The Badass Babysitter Vol.2 ✓

By Nayakhicoshi

1.1M 51.5K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... More

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 21: Bruises

15.6K 779 1K
By Nayakhicoshi

I'm very sorry for the late update. Hindi po ako nakapag-update kahapon dahil sobra ko pong naging busy. Ngayon lang may time kaya sana maintindihan niyo. Anyways, enjoy this long update. Pambawi sa paghihintay niyo 😊❤

KEEP SMILING!

CHAPTER TWENTY ONE

SOUTHERN's POV

"South, wala kaming feeding program ngayon."

"May limang piso ka namang baon e."

Mula sa salamin ay nakita kong ngumuso ito. Nilalayan ko ng towel ang likod nito dahil siguradong magpapawis na naman siya pagdating niya sa school nila. Isaiah is very carefree. Lahat ng mga bata sa paaralan nito ay kinakalaro kaya kapag umuuwi na siya ay pagod na ito at sobrang basa na ang damit dahil sa pawis. I always told him to bring extra shirt para may pamalit siya kapag pawis na siya.

"South, pwede bang mag-upgrade ang baon ko? Fishball lang nabibili ko sa limang piso e."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sige. Anim na piso na ang baon mo ngayon."

Kaagad nagningning ang mga mata niya sa tuwa. "Talaga? Yiiiee! Six pesos na ang baon ko! Mayaman na ako!"

I just tsked and finish what am I doing. "H'wag kang basta-basta lalabas kapag uwian niyo na. Hintayin mo si Noah sa school niyo. H'wag kang sasama kahit na sino" bilin ko sakanya.

Tumango ito. "Aye aye Captain!"

Sinuot na nito ang bagpack na Dora at lumabas ng kwarto ko. He's always sleeping in my room. Bihira na nga itong pumunta sa sarili niyang kwarto e. Nasanay na rin ako sakanya. Minsan pa nga ay naiingit ang mga kapatid niya sakanya kaya sa minsan ay dito rin sila natutulog sa kwarto ko. Of course, I won't sleep with them. Hihintayin ko lang silang makatulog saka ako lilipat sa sala at sa sofa matutulog. I'm getting used of that routine every night.

I sighed and fix my bed. Isa sa natutunan ko habang naninirahan ako rito ay kailangang panatilihing maayos ang kwarto. Ngayon ko lang napagtanto iyon. Ang pangit pala kapag magulo ang kwarto mo kaya t'wing umaga ay inaayos ko lahat ng pwedeng ayusin.

I was folding my sheet when someone knocked at my door. Nilingon ko iyon at nakitang sumilip si Peter.

"Timog, papasok na kami sa school! Sasabay ka ba sa amin?" tanong niya.

Umiling ako. "May motor ako."

Ngumuso ito. "Pwedeng sumabay ka nalang sa amin?"

Umiling muli ako. Kahit naman pitong buwan ko na silang kasama sa iisang bahay at may iilan na rin na nakakaalam na magkakasama kami sa iisang bahay ay kailangan ko paring panatilihing tahimik ang buhay ko sa school kahit papaano. As long as I want to go to school with them, kailangan ko paring mag-ingat. Atsaka baka magtampo si Sakuragi kapag sumakay ako sa ibang sasakyan.

"Mauna na kayo."

"Okay!" Sinara muli nito ang pinto at narinig ko ang yapak nitong pababa ng hagdan.

Nang matapos ako sa pag-aayos sa kwarto ko ay saka ako tumingin sa orasan. Kinse minutos nalang mag-a-alas otso na. Kinuha ko na ang bagpack ko at mabilis na tinignan ang sarili sa salamin. Kanina pa ako nakabihis, hinihintay ko lang na maka-alis ang mga  Crane bago ako lumabas ng bahay.

Pagkababa ko sa hagdan ay kaagad bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Ang payapa talaga ng bahay kapag wala na ang mga tokmol. I smirked and went out of the house. Matapos kong maisarado at ma-i-lock ang pinto ay kaagad akong dumiretso sa likod ng bahay na kung saan naghihintay doon ang motor ko.

Nilabas ko sa bulsa ang susi at sinalo-salo iyon habang naglalakad. Pagkarating ko sa likod ng bahay ay kaagad akong natigilan nang makita ang taong nakasandal sa motor ko. My brows frown.

What is he doing here?

"Bakit nandito ka pa? Umalis na ang mga kapatid mo" I said and walk towards him.

Umayos siya ng tayo at tumitig sa akin. Bahagya akong nailang kaya nag-iwas ako ng tingin.

"I want to go to school with you" saad niya.

I sighed and look at him. Nilabanan ko ang marubdob nitong tingin.

"Genesis, akala ko ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito?"

Kaagad gumuhit ang naiinis na pagkunot ng noo niya. He looked at me with disappointment.

"What's wrong going to school with my Girlfriend? Kinahihiya mo ba ako?" tanong niya, pain visible on his voice.

I bit my lower lip and stare at him. Kumikirot ang dibdib ko sa naririnig na pagkadismaya sa boses niya.

Muli akong bumuntong hininga at naglakad pa papalapit sakanya. Kinuha ko ang helmet na nakasabit sa motor ko at inabot iyon sakanya.

"Wear this."

Mas lalo niya akong tinitigan. "How about you?" nag-aalalang tanong nito.

I smiled and patted his left cheek. I'm so in love with this man. Mabuti nga bumalik na ito sa tamang sarili niya. Pagkaalis kasi namin sa Mansyon kahapon ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa akin. He immediately slept on his room when we reached our house. Nang magising ito ay kaagad na niya akong hinanap at mula doon ay naging maayos na siya sa akin. Hindi ko na kinailangan lambingin pa dahil tinamaan lang naman siya ng pagiging tokmol niya.

"I can take care of myself" sabi ko pero mukhang hindi niya nagustuhan iyon. Hindi niya tinanggap ang helmet na inaabot ko.

"No. Wear that. It's fine with me without a protection, as long as you're safe, I'm fine" matigas na aniya.

Kiniliti ang puso ko sa narinig. Hindi ko maitago ang pag-ngiti ko kaya napayuko nalang ako. I swear, I could feel my cheeks reddened.

Bwisit kasi, ang aga-aga nagpapakilig kaagad siya.

"Genesis, as long as I'm melting with your words, I care more about your safety. Kaya ikaw ang mag suot nito. Sanay akong magmanehong walang helmet. Dinala-dala ko lang naman 'yan kapag may LTO e. Ayokong mahuli" sabi ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang mas lalong pagkabusangot ng mukha niya.

"What? So, you're not really wearing a protection when you drive? What the hell, Southern? What if something bad happened to you?" lumakas ang tono nito, halata ang inis at galit sa boses niya.

"Wala namang mangyayaring masama sa akin e. I'm a pro" dahilan ko. Damn, bakit ba kasi binanggit ko pa iyon sakanya? Ayan tuloy, nagalit na naman.

"Yeah right, as if you can predict the accident. Ang disgrasya ay disgrasya, Southern. Walang pinipiling tao ang aksidente. Even if you're a pro, you'll still hit an accident!"

"Genesis, you want to know a fact?"

"What?" inis nitong tanong. Mukhang hindi pa siya tapos sa panenermon sa akin.

"I'm the Catastrophe of my own. I make accident. Accident avoid me."

