The Badass Babysitter Vol.2 ✓

Da Nayakhicoshi

1.1M 51.6K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... Altro

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 56: Back to the old times
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 20: Wish granted

13.8K 771 556
Da Nayakhicoshi

Dedicated to @sarsayarah

CHAPTER TWENTY

SOUTHERN's POV

"Nasaan si Genesis? Saan sila nagpunta ng impaktang humabol sakanya?"

They shook their heads and fell in silence. Walang sumagot sa tanong ko at mukhang wala silang balak sagutin iyon. Pinagtaka ko ang pagiging tahimik nila. Ayos lang ba ang utak ng mga ito?

"Isaiah, saan sila nagpunta?" Baling ko sa naka-dora costume. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang malungkot niyang mukha. Actually, lahat sila ay parang binagsakan ng langit at lupa.

Nasaan na ang super energetic nilang pagkatao? Ang weird talaga ng mga 'to.

"Isaiah..." mariin kong tinawag ang bunso. Ngumuso siya at nag-angat ng tingin sa akin.

I could see mix emotions on his eyes. Mas lalo lang nangunot ang noo ko.

"South, kasama niya si Sum---"

"Hoy!"

Natigil sa pagsasalita si Isaiah. Sabay-sabay kaming napatingin sa malakas na boses na iyon. I sighed when I saw Atarah, Vape, Coby and Rucc. And guess what? Naka-avengers costume sila. Lumapit ang mga ito sa amin na animo'y hahamunin nila kami sa labanan.

Dora's squad vs. Avengers. Langya, baka may panama ang bangs ni Dora sakanila?

"Ayos ang drama niyo sa harap, ah! Mag-aartista na ba ang Benedicto family?" Nakangising saad ni Atarah. She's wearing a Black Widow costume. Hapit na hapit ito sa katawan niya kaya kapansin-pansin ang kurbada nitong katawan. Bigla akong nakaramdam ng insecurities. I don't have that kind of body.

"Tss," Umirap ako at tumingin kay Vape. Tinaasan ko siya ng kilay. "I didn't know you like Thor" komento ko nang mapasadaan ko ng tingin ang suot niya. Nakasuot siya ng costume katulad kay Thor. May kapa pa ito at dala-dala ang hammer niya.

He sighed and gave Atarah a sharp look. "I was forced."

Ngumisi ang babae. "He was about to wear a Ninja costume when we decided to become an Avengers. Ayaw niyang maging superhero, he wants to be a villain, just like you" tingin niya sa akin. Ngumiwi ito matapos niya akong pasadahan ng tingin.

"Kahit ngayon lang ay magmukhang super hero naman sana tayo pero pinanindigan mo talaga ang pagiging Witch mo, Master" komento ni Coby sa akin. Naka Ironman naman ito.

Tumango si Rucc bilang pagsang-ayon. "Oo nga. Dapat nag wonder woman ka nalang" he said. He's wearing a Captain America suit.

Napatiim bagang ako. Nandito ba sila para pangaralan ako sa suot ko? Sisinghalan ko na sana ang mga ito pero kaagad na akong pinagtanggol ng mga Crane.

"Cute naman maging Witch, eh" nakangusong sabi ni Isaiah.

"Oo nga! Saka bagay naman kay South ang suot niya. Maganda parin siya kahit Witch siya" sabi rin ni Psalm.

Punong-puno ng pagyayabang na ngumiti ako sa mga kaibigan ko.

"Narinig niyo 'yun? Maganda raw ako" I said while grinning like a dog.

Umismid si Atarah at napailing nalang si Vape. Hindi na sila nagkomento pa sa sinabi ng mga Crane. Mabuti naman dahil kapag komontra pa ang mga ito ay sila na ang uunahin kong kukulamin dito.

Pinasadaan ng mga kaibigan ko ng tingin ang mga Crane. They were dazed for a moment. Ngiting-ngiti naman ang mga tokmol. Bumalik na sa dating sigla ang mga mata nila. I no longer see loneliness in their eyes. Nakalimutan na nila ang tanong ko kanina at maging ako ay nawala na rin sa isip ko si Genesis.

"Wow! Muntikan na kitang hindi makilala, Isaiah. You're so cute with your wig! Mukha ka ng babae!" komento ni Coby.

Animo'y kinikilig na babae na humagikgik si Isaiah. Hinawi pa nito ang buhok at inipit sa tenga.

"Salamat, hihihi!" Bumaling siya kay Rucc at nginitian. "Ang gwapo mo naman, Rucc! Picture tayo mamaya, ha?" aniya.

"Sure!"

"I love your costume, Peter. I always love Peter Pan" sabi ni Atarah at nginitian si Peter.

He blushed and shook his head to cover his face. Akala mo ay isa rin itong babae na pinuri lang ng crush niya ay parang matutunaw na. They are really the most sensitive and expressive people. Kaonting bagay lang ay natatamaan na sila. So pure and innocent.

"Look! The Devil in a Princess gown is coming!" Ngumisi si Atarah. Nakatingin ito sa likod ko kaya nilingon ko ang tinutukoy niya.

I saw North walking towards us. Hawak-hawak nito ang magkabilang gilid ng gown niya para hindi niya maapakan. I saw guys looking at her. Ang iba ay sinusundan pa siya ng tingin. She seem so aware of what is happening around her, alam na alam niyang nakakakuha siya ng attention kaya naman bawat hakbang na ginagawa niya ay pinagiigihan niyang mabuti. Posturang postura ito at madrama sa bawat galaw na parang buong mundo ang nanonood sakanya. Her aura speaks perfection at gustong gusto nito na palaging perfect ang tingin sakanya ng mga tao.

Hindi ko gusto ang ganoong pananaw niya. You don't have to act perfect so that people will not judge you. Hindi mo kailangang magpa-impress para lang magustuhan ka ng lahat. You don't have to wear a mask to conceal who you really are. This world is full of hypocrite people. They will still judge and hate you no matter how good you are. Kahit anong pakita mo ng magaganda ay huhusgahan ka parin nila. Kaya bakit ka pa magtatago sa maskara? Show them your real color. Fuck their opinions and judgements. Hindi ka nabubuhay sa mundo para i-please ang mga tao sa paligid mo. Hindi ka nabubuhay para sa ibang tao. I hope North know that.

"Hey, guys!" Ngumiti si North sa akin at sa mga Crane, pero nang mapatingin siya kay Atarah ay kaagad umikot ang mga mata niya. "Look who's here. An uninvited creature is here!" singhap niya.

