#IHK51
Ilang minuto nang nawala sa punto de bista niya ang motorsiklo sakay si Andres at Miala, pero nakatulala pa rin si Lenard sa windshield ng kotse niya.
Hindi niya alam kung bakit siya umabot sa ganito. He knew since the beginning that he was not just alone. He's also lonely. Very lonely. The point that holds on to the first connection he sees.
He's such a desperate connection-seeker.
He knows his faults.
He's bad at all the basic things in life: Expressing the right feelings. Making the right decisions. Telling someone what he really wants. Explaining why he acts a certain way. Paying attention to people. And knowing exactly what he wants.
Hindi niya alam kung paano ito nagsimula. Pero simula nang magkagulo sa bahay nila, all he wants is to be okay. Sa unang problema pa lang, gusto na agad niya ng madaling solusyon.
He was so hurt and drowned in the dark place that he's in, na unang bagay na magbigay sa kanya ng liwanag, kakapitan na niya. Para siyang gamu-gamo. Lalapit at lalapit siya sa daan papuntang liwanag na kahit delikado, tuloy-tuloy pa rin. He didn't have enough foresight to know that these things weren't really good for him. Kaya 'yung totoong kailangan niya at may kailangan sa kanya, nakakalimutan niya na.
Isa siyang hangal.
When he thought his family is being destroyed by his dad, gusto niya na lang lumipad papunta sa nanay niya.
And when the tables were turned, ayaw niya nang may marinig tungkol dito, na pati si Miala, nadamay in this dark new light towards his mom. Na buong akala niya, sa bawat paglapit ni Angeli sa kanya- sa bawat sinasabi nito on what he thought is an escape to all his mess, makakabuti. Pero mas napasama pa.
When he thought he really got Angeli pregnant, baka ito na talaga ang chance niya para itama lahat ng mali sa buhay niya. That maybe he can be a parent he has always wanted. He was such an escapist that he can't even process that he can't start all over again without cleaning up all the mess in the past.
He knew he can't just go back especially when he fucked up again. Noong nalaman niyang hindi naman talaga buntis si Angeli, hindi na niya alam talaga kung paano magsisimula. Alam niyang hindi na niya kayang balikan pa lahat ng naiwan niya. At kung sisimulan niya man, sigurado mahihirapan siya.
Hindi ba't dumayo pa siya papuntang Del Verde campus kahit na ayaw niya na ring magpunta sa lugar na 'yun? The first time he saw Miala being so happy following the dream they built together.
He already knew na napagiwanan na siya ng panahon. That life went on and on. Na ilang beses pa rin sumikat ang araw. Umikot pa rin ang mundo. Naging normal pa rin ang lahat ng nasa paligid niya. At siya na lang siguro 'yung naiwan sa lugar kung saan siya tumigil. O baka nga mas lalo pa siyang lumayo pa. Parang siyang tumanda ng paurong. Pero noong nakita niya si Miala noong araw na 'yun, mas lalo niya pang naintindihan kung paano na siya naiwan.
He knew he should say sorry, but instead, so many overwhelming feelings overcame his entire being that he didn't even know he went go out of there. All he knew is that he didn't want to bother her anymore, and maybe it's better off that way. Na hindi na niya ito guguluhin pa at ipaalala lahat ng nagawa niya. He thought it's the best way to go.
But of course, he was wrong.
Again.
Always.
Nagpakalayo-layo siya.
He worked whatever that feeds him. He wanted to start over. Naging barista. Naging part time worker sa kung ano-anong establishments. Until he is able to maintain his photography hobbies. Desidido na talaga siyang hindi gambalain lahat ng mga tao at mundong nagulo niya. At lahat ng taong gumulo sa kanya. Kay lola Roxy na lang siya napadpad na hindi man lang siya binigyan ng kahit anong judgment at puro pagtanggap.
Alam niyang sira na ang buhay niya and all he can do is to move forward.
Noong nakilala niya si Graciella, she gave him the world. She accepted him for who he is. Out of school youth. Halos wala nga siyang pangarap noon eh. And he knew it's love. He thought it is love. Panibago na namang taong nagbibigay sa kanya ng liwanag.
He never knew he will come back home. Hindi niya alam na sabay na magkakapatawaran sila ng tatay niya, at iimbitahan siya ni Tom sa kasal nito. Which is one of the best decisions he had done. Dahil kung hindi, at mababalitaan niya na lang ang sakit nito sa iba, baka mabaliw na naman siya sa maling desisyon na 'yun.