He blinked his eyes while staring at me, it seems like he just heard me dropped a joke but it's not funny.

"This is not the right time for you to say your legendary lines, Southern. I'm serious" seryoso at mariing sabi nito.

Ngumuso ako. Edi siya na ang seryoso!

"Tss, oo na! Ako na ang mag-susuot!" I give up. "Teka, nakasakay ka na ba sa motor noon?" Biglang tanong ko.

He immediately avoided my eyes. Namula ang tenga at leeg nito. Naningkit ang mga mata ko nang mapayuko ito. I smirked and put my helmet on his head. Sinuot ko iyon sakanya kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"South---"

"Ssshh...This will be your first time, Genesis. I'm a reckless driver but I'll be gentle with you" kinindatan ko ito at kahit nakasuot siya ng helmet ay sigurado akong namula siya. "Your safety is all that matters. I don't want to hurt you at your first time" nakangising dagdag ko.

"H-how about you?"

I patted the top of his helmet. "I'll be fine."

"No--" Akmang tatanggalin na sana nito ang helmet pero kaagad ko siyang pinanlakihan ng mga mata.

"Sige, tanggalin mo 'yan nang iwan kita rito" banta ko.

"Tss."

Napangisi ako lalo nang makita na mas lalo siyang na-inis. I tiptoed to kiss the top of his helmet. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko.

"Trust me, Bebe ko. We'll be safe" I said and look at his widening eyes. Natawa ako. "Let's go?"

Guni-guni ko lang ba na nakita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata niya o talagang nangangamba ito?

Sumampa na ako sa motor ko. Tumingin ako sakanya at nakita ang pag-alanganin sa mga mga mata niya. Since the cover of my helmet is transparent, kitang-kita ko ang bawat emotion sa mga mata niya.

"Sakay na."

Umangkas ito sa likod ko. He held my shoulders at ramdam ko ang distansya niya sa likod ko. Nangunot ang noo ko. Daig pa niya ang babaeng natatakot dumikit sa akin.

"Hindi riyan, Genesis. Mamamatay ka kapag diyan ka kumapit, dito dapat." Kinuha ko ang kamay niya sa balikat ko at hinila siya para makayakap sa likod ko. I placed his arms on my waist.

Ramdam ko ang kuryenteng bumalot sa katawan ko nang malapat ang mga palad niya sa tiyan ko. He stilled and froze on my back. Hindi ko tiyak kong kaninong lakas ng tibok ng dibdib ang nararamdaman ko, kung kay Genesis ba o sa akin.

"Bebe ko...."

"Relax, okay? You'll be safe..." I said when I felt his discomfort and uneasiness. I could tell he's nervous too.

"Don't make it fast, okay?" Nanginig ang boses niya kaya natawa ako. He cursed softly making me laughed more. "This is so embarrassing."

"Hahaha! Okay lang 'yan, mahal parin naman kita."

He took a deep breath and after a while, I felt he started to relax. Hinaplos ko ang mga braso nitong nakapulot sa bewang ko.

"I love you too."

Napangiti ako at binuhay na ang makina. "Here we go!"

Pinaandar ko ang motor at ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Mahina ang takbo nito dahil kinakalma ko pa si Genesis. Nagsimula na naman kasi itong maging tensyonado. Nang makalabas na kami sa Village ay saka ko lang pinabilis ang takbo, making him almost jump on his seat.

"Fvck! Witch, slow down!" sigaw niya. Halos mapisa na rin ako sa higpit ng yakap niya.

Naalala ko noong sinakay ko rin si Isaiah dito, he almost killed me by suffocation. Tangna, magkapatid nga sila, papatayin ata nila ako sa higpit ng kapit nila.

When we reached the highway, I increased more my speed. Maraming sasakyan at medyo traffic kaya nakikipag siksikan kami sa mga sasakyan. Halos marindi na rin ako sa kakamura ni Genesis. He's telling me to slow down.

"Relax! Enjoy your ride, Genesis!" sigaw ko nang makalabas kami mula sa maliit na espasyo sa gitna ng isang Van at truck.

"Damn! You're going to kill us!" sigaw niya matapos nitong makahinga ng maluwag.

I chuckled. "I won't let you die, don't worry."

Binilisan ko pa ang takbo ng motor nang makitang malapit nang magpula ang stoplight. Genesis gripped my waist very tightly, hindi ko muna iyon inintindi, ang mahalaga ay ang makalagpas kami sa stoplight.

"Fvck! Slow down!"

3 seconds. 2....1.

"Fvck!"

Labis ang tuwa ko nang makalagpas kami sa stoplight bago pa magpula ang ilaw nito. As for Genesis, he can't stop cussing. Mabuti nalang lenggwahe ko rin ang pagmumura dahil baka kanina pa ako narindi sakanya.

Humina lang ang takbo ng motor  ko nang makapasok na kami sa gate ng school. Diretso iyon sa parking lot kaya nang makita ko ang favorite parking area ko ay kaagad ko ng hininto ang sasakyan.

Genesis hastily went down and removed his helmet. Kakapatay ko palang ng makina ng sasakyan nang masama niya akong tinignan.

"What the hell, Southern? Do you really want to die? You almost killed us there! I told you to slow down!" galit nitong sigaw.

I looked around and saw that no one is here. Mukhang time na rin dahil wala na akong nakikitang mga studyante. Late na kami.

"Dammit! You're not listening to me! You keep on increasing your speed even if I told you to slow down!"

I sighed and faced him. Nangi-ngiti akong tinitigan ang galit niyang mukha.

"Genesis, you're overreacting. Kailangan ko naman talagang bilisan ang takbo dahil maabutan tayo ng stoplight. Mas lalo tayong ma-le-late" I reasoned out.

Pero mukhang mas lalo niya lang iyon kinagalit. He clenched his jaw and gritted his teeth. He looked at me with those piercing eyes.

"Mas importante pa iyon kesa sa buhay natin? Mabuti sana kung may suot ka ring helmet! You put our life in danger, Southern!"

I shook my head. "I put my life in danger but you? I won't let that happen."

"But you just did!"

Nag-angat ako ng tingin sakanya. Nandoon parin ang nanggigigil niyang tingin sa akin.

"I told you to trust me."

Nagtagis ang bagang nito at binigay ang helmet sa akin. Tinanggap ko iyon pero nanatili parin ang tingin ko sakanya.

"I trust you, but not on things like this. You're so reckless."

Kumirot ang dibdib ko pero kaagad kong winakli ang pakiramdam na iyon.

Sinalubong ko ang nagbabaga sa galit nitong mga mata. Kung ibang tao lang siguro ako, baka kanina pa niya ako nasapak sa sobrang galit niya.

"This is me, Genesis. I just showed you the other side of me."

He shook his head and with a blank emotion, he looked at me again.

"I don't like this side of you" malamig nitong sabi bago ako tinalikuran at nauna nang pumasok sa loob ng school.

Naiwan akong medyo natulala sakanya. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako napakurap-kurap at bumaba sa motor ko. Sa sobrang lutang ko hindi ko na namalayan na nakaangkas pa pala ako kay Sakuragi.

I bit my lower lip. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang nangyari kay Genesis. Am I really that bad? Kung alam ko lang na magagalit siya sa uri ng pagpapatakbo ko ng motor ay sana binagalan ko lang, iyong tipong tanghali na kami makakarating sa school dahil sa sobrang pag-iingat ko sa pagmamaneho. Kung alam ko lang edi sana hindi siya nagagalit ngayon.

