Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty one
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter forty two

898 20 2
By topally

NOVEMBER 2015

Mahigit tatlong araw akong nakahiga sa hospital bed. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mga sugat na natamo ko pati narin sa tahi ko sa hita at sa dibdib dala ng naging tama saakin ng bala mula sa aksidente.

Nagising nalang akong nasa hospital ako kasama ang mga taong nag aalala at nag mamahal saakin. Walang may alam kung sino ang nag dala saakin dito. Ang kwento saakin ni Mommy madaling araw na ng makatanggap siya ng tawag mula sa hospital at pinapapunta siya rito dahil sa sinugod akong 50/50 na ang buhay. May isang lalake daw ang tumawag at pinapunta sa lugar kung nasaan ako. Pagkatapos nun, hindi na nila ma-contact ang lalakeng tumawag sakanila. Walang din nakakakilala sa boses nito kaya hindi mapagalaman kung sino siya.

Ang huli kong pag kakaalala, nakahandusay ako sa damuhan at hindi na umaasang mabubuhay pa dahil napaka daming dugo na ang nawala saakin at liblib din ang lugar na 'yon na kahit mag bilang pa ako ng siyam siyam, walang taong darating para sagipin ako.

Sabi pa saakin ni Mommy, nakauwi siya ng ligtas kasama si Kijan. Pero bigla nalang itong nag paalam na tila ba nag mamadali. Hindi daw sinabi ni Kijan kung saan ang punta niya. Hanggang sa lumipas lang ang ilang oras, may tumawag na sakanya at pinapunta siya dito sa hospital.

Pinaintindi saakin ni Mommy ang mga ngyari nang magising ako. Walang tigil ang pag iyak ko habang nag ku-kwento saakin si Mommy. Hindi ko lang kasi lubos maisip na wala na si Lolo, Lola, Duke at Iowa. Natagpuan na silang walang buhay sa Simbahan ng dumating ang mga pulis.



Kinuwento saakin ni Mommy ang nakaraan at kung bakit nag tapos sa isang madugong labanan.

Bata palang matalik ng magkaibigan si Lolo Victor pati si Venedict. Dahil sa pagiging malapit ng magulang nilang dalawa. Taong 1951, dalawampung taong gulang sila nang sabay nilang binuo ang sikretong samahan. Ito ay samahan laban sa Gobyerno.  Na silang kumukuha ng pera sa mga mamamayan na kumakayod sa pang araw araw para sakani-kanilang pamilya pero ang Gobyerno ay kinukuhaan lang sila sa bulsa ng walang kaalam alam.

Lumipas ang taon, ngunit nag bago si Venedict. Iyon pala ay dahil nalaman niya na na siya ay anak sa labas. Hindi matanggap ng tatay niyang isa rin kilala at karespe-respetong tao sa industriya ang balitang iyon kaya agad nitong inaksyunan. Dapat ay ipapa dispatya ang Ina nito dahil sa makakasira lang ito sa reputasyon niya.

Napuno ng galit ang nararamdaman ni Venedict ng malaman niya iyon kaya naman inunahan niyang patayin ang Ama nito sa pamamagitan ng pagpapainom ng nakalalasong tsaa.

Nang makita ni Lolo ang ginawang pang lalason ni Venedict sa Ama nito, tila nag bago ang pakikitungo at pagkakaibigan nila na tuluyang nag palayo si Lolo Victor sa kanya. Alam ni Venedict na nakita iyon ni Lolo kaya agad niya itong pinag bantaan.

Makalipas ang labing isang taon, taong 1962. Naging mortal na mag kaaway ang dalawang dating matalik na kaibigan. Napunta ang lahat ng yaman ng Ama ni Venedict sakanya. Napuno ng galit si Lolo dahil hindi nararapat sakanya ang pwestong iyon.

Binantaan ni Venedict si Lolo na sa oras na lumabas ang balitang iyon, mamatay ang kanyang kasintahan at pinaka mamahal na si Cristina. Ngunit inunahan ito ni Lolo. Palihim siyang nag punta sa bahay ng Venedict at balak na sanang patayin na si Venedict ng makita siya ng bunso nitong anak kaya ito ang inuna niya at sinunod ang asawa ni Venedict. Walang halong bakas ang naging pag patay sa mag Ina kaya hindi napakulong ang nag kasalang si Lolo Victor kahit na pinag didiinan ni Venedict na si Lolo Victor ang pumaslang sa mag Ina niya.

