Chapter 17

138 6 2
                                    

*****

HINDI makapaniwala ang dalawang kalaban sa biglaang pagbabagong anyo ni Leo.

"Papaanong nangyari ito?! Paanong napasakamay niya ang metaphor ng hangin?!" himutok ni Nexus.

"Hindi ko rin alam. Wala rin akong ideya kung paano nangyari iyon?" pagtataka rin ni Silva.

Maging si Marine at mang Nestor ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.

"Kung gano'n, si Leo ang napili ng Metaphor ng hangin. Siya ang nahirang ng espiritung diyos ng hangin na si Herion. Ngayon ay mas malaki na ang pag-asa naming manalo at mabawi ang aming mundo." natutuwang sabi ng prinsesa.

Nilapitan nito si Leo.

Si Leo naman ay seryosong nakatingin sa mga kalaban.

"Sa tingin niyo ba ay may posibilidad na nga kayong manalo dahil lamang sa mumunting kapangyarihang inyong nakamit?! Hah! Mas tumitindi lamang ang pagnanais ko na tapusin kayo!" asik ni Nexus.

"Leo, kung magtutulungan tayo, may pag-asa nga tayong manalo laban sa kanila." si Marine.

Naglabas ng ilang hangin ang espada ni Leo. Gumuhit iyon sa kanyang harapan.

"Ipaubaya mo na sila sa akin, prinsesa! Ako na ang bahalang lumaban sa kanila. Hangga't maaari ay ayoko nang makipaglaban ka pa!"

"A-ano? Ngunit... bakit? Hindi mo sila kakayanin kung ikaw lang mag-isa kahit pa nasa iyo na ang metaphor ng hangin! Lalaban rin ako upang makatulong!"

"Magiging sagabal ka lamang sa akin kung ipagpipilitan mong lumaban! Magkakaroon pa ako ng intindihin kung makakasama pa kita! Ang pinakamainam na paraan ay lumayo ka na dito! Ako na ang bahala sa kanila!"

Nabigla si Marine sa narinig. Ngayon lang ito nasabihan at nasigawan ni Leo ng gano'n.

"Leo..."

"Kapakanan mo lamang ang iniisip ko, ang mas makabubuti para sa iyo. Iminumungkahi ko na ang paglayo mo dito kasama si mang Nestor. Iyon ang mas makabubuti. Wala ka pang masyadong karanasan sa pakikipaglaban. Mapapahamak ka lamang kung itutuloy mo ang iyong binabalak!"

Marahang yumuko si Marine. Kinuyom ang mga palad. Nag-isip.

"HINDI! Hindi ako magsasawalang bahala na lamang at aalis dito! Isa ako sa nahirang ng metaphor, ako ang prinsesa ng Melva! Lalaban ako kahit ano pa ang sabihin mo!" matatag na sabi nito.

      Nagliwanag ang asul na metaphor sa kaliwang kamay ni Marine.

"Alam kong hindi kita basta mapipigilan sa desisyon mo, prinsesa. Patawarin mo sana ako sa aking gagawin."Biglang nakaramdam ng kung anong pagtama mula sa may batok si Marine. Halos dumilim ang paningin nito.

"L-Leo........ Bakit.....??" tuluyang nawalan ng malay si Marine. Sinalo ito ni Leo. Nagsalita si Silva.

"Anong klaseng kahangalan na ang ginagawa nila? Bakit nya iyon ginawa sa prinsesa?!"

Nakatitig naman si Leo sa walang malay na si Marine.

"Iba ka na ngayon, prinsesa. May sarili ka nang paninindigan at desisyon. Natutuwa ako para sa iyo. Balang araw ay mas magiging matiwasay at mapayapa ang Melva sa pamumuno mo. Kaya naman hindi ko hahayaan na mapahamak ka sa lugar na ito." humarap siya kay mang Nestor.

"Ikaw na sana ang bahala sa prinsesa, pangalagaan mo sana siya, mang Nes..... ministro Siegmund pala."

"Hindi na ako sanay sa ganyang pangalan. Mas palagay na ako sa pangalan ko ngayon." binuhat nito si Marine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Metamorphosis (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon