TEENAGE HERO |ON GOING|

By Greycco1723

1.5K 35 4

Kung ikaw kaya s'ya ano kayang pipiliin mo Love or Mission??. More

TEENAGE HERO
TH ~ 1
TH ~ 2
TH ~ 3
TH ~ 4
TH ~ 5
TH ~ 6
TH ~ 7
TH ~ 7.25
TH ~ 7.50
TH ~ 7.75
TH ~ 8
TH ~ 9
TH ~ 10
TH ~ 11
TH ~ 12
TH ~ 13
TH ~ 14
TH ~ 15
TH ~ 16
TH ~ 17
TH ~ 19
TH ~ 20
TH ~ 21
TH ~ 22
TH ~ 23
TH ~ 24
TH ~ 25
TH ~ 26
TH ~ 27
TH ~ 28

TH ~ 18

16 0 0
By Greycco1723

Walang nagawa ang kambal kung hindi sundin ang mama nila. Sabay nilang kinuha ang gamit nila na nakalagay sa sofa sa tabi ng bintana at tumuloy sa pinto at saka lumabas.

Inistart at pinaandar ni Nathan ang sasakyan pero ni isang imik ay walang naririnig sa dalawa. Hanggang sa magsalita si Feye.

"Naniwala ka bang may mga monster na nabubuhay sa panahon na ito?" Biglang tanong ni Feye.

Hindi alam ni Nathan ang isasagot sa mukang tangang tanong ng kaniyang kakambal.

"Yung totoo? nagaadik ka ba sa Zexna at ganyang ang mga itinatanong mo sa akin?" Natatawang sagot ni Nathan. Hindi niya alam kung saang baul nahugot ng kapatid niya ang itinanong nito.

"Hoy ang kapal mo! hindi ako nagaadik ano! at isa pa, ano ako tanga para sayangin ang buhay ko sa mga ganiyang bagay?" Sabi ni Feye. Sa totoo lang kung pwede lang niyang balian ng leeg ang kakambal ay ginawa na niya. Tama ba namang akusahan siyang nagaadik habang siya ay nasa Zexna?

"Pano ba naman kita hindi paghihinalaan eh yung mga tanong mo parang ang kalalabas lang sa mental." Sabi pa ni Nathan. Natutuwa siya ngayon sa naging reaksyon ng kapatid.

Nakakunot ang nuo at nakataas ang kilay na nakatingin si Feye sa kaniya. Nung hindi pa kasi pumupunta si Feye sa Zexna ay ito ang madalas nilang gawin, ang magkulitan at magasaran.

"Nahiya naman ako sayo." Sabi naman ni Feye na hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng muka. "Hay! kung isa ka lang talaga sa mga kalaban ko at kung hindi lang talaga kita kakambal ay siguradong manghihiram ka ng muka sa aso." Sabi pa niya sa isip niya pero pagkakataong ito ay kailangan niyang magtimpi, kailangan niya habaan ang kaniyang pasensya dahil baka sa ganitong paraan ay makakuha siya ng impormasyong makakatulong maresolba ang malaking problema na kinakaharap ng dalawang bansa ngayon.

"Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko." Dugtong pa ulit niya.

"Okay pero basta wag kang tatawa ha?"

"Oo. Opinyon mo lang naman ang kailangan ko eh."

"Pero para saan ba talaga at bakit bigla-bigla kanalang nagtanong ng tungkol sa mga monsters  at kung naniniwala ba ako sa kanila?" Tanong pa ulit ni Nathan. Nagbabakasakali siyang sagutin na siya ni Feye. Nagtataka lang kasi siya kung bakit bilang nagtanong si Feye tungkol sa mga ganitong nilalang samantalang hindi naman siya mahilig sa mga ganitong klaseng usapan.

Nung mga bata pa kasi sila, ang tanging nakahiligan lang  ni Fexme ay ang panunonood ng mg action movierg at pagaaral ng ibat-ibang klaseng pamamaraan ng selfence.

"Wala lang basta nga sagutin mo nalang yung tanong ko." Sabi ni Feye.

"Well kung ako ang tatanungin ... Yes i do believe in monster." Medyo nahihiya pang sabi ni Nathan.

"Talaga?"

"Oo, diba sabi ko sayo nung mga bata pa tayo, gusto kong makarating sa ibang mundo?" Sabi ni Nathan. Oo totong gusto niyang pumunta sa kakaibang mundo, simula pagkabata niya ninais na niyang magkaroon ng kapangyarihan at ipagtanggok ang mga naapi. Syempre gagawin o sabihin na nating gusto niya itong gawin dun sa ibang mundong sinasabi niya.

"haha. Tingnan mo? inaasar mo ako kanina na nagaadik ako kasi bigla-bigla akong nagtanong saynd tungkol sa mga monster tapos ngayun naniniwala ka rin pala sa mga ganun." Sabi ni Feye.

"O tingnan mo to ... Tatanong tanong ka e, tapos magrereact ka ng ganyan?" Sabi ni Nathan.

"Hindi naman sa inaano ko yung paniniwala mo pero hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay gusto mo paring makarating sa ibang mundo mo." Sabi ni Feye.

Nung mga bata pa kasi sila ay palaging nagoopen si Nathan ng topic tungkol sa sinasabi niyang ibang mundo. Kung saan siya daw ang bayani, may taglay daw siyang kapangyarihan at natatalo niya raw ang mga masasamang loob, samantalang si Feye naman ay naiirita tuwing mag kukwentmdm ng ganito si Nath.n. Kung pagbabasihan kasi ang mga hilig nila ay talagang magkaibang-magkaiba silang dalawa.

Hindi naman sumagot panandalian si Nathan. Nagisip siya, nagisip siya kung bakit nga ba pinangarap niyang makarating sa ibang mundo kung napakaimposible nga naman itong mangyari.

"O nasagot ko na yung tanong mo. Ngayon yung tanong ko naman ang sagutin mo. Bakit bigla mo ngang naitanong yan?" Paguulit ni Nathan ng tanong niya kanina na hindi naman sinagot ni Feye.

"Kasi naniniwala din ako sa mga monster." Maikling sabi ni Feye.

Hindi naman alam ni Nathan kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi sa kaniya ng kakambal. Hindi niya inaasahan na ang isang babaeng mahilig sa mga action movies at sakit sa katawan ay naniniwala din sa sa mga nilalang na makikita lang sa dreamland at sa pamamagitan ng malawak na imahinasyon.

"Kasi nung isang beses may nabasa akong article ng isang kilalang tao pero hindi ko na sasabihin yung pangalan. Sabi dun... "Walang kathang isip ang hindi ibinase sa katotohanan".

Nung nabasa ko yun nagsearch din ako sa internet at dun ako nakakakita ng mga halimaw kaya ngayon naniniwala ako na monster do exist." Pahayap pa ni Feye habang naka-cross fingers. Palihim siyang bumubulong ng "Sana maniwala si Nathan sa palusot ko". Gumawa lang kasi siya ng kwento para maitawid ang usapan ng hindi nahihinala si Nathan sa kaniya.

"Ah ganun ba?"

"Teka yung tungkol pala kanina     ....?" Sabi ni Feye Alang kasi niyang nadismaya ng sobra si Nathan sa mga narinig niya. Akalain mong kasala na eh naging bato pa?.

Sa lahat kasi ng mga naging babae ni Nathay si Aira lang ang nakita niyang bukod tanging siniryoso ng kakambal kahit hindi pa naman talaga sila.

"Oo alam ko. Kahit man ako ay nanghihinayang sa mga nangyari sa plano, pero anong magagawa ko? siguro tadhana naqgn ang nagsasabing hindi dapat mapasaakin si Aira sa paraang gusto ko. Siguro ipinapahiwatig nito na kung para talaga kami sa isa't-isa tadhana narin ang gagawa ng way para mapagbukaod kami pero this time sa paraang gusto naming dalawa." Mahabang litaniya ni Nathan na ikinagulat naman ni Feye.

Ang inaasahan kasi niyang magiging reaksyon ni Nathan ay yung tipong parang batang maglulupasay makuha lang ang gusto. Yung kukulitin niya yung mama nitka para lang maituloy at hindi maudlot ang sana'y magaganap na kasal.

"Wow! may sakit ka ba? nauntog ba yung ulo mo? mamatay ka na ba? hindi ata ikaw si Nathan na kakambal ko eh." Sunod-sunod na tanong ni Feye na siyang dahilan ng pagkunot ng nuo ni Nathan.

"Gago. Parang sinabi ko lang yung naisip ko mamatay kaagad? eh kung ikaw kaya ang patayin ko ngayon?"

"Haha. Talaga lang ha? Anyways, good job bro.... Improving ang utak mo ngayon. Grabe magisip ng speech, pang sona." Natatawang sabi pa ni Feye.

"Ewan ko sayo. Tangagalin mo na nga yang seatbelt mo at pumasok na tayo." Sabi ni Nathan habang pinapatay ang engine ng sasakyan.

Nakarating na sila ng school, sabay silang bumaba sinasakyang kotse at naglakad papunta sa classroom nila.

Kagaya ng dati, dagsa parin ang mga chizmakers sa loob ng campus nila. Nandyan pagusapan ang tungkol sa assignment, deadline ng submition ng mga projects at sa nalalapit na mga exam at quizzes. Pero ang nakakakuha ng atensyon nilang dalawa ay ang usapan kung saan involve si Nathan.

"Hay Nics, tandaan mo. Kapag nakaone night stand ko yan si Nathan ay sinisigurado ko sayong simbahan na ang susunod naming pupuntahan."

"Haha at pano mo naman magagawa yun aber?"

"Haha malamang tatanggalin ko yung gamit niyang condom. Bobo mo naman te."

"Ikaw ang bobo Gel. As if namang papayag siyang gawin mo yun?"

"Haha. Ako pa ba? baka nakakalimutan mong ako si Nicki Nerbiol ang dyosa ng kagandahan."

"Haha. Sabagay pero... Kapal mo te! mas maganda ako sayo."

"Ows di nga? Sige para walang away its a tie."

"Tama!!"

"Hahaha." Sabay pang tawa nung dalawang chismosa. Bigla namang naginit ang ulo ni Nathan sa mga narinig niya. Iniko niya ang kaniyang ulo at nagmasid sa paligid. Hinanap niya kung nandun ba ang babae gusto niya at kung narinig ba nito ang mga pinagsasasabi ng dalawa. Kung dati balewala lang sa kaniya ang mga ganitong usapan pero iba na ngayon, dahil meron na siyang babaeng nagugustuhan ng totoo at ayaw naman niyang ayawan siya nito dahil lang sa mga chismis na naririnig nito paligid.

Ng akmang liliko na ng daan si Nathan papunta sa lugar ng dalawang chismosa ay biglang hinarang ni Feye ang kaniyang kamay dahilan para mapatigil sa paglakad si Nathan.

Nagtaka si Nathan kung bakit biglang siyang hinaraeg ni Feye kaya binigyan niya ito ng ano-bang-ginagawa-mo? look.

"Wag ka ng magtanong, ako ng bahala sa dalawang chismosang yun. Mamaya makita pa ni Aira na pumapatol ka sa babae edi lalo kang nawalang ng pagasa sa kaniya!?" Sabi ni Feye. Napatango nalang ng kaniyang ulo si Nathan matapos mapansin ang siryosong muka ng kakambal.

Lumakad si Feye papunta sa direksyon ng dalawa at iniwan ang kakambal. Pinagmasdan lang niya ang kakambal habang naglalakad papalapit sa dalawang chismosa.

"Hi, Gel... Nics right?" Tanong ni Feye sa dalawang chismosa ng makalapit siya sa mga ito.