Napuno ng galit at pag hihiganti ang ang puso ni Venedict. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na niyang tinapos ang buhay ng Lolo at Lola ko. Pero hindi padin dapat kami makampanti dahil hindi titigil si Venedict hangga't nalalaman niyang patuloy parin kaming mapayapang namumuhay.

Hinawakan ko ng mahigpit ang bed sheet at napatingin sa kisame matapos mag kwento ni Mommy. Kasabay nun ang pag tulo ng luha ko galing sa mga mata ko.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Lolo si Kijan para saakin. Dahil isa si Kijan sa naging kasamahan ni Venedict noon. At ang paraan lang para maligtas ang Pamilya ko ay pagpapakasal kay Duke dahil sa may naging kasunduan si Lolo at Mr. Agustin.






2018

Inilabas ko ang usok sa bibig ko mula sa pagkakahithit ko sa sigarilyo. "Iyon ang dahilan." Humarap ako sakanya at nag pakawala ng paghinga. "Minahal ko siya ng sobra to the point na hindi ko na naisip yung sarili ko. Buong atensyon ko tinuon ko sakanya. Wala akong ibang inisip kundi maging masaya at magkaroon kami ng kapayapaan dalawa. Naging makasarili ako pagdating sakanya. Hanggang sa hindi ko na nakita pa yung mga taong kaya pa pala akong mahalin ng sobra sobra."

"Sigurado ka ba talagang siya ang gumawa niyan sa'yo? You know how much he loves you. Sa kwento mo nga 'di ba, kaya niyang pumatay ng tao para lang maipaglaban ka—"

"Kung hindi siya ang dahilan ng mga galos na 'to, sino kaya? Tatlong taon siyang hindi nag pagkita saakin tapos isang araw, magpapakita siya sa harapan ko as if parang walang ngyari?" Muli akong humithit sa sigarilyo ko at ibinagsak ang filter sa sahig saka inapakan. "Alam mo ba, there was a time na humihiling akong magpakita siya sa balkonahe ko kapag uuwi ako o hindi naman kapag gigising ako. Tapos sasabihin ko sakanya na kakalimutan ko ang lahat ng ngyari. Pagpapatuloy padin namin yung relasyon namin.. Ganun ko siya kamahal. Ganun ko ako naging bulagbulagan para sakanya. Pero isang araw.."

Nahinto ako sa pag sasalita. "Isang araw?" Ulit ni Dace.

Ngumiti ako sa kawalan at napabuntong hininga. "Napagod ako. Napagod ako sa kakahiling na makikita ko siya at maayos muli ang relasyon naming dalawa." Nawala ang ngiti sa labi ko at panandaliang napatingin sa kawalan.

Matagal ng tapos. Matagal na siyang wala. Galit ako sakanya. Galit na galit padin ako kahit na tatlong taon na ang lumipas. Hindi ko na dapat nararamdaman pa 'to.  Wala na dapat akong malakas at mabilis na pagtibok ng pusong nadarama. Maling maapektuhan pa ako tuwing pag uusapan siya.

Kahit pa naging malaking parte siya ng nakaraan ko.

Kahit siya pa ang lalakeng pinaka mamahal ko.. noon.

Siya ang libro, na hindi ko uulit uliting basahin muli.


Dahil kahit pa bali-baliktarin ang mundo, walang makakapag pabago na nasira ang Pamilya ko.. Nawala ako ng Lolo at Lola na walang ibang ginawa kundi protektahan ako. Nawalan ako ng taong nag mahal saakin ng tapat hanggang sa dulo ng buhay niya. At ang pinaka huli, nawalan ako ng kaibigan na isinakripisyo ang buhay niya para sa kaligtasan ko.

Kung nabubuhay pa siguro si Iowa, pinaintindi niya saakin ang lahat. Magmula una hanggang huli. Sobrang dami ko pang gustong itanong sakanya.


"Teka, saan ka pupunta?" Nawala ako sa pag da drama ko ng nag lakad si Dace papunta sa kotse niya.

"Lumalalim na ang gabi. Iuuwi na kita." Kaswal na sabi niya habang patuloy lang na nag lalakad hanggang sa makapasok na ito sa loob ng kotse niya.

Hays, napaka cold talaga ng taong 'to! "Sandali lang!" Dali dali na akong pumasok sa loob ng sasakyan dahil narinig kong inis-start niya na ang makina.





