Kwento ng Tao

Від Jhairusman

15.5K 262 99

Ano ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa... Більше

Chapter 1: Nalilito Lapid
Chapter 2: Amoy kahapon
Chapter 3: Pangalawang dalawa
Chapter 4: JS like that
Chapter 5: Iniwang Ibon
Chapter 6: Tropa ko si Rizal
Chapter 7: Jasminum Sambac
Chapter 8: Patay
Chapter 9: Walis walis lang iho
Chapter 10: Paalam
Chapter 12: Zombies & Vampires
Chapter 13: Hindi Naintindihan
Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan
Chapter 15: Lahat
Chapter 16: Kaarawan
Chapter 17: Pangalawang Ibon
Chapter 18: Umiwang Ibon
Chapter 19: Babae
Chapter 20: Gandang Lalake
Chapter 21: Salu-salo
Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
Chapter 23: Dalawang Pangalan
Chapter 24: Pera at Hiling

Chapter 11: Tinahing Bulaklak

337 7 1
Від Jhairusman

Chapter 11: Tinahing Bulaklak

Nagising na lang ako sa ospital. Ayoko talaga sa ospital. Nakita ko yung oras, 7:20. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong oras na ba kasi walang bintana dun sa kwarto ko. Di ako pwede tumakas. Nakita kong naka-pang ospital na naman ako, yung suot. Wala rin ako nung oxygen or dextrose.  Dahil sa kakaisip ko, di ko napansin na nasa tabi ko pala si Sam. Naka-patong yung pisngi n’ya sa magkapatong nyang braso. Ginising ko s’ya at nagising naman s’ya.

“Umaga ba o gabi ngayon?” sabi ko.

“Gabi. Halos dalawang araw ka nakatulog.”

“Oh? Baket ba ako andito sa ospital?”

“Anong baket?” sabi nya. “Nung ano.”

“Ha?”

“Yung magka-yakap kaya tayo.” Sabi n’ya na nahihiya, at bigla rin akong nahiya. “Ayun, bigla ka nalang nawalan ng malay. Malay ko ba kung anong gagawin ko kaya tumawag ako agad sa ospital.”

Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahiya ako. Nalimutan ko kasi na nagyakapan nga pala kami dun na parang mga tanga.

“S’ya tara na.” sabi ko.

“Di pa pwede, sabi ng doctor at least daw 3 days ka dito. Nakakadalawang araw kana so bukas pwede kana lumabas. Tiisin mo na.”

“Ano daw bang nangyari sa akin?”

“Stress masyado. Masyado mong ginulpi yung katawan mo nung nakaraang Linggo kaya ayan tuloy.”

“Yun lang pala e. Okay na ako ngayon, tara na.”

“Di nga pwede. Makinig ka nga.”

Di na ako umimik at tumunganga nalang. Gusto ko mag-yosi. Naadik na ako sa yosi. Hindi naman s’ya masarap e, talaga lang nakaka-kalma. Kahit ano yung hihihithit ko sa totoo lang, wala akong paborito. Kahit anong available. Di ko naman kasi talaga gusto yung lasa. Wala namang lasa e. Ewan ko ba. 

“Ilang linggo nalang halos no?” biglang imik ni Sam.

“Ang?”

“Graduation na.” Sabi nya. “Ambilis, wala pa halos dalawang linggo tayong nagkakilala ng lubos tapos Graduation na agad.”

“Eh ganon talaga.”

“Ayoko pa e.”

“Ng ano?”

“Mag-Graduation.”

“Edi wag ka umattend.”

“Eh hindi naman ganon ibig kong sabihin e.”

“Alam ko.”

“Eh bakit mo pa sinabi?”

“Wala lang.”

Di na sumagot si Sam. Nakatingin lang s’ya sa kamay ko tapos kinukutkot yung sarili n’yang kamay. Parang sa isang sandali, napagkamalan ko s’yang si Kamiseta. Para kasing sinuot n’ya rin yung mapupungay na mata ni Kamiseta, sa isang sandali. Kalungkutan lang ang bumabalot sa aming dalawa. Hindi ko masabi kung ano, di na ako masyadong gulat sa pagkamatay ni Tita at nakatatak parin sa akin yung mga sinabi n’ya dun sa sulat. Pero madami paring bumabalot sa utak ko, di ko parin naiisipan ng paraan yung kaso ni Kamiseta. Ang nakakapagtaka ay walang balita kay Red Horse, o sa tatay ni Kamiseta. Parang hindi man lang s’ya hinahanap. Mga sitwasyong ganto, hindi mo alam kung anong iisipin. Minsan ganon talaga, minsan bibigyan ka ng utak mo ng mga iisipin pero hindi mo naman maisip ng maayos. Kung bakit, hindi ko alam.

