Karylle's POV
Nagmulat ako ng aking mata. Parang wala naman akong katabi. Luminga linga ako sa paligid pagka bangon ko. Nakita ko sya sa sofa na mukhang hirap na hirap dahil ang haba haba nya. Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya. Kahit tulog ang suplado parin ng mukha nya. Umupo ako sa gilid ng sofa. Pagkatapos sinundot ko yung pisngi nya.
"Ang Pogi mo talaga.. ang sungit mo lang pero ang bait mo..sa akin kaya gusto kita eh" Kinilig pa ako sa sinabi ko.
"Hmmm" napalayo ako bigla ng umungol sya. Shocks..baka, ..naramdaman ko na hinatak nya ako, kaya napaland ako sa kanya. Tapos yung pareho nyang braso, pamaikot sa likod ko. Yakap nanaman nya ako, pero sa bagay ano pa ba yung ginawa namin kahapon.
"Gusto mo ako." bahagya akong kinilabutan sa gwapong boses nya. At alam ko na namumula nanaman ang pisngi ko. Hindi ko alam kung o-oo ba ako o hindi, pero narinig nya eh. "Bakit di ka sumasagot.." Nagdilat sya ng mata.
"H.. Huh.." ang gwapo nya. Ang gwapo ng mga mata nya. Teka humihigpit yung yakap nya. "Hui.. tigilan mo nga yan.."
"Gusto mo ako.." ulit nya. Walang expression yung mukha nya.
"Ano bang narinig mo?" angil ko sa kanya.
"Gusto kung marinig.."
"Pwede ba para kang bata!!" ang cute nya. Grabe thank you lord kasi nakikita ko ang totoong sya.
"Eh.. di ganto na lang tayo maghapon.." tapos pumikit ulit sya.
"Ano.. ba.." angil ko ulit. Pero wala eh, nakapikit parin. Aba tutulugan pa ata ako. "Oo.. na gusto kita.. Happy.." Pero no response eh. Ginapang ko yung mga daliri ko sa pisngi nya tapos sinundot ko yun. Paborito ko tong gawin kapag ayaw nya akong pansinin.
"Itigil mo nga yan.." napakunot noo sya habang ginagawa ko yun kaya napangisi ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nainis ata kaya nag mulat sya ng mata. Tapos masama ang tingin sa akin. Sanay na ako sa masama nyang tingin sa akin,
"Ngumiti ka kasi" sabi ko.
"Ayoko.." nakasimangot na sagot nya sa akin. Ewan ko ba sa damuho nato napaka bipolar. Tapos bigla syang bumangon. Napaupo tuloy ako sa lap nya. Tatayo na sana ako pero naka akap pa nga pala sya sa akin. Tinitigan nya ako. Tapos yung mukha nya palapit ng p palapit sa kin. Lumalayo naman ako, pero dahil nga nakaakap sya sa akin hindi na ako makalayo. Nakapatong sa balikat nya ang pareho kung kamay.
"Vice.." mahina kung usal. "A.. anong g.. ginagawa mo.." pero hindi sya nagsalita. Napapikit na lang ako ng dumanpi ang labi nya sa labi ko. Ang aga naman nito. Teka lang, hindi na sya lasing.. ah
. baka nanaginip ako. Pero gumalaw yung labi nya at tinugon ko ang halik nya. Oh my God nanghihina ako sa bawat halik nya. Ang sarap sa pakiramdam. His really a good kisser. I love the way how he kissed me. 10 seconds din yun. Pagkatapos ng halik nya tinitigan nya ulit ako.
"Why.. do you always drive me Crazy?" ang baba at ang gwapo ng boses nya grabe. Teka.. anak ng tipaklong.. totoo ba yung naririnig ko.
"H.. hah?" wala talaga akong maisagot sa kanya. Bakit ba ganun?
