PLEASE STAY

By justdudz17

81.5K 2.5K 1.2K

#5 fanfiction Oct.2.2018 #5 Random Oct.2.2018 One night mistake series. "i want you to know that i love you s... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 9

1.8K 150 46
By justdudz17

Dane POV

"gotcha baby!"

"ayyy!"

Napatalon ako sa gulat nang bigla bigla nalang may yumakap sa likod ko.

Hindi na ako magtatanong kung sino dahil alam ko naman na si Asungot yun.

Nagpupumiglas ako sa kanya.

"anu ba, bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.

Pinagtitinginan na kami nang mga tao sa ginagawa niya. Jusko!

"pagbinitiwan kita iiwan mo na naman ako. Hindi mo ba alam kong gaano ako katagal naghintay sayo?"

"ang OA, parang isang oras lang naman!" singhal ko sa kanya.

Pilit parin akong kumakawala sa mga bisig niya kaso pahigpit nang pahigpit.

"anong 1 hour? 12 years uyy. 12 years." inulit niya pa talaga.

Napairap nalang ako sa kawalan.

"bitaw na hindi ako makahinga."

"hindi pa nga tayo nasasakal kana?"

Sinikap kong abutin ang tenga niya niya para pengotin. Kong anu anong sinasabi. Walang kwenta!

"cloud anu ba?!"

"okey okey, naglalambing lang eh. Sabi ni Ninang fenech kumain kana, hindi mo manlang ako hinintay tsk."

Bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin at hinarap niya ako.

Medyo naguilty ako nang konti sa sinabi niya.

"eh sa nagutom ako eh."

Hinawakan niya ang pulsuhan ko. "tara, samahan mo akong kumain."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at hinatak nalang ako pabalik sa Hotel derecho sa restaurant.

"Ninang! Pengeng pagkain." sabi niya kay Tita fen.

"oh sige sige. Maupo muna kayo ni Future wife ni cloud."

Kotang kota na tong mga to eh.

Maddy nga ang pangalan ko. Hindi FUTURE WIFE NI CLOUD.

mga to. Ang eepal! Manang mana kay Cloud.

Magkano kaya binayad ni Cloud sa mga to.

Magkaharap kami sa upuan pero yong tingin ko nasa labas.

Ang ganda ganda nang pagkakagawa nang resort, nakakarelax tignan. Nakadagdag pa yong dagat. White sand, parang mala boracay ang datingan.

May mga maliliit na kubo, bean bag na ibat ibs ang kulay, at maliliit na payong na nagsisilbing banderetas nang isla.

Ang sarap pa nang simoy nang hangin.

Maraming tourista ang nag eenjoy sa mga ginagawa nila.

Ilang beses ko nang nakita sa facebook ang Islang to. Maraming magagandang review. At affordable ang price.

"alam mo ba na sila Papa ang gumawa nang resort na to?"

Malamang hindi ko alam. Tsk

"ito ang pangalawang bahay namin. Every vacation nandito kami, madalas ako lang nagpupunta dito, pero minsan kasama ko sila Mama. Yong iba sa ibang bansa nagbabakasyo pero kami mas masaya kami dito. Madalas din akong tumulong kay Papa two sa pag aasikaso sa mga guest, lalo na kapag summer, palagi akong nandito dahil mas maraming tao yun."

Kwento niya saakin.

"memorable saakin ang resort na to, dahil dito kami lumaki ni Sky. Dito na kami nagkaisip. Si Papa Two, malaking bahagi nang buhay ko yun, dahil siya ang nagturo saakin sa maraming bagay. Medyo busy kasi noon si Mama sa pag aaral niya at sa trabaho niya kaya si Papa two ang palagi naming kasama. Alam mo ba? Hindi naman ganyan yan si Papa two, dati palaging nakasimangot yan, pero sabi niya nang dumating kami sa buhay niya nagbago daw siya. Lalo na nong dumating ang kambal, kaya nga masaya rin ako para sa kanya."

Dagdag niya pa.

Hanggang sa dumating na ang pagkain ay nagkukwento parin siya tungkol sa buhay niya.

Bored na bored ko siyang tinignan.

"hindi kapa ba tapos?" plain na sabi ko sa kanya.

Bahagya siyang napanganga dahil sa naging tanong ko.

Nagtataka siguro siya kong bakit yun ang tangi kong natanong sa kabila nang mga kwenento niya.

Uminom siya nang tubig. "im done. Saan mo gustong pumunta? Or anong gusto mong gawin?" tanong niya saakin.

Tumayo ako. "anything. Mukhang wala ka namang balak na pauwiin ako. Edi enjoyin ko nalang ang ganda nang isla."

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

"Dane, kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako. Alisin mo muna ang galit mo saakin please." pagmamakaawa niya.