Hays! Galit na naman siya. Okay na nga kami e, heto na naman.

Tinitigan ko ang motor ko at malungkot na sinabit ang helmet dito.

"Paano ba 'yan, Sakuragi? No more adventure na. Magmula ngayon, simplehan nalang natin ang takbo, okay ba 'yon sa'yo?" sabi ko. Mukha na akong tanga habang kinakausap ang motor ko.

I tsked and was about to follow Genesis when my phone rang. Kinuha ko ito sa bulsa at nakitang tumatawag si Vape. Kaagad ko iyong sinagot.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kaagad.

"Tss. I saw you in the highway. Sino iyong inangkas mo?" tanong niya.

I sighed. "Genesis."

"Ows? He's lucky."

"He's mad." Napatingin ako sa kotseng papasok sa parking lot. Mukhang naghahanap ito ng pagpaparking-an.

"Bakit? Natakot sa klase ng pagpapatakbo mo?" tanong niya.

Hindi ako umimik.

"You should warn him first" aniya.

"I told him to trust me" sabi ko. Napansin ko na papalapit ang kotse sa area ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala ng available parking area.

"I'll drop by your place later. I'll cook dinner for you" biglang pagbabago nito ng topic.

Kaagad akong napangiti. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

"Okay."

Binaba na nito ang tawag, sakto namang tumigil ang kotse sa harap ko. Bumaba ang bintana sa driver seat nito at dumungaw ang mala-pugad na ibong buhok.

"Hey, you!" sigaw ng lalaking naka shades.

Binigyan ko lang siya ng nababagot na tingin. Is he talking to me?

"You, dumbass!" sigaw niya ulit.

Dumbass? Who? Me? Tangina pala nito e.

Nang mukhang nainis siya ay tinanggal nito ang suot na shades at tumingin sa akin. Ilang sandali lang ay nanlaki ang mga mata niya at gulat na tinuro ako.

"You! You're the girl!" singhap niya.

Adik ata 'to. Maka-alis na nga, badtrip ako sa galit ni Genesis kanina kaya baka mabugbog ko lang ito sa inis.

Tumalikod na ako at naglakad papasok sa school.

"Hey! Wait! You! You're the girl!" I heard him shouted but I didn't dare to turn around to look at him.

May mas mahalaga akong kailangang pagtuunan ng pansin. Kailangan kong lambingin si Genesis para mawala na ang galit nito.

Kaagad kong binuksan ang pinto pagkarating ko sa classroom namin. All eyes on me. Ang pagsasalita ng Guro ay nabitin sa ere. Tumingin din sa akin.

Walang emotion akong pumasok sa loob at dumiretso sa upuan ko. Napatingin ako sa pwesto ni Genesis at nakitang malayo ang tingin niya. Ang mga kapatid naman niya ay masayang kumaway sa akin.

"Hi, South! Hehehe, parehas kayo ni Genesis na basta-basta nalang pumapasok!" sabi ni Psalm.

Hindi ko ito pinansin at naupo nalang sa upuan ko. Ramdam ko parin ang tingin nilang lahat sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Oh? Naka-upo na ang maganda. Tama na ang tingin" sabi ko dahilan para magsi-iwasan sila ng tingin. Maging ang Guro ay tumikhim at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Next time, I won't tolerate late students" pagpaparinig niya bago tinuloy ang pagdi-discuss sa lesson.

"South..."

Nilingon ko ang katabi ko.

"Bakit late kayo ni Genesis?" mahinang tanong ni Swiss.

"Ayoko ng tsismosa sa umaga" malamig kong sabi dahilan para mapanguso ito.

"Ang sungit mo naman," aniya at bigla muling ngumiti. "May dala akong Pancit. Kainin natin mamaya, ha?" masiglang aniya.

Tumango nalang ako para manahimik na siya. Tumingin ako sa pwesto ni Genesis. Nasa labas parin ng bintana ang tingin nito. Mukhang malalim ang iniisip niya.

Is he still mad at me?  Natakot ko ba talaga siya kanina? Hindi ko maiwasang ma-guilty.

I sighed and looked at the Teacher. Todo ang pagtuturo nito pero wala akong maintindihan kaya nang nagpa-short quiz siya ay wala akong naisagot. Tanging pangalan ko at petsa ngayon lang ang nakasulat sa ¼ na papel na hiningi ko kay Swiss.

"Miss Benedicto and Mr. Genesis Crane. Bakit walang sagot ang mga papel niyo?" tanong ng Teacher matapos makita ang papel namin.

"Wala akong alam e" sagot ko.

"I didn't understand your lesson" sagot naman ni Genesis.

"You won't understand it because you're not paying attention, Genesis!" singhal sakanya ng Teacher at sa akin naman siya tumingin. "At ikaw naman Ms. Benedicto, mukha namang nakikinig ka kanina."

Bagot akong sumandal sa likod ng upuan ko.

"Parang nakikinig lang pero iba ang iniisip" I said.

Dismayado itong napailing at bumuntong hininga. Ganoon ang nangyari sa mga sumunod naming klase. Palagi kaming nasisita at napupuna ni Genesis dahil sa pagiging lutang namin sa klase.

"Ms. Benedicto! Ano ang buong pangalan ng unang Pangulo ng Pilipinas?" tanong ng History Teacher namin.

"Gideon Alicante Benedicto" sagot ko.

"Mali! He's the current President of the Philippines. What I'm asking is, who is the first President of the Philippines?"

"Aba, malay ko? Ang Ama ko lang naman ang kilala kong Pangulo ng bansa" sagot ko. Wala akong alam sa mga ganyang bagay.

Nanggigigil niya akong tinignan pero hindi na nagkomento. Natakot siguro dahil anak nga ako ng Pangulo ngayon. Iba naman ang pinagtuunan niya ng pansin.

"Mr. Genesis Crane! Sino ang nakalaban ni Magellan?" tanong niya sa nananahimik na si Genesis.

Genesis glared at him. "Why would I know? Wala naman ako sa labanan nila kaya paano ko makikilala kung sinong nilalang ang tinutukoy mo?"

Natameme ang Guro at iba nalang ang tinanong.

Psh! I'm starting to hate history now. Bakit kailangan pang balikan ang nakaraan?

Natapos ang pang-umagang klase. I was about to approach Genesis but he immediately went out of the room. Hindi ko na ito nasundan pa dahil hinarangan na ako ni Swiss.

"South! Kainin na natin ang Pancit!" masayang aniya.

"Pancit? Penge!" Sumingit si Psalm sa aming dalawa.

Swiss blushed as she looked at Psalm. Todo naman ang pag-ngiti ng tokmol.

"Timog! Kain na tayo!" sabi ni Peter.

I shook my head. "Kayo nalang. May iba akong kasabay" I said and pulled Psalm on the side, saka ako humarap kay Swiss at sinenyasan na itong lumabas.

Sumulyap pa siya kay Psalm bago sumunod sa akin sa labas. Walang wala na ako sa mood ngayon. Gustuhin ko mang suyuin si Genesis kaso hindi ko na alam kung saang lupalop siya hahanapin.

"South, okay ka lang?" tanong ni Swiss pagkarating namin sa rooftop.

