The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 168K 79.8K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 3 : And then there was him
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 5 : Play my game
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 13 : Bloodshot eyes
Chapter 14 : Pointing fingers
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 30 : She who cried murder
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 33 : Haywire
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 1 : The Crimson Ripper

259K 7K 4.3K
By Serialsleeper

1.

The Crimson Ripper

Tammy’s Point of View

The last days of Summer in Crimson Lake.

 Ugh. It’s a bummer how fast the world rotates. Parang kamakailan lang kanya-kanya kami ng pagpa-plano sa magiging two-month freedom namin tapos ngayon, ilang araw nalang back to school na naman. Kainis!

I’m a grade conscious person, yung tipong mas gugustuhin kong magkulong sa kuwarto at mag-aral para makakuha ng matataas na grades but I must admit, I really hate school.  Well, hindi naman talaga ang school ang hate ko kundi ang buong lungsod. I mean come on! Who the hell even named this city Crimson Lake?! Pwede namang Crimson City diba? Mas cool pang pakinggan ‘yon para sakin.

Crimson Lake, ang lungsod na napapalibutan ng kagubatan at may iisang mall lang. Walang exciting na mga nangyayari dito. Ni wala ngang krimen na nangyayari dito, not that I’m praying for something bad to happen or anything but its just that… Parang napakalaking kalokohan ng lahat. Bullshit actually, plain and downright bullshit.

 Totoo nga talaga yung kasabihang, perfection is boring.

This town is perfect… too perfect.

It even gained an award for being the most crime-free city dito sa Pilipinas.

But Crime-free city?

That seems faker than Milky’s boobs.

Come on! May city ba talagang walang ka-krimen krimen?

Last month may nabalitaan akong highschool student na nawawala. Sabi nila naglayas lang daw pero I know who that girl was. Nagvo-volunteer siya sa orphanage gaya ko, minsan nagkakausap kami. Kung tutuusin, para narin kaming magkaibigan kaya malakas ang kutob kong hindi siya naglayas. Nakakalungkot lang kasi parang ako lang ang nag-iisip ng foul play sa pagkawala niya.

See this is why I don’t like this place. They only believe in the good things in life. Masyado silang positive mag-isip kaya nagiging tanga sila. Close minded kumabaga.

Pero sa totoo lang, mula nang lumipat kami dito, pakiramdam ko may itinatago ang lahat. Yung mga matatanda dito, kabilang na ang mga teachers, pakiramdam ko talaga sa likod ng mga ngiti nila, may itinatago silang mga sikreto.

Biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko kaya nagbalik ang isipan ko sa reyalidad.

9pm na pala at bilang camp counselor, isa ako sa mga nakatokang masiguradong nasa mga cabin na ang mga bata at natutulog na.

“Tamara Consulacion, a penny for your thoughts?” Umupo siya sa harapan ko at inabot sa akin ang isang tetra pack ng chocolate drink na paborito ko. He really knows how to make me smile and love him even more.

“Nothing new, I’m still hating Crimson Lake. Alam mo naman, Haters gonna hate.” Pabiro kong sambit at bahagyang tumawa.

 “So nagsisisi kang lumipat kayo dito two years ago?” Kunot noo niyang tanong, “Naku, ibig sabihin okay lang sayong hindi tayo nagkakilala?” Aniya habang naka-pout at bahagyang iniyuko ang ulo niya sa wooden table. Nagpapa-cute na naman siya, infareness effective.

Actually, if theres something good about this place, its my friends. Sa kabila ng lahat, thankful parin ako at lumipat kami ng family ko dito kasi nakilala ko ang mga kaibigan ko at lalo na ang boyfriend kong si Calix.

“Calix, calix, calix… When mo ba mare-realize na me and only me ang iyong one and only  destiny?”

Hindi ko maiwasang matawa nang makita ko ang biglang pamumuo ng magkahalong gulat at inis sa mukha ni Calix nang umupo sa tabi niya si Milky. As usual, kapit-tuko na naman si Milky sa braso ng nagpupumiglas na si Calix.

“Tammy pagsabihan mo nga to! Masasapak ko na ‘to!” Natatarantang sambit ni Calix kaya natawa na lamang ako. Okay lang sa aking landiin siya ni Milky, after all, alam ko namang ayaw ni Calix ng talong.

“Ano Calix? Bugbugin na ba natin?” Bigla namang dumating at tumabi sa akin si Tyler, ang kababata ni Calix. Magkasundong-magkasundo ang dalawa kasi kapwa madaming kalokohan sa buhay.

“Omg omg omg! Three way! I lurv it!” Biglang sigaw ni Milky habang pumapalakpak pa kaya agad kong naibuga ang iniinom ko dahil sa sobrang pagtawa. Kahit na anong sabihin ni Milky, natatawa talaga ako. Iba talaga kapag nakatatak na sa isipan mo na isang joker ang kaibigan mo.

“Nga pala, malapit na pala ang foundation day ng Crimson Lake. May plano ako at kailangan ko ang tulong niyo.” Biglang anunsyo ni Tyler matapos bigyan ng mapagbantang tingin si Milky na ngayo’y nakangiwi na lamang.

“Since when are you interested in planning stuffs like that Ty?” Hindi ko maiwasang magtaka sa ipinapakitang interest ni Tyler. Tyler and I are not close but dahil sa bestfriend niya ang boyfriend ko at bestfriend ko naman ang girlfriend niya, kahit papaano, alam ko na ang ugali niya. He’s arrogant and downright mischievous. Kung ano-anong kalokohan ang naiisip, minsan nadadamay pa si Calix ko.

“Since I learned about the Crimson Ripper! Alam niyo bang 13 years ago eh may serial killer pala dito—“

“Tyler kalokohan lang ‘yan. ‘Wag kang magpapaniwala.” Sabat ni Calix na parang walang interes na makinig kaya agad na napangiwi si Tyler.

Teka Serial Killer? Wow! I knew it! Sinasabi ko na nga bang may tinatago ang lugar nato! Now this place just got interesting.

“Kalokohan?  Dude! Lolo mo kaya ang sumulat sa newspaper article na nabasa ko tungkol sa lalaking nakasuot ng pulang raincoat!” Giit ni Tyler kaya agad nakunot ang noo ni Calix at napatingin sakin.

“Tammy its 9pm, kailangan na nating papuntahin ang mga bata sa cabins nila para matulog. 11 ang alis natin.” Paalala ni Calix kaya hindi ko maiwasang mapatayo sa gulat. Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan!

****

“Before you panic, we already got things under my control.” Salubong sakin ng besfriend kong si Quinn na abala pa sa paglalagay ng kulay pink na nail polish sa kuko niya nang makarating kami sa kinaroroonan ng bonfire kung saan naglalagi ang mga bata.

Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis.

Under control? Is this what you call under control?! Yung mga bata naghahabulan at naghaharutan pa. Yung iba nga nag-aaway at may halos nagsusuntukan na. This camp is actually owned by Milky’s rich parents. We decided to work here as camp counselors  this summer para may extra money kami since no classes = no baon, but unfortunately, ako lang yata ang taong may sense of responsibility dito.

“Okay kids listen up!” Anunsyo ko para makuha ang atensyon nila sabay palakpak kaso wa epek, magulo parin sila.

“I got this babe.” Isinuot sa akin ni Calix ang jacket niya at ngumiti.

“Mga batang panget makinig kayo! Sa pagbilang ko ng tatlo kailangan nakapila na kayong lahat ng maayos at tahimik kung ayaw niyong lagyan ko ng ipis ang mga pagkain niyo!” Biglang sigaw ni Calix na ubod ng lakas kaya sa isang iglap biglang natahimik ang buong paligid.

Sa isang iglap, ang mga batang kanina ay nagkakagulo, bigla nang nakapila ng maayos at alphabetical order pa! Sa totoo lang hindi lang ang mga bata ang nasindak kay Calix, pati rin kami ni Quinn at iba pang nandiritong camp counselors. Nakakatakot na nga ang boses ni Calix, nanlilisik pa ang mga mata niya. Nakakatakot. Ni minsan hindi ko pa siya nakikitang ganito, karaniwan kasi siyang nakangiti at nanlalambing.

“Pumasok na kayo sa mga kuwarto—“ Hinawakan ko ang braso ni Calix kaya agad siyang natahimik. Thankful ako dahil tumutulong siya pero sa ginagawa niya kasi, parang mat-trauma ang mga bata. Mamaya magsumbong pa sa mga parents nila.

“Mga bata pumasok na kayo sa mga rooms niyo para matulog. Staying up late is bad for your health and growth. Ayaw niyo namang maging maliit gaya ni Ate Quinn diba?” Mahinahon kong pakiusap at hinaluan ko pa ng biro, nairapan tuloy ako ng bestfriend ko.