"Karylle.. wag mo na ulit uulitin yung kahapon.. ayoko ng manapak ulit.." napatango lang ako sa sinabi nya. Ang seryuso nya kasi. Teka nga ano bang meron kami ng damuho na to at kung maka arte sya eh parang boy friend ko. Ito ata yung M.U. as in Magulong Usapan. Ito yung walang label na relasyon. Ay ewan ko ba. Napapikit ako ng mariin sa naisip ko. Gosh.. para lang akong nag sasaksak sa sarili ko. Pagkatapos tumayo ako.
"Tara.. samahan mo ako.." sabi nya na tumayo din sa kinauupuan. Hinawakan nya ako sa kamay.
"Teka at saan naman?" kunot noo kung baling sa kanya.
"Sa labas kakain tayo.."
"Teka lang ha.. hayaan mo muna ako mag toothbrush.." sabi ko habang iniiripan sya.
"I kissed you already at ngayon mo lang naiisip yan.." direktang nakatingin sya sa akin. Pinamulhan naman ako ng pisngi, at napaiwas ng tingin sa kanya. "Sabay tayo mag toothbrush.." tapos hinila nya ako sa CR. Nabigla ako dun ah. At sya pa talaga ang nagaya. Nilagyan nya ng toothpaste yung toothbrush ko tapos sya din naglagay sa kanya. Nag start sya mag tooth brush habang ako nakatingin parin sa kanya.
"Akala ko ba gusto mo mag toothbrush" sabi nya habang mabula ang bibig natawa pa ako, kaya sinamaan nya ako ng tingin. Nagstart din ako mag toothbrush. Sabay talaga kami. Napapangiti ako, buti naman his showing the other side of him. Pagkatapos namin,..
"Maligo ka na din, antayin na lang kita sa labas." pagkatapos basta na lang sya lumabas. Nagkibit balikat na lang ako at nagstart maligo. Patapos na ako maligo ng marealize ko na wala nga pala akong dalang towel. Hala, pano bato. Binuksan ko bahagya yung pintuan, at sinilip kung andun ba si Vice, nakita ko sya sa valcony at may kausap ata sa phone. Pano ba ito?. Natanaw ko sya na nakasimangot nanaman. Bakit kaya? Mukhang patapos na ito ng pakikipagusap. At nakita ko na rin na binaba na nya yung phone nya. Naglakad na sya paloob. Ang Pogi nya sigaw ng isipan ko.
"Vice.." napalingon sya sa pagtawag ko. Kunot nanaman yung noo nya, kelan ko kaya to mapapangiti.
"Why?" masungit na sagot nya.
"Wala akong towel.. di ako makalabas.." sigaw ko sa kanya.
Nakita ko na naparoll eyes sya. Pero kumuha sya ng bathrobe pagkatapos ay inaabot sa akin.
"Salamat.." pagkatapos napangiti ako pagkaabot ko sa robe. Isinuot ko yun. Pagkatapos lumabas ako, nakita ko sya na naka cross arms. At na nakakunot noo. Tiningnan ko sya. "Bakit? Anong problema?" Lumapit sya sa akin. Magulo pa ang buhok ko at medyo basa pa dahil hindi ko pa napupunasan ng maayus. Napalook up ako sa kanya. Tapos tinitigan nanaman nya ako. "Tigilan mo nga yan nakaka consious“ angal ko sa kanya. Nako paborito nyang gawin yan. Kinuha nya yung pareho kung kamay at inilagay sa balikat nya. Nagulat ako dun ah, ano nanaman trip ng kumag nato, pero inaamin ko kinilig ako. Tapos, yung mga braso nya pumaikot sa lower back ko. My gosh ano na naman to.?
"Ang bango, mo.. I like your scent" nanginig ako sa sinabi nya. Grabe, lord, His Jose Marie Viceral. Napakapit ako ng mahigpit sa batok nya. Ayan nanaman sya, inangkin nyang muli ang labi ko. At napapikit ako sa ginawa nya. Hinahalikan nya ako in a needyway. Kaya napahigpit pa yung yakap ko sa kanya, kasi parang any moment matutumba ako sa ginagawa nya. His tounge was sliding inside my mouth. Ang sarap nya talaga humalik. Umatras ako bahagya dahilan para mapasandal ako sa pader. His sucking my tounge. Mas lumalim pa yung halikan namin. I was gasping for air ng tumigil sya. Pero binigyang nya pa ako ng smack. Nakakapit parin ako sa kanya. Habang tinititigan sya at sinusubukang gawing normal ang paghinga. His really unpredictable.
