Catching The Brightest Star [...

By LivelyLeo

68K 1.8K 1.5K

Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, unti... More

CATCHING THE BRIGHTEST STAR
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
Chapter 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 6

1.6K 55 2
By LivelyLeo

Rainy afternoon, Hindi ko alam kung sino ang susundo sa akin. Both, Camille and Liam went home. May sumundo kasi sa kanila, While me, Let's just say na andito ako ngayon sa hallway at nakaupo sa isang bench. Hindi naman malakas ang pag-ulan, Kaya may mga nakikita pa akong  tumatawid at pinipiniling mabasa para lang makauwi.

Mas pinili kong manatili, Alam ko namang may susundo sa akin. Ayokong mapagod mag-lakad, Dahil buti na lang at napakalma ko ang sarili kanina. Kung hindi ay napilitan siguro akong umuwi. Inilabas ko ang aking cellphone at may nakitang text galing kay Kuya, Binuksan ko iyon at agad na nabasa ang kung anong mungkahi niya.

From: Kuya Leon

I can't fetch you, Baka gabi na ako makauwi. You can call Mom para makapag-pasundo ka na diyan kay Manong.

Nag-simula akong mag-tipa, At sinagot ang ipinadala niyang text.

To: Kuya Leon

I will.

At pinindot ang send button. Tinext ko si Mommy instead na tawagan siya, Sinabi ko na sunduin na lang ako dahil hindi ako mahaharap ni Kuya. Agad naman itong nag-reply kaya itinago ko na ang aking phone sa bulsa. I was sitting in silence, while watching the raindrops falls on the ground, When someone walk in front of me na sobrang ikinalaki ng mata ko.

It's Aster Hechanova... With the Editor-In-Chief of the University's Publication. Napakurap ako sa aking nakita, He's holding her things habang may hawak na payong sa kabilang kamay. Mukhang may pinag-uusapan silang kung ano, Dahil nakangiti pa si Dale habang nag-sasalita. I can't barely heard them talk, Pero nakita ko kung paano ngumiti ng bahagya si Aster. This id the first time I saw him smiled, At sa kasamaang palad, Dahil pa sa isang babae. Pinagmasdan ko silang dalawa habang Pinayungan ni Aster si Dale habang nag-lalakad sa gitna ng ulan, Pinag-buksan niya pa nga ng pinto ng sasakyan.

Nakaramdam ako ng kaunting sakit sa aking dibdib ng makita ang buong pangyayari na iyon. He's so heartless when we're talking, pero ngayong iba ang kaharap niya, Sobrang amo ng mukha niya. Hindi ko lubos akalain na kaya pala siyang paamuhin ng isang manunulat. He don't know how happy I was during that moment, Dahil ang akala ko, Ako ang unang babae na magiging malapit sa kanya. Sa kadahilanang iniisip ko na walang nagtatangkang lumapit kay Aster, That's why, maybe... Just Maybe I'll be the first one.

But I was wrong, While looking at them, I realize, It seems like Dale Stella Gonzaga stole his heart. And while I'm busy thinking about how can I level up my game, He's busy being happy with someone else.

How could you be so stupid, Carina?

"Ma'am Carina?" Napatingin ako sa aking gilid nang makita si Manong. May hawak itong itim na payong at medyo basa pa ang kanyang suot na damit. Tumayo ako at ngumiti sa kanya, Ako na ang nag-hawak ng aking gamit dahil alam kong mahihirapan siya kung ipapabuhat ko pa sa kanya ang mga iyon. Pinag-buksan niya ako ng pinto, At ako ay naupo sa Backseat.

Inilabas ko ang aking cellphone at tinignan ang aking lockscreen. Nah, It's not Aster. Baka mabuking pa ako ni Kuya kapag nakita niya. It's just plain black, At may ang-iisang asteroid sa bandang gitna. Pinatay ko iyon dahil naalala ko ang nangyari kanina, Ni hindi man lang nasabi sa akin ni Tyron na may girlfriend na pala si Aster. Para hindi na ako umasa nang todo todo. Kaya naman pala hindi siya interesado sa kahit na anong ibinibigay ko ay dahil may kumukuha na ng interes niya.

Nasobrahan ako sa tuwa kanina, Ngayon naman ay nasobrahan ako sa sakit. Mukha atang kailangan ko ng maraming hangin para mapakalma ang sarili.

"Manong, Pwede po bang pakibilisan ninyo? Naiihi na po kasi ako." Palusot ko, Ngunit sa totoo lang ay naninikip ang dibdib ko. How can I be this vulnerable? Sobrang bilis ko namang nang atakihin lately, Hindi na ito maganda. Sobrang hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari.

Gusto ko nang mahiga at manahimik sa bahay. Mas maganda iyon, Wala akong nakikitang kung anong nakakasakit sa akin. Maybe my Doctor is right, Masyadong stressful ang college kapag ang mga nakakasalamuha mo ay stress din. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong lumabas sa sasakyan. Hindi ko ininda ang patak na nanggagaling sa itaas na bumabagsak sa aking katawan, Naabutan ko si Mommy na nakaupo sa sala at may hawak na sandwich.

