naranasan kong maging masaya kasama ang taong mahal ko, ’yong totoong saya. Walang halong panloloko at walang taong nasasaktan. Ikaw naging masaya ka ba sa pag iwan iwan mo sa mga babae mo? Naging masaya ka ba sa tuwing nakikita mong nasasaktan sila ng dahil sa ’yo? Naranasan ko ang magmahal at mahalin Kiel. Ikaw naranasan mo na ba ’yon? Ang mahalin ka ng taong mahal mo at ang mahalin mo ang taong mahal ka?" Mahabang sabi ko habang nangangaralgal ang boses ko. Tuloy tuloy na rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan, umiiyak na ako.

Humarap sa akin si Kiel, kaya pinunasan ko ang luha ko.

"So anong gusto mong palabasin, Sandy? Na ako ’yong nakakaawa?" Seryoso niyang sabi.

"Ikaw ang nagsabi nyan, Kiel."

Magsasalita pa sana siya kaso itinikom na lang ulit niya ’yong bibig niya at tsaka huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatitig sa isa’t isa bago siya muling magsalita siya.

"Bumalik ka na sa dorm niyo, maabutan ka pa ng ulan." Sabi niya tsaka tumalikod at naglakad na papalayo hanggang sa hindi ko na matanaw ang likod niya.

Naramdaman ko ang maliliit na pagpatak ng butil ng ulan mula sa kalangitan.

Tumingin ako sa langit. Dagim na. Mukhang uulan ng malakas.

Nagsimula na akong maglakad at unti-unti na ngang bumuhos ang ulan at nabasa na nga ako.

Tumigil ako sa paglalakad at dinamdam ang pagpatak ng ulan sa aking mga kamay. Inihayag ko ang mga kamay habang nakatingala at nakapikit at tsaka ngumiti.
Okay lang na mabasa ako, wala naman akong dalang gamit. ’Yong phone ko naman ay water proof.

Ramdam ko ang pag agos ng bawat butil ng ulan sa aking mukha na siya ring pag agos ng mga luha ko kahit nakangiti ako.

Para akong baliw dito, nakangiti pero umiiyak. Paniguradong pagtatawanan ako ng mga taong makakakita sa ’kin dito, kung meron man.

Pero wala akong pakeelam basta ako, naapreciate ko ang pagdamay ng kalangitan sa ’kin.

Ang kaninang pagpigil ko sa mga luha ko ay nagsilabasan na ngayon.

Nang hindi ko na makayanan ay umupo na muli ako sa bench at doon humagulgol sa pag iyak. Buti na lang umuulan, walang makakarinig sa pag iyak ko. Walang makakakita sa akin na umiiyak ako dito.
Nakatakip ang mga kamay ko sa mga mata ko habang umiiyak ako.

Pero nagtaka na lamang ako ng wala na akong maramdamang ulan sa balat ko, eh umuulan pa naman. Kaya tumingala ako at nakita ko ang isang kulay blue na payong.

Napatingin ako sa taong may hawak nun.

"K-Kiel? A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay tayo.

"’Di ba sabi ko sa ’yo bumalik ka na sa dorm niyo?" seryosong sabi niya.

"Sa ayaw ko pa eh. Ano bang pakeelam mo?"

"Oh punasan mo nga ’yang mukha mo." Sabi niya sabay biglang punas ng panyo niya sa mukha ko.

"Ako na," sabi ko at kinuha ’yong panyo sa kanya at pinunasan ko na ang mukha ko.

Napatingin ako sa kaniya habang pinupunasan ko ang mukha ko.

"Anong tinitingin tingin mo?" kunot noong tanong ko sa kanya then bigla na lang siyang ngumiti. Aba! Nakakaloko ’to ah.

"Ang pangit mo pala kasi lalo kapag umiiyak ka." Nakangising sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nahiya naman ako sa ’yo. Ang gwapo mo ha!"

"Of course."

"Let’s go, for sure hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Sabi niya kaya naglakad na kami.

"Lumapit ka nga dito, nababasa ka na eh."

"Eh basa naman na talaga ako tsaka bakit ba kasi nagpunta ka pa dito? Akala ko umalis ka na?" tanong ko.

"Eh paano, mamaya sisihin pa ako ng pinsan mo kapag nagkasakit ka. Ako pa ang may kasalanan."

"Huwag mo nga akong payungan, basa naman na ako eh."

Umalis na ako sa pagkakapayong niya.

"Wag ka ngang malikot, nababasa na rin tuloy ako."

"Nababasa ka na? Eh ’di huwag ka ng magpayong."

"Ayoko nga."

"Pero hindi naman ako papayag na ako lang ang basa ’no."

"What do you mean?"

Hinablot ko ’yong payong at tsaka tumakbo.

"SANDYYYY!" sigaw niya ng tuluyan na siyang mabasa at hinabol ako eh ’di tumakbo naman ako, alangan namang magpaabot ako.

Kaso ’yon na nga, ang bilis niyang tumakbo kaya naabutan niya ako. Nag agawan kami sa payong. Kaya ang ginawa ko pinindot ko open/close button para masarahan ’yong payong at tsaka tumakbo ulit.

Sinubukan akong habulin ni Kiel nang biglang madulas siya dahilan para tumawa ako ng sobrang lakas, kaso hindi naman masyado rinig gawa ng ulan.

"AHAHAHAHAHAHA!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Habang tawa pa rin ako ng tawa. Ang epic ng itsura niya. Sobrang nakakatawa talaga pati ’yong pagkakadulas niya.

Tumayo siya at muli akong hinabol pero hindi ko alam kung lampa ba talaga siya o ano, dahil sa pangalawang pagkakataon ay nadulas ulit. Kaya napahawak na lang ako sa tiyan ko dahil sa katatawa ko.

"Ayoko na.. pfft HAHAHA. Ang sakit.. na ng tiyan k- HAHAHA. Ayoko n-- HAHAHA!" putol putol kong sabi katatawa ko.

"Tawa pa. Ano masaya ka na nyan na nadulas ako ha?" Mas lalo lang akong natatawa sa reaksyon niya.

Grabe, ang sakit na ng tiyan ko katatawa. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kalampa si Kiel.

"Yari ka talaga sa ’kin Sandy kapag naabutan kita, kasalanan mo ’toooo!" Halos pasigaw niyang sabi. Teka, sigaw na nga ata.

_____

08 /08 /18

A/N:

Ba’t ganon kinikilig ako? 😄😍

By the way, four weeks po akong hindi nakapag update dahil wala ako sa mood tsaka busy rin ako haha. Kaya hinabaan ko na ngayon. Sana nagustuhan niyo. 😉😂

Thank you!

Vote • Comment • Follow me 😉

Done editing • 09/26/20

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 299 31
Athena Hart, a girl who has been a Superhero in her past life now moves to Paris to have a regular teenage life. Suddenly a turn of events came crash...
102K 3.1K 30
[ONGOING πŸ”ž] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
194K 2.9K 30
↬ π’π“π€π‘π‘πˆππ†; β€’ Husbands β€’ Wives β€’ Procrastinating Writer ↬ π…π„π€π“π”π‘πˆππ†; β€’ Fluff β€’ Angst β€’ Songfic β€’ Specials ↬ ππŽπ“π„; β€’ Ι’α΄‡Ι΄κœ±ΚœΙͺΙ΄ Ιͺα΄α΄˜α΄€...
142K 4.5K 34
MAGIKΔ’ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESSES (BOOK 2) Enchant World: Zanaira has discovered who she is. Jade Yzada Slytherin is her name. A demigod who h...