Tumingin ako sakanya. Ilang buwan na rin kaming magkasama pero hanggang ngayon ay wala paring nagbago sakanya. She still wearing her thick glasses na binili ko noon para sakanya. Medyo nakakatuwa lang na pinapahalagaan nito ang binigay ko.

"Amin na ang Pancit" hindi ko pinansin ang tanong niya.

Ngumuso ito at binigay ang isang Tupperware. Binuksan ko iyon at kaagad akong natakam nang maamoy ang mabango nitong amoy.

"Si Nanay ang nagluto niyan" nakangiting aniya.

"Mukha namang masarap" I commented. Binigyan niya ako ng tinidor, kaagad ko iyong kinuha at nagsimula nang kumain. Hindi pa man ako nakakalahati ay napansin ko na nakatitig lang siya sa akin kaya tinignan ko ito.

"Bakit?"

Ngumiti siya at umiling. "Wala lang. Naalala ko lang 'yung sinabi ni Nanay sa akin. Kamukha mo nga raw si Madame Annunciata" aniya dahilan kung bakit ako natigilan.

Bigla akong nawalan ng gana. Binaba ko ang tinidor at tupperware. Nilunok ko ang nginunguya ko at umiwas ng tingin.

"Hindi ko pa nakikita sa telebisyon ang First Lady. Nasaan ba ang Mama mo, South?" she asked curiously.

Napatiim bagang ako. "Tsismosa ka ba talaga?"

Ngumuso siya at nagkamot sa ulo. "Hindi naman. Curious kasi ako kaya nagtatanong ako. At saka, gusto makita ni Nanay ang Mama mo."

"Bakit naman?" Tumingin ako sakanya.

She smiled and I'm starting to get irritated by her sweet smile. Why I'm surrounded by innocent and pure people? Sa bahay ay may mga Crane, sa school, may Swiss Santiago, isama mo pa ang mga kaibigan ng mga Crane rito.

I suddenly realized that I don't  belong to them. I suddenly realized that my smile is not as pure as them.

"Malaki ang utang na loob ni Nanay kay Madame Annunciata. Ito kasi ang tumulong sakanya noong walang-wala kaming pera sa pagpapa-opera sa puso niya. Ito rin ang tumulong para magkaroon ng lupa sa sakahan si Tatay" sabi nito. There's a glimpse of happiness on her eyes.  "Napakabait ni Madame Annunciata, South. Ang swerte mo na siya ang naging Nanay mo."

I clenched my fist. Swerte? Alam ba ng babaeng 'to ang sinasabi niya? Not because someone help them, tingin na nila rito ay mabait.

"Ang malas kong anak. I don't deserve her" mapait kong sabi.

"Hala, South! H'wag mo ngang sabihin 'yan! Walang malas na anak" saad niya.

"Meron. Ako."

"South naman. Lahat ng mga magulang ay pinagpapala dahil sa mga anak nila. Hindi ka malas. Sigurado akong masaya si Madame Annunciata na ikaw ang naging anak niya" nakangiting sabi nito.

Psh, kalokohan!

Hindi nalang ako nagsalita dahil baka mamura ko pa siya sa mga pinagsasabi niya. Sira na nga ang araw ko, mas lalo pang nasira dahil sa pagbanggit niya sa Nanay ko.

Hindi ko naubos ang Pancit na dala niya kaya sa huli ay siya rin ang umubos nito.

"Hindi pwedeng magsayang ng pagkain, South. Mayaman ka kasi kaya okay lang na mag-aksaya ka pero kaming mga mahihirap, ginto ang tingin namin sa mga pagkain."

Kumakain na nga siya ang dami pa niyang satsat. Kapag talaga nasimulan na niya ang magbunganga ay tuloy-tuloy na ito.

"Bilisan mo nalang ang kumain diyan."

Kinuha ko ang bottled water ko at nang makitang ubos na ang laman nito ay napabuntong hininga ako.

"Wala ka ng tubig, South?" tanong ni Swiss. Lumubo ang pisngi nito dahil sa dami ng pagkain na nakasalampak sa bibig niya.

"Wala na nga e."

"Bili ka. Bilhan mo na rin ako, ha?" aniya dahilan para mapataas ang kilay ko. Aba, ayos din 'to ah!

"Amin na ang pera mo" nilahad ko ang palad ko sa harap niya.

Ngumuso siya. "Bayaran mo muna ako. Mamaya ko na lang ibibigay."

Seryoso ko siyang tinitigan. "Siguraduhin mo lang na magbabayad ka" mariin kong sabi.

"Oo na! Grabe, anak mayaman ka pero ang kuripot mo. I-libre mo nalang kaya ako, South? Tubig lang naman e. Magkano lang 'yun" ngumiti siya at inayos ang medyo bumabang salamin.

"Walang libre sa bokabolaryo ko. Kahit piso lang ang presyo ng tubig, kailangan mo iyong bayaran" seryoso kong saad.

"Anak mayaman ka naman e."

"Anak mayaman lang ako. Mga magulang ko ang mayaman, hindi ako."

Nagkamot siya ng ulo. "Hays! Ito na nga!" Kinuha nito ang pitaka sa bag at naglabas ng bente pesos. Binigay niya iyon sa akin. "May sukli pa ako, ha? Balik mo iyon."

"Tss." Kinuha ko ang pera niya at umalis ng rooftop. Ilang palapag pa ang kailangan kong tahakin para makarating sa canteen. I took down the staircase.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay napapatingin sa akin ang mga studyanteng nakakasalubong ko. I just showed them my coldest expression.

Ngayon lang ba nakakita ng maganda ang mga taong 'to?

Pagkarating ko sa Canteen ay hindi ko maiwasang igala ang paningin ko para hanapin ang mga Crane. I immediately saw their table in the middle. Mistulang mga hari kung maupo ang mga ito. Kasama nila ang mga kaibigan nila. Maingay ang buong Canteen, hindi dahil sa tilian at tsismisan ng ibang studyante kundi dahil sa tawanan nilang magkakaibigan. It seems like they are having fun watching Psalm and Noah eating the spaghetti continuously.

Tumigil ang mga mata ko sa pwesto ni Genesis. He's seriously looking at his glass of water. Parang may nagawang masama sakanya ang baso. Sa kaninang lahat, siya lang ang walang imik.

"Si South, oh! South!" Ace shouted when he saw me. Kumaway pa ito sa akin dahilan kung bakit napatingin sa akin ang mga studyante.

Genesis looked at me. Seryoso parin ito at nang makitang seryoso rin ako ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin at nilaro ang spaghetti sa plato.

Is he still mad? That thought made me sighed.

"South! Halika ka rito!" tawag ni Psalm. Ang lakas ng boses nito.

I shook my head and shake it. Lumapit ako sa direksyon nila, hindi para samahan sila kundi para tignan kung ano ang ibang kinakain ng mga Crane. Palagi nalang silang spaghetti, wala na silang sustansyang nakukuha rito.

"Eat healthy foods" sabi ko sakanila.

"Healthy naman ang spaghetti, Timog eh. Lumalakas kaya ako kapag nakakakain ako nito" nakangiting sabi ni Noah.

"Ako rin, Timog! Tumatalino ako!" sabi rin ni Peter.

Tumango ako. Hindi na ako nagkomento pa. Walang sense kung makikipagaway ako sakanila dahil lang sa pagkain.

