Tears of an angel (ON-HOLD)

By Amiikaaciin

7.2K 563 72

[ON GOING] HE'S HOT. - SHE'S COLD. HE'S HANDSOME. -SHE'S NOTHING. HE'S POPULAR. - SHE'S UNPOPULAR. EVERYBODY... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Author's Note :)
Chapter 9
Chapter 10
Must Read!
Must Read!
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Author's Note
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 18

228 18 5
By Amiikaaciin

A/n: It took me almost 72 fvcking hours just to finish this chapter. grabe, akala ko talaga magkaka WRITER'S BLOCK na ako pero buti nalang at hindi nangyari, nagawa ko paring tapusin 'to kahit paano. Salamat nga pala sa mga patuloy na nagbabasa at naghihintay ng mga UDs ko, alam kung hindi kayo ganon karami pero sobrang salamat talaga xD

Kennai's POV

Magaan ang pakiramdam na nagising ako, para bang nakatulog ako ng sakto sa oras.

inunat ko muna ang dalawang kamay ko bago ako umupo sa kama, tatayo na sana ako nang matabing nang kamay ko ang DLSR na natabunan ng puting kumot.

humihikab na kinuha ko'to at tiningnan, nanlaki ang mga mata ko sa larawan na naka preview don.

(O_O)...

(o_o)....

(O_O)...

What the hell?

then biglang naalala ko ang nangyari kagabi,

Ang pag kakita niya kay ayieka.

Ang pag sama niya sa dalawang bata,

Ang palihim na pag sunod ko sa kanila,

Ang pag gamot niya don sa isang mas bata,

Ang pag ngiti at ang pag tawa niya nang di ko inaasahan,

Ang pag bilis ng pintig ng puso ko nong mga oras na yun,

at ang pagkuha ko ng pictures sa kanila nang hindi nila namamalayan.

~LUNOOOOOOK!!~

lahat ng yun nagawa ko kagabi?

napalunok uli ako at nanginginig ang dalawang kamay na tinitingnan muli ang mga larawan na kuha ko.

ano bang nakain ko kagabi para gawin ko yung nagawa ko? hell, nababaliw ka na talaga kennai!

hanggang sa tumigil yun sa larawan ng nakatawang si ayieka.

~LUNOOOOK!!~

muling tumigil ang pag ikot ng mundo ko at ang pag bilis nang tibok ng puso ko.

LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB!

I pointed her picture with my index finger, mariin akong pumikit habang ginagawa ko yun na para bang isang malaking kasalan ang gagawin ko.

"H-hoy ayieka, alam mo bang wala kang k-kwenta? shit, nababaliw na ako, syempre alam mo yun" nanginginig ang boses ko habang sinasabi yun, na para bang kaharap ko talaga siya.

"pero.. p-pero ang pag ngiti at pag tawa mo kagabi, nag-iba ang paningin ko, bumilis ang tibok ng puso, tumigil ang pag ikot ng mundo ko at gumanda ka sa paningin k---- what the fvck? ano bang pinag sasabi ko? aish!" binitawan ko ang camerang hawak ko saka sinabunutan ang sarili ko.

"urghhhhh you're crazy kennai, very crazy" inis na anas ko sa sarili saka padabog na tumayo mula sa kama.

dumiritso na ako sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagsuot na ako nang damit at kinuha ang bag ko, nilagay ko muna sa bulsa ang phone ko saka lumabas ng kwarto.

nakaisang hakbang palang ako sa hagdan nang tumunog ang cellphone ko, kinuha yun at tiningnan ang caller.

(O_O)...

Mommy's calling♪♬♪…… …… …… ☎

agad kung sinagot yun.

"Good morning mommy" masiglang bati ko sa kabilang linya.

"good morning too baby, how are you? I missed you so much baby" napanguso ako sa sinabi niya.

"Missed daw, e bakit ang tagal nyong umuwi ni tita?" nakangusong tanong ko habang naglalakad pababa ng hagdan, rinig ko naman ang mahinang tawa ni mommy sa kabilang linya.

"We're still injoying our vacation baby" aniya. bumuntong hininga nalang ako. sabagay, ngayon lang naman uli nakapag bakasyon si mommy ng matagal tagal."Don't worry dahil uuwi na rin kami two days from now and of course kasama na ang daddy mo"

parang nabuhay ang katawan ko sa sinabi niya.

"You mean uuwi na si daddy? tapos na ang business trip niya? are we going on a vacation again just like before?" excited na tanong ko, yun kasi ang nakasanayan naming gawin noon nong nabubuhay pa si kuya viel.

ilang sigundo muna bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Baby, you know that we can't do that again right?" natigilan ako sa sinabi ni mommy. she's right, hindi na kami ang dating pamilyang nakasanayan ko. masyadong naging affected lahat nang mamatay ang kapatid ko. mas naging busy si daddy sa work, minsan nalang kung itoy umuwi, si mommy naman ay naging malungkotin, habang ako naman ay naiwang mag-isa pero naiintindihan ko naman yun.

habang ako ay nag-aaral sa MSU at naka tira sa rest house namin sa CdeO na malayo sa kanila at mag-isa, sila naman tatlo ang mag kasama dito sa mansyon.

hindi ko maintindihan nong una kung bakit kailangan kung mag-aral sa malayo gayong marami namang schools dito sa lugar namin na mas hihigit pa sa kayang ibigay ng MSU.

I was deeply hurt that time, hindi ko sila kinakausap but everything changed when kuya viel talked to me and explained everything, na gusto lang daw nilang maranasan ko ang mag-aral sa paaralan kung saan sila nag tapos ng high school.

kaya sa huli ay napawi na rin ang sakit at pagtatampo na nararamdaman ko non.

kahit malayo ako ay bumibisita naman sila sa akin sa CdeO, minsan nga ay nag babakasyon pa kami sa iba't ibang bansa.

wala akong naramdamang problema nong mga panahong yun.

akala ko mananatili kaming ganon palagi.

pero nagbago lahat ng yun nang mamatay ang kapatid ko.

at ang akala kung walang problema ay meron pala.

na si kuya ang mas close nila at pangalawa lang ako.

at don ko lang naramdaman ang rejection ng mga magulang ko,

sinisi ko ang mundo sa sakit na nararamdaman ko, sinisi ko rin ang kuya dahil iniwan ako.

habang nagluluksa ang mga magulang ko ay nag rebelde ako,

sa batang edad ko non natuto akong uminom, mambabae, at mag sugal.

para akong wala sa sarili, paulit ulit na ganon lang ang ginagawa ko.

hanggang sa nangyari ang hindi ko inaasahan, naaksidente ako.

ang naaalala ko lang non ay galing ako sa isang party tapos nag drived ako ng sobrang lasing at bumangga ako sa isang malaking sasakyan then everything went blurred. naramdaman ko nalang na may pilit na humihila sa akin palabas ng sasakyan ko.

hindi ko maaninag ang mukha niya, pinilit ko siyang abutin pero hindi ko siya maabot. narinig ko nalang na may malakas na sumabog and right there, I saw my car burning with fire.

muli kung nilingon yung taong tumulong sa akin pero nakatalikod na ito at naglalakad palayo and all I could remember was that may malaking hiwa ng sugat ito sa gilid nang kaliwa niyang kamay then everything went black and the next thing I know e' nasa hospital na ako.