Ang hindi niya inasahan ay 'yung malaman niya na mahal pa rin siya ni Mia. At mahal pa rin niya ito.
'Sa isip na naman niya. Baka 'eto na talaga. Baka this time, the signs were al right. That finally, the universe has conspired. Baka binigyan na siya ng pagkakataon na itama lahat at ibalik sa dati.
But he was, once again, wrong.
Hindi niya na alam kung ano na nga ba talaga 'yung pagmamahal. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang mali. Kung bakit hindi niya kayang pumili ng tama sa mali.
Akala niya kasi, kapag nandiyan na ang pagmamahal sa harap niya, it can save him from anything. 'Yung pagmamahal ng nanay niya, pagmamahal ni Angeli, pagmamahal ni lola, pagmamahal ni Gracy, at ngayon 'yung pagmamahal ni Mia.
Pero mali. Pero hindi.
Parang wala siyang kakayahang ayusin ang buhay niya. Dahil tama naman si Mia eh. Hindi niya dapat sinisisi sa iba ang lahat ng kinahantungan niya.
He was wrong.
Kasalanan niya din. Kaya lang sana, may nakakaintindi din at gumagabay sa kanya. He just wished it wasn't so sad.
Pinagpag niya 'yung mga nabasag na salamin sa tagiliran niya.
He didn't even know how the hell can a punch destroy a window, pero nagawa ito nung Andres na 'yun. He thought the same punch would land on his face pero hindi. Hindi siya nito sinaktan for what he did to Mia. And he felt worse. Hindi niya alam kung anong klaseng demonyo siya para gawin 'yun.
He didn't know if he really doesn't know how to love, or he just doesn't understand love at all.
Dinala ni Andres si Mia sa isang vet clinic. Doon siya umiyak ng umiyak. All the facade that he put up in front of Lenard, nabasag. And she has never felt so secure than this.
Inside his hugs suddenly became her favorite place.
Just. Like. This.
As soon as she's sober, at saka lang siya tinanong ni Andres ng kung ano-ano.
"I'm sorry if I arrived late."
Pinunasan ni Mia ang luha at halos matawa.
"You are not." Dahil hindi niya nga inaasahan na makikita siya nito. He didn't know why the first person he texted wasn't her mom, nor Riley. Considering her phone's battery na kahit na anong segundo noong oras na 'yun ay mamamatay na.
She typed it vaguely sa sobrang limitado ng oras niya. She texted him to get her at ang malapit na lugar na dinadaanan nila. Ni hindi niya na nga nabanggit na nakasakay siya sa sasakyan ni Lenard eh. She was also unable to tell through text kung anong masamang nangyayari.
But he just came. He still came.
She didn't know how exactly did he realize that something is wrong and that something bad is happening inside Lenard's car. Siguro masyado na rin siyang lasing to figure this out. But the moment he punched the side window just to roll their windows and release the childlock, it felt like she was taken out of thunderstorms.
Parang mga maliliit na diyamanteng nabasag ang bintana ng sasakyan. May mga ilan pa nga na tumama sa kanya.
But it didn't matter.
"Were you hurt? Did he hurt you?"
Ngumiti siya. Until she realized that it wasn't she who's really hurt. Agad niyang kinuha ang kamay ni Andres.
"Ikaw nga 'tong nasaktan!"
His knuckles had a few bruises.
"I'm okay." Ngumiti si Andres.
"Hindi ka ba nabalian?! Oh my god."
"I'm okay. It's okay."
But Miala thinks it's not okay. Parang naiiyak na naman siya.
"Tignan mo..." She is fighting her tears from falling. "Nandamay ka pa. This is the reason why I can't be with you. Ayan, nasaktan ka na. Nasaktan na kita. Nadamay ka pa doon."
"Damn, Miyaw. Kung wala ako doon, god knows." Miala felt his knuckles hardened. "Ano ba kasing ginagawa niya sa'yo? Bakit ka niya kinukulong sa sasakyan niya. I only didn't want to report him to the police because I only thought you wouldn't want your mom to know. That's why you texted me."
Umiling si Mia.
"I figured."
Doon lang napansin ni Mia kung nasaan sila. Isa itong clinic. Vet clinic.
"Nasaan na naman tayo."
Ngumiti lang si Andres.
"May first aid kit ba dito?" She further inquired. Pero naghahanap na rin siya sa paligid.