Sa tulong ni Calix at iba pang mga camp counselors, napapasok namin sa kani-kanilang designated cabins ang mga bata. Gaya ng sabi ko kanina, responsable akong tao, pero ayoko namang ma left-out sa mga kaibigan ko. Magkakaroon ng party ngayon at tatakas kaming mga camp counselors para umattend.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay masigurong hindi aalis ang mga bata at mags-stay lang sila sa cabins nila hanggang sa makabalik kami. Ayokong i-lock ang cabins nila, mamaya magka-emergency pa at di sila makalabas. Kailangan kong makaisip ng paraan para ‘wag silang tumakas sa kalaliman ng gabi. Think tammy, think…

“Kids ‘wag na ‘wag kayong lalabas sa mga cabins niyo ha?” Bilin ko sa kanila habang isa-isa kong sinisiguradong nakasara ang mga bintana. They are 8 year old kids, mga pilyo at pilya. Minsan nga may tumatakas na campers kahit may bantay, ano pa kaya kung wala?

Biglang bumukas ang pinto, sina Calix pala at ang iba pang mga kaibigan namin, sinesenyasan na nila akong lumabas para umalis. Kaso paano ako makakalis? Kailangan ko ng assurance na di sila lalabas? Si Calix kaya ang pagsalitain ko? Naku baka mademanda kami ng mga parents.

Ay tama!

“Kids you have to promise me, hinding-hindi kayo lalabas ng cabins niyo okay?” Muli kong pakiusap.

“Bakit po ate Tammy?” Tanong ng isa sa kanila kaya napabuntong-hinanga ako at tinanggal ang ngiti sa mukha ko. Muli akong napatingin sa pinto kung saan nakasilip ang mga kaibigan ko. Kung sila kaya nilang ipadlock ang kuwartong kinaroroonan ng mga batang binabantayan nila, ako hindi. I’d rather lie…

“Kids, may bad person na gumagala dito. Nakasuot siya ng pulang raincoat…” Naisipan kong gamitin ang kwento ni Tyler kanina kaso ang problema di niya ito tinapos, kailangan ko pa atang mag-improvise, “Parati niyang dala ang isang mahabang kadena, sabi nila ginagamit niya daw ito sa mga bibiktimahin niya.” Natigil ako sa pagku-kwento upang pagmasdan ang mukha ng mga batang ngayo’y takot na takot na.

“Ate ano pang nangyari?!” Natatakot man parang gusto pa ng mga batang makinig sa kwento. Kaparehong-kapareho talaga sila ng kapatid kong si Dustin na kahit natatakot na sa horror movies, gusto paring manood. Napalingon din ako sa sa mga kaibigan kong nasa pinto, parang gusto rin yata nilang makinig sa kuwento ko. Dapat pala kanina kami nagkwentuhan sa campfire.

I cleared my throat before continuing my story, “Madami siyang pinatay. Minsan gumagamit siya ng kutsilyo, minsan tinatanggalan niya ng mga mata ang mga biktima niya.” Isa-isa ko silang tiningnan at mas binaba ko pa ang boses ko upang mas lalo silang matakot.

“Liar! Ate tinatakot mo lang kami!” Giit ng isa sa mga bata kaya napakamot na lamang ako ng ulo. Malas, may nakahalata pa.

“Hindi ah!” Giit ko habang pinipigilan ang sarili kong matawa. “Yung isang kakilala ko, nawawala siya. Akala ng lahat, naglayas siya pero ang totoo, dinukot siya ng taong naka raincoat. Secret lang natin to ha? Alam niyo ba, nasa school ako noon.” Muli, isa-isa kong tiningnan ang mga bata. Tahimik lamang silang lahat at kitang-kita ko ang takot sa mga mukha nila. Sa totoo lang maging ako, kinikilabutan narin sa kinikwento ko pero nage-enjoy talaga ako.

“Tammy magpatuloy ka sa kwento!” Nagulat ako nang bigla na lamang sumigaw si Quinn. Tuluyan na pala silang pumasok ng iba pa para makinig sa kwento. Nakakatuwa.  Pero teka, alam naman siguro nilang nagsisinungaling ako diba?

“7pm, mag-isa ako sa classroom at naghihintay na humupa ang ulan. Narinig akong may sumigaw kaya sumilip ako sa parking lot at kitang kita ko siya… Kitang-kita ko sila… Gumagapang ang babae palayo mula sa taong nakasuot ng pulang raincoat. Sigaw ng sigaw ang babae pero walang awa siyang sinakal ng killer gamit ang kadena. Hindi nakuntento ang killer, kahit hindi na humihinga ang babae, pinagsasaksak niya ito at dinukot pa ang puso—“ Natigil ako sa pagk-kwento nang pasimpleng hinawakan ni Calix ang braso ko.