“Pwede ba tayong sumayaw?” biglang alok ni Sam.

“Ha?!” nagulat talaga ako.

“Sayaw.” Sabi nya. “Kung pwede lang. Kaya mo naman gumalaw diba?”

“Bakit naman?” sabi ko. “Oo kaya ko pero bakit tayo sasayaw?”

“Wala lang.” Sabi nya. “Gusto ko lang sumayaw. Masarap kaya sumayaw. May onti akong alam sa pag-sayaw pero hindi yung tipong nakikita mo ngayon sa TV. Puro tumbling at kung ano man. Hindi ko alam, basta pag natripan kong sumayaw, nasayaw ako. Kahit sa kwarto, magisa.”

Alam ko yung nararamdaman n’ya. Kasi ako minsan, nag-sisisigaw ako ng HADOUKEN sa kwarto ko kapag mag-isa ako’t walang magawa.

“Tara na.” Sabi nya. “Sayaw tayo, yung parang nung JS.”

Umakyat s’ya sa kama ko, yung sa ospital. Nakayapak s’ya at hinila ako patayo. Kinakabahan ako kasi baka bumigay yung kama at baka biglang may pumasok na nurse pero hindi na talaga magpapaawat si Sam. Hinawakan n’ya yung kaliwa kong kamay, nilagay n’ya yung kanang kamay ko sa bewang n’ya at pinatong naman ang kanya. Nung nag-simula na gumalaw si Sam, bigla nalang nanlamig yung katawan ko. Para akong nasa dagat at nakikipaglaro sa alon. Ang alon na inaakit ako palalim ng palalim hangga’t natuto na ako huminga sa ilalim ng dagat. Pakiramdam ko, magaling narin akong sumayaw. Hindi gantong pakiramdam yung naranasan ko nung JS. Tapos ngumiti s’ya sakin at napangiti narin ako. Isa na ‘to sa pinakabaduy na nangyari sa buhay ko pero hindi ko ‘to pag-sisisihan kahit kailan. Minsan ka lang makahinga sa ilalim ng tubig. Isang tahimik at malumanay na sayaw sa ibabaw ng kama, sa loob ng madilim na ospital.

Pagkatapos namin sumayaw ay bumalik kami sa dating posisyon. Naka-upo s’ya sa upuan malapit sa kama at naka-upo naman ako sa kama. Uminom kami pareho ng tubig. Tapos tinginan kami ng tinginan tapos tatawa.

“Masaya diba?” sabi nya.

“Interesante.” Sabi ko.

“Kunwari kapa, magaling ka pala sumayaw e.”

“Dinala mo lang ako, ikaw yung magaling talaga.”

“Alam ko!” sabi n’ya ng proud. “Ako pa.”

“Halata naman e.” Sabi ko. “May kape ka d’yan?”

“Oo.” Sabi n’ya. “Kakalimutan ko ba ‘yon? Isa ‘yan sa tatlo mong kinaadikan e.”

“Tatlo?”

Tumayo si Sam at pumunta dun sa water dispenser, hinahanda yung kape.

“Kape, si Ryu at sigarilyo.” Sabi nya. “Putulin mo na yung pangatlo, okay?”

“Di ko pa alam.” Sabi ko. “Sa totoo lang, gusto ko nga ng isang stick ngayon e.”

“Alam kong nakaka-gaan yan ng loob, ayon sa mga naririnig ko nga; pero hindi maganda sa kalusugan mo yan. Kakasimula mo pa lang, siguro naman di pa huli para tumigil.”

“Subukan ko.”

“Gawin mo.” Sabi n’ya habang inaabot sa akin yung kape. Walang krema yung akin at meron naman sa kan’ya.”

“Alas ocho kinse na” sabi nya tapos higop ng kape. “Ilang minuto na lang aalis na ako.”

“Di paba talaga ako pwede sumama?” sabi ko. “Ayos na naman ako e.”

“Makinig ka naman, bukas aalis ka na naman e. Wag kang tumakas, walang binata dito.”

Di na ako sumagot at humigop nalang ng kape. Kailan kaya matututo mag-kape ang mga hayop no?