"Hey, Mom." Bati ko at hindi na lumapit sa kanya, Ngumiti naman ito at tatayo sana ngunit agad akong nag-salita. "Bababa rin ako, I'll just change." Pilit ngiting wika ko kaya hindi niya na ako tuluyang nalapitan. Umakyat ako sa itaas at pumasok sa kwarto. Finally, My comfort zone. Nahiga ako sa kama at diretsong humiga sa kama. Mas mataas ang bandang ulunan ko, Kumbaga sa aking katawan.

Shortness of breath, Hindi naman ito malala kumpara sa nangyari sa akin noong nakaraang araw. Ang mga ganitong pangyayari, Parang normal na sa akin. Na bigla na lang sisikip ang aking dibdib at mag-hahanap ng hangin, Laging nangyayari kapag napapagod ako o kaya naman ay sobra sobrang emosyon ang aking nararamdaman na hindi kinakaya ng aking katawan at puso. Bente minutos ata akong nakahiga at nakalagay ang mga kamay sa tapat ng puso.

The attacks of my Monters are normal, Mas naninibago nga ako kapag hindi ako inaatake ng ilang linggo. 

"Hey death, My friend, How dare you. You almost take me away, Again." Natatawang bulong ko nang maramdaman ang pagiging normal. "Not now, Marami pa akong gustong gawin." Iiling iling na sabi ko at hinang hina na tumayo. Nag-palit ako ng damit at tumingin sa salamin. I look pale, Kaya siguro hindi ako mapansin ni Aster kasi wala akong pulang pulang labi katulad ni Dale.

Lumabas ako, At dahan dahang bumaba ng hagdan. Pinapakiramdaman ko pa rin ang aking sarili, kahit na alam kong unti unti naman akong nagiging normal. Nang tuluyan akong makababa ay naabutan ko pa rin si Mommy na nakaupo.

"Mom, I want hot chocolate. And, perhaps, Jollibee?" Wika ko at umupo rin sa tabi niya. Agad niyang tinaggal ang tingin sa TV at kunot noong tumingin sa akin.

"Jollibee? Bibilhin namin ang jollibee?" Hse said, Agad akong napatawa dahil sa kanyang sinabi. I'm not talking about the whole jollibee! Oh God! My Mom is so funny, she never failed me.

"I mean, Spaghettis? Burgers? Fries?" Dahan dahan siyang tumango tango habang ako ay natatawa pa rin.

"Okay? I'll call your brother. Well, May you excuse me, Your dad just emailed me. He wants me to look at the email he forward." Aniya, Tumango tango naman ako kaya agad na siyang tumayo. Probably, Pupunta iyon sa opisina ni Daddy. At ano naman kaya iyon? Laging nakatutok sa cellphone si Mommy these past few days, napapansin ko lang.

Tulala lang ako sa TV at hindi napansin na ilang minuto pa lang akong nakaganon. Ni hindi ko napansin na may inilapag na pa lang pagkain si Kuya sa aking harapan, at nakatingin lang sa akin.

"For me?" I asked, at umayos ng upo. Amoy pa lang, Sobrang sarap na. Gusto gusto ko talaga ang jollibee.

"For you." Mariin niyang sabi, Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. Umupo siya sa aking tabi habang malalim ang hininga, Parang pagod na pagod ito sa trabaho. At tinawagan pa ni Mommy para lang bilhan ako ng luho. Itinupi niya ang kanyang sleeves at binuksan ang unang dalawang butones nito.

Tahimik akong kumain, Habang ramdam ko ang titig niya. "Akala ko ba gabi pa ang dating mo?" Ani ko at tumingin sa kanya habang ngumunguya. Medyo natawa ito, Na parang hindi kami nagka-initan noong nga nakaraang araw.

"You need me, I came." Maikli niyang sagot, Bahagya akong napangiti nang sabihin niya iyon. The last time, He said to me that Protecting me is his vow, at ngayon, Ito naman. I may think thay he's insane, but he only become insane when it comes to me. To my monsters, To my health.

"Are you going to be there, Everytime?" Mahinang bulong ko at tumingin sa kanya. Nakita ko ang taimtim niyang pag-tango habang nag-iiwas ng tingin. "Kuya, Anong gagawin mo kapag nawala ako?" Diretso kong tanong at kumagat sa burger. Uminom ako sa float walang pakialam na sa fats na ma-gagain ko.

"Hahanapin kita, Carina." Bulalas nito, Napansin kong sa TV na siya nakatuon at hindi na sa pag-uusap namin.

"Paano kapag hindi mo ako nahanap?" Tanong ko pa, At ibinaba ang aking mga pagkain. Matagal na katahimikan ang namayani bago niya ibuka ang bibig, I know myself that he doesn't want to talk about it. But I insist, Just for once.

"Hihintayin kitang bumalik." Medyo bumigat ang kanyang pag-hinga, Nararamdaman ko iyon. I know I'm silently breaking his heart into tiny little pieces whe I started asking those stupid things. Ngunit lakas loob pa rin akong  nag-tanong.

