Not a Fairy Tale at All

By chaylenexandra

619 14 3

Story of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immat... More

Chapter 1 - No Consideration
Chapter 2 - Bessprenn
Chapter 4 - Starting a Fight
Chapter 5 - Desperado
Chapter 6 - Christmas Miracle
Chapter 7 - Leaving
Chapter 8 - Before You Go
Chapter 9 - Friends
Chapter 10 - Bye Bye
Chapter 11 - Here
Chapter 12 - Again
Chapter 13 - What Now?
Chapter 14 - Happy
Chapter 15 - Cry
Chapter 16 - Hell-o

Chapter 3 - Asungot sa Bangungot

75 3 1
By chaylenexandra

“Sweet dreams? Or a beautiful nightmare?”

[Candy]                                                                                                                                              

“Bes gising na! Ba naman o. Nagpapagisin pa.” Pati ba naman sa panaginip ko nandyan si Chrystal! “Candy!” Don’t mind it Candy. “Talagang ihuhulog na kita sa kama!” Blag! Aray… Naupo ako sa sahig. “Chrystal, anong ginagawa mo dito?” Dito ba siya natulog? “O, gising ka na pala Candy. Mag almusal na kayong dalawa at baka mahuli na kayo sa unang araw ng klase.” Napadaan si sister Georgina sa pinto. Unang araw ng klase? Ah! Tama nga pala! High school here Candy comes! Teka, bat ako excited? Anong meron sa high school?  Talagang nakakahawa tong sakit ni Chrystal. =_=

“Anong oras na ba? Ang aga mo namang dumating dito.” I stated the obvious. “Malapit lang naman pala bahay namin dito. Mga 5 blocks lang ang layo. Ang saya-saya ko nga eh!” Nagtatalon na naman siya na parang palaka. Masaya siya dahil malapit lang ang bahay niya sa amin habang ako laging may bisita. Pwede lagyan ng visiting hours itong orphanage? “San uniform mo?” Itinuro niya ang naka hanger sa pader tabi ng akin. Talagang girl scout ang isang to. “Sabay na tayo magbihis! Kaya bilisan mo na. Kumain na tayo at maligo! Tapos lakarin nalang natin yung school! 12 blocks lang layo dito.” Oo nga naman. Dito sa bayan ng Drysdale, halos magkalapit lang ang mga establishamento dito.

S.I.L.D stands for Superior Independent Learning of Drysdale. Yan lang naman pangalan ng bagong paaralan na papasukan namin ni Chrystal. Mag fit kaya ako dito? Kelan ka pa ba nagfit sa mga lugar Candy? Eh lagi ka lang mag-isa. Siguro si Chrystal, fit na fit, Independent Learning daw oh! Superior pa! “Bes, ali!” At hinila na ako ni Chrystal. To think nakapulupot na naman kamay niya sa braso ko kaya muntik na akong matumba.

“Bes, tingnan mo. Di ka nag-iisa dito. Madami kayong nerd.” Tinignan ko ang mga estudyante at mga guro na naka eyeglasses. “Ouch bes ha.” Aba! Masakit para sa kanya? Siya na kaya mismo nagtawag sa kanyang sarili na nerd. “Akala ko ba tanggap mo na?” “Pero kaylangan talaga harap-harapan. Tanggap ko na nga! Di mo na kaylangan ipa mukha.” Okay Candy. Tama siya.

Wow… malawak lang naman classroom namin. Sorry, ignorante. “Excuse me. You’re blocking the entrance.” Napansin kong madaming tao sa likod ko. Ay, sorry! Nakaharang ako sa daan.

“Bes, dito ka!” Turo niya sa tabi niya. Habang senyas siya ng senyas sa akin di niya namalayan na may nakaupo na sa tabi niya. “Please take a sit everyone. Kahit saan na muna kayo maupo ngayon.” Sabi ng teacher sa harapan. Naupo ako sa likurang parte ng classroom. 2nd to the last row. Medyo nasiyahan ako. Hehehe. 1st time kong malayo kay Chrystal ng 490 inches simula nong grade 6.  

