His BROTHER or HIM?

By mimikmanalastas

12.8K 294 65

Pano kung kailangan mong pumili sa dalawang magkapatid? Pero ayaw mo silang masaktan? Pababayaan mo nalang b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17(part1)
Chapter 17(part2)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22(part1)
Chapter 22(part2)
Chapter 22(part3)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50(part 1)
Chapter 50(part2)
Chapter 51(part1)
Chapter 51(part2)
Chapter 53(part3)
Chapter 54(part1)
Chapter 54(part2)

Chapter 34

170 4 0
By mimikmanalastas

Napa aga ata ang dating ko ngayon ah.

Buti nalang at may nakareserve na seat samin, kaya hindi na ko mahihirapan maghintay pa.

Pumunta ako sa desk, para matanong kung saan yung table namin.

Nilead naman ako ng receptionist.

Ang ganda ng ayos ng restaurant, pang mayaman.

First time ko palang ata makapasok sa ganito.

Yung mga chandelier nila, ang bongga, tapos yung design alam mong mamahalin talaga.

Mukha ba kong inosente? Hahaha

Hinila nung recepcionist para makaupo ako.

Nginitian ko naman siya parang pagsasalamat.

"Tea maam?" Alok sakin nung waiter.

"No, I'm okay." Napa english ako dun ah. Hahaha

Mga 5 minutes narin akong naghintay,

*kiss

Nagulat ako may nagkiss sa left chick ko.

Napatingin ako sa humalik sakin, si Mikhael.

"Matagal ka bang naghintay?" Sabay abot sakin ng tulips na hawak niya.

"Hindi naman, kararating ko lang din naman. Thank you" Natuwa naman ako dun sa binigay niyang flowers, plastic kasi, hahaha.

"Alam ko kasi may allergy ka. Kaya, nilagyan ko nalang ng pabango ko. Para hindi ka na naaching. Saka hindi yan nalalanta. KAtulad ng pagmamahal ko sayo. Hehe"

Bumabanat ka pa Mikhael ah. Hahaha

"Okay lang." Saka amoy ko dun sa flowers, ang bango. Amoy na amoy nga niya.

"Sino ba yung papakilala mo sakin?"

"Ahhhh, andiyan na siya. Nagpark lang. Parating na din yun."

"Okay, upo ka na kaya." Alok ko sakanya.

Umupo siya sa tapat ko.

"Sino ba kasi yung ipapakilala mo?"

"Basta, makikilala mo din siya."

Mga ilang minuto lang dumating na yung ipapakilala niya sakin.

Nung paparating na yung ipapakilala niya sakin,

Parang kilala ko siya.

Ng makalapit na siya.

Si Ken?

Anong ginagawa niya dito?

"Bhebhelabs, kuya ko. Si Ken Lee"

Si Ken? Mikhael? Magkapatid?

"Eh?"

"Nice meeting you Alleah, ikaw pala yung sinasabi ng kapatid ko." Sabay abot ng kamay niya sakin.

Naki sakay nalang din ako.

Nag smile nalang ako at inabot ang kamay ko.

Nakakahiya nga eh, parang mas malambot pa yung kamay niya kesa sakin.

"Gwapo ng kuya ko noh?! Mana kasi sakin. Hahah"

Hahaha, talagang kuya pa niya nagmana sakanya ah?

"Loko!" Sabi ni Ken.

Umupo na kaming tatlo, at tumawag na ng waiter si Mikhael para makakuha na kami ng order.

"Bhebhelabs, anong gusto mo?" Tanong sakin ni Mikhael.

"Ahhhhhmmm." Tinignan ko yung menu.

Hindi ko alam oorderin ko, parang mukhang masarap naman mga pagkain dito eh.

"Ikaw na bahala," Sabi ko nalang kay Mikhael.

"Okay,"

Sinabi na niya yung order namin sa waiter pati narin si Ken.

Ang awkward ng aura dito sa loob.

Ewan ko ba kung bakit.

Ang tahimik.

"Sabi ko sayo kuya maganda si Alleah eh."

Ayos mambasag ng katahimikan si Mikhael ah.

"Oo na, sabi mo eh." Sagot ni Ken.

Bakit kasi hindi mo nahalata na magkapatid pala sila?

Eng eng mo talaga Alleah.

Tinitigan ko yung dalawa habang nag aasaran, alam na alam mong close silang dalawa.

Ang cute nilang dalawa.

Napansin siguro ni Mikahael na nakatingin ako sakanilang dalawang magkuya.

"Bakit?"

"Ahhhh, wala lang. Ang cute niyo kasing magkapatid. Halatang close talaga kayo."

"Ahhh, ganito lang talaga kami ni kuya."

Kung titignan mo nga ang dalawa, hindi mo talaga sila magpapakamalang magkapatid dahil hindi sila magkamukha, kaya siguro hindi ko nahalata na mgakapatid sila.

Mga ilang minuto lang, dumating na yung order namin.

Saka kumain ng tahimik, hindi talaga ako sanay.

Kasi kung kumain si Charles saka si Ging napaka ingay.

Tapos ang awkward talaga ng athmosphere.

Tinitignan ko lang si MIkhael, saka siya ngingiti sakin.

Yun lang ginagawa namin sa ilang minutong pagkain namin.

Masarap naman yung kinain namin, nabusog naman ako.

Pero mas masrap talagang kumain sa carenderia, mas komportable. Hahaha.

Pagkatapos namin kumain,

Tumayo si Mikhael.

"San ka pupunta?" 

"Wait lang. :)"

Pumunta siya dun sa may stage na may piano.

Marunong pala magpiano si Mikhael?

Hindi pa niya nasasabi sakin yun eh.

"This is for you my Alleah." Sabay tingin sakin.

Saka nagpalakpakan ang mga tao.

Sinimulan na ni Mikhael ang pagtugtog.

Without you yung song.

Favorite song ko, :)

"Kapatid mo pala si Mikhael, hindi mo man lang sinasabi." Sabi ko kay Ken.

 "Hindi ka naman nagtanong ah."

Wow! Barado ako ah.

Sabi ko nga kasi eh, hindi ka kasi nagtatanong Alleah.

Tinignan ko nalang ulit si Mikhael sa stage na tumutugtog.

Sa buong kanta, nakatingin lang sakin si Mikhael, na parang ako lang ang tanging babae na dito.

Kinikilig tuloy ako. Hahaha.

"Talagang tinamaan kapatid ko sayo."

Biglang nagsasalita si Ken, may tao pa pala sa likod ko.

Hindi ko nalang pinansin, kinikilig ako dito eh. Hahaha.

____________________________

Putulin muna natin ang pagka kilig ni Alleah.
Naka UD din sawakas! :D

FAN? VOTE? COMMENT? 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...