Last Rose

By topally

85.8K 1.1K 109

Meet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always sk... More

Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight
Chapter thirty nine
Chapter forty
Chapter forty two
Chapter forty three
Chapter forty four
Chapter forty five
Chapter forty six
Chapter forty seven
Chapter forty eight
Chapter forty nine
Chapter fifty

Chapter forty one

847 20 2
By topally

Dahan dahan akong nag lakad papasok ng Simbahan habang diretsyo lang ang tingin sa altar. Hindi ko ginalaw ang mga mata ko para tignan kung sino ang naririto ngayon para ipagdiwang ang kasalang ito.Walang ngiti ang sumilay sa labi ko kahit pa patuloy ang pagkislap ng mga camera sa gilid at harapan ko. Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha ko kasabay ng musikang rinig na rinig sa buong simbahan.

"She's so beautiful.." Narinig kong sabi nila sa masayang tono habang isa isa ko silang nadaraanan.


Bata palang ako pinangarap kong makasal sa Simbahan. Mag suot ng wedding gown na hila hila ko ang dulo nito. Habang nag lalakad ako sa pulang carpet papunta sa harap ng altar kung nasaan ang lalakeng mahal ko ng may ngiti sa labi.. At sabay kaming susumpa sa harap ng maraming tao at lalong lalo na, sa harap ng Diyos na mag mamahalan kami habang buhay.

Iyon ang pangarap ko.

Nasa Simbahan nga ako ngayon, sa araw ng kasal ko. Nakasuot ng wedding gown at hila hila ko ang dulo nito habang nag lalakad sa pulang carpet pero, hindi ako papunta sa lalakeng mahal ko. Sa taong gusto kong makasama habang buhay. Wala akong dala dalang ngiti sa labi habang dahan dahan na naglalakad papunta sa harap ng altar.

Hindi ito ang pinangarap ko.



"Family and Friends, we're gathered here today to witness and celebrate the union of Mikee Hauser and Duke Agustin in marriage. With love and commitment, they have decided to live their lives together as Husband and Wife." Anunsyo ng Pari.

"Bago pa man natin simulan ang kasalang ito maaari ko bang malaman kung mayroong tumututol o hindi suma sang-ayon sa pag iisang puso ni Mikee Hauser at Duke Agustin? Maari kang mag pakita ngayon o mamuhay nalang ng mapayapa." Lumingon lingon ako sa paligid ko ng sabihin iyon ng Pari.


Sa pagkakataong 'to, umaasa akong makita ng mga mata ko si Kijan at hawakan ang kamay ko papalabas ng Simbahan. Wala na akong pakialam kahit pa puno ng kahihiyan ang mangyari sa araw na 'to na pu-pwede ko din dalhin habang buhay. Kaysa mag pakasal ako ngayon sa lalakeng hindi ko pinangarap. Mas mabuting tiisin ko nalang ang pag papahirap na gagawin saakin ng Pamilya ko.

Please, Kijan. Please..


Ayan lang ang paulit ulit na sinasabi ng isip ko habang nakatingin sa paligid. Magkahawak ng mahigpit ang mga kamay ko at nag darasal na dumating si Kijan ngayon.

"Let's begin." Napabalik ako ng tingin sa Pari na nasa harapan namin ni Duke at binuksan niya na ang isang libro na nasa harapan niya.

Tumagal ng ilang minuto ang pahayag ng Pari pero walang pumasok ni isa sa utak ko. Buong magdamag akong hindi mapakali. Namamamawis narin ang mga kamay ko dahil sa kaba dahil pakiramdam kong wala na talaga itong atrasan pa.

Napatingin ako kay Duke na siyang kalmado lang na nakikinig sa sinasabi ng Pari sa harapan namin. Wala akong nakikitang kaba at takot sakanya. Hindi katulad ko. Satingin ko, gusto niya rin talaga ang mga ngyayari ngayon. Ilang beses ako nag makaawa sakanya at pina-realize sakanya na hindi ko gusto gawin ito pero hindi padin talaga siya umatras sa kasalang ito. Na para bang desididong desidido siyang gawin 'to.

Paano ang girlfriend niya? Paano si Mirae?

Ano ng mangyayari sakanilang dalawa?