Tumingin muli ako kay Genesis na nakayuko lang, nilalaro parin nito ang pagkain. I bit my lip and gather all my strength.

"Eat, Bebe ko."

Kaagad natahimik ang buong canteen. Ang mga kaibigan ng mga Crane ay napatulala habang nakatingin sa amin ni Genesis. Pansin ko ang paglaglag ng mga panga ng mga studyanteng nakarinig sa sinabi ko. Genesis looked up on me. I could see the gentleness on his eyes as he stare at me. Tipid akong ngumiti.

"Have you eat?" malumanay na tanong niya.

Medyo nabigla ako sa pagsasalita nito. I thought he won't speak to me because of his anger.

Tumango ako. "Hmmm..bibili lang ako ng tubig."

Tumango rin siya. Ilang sandali ko pa itong tinitigan bago sila nilagpasan at bumili na ng tubig. I could still feel everyone's eyes on me. I just tsked and when I got my water, I immediately walk towards the exit. Dumaan pa ako sa table ng mga Crane. Tinignan ko lang sila bago nilagpasan pero bago pa ako tuluyang makalabas ng Canteen ay narinig ko pa ang bulungan ng mga studyante.

"Have you heard that? Tinawag niyang Bebe ko si Genesis!"

"Anong ibig sabihin no'n?"

"Sila na ba?"

"Ohmygosh! Hindi ko kaya!"

"No way! My heart is breaking!"

"Huhuhu! Paano na ang future namin ng King Genesis ko?"

"Bagay naman sila eh."

"Paano na si Prince Gab?"

"Mas bagay sila ni Genesis."

Mga tsismosa talaga. Pagkalabas ko sa Canteen ay kaagad akong lumiko sa kanang pasilyo. Malapit na ako sa hagdan paakyat nang may biglang humarang sa akin na lalaki. He immediately placed his palms on his knees as he catch his breath. Gulo-gulo ang makapal nitong buhok na parang pugad ng ibon. May kapayatan ang katawan niya pero halatang may maipagmamalaki parin.

I stopped and stare at him. Who the hell is this?

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nang makita niyang malamig akong nakatitig sakanya ay kaagad siyang namula at nag-iwas ng tingin.

"Move" I instructed coldly.

Kaagad siyang umiling. "I won't move until you tell me what's your name" matigas nitong sabi.

I raised my eyebrow. "And why would I tell you?"

Bumuga siya ng hangin at nakapamewang akong hinarap.

"Because I've been looking for you the whole week. Since I saw you on the Hospital, you never leave my mind. You're always invading my personal thoughts!" dire-diretso at walang hinga-hinga nitong sabi.

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. I was shocked but I didn't let him notice that. Mas nilamigan ko pa ang tingin ko sakanya. Halos sasabog naman ang mukha nito sa sobrang pula. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. He's so blunt yet so shamefaced.

Pero tinutukoy niyang nakita niya ako sa hospital. Saang hospital? Then, a memory flashed on my head. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong nangulit sa akin kaya nagselos si Genesis. Hmm, siya pala 'yon?

"Do you like me?" diretsong tanong ko.

His face reddened more. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin pero matapang parin siyang sumagot.

"Yes."

I smirked. Babarahin ko na sana ito pero biglang may umakbay sa akin mula sa likod.

"Fuck off, asshole. She's mine."

Lumingon ako at ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Genesis. Nagaalab ang mga mata nito sa galit sa kaharap naming lalaki. His arm possessively wrapped on my shoulder. Hinila pa niya ako lalo sakanya kaya napasubsob ako sa malapad nitong dibdib.

"Genesis..."

Dahil nakasubsob na ako sa dibdib niya ay ramdam na ramdam at dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso nito. It's like he ran very fast just to get near me. Just to cage me on his arms.

Tiningala ko ito at nakitang seryoso at mapanganib parin siyang nakatingin sa lalaki. His jaw were clenching angrily. Ramdam ko ang panginginig ng katawan nito sa galit. Parang kaonti nalang ay susugurin na niya ang lalaki at pagsasapakin ito.

"Stay away from my Girlfriend. Stay away before I fucking kill you" malamig at mariing sabi nito. His voice screams for authority and power. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Yes, I always saw him get mad and get jealous pero ang ganitong pagbabanta niya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba.

He's a Crane and he's surely an innocent and pure person, pero bakit minsan ay pakiramdam ko ibang tao siya? Why do I feel like he has a dark world like mine?

"Chill, Coz." Tumawa ang lalaki.

Nangunot ang noo ko. Tumingin ako rito at nakitang seryoso na rin siya. Gone his shy look. He's now screaming for arrogance and danger.

"Hindi ko naman aagawin ang Girlfriend mo e. I just want to know her name and confess about my feelings. Hindi naman siguro masama iyon, 'di ba? We're cousins, be kind to me" he said. There's a humour on his eyes but his voice were serious.

Mas lalong nangunot ang noo ko. Tumingin ako kay Genesis na nagtatagis na ang bagang sa galit bago ko binalik ang tingin sa lalaki. Nakatitig din siya kay Genesis kaya tumingala ulit ako sakanya.

"Mag pinsan kayo?" Hindi ko na maiwasang sumabat.

Hindi siya umimik. The guy chuckled so I turn my head on him. He's now looking at me. Bigla nitong inabot ang palad sa akin.

"Yes, and I'm Harry Crane Potter. Nice to meet you, Genesis' girlfriend. Let's be friends, then eventually, be a lovers." He winked at me.

Wow, another Crane in the town? And what's his name? Harry Potter? Sabi na nga ba.

                                        _

ISAIAH CRANE's POV

"Selendrina, may pantasa ka?" tanong ko kay Selendrina.

Naputol kasi ang lapis ko habang nagguguhit ako ng bulaklak. May pinagawa kasi si Teacher K sa amin. Sabi niya, i-drawing daw namin ang pangarap naming bahay kaya ginuguhit ko ngayon ang bahay namin. Wala naman kasi akong pangarap na bahay e. Masaya na ako sa bahay na meron kami ngayon. Hangga't kompleto kami at kasama namin si South ay masaya ako.

"Do you want to borrow it?" taas kilay na tanong niya.

"Oo sana, hehe" sinilip ko ang bahay na dino-drawing niya. Isa iyong maliit na box na may maliit din na pintuan. "Iyan ba ang bahay mo?" tanong ko.

"No. This is the house of my ant" aniya. Binigay nito ang pusang pantasa sa akin.

Ngumuso ako. Ang hilig talaga niya sa pusa. Wala kasi kaming pusa sa bahay. Daga at ipis, marami. Pero bakit bahay ng langgam ang ginuguhit niya?

"Eh, nasaan ang bahay mo?" kuryos kong tanong.

Ngumisi siya at biglang may hinugot mula sa bag. Naka-rolyong papel iyon kaya nang binuklat niya ay ganoon nalang ang pagnganga ko.

"This is the sketch of my Mansyon. It is a modern house that will be located on the top of the Mountain. I'll use laterite, gneiss and quartzite for the strong foundation of the structure. Of course, there will be an elevator. The Mansyon will consist 5 bedrooms. 3 for guest room and 1 for my bedroom and the 1 bedroom will be my cat's room. The 28-foot-high ceilings will have my spiral chandelier. Look at this side, my infinity pool will be located here. Of course, I'll have 2 Jacuzzis, one in my bathroom and one for the rooftop. My Mansyon has 117, 000 square in all" aniya habang tinuturo ang mga guhit-guhit sa papel. May mga numero pa ang bawat linya na parang iyon ang magiging sukat nito.

Nakangiwi akong napasandal sa upuan ko. "Hehehe, ang cool naman ng bahay mo, Selendrina" sabi ko.

Ngumiti siya at rinolyo muli ang papel. "Of course. I'm Selendrina Cortez, do you really expect me to live in a house like yours?" nang-uuyam na tumingin siya sa drawing ko. "What's that? Why there's a flowers and stick person on your house?"

Tumingin din ako sa papel ko. Naglagay kasi ako ng mga bulaklak kasi minsan ay nakita ko si South na pumipitas ng mga bulaklak sa kapitbahay namin. Inisip ko na baka gusto niya ng mga bulaklak kaya naglagay ako sa drawing ko. At 'yung mga stick na taong tinutukoy niya ay ang mga kapatid ko iyon. Si Noah at Peter ay naka-upo sa bubong ng bahay. Si Genesis ay nakatayo sa veranda kasama si South. Si Psalm ay nasa kusina, ako naman kasama si Baby Tiger ay naka-upo sa labas ng bahay namin. Si Dada naman ay nasa puno, nakasabit doon.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita muli si Selendrina.

"Oh well, I shouldn't asked about it. From a stupid person like you, wala akong aasahang matino."

Ngumuso ako dahil parang kumirot ang puso ko. Napayuko nalang ako at tahimik na tinasa ang lapis ko. Ang harsh naman ni Selendrina. Matino naman ako, ah.

"Don't mind him, Isaiah. Inggrata talaga ang babaeng iyan" sabi ni Kayla kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti ito sa akin kaya kita ko ang bungi niyang ngipin.

Ngumiti rin ako. Mabuti nalang mabait si Kayla.

"Wow! Me, inggrata? Coming from a malandi like you?" singhap ni Selendrina rito.

Tinignan siya ni Kayla ng masama. "I'm not malandi! Kasalanan ko ba kung pinagpalit ka ni Lawrence dahil masama ang ugali mo?"

Masama siyang tinignan ni Selendrina. Napabuntong hininga ako. Heto na naman sila. Palagi nalang nilang pinagtatalunan si Lawrence, iyong ka-klase naming lalaki na bungi-bungi ang ngipin. Palagi pa niyang naiiihan ang shorts niya kaya nagsusuot ito ng diaper.

"FYI, nilandi mo siya!"

"Hindi kaya! Lawrence!" tawag ni Kayla kay Lawrence.

Lumingon sa amin ang bata. May sipon pa ito kaya nang ipunas niya ang likod ng palad sa ilong ay kumalat iyon sa pisngi niya.

"Ba-batit?" Bakit ang gusto niyang itanong. Bulol kasi ito.

"Hindi naman kita nilandi, 'di ba? Kusa mong iniwan si Selendrina dahil masama ugali niya!" sabi ni Kayla.

Nagkamot sa ulo ang bata. "Tigilan niyo na nga ako" sabi niya at tumingin sa Yaya na nakabantay sakanya. "Yaya, wiwi ako."

"See? Wala nga siyang pakealam sa'yo dahil masama ugali mo!" sabi ni Kayla kay Selendrina.

"Masama man ugali ko, at least, maganda parin ako! Eh, ikaw? Mabait ka nga pero wala ka namang ganda!" asik din niya rito.

Ngumuso ako. Pagkatapos nilang pag-awayan si Lawrence iyong ganda naman nila ang sumunod. Hays, nakaka-stress naman ang mga babae ito. Kaya ayokong maging babae dahil ang dami nilang problema.

"Kids! May I get your attention first?"

Tumahimik na ang nagbabangayang babae sa tabi ko nang magsalita si Teacher K. Tumingin kami sa harap at nakitang nakangiti siya sa amin. Kung nandito lang siguro si Noah, baka kanina pa siya nahimatay sa ngiti ni Teacher K.

"Meron kayong bagong ka-klase. Gusto niyo na ba siyang makilala?"

"Opo!" sigaw namin.

"Okay, let's welcome your new classmate!"

Pumalakpak kami nang may pumasok na batang lalaki sa loob ng classroom namin. Lumapit siya kay Teacher K at humarap sa amin. Walang emotion ang mukha nito at ramdam ko ang kalamigan niya kaya kinilabutan ako.

"Introduce yourself, iho" sabi ni Teacher K sakanya.

"Tss. Do I really have to do this?" naiiritang aniya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa amin.

"Yes, iho, para makilala ka ng mga ka-klase mo."

Sinimangutan niya si Teacher K bago muling tumingin sa amin. Ang lamig ng tingin nito kaya hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili ko.

"I'm Perimeter Gyrocompass. Soy tu peor pesadilla."

Eh? Soy, daw? Toyo 'yun, 'di ba?

"Uhm, Kids. Gyro is from Spain kaya ganoon ang lenggwahe niya" pagpapaliwanag ni Teacher K.

Tumango kami. Marami kayang Toyo sa Spain? Hehehe, sana maging friend ko siya para matanong ko iyon sakanya.

"Omygee, he's so hot" dinig kong bulong ni Selendrina.

Napatingin ako sakanya at nakitang nakatitig siya sa bata. Ganoon din si Kayla. Natulala na ang mga ito at parang ayaw nang tanggalin ang paningin sa bago naming ka-klase.

"Gyro, you can take your seat beside, Isaiah" sabi ni Teacher K. Tumingin ako sa katabi kong upuan. Walang nakaupo roon. Nakaramdam ako ng excitement nang malamang makakatabi ko ang bago naming ka-klase. Kyaaaah! Magiging friends kami!

Tumingin sa akin ang bata. Ang malamig nitong tingin ay parang ginagawang yelo ang puso ko. Dumagundong ang dibdib ko nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Lahat ng ka-klase ko ay napapatingin sakanya. May nakita pa akong naglaway matapos siyang daanan nito.

Tumigil siya nang nasa harap ko na ito. Tinitigan niya ako. Nakakatakot ang tingin niya kaya nag-iwas ako. Huhuhu, bakit ganoon siya makatingin? Parang sasaktan niya ako.

"Hehe, hi!" naiilang kong sabi. Hindi ako makatingin ng diretso sakanya.

"Isaiah Crane, right?"

Kaagad akong napatingin sakanya. Kyaaaah! Kilala niya ako!

"Oo, hehe!" nakangiting sabi ko.

"So, you're my sister's favorite pet" malamig na aniya.

Ngumuso ako. Pet? 'Di ba hayop 'yon?

"I wonder why she likes you. Anyways, morirás pronto Tú y tus hermanos morirán."

Eh? Ano raw?

Tatanungin ko pa sana kung ano ang sinabi niya pero biglang sumingit si Selendrina sa amin.

"Hi! I'm Selendrina Cortez. Your soon to be wife!" sabi nito at malaking ngumiti sa bago naming ka-klase.

Malamig siyang tinapunan ng tingin ni Gyro.

"No estoy interesado en un mocoso." Pagkasabi nito ay nilagpasan na niya si Selendrina at naupo sa tabi ko.

Maliit siyang bata kaya nang maupo siya ay hanggang bewang ko lang ata ito. Malamig at walang ka-emo-emotion siyang tumingin sa harap. Ang dalawang palad nito ay pinagsalikop at pinatong sa lamesa niya.