"Are you still there baby?" pukaw sa akin ni mommy, huminga ako nang malalim.

"yes mom" malungkot na sagot ko."I need to go now, tatawagan nalang kita mamaya mommy, I love you" tapos pinatay ko na ang tawag.

Nag bitiw muna ako nang tatlong malalalim na buntong hininga bago ako dumiritso papuntang basement, palabas na sana ako sa mansyon nang makasalubong ko si yaya temay.

"sir hindi po ba kayo kakain?" tanong niya.umiling ako."paano yan e nung paborito niyo pa namang pagkain ang niluto"

"kayo nalang kumain non yaya" sabi ko saka nagmamadaling pumunta sa basement at sumakay sa porsche na sasakyan ko, hinintay ko munang tuluyang bumukas ang automatic gate bago pinasban ang sasakyan at lumabas aa lugar na 'yun.

10 minutes lang ay narating ko na ang parking lot ng E.U dahil na rin sa bilis nang pagpapatakbo ko. mabuti nalang at walang traffic enforcer sa kalsada kanina dahil pag nagkataon, tiyak huli ako.

bumaba ako nang sasakyan at ni lock ang pinto saka ako naglakad papasok.

lahat ng tao ay nakatingin sa akin na para bang sinusuri lahat ng parti sa katawan ko, pero wala ako sa mood para pag ukulan sila nang pansin ngayon.

dumiritso na ako sa room pagka pasok ko sa E.U.

kaunti pa kaming magkaklase sa loob pagkapasok ko, umupo ako sa pinaka huling upoan.

Nakita ko ang panaka nakang pag sulyap sa akin ng mga babae at kahit na lalaki.

(>_<)...

ano bang problema ng mga 'to? kung makaasta parang ngayon lang  nakakita ng gwapo.

tatayo sa na ako para lumabas nang makita ko si ayieka na pumasok.

(O_O)....

~LUNOOOOK!!~

parang nag slow mo lahat ng nasa paligid ko nang mag tama ang paningin namin, dahan dahan akong napaupo muli.

~LUNOOOOK!!~

nakatitig pa rin ako sa kanya nang tumunog ang phone ko, kinapa ko yun at nilabas saka sinagot ang tawag without breaking our eye contact.

"Asan kana? kanina pa ako nag hihintay dito sa parking lot" huh? ano daw?, nakatingin pa rin ako kay ayieka,

pero teka, may binanggit siyang parking lot.

parking lot...

parking lot..

parking lot.

(O_O)...

"alexis?"napalakas na tanong ko, nakita ko namang nag-iwas ng tingin si ayieka saka dumiritso sa umupo sa upoan na ilang hakbang ang layo sa akin.

"What the hell kennai? don't tell me nakalimutan mong magkikita tayo sa parking lot at sabay na papasok?!" natotup ko ang noo ko. tangna! nakalimutan ko nga, may usapan nga pala kami.

(>_<)...

Aish!

"Look, I uhhh.. wait for me there" sabi ko pero pinigilan niya ako.

"You know what? just don't. urghhhh this is bullshit. just get lost!" galit na saad nito sabay putol nang linya. napalunok ako saka tiningnan ang phone ko na may nakatatak na call ended.

(O_O)...

What the fvck was that?

parang may sariling katawan ang ulo ko dahil lumingon ito kung saan nakaupo si ayieka at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko itong nakapangalumbabang  naka tingin sa akin.

(O_O)...

~LUNOOOOK!!~

"Tss" rinig kung anas niya saka itong pumikit.

mariin akong pumikit.

~5!!

~4!!

~3!!

~2!!

~1!!

dahan dahan kung iminulat ang mga mata at ganon nalang ang panlalaki nito nang makita ko siyang nakamulat ang mga mata at at...

~LUNOOOOK!!~

(O_O)...

(O_O)...

(O_O)...

at nakangiting naka tingin sa akin.

~LUNOOOOK!!~

ayan na naman ang tibok ng puso kung parang nakikipag karira sa sobrang bilis.

LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB!

marahan kung sinuntok ang dibdib ko at muling tumingin sa kanya habang ginawa ko yun pero tangna, lalong lumaki ang mga mata ko nang makita ko siyang ngumisi.

PAKSHEYT!

WHAT THE FVCK!!

para akong tanga na hindi malaman ang gagawin.

sa sobrang ewan ng utak ko ay bigla akong tumayo at walang ano anoy naglakad palabas ng classroom na parang robot.

diridiritso lang ako na naglakad na parang walang ibang taong nakikita.

DAMMIT!

Hindi rin mawala wala sa isipan ko ang nakangiti at nakangisi niyang mukha.

"Urghhhh!!" frustrated ma sinabunutan ko ang sarili habang naglalakad. nakita ko namang nag siiwasan lahat ng tao sa corridor, yung iba ay nagbubulung bulongan pa.

hindi ko sila sa pinansin at nagputuloy nalang ako sa paglalakad, kung saan man ako dadalhin ng paa koay hindi ko alam at wala akong pakialam.

patuloy pa rin kasi sa mabilis na pag tibok ang puso waring hindi ito napapagod.

hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili sa likuran ng gym kung saan walang tao at tahimik, tanging huni ng ibo at hangin na bumabangga sa puno at dahon ang naririnig ko.

paharap na idinikit ko ang noo ko sa malaking puno ng akasya na naroon, mariin akong pumikit saka kinapa ang kaliwang dibdib ko.