Oras na para tanungin kami ng Pari. Mas lalo ng umiikli ang tiyansang mahinto pa ito. Dahil sa oras na sumagot ako ng Oo, wala ng atrasan 'to.

"Will you take Duke Agustin to be your Husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad times, in sickness and in health, to love him and honor him all the days of your life?" Nakatingin lang ako sa Pari ng sinasabi niya 'yan. Wala kahit anong lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong natahimik habang nakatingin lang ng diretsyo sa Pari. Patuloy ko na nga bang tatanggapin ang kapalaran ko?

Kijan, nasaan kana ba? Talaga bang hahayaan mo na akong mag pakasal sa iba?

Sana pala, nung panahon na tinanong mo akong mag pakasal sa'yo, hindi na dapat ako nag paligoy-ligoy pa. Ikaw sana ang lalakeng kaharap kong susumpa sa harap ng Diyos.

Ikaw sana..



"Mikee!" Narinig ko ang pabulong na tawag ni Lola saakin mula sa likuran ko pero hindi ko ito nilingon.





"Yes, I do."

Kung hindi mo ako kayang ipaglaban, iba ang lalaban para saakin.



Ibinaling na ng Pari ang tingin niya kay Duke at muling nag salita. "Will you take Mikee Hauser to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad times, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"



"No."

Gulat akong napatingin sakanya ng marinig ko ang sinabi niya. Walang nag bago sa ekspresyon ng mukha niya na parang normal lang ang nilabas niya sa bibig niya.

"Duke, get back to your senses!" Pabulong din na sabi ng Mr. Agustin sa likuran niya.

Humarap si Duke sa harap ng maraming tao at nagulat nalang ako ng makita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. "I wanted to cherish my whole life with the person besides me. Pero lagi niyang pinapa-realize saakin na ayaw niya akong pakasalan dahil hindi ako ang lalakeng pinapangarap niya. And the more I think of it everyday, pumasok sa isip ko na hindi ko siya pwedeng pilitin na mahalin ako. Dahil mahirap mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba. Even though, I love her as much as she hates me." Humarap naman ito saakin at hinawakan ang kamay ko. "I am now setting you free."

Nakita ko ang mga luhang pumatak galing sa mga mata niya as he says those last words. My heart feels that It was breaking into pieces as I looked at him. I can see it through his eyes how broke he was.

"Thank you.." Naiiyak na sabi ko at niyakap siya.

Pero narinig ko nalang ang pag daing niya habang yakap yakap ako. Inalis ko ang pagkakayakap ko sakanya at nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita kong may dugong lumalabas sa bibig niya.

Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig ng makita ko ang patuloy kumakalat na dugo sa bandang dibdib niya—kung nasaan ang puso niya.

"DUKE!" Umiiyak na sigaw ko habang hawak hawak ang likod niya dahil tuluyan na siyang nawawalan ng balanse. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang patuloy ang pag iyak ko at pag sigaw sa pangalan niya. "DUKE, DUKE! KUMAPIT KALANG SAAKIN!"

Nakita ko nalang ang pag takbuhan ng mga bisita papalapit saamin. Naupo ang mga magulang ni Duke sa tabi ko ng umiiyak.

Dahan dahan niyang inabot ng kamay niya ang pisngi ko at hinaplos haplos ito. Hinawakan ko ang kamay niya at dinama ang bawat haplos niya ng may kasamang luha. "Huwag kang umiyak.. Ayokong maalala mong isa ako sa lalakeng nag paiyak ako.." Kahit hirap na hirap at may mga dugong lumalabas sa bibig niya, pinilit padin niyang sabihin.

"Nasaan naba ang ambulansya?!" Sigaw ko sa mga taong nakapalibot saamin. Halos lahat sila ay natataranta at umiiyak. Muli akong napatingin kay Duke ng maramdaman kong unti unting dumudulas ang kamay niya sa pisngi ko.

Hinawakan ko ang mga kamay niya pero nakita ko nalang na dahan dahan sumasarado ang mga mata niya. "HINDI! HINDI, DUKE! HUWAG KANG MAG BIRO NG GANYAN! HINDI!!" Halos mag wala na ako at walang ibang nasabi kundi ang mga salitang iyan habang hawak hawak ang kamay niya.

