When We Happened

By shattereign

66.4K 1.2K 123

Daffney Levanidez wasn't interested in dating guys not until the night she met Darlin Francisco, the guy that... More

E X C E R P T
Simula
I. My Type
II. How Cute
III. Childish
IV. Honey
V. Too Young
VI. Not Your Chic
VII. Pregnant
VIII. Crazy
IX. Friend
X. Already Fallen
XI. Jealous
XII. Reward
XIII. A Little Push
XIV. Angel
XV. Timeline
XVI. Broken Hearted
XVII. Infatuation
XVIII. I'll Try
XIX. Somebody Owns You
XX. Happy Birthday
XXI. First Love
XXIII. To Compromise
XXIV. Sorry
XXV. Be My Girlfriend
XXVI. Still Can't Have
XXVII. Eighteenth
XXVIII. I'm Braver Now
XXIX. Midnight Memories
XXX. My Darling
A/N

XXII. My Princess

1K 20 3
By shattereign

Kabanata 22

My Princess

Umuwi ako ngayon sa Florencia dahil mag-aayos ako ng mga bagay para sa debut ko. Isang buwan na lang kasi at birthday ko na. Kahit ayaw ko, mapilit talaga si Mommy na mag-celebrate ako kasi minsan lang daw 'yun sa buhay natin. Once lang ako magiging eighteen kaya gusto niyang paghandaan 'yon, at dahil na rin bunso akong anak kaya gusto talaga nila na maghanda ako.

"Sino ang escort?" tanong ni Mommy at nung organizer sa akin.

Natigilan ako ng bahagya. "Kailangan ba talaga n'on?" tanong ko sa kanila.

Tumango 'yung organizer. Sus, hindi naman kailangan noon. "Si Kuya ko na lang po. Si Kuya Daffin," sabi ko.

"Okay, noted."

"Wala ka bang ibang gusto bukod sa Kuya mo?" makahulugang tanong ni Mommy. Napa-nguso tuloy ako. Sino naman kaya? Alam ko namang alam naming dalawa kung sino, pero para saan pa ba kung kuhanin ko siyang escort? 'Tsaka papayag ba siya gay'ong hindi naman ako ang gusto niya?

"Wala..." sabi ko na lang.

Buong weekend nag-ayos lang ako nung debut ko. Ang hassle kaya at nakakapagod mag-asikaso. Pero, pagbigyan na nga si Mommy. Bunso naman na daw ako, e. Kung ito makakapagpasaya sa kanya, edi sige.

Pag-uwi ko naman ng Arcen ay dumiretso kaagad ako sa date namin ni Kross. I gave him a chance. Kasi, ewan. Minsan... mapapagod ka na lang talaga na maghintay sa isang tao. Alam mo 'yung nagsisimula pa lang kami ni Darlin tapos biglang tapos na kaagad kami? Ang gulo.

Hindi pa nga nagsisimula, natapos na.

At saka, nasaktan talaga ako doon sa mga sinabi niya sa akin. Call me sensitive, pero sumobra naman yata siya doon.

"Hi!" bati ko sa kanya ng pagkadating ko dito sa meeting place namin na cafe. Naka-black na polo lang siya at white na shorts at topsider. Ang gwapo talaga.

"You look gorgeous today, Daff."

Tumayo siya at lumabas na kaming dalawa. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan katulad ng palagi niyang ginagawa.

"Saan tayo?" tanong ko sa kanya nang nagsimula na siyang mag-drive. Nakakapagtaka na sa gwapo niyang 'to, hindi pa talaga siya nagkaka-girlfriend.

"Surprise," sabi niya ng nakangiti. Goodness, kahit ano yatang expression nang mukha niya, gwapo pa rin. Nakakainis.

"Hindi ka pa ba talaga nagkaka-girlfriend?" curious na tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya. "Bakit?"

"Hinihintay pa kita."

Nag-init iyong pisngi ko. Sobrang straight forward niya talaga palagi! Pero kahit ganoon, alam ko namang honest talaga siya dahil ako ang una niyang niligawan.

"Hala naman. Ano nga? 'Yung totoo?" pag-ulok ko pa sa kanya. Bumuntong-hininga naman siya.

"You're really curious, huh?"

Tumango ako. Natawa nanaman siya. Palagi talaga siyang naka-ngiti, kaya kapag kasama ko siya talagang napapa-ngiti na lang din ako. Nakakahawa kasi 'yung smiles niya. Parehas sila ni Stance. Kaya nga totoong kung ano 'yung nasa paligid mo magiging ganoon ka na rin. So, I made myself surrounded with positive people.

"It's just that... I don't know. I'm not really romantically inclined," sabi niya habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

"Sus, bakit nga ako? Ilang taon ka na ba?" tanong ko. Ka-batch kasi siya nina Kuya Darry at Viniel. Siguro mga twenty?

"Twenty-one."

"Malaki pala ang agwat natin."

"Age doesn't matter," kontra niya kaagad. Napatawa naman ako doon. "And, hindi 'yun malaki, Daff. Four years lang."

Talagang nilagyan niya ng lang ha. At ayun, buong drive namin, pinag-awayan lang namin kung age doesn't matter ba or it does. At sa huli, natalo ako. Age doesn't matter nga kasi talaga, 'di ba?

"Amusement park?" tanong ko nang nakababa na kami ng sasakyan at nakita kong dinala niya ako sa isang amusement park.

Ginulo niya nanaman 'yung buhok niya gaya ng palagi niyang ginagawa.

Nilabas niya 'yung mamahaling phone niya at nahihiyang may ipinakita sa akin. "Stop laughing," naiinis niyang sabi dahil tawang-tawa talaga ako.

"Seryoso?"

"Yeah," sabi niya. "This is all your fault."

Inirapan ko siya. Naging kasalanan ko pa bigla, ha?

"Wow! Kasalanan ko bang nag-search ka pa sa Google?" pang-aasar ko. Nagpout naman siya. Nakakatawa kasi nag-search pa siya sa Google kung saan dapat dalahin ang isang babae sa date. Grabe lang.

"Hay! Let's just go!" gulat ko naman nang hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok. Wala lang... hindi lang ako sanay. Madaming natingin sa amin habang naglalakad. Ang tangkad kasi ni Kross. Ang puti-puti pa at ang gwapo. Head turner kumbaga.

"Can you hide your face?" biglaang tanong niya sa akin. Ano raw?

"Ha?"

"Geez, guys kept on looking at you. You're such a head turner, it's sometimes irritating."

Natawa nanaman ako. Ako pa ngayon 'yung head turner sa aming dalawa, ha?

"Ikaw din naman."

Ngumiti siya. "Nope. Ikaw yata."

"So, pagtatalunan nanaman ba natin 'to?" natatawa kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot, hinila niya lang ako papunta sa ferris wheel.

"Boring naman diyan. Mabagal," sabi ko sa kanya. Pero ang totoo... takot talaga ako sa heights. Bakit ba naman kasi amusement park 'yung lumabas sa Google? Hindi ba pwede na restaurant lang?

"Hmm, saan mo gusto?"

Luminga-linga ako. Goodness! Puro naman matataas ang nandito, e. Roller coaster, ferris wheel, basta puro matataas! Bakit kasi dito niya ako dinala?

"Uhm..." Napatingin ako dun sa isang rides na hindi mataas. Good thing may ganoon nga pala. "Doon!" sabi ko sabay turo.

Nagsalubong 'yung dalawa niyang kilay. Bakit ba? Wala namang masama 'dun ah? So, dahil ride all you can ticket kami, pumila na kaagad kami. Ang mukha naman ni Kross busangot na busangot. Mukha kasing gustong-gusto niya talaga sa Ferris Wheel!

"Seriously? Can't we just ride the roller coaster?" tanong niya tapos tinuro 'yun. Umiling ako at nginitian siya. Ayoko pang mamatay ano!

"Then, we're just going to bump each other's cars?" malungkot niyang tanong. Tumango naman ako at mas ngumiti.

Sakto, pumasok na kami at sumakay sa iisang kotse. Ayaw niya daw kasi mag-drive. Edi sige, humanda siya.

"Daffney! Stop bumping cars!" sabi niya ng nakahawak na sa ulo niya. Inirapan ko nga.

"Duh! Bumper cars nga, e. Ano ang gusto mo? Naka-tigil lang tayo?"

"Nakakahilo!" sabi niya sa isang cute na accent. Napatawa naman ako.

"Pagbigyan mo na ako!" sabi ko tapos kinurot ko 'yung pisngi niya. Ang cute niya kaya.

Dahan-dahan ay ngumiti siya. Natigilan ako.

"Of course," he said. "Anything for you, my princess."

Continue Reading

You'll Also Like

773K 26.3K 80
(Finished) When Isaac Jacob tries the Heartbreak Hotline app to deal with his heartbreak. An epistolary.
1.3M 53.6K 40
Regret, guilt and fear are embracing her soul. Throughout the years that has passed, Linette Afia is still chained to the past of the unforgettable t...
60.6K 361 33
Hi! These stories are just based on my perspectives. I don't know if you'll like it but I'm sure they are all good. Hope you like it!
140K 6.5K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...