Umismid naman si Atarah at namewang. "Hindi ko alam na party pala ito ng mga feeling prinsesa. Mali ata ang napuntahan ko" sabi nito. Obviously, she's referring to North.

"Wow! Nagsalita ang feeling bida!" North smirked.

"Umangal ang pabida!"

"Are you insulting me?" Tumaas ang tono ni North. Her brow shot up. Masama ang tingin nito kay Atarah na nginisian lang siya.

"No, Bitch. I'm describing you" aniya dahilan para mapasinghap si North. She held her chest like she was hurt.

Mas matalin na tingin ang pinukol niya kay Atarah. She clenched her fist.

"You, Bitch!" She positioned her fist for a fight. Ganoon din si Atarah. Hinanda rin nito ang kamao at nakahanda ang sarili para sa pagsugod ni North.

Just imagine, North with her blue gown and princess look, mukha siyang gangster na Cinderella. She already lost her composure and posture. Samantalang ayos lang kay Atarah ang position dahil sa suot nito. She's already a badass.

"Oh, bakit, natamaan ka?"

"I hate you!" Akmang susugurin na sana ni North si Atarah pero mabilis kong hinarang sa harap niya ang walis ko, dahilan kung bakit nahalikan niya ito. "Ewww! Ano ba, South!" maarteng reklamo niya at pinunasan ang bibig.

"Buti nga sa'yo!" Ngisi ni Atarah.

She gave her a sharp look again. Hate is visible on her face. Tss, kailan naman kaya magkakasundo ang dalawang ito? Ever since they met each other, alam na kaagad nila sa sarili nila na magkalaban sila. They hate each other's existence. Parang kasumpa-sumpa kapag nagtatagpo silang dalawa. I don't know how did that happen, pero napagtanto ko nalang talaga na hindi sila mabubuhay ng matagal kapag magkasama sila.

"Umayos nga kayong dalawa. Para kayong mga tanga" I said which made them look at me with hatred.

"Luh, ganyan pala ang mukha ng tanga?" Inosenteng tanong ni Psalm. He scratched his chin like he confirmed something. "Kapag ba nag-aaway ang dalawang tao South ay tanga na sila?" Baling niya sa akin.

"Oo."

Tumango siya na parang may napagtanto na naman. "Ibig sabihin, tanga kayo ni Genesis kasi nag-aaway kayo minsan?"

-______-

Gago 'to, ah.

I heard Vape chuckled. Masama ko itong tinignan bago muling tumingin sakanya.

"Hindi tanga ang tawag doon."

"Ano?"

"LO."

Nangunot ang noo nilang lahat.

"Baka LQ?" pagtatama ni Atarah. Umiling ako.

"LO."

"Anong LO, South?" tanong ni Isaiah. Mula sa bagpack na suot ay may nilabas siyang notebook doon. Ang book of knowledge niya. Dala-dala parin niya ito palagi na akala mo naman mangmang talaga siya sa mundo.

"Landian Over."

Natahimik sila. Ang mga Crane ay tumango-tango na parang naintindihan na ang sinabi ko, samantalang parang nawawala naman ang isang mata ko kung tignan ako ng mga kaibigan ko. I just tsked. Wala talagang common sense ang mga 'to, palibhasa never pang nagka-jowa.

"Wow! So, anong tawag mo kapag sweet kayo?" tanong ni Atarah. Ito ang unang nakabawi sakanila.

"Landian time."

They gasped exaggeratedly. Umiling iling si North na parang dismayado sa akin.

"I think I should go back there" aniya at bago kami talikuran ay sinama pa niya ang mga Crane sakanya. "Come with me, Babies. Baka kung ano pa ang matutunan niyo sa BABYSITTER niyo" pagbibigay diin nito sa salita.

"Maglalandian ba tayo, Ate North?" excited na tanong ni Isaiah.

"Yes, baby!" She pinched his cheek. Pumalakpak naman ang tokmol sa tuwa.

Nang maka-alis na sila ay napabuntong hininga nalang ako. I looked at my friends who were still quiet. 

"Hindi ba kayo nagugutom?" basag ko sa katahimikan. Mukhang doon pa lang sila nakarecover.

"I'm starving" buntong hininga ni Vape.

"Let's eat. Kumakalam na rin ang sikmura ko." Kaninang tanghali pa ang huling kain ko. It's already passed 9:00 in the evening. Hindi ako nagaalala na baka hindi pa kumakain ang mga Crane, ang mga iyon pa, kahit hindi mo sabihing kakain na ay busog na sila.

We spend our time eating. Hindi na kami lumayo pa sa Buffet table. Hindi namin tinantanang lima ang isang buong letchon na nasa lamesa. Unahan kami sa paglapyas sa balat nito at palakihan pa ng makukuha. I cheered when I got the biggest part. Nilagay ko ang balat ng letchon sa plato ko at pinapak iyon. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.

After we ate, nakihalo kami sa mga bisita. Tuloy-tuloy parin ang party. Sometimes, I took glances at the Crane, kasama nila sina East at West. Nasa stage sila at sumasayaw kasama ang dalawang matanda. Mukhang nage-enjoy naman ang mga ito at hindi naman sila hina-harass ni Nanang kaya napayapa na ako. Pero hindi ako tuluyang makampante.

I can't see Genesis. Pansin ko na kanina pa ito wala. Nasaan na ang isang 'yon?

"May titignan lang ako" paalam ko sa mga kaibigan ko.

Atarah brows shot up. Hindi ko ito pinansin at iniwan na sila. Pumasok ako sa loob ng Mansyon. Tahimik dito dahil halos lahat ng mga bisita ay nasa Garden. I looked around to look for Genesis. Saan iyon nagpunta? Impossibleng umalis na ito dahil tiyak na may magre-report na security kapag may nagtangkang lumabas.

Nakita ko na nakabukas ang sliding door papunta sa pool area. As when I was about to go there but I heard North's voice.

"South!"

Naiirita ko itong nilingon. Bakit ba sa t'wing hinahanap ko si Genesis bigla na lang sumusulpot ang babaeng ito?

"What are you doing here?" tanong niya. Hawak-hawak nito ang magkabilang tela ng gown habang naglalakad papalapit sa akin.

"Hinahanap ko si Genesis."

Nangunot ang noo niya. "Nandiyan lang siya sa tabi-tabi! Baka nagfe-feeling Dora lang. Don't worry about him, he's safe here naman e!" Hinawakan nito ang braso ko. "Let's go back there! Gusto ka raw isayaw ni Daddy!" aniya at hinila ako pabalik sa garden.

I snorted and complaint but she keeps on pulling me. Lumingon ako at tinignan muli ang sliding door sa pool area. I have this feeling that Genesis is there. Sa dalawang araw namin dito sa Mansyon ay doon siya madalas tumatambay. He likes watching the calm water, napapayapa raw kasi ang isip niya kapag nakakakita siya ng tubig.

I wonder what he's thinking this time. I wish I could join him pero imposible iyon sa panahon na ito. Kaagaw ng pamilya ko ang oras ko sakanya at wala akong magawa kundi ang ibigay muna sa pamilya ko ang attention ko ngayon. Sila muna. Ngayon lang kami nagkakasama ng ganito kaya hindi naman siguro kawalang responsibilidad ko sa Boyfriend ko kapag hindi ko muna ito mapagtuunan ng pansin ngayon.

Babawi na lang ako kay Genesis. Bukas, babalik ulit kami sa dati. Bukas, uuwi na kami sa bahay ng mga Crane.

Pagbalik namin sa garden ay nakita kong nagsasayaw na ang mga tao sa isang banayad na musika. Bawat isa ay may kapareha sa pagsasayaw. Sa stage ay magkayakap din na nagsasayaw sina Nanang at Tatang. They looked so sweet and in love. My lips curved slightly. Hinanap ng mga mata ko ang mga Crane at nakitang nagsasayaw din sila. Iyon nga lang, lalaki sa lalaki. East and Isaiah were dancing passionately. Ang kamay ni Isaiah ay nakapatong sa balikat ni East at ang kapatid ko ay nasa bewang naman ni Isaiah ang mga kamay. It seems like Isaiah was the girl. Goon din si West at Peter. Si West naman ang nagmukhang babae. Ang magkaparehang sina Noah at Psalm ay parehong sa balikat nakahawak. Mukhang gusto nilang maging babae na dalawa.

North followed my line of vision, nang makita niya ang mga ito ay napailing nalang siya.

"They doesn't want to dance with me, gusto nila sila-sila mismo ang nagsasayaw" malungkot na aniya.

Umiwas na ako ng tingin sa mga Crane at seryoso siyang tinignan. Nasa mga lalaki parin ang tingin niya.

"Wala naman sigurong bakla sakanila, 'di ba?" I asked.

Kaagad siyang napatingin sa akin. She winced on that but she eventually sighed. "Siguro meron."

Tumango ako at mas lalong sumeryoso.

"Pero sana wala, dahil paniguradong panghihinayangan ko habang buhay ito. Masyadong magaganda ang lahi nila para sumama pa sila sa federation natin" dagdag niya nang makita nito ang pagiging seryoso ko.

Hindi na ako nagkomento. Hindi sa ayaw ko sa bakla pero tama si North, though, sa panahon ngayon, kung sino pa iyong mala-adonis ang mukha sila pala ang tunay na Eva. Pero malaking panghihinayang kapag may umarko pa ng kasarian sakanila. At sa nakikita ko ngayon sa mga Crane at mga kapatid kong lalaki, parang alam ko na kung sino ang unang maglalantad.

H'wag niya lang ipahalata muna dahil bubugbogin ko muna ito bago ko hahayaan sa gusto niyang mangyari sa buhay niya.

"Sweethearts!"

May umagaw sa attention namin ni North. Si Daddy. Nakangiti itong lumapit sa amin. I no longer see his cold and distant look on his eyes. Magmula nang mangyari ang dramahan niya sa stage kanina ay parang nabawasan na ang bigat nang dinadala nito. Hindi lang siya ang nakaramdam niyon, maging ako.

Natunaw na ang yelong matagal nang bumabalot sa dibdib ko. Parang ngayon lang ako nakahinga nang maluwag sa ilang taong nakalipas. I no longer feel the hate, sadness and rage inside me. What happened earlier is really the key to let go all of these feelings. At sobra akong natutuwa na tapos na ang paghihirap kong pakisamahan ang Ama ko. I can now face him with light feeling and happiness.

"Dad!" North gave him a tight hug. Gintihan naman siya ni Daddy.

I rolled my eyes heavenwards. Akala mo naman ngayon lang nagkita muli. Ang OA talaga ng mga 'to.

"Can I dance my two Princess?" nakangiting tanong ni Daddy habang nakatingin sa aming dalawa.

My brows frown. Humalukipkip ako. "Akala ko ba ako lang ang gusto mong isayaw? Bakit may sabit?" I'm sure he noticed the irritation in my voice.

He chuckled. Sumimangot naman si North.

"Alright," tumingin siya kay North. "Let me dance this little Witch here. I'm afraid she'll curse me, you know" natatawang aniya.

Mas lalo akong sumimangot. Si North naman ang nag-ikot ng mga mata.

"Fine! I'll go have a dance with Tito VP, first" sabi niya at hinalikan sa pisngi si Daddy bago lumapit sa Vice President at inaya itong magsayaw.

Dad cleared his throat, catching my attention. Hindi nabubura ang ngiti niya sa labi. Medyo nakakapanibago pero masarap sa mata na makitang nakangiti na siya.

"Can I have this dance?" He offered his hand like a gentleman Prince in a fairytale.

I was stunned for a bit but I still gladly accepted his hand. Iniwan ko muna ang walis ko sa tabi at sumama sakanya na pumunta sa harap. He pulled me and he immediately placed his hands on my waist. Nagdalawang isip pa ako kung ilalagay ko ba sa balikat niya ang mga kamay ko pero sa huli ay ginawa ko iyon. I put my soft hands on his shoulder. Napalitan ang kanta at tumugtog ang isang madamdamin at malambing na musika.

He's staring at me. Hindi naman ako makatingin sakanya ng diretso. I feel so awkward and odd. Matapos ang ilang taong galit namin sa isa't-isa, heto kami ngayon, parang walang nangyari.

"I wanted to be your first dance in your 18th birthday, pero ayaw mong magpahanda. You didn't even show your face to us. Imbes na kami ang kasama mo, you choosed to celebrate your birthday with your friends.." basag niya sa katahimikan sa aming dalawa.

I shook my head, remembering that day. Hindi nga ako umuwi noon, para saan pa? I was a rebel and celebrating my birthday with them is a torture for me. Kaya mas pinili kong makasama nalang ang mga kaibigan ko. They throw a simple party for me. Kahit naman mga gangster kami ay mahalagang araw parin sa amin ang kaarawan kaya nagce-celebrate kami. February 29 ang birthday ko at nagkataong hindi leap year noong nakaraan kaya naghanda nalang kami ng March 1. Since it was my 18th, ang bisita lang namin ay 18 na tao, of course, they were all a gangsters. Mga malalapit naming kaibigan na nakilala namin sa mga labanan.

Sinunod namin ang traditional na ginagawa kapag 18th birthday. May eighteen candles and roses din, pero hindi rosas ang binigay nila sa akin kundi mga bugumbilya, gumamela at santan. Tag-hirap ang mga gangsters kaya iyon lang ang kaya nila, pero kahit ganoon ay sobrang naging masaya parin ako. I appreciated all their efforts.

Napangiti ako bigla nang maalala kung sino ang first dance ko. Iyong pinakalampang gangster na lalaki ang pinili ko noon. I could still remember how mad is Vape that time. Nagrereklamo siya kung bakit hindi ko siya pinili, but when I told him that I wanted him to be my last dance, saka lang ito kumalma pero nandoon parin ang pagrereklamo niya.

"I had fun with them" I said truthfully.

A shadow of sadness and guilt appear on his eyes. He shook his head.

"I wish I was the one who gave you happiness on that day. I'm sorry if I'm being a ruthless and useless father, anak..." puno ng kalungkutan ang boses nito.

I patted his shoulder. "Don't be sorry, ako dapat ang humihingi ng tawad," biglang may bumara sa lalamunan ko kaya saglit akong tumigil sa pagsasalita. I swallowed to clear my throat. "I-I'm sorry for being an irresponsible daughter. I'm sorry for being a rebel---"

He immediately stop me by hugging me tightly. My heart ached. Nanginginig ang ibabang labi ko kaya kinagat ko iyon para tumigil. My eyes stung so I shut them close.

"Ssshh, don't be sorry, sweetheart. We're all human, we're not perfect. H'wag na natin isipin pa ang pagkakamali sa nakaraan. Ang mahalaga ay maayos na tayo ngayon" he said softly, his voice is comforting me.

Binaon ko ang ulo ko sa balikat niya at tumango. We stayed like that for a minutes while slowly swaying on the soft music. Pareho kaming tahimik at dinamdam ang pagyayakapan. We never stay close like this before. Ngayon lang. For all the sadness and longing, now it finally paid off.

"Southern.."

"Hmm?" My eyes were still close.

"Ngayong okay na tayo, babalik ka na ba rito? Are you coming back home?"

His question made me still. Dinilat ko ang mga mata ko at dahan-dahang umalis sa balikat niya. I shook my head and I'm sure, he already know what does it mean.

"I understand if you can't leave them but we're family, Southern. I want to start a new life with you. I want my children to stay in my side. I need you, we need you..."

His voice pained me. Parang binutas nito ang dibdib ko. Hindi ko inakala na darating ang araw na kakailanganin niya ako. Hindi ko inakala na pababalikin pa niya rito sa bahay. Noong pinatapon niya ako sa bahay ng mga Crane, binaon ko na sa utak at puso ko na hindi na ako babalik pa sa bahay na 'to, pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nag-iba na ang takbo ng mga pangyayari.

"I promised Tito Jackal not to leave them. And I don't think I can function well without them," sumulyap ako sa pwesto ng mga Crane. They were happily dancing even if the sound is soft and slow. "For the short time that I stayed with them, my attachment grow bigger. Sila ang tumakip sa butas ng puso ko. Sila ang naging sandalan ko sa mga panahong walang wala ako. Sa akin, sila lang ang kakampi ko sa mga panahon na iyon. I love them as much I love my siblings..."

Kahit madalas silang abnormal at madalas na sakit sa ulo ang binibigay nila sa akin, they still made me whole and happy. Naging kontento ako sa buhay ko dahil sila ang kasama ko. Kaya sa isiping iiwan ko sila ay talagang pinupunit ang dibdib ko.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumango si Daddy. "I could see that through your eyes. You seemed to have so much fond of them" he said.

"Malaking bahagi sila sa buhay ko."

Bumuntong hininga ito kaya binalik ko sakanya ang tingin ko. I could still see sadness on his eyes. Bigla akong nakaramdam ng guilty.

"H-hindi ka talaga babalik sa amin? I don't want to torn you apart but I want you to think about it. Hindi ka pwedeng panghabang buhay na manatili sa tabi nila. You still have responsibilities to do with your family and to yourself, anak. Please know that you have to live with your own. Your success will only come to you, not with someone else..."

Umalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi niya. His words became an eye opener to me. Marami akong napagtanto pero hindi parin nawawala ang takot at lungkot ko na iiwan ko balang araw ang mga Crane.

I bit my lower lip then, speak in a low voice. "Give me time to think about it. Sa ngayon, hindi ko pa sila pwedeng iwan lalo na't hindi pa bumabalik si Tito Jackal."

He smiled and nodded. "I won't pressure you. Just be happy, Southern. Your happiness is always what I wanted for you."  He kiss my forehead.

The party ended at midnight. Ang mga bisita ay nagsiuwian na at sina Nanang at Tatang ay kanina pa bumalik sa kwarto nila para magpahinga. Maging ang mga Crane ay napagod na rin kaya pumanhik na rin sila sa kwarto nina East para matulog. Ganoon din ang mga kapatid ko. The party ended and still, no Genesis appear in my sight.

Nakalipas na ang mahabang oras pero kahit anino niya ay hindi ko parin makita. Kinain na ako nang matinding pag-alala. Tulog na lahat ang mga tao sa bahay. Galing na rin ako sa kwarto kung nasaan ang mga Crane pero kahit sapatos ni Genesis ay hindi ko makita roon. Mas lalo akong kinabahan.

I'm still wearing my witch outfit when I took down the staircase. May pagmamadali sa bawat hakbang ko. Nang makababa ako sa hagdan ay kaagad kong tinungo ang pool area pero hindi pa man ako nakakalapit doon ay nakita ko nang pumasok si Genesis sa loob ng bahay.

Kaagad akong tumigil. I was stunned but immediately gather my thoughts. I flashed my sweetest smile as I sighed in relief.

"Bebe ko!" tawag ko at akmang lalapitan na ito pero bigla niya akong nilampasan, leaving me in shocked. Hindi ako kaagad nakabawi pero nang marinig ko ang mga hakbang niyang paakyat sa hagdanan ay muli akong natauhan.

"Genesis!" Nilingon ko ito pero parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat na parang hindi ako nakita o narinig.

My heart twisted painfully. Napanganga na lang ako nang mawala na ito sa paningin ko. Hindi niya lang ako pinansin pero parang ginunaw na ang mundo ko.

May nagawa ba ako? Is he mad? Dahil ba ito wala akong oras sakanya kanina? That thought pained me again.

"Calm down, South. Nagtatampo lang siya..." I said to myself.

Lalambingin ko nalang ito bukas. Baka pagod lang siya.

Bumalik nalang ako sa kwarto ko at kaagad naligo at nagpalit ng pantulog. Nang matapos ay kaagad kong binagsak ang sarili sa malaking kama at tinitigan ang kisame, makalipas ng ilang minuto ay pinalibot ko na ang tingin ko sa buong kwarto ko.

I missed this room. Saksi ito sa lahat ng nangyari sa akin nang mga panahong dito pa ako naninirahan. Saksi ito sa bawat gabing hindi ako makatulog dahil sa pag-iyak. Seven months ago, I left this house with a very heavy feeling in my chest. I left this house with so much hatred and sadness. Ngayon, nandito ulit ako pero hindi na katulad ng pakiramdam ko noon. I'm here with light feeling and happiness.

Masaya ako na maayos na ang lahat sa amin ni Daddy.

Tumigil ang mga mata ko sa vanity table na nasa malapit sa kama ko. Isang suklay ang nakapatong doon.

Then, suddenly, I saw a young girl sitting on the small chair and a beautiful lady behind her. Sinusuklayan nito ang mahabang buhok ng bata. I could see their genuine smile as they talked about fairytales.

"Mommy! When I become older, I want to find someone who is like the Prince in the Snow White!" sabi ng batang babae. Nakatingin ito sa Ina gamit ang salamin sa harap.

Her Mother chucked as she keeps on combing her long hair. "Hmm, as long as I want you to find your own Prince, I won't let you" sabi niya sa anak.

Tiningala siya ng bata. "Why?" Her curious and innocent eyes sparks. Making the woman smiled at her.

"Because I don't want you to leave me. Hindi ko pa kakayaning ibigay ka sa Prinsepe mo. You're still my baby, at saka baka hindi mo na ako love kapag nandyan na ang Prinsepe mo..." she said very softly, there's a glimpse of sadness on her voice.

"I won't leave you, Mommy. Sasabihin ko sa Prince ko na isasama ka namin sa castle namin. And I don't think I can stop loving you. I love you the most, Mommy, of course, I will love my Prince forever too but the love that I have for you is endless and uncomparable. There's nothing in this world that can replace my love for you..." buong pusong sabi ng batang babae. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito sa Ina.

Ngumiti ang Ina nito at naluluhang yumuko para mabigyan ng halik ang noo ng anak.

"I love you more, Southern..." madamdaming aniya at niyakap ang batang babae. She keeps on whispering the three words like it's not yet enough to tell her daughter how much she loves her.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at nang imulat ko iyon ay wala na ang imahe sa vanity table. Iniwas ko ang mga mata ko roon at muling binalik sa kisame ang mga mata.

That memory pained me. Seeing her and hearing her voice makes my heart twist.

Maayos na kami ni Daddy. Masaya na kami ngayon. Masaya na ako. Pero sino ang niloloko ko? I know deep inside me, I'm not yet totally healed. May kulang pa. Hindi pa ako tuluyang buo.

I'm still longing for someone. Still longing for her embrace.

Pinikit ko ang mga mata at tinanggal sa isip ang mukha niya. Winakli ko rin sa dibdib ko ang maliit na damdamin na iyon. No, I shouldn't feel this.

I hate her. I hate my Mother. I hate everything about her. Kung paano niya kami pinaniwala sa fairytale ay ganoon din niya kami pinaniwala sa pagmamahal niya. Both fraud. Naloko niya kami. Naloko niya ako.

Hindi ko siya mapapatawad.

The next morning, we all gathered in the dining area. Halatang puyat pa ang mga kapatid ko at mga Crane pero masigla parin silang kumain. Dad and Tatang were talking about business. Si Nanang at North naman ay nag-uusap tungkol sa bagong labas na lipstick sa isang kilalang brand. While me? Here, seating like a stone beside Genesis.

Kanina pa siya tahimik na kumakain. Hindi ko naman ito maistorbo dahil tutok na tutok siya sa kinakain niya. It's like he's trying to enumerate the every single ingredients of his foods.

I bit my lower lip and stare at my food. Ilang sandali pa ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na istorbuhin ito. I cleared my throat and look at him.

"Bebe ko..."

Tumigil siya sa paghiwa sa bacon niya at saglit na sumulyap sa akin.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik" I said. Mataman kong tinitigan ang itim at malalalim niyang mga mata. I could see the coldness beneath his lashes.

Umiwas siya at binalik sa kinakain ang paningin. "I'm fine" maikling aniya at pinagpatuloy ang paghiwa sa bacon niya.

"Galit ka ba sa akin?"

Kaagad siyang umiling. Medyo nakahinga ako ng maluwag, mabuti naman. Akala ko galit ito sa akin.

"Saan ka pala nagpunta kagabi? Hindi kita nakita."

He stilled. I could see how his mood immediately changed. Ramdan ko ang mas lalong paglamig niya at pagiging seryoso. His jaw clenched. Kinagulat ko iyon.

"Nagpahangin lang" malamig na sagot nito.

Tumango ako. Gustuhin ko mang magtanong pa ay halatang wala na ito sa mood. Baka mag-away pa kami. Tatanungin ko nalang ito kapag nasa magandang mood siya.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na ito tinanong pa. I was busy slicing my hotdog when Dad speak to me.

"Southern, before you leave let me have a minute with you. I'll discuss something important" he said in a business like tone.

Sumulyap ako sakanya at nakitang seryoso ito. Tumango lang ako bilang sagot. Tinuloy namin ang pagkain at nang matapos na kami ay kaagad na akong sinenyasan ni Daddy na sundan siya sa opisina niya.

"Doon muna ako" paalam ko kay Genesis. Tumango lang ito habang kausap niya si Noah. They are talking about the party last night.

Iniwan ko na sila sa dining area at sinundan si Daddy sa pangalawang palapag ng bahay. Dumiretso ako sa opisina niya at kaagad itong binuksan. I saw him sitting on his swivel chair. He motioned me to seat kaya naupo ako sa kaharap nitong upuan. Pinagigitnaan namin ang lamesa nitong maraming lamang papel.

"Anong sasabihin mong importante?" I asked, studying his serious face. Parang kaharap niya lang ang mga senador niya but the gentleness on his eyes as he stare at me was visible.

"I hope your Sister already told you that you have to look our business in Japan" diretsong aniya pero nandoon ang pag-iingat sa pananalita.