Nagsigawan at nag takbuhan ang mga tao ng umalingaw ngaw ang putok ng mga baril sa loob ng Simbahan. Napatingin ako direksyon kung saan nang gagaling ang putok ng baril at nakita ko ang mga papasok na kalalakihan habang hawak hawak ang kani-kanilang baril.

Lumapit kay Lolo ang dalawang tauhan na pawisan at hingal na hingal. "Sir, kailangan na po nating umalis dito ngayon na." Sabi nito.

"Bakit? Sino ba ang mga 'yan?!" Natatarantang sabi ni Lolo habang nakahawak lang si Lola sa braso nito at halatang takot na takot na.

"Si Venedict at ang mga kasamahan niya." Sagot ng tauhan ni Lolo.

"ANO?!" Bakas sa mukha ni Lolo ang pagkagulat ng sabihin iyon ng tauhan niya.

Venedict?

Pamilyar ang pangalan na 'yon saakin.

"Kailangan na po natin umalis."

Tumango tango si Lolo at hinawaka ang baiwang ni Lola dahil para na itong mawawalan ng malay. Tumayo narin si Mommy at hinawakan ang kamay ko.

"Halikana, Mikee." Sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.

Tumingin ako kay Duke na siyang tuluyan ng nawalan ng malay. "Hindi, hindi natin siya pwedeng iwan.." Umiiyak na sabi ko.

"Mikee, Anak! Tara na!" Pakiusap ni Mommy at tuluyan niya ng nahila ang kamay ko hanggang sa mapatayo na ako dahil sa lambot na lambot ang buong katawan ko.

Walang tigil ang pag iyak ko habang patuloy kaming tumatakbo papalabas ng Simbahan. Nilingon ko si Duke at ang pag hihinagpis ni Mrs. Agustin at Mr. Agustin habang yakap yakap ang anak nila.

Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo dahil sa sunod sunod na putok ng baril sa loob ng Simbahan. Napaka rami din naming kasabayan papalabas at ang iba ay mga nakahandusay na sa sahig dahil mga balang tumama sakanila.

Doon ko lang napagtanto na napaka raming imbitado sa kasal na 'to. Sobrang nakakalungkot isipin na natapos ang buhay nila ng dahil sa okasyon na 'to..

Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay ni Mommy habang hawak hawak ang lalaylayan ng gown ko para hindi maging sagabal sa pagtakbo ko. Pero napahinto kami ng humarang sa harapan nila Lolo at ng tauhan niya ang napaka raming mga kalalakihan at nakatutok ang mga baril saamin na para bang isang galaw mo lang ay may tatama sa'yong bala.

Nakita ko ang pag lakad ng isang lalakeng matanda na sa tingin ko ay kasing edad ni Lolo habang nakaalalay dito ang baston niya.

"Nagkita din tayo, Victor." May ngiting sumilay sa mukha niya na naging dahilan ng pag kilabot ng buong katawan ko.

Nakakatakot..

"Venedict, nakikiusap ako sa'yo.. Huwag ang Pamilya ko." Pakiusap ni Lolo.

"Anong sinasabi mo? Tama ba ang pag kakarinig ko? Nakikiusap ka?" May tawa itong pinakawalan habang nakatingin lang ng diretsyo kay Lolo.

"Ako lang ang may kasalanan sa'yo kaya malaya mong pakawalan ang Pamilya ko.." Patuloy na pagsusumamo ni Lolo sakanya.


Nawala ang ngiti sa labi niya na agad napalitan ng pagiging seryoso at napuno ng galit ang mga mata niya. "Namuhay ka ng napaka ganda at naging malaya! Hindi nararapat sayo magkaroon ng maganda at masayang Pamilya dahil pinatay mo ang walang ka-alam alam na Anak at Asawa ko! Kaya hindi na ako makapag hintay patayin ka, hayup ka! Kailangan mong maramdaman ang sakit na pinagdaan ko limampu't tatlong taon na ang nakakalipas!"

Tumutok ang lahat ng baril kay Lolo na siyang nag paluhod kay Mommy at Lola at umiyak ng umiyak habang nakikiusap. "Patawarin mo ang ginawa ng Asawa ko.."