“Bukas kakaunin kita dito, okay?” sabi nya. “Mga alas nuwebe ng umaga.”

“Pano yung school?”

“Ayos lang yon.” Sabi nya. “Simula na ng practice kaya, hindi na masyado kelangan ng attendance. Pero papasok tayo.”

“Baka ma-binat ako.” Sabi ko, pero s’yempre palusot ko lang yon para di ako makapasok, nakakatamad e.

“Sabi mo nga diba ayos kana e.” Sabi nya. “Practice lang naman ng Graduation e.”

“Graduation.” Sabi ko ng natatawa. “Bakit ba kelangan pang mag-ensayo para ‘don?”

“Malay ko.” Sabi nya. “Di ko alam.”

“Di ko maintindihan yung mga bagay na ganon, bakit mo kailangang ensayuhin ang paglalakad. Kalokohan.”

“Eh andami mo namang arte.” Sabi nya. “Basta ha? Bukas.”

“Oo sige.” Sabi ko.

Pagkatapos naming inumin yung kape ay nagkwentuhan kame. Pinagkwentuhan namin yung mga hindi namin makakalimutang pangyayari nung HS. Hindi pala, s’ya lang yung nagsasalita at ako’y taga-pakinig at taga-Oo lang, pero nakikinig ako at natatawa din ako sa iba n’yang kwento. Natatawa ako kasi isa rin si Sam sa mga nahusgahan kong babae dati. Sa totoo lang, dati sa isip ko, si Kamiseta lang ang nakakuha ng respeto ko sa mga kaklase ko, bukod kay Million.

“Alam mo.” Sabi nya. “Hindi talaga Sampaguita pangalan ko e.”

“Ang alam ko pang-asar lang yun sayo.” Sabi ko.

“Hindi, Sampaguita talaga pangalan ko.”

“Akala ko ba hindi?” sinabi ko ng may pang-aasar, para lang malito s’ya.

“Oo, hindi!” sabi n’ya tapos kamot ng ulo. “Eh kasi ganto, dati nung bata ako. Nagbebenta lang ako ng sampaguita sa simbahan. Di ko nga alam ang pangalan ko ‘nun e.”

Humigop s’ya ng kape at huminga ng malalim. Nilalaro ang kanyang mga kuko’t daliri hangga’t nakakuha na s’ya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kwento.

“Pero tandang tanda ko non, may isang binatilyong bumili sa akin ng sampaguita, lahat. Mga 6 years old palang ako non tapos s’ya siguro mga 20 na. Tapos dinala n’ya ako sa Jollibee, at mga mga kung ano ano pang galaan. Wala akong pamilya ‘non e. Masayang masaya ako non talaga. Lagi n’ya ako dinadalaw, di naman araw araw pero madalas. Pinangako n’ya na papatirahin n’ya ako sa isang magandang bahay minsan pero hindi pa daw pwede sa kasalukuyan dahil wala pa s’yang pera. Hinintay ko yung araw na ‘yon. Hanggang sa isang araw, may nangyaring masama. Papunta s’ya sa akin at may biglang sumaksak sa kanya at kinuha yung bag n’ya. Hinabol n’ya yung magnanakaw kahit na duguan s’ya. Tapos di makalaon bumagsak din s’ya. Yung mga taombayan naman ay sinugod s’ya sa ospital. Dumating yung tatay at kapatid n’yang babae na halos limang taon ang tanda sa akin. Umiyak ang mag-ama sa pag-panaw ng lalakeng natatanging nagpahalaga sa akin. Bago s’ya malagutan ng hininga ay pinapangako n’ya muna ang kan’yang tatay na alagaan ako at patirahin ako sa isang magandang bahay. At dun ko nakilala si Ate Gumamela at Daddy. Nakatira ako ngayon sa pinakamagandang bahay sa buong mundo, hindi man ‘to malaki at grande, ito parin ang pinakamaganda para sa akin.”

“At alam mo” sabi pa ni Sam. “Yung binatilyong bumili sa akin ng sampaguita, ikaw naalala ko.”

At nung sinabi n’ya yon ay naalala ko si Jasmin. Gusto ko sanang ikwento sa kanya yon pero hindi ko alam kung pano ako kukuha ng tyempo. Hinawakan ako ni Sam sa kamay.

“Basillio ha?” sabi nya. “Wag mo akong kalimutan, ayos lang na hindi mo ko matandaan pero wag mo akong kalimutan. Pangako?”

“Para san yan?”

