Love and Lost (On Going - Und...

Oleh laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... Lebih Banyak

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER I: First Day

187 49 71
Oleh laymedown_07

-KIANDRA-

Here I Am. Sitting on one of the benches here in the park, while waiting for him.

Bakit kaya kahit kailan ang tagal ng taong iyon?

As I sat quietly, two pairs of hands suddenly covered my eyes. Matatakot na sana ako kung hindi lang ito nagsalita.

"Guess who"?

Napairap ako kahit alam kong hindi niya makikita. "Kailangan ko pa bang sabihin"? He chuckled as he removed his hands away from my eyes.

Umikot ito at umupo sa tabi ko. "So, anong meron"? Panimula ko habang nakatingin sa kaniya.

"Yeah, right". Sambit niya na tila ba may naalalang kung anong bagay. 

Tumayo ito at may kung anong kinuha mula sa bulsa niya. Hindi ko naman masipat kung ano, dahil itinago niya agad ito sa loob ng palad niya.

Kunot noo ko siyang tinignan nang nakangiti siyang humarap sa akin. "Turn around and close your eyes".

Pinangliitan ko ito ng mga mata. "Alam mo, ang weird mo".

"Tsk. Just do what I said". Hindi makapaniwalang natawa ako, pero sinunod ko pa rin siya.

Yeah right, Kia. 

I mentally rolled my eyes, as I heard him chuckled.

As a couple of seconds past, nang may maramdaman akong malamig na kung ano sa leeg ko. Automatiko akong napahawak dito.

Necklace?

"You can open your eyes". I do what he said. Magsasalita na sana ako ng ibalandra niya sa pagm-mukha ko ang malaki niyang palad. "Hep! Mamaya ka na mag comment".

Gusto ko na sanang kiligin, pero huwag na lang pala. I changed my mind. Bwisit na 'to.

Kagaya ng naunang scenario, may kinuha rin siyang kung ano sa kabilang bulsa niya. Isinuot niya muna ito sa leeg niya bago nagpatuloy. 

"You and I were meant to cross paths, share smiles and laugh together." Hinawi niya ang kumawalang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko at inipit iyon sa likuran ng tainga ko. "Hindi ko kaya ng wala ka, Kia". I smiled as he cares my face with his warm hand.

Akala ko okay na. Akala ko for lifetime na 'to, pero mali pala ang lahat.

It's funny how fast the night changes.

Kung nang gabing iyon ay pinaramdam mo sa akin kung gaano ako ka-importante sa iyo, ngayon ay pinaramdam mo sa akin na tila tayo hindi magkakilala at isa lang akong peste sa buhay mo.

Anong nangyari Drik? May nagawa ba ako? May nasabi? May nahanap ka na bang bagong magiging kaibigan mong higit sa akin?

Kasabay ng pagkaluhod ko sa lupa at pagtulo ng mga luha ko, ay ang pag buhos naman ng ulan.

🎶 Bright cold silver moon
Tonight alone in my room
You we're here just yesterday 🎶

Napamulat ako ng mga mata, habang nakakunot ang noo. 

Music? Uso na ba ngayon na may Automatic na background music kapag nag d-drama ka?

🎶 Slight turn of the head
Eyes down when you said
I guess i need my life to-🎶

Habol hininga akong napamulat. Panaginip...

Malalim akong napabuntong hininga bago umalis sa pagkakadapa ko. Sakto namang muling tumunog ang cellphone ko.

Antok kong kinuha ang phone ko sa may side table, at walang tingin-tingin na sinagot ang kung sino mang tumatawag.

"Hello"? Inaantok at may halong inis sa boses na sabi ko.

"Kiandra, Sweetie?" Malambing na sambit ng nasa kabilang linya. "Sweetie? How are you? Bakit ganiyan ang tono ng boses mo? Don't tell me..." Nakakunot ang noo at nanliliit ang mga mata kong tinignan ang caller ID ng kausap ko, nang mapamilyaran ko ang boses nito.

Oh shit!

Wala sa sariling napaayos ako ng upo ko at mahinang napasabi ng... "Mom"? Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Kailangan ko na bang tumawag ng santo? 

