Metamorphosis (Repost)

By TheoMamites

2.3K 61 3

More

Metamorphosis (Repost)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 13

91 2 0
By TheoMamites

Chapter 13

"KUYA." nakangiting sabi ni Flair kay Sander.

"Flair." tinawag nya ang kapatid. Lumapit naman ito sa kanya.

"Kuya, para sa'yo oh." sabay abot nito sa kanya ng bulaklak na ginawang kwintas.

Aabutin na sana ni Sander ang bulaklak nang biglang tumama ang isang malakas na kidlat sa kanyang kapatid. Bumagsak ito.

"FLAAAAAAAIR!!" sigaw nya.

Isa namang nakakalokong tawa ang narinig ni Sander.

"HAHAHAHA!"

Pagtingin nya mula sa likod ni Flair ay nakita nya ang isang lalaki na nagtataglay ng kidlat. Nasa paanan pa nito ang bangkay ng kanyang mga magulang.

"IKAW!! Pinatay mo sila!" singhal nya.

Sinugod niya ang lalaki pero hindi man lang niya ito magawang tamaan.

"NAPAKAHINA MO! HINDI MO AKO KAYANG TALUNIN!" tumira ito ng kidlat sa kanya.

"AHHHHH!"

NAPABANGON bigla si Sander. Panaginip lang pala ang lahat.

"IHO! Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" anang isang boses ng matanda.

Nilingon ito ni Sander. Hindi nya kilala ang matanda.

"Sino ka? Nasaan ako?!"

"Huwag kang mag-alala, nasa mabuti kang kamay. Sya nga pala, Nestor ang pangalan ko. Mang Nestor na lang ang itawag mo sa akin." pakilala nito.

"Ano hong ginagawa ko dito?"

"Nawalan ka ng malay tao kaya dinala ka namin dito sa bahay ko. Dalawang araw ka nang walang malay."

"Ano ho?"

Saka lamang naalala ni Sander ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay; ang tungkol sa lalaking nakaharap nya at ang nangyari sa kanyang pamilya.

"Hindi maaari! Sina Flair..." napabangon sya bigla pero kapagdaka'y dumaing sya ng sakit ng katawan. Muli syang napahiga.

"Huwag mo munang pilitin ang sarili mo, hindi pa kaya ng iyong katawan." alala ng matanda sa kanya.

"Hindi maaari! Ang pamilya ko, kailangan ko silang mahanap!" giit nya.

Pumasok naman sa loob ng kubo ang isang babae at isang lalaki. Sa pakiwari ni Sander ay kasing edad nya lang ang mga ito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, binata?" anang babae sa kanya.

Mas lalong naguluhan si Sander nang makita ang mga ito.

"Marine nga pala ang pangalan ko at sya naman si Leo. Maaari ko rin bang malaman kung ano ang pangalan mo, binata?" pakilala at tanong na rin nito.

"Sander." napapailing na lamang na sabi niya.

Sinubukan niya uling bumangon pero dumaing nanaman siya ng sakit ng katawan.

"Ikampante mo lamang ang iyong sarili. Hindi pa magaling ang mga sugat mo." ani Marine.

"Pero ang pamilya ko! Hindi pwedeng manatili na lamang ako dito at walang gawin! Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nalalaman kung ano na ang nangyari sa kanila!"

"Maraming namatay sa lugar kung saan ka namin natagpuan. Maaaring ang mga hinahanap mo ay..."

"LEO!" mabilis na pigil ni Marine sa sasabihin nito. Hinarap niya si Sander. "Ipagpaumanhin mo pero, hindi namin alam kung ano ang kalagayan sa ngayon ng iyong pamilya. Tanging ikaw lamang ang nailigtas namin mula sa alagad ni Zepiro."

"A-ano? Sinong alagad ni... Zepiro?" naguguluhan nyang tanong.

"Ang nakaharap mo ay isa sa mga alagad ni Zepiro." ani Marine. "Sya si Nexus, ang nilalang na nagtataglay ng kidlat. Ang misyon nila ay ang tugisin kami at hanapin ang iba pang mga Metaphor at Ibalik sa Melva upang magamit nila ang kapangyarihan nito sa kasamaan." may lungkot sa tinig nito.

"Sandali nga lang! Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin!"

Ipinakita ni Marine ang likod ng kaliwang palad. Nakita ni Sander ang isang kulay asul na dyamante sa likod ng palad nito. Tila pamilyar ito sa kanya. Kaparehas ito ng nasa kanyang kamay, pula nga lang ang kulay ng sa kanya.

"Ito ay ang Metaphor. Kumakatawan ito sa apat na uri ng elemento; tubig, lupa, apoy at hangin. Ang sinumang magmay-ari nito ay maaaring makagamit ng kapangyarihan ng elemento."

Napaisip bigla si Sander at saka nya tinignan ang metaphor sa likod ng kaliwa nyang kamay.

"Kung gano'n ito ang..."