Napabagsak nalang ako sa sahig ng makita at marinig ko ang dalawang magkakasunod na putok ng baril ang tumama kay Lolo at Lola.


Hindi..



Hindi ito totoo..





Hindi halos ako makagalaw sa kinauupuan ko kahit pa walang tigil ang pag agos ng luha ko. Sumigaw ng malakas si Mommy habang papunta kay Lolo at Lola na wala ng malay at naliligo sa sarili nilang dugo.

Nakita ko ang pag bulong ni Venedict sa lalakeng nasa kaliwa niya at umalis na kasama ang isang battalion niyang tauhan. Nang makaalis, kumasa ito ng baril at doon ako nabalik sa wisyo ng itutok niya ito sa ulo ni Mommy.

Hindi! Hindi ako makakapayag na pati si Mommy mawawala saakin..

Mabilis akong tumakbo papalapit sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Lumaki ang mga mata ko ng marinig ko ang malakas na pag putok ng baril malapit lang saakin.

Wala akong naramdamang sakit ng pag tama ng baril sa kahit saang parte ng katawan ko o kahit pag tirik man ng sarili kong dugo mula saakin. Hindi kaya kay Mommy 'yon?




"Kijan.." Napaalis ako sa pag kakayakap ko kay Mommy ng marinig ko ang pag tawag niya. Nakita ko naman si Mommy na puno ng takot ang mga mata niya habang hindi matigil sa panginginig ang katawan niya.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko nga siya. Totoo ngang nandito na siya.. Nakasuot ito ng black suit at pula ang necktie niya. Diretsyo lang ang mga mata niya saakin at kahit pa tinginan lang ang ginagawa namin ngayon, nagagawa niyang alisin ang takot at pangambang nararamdaman ko.

Kahit pa sobrang nakakapanibago.

Nawala ang pagkaka titig ko sakanya ng dumating si Iowa at Maddy na silang nababalot parehas ng dugo sa mga katawan nila.

"Ikaw na ang bahala kay Mikee at ako na kay Ms. Hauser." Tugon ni Kijan. "Magpunta kayo sa pangatlong puno. Nandun ang sasakyan kung nasaan si Alvin at hinihintay na tayo." Pagpapatuloy niya. Sa pagsasalita palang niya alam kong kinakailangan naming magmadali.

Hindi biro ang mga kasamahan ni Venedict. Mga nakakatakot ang itsura nito. Puro patalim at mga baril ang mga dala dala nila na para bang hindi nauubusan ng bala at kapag nahuli ka, tiyak na patay ka.

Lumapit na saakin si Iowa at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ba pwedeng mag kasama nalang kami ng Anak ko?"

Tumango ako. "Ayokong magkalayo kami ni Mommy.." Pag sang ayon ko.

"Napaka daming kasamahan ni Venedict ang nasa labas. Kung madami tayong lalabas sa Simbahan, maaring mahalata niya tayo." Mahina't pabulong na sabi ni Kijan.

"Huwag po kayong mag alala. Makakasiguro po kaming magkakasama din kayong ulit." Binigyan kami ng ngiti ni Iowa at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nila.

Naniniwala naman akong kapag sila ang kasama ko, alam kong maliligtas kami. Ilang beses na itong ngyari at palagi akong inililigtas ni Kijan at Iowa. Sa dami ng tao sa mundo, sakanila lang ako dalawa sobrang nag titiwala pagdating sa mga ganitong bagay. Pero hindi ko padin mapigilan ang hindi matakot para sa sitwasyon namin ngayon ni Mommy.

Magkahiwalay kami ng daraan ni Mommy. Sa Simbahan, mayroong tatlong pinto na siyang mga nakabukas. Si Kijan at Mommy ay dadaan sa pangalawang pinto at kami naman nila Iowa at Maddy ay sa pangatlong pinto kung nasaan ang pangatlong puno kung nasaan sila Alvin. May alam na daan si Kijan papunta doon. Dahil marami rami din ang mga tauhan ni Venedict ang nakabantay sa pangatlong pinto. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila pero satingin ko ay panggugulo ang gagawin nila.