Nakikinig lang kami ng music ngayon sa loob ng kotse dahil na stuck kami sa traffic. Gabi na kasi at rush hour pa. Uwian ng mga estudyante at mga nag ta-trabaho.

Hindi na naman ako naiilang sakanya kahit na may pag ka masungit siya. Minsan hindi mo alam kung narinig ba yung sinabi mo dahil hindi ka niya kikibuin. Sa mahigit ilang araw at ilang beses ko siyang nakakasama at nakakainuman masasabi kong, all in all hindi naman pala talaga siya kupal.

Siguro yun kasi ang pinaka unang impression ko ng magkita kaming dalawa. HE WAS A TOTAL JERK. Pero hindi ko akalain na yung tinatawag tawag kong kupal, magiging komportable ako. At nagawa ko ng sabihin ang pinaka ayaw kong i-share sa iba.

Nasabi ko na sakanya.

Kahit na wala siyang masabi after kong mag kwento, he was a good listener after all.


Matapos ko kasing marinig ang balita sa radyo, wala na akong nagawa kundi ang umiyak lang. Dahil para bang nag flashback sa utak ko ang lahat ng ngyari. Nakakarinig ako ng putukan ng baril sa paligid kahit na wala naman. Takot na takot at pinagpapawisan ako.

Hanggang sa maramdaman ko nalang ang kapit ng kamay ni Dace sa mga kamay ko. Tumingin ako sa paligid at doon ko nakitang inihinto niya ang sasakyan sa isang tabi. Pinakalma at pinatahan niya ng ilang sandali dahil sa hindi talaga ako mag tigil sa pag iyak. Kahit pa ayaw kong ipakita sakanya ang ganitong karanasan ko kapag naalala ko ang noong ngyari tatlong taon na ang nakakalipas. Ayaw kong maging mahina ako sa harapan niya at kahit pa sa harap ng maraming tao.

"Thank you sa pag hatid." Sabi ko bago ko pa man pihitin ang pintuan ng sasakyan para bumaba.

Wala naman siyang sinabi at diretsyo padin ang tingin niya sa harapan. Inihatid niya kasi ako sa tapat ng bahay namin. Odiba, sweet?Hindi lang talaga showy.

Dahil nga sa wala na naman siyang kibo, tuluyan ko ng pinihit ang pintuan ng kotse at lumabas. Naglakad na ako papunta sa harapan ng gate namin at kumaway ng ba-bye sakanya. Pinatunog niya lang ang busina ng kotse niya saka umalis.

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang kotse niya, pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto, bumungad saakin ang nakakarinding katahimikan.

Dumating na nga talaga ako sa reyalidad. Maglalakad na sana ako paakyat ng kwarto ko ng makarinig ako ng pag hinto ng sasakyan. Nag punta naman ako sa bintanang matatanaw ang labas ng bahay.

Nakita ko namang kotse iyon ni Mommy na siyang pababa na. Aalis na sana ako para salubungin siya ng makita kong may lumabas din na isang lalake sa loob ng sasakyan. Medyo madilim kaya hindi ko malaman kung sino ang lalakeng kasama niyang bumaba sa sasakyan. Baka isa sa mga kaibigang Doctor ni Mommy.

Hindi na ako naki-isyoso pa at umakyat nalang papunta sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng pintuan, agad na akong nag tatatakbo papuntang kama ko at basta basta nalang 'yon nilundagan.

"Hay, ang sarap.. Namiss ko ang kwarto ko.." Nakapikit kong sabi habang dinadama dama ang lambot at iwinawasiwas ang mag kabilang kamay at paa ko sa mabango't malambot kong kama.

Nung last na hinigaan ko 'to hindi ganito 'to ka bango ha? Ah, Baka pinalitan ni Yaya Elen.

She's the best talaga!


Maya maya lang, ramdam ko ang pamimikit ng mga mata ko. Shet naman, huwag muna! Hindi pa ako naliligo mag tatlong araw na! Sobrang bigat na talaga ng talukap ng mata ko at sobrang lapit na talagang bumigay hanggang sa bigla nalang ako napabalikwas ng kama ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Mikee, bakit ngayon kalang umuwi?" Bungad ni Mommy. Napaayos tuloy ako bigla ng upo at nabuhayan ng dugo. Wow, magka-rhyme.