Ngumuso muli ako. Bakit kaya ang seryoso niya? Kung kumilos at magsalita siya ay parang ang tanda na niya.

Ang weird. Pero masaya akong katabi ko siya! Yieee, excited tuloy akong i-kwento ito kay South!

Pinasa namin ang mga ginuhit naming bahay kay Teacher K. Pinuri niya ang ginawa ko at binigyan pa niya ako ng star sa braso. Tuwang tuwa akong pinakita iyon sa bago naming ka-klase.

"Tignan mo, oh! May star ako!"

Tumingin lang siya sa braso ko at hindi umimik. Napalabi ako. Hindi ba siya natutuwa?

Nang break time na namin ay kaagad kaming lumabas ng classroom. Dala-dala ko ang Dora na bag ko nang naupo ako sa swing. Wala akong dalang pagkain pero dahil may binigay na pera sa akin si South ay kaagad akong lumapit sa nagtitinda ng fishball at bumili. Bumalik muli ako sa swing at masayang kinain ang fishball pero hindi ko pa man naisusubo ang pagkain ko ay napansin ko ang bago naming ka-klase na nakaupo sa ilalim ng puno. Nakayakap ito sa tuhod at seryosong tinitignan ang bato sa harapan.

Ang ibang ka-klase namin ay masayang naglalaro sa playground. May mga pagkain din sila. Napapatingin sila kay Gyro pero nandoon ang takot nilang lapitan ito.

Ngumuso ako. Nakakatakot siya pero nakakaawa parin. Wala siyang mga friends.

Kinuha ko ang bag ko at lakas loob na lumapit sakanya. Kaagad akong naupo sa tabi niya kaya nilingon niya ako. Malamig parin ang tingin nito kaya napalunok ako.

"H-hi, hehe."

"What are you doing here?" walang emotion niyang tanong.

"Sinasamahan ka. Wala ka bang dalang pagkain?" nakangiting tanong ko.

"Stay away from me. I don't like you" diretsong aniya at binalik muli ang tingin sa bato.

"Bakit ayaw mo sa akin? Cute naman ako, ah" nakalabing sabi ko. Tumingin ako sa fishball ko saka ngumiti. "Gusto mo ba ng fishball? Masarap 'to!" Pinakita ko sakanya ang pagkain ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Do you expect me to eat that dirty food?"

"Masarap naman 'to eh."

"Stay away from me!" sigaw niya.

Hindi ko maiwasang malungkot. Bakit parang galit siya sa akin?

"Bakit ayaw mo sa akin?" tanong ko. "Ayaw mo ba akong maging friend?"

"I don't need a friend."

"Masaya kaya magkaroon ng kaibigan. Masarap sa pakiramdam ng may sinasabihan ka ng problema mo. Kaya friends na tayo, ha?" Ngumiti ako.

Tumayo siya at galit akong hinarap. Naka-upo na ako pero mas mataas parin ako kesa sakanya. Ang mga mata nito ay nagbabaga sa galit. Nakaramdam ako ng takot kaya napalunok ako.

"I don't need a stupid person like you. I hate you! So, stay away from me before I fucking kill you!" sigaw niya. Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak at sinipa sa binti.

"A-aray! Bakit ka nananakit---aray!" Sinipa niya muli ako. Ang lakas ng sipa niya dahilan kung bakit ako napahiga sa sahig. Parang bakal ang mga paa nito sa lakas.  Namanhid ang binti ko sa ginawa niya.

"I'm going to kill you! You stupid! I hate you! I hate you all! Rot in hell!" patuloy nitong sigaw habang sinisipa ako. Nang mukhang hindi siya makuntento sa binti ko ay ang braso at dibdib ko naman ang sunod niyang sinipa.

"Tama na! Huhuhu! Masakit na!" Naiiyak na ako sa pananakit niya sa akin. Ang lakas-lakas niya kaya hindi ko siya mapigilan.

Pero imbes na makinig sa akin ay mas lalo pa niya akong pinagsisipa. Namumula na ang braso ko dahil ginagawa ko itong panangga. Galit na galit siya. Parang ako iyong taong pinakasusuklaman niya kaya binubuhos niya lahat ng galit sa akin.

"Die! I hate you! I hate you!"

Tumulo ang luha ko nang malakas niya akong tinadyakan sa dibdib. Ang bata-bata niya pero parang si Genesis ang lakas niya sa pananakit. Nakakatakot siya.

"Gyro! Isaiah! Gyro, stop that!"

Natigil lang siya sa pananakit sa akin nang dumating si Teacher K. Binuhat niya ito at dinala sa gilid. Pansin ko ang mga taong papunta sa direksyon namin pero hindi ko na sila inintindi dahil sa pananakit ng katawan ko.

"Isaiah, you're okay?" nag-aalalang tanong ni Teacher K sa akin. Tinulungan niya akong makatayo.

Tumutulo ang luha ko kaya mas lalo siyang nataranta. "Huhuhuhu!"

"Ssshhh, it's okay. You'll be fine. Let's bring him to the clinic" sabi niya sa isang kasama niyang nag-aasikaso sa amin sa school.

Tinulungan nila akong makatayo. Napatingin ako kay Gyro at nakitang masama parin ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tahimik na umiyak habang iniinda ang mga sugat ko.

"Gyro, why did you do that?" galit na tanong ni Teacher K sakanya.

"He deserves it. It's not enough yet. Wait 'till I shoot his head with my gun" malamig na sagot ni Gyro.

"Gyro! That's not funny! Ipapatawag ko ang magulang mo!"

Ngumisi lang siya at hindi umimik.

Dinala nila ako sa clinic at kaagad ginamot ang sugat ko. Tinanong ni Teacher K kung sino ang gusto kong papuntahin dito sa school kaya sinabi kong si South. Tinawagan niya ito at pinaliwanag ang nangyari. Humingi rin siya ng tawad kay South sa cellphone.

"She wants to talk to you" inabot ni Teacher K ang cellphone niya sa akin.

Naiiyak ako pero tinanggap ko parin iyon. Nilapat ko sa tenga ang cellphone at kinagat ang ibabang labi para hindi mapahikbi.

"S-south..." Uminit ang mga mata ko. Parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ko madugtungan ang sinasabi.

Narinig ko ang mabigat nitong pagbuntong hininga sa kabilang linya.

"Bilangin mo kung ilan ang pasa mo. Triple ang ibibigay ko sa gumawa niyan sa'yo" seryosong sabi niya.

Tumingin ako sa mga pasa ko sa braso. Maging sa dibdib at binti ko ay meron din. Halata ang mga iyon dahil sa maputi kong balat. Tumulo ang luha ko. Waaaah! Sira na ang maganda kong kutis!

"H-hindi ko mabilang, South eh. Madami kasi," napahikbi ako. "South, ang pangit na ng balat ko. Ang sakit-sakit ng mga sugat ko" sumbong ko.

"H'wag kang mag-alala, papunta na ako riyan. Sisiguraduhin kong iiyak ang batang gumawa niyan sa'yo" sabi niya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. "Okay, pero h'wag mo siyang sasaktan masyado ha? Bata parin siya, South. Baka isumbong ka niya sa Nanay niya."

"Wala akong pakialam. Ibabalik ko pa siya sa sinapupunan ng Nanay niya."