“Basta. Isipin mo ako, ayos lang na hindi mo ako matandaan pero wag mo akong kakalimutan.”

“Sige, pangako.”

“Di ako naniniwala.”

“Edi wag.”

“Wag mo ‘tong iisipin ha?”

“Alin?”

Biglang pumatong si Sam sa akin at hinalikan ako. Sa labi, oo. Sa totoo lang, yun ang pinakauna ‘kong beses na nakatikim ng labi ng babae. Hindi ko alam kung masarap ba dahil labi ‘to ng babae o dahil medyo lasang kape pa yung mga labi ni Sam. Tapos niyakap ko s’ya, hindi ko alam, bigla nalang gumalaw mga braso ko at bumawi narin ako ng halik. Di ko mapigilan yung kamay ko at sa totoo lang, umaakyat na sa hita ni Sam. Tapos tumulo yung luha ni Sam sa dibdib ko, pumatak. Dun, dahan dahan ng nag-kalas ang mga labi namin at ngumiti n’ya sa akin gamit ang mapupungay n’yang mga mata na parang ninakaw n’ya kay Kamiseta.

“Wag mo ‘yong tandaan, pero wag mong kalimutan ha?” sabi nya. “Lasang kape.”

Napatawa nalang ako habang tinignan ko s’yang sinarado ang pinto ng kwarto ko, kwarto ko sa ospital. Sa totoo lang, ang tagal ko nakangiti. Ako nalang mag-isa sa kwarto pero nakangiti parin ako. May pumasok na Nurse sa kwarto pero hindi si Nurse Joy, sayang. Pero babae din, nakita n’ya akong nakangiti at dun nabura ang ngiti ko. Wala naman s’yang ginawang importante, nag-check lang naman s’ya kalagayan ko at umalis narin. Pagkatapos non, inisip ko yung sayaw namin ni Sam, iniisip ko s’ya na sumasayaw sa utak ko at yung halik na binigay n’ya sakin. Wag ko daw isipin, isang imposibleng utos. Pumikit na ako at tsaka ko lang naalala, nalimutan ko pala maghapunan.

Nagising ako ng mga alas ocho trenta ng umaga. Naghilamos ako at nakita ko yung sipilyo ko, siguro sinasama na ni Sam ‘to sa mga damit ko nung dinala ako dito. Pagkatapos kong mag-ayos ay umupo na ako sa harap ng TV upang lubusin ang natitirang sampung minuto bago dumating si Sam. Naglipat lipat ako sa iba’t ibang channel pero walang matinong mapanuod. Nakakita ako ng isang channel ng golf, hindi ko maintindihan ang golf. Anlaki ng nasasayang na lupa para sa golf fields. Kalokohan lang ang golf para sa akin.

Bumukas na ‘yung pinto at andun na si Kamiseta’t Sam. Nag-ayos na ako ulit at umalis na kami sa ospital. Sabi daw ay sagot parin ni Mayor yung gastos ko. Di ko alam kung bakit pero parang may special card o kung ano ako galing sa ospital. Huling payo lang naman ng doctor sa akin ay wag na masyadong magpakapagod at mag-pahinga ng tama. Halos lahat ng sakit, ganto yung payo.

Hindi na naman ako magkakasakit pa dahil nakita ko na naman ang malalalim na mata ni Kamiseta. Naka-dress s’ya na kulay pula at pulang sapatos din. Si Sam naman ay naka itim na blouse at di ko alam yung tawag sa pambaba n’ya e, basta yung katerno din ng blouse.  Sumakay kami ng jeep at bumaba muna sa bahay, tapos nag-ayos lang ulet ako ng onti at dumerecho na kami sa school.

Pagdating namin sa school ay busy ang lahat. Ang mga elementary ay nagbabasa parin ang ABAKADA at ang mga highschool naman ay nagrereview para sa kanilang FINAL EXAM. Di ko alam, dapat nag-rereview din kami e. Ewan ko. Natapos yung araw na nag-eensayo lang kami mag-lakad. Umuwi narin ako ka-agad pagka-tapos at wala akong magawa kaya nag-basa ako ng onting libro, textbooks. Hindi ako yung tipong nag-rereview talaga pero natripan ko lang mag-basa ng history books, textbooks. Nagbasa din ako ng Mythologies. Greek, Norse at Egypt. Syempre hindi ko s’ya na-master pero favorite ko talaga ang Norse at Egypt. Greek kasi ay masyadong overexposed na at nakakatamad na, mas badass kasi yung gods sa Norse at Egypt. Si Odin, Thor at Loki sa Norse at si Amun-Ra, Set at Apophis o Apep naman sa Egypt. Alam kong alam n’yo na atheist ako pero kung ganto kabadass ang pinaniniwalaan ng karamihan sa tao ngayon, nako. Pagkatapos non, humithit ako ng isang stick at uminom ng kape at natulog na.