"Maligo kana.." sabi ko sa kanya. I was about to pull away sa kanya kaya lang his to strong at hindi nya agad ako pinakawalan. Nagkatitigan ulit kami.
"Sige, maliligo na ako pero, let me do this first" naramdaman ko nanaman ang labi nya sa labi ko. I can't resist his charm. Nakakabaliw ang mga halik nya. After 15 secs.
"Alam mo maligo kana ng totoo kasi, kapag inulit mo pa ulit yan, di kana makakaligo." sabi ko.
"Mas pabor sakin yun!!" sabi nya. Tapos nag smirk sya! may god! playfull smirk.. at ako lang ang nakakita nun. AKO LANG!!. Medyo natigilan ako dun di ako makaget over sa smirk nya first time!! "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" kumunot nanaman ang noo nya. Grabe split seconds lang pala yun.
"Maligo kana.." sabi ko sa kanya.
"Sige na nga.." pagkatapos naghiwalay kami. Pumasok sya ng CR. Napasandal ako sa pader.. may god ano bang nangyayari sa aming dalawa.? Naguguluhan ako pero aaminin ko na gusto ko ang nangyayari sa amin, kahit pa parang nagsasaksak ako sa sarili ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
********
General POV
Naglalakad ang dalawa sa may lobby na magkahawak kamay. Napatingin sa kanila yung receptionist, sila kasi yung mga iskandalosong customer ng hotel. Ngumiti sa kanila ang receptionist, gumanti rin ng ngiti si Karylle dito at as usual si Vice walang pakialam. Naglakad sila palabas para mag tungo sa isa sa mga kainan dun. Pagkapasok nila sa isa sa mga resturant dun lahat nakatingin sa kanila. They were perfect for each other. Iginiya sila ng waiter sa isa sa mga table dun. Nag order kaagad si Vice. Pagkatapos masabi lahat ng order nila.
"Vice.. Kelan tayo uuwi?" napatingin ang binata sa tanong ng dalaga.
"Mamayang hapon. Bakit?" kunot noo nitong tanong.
"Wala lang inaalala ko lang si Mama.." Sumandal sya sa upuan. Magkatabi sila nun at naka akbay sa kanya ang binata habang nakahilig sya sa balikat nito. Sa unang kita, iisipin mo na magkasintahan sila.
"Dapat tinawagan mo sila.." sabi ng binata habang lumilinga sa paligid.
"Tinawagan ko naman sila kanina, nag sorry nga ako kasi hindi ako nakapag text sa kanila kagabi na mag sstay tayo dito.." sabi ng dalaga habang nilalaro ang kanang kamay ng binata.
"Wag mo nang masyadong isipin yun..okay lang naman sila.." hinahaplos nito ang buhok nya.
"Hi.. Vice.." sabay sila na pa look up sa nag salita.
"Liz.." usal ng binata. Napa simangot naman si Karylle ng makita ito, Ito kasi ang babaeng kahalikan ng binata ng nakaraang araw. Lumayo sya sa binata.
"Hi.. pwede bang ju moin.. secretary mo lang naman ang kasama mo right.." napataas ang kilay ni Karylle sa narinig. 'Secretary' lang naman sya ng binata. Nahalata yun nga binata.
"Ah.. Liz.. this is Ana Karylle Tatlonghari..Karylle this is Liz Uy.." Tiningnan ni Karylle si Liz at nagbigay ng fake smile, sabay nakipagkamay dito.
