Chapter 2

2.3K 157 74
                                    




Dane POV


Nakailang wipe tissue ako habang pinupunasan ang labi ko pero pakiramdam ko yong labi niya nakadikit parin sa labi ko.

Damn him! Anong karapatan niyang kunin ang first kiss ko?!

Hindi ba niya ako titigilan?! Hinding hindi niya ako mapapasali sa mga flings niya. Never in my life. Mygad! Bwisit siya hanggang ngayon kumukulo parin ang dugo ko sa kanya.

Anu ba kasing ginagawa niya dito?!0


First day of my internship, excited pa naman akong pumunta dito then siya ang bubungad saakin?!

Isang maling galaw niya lang talaga babayagan ko na siya.


Napatingin ako sa relo ko, sht! Late na ako nang five minutes. Dali dali kong pinasok sa bag ang mga gamit ko at patakbong lumabas nang CR.

Agad akong pumasok sa Conference room kung saan nandoon ang mga kasama kong intern.

Unang bumungad saakin si Mister Playboy na napapaligiran nang mga babae.

Naparolyo nalang ako nang mata.


"and you are?" tanong saakin nang nag oorient.



"im Okinawa Sir." sagot ko.


Tinignan niya isa isa ang mga resume namin.

Marydane Okinawa.

3 years after mamatay ni Daddy ay nagpakasal si Mommy sa isang hapon, at ang nakakainis pa pati apelyido ko ay pinalitan nila. Kaya mas lalo akong naggagalaiti sa galit sa Nanay ko dahil yong kaisa isang remembrance ni Daddy saakin ay pinalitan niya.

Pinaupo na ako nang nag oorient. Malayong malayo sa lalaking dahilan para kumulo ang dugo ko.

Umupo ako sa tabi nang babae. "hi.." bati ko sa kanya.


Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ko para bang inoobserbahan niya ako nang mabuti.


"you look familiar, by the way im Kate Skylar. Just call me Sky for short."


Bahagya pa akong natigilan nang sabihin niya ang pangalan niya.


"im Maddy.." tipid kong sagot sa kanya.



Isa isang binigay ni Ms. Ramirez ang mga IDs namin na may nakalagay kung saang department kami eaasign.


Department of finance.

Basa ko sa nakalagay sa ID ko.

"uyy same tayo nang department." sabi ni Sky saakin.


Awkward akong ngumiti sa kanya." oo nga no." walang kwenta kong sagot habang hinahawakan ko ang id ko nang mariin.


"si kuya training siya ngayon sa department of finance paniguradong under niya tayo."



Medyo naiirita ako sa kanya dahil sa pagkadaldal niya. I mean, hindi ko naman siya tinatanong pero kwento siya nang kwento.



"kuya..." alanganin kong sabi.



"yong feeling gwapo sa likod. Na akala mo siya na ang pinakagwapo sa mundo. Kakambal ko yan, nandito siya para magtraining slash internship. Soon, ay siya narin ang magapatakbo nang kompanyang to. Actually, engineering ang kursong kinuha niya, kaya lang sa department of finance muna siya nilagay ni Papa."sunod sunod na sabi niya.


PLEASE STAYWhere stories live. Discover now