Lumipas ang mga araw, nag-final exam kami at pinag-patuloy parin ang pag-eensayo para sa graduation. Dumating rin yung resulta ng finals at mataas ang nakuha ko sa History at English Literature, pero hindi ako yung highest.

Ilang araw pa ay graduation na nga, andaming naka-asul na toga. Asul kasi yung parang pinaka-prominent na kulay sa school namin kaya asul rin yung toga. Alam n’yo naman siguro kung anong nangyayari sa graduation no, sermonyas, seremonyas, lakad at seremonyas. Nakakalungkot lang na wala akong kahit sinong kasama upang mag-lagay ng cap sa ulo ko pero ayos lang, hindi naman ako masyadong apektado sa mga ganong bagay. Hindi naman ako masyadong apektado ng Graduation, wala namang kwentang event to para sa akin e. Para kay Kamiseta ay andun si Gumamela upang laparan s’ya ng cap at syempre yung Daddy ni Sam ung kay Sam. Nung malapit na tawagin yung pangalan ko ay napagdesisyunan kong umupo nalang sa labas at mag-yosi. Tapos tinamad na ako bumalik, ginawa ko, binalot ko yung toga ko tapos tinapon ko dun sa bubong ng school. Pagkatapos non, pumunta ako sa kanto at napag-desisyunan kong don nalang mag-antay matapos yung program.

Nung natapos na yung program ay nakita ko agad si Million na tumatakbo papunta sa akin. Dala dala n’ya yung diplma at grad photo ko. Tawa ng tawa kasi bangas bangas ako dun sa picture e. Natatawa rin ako. Tapos umuwi na s’ya kasi daw may handaan sa kanila, pinapapunta n’ya ako at sinabi kong susunod ako. Tapos dumating na si Sam kasama si Kamiseta, Mela at Daddy n’ya. Niyakap n’ya ako at nag-pakuha kaming tatlo. Si Kamiseta sa Kaliwa, ako sa gitna at si Sam sa dulo. Tapos sabi ni Sam sakin na ihatid ko na daw si Kamiseta sa kanila, sa bahay nila. Okay na daw si Kamiseta, handa na daw s’yang umuwi. May kailangan pa daw kasi asikasuhin si Sam. Wala naman daw problema dun si Kamiseta. Tinignan ako ng matagal ni Sam bago kami umalis tapos ngumiti at sinabing “Wag mo isipin masyado, pero wag mong kalimutan.”

Nag-lakad lang kami ni Kamiseta papunta sa kanila, mga sampung minuto lang naman halos ang lakad sabi ni Kamiseta. Medyo una s’ya sa akin ng mga dalawang dipa ang pagitan naminl sa paglalakad. Sinabi n’ya sakin na hindi daw s’ya kinakabahan umuwi. Nung tinanong ko kung bakit ay hindi s’ya sumagot at nag-patuloy lang sa pag-lalakad. Pinapanuod ko s’yang maglakad habang sinusundan ko s’ya. Nakapamulsa ako habang nag-lalakad habang s’ya naman ay nakatingin sa langit at yung kamay ay nasa likod n’ya at magkahawak. Maliwanag ang bwan at nagkalat ang mga bituwin sa langit.

“Alam mo.” Sabi ni Kamiseta.

“Hindi.”

“Andami masyadong pumupuri sa bituwin.” Sabi nya. “Overrated ang stars.”

“Maganda naman sila a.” Sabi ko. “Kahit na sabihin nating pinagdikit dikit na plasma lang yan.”

“Hindi ko gusto ang bituwin.” Sabi n’ya. “Kahit sa bwan.”

“Bakit naman?”

“Kasi malayo sila.” Sabi nya. “Ayoko sa mga bagay na malayo sa akin. Pero minsan, mas mabuting malayo sila para hindi ka nila masaktan.”

“Sa araw nga na isang bituwin, nasasaktan tayo minsan pag sobrang init e.” Sabi ko. “Kaya tingin ko, hindi kaso ang distansya.”

“Ako gusto ko lagi ng may malapit sa akin.” Sabi nya tapos tumigil s’ya at hinintay ako. Yung isang dipa na pagitan namin ay nabura na. “Ayoko mag-isa.”