"Nice to meet you.." sabi ni Liz, na naupo sa silya sa harap nila. "Am.. would you mind na makipagpalit sa akin ng seat.. gusto ko kasing katabi si Vice.." Lalo namang napasama ang timpla ni Karylle sa narinig. Pero she manage to controll her feelings. Kaya tumayo sya.
"Sure.." napalook up si Vice at parang gustong mag protesta sa desisyon ng dalaga.
"Karylle" sambit ng binata sa mautorisado nitong boses. "Dito ka lang sa tabi ko, Liz.. she's my girl friend" natigilan si Liz sa narinig. At kinilig si Karylle, di nya maiwasang mapangiti sa narinig. Umupo ulit sya with matching ngiting tagumpay.
"I thought she's just your secretary" tila di parin makapaniwalang sabi ng dalaga.
"Deffinitely Not" seryusong sabi nito. Sobrang kinilig si Karylle sa narinig. Para namang nanghina si Liz sa narinig.
"Amm.. I have to go na pala.. may meeting pa pala ako. sige bye.." dali dali itong tumayo at umalis. Pagkaalis nito.
"Vice.." napalingon ang binata.
"Do you want anything?" kunot noong baling nito. Napangiti si Karylle sabay hinalikan sa labi ang binata, smack lang naman. Natigilan si Vice sa ginawa ng dalaga.
"Thank's.. My Knight in Shining Armor" ngumuti ito ng pagkatamis tamis sa kanya. Bahagya namang pinamulhan si Vice, na parang high school student na nabati ng crush. That was priceless moment dahil first time makita ni Karylle na ganoon ang binata. Gusto nya sanang kuhanan ito ng picture pero, alam naman nya na hindi ito papayag. Dumating na ang order nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
**********
Pauwi na sila ng manila ng mapansin ni Karylle na panay ang hikab ni Vice. Nag alala sya ng makitang ganun ang binata.
"Vice inaantok kaba?" napalingon ang binata sa dalaga, na nababakas ang pag aalala.
"Hindi naman---" napahikab ulit sya. Paglungon nya sa dalaga. Nakita nya na masama ang tingin sa kanya nito.
"Itigil mo yung kotse." hindi nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag d drive. "Isa.. tatalon ako, pag di mo itinigil!!" napatalima naman si Vice, at itinigil ang kotse. Kunot noo nyang binalinagan ang dalaga.
"Bakit ba?" tanong nya rito.
"Matulog ka.." utos nito.
"Sanay na ako kaya ko pa namang mag drive.." sagot ng binata.
"Pwes ako hindi ako sanay, dapat inaalagaan mo ang sarili mo.. wag mo namang pabayaan ang sarili mo!!" galit na sabi ng dalaga sa binata. Mataman syang pinagmasdan ng binata. First time kasi na may nagagalit sa kanya dahil pinababayaan nya ang sarili nya. Somehow his heart is relieve. Hindi katulad ng dati na puro sakit lang ang nararamdaman nya. She make me feel Alive. He was happy with the thought.
"Back seat tayo.." pagkatapos ay tumayo sya para magtungo sa back seat. Ganun din ang dalaga. Naupo ang dalaga, pagkatapos inunan ng binata ang binti nya. Napangiti si Karylle sa ginawa nito. Nakita nya na ipinikit nito ang mga mata. Pagkatapos hinaplos nya ang buhok nito para makatulog ito.
"Karylle.." sabi nito using his husky voice.
"Ano yun?" tugon nya sa binata.
"Ikaw lang ang babaeng humaplos sa buhok ko" What? Kinilig nanaman ako. Grabe talaga sya mag pakilig. sino ba namang hindi kikiligin sa kanya. Gwapo na ang ganda pa ng boses. sabi ng isipan ni karylle. "At ikaw lang ang una at huling hahaplos sa buhok ko" Sa mga sinabi nito she can't help her self but smile.
[Author's Chuchu]
Ayan another update see you sa next chapter thank's for reading guys.. hi danrrystylar.. thank you little sissy.
To GOD be all the glory!!!
*****Jaskhail****