"Oh God! For goodness sake Kiandra! Natutulog ka pa rin? What time is it"?

Tinignan ko naman ang orasan sa phone ko bago sumagot. "6:30 po".

"At talagang sumasagot ka pa ha". 

"You asked me what time is it. I'm just answering your question, Mom".

"It's almost 6:30 in the morning, and your time on school is 7 o'clock! Kumilos ka na agad. Ayokong late ka sa first day mo". At walang sabi-sabi nitong pinatay ang tawag.

Sabi ko nga wala akong karapatan sumagot eh.

Kakatapos ko lang sa Nanay ko, nang may sumunod naman na pumasok sa kwarto ko.

"Gising ka na pala, hindi ka pa bumangon. Talagang cellphone mo muna ang inatupag mo... Late ka na kamahalan, for your information". Inis nitong isinarado ang pinto.

Ayos. Na double kill agad ako sa araw na 'to.

Kung may award lang sa pagr-rap sa pagitan ni Mom at Aaron, ay paniguradong si Aaron na ang panalo.

"Wala pa ring tatalo sa Alaska"~ Mahinang nakanta ko bago bumangon ng tuluyan.

Desurb ko na yatang magpahinga sa layp.

Pagkatapos kong mag-asikaso ng pangpasok, dumeretso na ako sa may kusina para inumin ang kapeng laging itinitimpla sa akin ni Yaya.

"Bagalan mo pa kumilos". Pag-epal ng A-aron. Napairap na lang ako bago naupo sa pwesto ko at humigop ng kape ko.

Bakit kaya ganito ang ugali ng isang 'to? Bakit hindi niya gayahin ang ugali ng kakilala kong A-aron na nasa bible? Baka sakaling magkajowa pa siya. Tsk.

"Kia"!

"Haist! Oo na! Kaya hindi ka nagkakajowa eh. Ganiyan ka". Bulong ko sa huling sentence, pero mukhang narinig ng dragon.

"Ano? May sinasabi ka"?

"Wala. Kako, ganiyan talaga kapag walang jowa. Tila may regla lagi".

"Aba't-"!

Agad ko namang hinarang ang dalawang braso ko sa ulo ko. 

Aba mahirap na, ano. Bobo na nga ako, baka lalo pa akong mabobo.

He's Aaron Lunox Fernandez. But I prefered calling him A-aron. As in yung sa Bible. Baka sakaling mabawas-bawasan ang pagiging bagong panganak niyang pusa. My older cousin.

2 years lang ang tanda niya sa akin. Siya lang ang naaasahan ko kapag may problema or 'di kaya'y kapag kailangan ko ng tutulong sa mga palpak kong desisyon sa buhay. Ayon nga lang, minsan, nakakaimbyerna magbunganga ang isang ito, dahil talo pa ako at si Mom.

"Tumigil na kayong dalawa jan. Parehas lang naman kayong huli na sa mga obligasyon niyo. Hay nako kayong mga kabataan". Sabay naman kaming napakamot sa batok ng A-aron.


Bukod kay Aaron, ay si Yaya na ang kasa-kasama ko sa buhay, since ang mga magulang ko ay busy sa business nila sa ibang bansa.

It's not a big deal for me though, dahil nasanay naman na akong sila A-aron at Yaya na ang kasama ko.

Nang makarating ako sa school, ay agad akong lumapit sa bulletin board, sa tabi ng gate, sa labas. Kakaonti na lang naman ang estudyante, dahil ilang minuto na lang, ay magsisimula na ang klase.

​Room 107...

"Good morning Kuya". Bati ko sa guard ng school. Tinanguan lang ako nito habang nakangiti.

Patakbo kong tinungo ang daan papunta sa nasabing room sa bulletin board.

Hindi na talaga ako magpupuyat dahil sa kdrama na iyan. Pahirap sa buhay!

​​​​May nakasalubong pa akong babae na sa tingin ko ay bagong teacher lang. Nilagpasan ko ito at patakbo pa rin na tinungo ang papuntang room.

Sorry Ma'am. Mamaya na kita babatiin promise... Nasaan na ba kasi ang room 107 na iyon?!

Hingal aso akong nakarating sa harapan ng room.

​Kaya pa ba self?