Sinandal ko ang likod sa upuan at inalala kung may sinabi ba si North sa akin tungkol sa bagay na iyon. My brows frown when I remembered it. She once told me about that thing but I just rejected it.

"I'm not interested" agap ko. Alam ko na kung saan ang pupuntahan ng pag-uusap namin. At ngayon palang ay tatanggi na ako.

He sighed and handed me a folder. May pag-alinlangan akong tanggapin iyon pero sa huli ay tinanggap ko rin.

"Open it and see. That's the status of our business there. Our investors are already stealing money in our company. Kinukuha nila ang pagkakataon na ito dahil walang nagaasikaso sa kompanya. I wish I can go there but you know that I can't. As for your Sister, dalawang kompanya na ang hawak niya. Masyado na itong abala para makapunta pa sa Japan para asikasuhin iyan" mahabang paliwanag niya.

Binuklat ko ang folder at nakita na billion na Yen na ang nawawalang pera ng kompanya. It also consist of the people who steal money in our company, nangunguna na rito ang Financial Manager na isang hapon.

"Kapag patuloy na nangyayari 'yan, posibleng mawala na sa atin ang kompanya at libo-libong tao rin ang mawawalan ng kabuhayan, kasama na riyan ang mga kababayan nating umaasa sa magandang kinabukasan para sa pamilya nila."

I keep on scanning the papers. Kumikirot ang ulo ko kapag nakakakita ako ng mga numero kaya sinarado ko na ang folder at pinatong sa lamesa.

"One more thing, we'll lost all our connection in Japan."

Pinikit ko ang mga mata ko at umiling. I sighed and look at him again. Kita ko ang umaasa nitong mga mata.

"Alam mong wala akong talent sa mga ganyan. Kung gusto mo akong pumunta roon para asikasuhin iyan, baka mas lalo lang magsasara ang kompanya mo" I said.

Hindi ako interisado sa mga business na ganyan. Ma-i-stress lang ako at ayokong maging kamukha si North na stress na stress na. At isa pa, may sarili akong business para atupagin pa ang business ng iba. Kahit pa sabihin nating negosyo ng pamilya ko ito.

"I know you will say that, but our company needs a Benedicto to function well, Southern. At tungkol naman sa wala kang alam sa negosyo, I have someone to teach you how to handle a business." Pinagsalikop nito ang dalawang palad at ngumiti.

Nangunot ang noo ko.

"Who?"

"Vape Miyashiro."

Si Vape? Psh, sinasabi ko na nga ba.

Bumuntong hininga ako at umiling parin. "Hindi ako pupunta ng Japan" pinal kong sabi.

Titig na titig ito sa akin pero wala akong maramdamang ilang. Imbes na umiwas ay tinitigan ko rin siya. His dark eyes mirror my eyes. Parang sariling mga mata ko lang ang nakikita ko.

"Jackal is there."

What he said made me froze. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Napaayos ako ng upo.

"Si Tito Jackal, nasa Japan?" Tumango siya at bumuntong hininga. "Pero akala ko ba..." I shook my head. I thought he's dead. Iyon ang balita sa akin.

"He's alive and he is in Japan. He called me two weeks ago and told me what happened" aniya na siyang nagpakunot muli ng noo ko.

"Anong ginagawa niya sa Japan?" tanong ko.

Tanginang matanda na iyon. Nasa Japan lang pala, akala ko dinukot na siya ng mga terorista sa Hawaii o kaya ay patay na.

He shrugged his shoulders. "He doesn't want me to tell you about it. Gusto niya na ikaw mismo ang pumunta sa Japan para malaman ito. He needs your help, Southern. Hindi siya makakauwi sa Pilipinas hangga't hindi natatapos ang problema niya roon" saad niya.

Sinapo ko ang noo ko. "Ano naman ang maitutulong ko sakanya?"

He shrugged his shoulders again. "I don't know. Just go there and see it with yourself."

I sighed deeply. Damn, ayokong pumunta sa Japan pero nandoon si Tito Jackal. As long as I don't want to leave his sons here but I need to see him. Isa pa, malapit na rin ang Birthday ni Isaiah. Kailangan ko itong maiuwi bago ang araw na iyon.

One week in Japan won't be that bad, right? Maaayos ko naman siguro ang letcheng negosyo na 'yan at maibabalik sa Pilipinas si Tito Jackal.

"One week. Isang linggo lang ako roon" I said with finality.

Ngumiti si Daddy at tumango. "As long as you're there, sweetheart."

Ilang sandali pa kaming nag-usap bago ako nagpaalam na aalis na. I was about to leave the room when he stop me.

"Southern, your cards.." inabot nito ang mga credit cards ko. Tinitigan ko lang iyon bago ngumiti at umiling.

"I don't need that. I'll be fine on my own" sabi ko at iniwan na ito sa opisina niya.

Nakasanayan ko ng walang pera. Nakasanayan ko ng maging kapos. It's very tempting to get back my cards pero h'wag na, gaya ng sabi ko, kaya ko naman ang sarili ko. May 100 pa akong pera, hindi pa naman ako tuluyang namumulubi. Baon lang naman ni Isaiah ang pinagkakagastusan ko eh.

Pagkababa ko sa sala ay naabutan kong nagiiyakan ang mga Crane at mga kapatid ko. Nagpapaalam na ang mga ito sa isa't isa.

"Huhuhu! Please don't leave us!" Umiiyak na yumakap si East sa bewang ni Psalm.

Humahagulgul naman ang isa at pilit kinalas ang braso ng kapatid ko.

"K-kailangan ko ng umalis! Huhuhu! Kailangan kong gawin 'to!"

"Waaaah! Don't leave! Hindi ko kakayanin!" iyak din ni West na nakahawak sa braso ni Peter, stopping him from leaving.

"Kakayanin mo! Nakaya mo nga noong wala ako eh!"

"Isaiah! Waaah! Huhuhuhu! Ma-mi-miss kita!" sigaw ni East at si Isaiah naman ang niyakap.

"Ma-mi-miss din kita, East. H'wag kang mag-aalala, palagi kitang susulatan. Kahit magkalayo tayo, hindi mapuputol ang pagmamahalan natin" sabi ni Isaiah habang niyayakap ang kapatid ko.

"Talaga? Promise 'yan, ha? We'll always love each other. Pinky swear!" Tinaas ni East ang hinliliit sa daliri niya, ganoon din ang ginawa ni Isaiah hanggang sa mag-pinky swear na nga sila.

Mga tokmol. Pati ang mga kapatid ko nahawa na rin sa pagiging abnormal nila. Lakas talaga ng virus ng mga 'to.