"Mommy—"

"Tinawagan ko sila Valie at sinabi nilang hindi ka nag paparamdam sakanila mahigit tatlong araw na. Where have you been?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa namiss kong sermon ni Mommy at hindi ko din talaga alam ang sasabihin ko sakanya ngayon. Ayaw mag function maayos ng utak ko dala ng antok or wala lang talaga akong utak? Ano sa dalawa?

Sabi nga ni Mocha sa isang interview "May suggestion ako sa'yo, ha? Huwag mong araw arawin ang katangahan mo! Putangina ka! Bumili ka ng utak!"

Saan kaya ako pwedeng makakahanap ng utak at bumili ng sangkatutak. Utak lang siguro ng baboy? O kaya inutak?

"Mikee!" Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Mommy. Muli ulit akong napakamot sa ulo ko.

"I'm having a lot of problems, Ma." Nag try akong mag lungku-lungkutan sa harapan niya habang nakatingin lang sa baba pero ang nanay ko, mukhang hindi nakisakay sa drama ko.

"What are you saying? Uminom ka na naman ba at nag punta sa club?" Nag lakad na siya papasok sa loob ng kwarto ko saka umupo sa kama ko at tumabi. "Or, are you with Dace Rangford the whole time?" Mabilis kong inangat ang mga tingin ko sakanya ng mahinahon niyanh itanong saakin 'yan.

"Paano niyo siya kilala?" Tanong ko.

"You ran a way with him two days ago. After kang palibutan ng mga reporters sa labas ng kotse mo. Laman 'yon ng balita at naging usap usapan na totoo nga ba talaga ang sinabi mo sa harapan ni Kijan na siyang CEO ng Querencia. But then after just an hour ago, nawala na ang lahat ng mga balitang 'yon."

"Nawala? Bakit nawala?"

Nagkibit balikat si Mommy at hinawakan ang buhok ko bago isiksik sa likod ng tainga ko. "Siguro si Kijan na mismo ang nag paalis lahat ng balitang kumakalat nung mga oras na 'yon. Nakadawit din ang pangalan mo dun at hindi rin magandang tignan at marinig ang mga ganung klaseng balita." Pagpapatuloy ni Mommy.

Hindi ko akalain na may mga ganung klaseng ngyayari na pala ng hindi ko namamalayan. Naiintriga akong marinig at makita ang baitang 'yon kahit pa sabi ni Mommy ay hindi maganda.

"Ano po bang nakalagay sa balita?" Tanong ko kay Mommy.

"You don't need to know. Go to sleep and visit your grandparents tomorrow morning. Hindi mo sila nabisita sa 2nd death anniversary nila. I'm sure they'll understand." Nakangiting sabi ni Mommy at nag lakad na papalabas ng kwarto ko.

Medyo na weirduhan ako kay Mommy? Bakit parang nagbago ata ang ihip ng hangin at naging sweet siya saakin tapos napaka caring pa. Hindi ako sanay dahil sobrang cold din ni Mommy katulad ni Dace. Hindi din siya showy at sobrang workaholic. Tapos biglang in a snap magiging ganyan ka caring at sweet?

Ang buong akala ko nga sermon ang aabutin ko dahil sa hindi ako nakapunta sa 2nd death anniversary ni Lolo at Lola ko. Never kasi akong naka-missed lalo na kapag sa ganitong bagay.

Hindi kaya may nagawa akong mali tapos ito yung parusa saakin ni Mommy? Bakit naman sweet tapos caring pa ang peg ng Nanay ko? Hindi ba pwedeng diretsyo sermon nalang agad para 'di ako kinakabahan ng ganito?

Syaka parang okay lang sakanyang sumama ako sa ibang lalake at hindi umuwi ng 2 freaking days. Something's very fishy talaga eh. Alam ko pag ganun, sampal at sabunot na agad ang abot ko. Dahil raw pinalaki niya akong may paninindigan at delicadeza. Kaya nga nung umuwi ako ng umaga na dati galing sa bahay nila Kijan lintek ang inabot saakin ni Mommy at Lola.

Ugh, bakit ko pa ba inaalala ang mga moments namin together pati narin ang pangalan niya? Tsk.


Dapat ang pinoproblema ko eh kung bakit ganun nalang bigla saakin si Mommy. Ah! Alam ko na! Dahil 'yon siguro sa lalakeng kasabay niyang bumaba ng sasakyan. Siguro ayaw niyang ma-stress saakin ng bongga at ayaw niyang iparinig sa bisita niya ang maala-dragona niyang boses kapag manenermon saakin na aakalain mong may lalabas na usok sa ilong at magkabilang tainga niya.