​​​​​Pinagtinginan agad ako pagkapasok ko ng room.

​Ngayon lang kayo nakakita ng Dyosa?

Umupo ako sa pinakadulo. Ilang minuto lang rin nang kasunod ko naman na pumasok, ay ang prof namin.

​Shit! Siya yung babae kanina. Tila yatang nagsisi akong hindi ko siya pinansin kanina. Muntik ko pa siyang mabunggo!

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pasimpleng yumuko "Dagdag points na sana". Bulong ko.

"Okay Class. I'm Ms. Valentine Fuentez. I'm going to be your Lecturer for this morning and your adviser also. So... Let's get started".

Nilibot nito ang tingin niya sa buong room, hanggang sa napirmi ang paningin niya sa akin.

​​​​​Sorry na Ma'am~

Inirapan niya ako bago tumalikod at nag sulat ng kung ano sa white board.

​Ay, ang taray. Mukhang ako ang pag-iinitan niya for today's class, opo.

​Tinatamad pa naman ako.​​​​ Kailan ka ba sinipag, Kia? Epal ng peste kong utak.

"Our topic for today, is Pharmacology". Aniya, sabay ayos ng salamin niya. Mukhang nerd at terror teacher.

Napatingin ako sa White board. Bakit gano'n? Bakit parang wala akong naintindihan sa sinulat niya? 

Dati ba siyang Doctor?

​Lesson Learned; Huwag magpupuyat kapag may pasok kinabukasan. Nakakabobo.

"In Pharmacology, we can learn the different kinds of drugs and medicines, and what of that elements can affects our bodies". Paliwanag niya habang naglalakad-lakad sa room.

Bumalik siya sa table niya ulit at...

"Now"! Pabalibag niyang hinampas ang table dahilan para mapaiktad ako ng konti. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

Tinakasan yata ako ng puso ko.

Inayos niya muna ang mga papel niya sa ibabaw ng teacher's table. Tinignan niya kaming lahat at napahinto sa'kin ang tingin niya... Ulit.

Sabi na at ako ang pag-iinitan niya for today's class eh.

"What is Phsychopharmacology, and what is the definition of our topic"? Napatingin naman ako sa kaniya. Napataas ang kilay ko at gano'n din siya sa akin.

Labanan tayo ng kilay?

Ayos ito ha. Wala pang turo-turo, nagtatanong na agad?

Ang malas ko yata ngayong araw na ito. "Please, stand up". Sabay ngiti niya.

Putulin ko kaya 'yang ngiti mo?

Umubo muna ako para mapakalma ang sarili ko bago tumayo.

"Psychopharmacology, is the scientific study of the effects of drugs have on mood, sensation, thinking and behavior. It is distinguished from neuropsychopharmacology, which emphasizes the correlation between drug-induced changes in the functioning of cells in the nervous system, changes in consciousness, and behavior". Nakangiti kong sagot.

Ano ka ngayon? Trip mo ako ah! Oha, oha!

Nakita ko naman na parang na-amazed siya. Akala niya ah.

Buti nalang kahit papaano may alam naman ako sa topic namin ngayon kahit na nalulutang pa rin ang utak ko. Buti na lang din naituro sa akin ni Aaron ito, at nabasa ko sa librong ibinigay sa akin ng Nanay ko.

"Okay. Thank you Ms. Lunox. I thought your not with us. You can take your seat". Masungit niyang sabi, sabay talikod at sulat sa white board.

Inirapan ko na lang siya at naupo na rin ako. Akala ko bago pa lang siyang teacher rito, pero mukhang alam na niya ang lahat ng pangalan namin.

Kaya pala wala nang introduce yourselves.

Daldal lang siya ng daldal sa harapan, samantalang ako, ito. Namumulubi. Literal na napasabunot na lang ako sa buhok ko habang deretso pa rin ang tingin ko.

Mabilis lumipas ang oras, at narinig ko na ang bell. Hudyat na lunch break na.

Finally! Akala ko hindi na matatapos ang subjects niya.

Inayos ko na agad ang mga gamit ko atsyaka nagmadaling lumabas.

Grabe, gutom na gutom na ako.