"Kijan, nagtitiwala ako sayo.." Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa ginagawa niyang pag hahanda ng mga balang ilalagay niya sa kanyang baril.

Napataas ito ng tingin saakin. "Don't worry, Love. I will never let anyone touch your Mother." Tumango tango ako at ngumiti. Kahit pa hirap at takot na takot ako sa kung anong pu-pwedeng mangyari sa susunod nito, gusto kong iparating sakanya na hindi ako dapat mapang hihinaan agad ng loob.

He kissed me on my forehead down to my lips for the last time bago pa man kami mag lihis ng daan.


Niyakap ko si Mommy at hinimas himas ang likod niya. "Mag tiwala ka, Mommy. Magkakasama tayong ulit." Pagpapalubag loob kong sabi habang hinihimas himas ang likod niya.

Tuluyan na kaming nagkahiwalay. Kasa-kasama ko si Maddy at Iowa at magkaibang daan naman si Mommy at Kijan. Nangunguna ngayon mag lakad si Maddy habang diretsyong nakatutok ang mga kamay nito sa harapan habang hawak hawak ang baril. Mapagmasid din silang dalawa sa mga dinaraanan namin.

Natanaw ko na ang pangatlong puno kung nasaan naka park ang pamilyar na kotse. Iyon ang puting kotse ni Kijan. Kahit na malayo layo pa ito sa kinatatayuan namin, parang sobrang lapit nadin para saakin.

"Maddy, idiretsyo mo na si Mikee papunta sa loob ng sasakyan. Kapag wala pa ako don within five minutes, umalis na kayo. I'll find a way." Utos ni Iowa kay Maddy.

"Ano? Magpapaiwan ka?" Ayokong may isang buhay na naman ang mawala. Napaka rami ng mga tauhan ni Venedict. Kahit na alam kong magaling siya pagdating sa pakikipag laban, hindi ako makakapayag.

"That's the only way to complete my Mission here." Sagot niya saakin at hinawakan ang balikat ko.

"No! Wala akong pake sa misyon mo! Hindi ka pwedeng mag paiwan dito. Sasama ka saamin ni Maddy." Pag pupumilit ko kahit pa naging garalgal na ang boses ko dahil sa pag iyak ko.

"Natatandaan mo pa ba yung binigay ko sa'yong white dress?" Tanong niya habang nakangiti saakin.

"Oo.." Tumatangong sabi ko habang patuloy ang pag hikbi.

"The day will come and you'll have to wear that." Tinapik tapik niya ang balikat ko at ngumiti sabay ibinaling ang tingin kay Maddy. "Umalis na kayo. Sundin mo ang sinasabi ko." Muli niyang utos.

Alam kong ayaw din ni Maddy ang utos na iyon ni Iowa sakanya pero wala siyang magawa kundi sundin dahil ito ang Boss niya.

Bago umalis ay pinutol nila ang gown ko para hindi maging halata at ang suot suot kong heels para makatakbo ako ng mabilis mamaya. Ngayon ay hanggang tuhod nalang ang kaninang wedding gown. Tinanggal ko narin ang belo at tinali ng maayos ang buhok ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Maddy at sundin nalang din ang sinabi ni Iowa.

Sumilip na muna si Maddy sa gilid ng pintuan kung mayroong nag lalakad lakad o hindi kaya may mga nakaabang. Hinawakan niya na ang kamay ko at bago umalis, lumingon ako kay Iowa at binigyan niya ako ng ngiti. Dali dali na kaming tumakbo papalabas ni Maddy.

Kahit pa hindi ako tumingin sa paligid ko, pansin ko ang mga matang nakasunod lang saamin. Dahil sa kaba at pangangatog ng tuhod ko, bigla nalang akong napasalampak sa semento at kahit pilitin ko ang sarili kong tumayo para bang hinang hina ang buong katawan ko at walang lakas na makatayo.

"Miss Mikee? Kaya niyo pa po bang tumayo?" Mahinang tanong saakin ni Maddy. Tumango tango ako at ginawang pang alalay ang kamay ko pero muli akong napahiga sa semento.