Pag bukas niya ng ilalim ng sink, nakita niya na agad ito.
"Okay lang kasi ako." Sagot ni Andres pero hindi naman nito binabawi ang kamay na sinisimulan na niyang linisin.
"Dumiretso na kaya tayo sa ospital?" Tanong ni Mia while inspecting his hand.
Then she heard him chuckle.
"Ospital? Okay nga lang kasi. Hindi ako nabalian." He even flexed his fingers and knuckles.
Pero hindi pa rin maintindihan ni Miala how he did it.
But Andres was able to do it because of too much adrenaline. Para mabasag ang bintana with his bare hands, he dis run a significant risk of breaking a bone in his hand. And it didn't matter at that time. It was very clear the moment he arrived that there's something wrong. Nakatakip ang tenga ni Miala gamit ang dalawang kamay and her eyes were closed. And he did the first thing na naisip niya.
Pagkatapos gamutin ni Miala ang kamay ni Andres, doon lang siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong ulit kung nasaan sila.
"Kaninong clinic ba ito? Kaninong friend naman?"
"Sa friend mo."
"Friend ko? Sinong friend ko?"
"Sa'kin."
"Huh?!"
Natawa si Andres.
"'Di nga?!"
"Clinic mo lang ba 'to? Parang business tapos may vets ka on call or—"
"Akin nga 'to." Inilabas ni Andres ang wallet niya at binigay kay Miala ang ang PRC card. Professional Identification Card ito na naglalaman ng pangalan ni Andres with a tag below saying VETERINARIAN.
"Gago!" Ani Miala sa sobrang gulat.
"Gago talaga ako."
"No, sorry. Expression lang. Kasi paano-" Hindi niya masabing hindi siya makapaniwala that he has a proper job without sounding offensive. Akala kasi talaga niya, nagbabanda-banda lang ito.
"I only work here by appointment. Mas madalas nasa shelter ako 'di ba? Or kapag hindi naman, kasama 'yung McDodo."
Hindi makapagsalita si Mia. It's only now that she's fully digesting that his love for the animals weren't just for there as a display. Kaya pala may mga pa battle of the bands pa ito for the animals. At 'yung pagpunta-punta pa nila sa shelter para kay Matti, hindi lang ito dahil gusto niya rin ng mga aso. Ngayon niya lang din na-realize how he had so much knowledge about the animal's condition, pati na rin 'yung paguusap nila about euthanasia. Now she is wondering why she didn't find it odd that Andres can view things like that, eh ito pala mismo ang doctor of veterinary medicine. 'Yung para sa kanya, pangarap niya lang.
"Akala mo McDodo lang pinagkakaabalahan ko?" He had a smile on his face. Mukhang halata pa rin sa mukha ni Miala ang hindi paniniwala.
"Hindi naman. Wala lang din namang masama sa pagbabanda, pero 'yung McDodo?—"
"Raphus cucullatus."
"Huh?"
"Dodo. Raphus cucullatus. 'Yung Mauritian extinct flightless bird." He is explaining the meaning of their bandname.
Napanganga si Miala. All the while medyo pinagtatawanan pa rin niya 'yung pangalan ng banda ni Andres. She of all people ang hindi nakaisip na ang Dodo sa McDodo ay 'yung ibon na 'yun! Siya na estudyante na nagaaral sa mga hayop? She felt a little ashamed.
"Eh 'yung Mc? May ibig sabihin din ba 'yun? Gusto niyo siguro lahat ng McDo."
"Motorcycle club."
"Haha." Natatawa si Miala pero napapakamot siya. "Mali pa rin pala ako."
"Okay lang din naman na McDo. Pero fries lang gusto namin d'on eh. Mas Jollibee kami."
Hindi pa rin makapaniwala si Mia sa mga naririnig that she is almost completely forgetting about Lenard's revelations earlier. Hindi niya alam kung dahil gusto niya lang ito kalimutan agad 'yung mga masasakit, kaya mas naiisip niya ang mga nakakatuwang sinasabi ni Andres ang ine-enternain ng utak niya.
"Nakakaloka."
"Are you really okay?" Hinawakan ni Andres ang pisngi niya. Napatigil siya sa pagtawa. She felt his bandaged hand on her face.
"I want to be okay."
"You will be..."
Umupo sila sa maliit na couch nang magkatabi. Ilang sandali pa, Miala leaned her head on his shoulders at nanatili sa tahimik.
"Distract me."
"What?"
"Distract me..." Inulit niya lang. Ayaw niyang sabihin na naiisip niya na naman kasi 'yung nangyari kanina sa kanila ni Lenard, and she didn't like this kind of silence. But Andres seemed to understand.
"What do you want to hear?"
"Kahit ano..."
"Uhm... did you know that we've already met 4 years ago?"
"Weh?" Napabangon siya to look at his face.
And he seems not to be lying. Bakit ba siya nagdududa. Kelan pa ba ito nagsinungaling sa kanya? Pero baka kasi sinasabi lang ito nito to keep her from thinking what he's thinking. And he was successful.
"Totoo ba? Even before the wedding?"
"Oo."
"Paano?! Saan?"
"Basta."
"Tignan mo siya oh! Anong basta?"
"Basta... Hayaan mo na, hindi mo naman naalala, so bakit pa natin pinaguusapan?"
"Bakit mo sinabi kung ayaw mo pag-usapan?"
"Sabi mo kasi, i-distract ka."
"Eh 'di iisipin ko na at 'di na ako makakatulog sa kaiisip kung saan tayo nagkita!?"
"Eh 'di okay? At least na-distract ka."
"Sabihin mo naaaaa!" Gusto niyang kurutin si Andres. "Saan tayo nagkita?! Nakilala mo na ba ako noon? Kilala mo na ba ako 'nung nagkita tayo sa kasal? Eh ba't ang taray-taray mo 'nun?!" Sunod-sunod ang tanong ni Miala pero nakangiti lang ang lalaki.
"Kainis naman 'to!!"
"Basta, huwag mo nang isipin 'yun. Huwag mo na siyang isipin."
And she knew what was he pertaining to.
"And if it's possible, talk things through with your mom. Okay?"
Sasagot pa sana siya when her phone rings. Tumatawag na ang nanay niya. Alam niyang gabi na.
"Ma? Dumaan lang ako ng ospital. Pauwi na rin." She lied.
Kaya ang laking guilt ang nagbakas sa mukha niya, especially as Andres looks at her as if looking through her soul. Kakasabi lang nito na makipagusap sa nanay niya para maayos ang lahat, pero 'eto siya, harap-harapang nagsisinungaling.
Paano ba naman kasi, she just didn't know how to start explaining everything, without telling something the things from the past.
"I'm sorry..." She whispered.
Pagkauwi ng bahay, hindi niya nakita ang kotse ni Lenard doon. She didn't know if the guy didn't go home, o nandito na ito, pero hindi lang inuwi ang sasakyan. But as soon as she gets inside, dumiretso siya agad sa kwarto ng nanay niya at ng tito Sonny niya at kumatok.
"Ma? Ma?" Mahinang sabi niya at agad naman siyang pinagbuksan ng pinto.
"Ano 'yun Mia? May kailangan ka?" Sabi ni Mindy habang nagmamano ang anak.
"Ma... Pwede ka bang makausap?"
At saka lang parang kinabahan si Mindy sa kung anong sasabihin ng anak. Pati tuloy si Miala, nahawa sa kaba na ito, at kumabog ng sobrang lakas ang dibdib habang sinasara ng nanay niya ang pinto sa kwarto nito at Sonny, at hinihila siya pababa sa kung saan walang makakarinig.
"Kinakabahan naman ako sa'yo Mia eh. Ano bang sasabihin mo?"
Para tuloy nawala lahat ng nasa isip ni Miala. Nagsabaw na naman ang utak niya habang iniisip kung ano ba talaga ang una at pwedeng sabihin sa nanay niya para masimulan ng maayos ang lahat ng ito.
Pero dahil wala siyang kakayahang buksan lahat ng mga nangyari noong nakaraan, all she can think of is the fact na ayaw niya nang makasama si Lenard sa loob ng iisang bahay. Especially after what happened earlier.
Sobrang nang delikado.
Siguro, kapag nailayo niya na ang sarili niya, baka mas masimulan niyang masabi lahat ng namamagitan sa kanila ni Lenard.
"Ma?" She started. "Open pa ba 'yung offer mo sa'kin dati na magsarili? 'Yung hindi dito nakatira? Kasi, gusto ko sanang lumipat na muna?"
Bakas sa mukha ni Mindy ang gulat at pag-aalala.
"B-bakit?!"
*later*
Oh didn't you see this coming?
>>Next Chapter: Chapter 52 - I want to love you