Turn ko na para pumunta sa harap at ipakilala ang aking sarili. “Hi! I’am Candy Real.” Bumalik na ako sa upuan ko pero bago ako makaupo nang asar na ang katabi ko. “Anong klaseng Candy? Nips?” Kapatid ba to ni Clarisse? Tiniasan ko siya ng kilay, tumalikod sa kanya at di na siya pinansin. Sino naman kaya ang isang ito? “Hi everyone, I’am Alexander Olivares.” Napansin kong titig na titig ang mga babaeng classmate namin except lang sa aming dalawa ni Chrystal. Ah, kaya pala ang lakas ng confidence mang-asar, heartthrob pala. Well hindi ako masasali sa mga babae na nagkakagusto sa kanya. Ibahin niya ako.  

[Chrystal]

Binuklat ko notebook ko. Help Candy know herself and what she’s doing. But how?—Lightbulb! Find someone like her.

Ano ba naman to! Hindi kami katabi ni Candy. Sige na lang. Think positive. Baka mas mapadali paghahanap ko. Ang problem ay ang katabi ko. Napakatahimik.

“Ano nga ulit pangalan mo?” Ewan kung pang-ilang beses ko na tinanong ang tanong na to sa kanya. Hindi naman ako ulyanin sadyang gusto ko lang marinig ang boses niya ng paulit-ulit. Paano ba naman, once in a blue moon lang magsalita eh. “Ram Guitierres.” Gwapo ng pangalan, tulad ng may-ari.

May itatanong pa sana ako pero inilabas na niya ang book of ghost stories niya. Sus…ghost stories. Hindi naman yan totoo eh! “Sus, bat ka nagbabasa yan? Eh wala namang katotohanan yan.” “Totoo kaya.” Hmm… Kinuha ko yung paborito kong libro sa bag ko. “Eto nalang basahin mo.” Iniabot ko na sa kanya ang libro pero hindi niya to tinanggap. “Hindi ko kaylangan niyan. Di ako nagbabasa ng ganyan.” Talaga lang ha! Ang dami ko kayang natutunan dito.

Inilagay ko nalang ang libro sa desk niya. Hindi niya ito ginalaw. Ano ba naman yan! Baka mawala!  “Uy. Kung di mo muna babasahin ilagay mo muna sa bag mo.” Hindi parin siya gumalaw. Patuloy parin sa pagbabasa ng ghost stories.

Nag2nd period nalang, nasa desk parin niya ito. Hay nako! Ako nalang maglalagay. Pagbukas ko ng bag niya… Wow, well organized, parang di lalake. No offense bat yan talaga perspective ko sa mga lalake, makalat. Siguro lalake si Candy sa nakaraan niyang buhay.

“Uy, ano to?” Alam kong relo ang hinahawakan ko. Pero bakit nasa bag? “Relo, hindi ba obvious?” Topak. Pinagmukha ba naman akong tanga!  “Alam ko no. Pero bakit nasa bag mo. It’s a wristwatch not a bagwatch.” Bang! “Akin na nga yan!” Hinablot niya sa aking kamay ang relo.

“Alam mo maganda yang may relo. It keeps you on track of the time. But I hate wearing one. It reminds me that life is short and people come and go.” Share ako ng share dito siya naman chapa ng chapa. Kainis. =_=

Hay nako. Recess na. At least a 25 minutes with a noisy surrounding at walang nang de-dedma.

Nakasimangot naman ang mukha ni Candy. As always, smile can never be found in this girl’s face. Kaya nga gusto ko siyang tulungan eh. Pero iba aura niya ngayon. Noon walang pake sa world, lalo na ngayon at mukhang may halong galit. Sumunod ba dito si Clarisse? Sino namang kaaway nito?

“Bes, okay ka lang?” Obviously hindi.

“Siguro kahit saan sulok ng mundo ay meron akong makikita na taong tulad ni Clarisse. Malas ko lang at katabi ko.” Seatmate niya ba tinutukoy niya?

[Ram]

“Ano ulit pangalan mo? Ram diba?” pangatlong tanong ng katabi ko, na ang pangalan ay … ano nga ulit yun? Christie? Chrystel? Ah Chrystal.

“Ram Guitierres.” Tumingin ako kay Alex. Ano ba naman to sana tumabi nalang ako kay Alex. Pero mukhang bad-trip din siya sa katabi niya.

Inilabas ko na lamang libro ko. “Sus, bat ka nagbabasa yan? Eh wala namang katotohanan yan.” Satsat ng katabi ko.  “Hindi no. Totoo kaya.” Mahilig akong magbasa ng ghost stories. Kung di ito totoo paano nila nagawang magsulat ng mga story tungkol sa multo? Okay maybe because with the help of their imagination. But people can’t imagine things without inspiration of the reality. 