"BOSS!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Napatingin ako sa gilid ko at gulat akong makita ang mga tauhan ni Venedict. Tama nga ako ng hinala. Napaka raming mata ang nakamasid lang saamin. "BUHAY PA ANG APO NI VICTOR!" Sigaw ng isa sakanila.



Dali dali hinawakan ni Maddy ang braso ko at inalalayang tumayo. Nakita ko nalang ang pag takbo nila papalapit saamin pero isa isa itong nag situmbahan sa semento dahil sa tama nila sa ulo. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Iowa na siyang nasa bintana habang nakatutok ang isang mata sa baril. At para bang bihasang bihasa na siya sa ginagawa niya dahil sisiw nalang ang pag sasapul niya ng mga bala sa ulo.

Nabaling ang mga ng mapansin ko ang isang lalakeng nag tatago sa halamanan. Kahit mabilis ang pag takbo namin ni Maddy agad akong napahinto ng makita ko kung saan nakatutok ang baril niya para umasinta.

"IOWA!" Malakas na tawag ko sa pangalan niya dahilan ng pag hinto din ni Maddy sa pag pilit saakin tumakbo.




Pero huli na..





Para bang tumigil ang pag ikot ng mundo ko.. Nang unti unti kong makita ang katawan ni Iowa malaglag sa pag kakapatong nito sa bintana.

"IOWAAAA!" Sa pangatlong pag kakataon muli kong naramdaman ang sakit..


Rinig na rinig ko ang malakas na pag kakasalampak nito sa napaka lamig na sahig. Pinilit kong tumakbo papasok ulit sa Simbahan habang sinisigaw ang ngalan niya ng may luha saaking mga mata.

"Miss Mikee, tara na po.." Hinawakan ni Maddy ang mga braso ko para muling tumakbo.

Napaupo na ako sa semento pero hindi padin ako mag tigil sa pangalan ni Iowa. Umaasang bigla itong mag papakita saakin dala dala ang mga ngiti niya at tatakbo papalapit saakin.

"Miss Mikee.." Halos kaladkadin na ako ni Maddy para sumama sakanya.


Hindi ko inakala na siyang hindi dapat kasama sa gulong 'to, kailangan ibuwis ang buhay para lang ma-protektahan ako..

Naalala ko bigla ang sinabi saakin ni Iowa patungkol sa white dress na binigay niya saakin.

"The day will come and you'll have to wear that."

Kung ganon, matagal niya ng alam na nakatadhana para sakanya ang araw na 'to?


"Miss Mikee!" Nabalik ako sa wisyo ng isigaw ni Maddy ang pangalan ko. Hinahanap agad siya ng mga mata ko pero nakita kong hawak hawak na siya ng mga kalalakihan sa mag kabilang braso. "Tumakbo kana!" Muli niyang sigaw saakin.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang mga lalakeng tumatakbo papalapit saakin habang hawak hawak ang tig iisa nilang mga baril kaya naman mabilis akong kumaripas ng takbo.


Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi padin sila tumitigil, hindi din ako titigil. Walang nararamdamang pagod ang mga paa ko kahit na basang basa na ang mga mukha ko dahil sa pinaghalong pawis at luha.

Naaninag ko ang isang lusutan malapit sa mga puno na natatakpan ng mga halamanan kaya agad akong nag punta doon at lumusot ng walang ginagawang ingay. Umupo ako at kaunti kong sinilip ang mga lalakeng humabol saakin. Nakita ko namang lumihis sila ng daan kaya agad ng nakahinga ng maluwag ang dibdib ko..

Hay, salamat..

Napatingin na ako sa harapan ko pero agad din akong namangha ng makita kong isang gubat na pala ang napasukan ko.

Nag tatayuang mga puno na mayroong magagandang bunga. Mga halaman at bulaklak na nakakapang agaw ng pansin talaga. Mga huni ng ibon na silang nag liliparan sa kalangitan.


Lumipas ang oras.. Nananatili padin akong nakaupo dito. Kahit pa napaka ganda ng lugar na ito, hindi ko naisipang lakarin at humanap ng lalabasan.

Yakap yakap ko lang ang sarili ko at mag damag na nakaupo habang hindi mag tigil ang sarili ko sa pag iyak. Hindi ko lang lubos maisip na ang kailan lang na nakausap at nakakasama ko, wala na ngayon sa mundong ito.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati si Mommy mawawala nadin saakin. Siya nalang ang Pamilya ko.

Ano bang maling nagawa ko para maranasan ko 'to?

Hindi ba talaga ako nararapat maging masaya?

Kahit panandaliang saya? Hindi ba ako karapatdapat maramdaman iyon?



Tangina naman. Napaka daya.




Nawala ako sa pag iisip ko ng makarinig ako ng kaluskos na papalapit saakin. Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumayo.

Madilim na at sobrang tahimik ng paligid.. Hindi ko makita ng maayos ang ngayong tinatakbuhan ko..

Tama nga ako ng hinala, mayroon ngang sumusunod saakin. Dahil ramdam at rinig ko ang mabibigat na yabag ng mga paa niya. Hindi nga lang ito kasing bilis ng takbo ko dahil lakad lang ang ginagawa niya.

Nag palinga linga ako sa paligid ko. Kahit ni isang ilaw ay wala kang makikita at wala din kahit ni isang tao akong nakikita para matakbuhan at humingi ng tulong.

"Tumakbo ka lang at kapag napagod ka, ako naman ang hahabol sayo.." Isang nakakatakot na boses ang narinig kong sabi sa likuran ko at paulit ulit kong naririnig ang mga salitang iyon sa tainga ko.

Hinihingal na ako at hindi ko nadin alam kung saan ako dinadala ng mga paang 'to. Napatigil ako at napayuko bigla ng marinig ang putok ng baril.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at kusutin para maging malinaw ang paningin ko pero wala talaga akong makita.

Pumutok pa ng isang beses ang baril at naramdaman ko nalang ang mabilis na pag tama ng baril sa hita ko.

"AH!" Daing ko at napahawak sa hita ko ng mahigpit. Muli akong tumayo para tumakbo pero para akong hinihila ng katawan ko pababa.

Pagod na pagod na ako at wala na akong lakas na tumakbo at mag tago pa..

Ramdam ko rin ang pag agos ng dugo mula sa hita ko. Hinang hina na ako dahil sa mga dugong nawawala saakin at kahit anong pag takip ko dito, may dugo pading kumakawala..

Napahiga ako sa damuhan at iginapang ang sarili ko. "AHHH!" Sigaw ko ng maramdaman ko ang mabigat na paang umapak sa tama ng baril ko sa hita.

Napaharap ako ng tingin kung sino ang taong nasa likuran ko. Tinitigan ko siya ng mabuti pero hindi ko maaninag masyado ang mukha niya.

Ipinikit ko ng ilang segundo ang mga mata ko at iminulat.

Naging pamilyar kaagad saakin ang suot niya.

Muli niyang itinutok ang baril saakin at walang sabing ipinutok ito hanggang sa tumama ang bala sa dibdib ko.




Gaya ng kay Kijan, nangingibabaw ang pulang necktie na suot suot niya..




Tumalikod siya saakin at akmang aalis na ng magsalita ako. 




"Kijan.."





Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya kahit pa hinang hina at may dugo ng lumalabas sa bibig ko.






Humarap siya saakin at kahit pa anong gawin kong pag papalinaw sa mga mata ko, hindi ko talaga maaninag ang mukha niya..






"Sleep well, Mikee." Iyon ang huli niyang sinabi bago lumakad pa paalis.






Pumatak ang luha ko galing sa mata ko habang nakatingin sakanya na patuloy na lumalakad papalayo.


Kabisadong kabisado ko siya.








Naka harap man o nakatalikod, alam na alam ko kung sino siya..













Kung alam kong ganito lang ang mangyayari, sana hindi ako naging makasarili.














Hindi ako naging bulagbulagan pagdating sa pag mamahalan namin ni Kijan.

















follow me on my social media accounts:

twitter: @amedc_

instagram: @chaially20

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 111 40
Svan Series #1 Mirabelle Cornelia Svanhild, the beloved adopted daughter of the admired Svanhild family, is held in high regard by all. Their family'...
2K 131 48
"let's dance under the snow"
754 186 62
Sebastian Easton Madden is a gamer that has a passion for reading stories with unhappy endings. He is known for his brain almost like Einstein and hi...