"Yan ang dahilan kung bakit ka nakakapagpalabas ng apoy. Ang nasa iyo ay ang Metaphor na kumakatawan sa apoy habang ang nasa akin naman ay ang kumakatawan sa tubig. Tanging ang apat na nahirang lamang ang may kakayahang palabasin ng tunay nitong kapangyarihan, ang Metamorphosis. Isa iyong uri ng kapangyarihan na ang mga napili lamang ang maaaring makagamit. Isa ka sa napili Sander. Isa ka sa magliligtas ng aming mundo."

Hindi pa rin maliwanagan si Sander sa mga paliwanag nito.

"Anong Metamorphosis at anong mundo nyo?" naiiling nyang tanong.

"Kami ni Leo ay nagmula sa Melva. Ito ang lupain ng mga engkantada, engkanto at iba pang uri ng mga nilalang. Naparito kami upang tipunin ang mga napili ng Metaphor."

"Ano? Ibig sabihin ay mga engkanto kayo?"

"Mababait ang mga engkanto iho." sabat ni Mang Nestor. "Sadya nga lang na maiba na nasisilaw sa kapangyarihan."

"Tama sya Sander. Isa sa tinutukoy nya ay si Zepiro. Isa akong prinsesa ng Melva, at si Leo naman ang pinuno ng mga mandirigmang engkanto. Isang paraisong mundo ang Melva pero dahil sa masamang engkanto na si Zepiro, mawawasak ang kagandahan ng aming mundo. Hinihingi namin ang iyong tulong upang talunin si Zepiro, Sander. Kailangan ka namin."

Napakunot-noo na lamang si Sander. "Wala pa akong masyadong alam sa mga sinasabi nyo. Mas lalo pa akong naguluhan sa inyong sinabi!"

"Alam kong nabibigla ka pa sa mga nangyayari. Balang araw ay mauunawaan mo rin ang lahat."

"Pero isa lamang ang alam ko, ang pamilya ko! Hindi ako makakampante hangga't hindi ko sila natatagpuan."

Bumuntong hininga na lang si Marine.

"Sige, tutulungan ka naming mahanap ang pamilya mo."

"May alam ako kung saan dinala ang mga taong nakaligtas sa lugar kung saan ka namin natagpuan." sagot ni Mang Nestor. "Pero, kung wala doon ang iyong hinahanap... Ikinalulungkot ko pero isa na lang ang nasa isip ko..."

***

HALOS gumuho ang mundo ni Sander nang makita ang tatlong puntod sa kanyang harapan kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang mga magulang at kapatid. Napaluhod na lamang siya sa Sobrang panlulumo.

"Bakit?? Anong kasalanan namin at nagyari ito?? BAKIT?!" hagulgol nya. Nahabag naman sa kanya si Marine. Dinaluhan siya nito.

"Patawad! Alam kong wala kang kinalaman sa nangyayaring ito. Biktima ka lang rin. Kung may mas dapat na sisihin sa mga nangyayaring ito ay ako iyon. Ako at ang metaphor lang naman ang pakay ng sumalakay sa lugar nyo. Patawad, Sander!" naluluha na ring sambit ni Marine pero itinulak ito ng malakas ni Sander.

"Umalis na kayo!!"

"Sander..."

"Ano ba?? Bakit mo sinaktan ang prinsesa?!" baling ni Leo kay Sander.

"UMALIS NA KAYO!!" sabay litawan ng mga apoy sa paligid nya. "LAYUAN NYO AKO!!"

Tumayo si Marine.

"Sander, alam kong napakasakit para sa iyo ang nangyaring ito. Kung gusto mo, ibaling mo sa akin lahat ng galit mo. Gawin mo ang lahat ng naisin mo sa akin. Pero pakiusap lang, kailangan ka ng aming mundo. Isa ka sa mga magliligtas sa amin." wika nito.

Lumitaw ang isang bolang apoy. Papunta ito sa direksyon nila Marine pero mabuti na lamang at hindi sila tinamaan.

"Kung may kasalanan ka nga sa nangyaring ito! Pagbabayaran mo ang lahat!" mabalasik na sabi ni Sander. "DAHIL SA IYO... SA INYO KAYA NANGYARI ITO! Kasalanan nyo nga ang lahat! Masaya at simple lang ang pamumuhay namin noon pero dahil sa panghihimasok nyo ay naglaho ang lahat ng ito! Para sa ano? para sa kaligtasan ng inyong mundo?! Hindi nyo man lang ba naisip ang kahihinatnan ng aming mundo dahil sa inyong panghihimasok?! Hindi nyo lang inisip ang mga madadamay! Tanging ang iniisip nyo lang ay ang kaligtasan nyo at ng inyong mundo!! MAKASARILI KAYO!! Wala kayong pinagkaiba sa tinatawag nyong Zepiro!!" mabalasik nyang sabi.

Tuluyan namang dumaloy ang mga luha ni Marine sa narinig.

"TAMPALASAN!! Wala kang karapatan upang sabihin ang mga iyon sa amin ! Hindi rin namin ginusto ang mga nangyayari! Wala kaming kasalanan ng prinsesa! Tulad mo ay biktima lang rin kami! Napakakitid ng utak mo upang ibaling sa amin ang sisi sa kasalanang hindi naman kami ang may kagagawan!" bulyaw ni Leo sabay tutok ng espada kay Sander.