"Ano bang meron sa kanya at bumibilis ang tibok mo pag nakikita siya?" mahinang tanong ko na parang nahihirapan na hindi."kung ano man to, please tumigil kana dahil hindi dapat, hindi.." huminga ako ng malalim.

nanatili pa ako sa ganon, kalaunan rin ay naging normal na ang pagtibok ng puso ko, ang kaninang napakabilis ay humina na at naging normal ang ritmo.

naramdaman kung nag vibrate ang phone ko, parang tamad na tamad na kinapa ko yun at inilabas.

galing kay sebby ang text na natanggap ko, binasa ko ang laman ng mensahe niya.

From: Sebby

Hoy aso, asan ka? malapit nang mag umpisa ang klase. gago malalate ka. bilisan mo. hindi pala bakla ha. hahaha

(O_O)...

isa pa'tong kumag na'to e, sarap piktusan sa mukha. grr!

muli kung binalik ang phone sa bulsa ko sala naglakad pabalik sa pinanggalingan ko, sakto namang paglabas ko sa gym nakasalubong ko si Dean Mirosa.

"Good morning dean" bagamat hindi nakangiti ay nagbigay galang pa rin ako.

"bakit nandito ka pa? nag umpisa na ang major class mo" aniya. napakamot naman ako ng ulo. hindi ko naman pwedeng sabihin na maaga akong pumasok pero nang makita kung ngumiti si ayieka ay lumabas ako at dumiritso sa gym."anyways, diba kaklase mo si Ms. Sandoval?"

Napatango ako sa tanong niya.

"Tell her that I want to talk to her in my office" natigilan ako.

"b-bakit a-ako?" utal na tanong ko. nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

"bakit hindi? papasok ka rin naman, hindi ba?"

"E kasi dean.. ano e, ah ano kasi" wala akong maisip na sasabihin e.langya naman oh! bakit kasi ako pa? aish! kasalan to ni ayieka e.

"Is there something wrong Mr.Echavez?" napalunok ako. may bahid na kasing iritasyon ang boses ni dean.

(>_<)...

Urghhh!! bahala na nga!

"wala dean. sige po sasabihin ko po sa kanya" tinapik ako nito sa balikat saka nag lakad palayo at naiwan akong namomroblema.

paano ko yun sasabihin sa kanya?

titingnan ko ba siya?

tatawagin ko ba ang pangalan niya?

Aish! nakakainis!

"Bahala na nga, yun lang naman ang sasabihin ko e" namomroblema na naglakad ako sa gitna ng corridor at nang nasa harap na ako ng pintuan ng classroom ay huminga muna ako ng malalim.

"Hooooh" saka mariin na pumikit at kumatok sa pinto.

~TOOOOK!! TOOOOK!!~

binuksan ko yun ng dahan dahan, dahan dahan rin silang tumingin sa akin hanggang sa tuluyan ko ng nabuksan yun.

"Oh Mr.Echavez, why are you late?" tanong ni ma'am pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi don sa lalaking nakatayo sa harapan, familiar kasi.

(-_-)??...

San ko ba nakita ang lalaking 'to?

"Mr.Echavez?" untag niya pa sa pag-iisip ko.

"ah, kinausap pa kasi ako ni dean" sabi ko. yun naman talaga ang totoo e."at gusto raw niyang makausap si..."

"si?" naghihintay ng kasunod na kasubod si ma'am, iginala ko muna ang paningin ko sa loob ng classroom. lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot pwera nalang kay alam niyo na kung sino siya.

"Sino Mr.Echavez?"

"S-si Sandoval ma'am" utal na sagot ko, mas lalo atang nanginig ang katawan ko nang makita ko si ayieka na lumingon sa kinatatayuan ko at mag tama ang paningin namin.

~LUNOOOOK!!~

kaya bago paman bumilis ang tibok ng puso ko ay iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at ibinaling yun kay ma'am na nasa harapan.

"Ms.Sandoval, tawag ka raw ni Dean Mirosa" pag uulit ni ma'am saka bumaling don sa isa pang lalaking nakatayon rin sa harapan."You can sit now" tumingin ito sa akin."at ikaw rin Mr.Echavez, pumasok ka na"

Tumango ako at pumasok sa loob nang naka tungo ang ulo hanggang sa may maramdaman akong sumagi sa balikat ko kasabay non ang dahan dahan pag tigil ng mundo ko.

"ganon ba kahirap sabihin ang apelyido ko kennai?" boses ni...

(O_O)...

A-ayieka.

~LUNOOOK!!~

bumilis na naman ang tibok ng traydor kung puso.

LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB! LUB! DUB!

Iniangat ko ang ulo ko para tingnan sana ang deriksyon niya pero nakalagpas na ito at nakatalikod sa akin, akala ko magtutuloy na ito sa paglalakad pero nagtaka ako ng tumigil siya.

"Ang liit talaga ng mundo, biruin mo dito ka rin pala nag-aaral Ms.Ayieka" ani ng isang boses sa harapan ni ayieka, kaya pala ito tumigil ito dahil nakaharang yung lalaki sa dadaanan niya.

(A/n: ganito yung posisyon nila sa gitna ng classroom. kennai - ayieka- yung lalaki )

"Nagkakamali ka dahil sobrang laki ng mundo, sadyang pinaliliit mo lang talaga dahil sa katopakan ng utak mo" napanganga ako sa naisagot ni ayieka.

(O_O)...

Do they know each other?

nakita kung kumunot ang noo ng lalaki pero bigla itong ngumisi lalo na nong mapadako ang tingin nito sa akin.

(O_O)...

What the fvck!

"mukhang magiging masaya ang pag-aaral ko dito" aniya pero nanatili pa rin itong nakatingin sa akin.

Anong problema ng lalaking 'to? bading ata 'to e.

familiar talaga ang mukha niya, parang nakita o nakasalubong ko na'to noon at nakalimutan ko lang.

"tss" yun lang ang isinagot ni ayieka saka nilagpasan yung lalaking kaharap niya kanina, at ngayon kami namang dalawa ang magkaharap.

And with that, biglang nag flash back sa akin yung sa parking lot, yung lalaking may kausap sa phone habang papunta sa kotse niya.

"Tama, ikaw yun" turo ko sa kanya. mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ko non dahil nag sitinginan lahat ng mga kaklase ko sa amin.

"What?" magkasalubong ang kilay na anas nong lalaki. nahihiyang ibinaba ko naman yung daliri kung nakaturo sa kanya.

"Do you have any problem with the transferee student Mr.Echavez?" rinig kung tanong ni ma'am. napalunok ako at napayuko sa sobrang hiya.

"wala po ma'am"

"excuse me, nakaharang ka sa daanan ko" sabi nong new student daw saka ito naglakad at binangga ako sa braso.

(O_O)...

Aba't, puta! mukhang sinusubukan ata ako ng gagong 'to ah!

bago paman ako makapagsalita ay nakalagpas na ito sa akin saka umupo don aa upoang inupuan ni ayieka kanina.

kuyom ang kamaong naglakad ako papunta sa upoang katabi ni sebby.

"hindi ko gusto ang bagong estudyante na yun" anas ko aa sarili. mukhang narinig ata yun ni sebby dahil inilapit nito ang upuan niya sa upuan ko.

"Ako rin parekoy" aniya. inilayo ko ang mukha ko sa kanya. gago e, sobrang lapit kasi ng mukha ng gunggong na'to.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko, baka kasi parehas kami nang nasa isip.

"e kasi feeling close siya sa idol ko" matalim na tumingin ako sa kanya saka siya binatukan.

~BOOINK!!~

"Ano ba!" mahinang sabi niya saka hinawakan ang ulo.

"ang gago mo" inis na saad ko at tumingin nalang sa harapan.

langya. akala ko pa naman nararamdaman niya rin yung nararamdaman ko na parang may iba sa lalaking yun.

Ayieka's POV

Ipinark ko ang motor ko nang marating ko ang parking lot ng E.U.

hindi rin naman kasi ako nakatulog pag uwi ko kaninang madaling araw kaya tumambay nalang ako sa bubong hanggang sa mag umaga.

bumaba ako ako aa motor ko saka tininggal ang helmet sa ulo ko at dinala yun papasok sa loob.

dumiritso na ako sa classroom at ang mukha mismo ni kennai ang unang nakita ko.

papatayo na sana ito pero biglang umupo muli, at para bang gulat na gulat na nakatingin sa akin.

(>_<)...

Anong nangyari sa isang 'to? kung hindi siya gulat na gulat, minsan naman ay galit na galit. nababaliw na ata to e! tss!

dahil sa matapang siya na nakipag titigan sa akin ay tinitigan ko na rin ang mga mata niya, nanatitili kami sa ganon hanggang sa tumunog ata ang phone nito dahil itinapat nito yun sa kaliwang tenga niya.

nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok, hindi ko alam kung sino at kung ano ang pinag usapan nila ng kausap niya sa phone basta nakita ko nalang nan nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

(……)...

Ulol, napaka mukha niyang ewan! tss.

"alexis?" iniwas ko ang paningin ko nang banggitin niya ang pangalan ng babaeng yun. tss pagkatapos ay dumiritso na ako sa upoan kung saan ako palaging umuupo.

"Look, I uhhh.. wait for me there" rinig kung anas niya, napangalumbabang tumingin ako sa deriksyon niya at wala sa sariling tiningnan at bawat reaksyon ng mukha niya.

nakakatawa kasi tingnan, bakla na bakla!

nakita ko siyang parang tangang  tiningnan ang phone niya, lumingon ito sa pwesto ko at mas lalo pa atang nanlaki ang mga mata nito nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.

(__)...

Seriously? mukhang dinaig pa niya ang tarsier sa bohol sa laki ng mga singkit niyang mata.

"Tss" di mapigilang anas ko saka punikit at muling dumilat.

at sa pag dilat ng mga mata ko ay bakita ko siyang nakapikit na, this time hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko ang mapangiti, mukhang tanga e'

marahan nitong sibuntok ang dibdib na para bang hindi siya makahinga, lalo akong napangisi.

(>_<)...

Ano bang problema nitong aso na'to? bakit ba laging ganyan nalang ang reaction niya? nakakatakot ba talaga ang pamumukha ko? gago siya. tss!

Nanatili pa ako sa ganon nang bigla itong tumayo at parang tangang naglakad palabas sa room.

Hahahaha! laughtrip ang bakla na 'yun.tss!

isinubsob ko nalang ang sarili ko sa mesa, hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nasa ganong posisyon basta naramdaman ko nalang na may isang pares ng matang naka titig sa akin,

iniangat ko ang paningin ko at iginala ang paningin ko sa loob ng kinauupoan ko.

nakita ko si kengkoy na parang baliw na nakapangalumbabang nakatingin sa akin.

(__)...

Isa pa'tong ewan. tss!

"Goodmorning idol" abot langit ang ngiting bati niya, tumango ako. bigla itong tumuwid ng upo at parang hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"Tumango ka?" huh? ano daw?

"as in tinanguan mo talaga ako sa pag bati ko?" pag uulit niya pa. kumunot naman ang noo ko.

yung totoo ilang ba talaga silang baliw na nag eexist sa mundo? tss!

mas lalo pang kumunot ang noo ko nang makita ko siyang iginalaw na parang kumikimbot ang katawan niya sa upoan.

(__)..

Wala na! malala na talaga ang kabaliwan nito. tss!

"wow, talagang tumango ka, edi parang binati mo na rin ako? haha" aniya.

dahil wala naman akong matinong mahihita sa isang to ay ibinaling ko nalang sa harapan ang atensyon at hindi nalang pinanansin ang kabaliwang pinagsasabi niya.

Ilang minuto lang ay pumasok na ang Clinical Instructor namin kasunod ang hindi ko inaasahang tao.

"Good morning class, kasama ko ang bago nying ka block" pagbabalita niya."introduce yourself now young man"

"Good morning blockmates, I am steven chua from University of San carlos" aniya. nagbulongan naman ang mga kaklse ko, mostly mga babae.

nakita kung tumingin ito sa deriksyon ko at nag tama ang paningin namin, nakangisi siya pero hindi ako interesado.

ibinaling ko nalang sa board ang atensyon.

"Is it okay if I ask you kung bakit ka lumipat dito? I mean, UOSC is one of the most prestigious Universities here in the philippines and aside from that napakalayo rin ng E.U sa UOSC" ani ni ma'am.

(__)...

hanep. pati talaga dito sa E.U ay sinundan ako. nice!

"dahil nakakasawa na don at kailangan ko ng bagong environment at itong E.U ang napili ako, napaka interesanti" batid kung nakatingin pa rin siya sa akin,"lalong lalo na ang mga taong nag aaral dito" natigilan ako't muling napalingon sa kinatatayuan niya, binigyan ako nito ng mapang-asar na ngiti habang nakatitig sa mga mata ko.

