My Fake Wife (2nd Version) Co...

By CatchMeStories

707K 10.5K 438

Published Book na po ito. Published ang FIRST VERSION. Limited Copies. Kung may interesadong bumili ng kopya... More

Teaser (Nasa BOOK na po ito)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Hola πŸ˜‚
Chapter 8
Chapter 9
Commercial Break (LOL)
Chapter 10
Chapter 11
Hello πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
Chapter 12
πŸ‘‹πŸ‘‹πŸ‘‹
Chapter 13
Chapter 14
βœ‹Skip This Page✌️
Chapter 15
Chapter 16
πŸ’–Skip this Page πŸ‘βœŒ
Chapter 17
😊 πŸ’–Skip this Page πŸ‘πŸ˜‚
Chapter 18
Chapter 19
πŸ‘‹πŸ‘‹Skip this PageπŸ‘‹πŸ‘‹
Chapter 20
πŸ˜…Just Skip this Page πŸ˜…
Chapter 21
Chapter 21
Chapter 22
✌️Skip This Page✌️
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
πŸ˜‚Skip this Page πŸ˜‚
Chapter 27
😊
Chapter 28
πŸ’—Skip this Page✌️
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
😊
Chapter 32
😊😊😊😊
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
❀️Thank You❀️

Chapter 23

11.6K 273 5
By CatchMeStories

My Fake Wife
By: CatchMe

CHAPTER 23

MAGKAHAWAK-KAMAY na pumasok sina Carmilo at Izabelle sa isang studio kung saan ay gaganapin ang photo shoot nilang dalawa.

Napagkasunduan nila kanina na magpagawa ng kanilang wedding photo album para ipakita sa magulang ng binata. At tulad nila na pekeng mag-asawa ay kailangan din nila ng larawan ng kanilang pekeng kasal.

At para mas lalong maniwala ang mommy nito ay kumuha pa ng make-up artist si Carmilo at pinasuotan ng bestidang puti na hapit sa katawan ang dalaga.

​Nakangiting pinagmamasdan ni Izabelle ang sarili mula sa malaking salamin. At hindi siya makapaniwala na sarili niya ang nakikita niya sa salamin.

Dahil ang ganda niyang tingnan sa suot niya na puting bestida. Simple lang iyon at hapit sa kanyang katawan kung kayat lumabas ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Dagdag pa ang make-up niya na light lamang ang in-apply ngunit mas lalo namang nagpapalitaw sa kanyang kagandahan.

​At ang ikinatuwa pa niya ay dahil sa sinabi kanina ng kanyang make-up artist na hindi nakapagtatakang mainlove sa kanya ang binata dahil daw sa taglay niyang kagandahan at ang blooming daw niyang tingnan.

​Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti muli habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin. Posible kayang..mahal na siya ni Carmilo?

Napailing siya at napabuntong hininga.. Sana nga.. Mahal siya ng binata..

​Napalingon siya sa kanyang likuran ng makitang bumukas ang pintuan niyon at nakangiting sumungaw ang binata.

​"Done?"

​Tanong nito na pumasok na rin sa dressing room ng studio.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito mula sa malaking salamin na papalapit sa kanya.

Ang gwapo nitong tingnan sa suot nitong black slacks, at puting pulo. At tingin niya ay mas lalong bumata ito dahil sa mga ngiti nito na siyang nagpapakilig sa kanyang puso.

​Agad na yumakap ang binata sa kanya habang siya ay nakatalikod dito. Ikinulong siya nito sa matitupunong braso nito at hinalikan siya sa kanyang buhok.

"Lovely.."

Bulong nito na pinag-masdan ang kanilang mga sarili sa salamin.

Napangiti siyang napayuko nang humarap ito sa kanya at itinaas ang kanyang mukha.

At heto nanaman siya at bumibilis nanaman ang tibok ng kanyang puso tuwing tinitigan siya ng binata. Hindi parin siya sanay kahit na may nangyari na sa kanila. Dahil nag-iinit pa rin ang kanyang mukha tuwing titigan siya ng binata.

​"You're blushing..." nakangiting sambit nito na hinaplos ang kanyang pisngi.

​Napalunok siya at hindi nakapagsalita dahil nag-iinit pa rin ang kanyang mukha.

Hanggang sa patuloy lamang siya nitong tinitigan at hinahaplos ang kanyang pisngi. Mayamaya pa ay dahan-dahan nitong inilapit ang mukha nito sa kanyang mukha at hinalikan ang kanyang labi.

​"You had a sweet lips, hon," anito nang maghiwalay ang kanilang labi.

Napangiti lamang siya at napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.

"Stop biting your lips.." Tila paos ang boses nitong sambit at muli inangkin ang kanyang labi.

KATOK sa pintuan ang nagpalingon kina Izabelle at Carmilo. Napangiti namang hinawakan ni Carmilo ang dalaga sa kamay at hinila papunta sa pintuan.

​"Mag-uumpisa na po ba tayo, Sir?" tanong ng photographer na nakangiti sa kanila.

Tumango at ngumiti si Carmilo bilang sagot at napangiti naman si Izabelle.

"This way po, Sir," turo nito sa kabilang pinto at nagpatiuna na ito sa kanila sa paglakad.

​Agad na pinaupo si Izabelle ng photographer sa isang stool at pinatayo naman si Carmilo sa likuran ng dalaga. Inilagay nito ang dalawang kamay ng binata sa balikat ng dalaga at bahagyang pinasandal ang ulo nito sa katawan ng binata.

​"Alright," nakangiting sambit ng photographer nang ma-satisfied sa ayos nilang dalawa. "Be ready, one, two," at ini-click na nito nang sunod-sunod ang hawak na camera. "Next pose," mayamaya ay sambit nito na pinatayo naman si Izabelle.

Bahagya nitong pinatagilid ang dalaga habang nakayakap ang binata sa baywang nito. "Great," palatak pa nitong umatras ng ilang hakbang mula sa kanila at itinaas ang hawak na camera.

"Ngiti po kayo Ma'am," baling nito kay Izabelle na agad namang sumunod. "Sir, pakilapit po nang kaunti ang mukha niyo sa buhok niya. Kunyari, inaamoy niyo po ang buhok ni Izabelle."

NAKANGITING sumunod si Carmilo sa gusto ng photographer. Inilapit nga nito ang mukha sa buhok ni Izabelle at napapikit pa siyang inamoy ang mabangong buhok nito.

"You smell good, honey..." mahinang bulong niya nang maramdaman ang pagpisil ng dalaga sa kanyang kamay na nakayakap sa baywang nito.

"I can hug you like this forever, hon," dagdag pa niya na hinalikan ang buhok nito at inaayos ang pagkakayakap dito.

​"Okay po, Sir, Ma'am, nice pose.." anang photographer at sunod-sunod na nagkislapan ang hawak nitong camera.

​Ilang pose pa ang ginawa nila ni Izabelle at natapos din ang kanilang photo shoot.

Nakangiti siyang hinawakan ang kamay ng dalaga at inihatid sa dressing room para makapagpalit ng damit nito.

​"Sige, sandali lang ako," nakangiting baling nito sa kanya at binitiwan ang kanyang kamay. Akma na nitong isara ang pinto bang pigilan niya ang dalaga. Nagtataka naman itong napatingin sa kanya. "Why?" anito.

​"Can I stay here? I mean, can I watch you while changing your clothes?"

​Bigla ang pamumula ng pisngi nito sa kanyang sinabi at ilang sandali lang ay napangiti na lamang ito na niluwagan ang pintuan kaya agad naman siyang pumasok at inilock ang pinto.

Tumalikod na rin sa kanya ang dalaga at lumapit sa isang mesa kung saan nakapatong ang hinubad nitong damit kanina.

​Umupo naman siya sa isang silya at nakangiting pinagmasdan ito na tila naiilang sa kanyang presensya at hindi pa rin nagawang maghubad ng suot nitong puting bestida. Bagkus ay namumula pa itong pilit na ngumiti sa kanya ng magtama ang kanilang mga mata sa malaking salamin na naroon sa dressing room.

​"Huwag ka nang mahiya, hon," napatayong wika niya na lumapit sa dalaga. ​"Nakita ko na ang katawan mo, kaya wala ka nang dapat ikahiya pa sa akin," nakangiting bulong niya at yumakap sa baywang nito.

​Narinig pa niya ang mahinang pagsinghap nito sa kanyang ginawa at muling ngumiti sa kanya nang mag-angat ng mukha.

Dinampian naman niya ng mabining halik ang buhok nito nang mag-ring ang kanyang cellphone. Kaya napakalas siya dito at sandaling nag-excuse nang makita ang pangalan ni James.

NAKAHINGA nang maluwag si Izabelle nang kumalas sa pagkayakap sa kanya ang binata. Napatalikod ito sa kanya nang sinagot nito ang tumawag sa cellphone nito.

Lihim naman siyang napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili. Kanina pa siya nakaramdam nang paninikip ng kanyang dibdib dahil sa sobrang bilis nang tibok ng kanyang puso.

Ewan nga ba niya at hindi pa rin siya nasasanay tuwing lumapit sa kanya ang binata. Lalo na ang pabigla-bigla nitong pagyakap sa kanya at gawaran siya ng halik.

​Pakiramdam tuloy niya ay tunay silang mag-asawa dahil sa mga pinaggagawa nila. Pero, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot sa isiping; isang pekeng mag-asawa lamang sila.

Napabuntong-hininga siyang nilingon ang nakatalikod na binata habang nakikipag-usap pa rin sa cellphone nito. May plano kaya si Carmilo para sa kanilang dalawa? Lalo na ngayong naangkin siya nito?

Hindi niya maiwasang mangamba na baka mananatiling peke lamang ang kanilang relasyon.

​Gusto niyang kausapin ang binata tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Pero natatakot siya sa maaaring isagot nito sa kanya. Paano kung ang nangyari sa kanila ay iyon pala ang bayad sa pagpanggap nito bilang asawa niya?

Hindi niya naiwasang masaktan sa kanyang naisip. Kaya muli siyang napabuntong-hininga at nagbihis na lamang ng kanyang damit kanina.

Continue Reading

You'll Also Like

47.8K 1K 23
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil...
119K 2.2K 54
Si Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan an...
79.1K 1.4K 35
***WATTY'S 2018 SHORTLISTED*** [DE GUZMAN SERIES #3] (Story of Lia's and Eldrick's son from My Best Friend/Boyfriend) Hindi makapaniwala si Tan-Tan n...
22.4K 508 11
Nagmahal kana ba? Kung oo, naging masaya kana man ba? Naramdaman mo naman ba yung feeling na sobrang saya na parang nasa langit ka? Eh yung feeling n...