"Paano kapag hindi mo na ako mahanap at mahintay bumalik?" Tumingin ito sa akin, Ang kanyang pisngi ay namumula habang ang mga mata ay nakatitig sa akin. I saw pain and struggle, Pero hindi ako nagpatinag.

"Don't fucking ask me that question, Hindi kakayanin ng puso ko." Bulong niya at tumayo, Bago siya tumalikod sa akin ay nakita ko kung paano tumulo ang luha niya ngunit hindi ipinahalata ang pag-pupunas dito.

"Hey, I have more questions." Pag-pipigil ko sa kanya nang mapansin na mag-sisimula na itong lumakad palayo. Hindi siya humarap sa akin at tumayo lang.

"Don't ask. Just don't..." Aniya at dali daling iniwan ako sa salang mag-isa. Pakiramdam ko ay tumungo na siya sa kanyang kwarto. May gusto pa akong tanungin eh, Kating kati na nga ang dila ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya.

I want to have a life, Without that fucking ventilator.

Huminga ako nang malalim at itinabi ang pinagkainan. Ang mga natira ay nilagay ko sa ref, At umakyat na sa itaas. Hindi pa rin dumadating si Daddy kaya wala pang gabihan, Bahala na sila kung anong oras sila kakain. Ako, Hindi na siguro. Tumuloy ako sa aking study table at muling inilabas ang notebook. Binuklat ko iyon at inilagay sa blangkong pahina.

September 4,

"Uh, I need to go."

"Go, Walang pumipigil sa iyo."

"Hey, Aster!"

"My name is Carina,"

"As if I care."

"Here, Take this. Nice meeting you, Aster."

Is it that difficult to gain and earn you love? Is it worth my heart and its pounds, Aster?

Walang ngiti sa aking mga labi ngayon, Hindi katulad nang kahapon na sobrang tamis. Tunay ngang mataas ang tingin sa sarili nang taong iyon, Pero anong magagawa ko? Siya ang gusto ko, At iyon ang nagustuhan ko sa kanya. I know it's weird, But I think that's beautiful.

Itinabi ko na ang notebook na iyon at tumuloy sa kama. Inayos ko ang aking buhok at ipinikit ang mata na para bang walang ibang dinadamdam. Ipinulupot ko ang parehas na kamay sa isang unan at natulog na. I'm in the midst of my silent sleep, Nang makaramdam ako ng matinding uhaw.

Iminulat ko ang aking mga mata at walang ganang tumayo. Tinignan ko ang aking wall clock at napansin na Alas dose na pala ng umaga, Tumuloy ako sa aking pagbaba hanggang makarating ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at nag-salin ng tubig, Ang mga ilaw na lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa akin, Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw sa kusina dahil baka makabulabog pa ako ng mga taong mahihimbing na ang tulog.

Pabalik na sana ako sa aking kwarto nang may narinig akong dalawang taong nag-uusap sa tapat ng kwarto ni Kuya, na halos ilang metro lang ang layo mula sa akin. Dahan dahan akong lumakad papalapit sa pinto, At napansin na nakabukas iyon ng ilang inches lang. Pasimple akong sumilip at dilim lang ang nakita, Nakapatay ang ilaw ng kwarto niya ngunit kitang kita ko ang anino ni Kuya At Daddy.

"She needs medication, Dad. I don't want do it naturally, Dahil parang mas lumalala." Rinig kong sabi ni Kuya, Obviously, They are talking about me. Sino pa ba? Ako lang naman ang palsipikado dito sa bahay.

"Leon, Alam mong ayaw niya iyan..." Ani Daddy. May hawak itong wine sa kanyang isang kamay, habang ang isa naman ay nakalagay sa kanyang baywang. "Hanggat maari, ang gusto ng Mommy mo ay masunod ang gusto ng iyong kapatid." Napakagat ako sa aking labi nang marinig iyon. Gumilid ako sandali, dahil baka maramdaman nila ang aking presenya, Ngunit mula sa aking pwesto ay naririnig ko pa rin sila.

"Hindi pwedeng masunod siya, We are risking her life. Hindi pwede ang ganoon, You know that, Dad." Bulalas ni Kuya, Napahing ako nang malalim at dumausdos mula sa pagkakatayo. Nakaupo na ako ngayon sa lapag, habang nakatingin sa kung saan.

"We are afraid, Baka lalo siyang lumala kapag hindi siya napag-bigyan. Baka kung ano ang maramdaman niya, at baka bigla na lang siyang mawala sa atin." Sambit ni Daddy. Unti unti kong nararamdaman, At napapagtanto kung ano ang gusto nilang mangyari sa akin. After all this time, They don't want me to be locked, Dahil ang sakit ko ang nagkukulong sa akin.

They don't want me to be this, They have nothing to do with it.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 103 42
Sometimes, the best memories can be created by a simple coincidence... unexpected eye contact, small smile, a mistake.... and everything can suddenly...
78.4K 2K 50
Growing up in a luxurious and perfectionist household, Savannah Brenner knew that there was no use in escaping the rules her mother created. As much...
451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
391K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...