"Noah, don't ever forget us, okay? If you miss me, just look at the moon and smile. I'll do that too when I miss you" sabi ni West sa naiiyak na si Noah.

"Huhuhu! Hindi ko naintindihan, West! Tagalog, please!"

"Genesis! Take care of them, okay? Susulatan ko kayo palagi!"

"Okay."

I sighed and cleared my throat. Napatingin sila sa akin. I could clearly see their tears streaming through their cheeks. Ayaw ko man silang nakikitang umiyak pero nakakaletche lang na ang babaw ng iniiyakan nila. Kung magpaalam sila sa isa't isa akala mo hindi na sila magkikita pa. Mga tokmol talaga.

"Umalis na tayo, hinahawaan niyo pa ng kalokohan ang mga kapatid ko" sabi ko pero mas lalo lang silang nag-iyakan at nagyakapan.

East ran to me and hugged me tightly. "Ate South! I'll miss you! Don't ever forget me!" aniya.

Seriously?

"East, we're just one drive away. Kung gusto niyong makita ang mga Crane, just ask permission to Dad. Pumunta kayo sa amin sa kahit na anong oras na gusto niyo. Of course, you have to inform me first para hindi ako nagugulat na nandoon na pala kayo" I said making him looked at me.

"Really?" His innocent eyes sparks with happiness.

Ngumiti ako at tumango. Pinunasan ko ang luha nito gamit ang mga palad ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Yes, baby. Now, say your proper way of goodbye to them" utos ko.

Pomormal na ang itsura nito at tumingin sa mga Crane. He smiled at them.

"See you soon, Noah, Peter, Genesis, Psalm and Isaiah. We'll visit you every weekend. Thank you for playing with us!"

I smiled. Tumango rin ang mga Crane at muli silang nagyayakapan.

"Bye, Daddy President!" sabi ni Isaiah at may kinawayan sa likod ko.

Lumingon ako at nakita si Daddy na pababa ng hagdan. Ngumiti siya sa mga Crane at tumango.

"Come back here when you have a free time."

Halatang natuwa ang mga Crane sa narinig. Napailing nalang ako. We bid goodbye to my family. Si Nanang at Tatang ay umiiyak sa tabi. Si North naman ay hindi ko na makita, baka pumasok na sa opisina niya. Niyakap ko si Daddy bago kami tuluyang lumabas ng bahay. The car is already waiting for us. Sinaluduhan ako ng mga bodyguard, tumango lang ako sakanila.

Pumasok na kami sa sasakyan, syempre ako parin ang nag-drive. Genesis sat beside me, nilingon ko ito at nakitang parang ang lalim ng iniisip niya.

Kakausapin ko nalang ito mamaya. Kulang lang ito sa lambing.

                                        _

NORTHERN'S POV

I leave the house after our breakfast. Syempre, pinanggigilan ko muna ng halik sa pisngi ang mga Crane, except kay Genesis dahil taken na ang isang 'yon. Sinamantala ko lang ang pagkakataon na nag-uusap sa taas sina Daddy at South dahil tiyak na kahit haplos ay hindi ko magagawa sa mga alaga niya kapag nandiyan siya.

Wearing my sleeveless spaghetti top, ripped jeans and my red stiletto, I walked inside the Coffee Shop. Bahagya kong tinaas ang suot kong itim na sunglasses para makita ng maayos ang mga tao sa loob. Four men sitting and sipping their coffee. Mukhang hindi naman sila makakaabala sa pagpunta ko rito kaya nagkibit balikat lang ako at sinenyasan ang bodyguards ko na maghintay sa akin sa labas.

Tinungo ko ang paborito kong table at naupo. I'm facing the entrance kaya naman kitang kita ko ang papasok sa loob ng coffee shop. Ilang sandali nga lang ay may pumasok ng maliit na bata, kasunod ang isang magandang babae. Kaagad akong napatayo at ngumiti ng malaki pagkakita sakanila.

"Mommy!"

Mom is all smile. Sinalubong ko siya at niyakap ng mahigpit. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"Good morning, sweetheart!" She kissed me on my cheek.

"Tss, can you both stop the drama and let's proceed to the main point of why are we here?"

My eyes settled to the little boy sitting in the chair. Nakahakukipkip ito at halatang bagot na bagot. I cleared my throat.

"Good morning" bati ko sakanya pero inirapan niya lang ako.

Kung hindi ito bata at kung hindi ko ito kapatid, baka kanina ko pa siya nasipa palayo. Pasalamat siya anak parin siya ni Mommy.

"Son, say good morning to your Ate North" utos ni Mommy sakanya.

Tumingin sa akin ang bata. His cold blue eyes almost melt me. Even if he's my brother, I still hate him. I hate him because he's intimidating. Wala man lang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Mas malala pa siya kay Daddy.

"Morning" tipid lang na aniya.

"I'm sorry, North. Ganyan talaga ang kapatid mong iyan" sabi ni Mommy.

Ngumiti ako at umiling. "It's okay, Mom. Sanay na ako sa mga ganyang tao. Dad and South used to be cold as him" sabi ko.

Tumango si Mommy at ngumiti nalang. We sat and ordered coffee for us. Sa bata ay isang yakult ang pinakuha ko para sakanya.

"What's this?" kunot noong tanong niya habang tinitignan ang Yakult.

"Pampatanggad. You need that" I said.

He raised his eyebrow and open the Yakult and drank it, bottoms up. I sighed.

"North..."

Tumingin ako kay Mommy. Hindi ko maiwasang titigan ang maamo nitong mukha. She's really an angel.

Tinawagan ako nito para makipagkita sa akin dito. Kaagad akong pumayag syempre, miss na miss ko na siya.

"How's your siblings?" tanong niya.

Kahapon nang magkita kami rito ay hindi niya nagawang kumustahin ang mga kapatid ko. She's busy explaining everything to me. Ngayong tinanong na niya ang mga kapatid ko ay napangiti ako.

I gripped the cup of my coffee. "They're fine. East and West are doing great in their studies. Mga Top student sila. Matatalino sila at advance ang mga pag-iisip when it comes to technology. Hindi sila pinapabayaan ni Daddy kahit busy siya sa pagiging politiko. He always find time to help them with their studies when the two are having a hard time. Pero kadalasan ay sinasarili na nila ang mga assignments nila. They said, they were big enough and smart enough to do their assignments alone." Napangiwi ako nang maalala noong nag volunteer akong tulungan sila sa assignment nila pero tinaboy lang nila ako. Sinabi nilang baka bumagsak pa sila kapag ako ang gumawa ng assignment nila. Iyong dalawang 'yon talaga. Natawa nalang ako sa sarili.