Now I know. Baka bukas niya na ako sisigawan at sesermonan kapag nakauwi na yung bisita niya.. Sa mahaba habang oras kong pag iisip kung bakit ganun si Mommy, pinili ko ng mahigang muli sa kama ko at hindi na naki-isyoso at chismis sa 'bisita' ni Mommy. Baka maka sira pa ako ng mood nila.

Hintayin ko nalang mag umaga at ang Mommy ko ang mag silbing alarm clock ko.












Nagising ako ng dahil sa naririnig kong malakas na tawanan at usapan na kahit pa nasa ibaba sila ay abot abot dito sa itaas. Kinamot kamot ko ang mga mata ko ng habang bumangon sa kama sabay unat.

Rinig na rinig ko naman ang mga buto kong nag si-tunugan matapos kong mag unat. Pero yung mga mata ko humihingi pa ng tulog at nang mag punta ako sa CR para mag hilamos, doon ko nakitang nag mumura nga ang eyebags ko at muli silang nag pakita.

Hinilamusan ko lang ang sarili ko at ginawa ang every morning routine ko. Pagkatapos ay humiga na ulit sa kama ko at kinuha ang cellphone kong nakapatong sa side table.

Walang notifications, walang chats, texts, walang reminder, walang missed calls. Hay, buhay. Napaka sad. Ito ata ang first time na wala isang taong nag no-notif saakin. Pano, sobrang busy ng mga kaibigan ko sa sari-sarili nilang buhay. Eh ako, wala na naman akong work so malamang sa malamang balik na naman ako sa pagiging tambay sa bahay.

Sobrang nakakamiss talagang maging bata. Yung palagi lang andyan ang mga kaibigan mo. Halos 24/7 mo kung makasama pero hindi nakakasawa. Solid kahit sila ang palaging nakikita. Isang tawag or text mo lang, go na agad silang lahat. Pa-chill chill lang noon. Pero sila, hindi na. Ako nalang talaga ang nag iisa. Kahit kasi itext mo sila, mga hindi rin makakasipot. Yung iba naman makakapunta nga pero maaga ding uuwi dahil sa may pasok pa sa trabaho kinabukasan.

Nawala ako sa pag iisip ng marinig ko na naman ang halakhakan ng mga tao sa ibaba. Binitawan ko ang cellphone ko at muling inilagay sa side table ko. Akala ko kanina nananaginip lang ako na maingay sa baba at puno ng tawanan.

Ito ata ang kauna-unahang umingay ng ganito sa bahay namin. Madalas kasing sobrang tahimik lang ng bahay na halos nakakatakot ng mag ingay dahil pakiramdam mo tutunog sa buong bahay. Ni hindi mo nga mararamdaman na may tao dito sa sobrang tahimik, eh.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at doon mas lalo kong narinig ang ingay. Dali dali na akong tumakbo pababa at doon ko nakita sila Valie, Polo, Les, Yiko, at Jaydy. Kasa-kasama din ang anak ni Yiko na si Nicki at ang asawa nitong si Aira. Si Eunice na girlfriend ni Jaydy at Shin na fiancé ni Polo.

"Bakit kayo nandito?" Taka kong tanong sakanila ng tuluyan na akong makababa ng hagdan.

"We're going on a out of town!" Masayang sabi ni Valie at umakbay saakin.

"Out of town?" Pag uulit ko. Tumango naman in unison ang mga kaibigan kong ito. "Tayo tayo lang?" Dagdag ko pa.

Umiling sila at sabay sabay na tumingin sa kaliwang bahagi ko kaya napatingin naman ako doon at nakita ko si Mommy na siyang may dalang napakalaking plastic container habang katabi si Yaya Elen na naka beach outfit na with hat pa ang Lola niyo! Anong say niyo? Old but hot! Chos!

"Kasama din ako sa outing niyo." Sabi ni Mommy ng may ngiti sa labi. "With Yaya Elen, of course!"

Nakakapanibago talaga.

Masaya ako dahil nakikita kong nakangiti si Mommy pero hindi ko maiwasang hindi matakot at mag alala. Natatakot ako para sa sarili ko dahil baka may nagawa akong napaka laking mali because this is the first time na ngumiti ng ganiyan si Mommy sa harapan ng mga kaibigan ko at sa harap ko. Ginagawa niya lang kasi 'yan sa mga TV guesting niya o hindi naman kaya kapag may guest siyang pinapapunta dito sa bahay.