(>_<)...

huwag mong ubusin ang pasensya ko Steven Chua, dahil kulang pa ang inpormasyong alam mo tungkol sa akin at mas lalong hindi mo pa alam kung paano ako magalit sa isang kagaya mong pilit na nagsusumiksik sa mundo ko.

~TOOOOK!! TOOOOK!!~

naagaw ng katok na yun ang atensyon ng mga tao, nag cross arm ako at tiningnan ang tanawin sa labas.

"Oh Mr.Echavez, why are you late?" rinig kung tanong ng Instructor.

(-_-)...

Si aso lang pala, mabuti naman at bumalik na ang utak nito sa lupa.

"Mr.Echavez?" boses pa rin ni ma'am.

"ah, kinausap pa kasi ako ni dean at gusto raw niyang makausap si..."

"si?"

wala akong narinig na sagot galing kay kennai.

"Sino Mr.Echavez?" rinig kung pag uulit ng instructor namin.

"S-si Sandoval ma'am" utal na sagot nito kaya napalingon ako sa pintuan.

(>_<)...

tangnang asong 'to, para bang nakakahawang sakit ang pangalan ko na pag binanggit niya e mamatay siya. langya! hirap na hirap e.

"Ms.Sandoval, tawag ka raw ni Dean Mirosa" alam ko yun at narinig ko, di na kailangang ulitin pa.."You can sit now at ikaw rin Mr.Echavez, pumasok ka na"

tumayo na ako mula sa pagkakaupo, nakita ko naman na pumasok si kennai nang nakayuko kaya hindi nito nakitang magkaharap na kami, umiwas ako at dumaan sa gilid niya pero nagtama parin ang mga balikat namin.

"ganon ba kahirap sabihin ang apelyido ko kennai?" mahinang anas ko, tumigil siya, nagdiridiritso naman ako sa paglalakad.

sakto namang pagkalampas ko ay ang paglalakad rin ni steven papunta sa deriksyon ko kaya nagkaharap kami .

hindi ko magawang magpatuloy sa paglalakad dahil nakaharang ito sa daanan ko.

(……)...

Nananadya talaga tong ugok na'to. tss!

nakangiti itong nakatingin sa akin at tiningnan ko naman siya gamit ang walang emosyon kung mukha.

"Ang liit talaga ng mundo, biruin mo dito ka rin pala nag-aaral Ms.Ayieka"

(-_-)...

Malamang, alam mo na yun bago paman tayo nagkita. galing umarti nito. tss!

"Nagkakamali ka dahil sobrang laki ng mundo, sadyang pinaliliit mo lang talaga dahil sa katopakan ng utak mo" walang emosyong sabi ko. sige lang, pakasawa ka sa pangingialam sa buhay ko, tingnan natin kung saan ang kaya mo.

kumunot ang noo nito pero bigla ring ngumisi lalo na't lumagpas ang tingin nito sa akin.

"mukhang magiging masaya ang pag-aaral ko dito" nakangising anas niya. nagulat ako sa mga huling binitawan niya pero hindi ko pinahalata yun.

at base sa sinabi niya, alam kung hindi lang ako ang pinaiimbestigahan niya.

(……)...

Sino sino pa sa paligid kung mga tao ang pinagkakainteresadohan mo steven chua?

"tss" yun lang ang naisagot ko saka naglakad at dumaan sa kiliran niya.

Naipikit ko nang mariin ang mga mata ko nang tuluyan na akong makalabas sa silid na yun.

hindi ko alam kung anong dala mo sa bahay ko, o kung magiging kalaban ba kita o kakampi, pero isa lang ang sisiguradohin ko sa pagmumukha mo,hinding hindi mo ako mahahawakan sa leeg kahit na anong gawin mo dahil uunahan na kita bago mo pa magawa yun.

nagsimula na akong maglakad papunta sa Dean's office ng COC, ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng pinto.

dahil gawa sa glass ang pader ng office na yun, kita ko ang pag-uusap nila ni coach Ian habang nakatayo. sakto namang lumingon si dean sa akin at nginitian ako, tumingin na rin sa deriksyon ko si ian at nagtama ang paningin namin. ngumiti ito pero ipinag kibit balikat lamang ako.

since nakita na naman nila ako ay hindi na ako nag abala pang kumatok, binuksan ko nalang yung glass door saka pumasok.

nakangiting nakatingin sila sa akin.

"Good morning dean" walang emosyong bati ko. batid kung naghihintay lang din si Ian na batiin ko siya pero hindi ko yun ginawa dahil unang una hindi naman siya ang sadya ko dito.

"Good morning too Ms.Sandoval" ani ni dean."have a sit" aniya sabay lahad sa bakanting upoan sa gilid ni coach.

tiningnan ko lang yun at hindi umupo. nanatili pa rin ako sa kinatayuan ko.

"Ahem" nag peke ng ubo si dean,"Nakapag decide ka na ba kung anong kakantahin mo?"

hindi ko magawang sagutin ang tanong niya dahil dahil diretso kung tiningnan si Ian sa harapan ko.

(___)...

Ano pang kailangan nito dito? makiki chismis? tss!

mukhang nakahalata ito na ayaw kong nandito siya sa loob.

"sige d-dean, mag-usap n-nalang uli tayo sa s-susunod" aniya.

"Sige, aasahan kita sa napag-usapan natin" tumango ito saka bumaling sa akin.

"sige, una na ako sa'yo a-ayieka" aniya pa.

"hmmm" walang ganang tugon ko. napakamot ito sa ulo bago lumabas. saka lang ako bumaling kay dean.

"Have you decide already about the song that you are going to perform tomorrow night?" ulit nito sa tanong nito kanina.

tungkol kasi sa Acquaintance party yung napag-usapan namin nong minsang ipatawag niya ako kay Ian sa klase ko at binalita niyang ako ang napili niyang kumanta para sa gabing yun.

huminga ako ng malalim at sinagot siya.

"Hindi pa" nagulat siya sa naisagot ko.

"What? bukas na ang acquaintance party Ms.Sandoval"

"alam ko" alam ko naman talag yun e, wala lang talaga akong time mag-isip at tsaka wala naman akong naalalang pumayag na ako, ang sabi ko lang ay pag-iisipan ko."ano bang mapapala ko pag kumanta ako?"nakita kong napalunok siya sa sinabi ko.