"anu pa bang magagawa ko? Nandito na ako eh, alangan naman languyin ko ang dagat makauwi lang hindi naman ako tanga para gawin yun."

Nauna akong naglakad sa kanya palabas sa Hotel.

Bigla akong nainggit nang may nakita akong nag jjet ski sa dagat.

"tara.." hinawakan na naman niya ang kamay ko.

Lumapit kami sa lalaking naghatid samin papunta dito sa isla.

"Ninong, may bakante ba?" tanong niya.

Ninong niya pala to.

"aba oo naman para sayo inaanak at para kay future wife ni Cloud!"

Tumawa silang dalawa. Samantalang ako ay naniningkit na ang mga mata. Kelan ba nila ako titigilan sa kakatawag nang FUTURE WIFE NI CLOUD?!

"thank Ninong, Dane lets go.."

Nauna pa siyang sumakay.

Tumayo siya sa Jet ski at naghubad nang sando niya.

Abs.

Abs.

Sumisigaw ang abs niya.

Nagsunod sunod ang lunok ko.

Jusko, mahangin naman pero bakit naiinitan ako?

"future wife okey kalang?"

Tumalon siya pababa sa jet ski at nilapitan ako.

Sinapo sapo niya ang leeg ko at noo ko.

"wala ka namang lagnat pero bakit namumula ang tenga mo?"

Dali dali kong nilugay ang buhok ko.

"im fine. Tara na."

Inunahan ko siyang maglakad. Jusko naman kasi! Bakit kailangang maghubad?!

"kapit ka baka mahulog, well okey lang naman na mahulog ka, sasaluhin naman kita."

Banat niya.

Naparolyo ako nang mata. Wala bang ibang lalabas sa bibig niya kundi puro banat niya?!

Humawak ako sa laylayan nang damit niya pero kinuha niya yun at iniyakap sa bewang niya.

"better." sabi niya. "wag kang bibitaw future wife, kapit kang mabuti."

In no time ay pinaandar na niya ang Jet ski. Napahigpit pa ang hawak ko sa bewang niya dahil sa bilis nang andar niya. Hindi ko alam kong sinasadya niya ba o talagang mabilis lang siyang magpatakbo.

Sa Cagayan, madalas kaming mag ganito nang mga kabarkada ko, tuwing bored kami ay nagkacutting classes kami para magtrip nang kung anu ano lang.

Ang sarap nang feeling na sinasalubong mo ang hangin. Samahan mo pa ang talsik nang tubig dagat.

Feeling ko simula nang lumuwas ako sa Manila ngayon nalang ulit ako nadampian nang dagat.

Almost 4 years na akong hindi umuuwi sa Cagayan, wala lang diko trip ang umuwi lalo na kong sasalubong sayo ay ang mga tsismosa mong kamag anak.

Kapag bakasyon ay nasa Manila lang ako, or minsan ay pumupunta ako nang Japan dahil pinipilit ako ni Mommy.

Almost 1 hour kaming nag Jet ski bago kami tumigil.

"gusto mong itry?" tanong niya saakin na mabilis akong tumango.

Akala ko ako lang mag isa pero sumakay siya sa likod ko.

Yumakap din ito sa bewang ko.

"marunong kaba?" tanong niya.

Ngumisi ako nang palihim sa kanya. "medyo." sagot ko.

"ahh sht!" napamura siya nang bigla akong umandar nang napakabilis.

Sa sobrang higpit nang yakap niya saakin nararamdaman ko ang abs niya sa likod ko.

Naka crop top ako Jusko.

Tumayo ako habang umaandar.

Ahhh sht! Ang sarap nang feeling.

"future wife, umupo ka please baka matumba tayo!"

Tumawa lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.

Pinasigsag ko ang andar ko kaya lalo siyang napapamura.

Nang mapagod ako ay tumigil na ako.

"medyo pala huh?"

"hindi ako expert kaya medyo lang." natatawa kong sabi sa kanya.

Marami kaming sinubukang water activities. Mgs intense na activity. Pinaka nagustuhan ko yong parang halos liparin na kami sa sobrang bilis nang andar nang Jet ski.

Nakahiga lang ako samantalang hindi alam ni Cloud kong anong gagawin niya.

Hindi niya alam kong kakapit ba siya o gusto nalang niyang magpahulog para matapos na ang kalbaryo niya.

Tawang tawa ako sa hitsura niya matapos ang activity na yun.

"that was lit." sabi ko.

Inilingan niya lang ako.

Masyado na akong nag eenjoy sa company niya na ako na ang nag aaya sa kanya.

Masyado akong excited sa mga activities na ginawagawa namin.

Sinubukan ko rin ang Kiteboarding, si Cloud ang nagdrive nang Jet ski, sinisigawan ko pa siya na bilisan niya para mas intense.

Pero KJ si Cloud, ang bagal lang nang andar niya kaya nakasimangot ako nang matapos ang activity.

"nakakainis ka. Dapat si Tito Aizan nalang pinagdrive mo." naiinis na sabi ko.

"masyadong delikado kasi." sagot niya.

Hindi naman delikado dahil tubig naman yun at isa pa marunong naman akong lumangoy.

Inakbayan niya ako. "tara, ligo muna tayo bago tayo kumain."

Ngayon ko lang napansin na maggagabi na pala, hindi ko manlang namalayan.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saakin. "paraparaan ah." taas kilay na sabi ko sa kanya.

Umakbay ulit siya. "hindi ko gusto ang tingin nang mga lalaki sayo. Baka makapatay pa ako dito! Bakit kaba kasi nagsuot nang ganyan?"

Inilibot ko ang paningin ko.

Nakita ko yong nakabangga ko kanina.

Nakatingin ito saakin, nang tumingin ako kanya ay kumindat siya.


Eh?!

Napahigpit ang hawak saakin ni Cloud.

"umalis na tayo, baka may mabulag dito pag dipa tayo umalis." wala sa sariling sabi ni Cloid.

Hinatak na niya ako papasok nang Hotel.



***

Sa kwarto ni Sky ako naligo, sinigurado ko ulit na nakadouble lock baka mamaya bigla nalang pumasok ang manyakol na yun at gahasain nalang ako bigla.

Floral dress ang napili kong suotin.

Anu kayang sasabihin ni Sky kapag nalaman niyang sinuot ko ang mga damit niya.

Hindi ko na kasalanan yun, kasalanan nang Kuya niya na dinala niya ako dito.

After kong maligo ay lumabas narin ako.

Nakita kong nakatayo si Cloud sa labas nang pinto nang kwarto ni Sky.

Wala akong takas. Mukhang inabangan na niya ang paglabas ko.

Umayos siya nang tayo nang makita niya ako.

"lets go?" tanong niya saakin.

Tumango nalang ako.

Nakakapagod ang araw na to, at wala na akong energy para tanggihan siya.

Mabagal lang ang lakad namin.

Nang makarating kami sa may lobby nang hotel ay pinahinto niya ako.

"wait.."

"anu na naman?"

Ang dami kasing kaartehan nagugutom na ako.

Hindi na siya nagsalita bagkud ay piniringan niya ako.

Aalisin ko na sana ang nakatakip sa mata nang pigilan niya ako.

"wag mong tanggalin please..."

"pag ako talaga nadapa sa kaartehan mo Jukso barber masasapak talaga kita kapag napanggasan ako."

"dont worry, ako ang magsisilbing waze mo. Iga-guide kita papunta sa heart ko."

Ayun! Magaling bumanat si Kyaaah!

Hindi na ako nakipagbangayan sa kanya at sinunod nalang ang trip niya.

Hawak hawak niya ang dalawa kong kamay habang naglalakad kami papunta sa kung saan.

"malayo paba?" tanong ko sa kanya.

"malapit na future wife."

Napaismid ako.

"kelan mo ako titigilang tawaging future wife?"

"kapag kinasal na tayo..."

Kahit di ko siya nakikita ay nakurot ko parin siya sa tagiliran niya.

"ang dami mong alam."

"yes madami akong alam. Isa nadun ang mahalin ka."

Kung ibang babae lang to kinilig na sa bango nang bunganga neto.

"we're here..." anunsyo niya.

Finally, sa hinaba haba nang prosesyon nakarating din kami.

Siya ang nagtanggal sa piring ko.

Napanganga ako nang makita ko kung nasaan kami.

Napapikit ako nang mariin.

Hindi talaga siya sumusuko.

Napatingin ako sa kanya.

"Cloud..." mahinang tawag ko sa kanya.

Nginitian niya ako. "tara?"

Nakikita ko ang saya sa mukha niya.

Cloud, bakit mo to ginagawa saakin?

Pinapahirapan mo lang ako eh.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ito.

Nakatingin lang ako doon hanggang makarating kami sa sinet up niyang candle light dinner.

Bakit dito?!

Bakit dito kung saan ako nangako?

Saksi ang puno sa mga pangako ko.

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa isang puno.

Hindi ko namalayan may tumulong luha na pala sa mga mata ko.






***

Hanggang diyan muna. 😭😭😭

Maraming salamat guys.

Pasok na sa ranking ang please stay nag uumpisa palang tayo.

Hehehe.

Nakakatuwa out of two thousand plus sa random ay 34 tayo. Hehehe

78 sa Fanfiction out of 5k plus.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
8.1K 401 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
20.5M 506K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...