Dumeretso ako sa canteen para bumili ng pagkain. Isang lemoned ice tea lang ang in-order ko atsyaka adobo with rice. Burger atsyaka fries. Hindi pa ako masyadong gutom niyan.

Pagkatapos kong makapag-order, pumunta na agad ako sa playground. Kahit naman noong nakaraang taon, dito rin ako tumatambay pag break time na.

Ayoko kasi sa canteen. Masyadong mainit dahil maraming estudyanteng doon kumakain, at higit sa lahat, marami akong nakikitang mag jowa. Wala ako sa mood makipag-plastikan sa kanila.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako ng room. Binilisan ko na ang paglalakad ko kasi saktong nag ring na ang bell. Mahirap nang ma-late. Baka makarating na naman kila Mom, at mapag-initan na naman ako ng magiging susunod na teacher.

Bakit parang ang bilis ng oras?

Pero bago pa ako umabot sa may pintuan ng room, may nakabanggaan akong lalaki.

"Sorry. Hindi ko sinasadya". Paumanhin ko habang pinupulot ang mga gamit na nahulog niya sa sahig ng hallway. 

Hallway muna ang daraanan bago mo marating kung nasaan ang hagdan, paakyat naman sa room namin. Ng 4th year students.

Pagkabigay ko ng mga iyon sa kaniya, ay deretsong umalis na siya. Hindi ko na sana siya papansinin kaso nakita ko yung notebook niya.

"Hoy! Teka! Notebook mo"! Pasigaw kong tawag sa kaniya. Lumingon at lumapit naman ito sa akin. Pagkakuha niya ng notebook, ay tinignan niya lang ako sabay talikod na.

Bastos 'to ha!

"Thank you ah"! Sarcastic kong sabi.

"Your Welcome". Sabay taas ng kanang kamay niya habang nasa bulsa ang kaliwang kamay niya.

Pinanindigan. Cute sana kaso... Dibali na nga.

Matalim ko itong sinundan ng tingin habang umiismid pa rin sa hangin. Kaysa makunsumi, tinuloy ko na lang ang balak kong pumasok sa room.

Nakakatamad.

Dahil nga first day pa lang, walang masyadong pinagawa sa amin. Papetiks-petiks pa lang. Hanggang sa tumunog na naman ang bell hudyat na uwian na.

Inayos ko na ang mga gamit ko, para dumeretso na ng uwi sa bahay.

Pagkarating ko ng bahay, nakita ko si Aaron na nakatayo sa may gate namin.

"Masyado ka naman yatang excited na ilibre ako". Biro ko rito pagkalapit ko sa kaniya.

"Bilisan mong mag bihis. Mag g-grocery pa tayo".

"Umm".

Dumeretso ako sa kwarto ko at nag bihis ng pang-alis. Isang fitted jeans at malaking black T-shirt na lang ang isinuot ko.

"Alis na po kami Yaya. May ipapasabay po kayo"?

"Wala na iho. Umuwi kayo agad at mahirap abutin ng gabi sa daan. Ingat kayo".

"Opo Yaya. Thank you po".

Humalik na muna kami ni Aaron sa pisngi ni Yaya bago tuluyang lumabas ng bahay at dumeretso sa kotse niya.

"Saan gusto mong kumain"? Tanong ni Aaron pagkapasok namin ng mall.

"Kahit saan. Basta mabubusog ako".

Lumayas na yata ang masamang Esperitu kaninang umaga.

Dumeretso kami sa Bonchon. Si Aaron na ang nag prisintang o-order, kaya nag hanap na ako ng mau-upuan namin.

"Kapagod". Reklamo ng kau-upo lang na Aaron.

"Umano ka ba"?

"Busy ako sa buhay. Hindi katulad mo". Sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan niya lang. "Wala naman siguro kayong pasok kapag Saturday, ano"?

"Umm".

"May ipapakilala ako sa iyo bukas."

-TO BE CONTINUED-

[A/N: I explained and I will continue to explain in future chapters every details of the character's actions, so that the readers can imagine each scenes properly or better].

-Laymedown_07 💚

(Yaya as Kim Heo Sook)

(Aaron)


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

123K 6K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
31.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
43.3K 3.2K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...