"Name it and you can have it" napangisi ako sa sinabi niya. tatlong taon na kaming ganito, lahat ng ipinapagawa niya sa akin tungkol sa school ay may kapalit. dahil ganon naman talaga sa buhay, lahat ng ginagawa mo ay may kabayaran. pati nga ang pagkabuhay ng lahat ng tao ay may kabayaran. tss!

"I wan't a detailed information about your new transferee student"

"sino?"

"Steven Chua" diretsong sagot ko. kumunot naman ang noo niya.

"The one from UOSC?" tumango ako."why him? nakakapanibago naman atang tao ngayon ang kapalit ng hinihingi ko sa'yo"

"ibibigay mo ba ang gusto ko Dean Mirosa o hindi?"

"Okay, I will give it to you tomorrow morning basta aasahan ko ang performance mo bukas ng gabi" aniya.

hindi ko alam kung bakit lagi nalang ako ang pinapakanta niya e for sure hindi lang naman ako ang marunong kumanta sa department namin, nakakapagtaka lang.tss!

Pagktapatos ng pag-uusap naming yun ay lumabas na ako at dumiritso sa canteen, gutom na rin kasi ako at pag ganitong oras ay tahimik pa at wala pang tao sa canteen.

nag order ako ng pagkain saka umupo don sa bakanting upoan sapinaka sulok at nagsimulang kumain.

Nang matapos na ako ay saka lamang ako tumayo at mulimg pumunta sa counter.

"Miss, pabili ng mugo mugo yung white" sabay abot nong bayad ko. buti nalang at wala ngayon yung unggoy na taga bantay tss.

ibinigay niya sa akin yun pakatapos ay lumabas na ako at naglakad pabalik sa room, papaliko na sana ako sa corridor nang may makasalubomg ako.

(__)....

na naman? tangna!

"Talagang ipinagtatagpo tayo nang tadhana ayieka" nakangising anas niya.

"gawa gawa lang ng walang kwenta mong utak yang tadhanang sinasabi mo" sarkastikong sabi ko."Nakakapagtaka lang, hindi ka naman siguro lilipat sa University na'to kung ako lang ang pakay mo. sino pa or should I say sino-sinu pa silang puntirya mo dito sa school na'to?"

halata sa mukha niyang nagulat siya sa isiniwalat ko pero ilang sigundo lang ay nakabawi rin ito.

"Bilib rin talaga ako sa talas ng pakiramdam mo" aniya sabay ngisi.

"Bilib rin ako sa tapang mong sumuong sa laban na paniguradong ikaw naman ang dehado"

"maaring kulang pa ang alam ko tungkol sainyo pero sisiguraduhin kung kayo ang magiging dehado sa huli"

(.....)...

Huli ka!

"So, tama nga ako na hindi lang ako ang pakay mo dito" natigilan siya sa sinabi ko."sa pagkakaalala ko kasi patanong yung sinabi ko kanina at hindi statement" ngumisi ako."tanong na binigyan mo naman ng kumpirmasyon at sagot ngayon ngayon lang"

nakita kung ikinuyom niya ang dalawang kamao, kaya mas lalo akong napangisi.

"Yan mismong katangahan mo sa mga maliliit na bagay ang magpapatalo sa'yo sa laban at magdadala sa'yo sa ilalim ng lupa" huminga ako ng malalim."Umatras ka na at bumalik sa UOSC hangga't kaya mo pa, hindi ito ang mundo mo at hindi ka para dito. wag mong ipilit ang sarili mo sa mundong puno ng dilim at gulo"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo" sabay hawak niya sa balikat ko at napapikit ako ng mariin ng diinan niya pa yun.

mabilis akong umikot sa pagkakahawak niya.

mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko dahil nabitawan niya agad ako, sinamantala ko yun at agad na hinawakan siya sa braso at ipinilipit yun sa likuran niya saka siya itinulak ng malakas paharap sa pader.

~BLAAAAAAAG!!~

hinila ko ang buhok niya dahilan para maiangat niya ang ulo niya, mas lalo ko pa siyang diniinan sa pader. inilapit ko rin ang bibig sa kaliwang tainga niya.

"hindi mo rin alam ang ginagawa mo steven chua" binigyan ko ng diin ang pagkakasambit ko sa pangalan niya, ramdam ko ang pag alog ng balikat niya saka mahinang tumawa."sige lang, magpakasaya ka dahil pag ako napuno dahil sa'yo, humanda ka dahil titiyakin kung papipistahan ng uuod sa lupa ang bulok mong katawan"

"What's happening here?" ani ng isang boses, ngumisi ako at dahan dahang binitawan ang pagkakahawak ko at pagkakadiin kay steven sa pader.

pinulot ko ang mogu mogu na nalaglag kanina at tumalikod na ako, hindi na ako nag abala pang lingunin ang may-ari ng boses na yun dahil paniguradong hahaba lang ang POV na'to.

sakto namang sa pagharap ko ay mukha nila kennai at sebby na gulat na gulat ang nabungaran ko.

"Ayieka" tawag sa akin ng boses na yun, na boses mismo ni Ian.

tumigil ako sa paglalakad at binuksan ang mogu mogung hawak ko saka ininom yun pagkatapos ay muli na akong naglakad.

nakita kong kumunot ang noo ni kennai sa ginawa ko, may halong pagtataka naman ang mukha ni sebby.

nilagpasan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.

(………)...

Napakawalang kwenta ng mga tao sa paligid ko.

diritso na akong umupo sa upuan ko pagkapasok ko sa room, di ko pinansin ang mga matang nakamasid sa akin pagkapasok ko.

wala akong time para dukutin isa isa ang mga walang kwenta nilang mga mata. tss!

itinuon ko nalang ang atensyon ko kung saan walang kwentang nagsasalita ang Instructor namin.

Sebby's POV

ngumuso ako nang makglakad si idol palabas sa room.

gusto ko siyang samahan pero naisip ko baka bigwasan lang ako non sa mukha. sayang naman ang ka cutan ko sabi sa comment ni bunchofloves sa chapter 16.

nagulat nalang alo ng biglang sumigaw si parekoy ng darna, di joke lang.

"Tama, ikaw yun" anito sabay turo don sa bagong estudyante na kanina pa tingin ng tingin sa idol ko.

"What?" salubong ang kilay naman na sabi nong steven chua daw.pwee ang pangit ng pangalan. ayaw ko sa kanya dahil ayaw ko lang sa mukha niya.

"Do you have any problem with the transferee student Mr.Echavez?" nakisawsaw na rin si ma'am.

(•_•)....

ano bang problema ni parekoy? magkakilala ba sila?