Lalo namang lumakas ang apoy sa paligid.

Pumagitna naman si Marine sa komosyong nagaganap.

"Tama na Leo." sabay harap kay Sander. "Kung yan ang iniisip mong mas makabubuti, lalayo na kami sa iyo. Pero sana, isipin mo rin, hindi lang ikaw ang nawalan. Maraming mamamayan ng aming mundo ang tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Patawad kung naging makasarili man ako, kung kapakanan at kaligtasan lang ng aming mundo ang iniisip ko. Pero... Hindi mo lang alam kung gaano kasakit para sa akin na may ibang nadadamay sa mga nangyayari. Handa akong tanggapin ang lahat ng parusa at pasakit, mailigtas lang ang Melva." maluha-luha nitong sabi bago tinalikuran si Sander at tumakbo palayo.

"Prinsesa..." wika ni Leo saka mata mang tinitigan si Sander. "Napakamakasarili mo, alam mo ba iyon?! Karuwagan ang pagsisi mo sa amin!!" saad pa nito bago hinabol si Marine.

"Iho," ani Mang Nestor. "Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo. Ganyan din ang naramdaman ko noong nawala ang mga mahal ko sa buhay. Pero magkaganun pa man, hindi mo dapat sinisi sa iba ang mga nangyari. Kung halimbawa na nagkapalit kayo ng katayuan, ano ang iyong gagawin upang mailigtas ang mga minamahal mo? Hindi ba't tulad rin ng ginawa mong pagtatanggol sa iyong pamilya pero sa huli ay wala ka ring nagawa upang mailigtas sila? Ganyan din ang nararamdaman nila Marine. Pakiramdam nila ay wala silang magawa upang mailigtas ang Melva. Kailangan ka nila Sander. Alam kong magkakaroon ka pa ng positibong pananaw sa buhay. Alam kong babalik ka rin sa amin upang hanapin ang iyong kapalaran. Gawin mo ang tama." sabi pa nito bago umalis.

Naiwang mag-isa si Sander. Puno ng pagdadalamhati ang kanyang sarili. Alam nyang hindi dapat nya sinabi ang mga iyon kina Marine. Nadala sya ng galit. Kung may mas dapat sisihin ay sya iyon. Naging mahina sya.

Hindi nya mapaniwalaan na sa isang iglap lang ay mawawala ang isang masayang pamilya na kinabibilangan niya.

"Inay, Itay, Flair, ano na ang gagawin ko ngayong wala na kayo?" hinagpis niya sa harap ng puntod ng mga ito.

Nang walang anu-ano'y isang impil ng hangin ang naramdaman ni Sander na humaplos sa kanya. Tila iyon ang sagot sa katanungan nya. Hindi sya nag-iisa.

Walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha na puno ng kalungkutan.

Matagal syang nasa ganung ayos bago nya ipinasyang umalis. Walang direksyon ang tinatahak nyang daan.

Hanggang sa nakarating sya sa kabayanan. Panay sakit, pagod at gutom ang kanyang nararamdaman. Tila wala na sya sa huwisyo upang makapag-isip ng tama. Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang sa hindi na nya makayanan ang pagod. Bigla syang natumba.

Isang lalaki naman ang nakakita sa kanya. Dali-dali siyang nilapitan nito.

"Boy, ayos ka lang? Anong nangyari sa'yo?" tanong ng lalaki. Inalalayan siya nito.

Hindi naman sumagot si Sander. Pinagmasdan niya lang ang mukha ng tumulong sa kanya.

Napansin naman ng lalaki ang mga sugat nya sa katawan na kanyang natamo noong naglaban sila ni Nexus.

"Naku! Boy, ang dami mo palang sugat. Hindi pa masyadong naghihilom ang iba. Ang mabuti pa'y dalhin na kita sa bahay upang magamot ang mga sugat mo." inakay nito si Sander upang makatayo. "Wag kang mag-alala, hindi ako masamang tao. Mark nga pala ang pangalan ko. Malapit lang naman ang bahay ko dito." sabi pa nito.

Naglakad sila papunta sa bahay nito. Nang nasa tapat na si Sander sa bahay ni Mark ay bigla nilang naulinigan ang mga nagkakagulong tao mula sa kalapit na bahay.

Nakita nila na may ambulansya sa kalapit na bahay at patuloy ang pagdumog ng mga tao doon upang makiusyoso.

Nakiusisa na rin sila kung ano ang nangyayari doon.

Nakita nila ang bangkay ng isang babae na inilalabas ng mga medical assistant mula sa bahay. Wakwak ang tiyan nito na para bang binutas ng kung anong matalas na bagay.

Inilagay sa stretcher ang bangkay ng babae. Tinakpan ito ng puting kumot bago isinakay sa ambulansya.

Hindi napigilan ni Mark na tanungin ang isang tao doon tungkol sa nangyari.

Nagimbal naman sila sa isinagot nito.

"Ang Tiktik, sumalakay nanaman sa bayan natin!"

Continue Reading

You'll Also Like

43.6K 1.3K 63
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
346K 25.7K 41
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...