“Tama na Tammy, may naiiyak na.” Bulong sakin ni Calix kaya isa-isa kong tiningnan ang mga bata. Wala namang umiiyak ah? Lilingunin ko sana si Calix nang may ibinulong ulit siya sa tenga ko, “Si Joy.”

Hindi naman masyadong nakakatakot ang kwento ko ah?

Ay bahala na, tatapusin ko nalang to para makaalis na kami.

“Kids may paraan para huwag kayong mabiktima ng taong nakasuot ng pulang raincoat. Una, oras na may marinig kayong kadenang kumakalansing, magtago na kayo kasi ibig sabihin niyan, nasa malapit lang siya at naghahanap ng bibiktimahin. Pangalawa, matulog kayo kasi oras na tulog kayo, hindi niya kayo bibiktimahin. At ‘wag na wag kayong lalabas ng kuwarto o ng bahay niyo—Wag kayong lalabas dito sa cabin. Mas ligtas kayo mula sa kanya at hinding-hindi niya kayo malalapitan.”

Sa isang iglap, nakita kong kanya-kanya na ng puwesto ang mga bata sa mga kama nila, lahat sila pilit na ipinipikit ang mga nila para lang makatulog, or atleast magmukhang tulog.

My work here is done. Tamara Consulacion, You are awesome!

“Wow, you really should direct horror movies.” Manghang sambit ni Quinn nang makalabas kami sa cabin ng mga batang ngayoy tulog na talaga.

“Pero Tammybells! Joke lang naman ‘yon diba?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Milky. Speaking of mangiyak-ngiyak kailangan kong kausapin si Joy. Kitang-kita ko kasi ang takot sa mukha niya kanina.

“Joy,” Pabiro kong sinundot ang bewang niya nang lapitan ko siya. Kanina pa siya tahimik habang naglalakad kami patungo sa van. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako. Parang may gusto siyang sabihin sakin kaso ayaw niyang marinig ng iba.

“Joy may problema ba?” Tanong ko nang kami nalang dalawa ang nakatayo malapit sa street light. Tahimik ang paligid at napakakas pa ng ihip ng hangin, sa totoo lang kung hindi kami madami, malamang natakot na ako sa lugar nato. Nakatayo kasi sa gitna ng kakahuyan ang mga camp site.

“Tammy hindi naman totoo ‘yung kinwento mo sa mga bata diba?” Aniya na para bang natatakot at maluha-luha pa ang mga mata. Gusto kong matawa kasi napaka-gullible niya pero hindi ko parin maiwasang maawa sa kanya.

“Siyempre hinde. Naghanap lang ako ng paraan para ‘wag nang lumabas ang mga bata. ‘Wag kang matakot, hindi ‘yon totoo.” Giit ko at nginitian na lamang siya.

“Tammy hindi ko maiwasang matakot, kanina may nag-iwan nito sa locker ko.” Nagtaka ako nang inilabas ni Joy ang isang nakatuping papel mula sa bulsa ng suot niyang kulay itim na jacket. Iniabot niya ito sa akin at nagulat ako sa nakita nang buklatin ko ito.

"Sinong loko ang gumawa nito?" Hindi ko maiwasang mainis nang makita ko ang litrato ni Joy sa papel at sa ibabaw nito ay nakasulat ang mga katagang;

HAVE YOU SEEN HER?

Missing since : September 14, 2014

"Tammy, September 13 ngayon. September 14 na bukas!" Giit ni Joy na para bang kinakabahan kaya agad kong pinunit ang papel at itinapon ito.

"Look Joy, its probably just some sick prank. Dont worry okay? Magtatanong-tanong ako kung may nakita silang nag-lagay nito sa locker mo." Paniniguro ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya kaso parang baliwala kasi mukha parin siyang nag-aalala.

“Pero tammy, paano kung totoo yung hinala mong hindi naglayas yung babaeng nawawala?” Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako at napakamot sa kaliwa kong kilay.

This is all my fault.

Me and my big mouth…

“Joy I assure you, everything will be okay.” Giit ko.

- - - 

End of chapter one.

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
12.5K 1.1K 20
Do you know what is the hardest thing in this world? TO LIVE IN IT. Life is full of struggles that no one can escape. How can we? That's the question...
Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...