Nag aalala din ako para kay Mommy. Ewan ko kung anong trip niya at sinabi niyang kasama siya sa outing namin and it turns out na siya pala talaga ang nag plano nito.

Does it make sense?

Ang Mommy kong ayaw na ayaw kasama ko sila Yiko, Valie, Polo, Jaydy, at Les dahil pare-parehas lang din daw kaming walang makakamit na pangarap kapag patuloy lang akong sasama sakanila. Ang pagbabanda kong ayaw na ayaw niya dahil wala naman daw akong patutunguhan pagdating doon. Masyado—ay hindi. Minaliit niya ng bongga ang talent ko pagdating sa pag kanta. Pero ngayon, si Mommy pa mismo ang nag plano ng outing namin at nag prepare ng mga foods.

Feeling ko talaga may nagawa akong kasalanan.






Para mas madaling makarating sa paroroonan namin which is 12 hours kapag minaneho. Syempre kahit lahat kami marunong mag drive, ayaw din naming umupo ng 12hours sa loob ng sasakyan. Mangawit pa ang mga puwetan namin non! And so my Mom, bought us plane tickets na isa isa niyang ibinigay saamin bago pa man kami maakaalis ng bahay. Hindi ko alam kung dati niya pa ba ito pinag planuhan dahil may mga pasabog pa talagang ganito si Mommy na hindi mo mae-explain kahit pa gawan mo ng Thesis.

Nang makita kong papalapit na si Mommy, inalis ko na ang handy bag ko sa katabing upuan ko dahil 'yon ang uupuan niya pero bigla siyang umiling at nilagpasan ang upuan ko saka umupo sa may likuran ko kung saan nakaupo na doon si Yaya Elen.

Mag katabi si Les at Valie. Tapos si Shin at Polo. Syempre si Eunice at Jaydy ang magkatabi. Tapos si Yiko, Aira at Nicki naman ang magkakatabi doon sa tig tatatlong upuan.

"Ha? Sinong katabi ko dito?" Mahina akong napatanong sa sarili ko nang mag sink in  na sa utak kong wala akong katabi buong biyahe.

Lumingon ako sa likuran ko at balak ko sanang tanungin si Mommy pero naka shades na siya habang may suot suot na neck pillow. Nako, baka natutulog na siya.. Ibinaling ko ang tingin ko kay Yaya Elen pero nabigla ako ng mag suot siya ng earbuds sa magkabilang tainga niya saka nanonood ng mga downloaded niyang Asian Dramas sa cellphone niya. Aba!

Ibinalik ko nalang ang sarili ko sa pag kakaupo ko. Tsk, okay lang! Saglit lang naman na biyahe 'to, noh! Siguro dito na mag s-start ang mga parusa saakin ni Mommy. Hay, Nydia.. Itinuon ko na ang sarili kong nakatingin sa bintana habang nakikinig ng music na para bang nasa isang music video.








Sa kalagitnaan ng pagse-senti dahil sa kantang nag p-play ngayon sa cellphone ko, naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko. Hindi na muna ako tumingin sakanya dahil hindi pa ako tapos mag music video dito kaya mamaya maya nalang.








Ililipat ko na sana ulit ang kanta for another music video ng mapukaw ng atensyon ko ang pamilyar na pabango. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa katabi ko.












Tama nga ako.

















Ang unang pumasok sa isip ko at sa isip niyo, ay ngayong katabi ko.













follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

103K 3.3K 46
A mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and mental abuse. That changed when she returne...
19.5K 3.1K 38
It all started with π‘‡β„Žπ‘’ π‘ƒπ‘’π‘Ÿπ‘ π‘œπ‘› π‘Œπ‘œπ‘’ πΏπ‘œπ‘£π‘’ 𝑀𝑖𝑙𝑙 π‘›π‘’π‘£π‘’π‘Ÿ 𝑏𝑒 π‘¦π‘œπ‘’π‘Ÿπ‘ , and apparently ended with π‘‡β„Žπ‘’ π‘ƒπ‘’π‘Ÿπ‘ π‘œπ‘› 𝐼 π‘™π‘œπ‘£π‘’...
2.6K 77 47
"How to embrace a broken soul?" Book Cover credits to: @HOE4YAGO