Ngumuso ako. May mga sinabi pa si South bago ko binalik kay Teacher K ang cellphone niya. Problemado itong napabuntong hininga.

"Pinatawag ko na rin ang Nanay ni Gyro. Don't worry, we'll settle this, Isaiah. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang batang iyon!" hindi makapaniwalang aniya.

Napayuko ako. Naaala ko ulit ang galit sa mga mata ni Gyro habang sinisipa ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sakanya, ah! Bibigyan ko pa nga siya ng fishball eh. Nang maaala ko ang nasayang kong pagkain ay muli na naman akong napaiyak.

Limang piso ang pinambayad ko roon. Bigay pa ni South ang pera na pinambili ko. Huhuhu, sayang lang ang pagkain.

Nagamot na ang mga sugat ko nang bumalik kami sa classroom namin. Dahil uwian na ay pinauwi na ang mga ka-klase ko. Ako, kasama si Teacher K at Gyro, kami nalang ang natitira roon. Tahimik lang akong nakaupo. Hindi ko tinitignan si Gyro pero ramdam ko ang masamang tingin niya sa akin. Natatakot na ako sakanya. Ayoko na siyang maging friend. Mas okay na sa akin na palaging kasama si Kayla at Selendrina na palaging nag-aaway, at least sila ay  hindi nila ako sinasaktan, si Gyro, parang papatayin na niya ako.

Ilang sandali lang ay may pumasok sa loob ng classroom namin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang magandang babae. Kaagad siyang napatingin kay Gyro. Napansin kong napayuko si Gyro at parang biglang natakot.

"Gyrocompass...." malamig na sabi ng babae.

"I'm sorry, Mama.." nanginginig na sabi ni Gyro.

Siya ang Nanay niya? Grabe, ang ganda naman niya!

"Mrs. Blondel. Mabuti po dumating na po kayo. Let's just wait for Ms. Benedicto, parating na po iyon" sabi ni Teacher K sa babae.

Tumango ito. "I'm sorry for my son's nasty behavior. Don't worry, I'll make sure that this won't happen again" malumanay na aniya.

Ngumiti si Teacher K. "H'wag po kayo sa akin humingi ng tawad, doon po sa nagawan ng kasalanan ni Gyro." Sumulyap siya sa akin kaya napatingin sa akin ang Nanay ni Gyro.

Ngumiti siya dahilan kung bakit halos maglaway na ako sa sobrang pagkamangha. Ang ganda niya talaga! Para siyang Anghel! Kamukha niya si South!

Teka, oo nga 'no? Kamukha niya si South! Parehas sila ng mukha iyon nga lang, iyong mata nila ang hindi parehas. Malamig at nakakatakot ang mga mata ni South, katulad na katulad kay Daddy President. Sakanya ay may pagkamalumanay ng mga mata. Iyon lang siguro ang pinagkaiba nila.

"I'm so sorry, Iho. H'wag kang mag-aalala, hindi na ito uulitin pa ni Gyro. I'll make sure he'll learn his lesson" nakangiting sabi nito.

"Papaluin niyo po siya sa pwet?" tanong ko.

Ganoon kasi si Dada sa amin. Kapag may nagawa kaming kasalanan ay papaluin niya kami sa pwet pero kaagad din siyang magso-sorry at hahalikan ang pwet namin para mawala ang sakit. Hays, miss ko na tuloy ang gurang na 'yon.

Tumawa ito dahilan kung bakit nanlambot ang puso ko. Kyaaahhh! Pati tawa niya ang ganda!

"Nope, but I have my own kind of punishment for him. Siguradong matututo na siya pagkatapos niyon."

Itatanong ko pa sana kung anong klaseng parusa iyon pero biglang may pumasok sa loob ng classroom namin. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad napangiti ng malaki nang makita ko si South.

"South!" Kumaway ako.

Tumingin siya sa akin. Kaagad nangunot ang noo niya nang makita ang mga benda na nasa braso ko. Nagtagis ang bagang nito sa galit.

"Ms. Benedicto, glad you're here. Ito nga pala si Mrs. Blondel. Siya ang Nanay ng batang tinutukoy ko sa'yo" sabi ni Teacher K.

Tumingin si South sa Nanay ni Gyro pero kaagad siyang natigilan. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, napanganga pa ito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaharap.

Napansin ko naman ang pagiging malumanay ng tingin ng Nanay ni Gyro sakanya. Namungay ang mga mata nito at tinitigan si South ng may paghanga.

"Southern..."

Kilala niya si South?

Kaagad nakabawi si South. Nagtagis muli ang bagang niya at ang gulat na mukha nito ay napalitan ng galit.

"Ikaw pala ang Nanay ng walangyang batang 'yan" mariing aniya. Matalim niyang tinignan si Gyro na nasa gilid.

Napansin kong napayuko siya at natakot sa sama ng tingin ni South sakanya.

"I-I'm sorry for what he did. I promise that this won't happen again" agap ng Nanay niya. Natataranta ang boses nito.

Ngumisi si South ng nakakaloko. "Hindi na talaga mangyayari ito dahil papatayin ko ang batang 'yan!" sa isang kurap lang ay nakalapit na siya kay Gyro. Hinablot niya ito sa braso at malakas na hinila patayo. Nagulat ang bata, kaagad bumalatay ang takot sa malamig nitong mga mata.

"Southern! He's your brother!"

Bago pa man masaktan ni South si Gyro ay kaagad na siyang inawat ng Nanay niya. Hinila niya palayo si South at mabilis na niyakap ang batang anak. Napaiyak si Gyro habang yakap-yakap siya ng Nanay niya.

Napanganga kami ni Teacher K. Parehas kaming hindi maka-react at naguguluhan sa nangyayari.

Kapatid ni South si Gyro? Paano?

"He's your brother! Don't hurt him!"

Kinuyom ni South ang mga kamao at nandidiring tinapunan sila ng tingin. Pero bukod doon ay nakita ko pa ang lungkot at inggit sa mga mata niya habang tinitignan silang magkayakap.

"As far as I remember, I only have two brothers. East and West is their name. Wala akong ibang mga kapatid kundi sila kaya mandiri ka nga sa sinasabi mo. Wala akong kapatid sa pagtataksil! He's not my brother! You're a shame!" galit niyang sigaw.

Bumalatay ang lungkot at sakit sa mga mata ng Nanay ni Gyro. Dinig ko ang hikbi ng bata habang nakayakap sa Ina. Hindi ko maiwasang maawa.

Kapatid ni South si Gyro pero bakit ayaw tanggapin ni South 'yon? Bakit galit na galit siya?

"Anak...please..." umiyak ang Nanay niya.

Mas lalo akong nagulugan. Tinawag niyang anak si South, ibig sabihin, siya ang Nanay ni South? Waaaah! Ang gulo na ng utak ko!

"Hindi kita Ina. My mother died three years ago" malamig na sabi ni South at tinalikuran na niya ang mga ito. Tumingin siya sa akin. "Let's go."

Kinagat ko ang ibabang labi at tumango.

~~~

Continue Reading

You'll Also Like

17K 434 71
LYRICS from 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞𝗣𝗜𝗡𝗞's SONGS. 「 NEW UPDATE: PINK VENOM 」 Blackpink is a South Korean girl group formed by YG Entertainment, consisting of m...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!