“Eto nalang basahin mo.” May ibinigay siya sa akin na libro entitled ‘Fun Facts.’ “Di ko kaylangan yan. Hindi ako nagbabasa ng ganyan.” I don’t read encyclopedias. I only do when it is highly needed such as school activities. I believe in what my dad used to say ‘Real lessons aren’t learned in the books. It is learned out there.’  

Pinilit niya paring inabot sa akin ang libro. Tumalikod na ako. “Sige sayo muna yan. Tapos ko narin yan basahin eh.” Inilagay niya ito sa desk ko. Di ko ito ginalaw. “Uy. Kung di mo muna babasahin ilagay mo muna sa bag mo.” Di ko ginawa ang sinabi niya.

Maya-maya siya na mismo ang naglagay ng libro sa bag ko. “Uy, ano to?” Inilabas niya ang relo mula sa bag ko. “Relo, hindi ba obvious?” Tange din tong isa na to. Akala ko matalino. “Alam ko no. Pero bakit nasa bag mo. It’s a wristwatch not a bagwatch.” Pilosopo din. “Akin na nga yan!” Napakapakialamera naman nito oh!

“Alam mo maganda yang may relo. It keeps you on track of the time. But I hate wearing one. It reminds me that life is short and people come and go.” May nagtanong? Nakatitig lang siya ere. Tinitigan ko siya. Ang OA din makapagsalita. Sino bang gusto makasama ang tulad niya? Sayang may-itsura pa naman.

KRING!!

Salamat at recess na! Kahit sandali lang man, hindi ko makasama ang pakialamerang yun.

[Alexander]  

Hay nako ang maldita din pala nitong katabi ko. Tuwing titingin sa akin naka taas ang kilay. Hala sige ka! Mamaya di na yan mabalik sa tamang pwesto. Anong bang nagawa ko bat galit siya? Pwes wala na akong paki kung ano yun.

“Okay, hold the hand of your partner.” Ayaw ko nga. Di ako nakikipaghalobilo sa mga tao. At lalong nang hinde dito sa isang to.

“Narinig mo ba yung sabi ni Ms?” Inabot niya kamay ko at hinawakan ito. Infairness kahit ugaling tigre may mala marshmallow naman na kamay.

“Hello. Hello. Hello. Hello, how you do?” Binigyan namin ng stepping ang kanta habang magkahawak parin ang kamay. “I’m glad to be with you, and you, and you, and you.” No I’m not glad to meet her. Can I have other partner?

(Recess) “Gutom na ako.” Saad ni Ram. Lagi naman siyang gutom eh. Hay nako, mabuti at nandito na si Ram. “O dude, saan ka ba kanina? Hindi tuloy tayo seatmate—for the whole year.” Talaga naman eh! Rinig ko sa mga kakilala ko sa higher years hindi mahilig ng pabago-bagong seating arrangement si Ms. Jamaila. Kaya kung sino ang katabi mo sa 1st day of class siya na ang katabi mo hanggang matapos ang taon. “Dude please tell me what you’re saying is not true!” Hindi naman talaga ako sure about don. Narinig ko lang naman yan, so chismacks. “Oo, dude totoo.” Haha! Tingin mo nga tong mukha ni Ram. Sarap talaga niyang pagtripan.    

Tahamik lang si Ram. Ganyan naman talaga siya eh. Siguro okay ang seatmate niya.

Ilang minuto lang at nagring na ulit ang bell. Kaylangan ng bumalik sa tabi ni Bakulaw.

 “Hi Xander!” Himala! Binati ako ni Nips na para bang hindi niya ako inaaway kanina. Ano ni-recess nito? “Kumusta ang recess?” Hala, may ngiti-ngiti pang nalalaman. “I didn’t permit you to call me Xander.” I hate that name! I gave him my deadly look. Nga-nga siya. “O ngayon alam mo na anong pakiramdam ang bigyan ka ng ibang pangalan!” She crossed her arm and looked in the opposite side. Okay, marunong siya ng reverse psychology. I hate this girl. Iba siya sa lahat. Ang taray. Parang di babae. Ako ang kawawa. Wala naman akong ginagawa. ~_~

Eh kainis! Parang tigre. Buong linggo kaming ganon. Kainis! Kainis talaga!

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
473K 747 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
213K 251 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
34K 625 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...