"Si South, her relationship with Genesis is getting stronger, I think. Masaya siya ngayon, lalo na at nagkaayos na sila ni Daddy kagabi. Seeing her anger vanished from her cold eyes is a big relief to me. Masaya ako na okay na sila, though, South is still doesn't want to go home. She choosed to stay with the Crane. Masyado siyang attached sa mga ito kaya hindi pa niya maiwan, but Dad understand that." I smiled again.

I studied her face and saw how sadness sparks on her eyes. She shook her head. Inabot ko ang kamay nito at mahigpit iyong hinawakan.

"I wish, I could see her happy eyes too. Sana mapatawad din ako ng kapatid mo..."

"Mommy, mapapatawad ka ni South. Let just wait a little bit, at kapag nakahanap na tayo ng pagkakataon ay pwede ka ng magpaliwanag sakanya. I'm sure, she'll understand you" pagpapatibay ko ng loob nito.

Tumango siya pero ang lungkot sa mga mata niya ay nandoon parin. I wish I could erase her sadness, pero alam kong hindi ko iyon magagawa. Only South can do that.

"Thank you, anak..." she smiled at me.

"Tss. Is that why I'm here? To watch the two of you?" singit ng bata.

Taas kilay ko itong tinignan. "Bata ka ba talaga? You speak like you're older than us! Ilang taon ka na ba ulit?" tanong ko.

"I'm already four years old, but I'm smarter that than you" malamig na aniya.

Aba! Bwisit 'to ah!

Akmang kukutusan ko na sana ito pero nagsalita si Mommy.

"Gyro, don't talk like that to your Sister" seryosong sabi ni Mommy.

Umiwas ito ng tingin at tinitigan ang bote ng Yakult.

"She's just my sister."

"Gyro..." may pagbabanta sa boses ni Mommy.

Nangunot ang noo ko. Bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi ng bata?

"Gyro, is that his name?" tanong ko.

Ngumiti si Mommy at tumango.

"His name is Perimeter Gyrocompass."

What?

Perimeter Gyrocompass? Kalokohan ba 'to? Dahil nagamit na ang mga direksyon sa mga pangalan namin ay compass na ang pinangalan sakanya? Take note, may kasama pang Perimeter! Jusme!

"Is he really your son?" wala sa sariling tanong ko.

Matalim akong tinignan ng bata na parang hindi niya nagustuhan ang tanong ko.

"Yes. He's my flesh and blood"

"Then why is he like that? He's cold and distant! He's not a normal child."

Mom chuckled. "Because at the age of two, he already witnessed the Hell."

Napalunok ako. What does she mean by that?

Magtatanong pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Dad is calling. Nataranta ako at mukhang napansin iyon ni Mommy.

"Your Dad?" tanong niya.

Tumango ako, hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag o ano.

"Answer it and told him you're with me."

Nanlaki ang mga mata ko. "M-mommy! Hindi pwede! Magagalit si Daddy sa akin!"

She gave me a reassuring smile.

"He won't, believe me."

Sa sinabi niyang iyon ay sinagot ko na ang tawag. Grabe ang nararamdaman kong kaba, eto na ata ang epekto ng kapeng ininom ko.

"D-dad..." Pinagpapawisan na ako.

"Where are you?" his cold voice gave shiver to my spine.

I swallowed hard. "In the coffee shop," tumingin ako kay Mommy. She's still smiling. Tumango siya sa akin. "I-I'm with...Mom..." I closed my eyes very tightly.

Ilang sandali siyang natahimik sa kabilang linya. Mas lalo akong kinabahan.

"Okay. Just go home after your business with her. I have something important to discuss with you" seryosong sabi nito.

"Y-yes, Dad..."

"And North?"

"Yes po?"

He sighed on the other line. "A demon once an angel, remember that. I love you, sweetheart." Pagkasabi niya niyon ay binaba na niya ang tawag.

My mouth left hang open. What does he mean? A demon once an angel? I don't get it.

"Anong sinabi niya?" tanong ni Mommy na siyang nagpagising sa akin.

I straightened my back and smile. "Umuwi raw po ako kaagad pagkatapos natin mag-usap. He's going to discuss something and I'm sure it's all about business." Iyon lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ako pinapauwi ni Daddy minsan eh.

Tumango siya at sumimsim sa kape niya.

"I think, Sylina didn't even change a bit of his attitude. Where's that Bitch, again?" biglang tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagbukas niya ng topic na iyon. Is she really asking me where's Sylina?

I sipped on my cup.

"She's in the hospital. She's still in Coma."

Ngumisi siya at tinitigan ang kape.

"Oh? That Bitch? Are you sure?" She looked at me again.

Tumango ako. "Yes, Mom."

Nagtaka ako nang bigla itong tumawa.

"Oh, sweetheart! A Visconti is very clever. Naniniwala kang comatose ang babaeng 'yon? I am the only one who can do that to her."

Napalunok ako. Kinain ako ng matinding kaba.

"What do you mean?"

She smiled and took out her phone. May pinindot siya rito at ilang sandali ay nilapag ang cellphone sa lamesa. May pinindot siya muli.

"How's the Bitch on room 405?" aniya sa cellphone.

Bitch? She's calling Sylina a bitch! And 405 is her hospital room!

"Ma'am, si Miss Sylina po ay kakalabas lang sa CR, kakatapos niya lang po na maligo," isang boses ang nagsalita mula sa cellphone.

Napasinghap ako. Si Sylina? I automatically ball my fist. So, hindi talaga siya comatose? That Bitch! Niloko niya kami!

"Okay" Pinatay ni Mommy ang tawag at nakangiting tumingin sa akin. "See?"

I clenched my jaw. "That bitch..." nanggigigil kong sabi. I wish I could slit her throat right now.

"Just tell me if you want me to really put her on a comatose state, sweetheart. I'll do whatever you want" sabi ni Mommy, may kakaibang kislap ng tuwa sa mga mata niya.

Mariin kong kinuyom ang kamao ko. All emotions in my eyes vanished.

"I want her dead."

She smirked. Napansin ko na maging si Gyrocompass ay ngumisi rin.

"Wish granted."

.

~~~

#PromoteMoYanTeh

Please read A Rare Interest. It's already on my work, just check it out!

Keep smiling!

-Naya

Continua a leggere

Ti piacerà anche

15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
184K 5.5K 54
[RedDragon Series #4] "Just learn to rest not to give up" Chloe Jane Scott Damon Bruce Cortton
121K 5.7K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea