Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana

117 45 26
By laymedown_07

-KIANDRA-

"May ipapakilala ako sa'yo bukas".

Para akong tanga na kanina pa nakatulala sa kisami ng kwarto ko, at tila bulate na nilagyan ng asin, dahil sa hindi ko pagpakali kung anong pwestong higa ang gagawin ko.

Gabi na, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ni A-aron.

Sino ba kasi yung ipapakilala niya sa akin?

Sa dinami-raming nireto sa akin ni A-aron, ngayon lang ako naintriga ng ganito.

Nang pakiramdam ko mababaliw na 'ko sa kakaisip, tumayo na lang ako at lumapit sa may study table ko. Bubuksan ko na sana ang laptop ko para i-check ang facebook ko, nang biglang may kumatok.

"Kiandra? Iha. Nakahain na sa baba. Kumain na tayo". Boses ni Yaya.

"Opo. Susunod na po ako".

Mamaya na nga lang.

Sinara ko na lang ulit ito at tumungo na sa pintuan ng kwarto ko para buksan.

Pagkababa ko, nakita ko agad sila Yaya at Aaron na naka-upo at ready nang kumain.

Naghugas na muna ako ng kamay bago tuluyang umupo sa pwesto ko.

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo at binabaot ng nakakabinging katahimikan. Tanging ang maingay lang, ay ang pag bubungguan ng aming mga kobyertos.

"Iha. Kamusta naman ang klase mo ngayon"? Pang babasag ni Yaya sa katahimikan.

Salamat naman. Muntik ko nang kausapin ang mga kobyertos.

"Ayos lang po. Wala naman po masyadong pinagawa sa amin kasi first day pa lang naman".

"Gano'n ba? Mabuti naman. Bakit naman gano'n? Alanganin ang unang pasok niyo sa eskwela"?

Friday ngayon, at bukas, Saturday na. Alanganin man, pero pabor na sa akin ang ganito. Atleast, may dalawang araw pa akong magliwaliw bago man lang dumugo ang utak ko this school year.

"Mas okay na po ito. Atleast, mapaghahandaan ko pa po ang pag dugo ng utak ko". Sabay kaming mahinang natawa ni Yaya.


"Be ready for tomorrow. Mga 1pm ay aalis na tayo rito sa bahay".

Kaya hindi nagkakajowa ang isang 'to eh. Masyadong seryoso sa buhay.

"A-ano ba tayo bukas"? Tanong ko.

"May papakilala nga ako".

"Oo nga. What I mean is, saan"?

"Sa bar ni Ralph".

"Ah". Ibinalik ko ang paningin sa pagkain ko.

"Mag-ayos ka".

Napatingin akong muli sa kaniya. "Bakit kailangan pang mag-ayos? Ipapakilala mo lang naman ako ha"?

"Oo nga. Importante ang first impression lagi". Napairap na lang ako.

Lagi nang ganiyan 'yan simula nung nangyari ang sa amin ni Drik. Bestfriend namin, and my first puppy love.

Simula kasi nang mangyari iyon, hindi na nila ako nakitang ngumiti o tumawa man lang, katulad ng pinapakita ko sa kanila rati.

It's been 9 years, since that incident happened.

Sinundan ko si Yayang tumayo, at pumunta sa may reff. Binuksan niya ito, at kung nasa anime world lang ako, masasabi kong, naging puso ang mga mata ko dahil sa kinuha niya sa loob no'n.

"Hmm. Para hindi ka na nakabusangot jan".

Sushi!

"You're the best"! She laughed.

Kumuha agad ako ng Sushi at inilagay sa plato ko.

"Takaw talaga".

"Pake mo".

"Tama na iyan. Kumain na kayo".

Biniletan ko ang A-aron, habang siya, umamba ng konyat.

Pagkatapos kumain at magligpit, nagluto na muna si Yaya ng popcorn.

Ganito kasi ang bonding namin tuwing walang pasok kinabukasan.

Kumuha na muna ako ng beer in can para sa aming dalawa ni A-aron, habang softdrinks in can naman para kay Yaya.

Inilagay ko ang mga kinuha ko sa center table sa may salas.

"Yaya! Tara na po"! Sigaw ko.

"Pariyan na ako"! Sigaw ni Yaya pabalik.

Umupo ako ng sofa katabi ni A-aron. "Hmm". Abot ko sa kaniya ng beer in can niya.

Nakapili naman na si Aaron ng palabas at nakasalang na. Si Yaya na lang ang hinihintay talaga.

"Thanks".

"Ano iyang isinalang niyo"? Tanong ni Yaya na kararating lang dala ang dalawang mangkok na may lamang popcorn.

Inilagay muna ni Yaya ang dalawang mangkok sa may center table, bago siya naupo sa tabi ko, sa kaliwa.

"Remember Me po".

"Nakakaiyak daw iyan, diba"?

"Ewan ko pa kay Aaron. May pinagdaraanan po yata". Sabay na lang kaming natawa ni Yaya, habang si A-aron ay nakatanga na sa TV.

Halos kalagitnaan ng palabas, nang mapansin kong sa mangkok ko na kumukuha ang A-aron.

"Hoy"!

Imbis na sumagot, tumingin lang siya sa akin sandali, at muling ibinalik ang paningin sa pinanonood.

Muli ko na lang rin ibinalik ang paningin sa pinanonood. Pero hindi pa nagtatagal ang atensyon ko sa TV, nakita ko na naman ang mahiwagang kamay ng pinsan kong pakuha sa mangkok ko.

"Aray"! Reklamo niya ng tampalin ko ang kamay niya.

"Meron ka naman eh. Buraot ka ng taon".

"Mas malasa yung iyo eh".

"Magtigil ka".

"Yaya oh".

"Maghati na lang kayong dalawa". Natatawa-tawang saway sa amin ni Yaya.

"Palit na lang tayo, Kia".

"Mukha mo. Ayoko nga".

"Damot".

"Lagyan mo ng Asin para hindi matabang".

"Ewan ko sa iyo".

"Doon kayo magtalo sa may kusina". Awat sa amin ni Yaya.

"Iyan kasi. Napakaburaot mo". Inis kong bulong kay Aaron.

"Ikaw kasi. Ang damot mo".

"Hindi kayo titigil na dalawa"?

Sabi nga namin titigil na.

Halos patapos na ang palabas nang mapatingin ako sa Aaron na busy sa pagtipa ng phone niya habang nakangiti.

"Baliw". Bulong ko, pero mukhang narinig niya, kaya napatingin siya sa akin at inirapan ako.

Hindi makapaniwalang natawa ako.

Ibang klase...

Natapos ang movie na sa phone niya lang nakaharap si A-aron, habang si Yaya naman, hindi makamove on sa palabas.

Nakakaloka.

Ako na ang nagpresintang maglinis ng pinagkainan namin.

Habang nag huhugas ng pinagkainan, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Nagpunas muna ako ng kamay bago ito kinuha mula sa bulsa ng pajama ko.

From unknown number

I clicked the view button.

From: 09*********
- Hi?

-end-

Napakunot noo ako. !"Okay? Baka wrong number lang".

Ikinibit balikat ko na lang ito at isinaoli muli sa bulsa ng pajama ko. Pinagpatuloy ko ang paghuhugas.

Pagkatapos kong mag hugas at mag sipilyo na rin, ay umakyat na muna ako sa kwarto ko para mag half bath.

Nanlalagkit ang katawan ko.

Pagkatapos mag half bath, umupo muna ako sa study table at binuksan ang laptop ko.

Pinindot ang facebook icon at nag log in.

Logging in...

1 friend request. 3 messages. 10 notifications.

Lagi kong unang tinitignan ay ang friend request ko.

Lars Jandrik Montallana has send you a friend request.

Sino naman kaya ito?

"Hmm. Ma-stalk nga".

I clicked his name to check his profile. Pumunta ako sa albums.

May mga picture na nasa bar siya at nagg-gitara habang kumakanta.

"Singer rin pala ang isang ito".

Meron ring nag d-drums siya at piano. Pero mas more on gitara ang hawak niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil puro stolen ang kuha sa kaniya, o hindi kaya, ay nakaside view siya.

"Hindi naman mukhang kahina-hinala".

Pinindot ko ang 'Confirm'.

Bumalik ako sa newsfeed ko at nag scroll-scroll lang, nang may mag pop up na message.

Oo nga pala. Hindi ko pa na ch-check.

Una kong pinindot ay ang kay Alexa.

Alexa Reyes:
Active Now ▪

Saturday at 8:00am

How are you ? Nakita mo na ba ang iyong the one ? Hahaha

Saturday at 10:00pm

Sira. The one ka jan. Sorry. Ngayon lang nakapag on.

It's okay . Aaron told me na may ipapakilala raw siya sa iyo bukas . Mukhang nangangamoy blind date na naman ito ha ? 😂

Ano pa nga ba? Hay. Dapat masanay na ako, right? Hahahaha

Pero feeling ko , this time , siya na ang the one mo . Yieeeee ! 💗

Bakit feeling ko, kilala mo ang ipapakilala sa'kin ni Aaron? 🤔

Secret . No comment . Bye Kia ! Take Care ! Goodluck for tomorrow . 😘
Seen saturday at 10:02pm

Sineen ko na lang. Bahala siya jan. Ayaw niyang sabihin ha.

"Tsk".

Then ang Kuya Charles...

Charles Ibañoz
Active Now ▪

Saturday at 12:02pm

Kiaaaaa jam tayo tomorrow. See you at 1pm around.

Ps: Goodluck sa date mo. Siya na ang the one mo! HAHAHA

Napakunot ang noo ko. Alam niya rin? Bakit feeling ko, lahat sila kilala ang papakilala ni Aaron maliban lang sa akin?

Set up ito!!

Saturday at 10:04pm

Oks. Bakit parang pakiramdam ko, lahat kayo kilala na ang ipapakilala sa akin ni Aaron maliban sa'kin? 😒

HAHAHAHAHAHA 😂

'Apaka sama niyo!
Seen Sat at 10:06 pm

Charles reacted '😆' to your message

Parang gusto ko na palang umurong para bukas.

Sunod ko namang pinindot ay yung kay Lars.

Lars Jandrik Montallana
Active 3 hours ago

Saturday at 7:07pm

Hello

Saturday at 10:07pm

Ahm hi? Do I know you? 😅

Sakto namang wala na akong gagawing importante sa social media ko, nang makaramdam ako ng antok.

Isinara ko na ang laptop, at pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko. Ipinatong ko ang phone ko sa side table.

"Kapagod".

Ilang segundo muna akong tumitig sa kisami, bago dahan-dahang kusang sumara ang mga mata ko.

Kakasara pa lang nila, nang marinig ko ang pag vibrate ng phone ko sa side table.

Inis akong nag-angat ng ulo ko para kunin ang phone kong nasa side table ko. 

From: 09*********
- Hello. Kiandra, right?

- end -

Napabalikwas ako sa kama ko at napa-upo.

Sino kaya ito? Ito rin ang kaninang nag text, diba?

Stalker?

-TO BE CONTINUED-

Continue Reading

You'll Also Like

255K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
298K 5.6K 40
Sophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her u...
94.3K 2.8K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
2.2M 79K 165
Sml? An epistolary.