“Di mo naman kailangang mag-isa.”

Ngumiti nalang s’ya at nagpatuloy kaming mag-lakad. Kahit na sinabi n’yang hindi s’ya mahilig sa bituwin ay nakatingin parin s’ya sa mga ito. Hindi ko alam kung anong mas makintab, ang mata ni Kamiseta o ang mga bituwin. Pero ang alam ko lang, napakaganda ni Kamiseta ngayon.

Dumating na kami sa bahay at nagulat kami na walang tao dito. Walang bukas na ilaw at walang paka ang pinto. Pumasok s’ya at pinapasok n’ya rin ako. Hindi naman ganong kalakihan ang bahay nila Kamiseta, parang yung amin lang din. Sila lang daw dalawa ng tatay n’ya nakatira dito. Binuksan n’ya yung ilaw at tinignan yung dalawang kwarto pero wala talagang tao. Pumasok s’ya sa kwarto n’ya at nag-bihis. Tapos ilang minuto ay pinapasok n’ya ako sa kwarto n’ya. Bigla na lang akong kinabahan. Sa buong buhay ko, hindi pa ako kinabahan ng ganito. Umupo ako sa may tabi ng pintuan, dun sa may study table n’ya at dun naman s’ya umupo sa kanyang kama.

“Kanina tinanong mo ako kung bakit ako hindi kinakabahan.” Sabi nya.

“Oo nga, bakit nga ba?”

“Kasi kasama kita.”

Natawa ako. “Di nga?” sabi ko. “Ang korni naman.”

“Totoo.” Sabi nya. “Nung tumakbo ako sayo, nung muntik na akong magahasa nila Red, pagkakita ko palang na ikaw yung nag-bukas nung pinto ay naramdaman ko na ligtas na ako. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam pero alam ko ay ligtas ako ngayon. Kaya sana..”

“Sana?”

“Pwede bang paramdam mong ligtas talaga ako sa’yo ngayon?”

Tumayo s’ya at hinawakan yung kamay ko. Inaya n’ya akong tumayo at sumunod ako. Hinawakan ko s’ya sa pisngi at hinalikan na para bang ‘yon ang pinaka-wais na gawin. Pero lalake ako at matagal ko na gustong gawin to kaya ginawa ko na. Naka-pikit kaming dalawa at unti-unti ko na tinanggal ang pang-taas ni Kamiseta habang dumapa na kami sa kama. Hinubad ko na rin yung damit ko at hinalikan ko s’ya sa leeg pababa sa gitna ng kanyang dibdib. Hinubad ko yung mga panloob n’ya kasabay ng pag-hubad n’ya sa akin. Nawala na yung kaba ko dahil ramdam ko narin yung sinasabi ni Kamiseta na kaligtasan. Nung nag-simula na kaming mag-talik ay nalaman ko na unang beses palang pala ni Kamiseta yon, pareho lang kami.

“Hindi nyo pa ginagawa ni Red Horse to?” sabi ko. “Diba, sabi mo dati nung bata kapa din sa kumpare-“

“Oo, pero hanggang halik at hipo lang sila.” Sabi nya. “Hindi ko hinayaang galawin nila to.”

Hinalikan ko s’ya at nag-patuloy ang mainit na pagsiklab ng nararamdaman ko. Siguro isa’t kalahating oras din ang lumipas bago kami natapos.

“Maraming salamat.” Sabi nya.

“Di naman ganyan ang sinasabi pagka-tapos mong makipagtalik e.”

Hinalikan n’ya ako ng huling beses at tumulog na kami, magkatabi sa kama n’ya. Mahal ko na ba si Kamiseta at mahal n’ya na ba ako? Hindi ko alam pero walang makakapatay sa aming dalawa ngayon, pareho kaming ligtas. Pero sa pag-pikit ko ay nakadama na naman ako ng kalungkutan. Bumalik sa akin yung pakiramdam nung halik ni Sam at sa katawan ko naman ay ramdam ko ang init ni Kamiseta. Tapos narinig ko si Kamiset na umiiyak at niyakap ko s’ya ng mahigpit hanggang makatulog s’ya at tumulog narin ako.

Maaga akong nagising pero hindi ko na nakita si Kamiseta sa tabi ko. Wala na s’ya pero may iniwan s’yang sulat sa mesa. Binuklat ko ito at binasa.

Pasensya kana at hindi na ako makakapagpaalam ng ayos. Uuwi muna ako sa bahay ng Lola ko sa Cotabato at dun na ako mag-aaral. Hindi ko kaya ang nararanasan kong kalungkutan dito sa Laguna dahil bawat makita kong bagay ay nagpa-paalala sa akin ng mapapait na karanasan. Sana ay hindi mo ako kalimutan. Ayos lang na hindi mo ako magustuhan dahil malayo ako, parang isang bituwin, pero sana ay wag mo akong kalimutan. Salamat sa pag-paparamdam mo sa akin ng kaligtasan kagabi at dadalhin ko ‘to sa byahe ko papuntang Cotabato. Hindi rin kita malilimutan kahit malayo ka pero hindi ko sigurado ang nararamdaman o mararamdaman ko para sa iyo. Pero lagi kitang iisipin, lagi kong papakiramdaman yung nangyari kagabi upang maging ligtas ako. Babalik ako diyan kapag handa na ulit kitang harapin at hindi na iiyak sa dibdib mo.

Mag-ingat ka at galingan mo sa pag-aaral, Salamat ng marami.

                                                                                                            Kamiseta

Masyado akong nalungkot sa sulat na iyon. Nag-bihis ako at tumingin muli sa kama kung san kami nagtalik. Sinarado ko ang pinto ng kwarto n’ya at lumabas narin sa bahay nila. Ika-kandado ko sana yung bahay pero wala talagang susi o paka. Kakaibang kalungkutan ang nararamdaman ko kaya bumili ako ng sigarilyo sa pinakamalapit na tindahan habang naglalakad sa direksyon ng bahay nila Million. Aalis din si Million at hindi na dito sa Laguna mag-aaral kaya naisipan kong itanong kung san s’ya mag-aaral. Kumatok ako sa bahay nila at binuksan ito ng kanyang ina, si Tita Juana. Nag-pasensya ako sa istorbo at tinanong kung nasan si Million. Tinawag n’ya si Million gamit ang una nitong pangalan, Juan. Dumating naman si Million agad.

“Oh?” sabi nya. “Bakit di ka dumating kagabi?”

“Basta, teka san ka ba mag-aaral?” sabi ko. “Anong plano mo sa college?”

“Nasabi sakin ni Mama na baka sa America na kami magaral, andun kasi yung tito ko e.”

“Ah.” Dumagdag ang kalungkutan ko. “Marunong kaba mag-ingles?”

“Yun nga e.” Sabi nya. “Pero bahala na.”

“Kelan alis nyo?”

“Baka sa isang linggo pa. Hindi ko sigurado. Inom tayo bago ako umalis. Tayo lang dalawa.”

“Bakla neto e.”

“Ulul, basta.” Sabi nya. “Ano, ikaw ba? San ka mag-aaral.”

“Hindi ko alam e.” Sabi ko. “Sige, uwi muna ako.”

Tinapik n’ya ako sa balikat at inamoy. Aaminin ko, medyo nailang ako sa pag-amoy n’ya sakin.

“Tang ina pare.” Sabi nya. “Amoy babae ka a. Kaya pala di ka nakapunta kagabi ha. Sige ayos lang yon.”

Di ko na gaanong pinansin yung sinabi ni Million at nag-lakad na ako pauwi. Malungkot parin ako pagkarating ko ng bahay. Lumabas rin ako agad upang mag-almusal ng lugaw kila Aling Pie tapos ay bumalik rin sa bahay upang uminom ng kape at maligo. Napagdesisyunan ko na pumunta kila Sam at siguro ay makipagkwentuhan ng onti. Kaya pumunta ako, sumakay ako ng jeep, dalawang jeep, at bumaba sa bahay nila Sam. Pero pagkarating ko ay si Mela ang nagbukas ng pinto, hindi si Ate Eta.

“Ah. Si Sam?”

“Ha?” sabi n’ya. “Hindi n’ya sinabi sayo?”

“Ang alin?”

“Pumunta ng Manila si Sam, kasama si Daddy. Lilipad na sila papuntang France dahil dun mag-aaral si Sam. Andun rin kasi si Mommy at gusto n’yang dun pag-aralin si Sam. Di n’ya sinabi sayo?”

“Ah. Hindi e. Sige Mela, salamat nalang.”