"And who the hell are you?" Mataray at nakataas ang isang kilay na tanong ni Gel. Isa sa dalawang chismosa.

"Ako? haha!" Mapangasar na tanong pa ni Feye.

"Oo malamang ikaw. Ikaw lang naman kasi yung tao sa harap namin diba? alam mo kung sasali lang sa group namin ay mabuti pawmg humanap ka nalang iba kasi tumatanggap ng baliw." Sabi naman ni nung Nics. Tumawa lang si Feye bilang tugon sa sinabi ni Nics.

Sobra namang naasar naman yung dalawa sa ginawang pagtawa ni Feye sa kanila. Sa lahat ng ayaw nila ay yung pinagtatawan.n sila ng iba lalo na kung kagaya lang ng babaeng nasa harap nila.

"How dare you? ang kapal naman ng muka mo para pagtawanan kami, sino ka ba sa akala mo?" Gigil pang sabi ni Nics at tiningnan saglit si Gel. Parang kinausap niya ang kaibigan gamit ang mata at sinabing ikaw sa kaliwa at ako naman sa kanan.

Napangiti naman si Feye sa nakita niya. Alam niya sa kaniyang sarili na anumang oras mula ngayon ay susugurin na siya ng dalawang chismosang kaharap niya.

Tumayo ang dalawang chismosa at mabilis na sumugod kay Feye pero ng akmang hahawakan na ng dalawa si Feye awn biglang umikot ang dalaga at pinilipit ang kamay ng dalawa matapos niyang mahuli ang kamay ng mga ito.Tinulak niya paabante ang dalawa dahilan para matumba at tumama ang kanilang mga katawan sa simento.

"Wag na wag niyo akong tatangkaing kalabanin. Hindi niyo ako kilala kaya wag niyo ng subukan kasi hindi ninyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo. At isa pa nga pala... Wag na wag niyo nang pagchichismisan ang kapatid ko dito sa loob ng campus. Lagi niyong tatandaan ang pangalang Edelyn Feye Pascual, ang taong hindi niyo gugustuhing makalaban." Matigas na sabi ni Feye habang apak-apak ang likod ng dalawa.

Kung ang ibang babae ay marg mauuna ang pangbubunganga sa pakikipagaway pero si Feye ay ibang iba. Siya yung tipo ng babae na nakasapak na bago ibuka ang bunganga at putakan ang kaaway.

"Sa susunod na pagchismisan niyo pa ang kapatid kong si Nathan ay hindi lang iyan ang ipapatikim ko sa iniyong dalawa kaya huwag niyo ng subukan." Sabi pa ni Feye. Kung siguro ito yung karaniwang tao na lagi niyang nakakalaban nuon sa Zexna kapag hinuhuli niya, siguradong mako-confine ang dalawang chismosa ng higit sa dalawa o tatlong buwan sa ospital dahil sa dami ng mga baling buto na makukuha ng mga ito mula kay Feye.

"Te-teka kapatid mo si Nathan?" Nauutal na tanong ni Gel.

"Oo bakit may angal ka?" Sabi ni Feye.

"Wa-wala. Sige hindi na namin ulit paguusapan si Nathan. Pangako, basta pakawalan mo lang kami." Nagmamakaawang sabi pa ni Gel. Napangiti naman si Feye sa mga narinig niya.

"Siguraduhin niyo lang dahil kapag nalaman kong inulit niyo pa ito.. Kagaya ng sinabi ko, hindi lang iyan ang matitikman niyo." sabi ni Feye at saka uamalis sa ibabaw ng dalawa, papunta na siya ngayon kung saan niya iniwan si Nathan kanina.

"Psh. Grabe naman. Ang brutal mo talaga." Sabi Nathan kay Feye ng makalapit na ito sa kaniya.

"Pwede ba? mag thankyou ka nalang. Tara na nga baka malate pa tayo." PAaaya ni Feya sa kakambal. Samantalang si Nathan naman ay walang nagawa kung hindi sundan nalang ang kakambal.

***

GrEycco 1723

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...