"wala po ma'am"

"excuse me, nakaharang ka sa daan ko" aba't hambog to ah! resbakan kita mamaya parekoy.

nakita kung naglakad nalang si parekoy na salubong ang kilay papunta sa bakanting upuan sa tabi ko.

"hindi ko gusto ang bagong estudyante na yun" bulong niya pero narinig ko dahil matalas ang pandinig ko.inilapit ko sa kanya ang upuan ko pati na rin ang mukha ko.

pag ganito kasing importanting bagay ang pag-uusapan namin, kailangan ko talagang ilapit ang mukha  ko sa kanya para walang ibang nakarinig.

"Ako rin parekoy" pag sang-ayun ko. parang nandidiring inilayo naman niya ang sarili niya sa akin.

(>_<)...

Ang arti nitong asong 'to! di ba niya alam na ganito nag-uusap ang mga detrctives pag may kasong rinirisolba? tsk tsk!

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong niya.

"e kasi feeling close siya sa idol ko" confident na sagot ko, mukhang hindi niya yun nagustohan dahil daig ko pa ang mamatay dahil sa talim ng tingin niya pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag batok niya sa akin.

~BOINK!!~

(>_<)....

Langya! bawas points ang ginawa niya.

"Ano ba!" inis na anas ko pero sa mahinang paraan saka hinawakan ang ulo ko at inayus ang buhok ko na nasira dahil sa pag batok ng asong 'to.

"ang gago mo" iniya. saka ibinaling sa harapan ang paningin niya.

aba't! ako pa ang gago? haah! pareho kaya kami pero mas cute ako.

"pero seryosong usapan parekoy, hindi ko talaga gusto yung bagong estudyante, para kasing may iba" yung katulad kay alexis na aura, hindi mapagkakatiwalaan.

muli itong tumingin sa akin saka inilapit ang mukha. lumayo nga ako ng kaunti. ginaya ko yung ginawa niya kanina.

akmang susuntukin niya ako, mabuti nalang at mabilis kung naiharang ang dalawang kamay ko sa mukha ko.

(O_O)...

Langya! mukha ko pa talaga ang puntirya nito.

"Ano ba! wag nga ang cute kung mukha" inis na sabi ko. nakita kong ibinaba niya yung kamao niya kaya binaba ko na rin yung dalawang kamay ko mula sa pagkakaharang sa mukha ko.

"kahit kailan talaga wala kang kwenta kausap" aniya. aba't!

"e ba't ka naiinis? ginaya ko lang naman yung kaartehan mo kanina" nakangusong saad ko. totoo naman kasi. hmmp!

"Whatever you say asshole, balik tayo don sa simabi mo" kumunot ang noo ko.

"huh? alin don?" ang dami kaya ng mga sinabi ko."wag mong ituloy iyan" pigil ko sa kanya. nakita ko kasi siyang bumwelo ng suntok. langya talaga to. napaka battered bestfriend ko naman sa estoryang 'to. huhu

"yung tungkol sa hindi mo gusto yung bagong estudyante?"

"yun ba? o e anong meron don?" nakita kung pumikit ito ng mariin na halatang nauubosan na ng pasensya.

ngumiti ako ng ubod tamis saka nag peace sign sa kanya (^__^)V..

"hehe joke lang parekoy" nakangiting sabi ko. mukhang mainit na ata ang ulo nito, nasobraan ara ang pagpapainit ko. hehe."seryoso na'to, hindi ko talaga gusto yung steven chua, iba kasi parang iba siya kung tumingin, parang walang matinong gagawin" hininaan ko ang pagkaka banggit sa pangalan mong bagong estudyante baka kasi kasing talas ng mga tainga ko ang tainga non e magka gulo pa.

"Akalain mo, sa laki mong tanga napansin mo pa yan" umasim ang mukha ko sa sinabi niya.

Yan, pag ginantihan ko, umiinit ang ulo at bigla nalang nanakit. hmp! humanda ka pag humupa na ang init ng ulo mo dahil paiinitin ko uli. *Evil laugh*

"alam mo bang nakita ko na siya kenkoy" kita mo'to, nakiki kenkoy na rin. pag ako ang nakikibakla, nagagalit. unfair talaga tong asong 'to. buti nalang at kaibigan ko'to.

"kailan?"

"nong gabing nag bar hap tayo. habang hinihintay ko kayo sa parking lot, nakita ko siya na habang may kausap sa phone at narinig ko yung pinag usapan nila"

"naka loud speaker?"

"Ungas. hindi. yung mga sinabi niya lang"

(O_O)...

ang gulo naman nito, sabi niya yung napag-usapan ang narinig niya tapos yun lang palang mga sinabi ni steven. gulo e noh?

"ayusin mo kasi" ngumuso siya."anong narinig mo naman?" pagbabalik ko sa pinag-usapan namin, lumihis na kasi.

ikiniwento niya lahat ng narinig niya at hindi ko maiwasang hindi sulyapan ang parting kinauupuan ng taong pinag-uusapan namin.

nakaupo lang ito na para bang walang pakialam sa paligid habang nakatingin sa phone niya at pumipindot.

"Ang huling narinig ko nalang ay ang sinabi niyang transfer me to her school as soon as possible" muli kong ibinalik kay parekoy ang paningin ko.

"Her? sino naman kayang her na yun?" tanong ko.

"hindi ko alam" aniya."pero teka, hindi kaya si ayieka?"

"si idol? bakit naman si idol? magkakilala ba sila?"

"hindi ko rin alam, okay? sabi mo nga kakaiba yung tingin niya kay ayieka, baka si ayieka nga yung tinutukoy niya, baka lang naman" napaisip tuloy ako sa sinabi ni parekoy.

(O_O)??..

si idol nga ba talaga? pero bakit at paano?

patuloy lang kami sa pag-iisp nang makita kong tumayo si steven, siniko ko si kennai at ininguso yung deriksyon nito.

lumapit ito kay ma'am at parang nag excuse saka lumabas.

nagkatinginan kami ni kennai at sabay na tumayo at isa lang ang nasa isip namin.

MISSION: sundan siya.

Kennai's POV

Sabay kaming naglakad ni sebby papunta kay ma'am at nagpaalam, mabuti nalang at nadala sa charms at pumayag naman.

Nagkatinginan kami at parang nakahinga ng maluwag nang makalabas na kami sa room.

"Tayo na, kailangan na nating gamapanan ang pagiging detectives at sundan ang suspect na'yun"

"What?" litong tanong ko. ano bang pinag-sasabi nito?