Nginitian ako ni Mela at umalis na ako sa bahay nila. Lungkot na lungkot ako na parang gusto kong umiyak. Umuwi ako sa bahay at humiga sa kama, nakatulog ako. Nagising ako ng mga hapon na, siguro mga 5 o 6. Di ko alam, tapos lumabas ako. Pumunta ako kay Jasmin, sa may bayan, sa may simbahan. Nakita ko s’ya sa may simbahan at malayo pa lang ay nakita n’ya narin ako. Tumakbo s’ya sa akin.

“Kuya!”

Nginitian ko s’ya. “Dala mo naba mga sampaguita ko?”

“Eto po kuya.” Inabot n’ya sakin. “May tawad na kayo dyan ng dalawang tali!”

Inabot ko sa kanya yung singkwenta pesos at niyaya ko s’ya kumain. Hindi na daw s’ya pwede kasi gabi na daw ay kailangan n’ya na daw umuwi. Niyakap n’ya ako at nag-pasalamat.

“Maraming salamat Kuya ha.”

“Mag-aral kang mabuti. Ipahiya mo yung guro ha?” hinimas ko s’ya sa ulo, si Jasmin, para ko na s’yang kapatid.

“Wala na pong klase kuya. Tapos na po, mage-Grade 2 na po ako sa susunod na pasukan.” Sabi nya.

“Mabuti yon.”

Niyakap ulit ako at hinalikan ni Jasmin. Niyakap ko rin si Jasmin at nag-paalam na s’ya sa akin. Tapos pumunta ako kila Million upang maginom kami, sa harap ng tindahan ng siopao ni Aling Hevs. Niyaya rin namin si Heav at pumayag naman s’ya. Nagsasaya kami at parang mga tanga kaya siguro walang bumibili ng siopao. Tapos non, sinubukan ko ulit bayaran yung utang ko kay Aling Hevs pero di n’ya parin tinanggap at sinabing “Iho, gamitin mo nalang iyan sa iyong pag-aaral.” Nakatikim din ako ng yakap kay Aling Hevs.

Pagkatapos namin mag-inom ay nakapagdesisyon na ako na sa Maynila mag-aral. Para naman astig din, si Million sa America, si Kamiseta sa Cotabato at si Sam sa France kaya ako naman sa Maynila, typical na choice ng isang pinoy. Pinag-bilin ko si Jasmin kay Heav at sabi n’yang lagi n’ya dadaanan si Jasmin sa simbahan. Kinuha ko na lang ang number ni Heav para tawagan ko na lang s’ya pag nasa Maynila na ako. Tinanong nila kung anong gagawin ko sa bahay ni Tita, sabi ko ay ipagbebenta ko nalang ‘to. Si Aling Hevs na daw bahala sa pagbebenta non at ipapada na lang daw yung pera. Hindi rin naman ako marunong magbenta ng bahay. Dahil daw don ay kumuha ulit ng tatlong beer si Million at sabay sabay namin tong tinaas at sumigaw ng cheers! Ang korni man, pero natuwa ako. Matagal kong hindi makikita si Million, ang matalik kong kaibigan at si Heav. Niyakap ako ni Heav at humalik sa pisngi ko. “Nako” sabi nya. “Buti nalang aalis ka na, baka kasi magustuhan pa kita at mali yon kasi may boyfriend na ako.” Tapos tumawa kaming tatlo at umuwi nari.

Kinaumagahan ay nag-ayos na ako at nag-impake ng gamit. Lumabas ako at kinandado ko yung pinto. Pumunta ako kila Aling Hevs para iwanan yung susi kung may bibili man. Tinanong n’ya ako kung gusto ko pa daw makita si Heav pero sinabi kong hindi na at baka mag-iyakan lang kami. “Nako, magiingat ka tutoy ha.” Sabi ni Aling Hevs. “Delikado sa Maynila.”

“Delikado ho kahit saan.” Sabi ko. “Mag-iingat rin ho kayo dito, Salamat po sa lahat.”

Pumunta akong simbahan para makapag-paalam kay Jasmin pero wala s’ya doon kahit nung hinintay ko s’ya kaya sumakay na ako ng bus paluwas. Malungkot kong iniwanan ang munting baryo ng Bae. Ramdam ko parin sa labi ko ang halik ni Sam at sa katawan ko naman ay ang init ni Kamiseta, hindi yun natanggal at dadalhin ko papuntang Maynila. Tapos na ang highschool, tapos na ang isang  kabanata ng buhay ko. Di ko pa sigurado kung mag-aaral ako pero sigurado lang ako na ipagpapatuloy ko ang mabuhay. 

Продовжити читання