Brother's Obsession [EDITING]

By EiseuPalansaek

910K 14K 1.9K

Warning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your bro... More

BO - Prologue
BO - Chapter 1
BO - Chapter 2
BO - Chapter 3
BO - Chapter 4
BO - Chapter 5
BO - Chapter 6
BO - Chapter 7
BO - Chapter 8
BO - Chapter 10
BO - Chapter 11
BO - Chapter 12
BO - Chapter 13
BO - Chapter 14
BO - Chapter 15
BO - Chapter 16
BO - Chapter 17
BO - Chapter 18
BO - Chapter 19
BO - Chapter 20
BO - Chapter 21
BO - Chapter 22
BO - Chapter 23
BO - Chapter 24
BO - Chapter 25
BO - Chapter 26
BO - Chapter 27
BO - Chapter 28
BO - Chapter 29
BO - Chapter 30
BO - Chapter 31
BO - Chapter 32
BO - Chapter 33
BO - Chapter 34
BO - Chapter 35
BO - Chapter 36
BO - Chapter 37
BO - Chapter 38
BO - Chapter 39
BO - Chapter 40
BO - Chapter 41
BO - Chapter 42
BO - Chapter 43
BO - Chapter 44
BO - Chapter 45
BO - Chapter 46
BO - Chapter 47
BO - Chapter 48
BO - Chapter 49
BO - Chapter 50

BO - Chapter 9

23.2K 366 27
By EiseuPalansaek

[THIRD PERSON's P.O.V.]

Kinabukasan, pagkaalis ng mga magulang nila pabalik sa states. Alas-dos nang hapon ay naiwan naman si Darko sa bahay. Habang ang kapatid naman niya ay nagpunta mag-isa sa mall upang mamili ng mga groceries dahil wala na silang stocks sa refrigerator.

Gusto man niyang samahan ito sa kadahilanang baka may humawak o lumapit o makipag-usap dito na hindi niya mapapayagan ay pinagpaliban na lang niya. Kaya inutusan na lang niya ang isa sa tauhan niya na sundan at manmanan ito.

Baka kasi kung sasamahan niya ito ay hindi niya maisagawa ang plano niya.

Kailangan niyang maisagawa ang plano dahil para sa kanilang dalawa ito. Para wala nang humadlang pa sa pag-iibigan nila.

Pumasok siya sa kwarto niya at agad itong ni-lock.

Pagkapasok niya, naglakad siya patungo sa bookshelf niya. Sa maliit na fingerprint reader sa bookshelf na tanging siya lamang ang nakakaalam ay tinapat niya ang hinlalaki niya at dinikit doon. Gaya ng inaasahan, nagbukas naman na parang pinto ang bookshelf at bumungad sa kanya ang isang silid kung saan nakatago ang mga bagay na kakailanganin niya sa oras na may humadlang sa mga plano niya.

At ito na nga ang oras na 'yun.

Pagkapasok niya sa silid, awtomatiko naman na nagsara ang pinto na sa labas ay mukhang bookshelf.

Lumapit siya sa nag-iisang kama doon kung saan ang bedsheet ay ang larawan ng kapatid na pasikreto niyang kinunan habang ito ay natutulog sa kama niya.

Umupo siya sa kama at banayad niyang hinaplos ang kanang palad niya sa bedsheet.

I can't wait any longer to finally claim you, Dara. Don't worry. We will live together, forever. No one can break us apart.

Sambit niya sa sarili at pagkatapos ay inilapit ang sarili sa bedsheet upang halikan ang larawan dito. Idinikit niya ang pisngi niya malapit sa pisngi ni Dara sa larawan at pinikit niya ang kanyang mga mata na animo'y ninanamnam ang presensya ng dalaga.

"I love you, Dara. No one can get you away from me."

At pagkatapos na muling dampian ng labi ang mga labi nito sa larawan ay tumayo siya at naglakad papalapit sa napakalaking cabinet sa silid. Pagbukas niya nito, agad bumungad sa kanya ang lahat ng kinakailangan niya sa oras na may humadlang sa kanilang pagmamahalan.

Ang iba't ibang klase ng baril pati na ang napakaraming bala para magamit ito. Kinuha niya ang isang baril na nakasabit sa pinakagitna ng malawak na loob ng cabinet. Ang baril na 'pag ipinutok ay walang sinumang makakarinig ngunit tatagos ang bala sa katawan ng sinumang matatamaan.

Hinawakan niya ito gamit ang kanan niyang kamay at hinaplos ng hintuturo't panggitnang daliri ng kanyang kaliwang kamay ang baril na ito mula sa muzzle papunta sa front sight, sa barrel, hanggang sa rear sight, habang nakapaskil sa kanyang mga labi ang malademonyo niyang ngisi kasabay ng pagdidilim ng kanyang mga mata.

It's been a long time. Now I could finally use you again.

He smirked at that thought.

Pero bago niya gamitin 'yun, may isang plano ang naglalaro sa kanyang isipan para hindi na mahadlangan ang pagmamahalan nila ng pinakamamahal niyang si Dara.

-

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hapon at nandito ako sa Robinson department store kung saan kami namili ng ingredients ni Luke. Dito ko na rin naisipan mamili ng mga stocks sa kitchen namin sa bahay. Halos wala na kasing laman ang refrigerator namin.

Buti na nga lang, hindi ako sinamahan ni kuya kundi hindi ako makakakilos nang malaya dahil sa presensya niya.

Pumunta ako sa meat section at kumuha ng dalawang kilong karne. Pagkatapos ay sa mga gulay. Kumuha ako ng iba't-ibang gulay katulad ng repolyo, pechay, sitaw, onions, and garlics. Halos lahat ay nakuha ko na. Ngayon ay kukuha na lang ako ng iba't-ibang mga prutas at ingredients pang dessert.

Pagkatapos ko mamili, papunta na sana ako sa cashier habang tulak tulak ang cart ng mga pinamili ko nang may bigla akong nakabangga na nagtutulak din ng cart.

"Ay, sorry po."

"I'm sorry."

Halos sabay naming sabi. At nang makilala ko ang boses na ito, napaangat ang tingin ko sa taong pinanggalingan ng boses. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko ang taong 'to.

"Luke."

"Fiancée."

Halos sabay ulit namin na sabi. Hindi ko naman maiwasan mamula sa binanggit niya. Naalala ko bigla ang nangyari kahapon na siyang dahilan upang lalong mag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Haha. You're blushing, fiancée." Napalabi naman ako at napasimangot sa kanya. "Anyway, are you alone?" Tanong niya at tumango na lang ako dahil nahihiya pa rin ako.

Nandito pa rin kami at nakapila ang mga hawak-hawak naming cart.

"Hmm. Can I invite you to have some snacks with me after we pay all of these?"

Matapos ko bayaran ang mga pinamili ko at ang mga pinamili niya, dinala na muna namin papunta sa parking lot ang mga Eco-bag na dala namin. Tatlong eco-bag pala ang naipamili ko habang sa kanya naman ay dalawang eco-bag lang pero sa mga oras na ito, nakita ko na naman sa kanya ang pagiging maginoo niya. Isang eco-bag lang ang hinayaan niyang buhatin ko at siya na ang nagdala ng iba pa. Nung una, ang gusto niya, siya na ang magbubuhat lahat ng mga pinamili namin pero hindi na ako pumayag kasi nakakahiya naman sa kanya kung siya lang ang bubuhat lahat. Inalok na nga niya ako na siya nang maghahatid sa akin sa bahay namin tapos siya pang pagbubuhatin ko? Pero hindi ko inexpect na may pagka-persuasive pala siya. Kaya wala na akong nagawa pa kundi pumayag sa nais niya na tulungan ako.

Pagkalagay ng mga pinamili namin sa compartment ng sasakyan niya, bumalik na kami papasok sa loob ng mall.

Habang naglalakad, naramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko kaya napatigil ako at tiningnan siya na nagtatanong kung bakit?

"I am your fiancé, right? So I have the right to do this?" Banayad niyang tanong kaya wala na lang akong nagawa kundi tumango at ngitian siya pabalik.

Binalik ko ang tingin sa nilalakaran namin at naramdaman ko na lang na in-intertwined niya ang aming mga daliri sa magkahawak naming kamay.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit gan'to ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Samantalang kakakilala pa lang namin at bago lang kami na naging magkaibigan.

Sa mga oras na ito, habang nasa loob na kami ng isang fine dining restaurant dito sa mall. Hindi ko maiwasang mapaisip sa nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba sa tuwing aalis ako, pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin?

Yes. Kanina ko pa itong nararamdaman nung nasa dept store pa lang ako. Pero ipinagsasawalang bahala ko na lang. Dahil baka nag-aassume lang ako. Yeah. Ganon na nga siguro.

"Fiancée," Nakangiting tawag sa akin ni Luke after makaalis ng waiter matapos niya sabihin ang order namin.

Hindi ko naman maiwasan na simangutan siya.

"Luke naman, stop calling me fiancée."

"But you're my fiancée." Nahihimigan ko sa tono ng pananalita niya na parang inaasar na niya ako.

"Yeah. But you can still call me Dara." Naka-pout na sabi ko pero nakangiti lang siya na parang nagpipigil na ng tawa kaya napasimangot ako lalo. "Sige ka, 'pag pinagpatuloy mo ang pagtawag sa akin nyan, hindi na kita papansinin."

"Hahaha. Okay, okay." Natatawa niyang pahayag kaya napangiti na rin ako. Pero bigla'y sumeryoso ang anyo niya kaya nawala ang pagkakangiti ko at nagtataka ko siyang tiningnan. "You still haven't change. You're still the Dara I've known before. And I like you for that." And then he smiled. A genuine one. But..

"Huh?"

What does he mean by that?

"Hindi mo pa rin naaalala?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya kaya napakunot-noo ako.

Hindi ko siya maintindihan.

Magsasalita na sana ako nang dumating na ang waiter dala ang mga inorder namin.

Matapos mai-serve ang mga order namin, at sabihin ng waiter ang mga katagang 'enjoy your meal', iniwan na kami nito.

Binalik ko ang tingin ko kay Luke na ngayon ay nakangiti na.

"Let's eat." Masigla niyang pahayag pero hindi ko naman magawang ngumiti dahil pakiramdam ko, hindi talaga siya masaya.

At ang mga tanong na gumugulo sa isip ko sa mga oras na ito ay gusto ko sanang itanong sa kanya pero hindi ko magawa.

Kaya wala na akong nagawa kundi kumain na lang habang hindi ako magkandaugaga sa panaka-nakang pagsulyap ko sa kaharap ko na hindi ko alam kung talagang totoo ba ang mga ngiti niya sa mga oras na ito.

Hindi ko maiwasan mag-alala. Nilapag ko ang mga kubyertos na gamit ko sa plato at hinarap siya na patuloy pa rin sa pagkain habang nakapaskil pa rin sa mga labi niya ang mga ngiti niya ngayon na alam kong peke.

"Luke." Napatingin siya sa akin nang banggitin ko ang pangalan niya kasabay ng paghawak sa isang kamay niya.

Pero napatayo na lang ako nang biglang matumba si Luke at napasalampak sa sahig mula sa pagkakaupo.

Pagtingin ko sa kanya, hawak niya ang labi niya na ngayon ay nagdudugo na.

Teka? Saan galing 'yun?

Nilapitan ko siya at akmang hahawakan na nang may biglang humablot ng braso ko.

Nang tingnan ko kung sino. Nakita ko na lang ang nanlilisik niyang mga mata na nakatutok ngayon sa nasa sahig pa rin na si Luke.

"Kuya?"

Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako? Yeah. Alam niyang nandito ako sa mall at namimili pero duh. Ang laki-laki ng mall, tapos natagpuan pa niya ako?

Sa itsura niya ngayon. Hindi ko alam kung paano magre-react kaya..

Napalunok ako. Kitang-kita ko ang pag-iigting ng kanyang panga habang nakatitig nang masama kay Luke na ngayon ay tumatayo na habang hawak pa rin ang labi niyang may bahid ng dugo.

Sinubukan ko siyang lapitan pero pinipigilan ako ni kuya at hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa braso ko.

"Brother-in-law." Bati ni Luke dito sabay lahad niya ng kamay kay kuya ngunit inismidan lang siya ni kuya.

"I'm not your brother-in-law. Damn you!" At pagkatapos niyang sabihin 'yun kay Luke gamit ang napakalamig niyang boses ay mabilis niya akong kinaladkad palabas ng restaurant kung saan madaming tao na ang nakikiusosyo habang ang mga waiter naman ay hindi na malaman ang gagawin.

"T-teka lang kuya." Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakahawak niya pero ano namang laban ko sa kanya eh mas malakas siya sa akin.

"Shut up!" Napasimangot ako sa galit niyang sambit. Ano bang problema niya?!

Pansin kong ang dami ng taong nagtitinginan na para bang nanonood sila ng movie. Tch. Kainis.

Nakakahiya kay Luke.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatigil nang maalala ko 'yung mga groceries na pinamili ko ay nasa sasakyan ni Luke.

Tiningnan ako ni kuya nang masama pero..

"Kuya. 'Yung mga pinamili ko po nasa--"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang maramdaman kong biglang may humawak sa kabilang braso ko.

Napatingin ako sa taong 'yun.

"Fiancée, ako nang maghahatid sa'yo."

Napabitaw sa akin si Luke nang hilahin ako ni kuya mula sa pagkakahawak niya.

"Are you trying to annoy me, asshole?!" Nahihimigan ko na ang mapanganib na boses ni kuya.

Pero..

"K-kuya, he's right. At isa pa, we should get to know each other para sa kasal nam--"

"P-t-ngina, Dara! Walang magaganap na kasal niyong dalawa! Hindi ko hahayaang magpakasal kayo!" Nagulat kami sa biglaang outburst ni kuya.

Maging ang mga tao ay nagsimula nang magbulung-bulungan.

Kahit alam kong sobrang nagagalit na si kuya sa hindi ko malaman na dahilan, pinili ko pa rin hawakan siya sa braso para pakalmahin siya.

"K-kuya, huwag po tayong gumawa ng eksena d-dito." Hindi ko maiwasan na manginig ang boses ko.

Natatakot ako sa mangyayari. At kinakabahan sa pwede niyang gawin.

Ngumisi lang siya sa akin at kinaladkad na ako papunta sa parking lot.

Sinenyasan ko si Luke na sumunod sa amin. Dahil 'yung mga pinamili ko ay nasa sasakyan niya.

Nang makarating kami sa parking lot, kinaladkad ako ni kuya papunta sa sasakyan niya pero nagpumiglas na ako.

"Kuya. Sa kanya nga ako sasabay! Nasa kanya 'yung mga pinamili ko."

Naiinis kong sambit sa kanya pero hindi pa rin niya pinapakawalan ang braso ko at pilit na isinasakay sa sasakyan niya.

"Bro. Ako nang bahala kay Dara."

Rinig kong saad ni Luke kaya napatingin ako sa kanya at hahawakan na niya sana ako pero nagulat na lang ako nang may biglang dalawang lalaking sumulpot at hinawakan siya sa magkabila niyang braso upang pigilan ito na lumapit sa akin.

Naiinis kong tiningnan si kuya pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Nagtatagis ang mga bagang niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata kay Luke na ngayon ay nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.

"Try to get near to Dara and I will not think twice to shoot the bullet of this gun on your head!" Mapanganib niyang pahayag habang diretsong nakatutok kay Luke ang baril na hawak-hawak ng isa niyang kamay na hindi ko maatim tingnan na hawak niya.

Nanginginig na ako sa takot. At pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko. Bakit siya mayroong ganyan?

"K-kuya."

Pagkatapos kong sabihin 'yun, isinakay na niya ako sa front seat ng sasakyan niya at agad itong sinara.

Gusto ko man lumabas mula sa sasakyan niya pero hindi ako makagalaw nang maayos at patuloy pa rin na nanginginig ang mga tuhod ko. Nanghihina ako sa mga nasasaksihan ko.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. Ni walang pumapasok sa isip ko kundi gulat, takot, kaba, at pangangamba.

Nasa tabi ko na si kuya na nakaupo sa driver's seat pero hindi ko ito matapunan ng tingin dahil hindi pa rin talaga rumerehistro sa isip ko ang mga nasaksihan ng mga mata ko.

Naramdaman ko na lang na may tinakip si kuya na panyo sa ilong at bibig ko at nang malanghap ko ito, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at nilamon na ako ng kadiliman.

-

-

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
90.5K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...