"Detectives, ikaw at ako" aniya. itinuro niya pa talaga ako at ang sarili niya."wala ka bang alam sa mga detectives? yung mga may sinunsundan at sinisolve na kaso? yan tayo ngayon"

(>_<)...

What the fvck! yung totoo, okay ba talaga ang utak nitong kaibigan ko?

"Ewan ko sa'yo" sabi ko nalang at hindi na pinansin ang mga kabaliwan ng mga salita niya. iniwan ko na at naglakad palayo, baka kasi mahawa pa ako sa utak meron yun.

"Hoy partner's in crime, wag mo akong ewan dahil detective rin ako" aish. isa nalang, masasapak ko na'tong kaibigan ko. grr!

rinig ko ang malalaking hakbang ng mga paa ni sebby, hanggang sa maramdaman ko na'to sa kiliran ko.

"Hindi mo dapat iniiwan ang partner mo" aniya. huminga nalang ako ng malalim para hindi ko masuntok sa nukha.

papaliko na kami sa corridor ng makita namin si ayieka na hinawakan ni steven yung pangalan sa balikat.

nagkatinginan kami ni sebby at muli rin tumingin don sa dalawang pares ng katawan ilang dipa mula sa kinatatayuan namin.

nanlaki ang mga mata ko ng mabilis umikot si ayieka, kaya napabitiw si steven mula sa pagkakahawak nito.

pero mas napanganga ako ng ang kaninang kamay na nakahawak aa balikat niya ay nagawa niyang mahawakan at ipinilipit yun sa likuran nong lalaking katunggali niya saka mabilis itong itinulak at idinikit paharap sa pader.

~BLAAAAAG!!~

(O_O)...

(O_O)...

(O_O)....

~LUNOOOOK!!~

ang bilis niya! hindi ko inaasahan na ganon siya kabilis.

~LUNOOOOK!!~

aaminin kung masyado akong namangha pero hindi ko alam kung bakit may parto ng pagkatao ko ang nakakaramdam ng takot, takot sa hindi ko malamang dahilan.

nakita kung hinila niya yung buhok ni steven dahilan para maiangat nito ang ulo. ninilapit ni ayieka yung mukha niya sa kaliwang tainga ni steven at para bang may sinasabi ito base na rin sa buka ng bibig niya.

(>_<)...

Anong sinabi niya dito?

masyado atang nakatuon ang atensyon namin sa kanila dahil hindi man lang kami nakahalata na hindi lang pala kami ang tao na nandoon.

"What's happening here?" tiningnan ko ang may-ari ng boses na yun at nakita ko si coach unggoy na nakatayo sa harapan habang nakatingin sa kanila ni ayieka.

(>_<)...

Ano na namang ginagawa ng unggoy na'to dito?

muli kong ibinalik kina ayieka ang atensyon ko, nakita ko siyang may pinulot na plastic bottle saka tumalikod paharap sa amin.

~LUNOOOOK!!~

gusto kung hilahin si sebby para magtago pero dammit, huli na dahil nakita na niya kami.

"Ayieka" tawag pa uli ni coach unggoy sa pangalan ni ayieka. tumigil ito sa paglalakad, akala ko'y magsasalita ito pero...

(O_O)...

What the hell!.

binuksan lang nito ang plastic bottle na dala sa walang sabi sabing ininom ang laman non.

kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

walangya! akala ko kung ano na! paksheyt!

nanatili lang itong nakatingin sa amin hanggang sa makalagpas na ito sa kinatatayuan namin.

huminga ako ng malalim, nakita ko namang lumapit si coach unggoy don sa kay steven.

"Are you okay?" rinig kung tanong ni coach, pero hindi man lang sumagot yung tinanong niya dahil mukhang busy ito sa pag aayos ng buhok at ng sarili."ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa niya" dagdag pa niya.

(>_<)...

Oh di ikaw na ang bida. grr!

hindi pa rin nagsalita yung steven, inilabas lang nito ang phone niya na para bang may binabasa saka lang iti tumingin kay unggoy pagkatapos.

"Hindi ko kailangan ng dispensa mo" natigilan ako. what the fvck!. rinig ko namang parang natatawa yung katabi ko kaya siniko ko.

mukhang hindi rin inaasahan ni coach yung sinabi ng kaharap niya dahil halatang natigilan ito, nakita nalang namin na naglakad na si steven palayo at lumabas sa corridor.

tumingin ito sa deriksyon namin at parang nahihiyang tumalikod na rin ito at naglakad palayo.

tiningnan ko ang katabi ko, namumula na ang mukha nito sa sobrang pag pipigil ng tawa.

"pakawalan mo na yang tawang pinipigilan mo" matabang na saad ko, para namang yun lang ang hinihintay niya at malakas na tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa niya sabay hawak sa tiyan."HAHAHAHAHAHAHA walanghiya, HAHAHAHAHA, ang epic non" tiningnan ko lang siya, patuloy pa rin ito sa pagtawa.

ilang minuto lang din ay tumigil na ito at pinunasan ang maluha luha niyang mata.

"Tapos ka na?" tanong ko, ngumuso naman siya.

"Hindi ka natawa don?"

"may rason ba para matawa ako?" mas lalo siyang ngumuso.

"Oo, nakakatawa kaya yun, napatawa nga ako"talagang itinulad pa niya ako sa kanya? grr!

"Hindi ako kasing babaw ng kasiyahan mo" sagot ko nalang saka nagsimulang maglakad pabalik sa pinanggalingan namin.

"Saan ka pupunta?"

"papasok na uli" sagot ko.

"Bakit? tapos na ba ang mission natin?"

(O_O)...

fvck! ano bang mission ang sinasabi nito?

tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Anong bang pinagsasabi mo?"

"Tapos na ba tayo sa pagsunod kay steven chua?"nak ng engkanto naman o, yung totoo kasama ko ba talaga to kanina? grr!

"kanina siya umalis, tanga!"

"Ha? saan siya nagpunta?" fvck! inis na sinabunutan ko nalang ang sarili ko. fvck! fvck! fvck!

"ewan ko sa'yo gago ka, peste!" mura ko saka muking naglakad, pero halos sumabog na ata ang inis ko sa huling sinabi niya.

"Ay, Mission failed tayo. tsk tsk, wala taying kwentang detectives"

(>_<)...

urghh! nababaliw ka na Sebby Marcarus!

*************★★

Continue Reading